You are on page 1of 17

BULACAN STATE UNIVERSITY

KABANATA III
“KABATAAN AT REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN NI JOSE RIZAL”
BULACAN STATE UNIVERSITY

KABATAAN AT REBOLUSYONG PANGKAISIPAN NI RIZAL


Pambungad na Salita
Ang modyul na ito ay naglalayong matutugunan ang pangangailangan ng isang babasahing
tagalog tungkol sa pagsilang, pamilya, kabataan, pagkamulat at karanasan sa pag-ibig ni Jose Rizal.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang naratibo na nauukol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng
dakilang bayani, na hindi pa gaanong nababatid ng karamihan,upang makaganyak ng maraming pang
Pilipino lalu na ang kabataan na matularan din nila at malaunan ay makita din nila ang oportunidad na
tinagin ang kanilang mga sarili na mapaiba din sa karaniwang Pilipino kahalintulad din ng naiwang
halimbawa o inspirasyon ni Jose Rizal. Sabi nga, ang buhay ni Rizal ay maihahalintulad sa isang balon
na habang sinasalukan ay lalo naming sumasarap ang tubig na idinudulot sa isang mauhawin sa
magagandang aral.

Mga Paksa
a. Pagsilang,pamilya at kamusmusan
b. Kabataan at unang edukasyon
c. Mataas na edukasyon
d. Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas
e. Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagsilang at pamilya
Isinilang si Jose Rizal noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba sa lalawigan ng
Laguna. Ang bayang ito ay napapagitnaan ng Lawa ng Laguna at Batangas.Si Jose Rizal ang ika-pito
sa labing –isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Siya ay biniyagan
noong ika-22 ng Hunyo,1861 ni Pari Rufino Collantes, kura paroko ng Calamba. Ang kanyang ninong ay
si Pedro Casañas.
Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Binan, Laguna, noong Mayo
11,1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa,
pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa
asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming
nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong
Enero 5,1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na
"Huwarang Ama".

Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at
nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod.
Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at taglay niya
ang kahalintulad na katatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking
Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mahusay mag Espanyol kaysa sa akin. Siya ang
nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng
retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa
Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang Pamilya Rizal


Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ng
labing-isang anak – dalawang lalaki at siyam na babae. Sila ay sina:
Saturnina (1850 – 1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y Neneng;
ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.
Paciano - kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang
nakababatang kapatid na lalaki , sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at naging Heneral; pagkaraan ng
Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Baños , kung saan siya ay naging magsasaka at
namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa
kanyang kinakasama (Severina Decena) – isang lalaki at isang babae.
Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni
Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.
Olimpia (1855-1887) –ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila.
Lucia (1857- 1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Padre
Casañas. Namatay sa sakit na kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang
Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Jose Rizal.
Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng
Biñan, Laguna.
JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay
Pepe; habang bilanggo sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula
Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol at namatay,
pinangalanan siyang "Francisco” ni Rizal, sunod sa ngalan ng ama, at inilibing siya sa Dapitan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na
3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal.
Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa
edad na 80.
Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang
dalaga noon 1951 sa edad na 83.
Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng;
ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.

Ang pangalan ng Bayani


Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ang buong pangalan ng bayani..Ang Jose ay
ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagbibigay-karangalan kay San Jose na isinilang noong
ika-19 ng Marso
Ang pangalang Protacio ay buhat sa kalendaryo, sapagkat lahat ng isinilang sa ika-19 ng
Hunyo ay may katumbas na pangalan sa kalendaryong katoliko na Gervacio y Protacio at Sta.
Julian falconeri at noong panahon ng kastila ang pangalan ng bata ay kinukuha sa kalendaryo.
Ang apelyidong Mercado ay galing sa kanyang nuno na si Domingo Lamco,isang
mangangalakal na intsik.
Ang apelyidong Rizal naman ay napili ni Don Francisco na idinikit sa kanilang pangalan
alinsunod sa kautusan ni Gob. Narciso Claveria noong nobyembre 11, 1849, na lahat ng mga
Pilipinong walang apelyido ay maglagay at magdagdag sa kanilang pangalan.Napili niya ang
Rizal dahil hango ito sa salitang kastila na Ricial na ang kahulugan ay “Luntiang Bukirin”, akma
ito sa kanyang trabaho na isang magsasaka.
Ang apelyidong Realonda ay buhat sa apelyidong ginagamit ng kanyang ina na kinuha
naman sa kanyang ninang.
Ang apelyidong Alonzo ay matandang apelyido ng pamilya ng kanyang ina.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Kabataan at Edukasyon
Ang unang naging guro ni Jose ay ang kanyang ina, tinuturuan na siyang
magbasa sa edad na tatlong taong gulang.Kaya bata palang si Jose ay mahilig na
siya sa pagbabasa ng mga aklat.Naturuan siya ng kanyang ina na magbasa sa
aklat na “Amigo de los Niños” (kaibigan ng mga bata) kung saan nakalimbag ang
kwento ng gamu-gamo na naging huwaran niya sa kanyang paglaki.
Sa tulong ng kanyang kapatid na si Saturnina ay natutunan niya ang
abakada.Sa gulang na limang taon ay nabasa niya ang banal na kasulatan sa
kanilang tahanan.
Noong tatlong taong gulang si Jose ay namatay ang kanyang kapatid na si
Concha.Iyon ang kauna unahan niyang pagluha dahil sa pagmamahal sa kapatid
at pagdaramdam sa kanyang pagkawala.
Nung siya ay pitong taong gulang kanyang naisulat ang isang dula na
itinanghal sa pista ng bayan.Binili ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna ang
manuskrito sa halagang dalawang piso.
Nahilig din siya sa pagsusulat ng tula, kaya sa edad na walo ay naisulat niya ang
tulang tagalog na “Sa aking mga Kabata”, ito ay tungkol sa kahalagahan at pag-ibig
sa wika.
Habang lumalaki si Jose, kinuha siya ng mga pribadong tagapag-turo sa kanilang
tahanan. Ang una ay si Maestro Celestino, ang pangalawa ay si Maestro Lucas
Padua. At ang huli ay isang matandang lalaki, na si Leon Monroy na dating
kaklase ng kanyang ama, naging guro ni Rizal sa Latin. Sa kasamaang-palad, hindi
nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng limang buwan.
Pagkamatay ng kanyang gurong si G, Leon Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na
ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa Biñan.
Noong Hunyo, 1870, hinatid ni Paciano ni Rizal sa Biñan. Ang magkapatid ay sumakay ng
Karomata, at narating ang Biñan pagkaraan ng isa’t kalahating oras.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro ay nagsisiyesta. Nagalit siya kay
Pedro dahil pinagkatuwaan siya.Hinamon ni Jose si Pedro ng suntukan. Hindi naman nagdalawang isip
si Pedro at tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga –Calamba
na mas bata at mas maliit sa kanya.
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose,
na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking
bata. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres Salandanan, ang humamon sa
kanya ng bunong braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at nang mag-away ay muntik
nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Biñan.
Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. Dito niya nakabisado ang
multiplication table.May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino.Lagi nilang isinusumbong si Rizal
sa guro tuwing nakikipag-away siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi
nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na
bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo ng aking
guro”.
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina,
at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na siyang mag-uuwi sa kanya sa
Calamba. Nang mabasa niya ang sulat nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Biñan
kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala,
at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase.
Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 7,1871, pagkaraan ng isa’t kalahating
taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong Talim, dahil ito ang
kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko.

Ateneo De Municipal
Dahilan sa ipinamalas na kahusayan sa
larangang pang-akademya, naging mataas ang
pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya
kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco,
ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang
nakatatandang kapatid, na makipagkarera siya
sa isang paaralan sa Maynila.Ang orihinal na
plano ng ama ay sa San Juan de Letran
mag-aaral si Rizal ngunit mas nagustuhan niya
ang turo sa Ateneo kaya doon siya nakipag
eksamen.
Sa panahong yaon ang paaralan ay nasa
ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita.
Sa umpisa ay hindi tinanggap si Rizal dito dahil nahuli siya sa pagpa patala at napakaliit niya para sa
BULACAN STATE UNIVERSITY

kanyang gulang.Sa tulong ni G. Manuel Xeres pamangkin ni Padre Burgos, ay natanggap si Jose sa
Ateneo.Sa kanyang pagpapatala ay ginamit niya ang apelyidong “Rizal”.
Unang Taon sa Ateneo (1872– 1873)-sa unang buwan pa lang ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo ay
nakapagmalas na siya ng kakayahan.Siya ang tinanghal na pinakamahusay sa klase at tinawag siyang
“Emperador”.Si Padre Jose Bech - ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.Noon ay hindi pa
siya gaanong matatas sa pagsasalita ng wikang kastila kaya tuwing rises nila ay nagpupunta siya s
Colegio de Santa Isabel upang mag-aral ng kastila.
Malungkot si Rizal sa unang taon niya sa Ateneo sa dahilang ang kanyang ina ay nasa
bilangguan.Napagbintangan na nilalason ni Donya Teodora ang kanyang hipag.Nung nung siya ay
magbakasyon lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kanyang ina at kinuwentuhan ang
ina ukol sa kanyang pag-aaral.
Pangalawang Taon (1873 –1874). Masaya si Rizal dahil dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati
niyang kamag –aral sa Biñan. Sa taong 1874 nakalaya si Donya Teodora at ito ay nagdulot ng di
matawarang kasiyahan kay Rizal .Napamalas ang kasiyahan ni Rizal sa pagkakaroon ng mabubuting
marka at pagbabalik ng pagkahilig sa pagsusulat.Dito niya naisulat ang unang kastilang tula na may
pamagat na Mi Primera Inspiracion (ang aking unang Salamisim)na inialay niya sa kaarawan ng
kanyang ina.. Nahilig din siya sa pagbabasa ng mga nobela ng pag –ibig. Ang unang nobelang nahiligan
niya ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.Ipinabili niya sa kanyang ama ang Universal
History ni Cesar Cantu na nakatulong ng malaki sa kanyang pag-aaral. Binasa rin niya ang Travels in
the Philippines ni Dr. Feodore Jagor.
Ikatlong taon (1874-1875). Isa sa mga naging guro ni Rizal ay si Padre Francisco de Paula
Sanchez, inilarawan niya bilang isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag – unlad ng
kanyang mga mag –aaral. Humanga ang mga paring Heswita sa galling ni Rizal sa paglililok kaya
hiningan siya ni Padre Lleonart na ililok siya para sa Sagrado Corazon de Jesus. Ang guro niya rito ay si
Romualdo de Jesus.
Ikaapat na Taon (1875-1876) Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng mga tula at naisulat niya sa
panahong ito ang Felicitacion (pagbati) bilang tugon sa kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa
para sa kanyang asawa na si Antonio Lopez. Marami rin siyang naisulat na tulang pangrelihiyon.
Huling Taon (1876 – 1877) Nag – aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural
History. Hinikayat siya ni Padre Jose Villaclara na itigil ang pagsusulat at iwanan na niya ang grupong
Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal.Tuloy-tuloy ang pagpapamalas ni Rizal ng kanyang
katalinuhan. Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan sa paglikha ng mga sining-biswal at iba pang
anyo sa gabay ng kanyang paboritong guro na si Padre Francisco de Paula Sanchez.
Sa kanyang pagtatapos nakamit ni Rizal ang Bachiller en Artes noong Marso 23,1877 at limang
medalya.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Universidad ng Santo Tomas


Pagkaraang makatapos ni Rizal sa Ateneo
nang may pinakamataas na karangalan, ay
nagtungo naman siya sa Unibersidad ng Santo
Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Ang balak na ito ni Rizal ay tinutulan ng kanyang
ina, dahil nararamdaman ni Donya Teodora ang
hindi magandang pwedeng mangyari kay Rizal.
Aniya, ang sobrang katalinuhan ni Rizal ang
magdadala sa kanya sa hukay.
Ang Universidad sa panahon na iyon ay
pinamamahalaan ng mga paring Dominikano.
Ang unang kursong kinuha ni Rizal rito ay
Pilosopiya Y Letras. kasunod nito ay nagpatala siya
sa apat na sabay-sabay na kurso ang Kosmolohiya,
Metapisika, Teolohiya at Kasaysayan ng Pilosopiya.
Habang nag-aaral sa Santo Tomas nahikayat siya ng kanyang mga dating guro sa Ateneo na bumalik
doon kaya kumuha siya ng bokasyunal na Agrimensor. Nabigyan siya sa Ateneo ng Titulong Perito de
Agrimensor (pinaka mahusay na surbeyor).Dahil mahusay sa pagtatakda si Rizal (Scheduling) ng oras
nagampanan niya lahat ng gawain sa pag-aaral at pakikisalamuha sa kanyang mga kaibigan.
Nang sumunod na taon, sa payo ng kanyang kaibigang rector sa Ateneo na bagay sa kanya ang
kursong medisina.Sumang ayun si Rizal kaya agad na nagpatala, dahil sa panahong iyon ay nanlalabo
na ang mga mata ng kanyang ina at nais niyang gamutin ang mga ito.
Patuloy siyang dumadalaw sa Ateneo kahit na nag-aaral siya sa Pamantasan ng Santo
Tomas.(Ang Ateneo at Santo Tomas sa panahong ito ay parehong nasa intramuros)Siya ay pangulo ng
Pampanitikang Akademya ng kastila at kalihim ng Akademya ng mga Likas na Agham.Ipinagpatuloy din
niya ang pagiging kasapi at kalihim ng Marian Congregation sa Ateneo.
Noong 1879 ay nagdaos ng patimpalak ang Liceo Artistico-Literario de Manila, ito ay samahan
ng mga mahihilig sa panitikan at sining.Isinali ni Rizal ang kanyang tulang Ala Jueventud Filipina. (Sa
Kabataang Pilipino)
Nagustuhan ng mga hurado ang tula ni Rizal at nanalo ng unang gantimpala.Ang premyo ay
isang plumang pilak,hugis –pakpak na may lasong kulay ginto.Natuwa si Rizal dahil kahit lahat ng mga
hurado sa timpalak ay mga kastila ay nagustuhan pa rin ang kanyang gawa.
Ang tulang Ala Juventud Filipina ay nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino.Sa
tula ay hinihiling ni Rizal ‘na ang mga kabataan ay magbangon sa pagkakahimlay, gamitin ang kanilang
katalinuhan upang mapatid ang tanikalang pumipigil sa pag usbong sa mga matatalinong kabataang
Pilipino”
Sa panahong ding ito naramdaman ni Rizal ang umibig at mabigo.Bilang binata ay marami ring
siyang babaeng nakadaupang palad.Isa na rito ay si Leonor Rivera, nag-aaral sa Colegio ng La
Concordia at kamag-aral ng pinakabatang kapatid ni Rizal na si Soledad.Ang pag-iibigan nina Leonor at
BULACAN STATE UNIVERSITY

Jose ay nagsimulang yumabong ng makipag-away si Rizal at umuwing duguan.Ang sugat ni Rizal ay


ginamot ni Leonor.
Sila ay naging magkasintahan. Sa kanilang mga sulat ay ginamit ni Rizal ang pangalang “Pepe”
at si Leonor naman ay ginamit ang pangalang “Taimis”.
Naging aktibo si Rizal sa mga pagsali sa mga patimpalak sa Santo Tomas.Halos lahat ng isinasali
niya na mga tula ay nagwawagi tulad ng El consejo delos Dioces nakamit ang unang gantimpala.Isang
singsing na ginto na may nakaangat na busto ni Cervantes ang ibinigayn kay Rizal bilang gantimpala.
Noong Disyembre 8, 1880 ay itinanghal sa Ateneo ang isang tulang Junto Al Pasig ni Rizal
bilang parangal sa kapistahan ng Birhen Imakulada.Sa taong ding ito naisulat ni Rizal ang isang sonata
na A Filipinas sa aklat ng samahan ng mga manlililok.Sa sonetang ito naipakita ni Rizal ang
pagpapahalaga niya sa bansang Pilipinas. Natagpuan ni G.Romualdo de Jesus ang orihinal na
manuskrito ng soneta.
Naitatag din si Rizal ang Compañerismo, isang samahan o kapatiran ng mga Plipinong
mag-aaral sa Santo Tomas na naglalayun na ipagtanggol ang bawat miyembro laban sa mga
mapangutyang estudyanteng kastila.
Sa kabila ng mga tagumpay na natamo ni Rizal sa Pamantasan ng Santo Tomas ay hindi pa rin
siya nasiyahan.Sa kanyang palagay ang mga gurong Dominikano ay galit sa kanya, napansin ni Rizal
ay may mababang pagtingin sa mga mag-aaral na Pilipino at tinatawag silang Indiyo.Kaya’t nung
matapos niya ang apat na taon sa medisina noong 1882 ay sinunod niya ang payo ng kanyang tiyuhin at
kapatid na si Saturnina na sa ibang bansa niya ipagpatuloy ang pag-aaral na medisina.
Naisangguni ni Rizal ito sa kanyang kuya Paciano kaya nagkasundo ang dalawang magkapatid
na si Rizal ay mag-aaral sa ibang bansa at susuportahan ni Paciano habang inaalagaan ang kanilang
mga magulang.Napagkaisahan din nila ang paglalakbay na ito ni Rizal ay ililihim nila sa kanilang mga
magulang at sa mga may kapangyarihan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas sa karanasan ni Rizal


Ang Ateneo sa panahong iyon ay
pinamamahalaan ng mga paring
Heswita.Ayon kay Rizal ang mga guro nila
ay mga bata pa at masisipag magturo. May
pantay na pagtingin sa mga mag-aaral ng
Pilipino at Espanyol.Madisiplina rin ang
mga paring Heswita sa kanilang
mag-aaral. Matataas ang kanilang
pinag-aralan, karamihan sa kanila ay
nagtataglay ng makabagong kaisipan
tungkol sa agham,at totoong malayo sila
sa ibang mga fraile. Sa Sistema ng
pamamalakad ng mga heswita sa Ateneo ay may dalawang pangkat ng mga mag-aaral: Unang pangkat
ay tinatawag na imperyong Romano,karamihan sa nabibilang rito ay nakatira sa loob ng paaralan at ang
ikawalang pangkat ay ang imperyong Kartigyano, na ang karamihan naman sa labas ng paaralan
nakatira. Ang mga miyembro ng bawat pangkat ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa pang-araw-araw
na leksyon.Sa simula ng unang taon si Rizal ay nabilang sa imperyong kartigyano subalit nang gawaran
siya ng parangal bilang pinakamarunong sa klase at tumanggap ng mga medalya ay nalipat na siya sa
unang pangkat. Isa sa mga naging guro ni Rizal sa Ateneo ay si Padre de Paula Sanchez. Sa
paglalarawan ni Rizal kay Sanchez ay “isang huwaran ng pagkamakatwiran, pagkamaagap at may
pagmamahal para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral”.
Sa loob ng limang taon na pag-aaral ni Rizal sa Ateneo ay naging maayos at kapakipakinabang
ang pananatili niya rito.Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan sa literatura at
panitikan.Nakatanggap siya ng maraming parangal at nagtapos ng kanyang karera sa Ateneo ng may
pinakamataas na marka.
Sa udyok ng kapatid ni Rizal na si Paciano na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Lumuwas siya
ng Maynila at nagpatala sa Pamantasan ng Santo Tomas.Noong panahon na iyon mga paring
Dominikano ang nagpapatakbo ng Santo Tomas.Ang mga Dominikano ang halos nagmamay-ari ng mga
lupang pansakahan kasama na dito ang lupang sinasaka ni Don Francisco, ama ni Rizal.
Sa unang taon palang ni Rizal sa Santo Tomas nakaranas na siya ng kalupitan ng isang opisyal.
Ito ay nung hagupitin siya ng buntot pagui ng isang teniente ng Guwardiya Sibil dahil daw sa hindi niya
pagbibigay galang sa teniente. Kasabay ng pagpapakadaluhasa ni Rizal sa medisina ay abala rin siya
sa pagsali sa mga timpalak at pagsulat ng mga tula,drama at sonata.
Aktibo rin si Rizal sa mga gawaing pang estudyante. Siya ang madalas na nagiging kampyon sa
mga palarong paligsahan. Dahil dito ay maraming nakakakilala sa kanya at madalas ay kinakaingitan
siya lalo ng mga estudyanteng kastila na madalas na nagiging sanhi ng awayan.
Napapansin ni Rizal na madalas na nabubully ang mga estudyanteng Pilipino kaya bumuo si
Rizal ng isang samahan ng mga estudyanteng Pilipino.Tinawag niya itong Compañerismo kung saan
BULACAN STATE UNIVERSITY

ang mga miyembro ay tinatawag na kasama ni Jehu, hango sa isang bantog na personalidad sa
kasaysayan ni Israel.Si Rizal ang pangulo at ang kanyang pinsan na si Galicano Apacible ang kalihim.
Hindi nasiyahan si Rizal sa pamamahala ng mga Dominikano sa Santo Tomas dahil sa ‘di pantay
na pagtingin nila sa mga estudyanteng Pilipino.Mapagmataas ang mga guro at mababa ang tingin sa
mga estudyanteng Pilipino. Makaluma ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo at luma rin ang kanilang
mga kagamitan sa pagtuturo.Ang mga gamit sa laboratoryo ay nakatago lamang sa aparador hindi
pinapagamit sa mga estudyante at bulok ang Sistema sa pamantasan.
Kung sa Ateneo ay matataas ang marka ni Rizal hanggang makapagtapos, sa Santo Tomas
naman ay hindi napantayan ang marka noong siya ay nasa Ateneo.Hindi siya kumbinsido sa mga grado
na nakuha sa Santo Tomas na sa kanyang palagay ay hindi akma sa kanyang kakayahan.
Nakintal sa isipan ni Rizal ang mga panlalait at diskriminasyon ng mga Dominikanong prayle sa
Santo Tomas.Naramdaman niya na may kinikilingan ang mga ito at ayaw nilang nalalamangan ng mga
estudyanteng Pilipino ang mga estudyanteng kastila. Ito ang nagtulak kay Rizal na lisanin ang Pilipinas.
Ang mga karanasan ni Rizal sa pag-aaral sa dalawang pamantasan ay magkaiba ngunit
masasabi nating mas may malaking impluwensya sa kanya ang Santo Tomas dahil dito siya nakaranas
ng pagmamalupit at diskriminasyon na naging dahilan upang umusbong ang damdaming nasyonalismo
sa kanya at magnais na madagdagan ang kanyang kaalaman sa ibang bansa. Nang sa ganun ay
magkaroon siya ng lakas ng loob

Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig


Si Julia
Si Julia ang puppy love ni Dr. Rizal. Nakilala niya si Julia noong isang
araw ng Abril 1877 habang nasa dalampasigan ng ilog ng Dampit, Los
Baños, Laguna upang maligo. Narinig niya na tinawag ang dilag ng kanyang
lola sa pangalang Julia kaya’t kanyang nalaman ang pangalan nito.
Nabighani siya habang pinagmamasdan ang dalagita. Nakita niya
itong nanghuhuli ng paru-paro at para makilala niya ito ay humuli din siya ng
dalawang paru-paro at ibinigay niya ito kay Julia. Ito ang naging daan upang
sila ay magkakilala. Naging magkaibigan ang dalawa at kanyang masuyong
inihahatid ang maglola sa Los Baños. Siya rin ang tinuturing na Minang ni Dr.
Rizal sa kanyang alaala.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Segunda Katigbak
Si Segunda ang unang pag-ibig ni Rizal.Siya ay
labing apat (14) na taong gulang na dalagita na kapatid ng
kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano Katigbak.
Kolehiyo ng La Concordia ang kanyang paaralang
pinasukan kung saan rin nag-aral ang kapatid ni Rizal na si
Olympia.
Ayon sa iba, nagkita ang dalawa sa Trozo, Manila
kung saan binisita ni Rizal ang kanyang lola na nakatira
mismo sa nasabing lugar. May mga nagsasabi rin na
nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling ang
pamilya Katigbak. Malimit na pumunta noon si Pepe sa
Kolehiyo ng La Concordia hindi lang para dalawin ang kanyang kapatid kundi upang masulyapan ang
dalagita. Ngunit hindi nagtagal ang panliligaw ni Rizal dahil nakatakda ang pagpapakasal ni Segunda sa
isang taga-Lipa rin na si Manuel Luz.

Leonor Valenzuela
Si Leonor na kilala sa palayaw na “Orang”. Siya ay
katorse anyos at si Rizal ay labing walong taon (18)
magkapitbahay ang dalawa sa Intramuros nang minsang
mag-aral ito sa Unibersidad ng Santo Tomas. Matangkad
ang dalaga, at tiga Pagsanjan Laguna.
Sa kadahilanang magkapitbahay lamang ang
dalawa, madalas makitang nakaistambay si Pepe kasama
si Orang. Madalas din ang pagsusulat ni Rizal ng liham
pag-ibig sa dalaga sa pamamagitan ng paggamit tintang
hindi nakikita.
May espesyal na pagtingin ang batang Rizal kay
Orang, subalit maaaring hindi parehas ang nararamdaman nila para sa isa’t isa sa pagtanggap niya ng
ibang manliligaw. Naudlot ang kanilang magandang pagtitinginan.
Leonor Rivera
Si Leonor ay anak ng kanyang amain na si
Antonio Rivera na siyang pinsan ng kanyang amang si
Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan niya ang
kanyang pinsan noong siya ay nag-aaral sa Santo
Tomas. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng
karakter na si Maria Clara sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Nagkakilala ang dalawa noong 13 taong gulang
pa lamang si Leonor. Hindi naputol ang koneksyon ng
BULACAN STATE UNIVERSITY

dalawa kahit nangibang-bayan ni Rizal matapos ang dalawang taon upang magpakadalubhasa. Sa
unang taon ay patuloy ang sulat an ng dalawa. Gumamit ng sagisag na Taimis si Leonor sa kanilang
sulatan. Sa katunayan, nagtagal ng 11 taon ang kanilang relasyon at sa mga panahong yaon naging
inspirasyon ang dalaga sa kanyang pag-aaral.
Ngunit tutol ang ina ni Leonor sa pag-iibigan nila. Sa halip na kay Rizal, gusto nito na maipakasal
ang dalaga kay Henry Charles Kipping, isang Ingles na inhinyero. Ayaw ni Leonor sa Ingles na ito,
subalit pilit siyang kinumbinsi ng matigas niyang ina rito. Nagawa pa nitong itago ang mga sulat mula
kay Pepe at sabihan ang dalaga na ikakasal na diumano si Rizal sa anak ni Ferdinand Blumentritt. Sa
kalaunan ay napaniwala si Leonor sa kasinungalingang ito at napilitang magpakasal kay Kipping.

Consuelo Ortiga y Rey


Si Consuelo ay sinasabing pinakamagandang
anak dating alkalde ng Maynila na si Don Pablo Ortiga y
Perez, sa panahon ng panunungkulan ni
Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre noong
1869-1871. Labing walong taong gulang ang dalaga.
Setyembre taong 1882 ng magkita ang dalawa.
Dahil nga nag-iisa at malayo sa kanyang pamilya at
bayang sinilangan, hindi maiiwasang tumibok muli ang
puso ni Rizal para sa iba. Maraming regalo ang
inihandog niya kay Consuelo: telang gawa sa sinamay,
panyong gawa sa pinya at tsinelas bilang paghanga sa
dalaga, napasulat pa nga ito ng tula na pinamagatang A
La Senorita C.O. y P.
Nilihim nalan ni Pepe ang relasyong namamagitan sa kanila ni Consuelo. Ito ay sa kadahilanang
may ugnayan pa siya kay Leonor Rivera noong mga panahon na iyon. Isa pang dahilan ay ang
pagtingin ng kaibigan niyang si Eduardo de Lete, isang mestizo mula sa Leyte, sa dalaga. Mas nanaig
ang pagkakaibigan kaysa sa isang babae.

O Sei-San
Ang tunay na pangalan ni O sei –san ay Seiko Usui,
isang anak ng Samurai. Nagtatrabaho ang dalaga sa
legasyon ng Espanyol sa Tokyo. Noong Pebrero 1888,
nagtrabaho si Pepe sa legasyon ng Espanyol sa bansang
Hapon at doon nakilala ni Rizal si O sei-San. May
kakayahang magsalita ng wikang Ingles at Pranses ang
Hapones, kaya madaling nakapagbuo ng relasyon ang
dalawa. Tinuruan rin ng dalaga si Rizal ng wikang Hapon.
Mababasa sa kanyang talaarawan ang sulat niya para kay
Seiko na nagsasabing,
BULACAN STATE UNIVERSITY

…Sa iyo ay inialay ko ang mga huling bahagi ng aking


kabataan.Binuhay mo ang bawat hibla ng aking diwa. Ikaw, na
nagtataglay ng kulay, kasawian at kagandahan ng saresa (cherry
blossoms)…
Ngunit dahil sa kanyang misyon para sa Inang Bayan, kinailangan niyang umalis at iwan ang
Haponesa papuntang San Francisco sa Estados Unidos noong April 13, 1888.

Gertrude Beckett
Si Gertrude ay isa sa anim na anak ni Charles
Beckett. Si Charles ay ang Ingles na nagmamay-ari ng
37 Chalcot Cresent, isang paupahang bahay sa
London, England kung saan namalagi noon si Rizal
noong Mayo taong 1888.
Nangupahan si Rizal sa bahay ng mga Beckett,
nakilala niya si Gertrude na tinawag niyang Gettie.
Hindi naglaon ay nagkagusto na ang dalaga kay Pepe.
Pinagluluto siya ng masasarap na pagkain at
tinutulungan niya si Rizal sa kanyang mga gawang
sining. Kabilang dito ay ang Prometheus Bound, The
Triump of Science over Death at The Triump of Death
over Life.
Bago pumunta ng Paris noong Marso 1889, ibinigay niya ang eskultura ng magkakapatid na
Beckett na mismong kanyang nililok. Umiwas si Rizal sa lalo pang lumalalim na pagtingin ni Gettie.
Suzane Jacoby
Dahil mahal ang gastusin sa Paris, naisipan niyang
iwan ang lugar para pumunta sa Brussels at doon mamalagi.
Dito niya nakilal a si Suzane. Si Suzane ay ang pamangkin ng
may-ari ng paupahang bahay na tinirhan ni Rizal sa Brussels
noong Pebrero taong 1890.Anim na buwan rin ng sila ay
nagkasama.
Nilisan ni Rizal ang Brussels nagpunta ng Madrid.
Ganun pa man inialay ang kanyang mga akdang Filipinas
Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Siglo) at
ang Sobre de la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Pilipino)sa dalaga.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Adelina at Nellie Boustead


Si Nellie ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina
ay Pilipina samantalang ang kanyang ama ay isang nag
nagngangalang Eduardo Boustead, isang negosyante.
Manliligaw niya si Antonio, kapatid ng kilalang pintor na
si Juan Luna.
Tumira si Rizal sa Villa Eliada sa Biarritz, French
Riviera noong Pebrero 1891 kung saan nakatira ang
mga Boustead.Naging kaibigan niya ang buong
pamilya. Sa katotohanan, mas una siyang nabighani sa
panganay na kapatid ni Nelly na si Adelina dahil ito ay
kimi at mahiyain na kabaligtaran ni Nelly. Subalit mas
napalapit siya kay Nelly dahil pareho silang mahilig sa palakasan, lalo na sa eskrima. Nakita din niya
kay Nelly ang isang ugali ng Pilipina, bagamat siya’y hindi lumaki sa Pilipinas. At mula dito ay nagkaroon
sila ng maigting na pagtitinginan. Sa panahon na ito naputol na ang relasyon na namamagitan kay Rizal
at Leonor Rivera, dahil ikakasal na ang huli kay Henry Kipping.
Dahil sa balitang nakarating sa kanya na magpapaksal na si Leonor inalok niya ng kasal ang
dalaga, subalit hindi ito natuloy. Dahil nagbigay ng kondisyon si Nelly sa kanya, at ito ay ang yakapin ni
Rizal ang Protestantismo at tumiwalag sa pagkakatoliko. Hindi pumayag si Rizal sa kasunduang ito kahit
na siya’y sumapi na sa kilusang Mason kontra sa Katolisisimo at halos pabor sa kilusang Repormasyon.
Dahil dito ay hiniwalayan niya si Nelly at sila’y nanatiling magkaibigan na lamang.
Pastora Necesario
Si pastora ay isang tagahabi ng Dapitan.Kilala siya sa tawag na Torak.Naging magkaibigan ang
dalawa noong nakatira si Rizal sa Dapitan.Madalas siyang dumadalaw sa tahanan ni Torak at
pinapanuod ang paghahabi niya sa silong ng kanilang tahanan.Hanggang sa naging malapit ang lobb
nila sa isa’t-isa dahil sa madalas na pagkikita.Niregaluhan niya si Pastora ng estatwang luwad at
ginawan ng mga tula sa wikang kastila.Nahinto ang kanilang pagkikita ng naging abala na si Rizal sa
mga gawain niya sa kanyang klinika sa Dapitan.
Josephine Bracken
Si Josephine ang maituturing na legal na asawa ni
Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish,
ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Dulce extranjera
ang bansag ni Pepe sa kanya.
Noon ay 18 anyos lamang si Josephine, naglayag
papuntang Dapitan upang samahan ang kanyang
ama-amahan na si George Taufer na magpatingin ng
mata kay Rizal. Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga.
Hindi nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa at
namuhay sa Dapitan bilang mag-asawa.
Dahil si Josephine ay alaga ng mga Prayleng dominikano hindi boto ang mga kapatid na babae ni
Rizal sa kanya para sa kanila ay espiya siya. Gayunpaman, hindi natinag ang relasyon ng dalawa. Nang
BULACAN STATE UNIVERSITY

makabalik si Josephine sa Dapitan mula sa pamamalagi niya sa pamilya Rizal sa Maynila, inareglo ni
Pepe ang kanilang pagpapakasal. Nakipag-usap siya kay Padre Antonio Obach ng Dapitan ngunit ayon
sa paring ito, ikakasal lamang niya ang dalawa kapalit ng retraksyon ni Rizal. Sa kabila nito, itinuloy ng
dalawa ang kanilang pagpapakasal kahit walang basbas ng simbahan. Nagkaroon ng anak si Pepe kay
Bracken, subalit patay ang bata pagkasilang. Pinangalan ni Rizal ang kanyang anak na ito na Francisco.
Pagkamatay ni Rizal si Josephine ay sumapi sa katipunan at namundok.Pagkaraan ng isang taon
siya ay bumalik ng Hong Kong sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900.
Nagkaroon siya ng anak dito at pinangalanang Dolores.Noong 1902 namatay si Josephine sa sakit na
tuberkulosis sa edad na dawampu’t lima.
Maraming babae ang dumaan sa buhay ni Rizal, ang mga ito ay nagdulot ng ligaya at
sakit.Ngunit sa pananaw ni Rizal ang mga ito ay dumating sa buhay niya ng may dalang dahilan, ang
mga ito ay nagbigay kulay at naghatid ng inspirasyon sa kanyang buhay.
Iba’t-ibang babae man ang nakadaupang palad niya ay hindi maikakailang siya’y isang maginoo sa
pag-ibig sapagkat hindi niya hinayaang mahulog ang loob niya sa isang babae habang may
pinag-aalayan na siya ng pagmamahal.. Subali’t ang pagmamahal na ito ay wagas at hindi napaparam.
Ito ay ang pag-ibig niya sa kanyang bayang tinubuan..Sa kanya inalay ni Rizal ang kanyang buhay
upang maging dahilan ng pagkagising ng damdamin ng mga Pilipino.
Dahil dito maituturing na dakilang mangingibig si Rizal sa Inang bayan!

You might also like