You are on page 1of 26

BULACAN STATE UNIVERSITY

KABANATA VI
Mga iba’t ibang akda
ni
Jose Rizal
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pambungad na Salita
Alam ng lahat maliban sa pagiging Pambansang Bayani ni Jose Rizal ay marami siyang kakayahan
at talento. Isa rito ay ang talento niya sa pagsusulat. Marami siyang nagawang mga nobela, tula, sanaysay
at liham na nakapagbigay inspirasyon sa mga kabataan upang tularan ang kanyang mga kaisipan. Ang
mga akda niya ay naging daan upang ang mga Pilipino ay magising at maimpluwensiyahan ang kanilang
kamalayan upang lumaban at ipangtanggol ang ating bayan laban sa mga mapanakop na Espanyol.
Ang pagtalakay sa mga ito ay isang paraan upang mapaunlad at mapayaman ang kaisipan ng
bawat mag-aaral sa kasanayan sa pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at pananaw sa buhay.

Mga Paksa
A. Nobela
Noli Me Tangere
Mga Tala sa pagkakasulat ng Nobela
Ideya ng pagkakasulat
Pagsusuri sa mga Teoryang pampanitikan
Buod ng Noli
El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo at ang paralelismo nito sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Pagsusuri gamit ang iba’t-ibang Teoryang pampanitikan
Buod ng el Filibusterismo
B. Liham
Liham sa Kadalagahan ng Malolos
C. Sanaysay
Ang Pilipinas sa loob ng Isang Daang Taon (Filipinas Dentro de Cien Años)
Pag-ibig sa tinubuang Lupa
Ang Katamaran ng mga Pilipino (Sobre la Indolencia de los Filipinos)

Aralin I
BULACAN STATE UNIVERSITY

Mga Nobela: Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Pagkatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.

Naipapaliwanag ang mga tala sa pagkakasulat ng Noli Me Tangere.


Nailalarawan ang naging kalagayan at suliranin ng lipunan ng Pilipinas noong ika-19 dantaon
sa pamamagitan ng Noli Me Tangere.
Naipapamalas ang tunay na takbo ng pamahalaan at lipunan, sa edukasyon, at
pananampalataya sa panahaon ng mga kastila.

NOLI ME TANGERE
Mga tala sa pagkakasulat ng nobela
Ang Noli Me Tangere ay hinango ni Rizal sa Bibliya, ayon sa kanyang liham kay Resurrecion
Hidalgo. Ang kahulugan nito ay “huwag mo akong salingin”. Pinapahiwatig nito na “hindi dapat hawakan”.
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga bagay na kahit sarili natin ay hindi maipaliwanag hanggang sa
ngayon. Ito ay sadyang delikado kaya hindi dapat hawakan ng kahit sino. Isinasalaysay ko sa magandang
kondisyon, pati na rin ang buhay, ang paniniwala, pag-asa at kapayapaan nito ayon kay Rizal.
Ideya ng pagsulat ng Nobela
Sa Pagbabasa ni Rizal ng Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglalarawan ng
brutalidad ng Amerika na naging alipin noon ang mga Amerikanong Negro. Nadama niya ang naging
katayuang panlipunan ng mga Pilipino sa Pilipinas, at ang mga kalupitang nagawa sa lipunang Pilipino ng
mga kastila, na kahawig ng buhay ng mga aliping Negro sa aklat.
Ang aklat na iyon, na nag-udyok sa kanya ng mithiing ipakita ang larawan ng lipunang Pilipino sa
isang nobela, ito ay nabasa niya habang nag-aaral sa Universidad Central de Madrid, at ito ay iminungkahi
niya sa kanyang mga kaibigan na sina Graciano Lopez Jaena, Evariste Aguirre, Eduardo de lete, Julio
Llorrente, Valentin Ventura at mga paterno (Pedro, maximo at Antonio) na magsulat ng nobela. Umayon
ang mga ito at nangako na magbibigay ng kontribusyong artikulo sa aklat, ngunit nauwi sa wala ang mga
plano at mag isang nagpatuloy si Rizal sa pagsusulat.
At bago matapos ang taong 1884, pinasimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa Madrid, at doon
ay natapos niyang sulatin ang kalahati ng unang bahagi ng aklat. Magtatapos na ang 1884 nang
BULACAN STATE UNIVERSITY

makatapos siya ng pag –aaral sa Madrid, at siya’y tumungo sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pagsulat,
hanggang sa matapos niya ang kalahati ng ikalawang bahagi ng aklat. Sa Alemanya na niya tinapos ang
huling ikaapat na bahagi ng nobela.
Sa Espanya nakaranas ng paghihirap si Rizal, nagkasakit siya dahil sa sobrang lamig at
kakulangan ng nutrisyun dahil sa hindi sapat ang kinakain, ngunit hindi naging hadlang sa kanya ang
paghihirap ipinagpatuloy parin ang pagsusulat sa nobela.
Lahat ng panganib at kapaguran ay hinarap ni Rizal upang kanyang ihandog sa kanyang Inang
bayan. Ang sabi nya: “Sa paghahangad ko ng iyong kagalingan at paghahanap ng pinakamabuting lunas,
gagawin ko ang ginagawa ng mga tao noong lumang panahon sa mga maysakit: itinambad sa mga
baitang ng templo upang ang sino mang dumalangin doon, ay makapaghahatol sa kanila ng lunas”.
Ang kanyang bayan, ayon sa kanya, ay may kanser na panlipunan na kailangan niyang ibilad, sa
templo ng sambayanang Pilipino. At ipinangako niya: ..sisikapin kong maikintal ang iyong kalagayan nang
buong katapatan, nang walang itinatanggi; itatakas ko ang lambong na nagtatago sa kalinisan, na
ipinagpapakasakit ang lahat sa katotohanan, maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak, talos
kong ako man ay may sarili ring pagkukulang at katuwaan.
Sa kahirapan ni Rizal sa Espanya ay nawalan ng pera para ipalimbag ang nobela, buti nalang isang
kaibigan niyang tiga Bulakan ang tumulong sa kanya at nagpadala ng telegrama na siya ay darating sa
Berlin. Ang kaibigan niyang si Dr. Maximo Viola ang nagpahiram ng halagang P300 para sa
pagpapalimbag ng Nobela.
Noong Marso 29, 1887, sa Berlin, ang unang 2,000 sipi ng aklat ay nalimbag, na siyang naging
simula ng paggising sa damdamin ng lipunan ng sambayanang Pilipino.
Iba’t ibang teoryang pampanitikan at mga karakter sa Noli
Pormalismo
Ang teoryang pormalismo ay malimit gamitin upang mabasag ang mga komplikadong detalye ng
isang nobela at maisalarawan ito gamit ang mga sumusunod na aspeto: Banghay, Tauhan, Genre, at
Lugar at Panahon (Setting).
Magagamit ang teoryang Pormalismo upang mailarawan ang naging takbo ng mga yugto ng nobela
at para maitangi ang daloy ng nobela sa mas madali at malinaw na paraan. Para sa nobelang Noli Me
Tangere, magagamit ang pormalistikong pamamaraan ng pag-aanalisa sa pagbabaklas ng mga teknikal
na aspeto ng nobela katulad ng sumusunod.
Genre – Romansa – Trahedya
Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas
Mga Tauhan
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang Noli Me Tangere ay lipunang Pilipino na sumasaklaw halos ng sampung taon, ayon kay Rizal,
hindi katakatakang ang mga tauhan doon ay may tunay na nilikhang nabubuhay noon sa lipunan. Sa
nobelang ito, si Rizal ay nasa katauhan nina Crisostomo Ibarra at Elias. Si Maria Clara ay si Leonor Rivera.
Si Pilisopo Tasyo ay si Paciano, matandang kapatid ni Rizal, ngunit ayon kay Antonio Rigidor sa kanyang
sulat kay Rizal, ang matandang Pilosopo ay ang mga kababayang nabuwal sa dilim ng gabi na
kinabibilangan ni Francisco Rodriguez, isang katauhan na kilala ni Rizal. Si Padre Salvi ay si Padre
Antonio Piernavieja, ang kinapopootang Paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo.
Si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas, si Donya Victorina ay si Donya Agustin
Medel at sina Basilio at Crispin ay ang magkakapatid na Crisistomo ng Hagonoy, Bulacan.
Don Santiago delos Santos – ama-amahan ni Maria Clara; kaibigan ng maykapangyarihan.
Tenyente Guevarra – tenyente ng mga guwardiya sibil na kaibigan ni Don Rafael Ibarra.
Pari Sibyla – kura sa San Diego at propesor sa kolehiyo ng San Juan de Letran.
Pari Damaso – isang paring totoong mapusok at may dalawampung taong kura ng San Diego.
Don Tiburcio de Espadana – asawa ni Donya Victorina; pipilay-pilay at utal.
Donya Victorina de Espadana – asawa ni Don Tiburcio; indiya na nagkukunwaring Europeo.
Don Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra; kasintahan ni Maria Clara.
Maria Clara- babaing kahali-halina na kalalabas pa lamang ng beateryo.
Tiya Isabel – kapatid ni Kapitan Tiago; nag-alaga kay Maria Clara.
Pia Alba – asawa ni Kapitan Tiago na taga-Santa Cruz.
Don Saturnino – lolo o nuno ni Crisostomo Ibarra.
Pari Salvi – ang kurang humalili kay Pari Damaso sa San Diego.
Alperes – pinuno ng guwardiya sibil at kaaway ni Pari Salvi.
Donya Consolacion – asawa ng alperes.
Pilosopo Tasyo – dahil sa kaisipang masyadong makabago ay hindi maunawaan ng mga tao at
sinasabing isang baliw.
Basilio at Crispin – mga sakristan.
Sisa – ina ni Crispin at Basilio.
Elias – isang bangkero na kaibigan ni Ibarra.
Lucas -taong madilaw na nabagsakan ng kalo na siya rin ang may gawa.
Kapitan Pablo – pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
BULACAN STATE UNIVERSITY

Salome – kasintahan ni Elias.


Albino- dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Kapitana Maria – tanging babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Señor Nol Juan – namahala ng mga Gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

BUOD NG NOLI ME TANGERE


Isang malaking pagdiriwang ang inihandog ni Kapitan Tiyago sa kaniyang tahanan sa Kalye
Anloague sa karangalan ni Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik sa Pilipinas mula sa Europa
matapos aang pitong taong pagpapadalubhasa. Si Ibarra ay kaisa-isang anak ni Don Rafael Ibarra
at kasintahan ni Maria Clara.
Naging diwa at paksa ng usapan sa hapunang yaon ang pag-aaral at mga karanasan ni Ibarra sa
ibang bansa. Ikinasaya ng mga panauhin ang mga isinasalaysay ni Ibarra, maliban kay Padre
Damaso, na naghihimagsik ang kalooban dahil sa ang natapat sa kanya ay ang leeg at matigas
na pakpak na manok ng tinola.Pagkatapos ng hapunan, nagpaumanhin ang binata at mahinahong
nagpaalam upang di umano’y may mahalagang bagay siyang aayusin at tatapusin. Habang
papauwi si Ibarra sa otel na kaniyang tutuluyan, sumabay sa kaniya si Tenyente Guevarra na di-
nakatiis na di maisalaysay sa binata ang tungkol sa kamatayan ng ama sa San Diego.
Ayon sa Tenyente, si Don Rafael ay isang matapang na lalaki, na ipinagtanggol ang isang bata sa
kapaslangan ng isang walang pinag-aralang kolektor na Kastila. Kaniyang naitulak ito at namatay
na siyang naging sanhi ng kaniyang pagkabilanggo. Dito sa bilangguan inabot siya ng kamatayan.
Sa libingan ng mga Kristiyano siya inilibing subalit ang kaniyang bangkay ay ipinahukay ng
kaniyang kalaban.
Nagpasalamat si Ibarra sa Tenyente at ipinanata sa kaniyang sarili na paghahanapin niya ang
katotohanan hinggil sa kamatayan ng kaniyang yumaong ama. Kinabukasan, matapos dalawin
ang katipan, si Ibarra ay nagtuloy sa San Diego upang dalawin ang libingan ng ama pagkat noon
ay araw ng mga banal. Doon niya natuklasan sa sepulturero na ang bangkay ni Don Rafael ay
ipinahukay ng pari at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Ngunit sa dahil doon ay maulan at
lubhang mabigat ang bangkay, ipinasya niyang itapon na lamang ito sa lawa. Poot na poot na
nilisan ni Ibarra ang libingan at sa kaniyang paglabas ay nasalubong niya si Padre Salvi, ang kura
ng San Diego, na siya niyang pinagbuhusan ng galit.
Ipinagtapat ng pari na wala siyang kinalaman doon sapagkat noon ay hindi pa siya ang
nakatalagang kura ng San Diego. Nang isang araw na nagpiknik sila Ibarra kasama ang ilan pang
mga kabataan sa may ilog, nakakita sila ng buwaya na buong tapang na kinalaban ni Elias. Ngunit
nang unti-unti na siyang ginagapi ng buwaya ay iniligtas siya ni Ibarra sa kamatayan. Nang
matapos iyon at naglalaro na sila sa pampang ay may dumating namang mga guwardiya sibil
upang dakpin si Elias ngunit nakatakas ito. Kinabukasan, sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo
upang isangguni ang panukalang magpatayo ng paaralan na kaniyang ihahandog sa mga taga-
San Diego. Sinabi ng pilosopo na walang kahihinatnan ang proyektong ito at pasinayaan na. Bago
magsimula ang pagbabasbas ng paaralan at binalaan ni Elias na mag-ingat si Ibarra upang
tumupad ng kaniyang bahagi sa seremonya ng pagbabasbas, umugong sa kapaligiran sapagkat
ang kalo, ang unang batong panulukan ng bahay paaralang ito ay biglang bumagsak.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Mabilis siyang naitulak ni Elias at sa halip ang taong dilaw ang siyang nabagsakan. Pagkatapos
ng pagdiriwang at pagbabasbas, nagkaroon ng salu-salo sa ilalim ng kiosko. Sa pagkakataong ito
ay hinamak ni Padre Damaso ang gunita ng ama ni Ibarra; hindi natagalan ni Ibarra ang ganitong
paghamak kaya’t siniil ng binata ang pari, at sa pamamagitan ng isang kutsilyong nakuha sa
hapag-kainan ay halos baliw nang tatarakan si Padre Damaso kung hindi namagitan si Maria
Clara.
Nagbunga ito sa pagkapatid ng pagmamahalan nila Ibarra at Maria Clara at ng pagkakatiwalag ni
Ibarra sa simbahang Katoliko. Si Maria Clara ay nagkasakit din dahil sa pangyayaring ito. Nilakad
ni Ibarra sa Maynila na mapawalang-bisa ang pagkatiwalag sa kaniya sa simbahang Katoliko at
sa tulong ng Kapitan Heneral ay pinatawan na rin ng Arsobispo si Ibarra at pinabalik at tinanggap
muli sa simbahan. Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwawasak sa kaniya.
Nagpakana sila ng pagsalakay sa tanggulan ng guwardiya sibil, at yaon ay ipinaalam nila sa
alperes. Sa mga nagaalsa, ang ipinababatid nilang utak ay si Ibarra. Kung kaya’t iyong huli ay
dinakip at binilanggo. Mapapawalang-sala na sana siya kung hindi lamang sa sulat na ipinadala
niya kay Maria Clara na wala rin namang kinalaman sa pagsalakay ngunit naging dahilan pa rin
ng kaniyang pagkadiin.
Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Sa huling pagkakataon ay nakipagkita siya sa katipan.
Sinumbatan niya ito tungkol sa mga sulat. Sinabi naman ni Maria Clara na ibinigay lamang niya
ang mga ito upang ibalik ni Padre Salvi ang mga sulat sa kaniyang ina na kung saan nakalagat na
ang tunay na ama niya ay si Padre Damaso. Sinabi rin ng dalaga na pakakasal man siya kay
Linares ay si Ibarra pa rin ang mahal niya. Gagawin lamang niya ito upang ipagtanggol ang dangal
ng ina. Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit napansin nilang tinutugis sila ng
humahabol sa guwardiya sibil. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago sa ilalim ng mga damo sa
loob ng bangka. Upang mailigaw ang mga humahabol at lumundag si Elias sa tubig. Pinaputukan
siya hanggang sa mawala ang hawi ng tubig na nababakasan ng kaniyang paglangoy.
Dahil inakala ni Maria Clara na patay na patay na si Ibarra ay hiniling niya kay Padre Damaso na
ipasok siya sa kumbento kung hindi ay magpapakamatay siya. Dahil dito ay pumayag ang pari. Si
Ibarra naman at nakatakas at walang naka-alam kung saan siya napadpad. Samantalang
nakasapit si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at halos naghihingalo na. Doon niya
natagpuan si Basilio na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Sisa, ang kaniyang ina. Inihayag ni Elias sa
bata na pagkalipas ng panahon maghukay siya at makikita niya ang kayamanan. Ito ang kukunin
niya upang mag-aral. Ang yamang ito ay pag-aari at salapi ni Ibarra, Iniutos din ni Elias na ang
bangkay ng kaniyang inang si Sisa at ang kaniyang bangkay ay sunugin. Bisperas ng Pasko noon,
at sa kabilugan ng buwan, habang unti-unting tumatakas ang buhay, si Elias ay humarap sa
silangan at umusal: “Mamamatay akong di man nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa
aking bayan! Kayong mga nangabulid sa dilim ng gabi.”
BULACAN STATE UNIVERSITY

Feminismo
Ang Feminismo ay isang teoryang nagbibigay diin sa mga karanasan na dinadanas ng isang babae
nagmumula sa kanyang paligid at kulturang pinamumunuan patriyarkal na kaisipan. Sa teoryang ito,
tinitingnan ang kalagayan isang babaeng karakter; ang kanyang pagkababae, pagkatao, at gampanin sa
lipunan bilang isang babae. Ang isang feministang kritisismo ay masasabing “pamamaraan ng malalim at
mahimay na diskursong nakatuon sa itinakda ng kultura na kaibhan ng kasarian pagdating sa
interpretasyon ng mga akdang pampanitikan.”. Sa madaling sabi, nilalayon ng feministang kritisismo ang
paghimay sa nilalaman ng isang panitikan sa pamamagitan ng paglalarawan ng kaanohan ng isang babae
sa partikular na panitikang iyon.
Gamit ang perspektibong feminista, maaring himayin ang nilalaman ng Noli Me Tangere base sa
mga katangian at kaganapan ng mga babaeng tauhan sa nobela.
Sa pamamagitan ng Feminismo maaring maisalarawan ang mga sumusunod na babaeng tauhan ng
nobela.

Tauhan Gampanin ng Nobela Katangian at pagsasalarawan


Maria Kasintahan ni Crisostomo Pangunahing tauhan ng nobela.
Clara Ibarra Mahinhin, magalang, relihiyosa,pinalaki
ng mga madre
Ina ni Cripin at Basilio Personipikasyon kung paano
Narcisa/Sisa nagmahal ang isang Ina sa kanyang mga
anak kultura ng mga Pilipino.
Mapagmahal,mapag-aruga at hindi
nakapag-aral.
Donya Asawa ni Don Tiburcio Isang Indio na nagpapanggap na
Victorina mestiza.Kinatatakutan dahil sa kanyang
panlabas na anyo,masamang ugali at
karibal ni Donya Consolacion

Donya Asawa ng Alperes Dating labandera ng alperes na


Consolacion nagging mayaman sa pamamagitan ng
pagpapakasal sa isang mayamang
kastila. Karibal ni Donya victorina.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Tiya Isabel Tiyahin at naging Tumayong mapag-arugang


katuwang ni Kap.tiago sa tiyahin ni Maria Clara.
pagpapalaki kay Maria Clara
Andeng Katiwala sa bahay ni Magaling magluto at maasikaso
kap. Tiago ng mga Gawain sa bahay
Iday Kaibigan ni Maria Clara Maganda at marunong tumugtog
ng harpa
Sinang Kaibigan ni Maria Clara Masayahin at mabiro,
pinakamatalik na kaibigan ni Maria. Clara
Victoria Kaibigan ni Maria Clara Striktang nakakatandang kapatid
ni sinang
Neneng Kaibigan ni Maria Clara Tahimik at mahiyain na kaibigan
ni Maria Clara
Salome Kasintahan ni Dalagita na nakatira malapit sa
Elias(Bahagi ng nobela na lawa na nagnais himukin si Elias na
hindi nasma sa paglimbag ng umalis upang puunta sa Mindoro at
orihinal na libro pagkat sa magpakasal
kakulangan ng salapi ni Dr.
Jose Rizal)

Sa pananaw feminista, makikitang ang ginagamit na kultura sa paradigma ng nobelang Noli Me


Tangere ay isang konserbatibo at patriyarkal na lipunan na naayon sa ika-19 na siglong tema ng nobela.
Maoobserbahan na datapwa’t may mga pangunahing tauhang babae tulad ni Maria Clara at Sisa,
karamihan ng kanilang gampanin sa nobela ay pumapangalawa lamang sa galaw ng mga tauhang lalaki.
Halimbawa, si Maria Clara ay nabibigyang diin lamang tuwing may kinalaman sa lalaking tauhan ang
pangyayari (Bilang kasintahan ni Crisostomo Ibarra, tinatanging anak ni Kap. Tiago, Anak sa labas ni
Padre Damaso, etc.).
Lalong lumilitaw ang kulay patriyarkal ng nobela, sa mga pinagdaanan ni Sisa, na kung saan ang
huli ay madalas natatandaan bilang isang inang nabaliw dahilan sa pag alala sa kanyang mga anak, na
imbes kondenahin ay nagagamit pang isang papuri pagka’t ito ay isang tinatanging kaugalian ng isang
ina sa kulturang Pilipino-katoliko. Dito nakikita na naisasantabi pagkatao ni Sisa bilang isang babae, at
nakikita lamang siya bilang isang Ina, kung saan pumapangalawa lamang ang pagiging tao niya sa
kanyang gampanin bilang isang magulang, dahil iyon lang kanyang halaga sa lipunan ng akda.
Gamit ang teoryang Feminismo, napapalitaw ang imahe ng kababaihan sa pamamagitan ng
pagpapalutang ng pagturing sa kanila ng kanilang lipunang ginagalawan sa akda.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Marxismo
Ang pananaw marxismo ay isang pagsusuring pilosopikal at pampanitikan na karaniwang nakatuon
sa pagtutunggaliang nag uugat sa pagitan ng mga naghaharing uri (bourgeois) at ng mga pangkaraniwang
uri (proletariat). Gamit ang pananaw na ito, maaring mas maintindihan ang layunin ng nobelang Noli Me
Tangere sapagkat mabisang mailalarawan ang mga tunggaliang nangyari sa nobela.
Sa pamamagitan ng pananaw na Marxismo ang mga tunggalian na naganap sa Nobelang Noli Me
Tangere ay maaring ilarawan gamit ang sumusunod:

Uri ng Tunggalian Tauhan


Tao laban sa tao Crisostomom Ibarra vs Padre Damaso
Crisostomo Ibarra vs Padre Salvi
Crisostomo Ibarra vs Elias
Donya Victorino vs Donya Consolacion

Tao laban sa lipunan/Crisostomo Ibarra


Kultura Pilosopo Tasyo
Maria Clara
Elias
Tao laban sa kanyang Crisostomo Ibarra
sarili Elias

Crisostomo Padre Damaso


Ibarra Tunggalian ng
ideyang Naglalayong
Naglalayung panatilihin ang
pagbabago
kasalukuyang
ibahin ang laban sa sistema ng
status quo sa naghaharing Frailocacia
pamamagitan sistema
ng edukasyon
BULACAN STATE UNIVERSITY

Makikita sa naunang larawan ang tunggalian ni Crisostomo Ibarra at Padre Damaso.


Matutunghayan sa unang bilog ang layunin ni Crisostomo Ibarra na may kagustuhang magtaguyod ng
reporma sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang paaralang hiwalay sa pamamahala ng
mga prayle. Ito ay manipestasyon ng layunin ng may akda na ipakita na ang edukasyon ay may
mahalagang gampanin sa pagbuo ng pagkatao ng mga Pilipino. Bukod pa rito, ito ay naglalaman ng
mensahe na upang mamulat ang mga Pilipino, kailangang paghiwalayin ang relihiyon at edukasyon, na
magreresulta sa paghina ng impluwensya ng relihiyon pagka’t mababawasan na ang kapangyarihan nito
na magpaliwanag ng mga penomenang nangyayari sa lipunan. Sa pagyabong ng isang sekular na uri ng
edukasyon, ito ay magdudulot ng isang kaisipan na magkukwestyon sa pedestal ng relihiyon bilang
pinakamahalang pinag uugatan ng kaalaman. Samantala, makikita sa ikalawang bilog ang katayuan ni
Padre Damaso bilang tagapagpanatili ng sistemang nagpapalutang sa naghaharing uri sa nobela.
Datapwa’t may iba pang dahilan ang hindi pagkagusto ng Padre Damaso kay Ibarra, hindi maitatanggi na
isa sa mga mabigat na punto ay pagiging panganib ng mga ideya ng pagbabago sa lipunang
pinaghaharian ng frailocracia. Dito makikita na bukod sa personal na pagkamuhi kay Ibarra, si Padre
Damaso ay naging imahe ng naghaharing uri upang ipreserba ang kanilang mataas na kalagayan sa
lipunan.

EL FILIBUSTERISMO
Ang El Filibusterismo at ang paralelismo nito sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me
Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa kaparehong
taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela. Samantala,
ipinagpatuloy naman niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya.
Mapapansing iba-ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kaniyang mga
nobela. Para sa una niyang nobelang Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang
pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Para sa ikalawang nobela niya ay patungkol
sa pang aabuso at maling pamamalakad sa pamahalaan ng mga kastila. Samantala, mula sa Biarritz,
Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya sa Ghent,
Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga
oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng palimbagan sa nasabing lugar. Noong matapos
maisulat ni Dr. Rizal ang ikalawang nobela ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lamang
maipalimbag ang nobela. Subalit sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang
ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang
nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. Muli na naman siyang humingi ng tulong sa
kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang
paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari
habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa
BULACAN STATE UNIVERSITY

sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang
ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.
Ang salitang Filibusterismo ay nanggaling sa salitang Kastila na “filibustero” na hiniram naman sa
salitang Pranses na “flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang
taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o
pumupunta pa sa ibang bayan para suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter). Ayon mismo kay Dr.
Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para
sa kaniyang ikalawang nobela, ang “filibustero” ay nangangahulugang “mapanganib na taong
(makabayan) mamamatay kahit na anong oras”. Ito ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga
Espanyol at ilang Filipino noon na nakaaalam ng salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr.
Rizal ay noong binitay ang tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na
pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang
parusang bigla na lamang ipapataw ng mga Espanyol sa kung sinumang Pilipinong nais nilang mamatay.
Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit ng mapanganib
na salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong paring martir na kaibigan ng
kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lamang ang nakaaalam ng salitang ito.
Ang karumal-dumal na pangyayaring pagbitay sa tatlong paring Pilipino ay nakintal sa isipan ni
Rizal dahil sa kwento sa kanya ng kanyang kuya na si Paciano. Kahit maraming taon na ang lumipas, ay
bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng
nobelang El Filibusterismo.
Sa ipinakita ni Jose Rizal sa El Filibusterismo na naging kalagayan ng Pilipinas, hanggang sa
kasalukuyang lipunang Pilipino ay masasalamin pa rin ang mga di kanais-nais na lipunang kastila. Katulad
lamang ng kabulukan ng Sistema ng pulitika sa bansa na kabi-kabilang korupsyon. Katumbas ito ng mga
pagkakamkam ng mga lupa at iba pang di mabuting paggamit ng kapangyarihan ng mga prayle. Ngayon
din ay ginagawa ng mga pulitiko kahit na ngayon na may kinakaharap na pandemya ang bansa.
Nananalaytay na sa mga ugat nating mga Pilipino ang mga masasamang ugali na naitanim sa atin ng
mga kastila. Gayundin, ang impluwensiya ng simbahan ay hindi pa rin natatanggal at kung uugatin ay
babalik sa panahon ng mga kastila. May kanser pa rin ang ating lipunan haggang sa kasalukuyang
panahon. Ibang klase nga lamang ito dahil ito ay komplikasyon nalang ng dating kanser noong panahon
ng kastila ngunit mas malala dahil nagdulot pa ito ng ibang sakit. Ang kanser ng kahirapan na
komplikasyon ng kabi-kabilang korapsyon sa gobyerno at hindi mahusay na pamamahala.
Pagsusuri gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan
Pormalismo
Gamit ang pormalismo, maaring himayin ang nobelang El Filibusterismo gamit ang mga
sumusunod na aspeto:
Genre – Drama - Trahedya
Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas
BULACAN STATE UNIVERSITY

Mga Tauhan
Simuon – ang makapangyarihang mangangalakal.
Basilio – ang binatang nag-aral ng medisina at kasinatahan ni Juli.
Juli – ang pumili ng kamatayan huwag lamang madungisan ang karangalan.
Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita Gomez.
Kabesang Tales – ang inagawan ng lupa ng mga pari sa Tiani at naging kalaban ng pamahalaan
sa ilalim ng sagisag na Matanglawin.
Padre Florentino – ang matalinong paring Filipino.
Padre Camora – ang mapanganib na kura.
Sandoval – ang estudyanteng Kastila na kaisa ng mga mag-aaral na Pilipino na nagnanais na magaral
ng Kastila.
Makaraig – ang puno ng mag-aaral na Pilipino.
Padre Millon – ang dominikanong magtuturo ng Pisika na walang mga instrumento sa
Pamantasan ng Santo Tomas.
Juanito Pelaez – ang naging kaagaw ni Isagani sa pag-ibig ni Paulita Gomez.
Placido Penitente – ang matalinong estudyanteng taga-Batangas na lubhang sumusumpa sa
makalumang pamamaraan ng pagtuturo ng panahong iyon.
Kabesang Andang – ang ina ni Placido Penitente
Don Timoteo – ang ama ni Juanito Pelaez.
Padre Fernandez – ang dominikanong paring kaibigan ni Isagani.
Señor Pasta – ang abogadong Pilipino na ayaw tumulong sa mga kabataan sa paghiling sa
pamahalaan ng ilang pagbabago.
Tano – ang kapatid ni Juli.
Tandang Selo – ang ama ni Kabesang Tales.
Pepay – ang magandang mananayaw.
Ben Zayb – ang mamamahayag.
BULACAN STATE UNIVERSITY

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Ang nobela ay nagsisimula sa eksena sa ilog-Pasig at dito’y ang bapor Tabo ay patungo
sa Laguna. Lulan nito ang matataas na pinuno ng pamahalaan, mga prayle, si Isagani, si Basilio,
ilang indio, mangangalakal na Intsik at mga estudyanteng pauwi na buhat sa Maynila.
Lulan din nito ang mag-aalahas na si Simon na hindi alam ng lahat ay si Ibarra. Nanggaling
siya sa Cuba bilang isang kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral. Nagbalik sila sa Pilipinas sa
tulong ng mayamang mangangalakal na Intsik na si Quiroga upang sagipin si Maria Clara sa
Kumbento sa Sta. Clara at upang maghiganti sa pamamagitan ng paghihimagsik dahil sa mga
kahirapang dinanas sa kamay ng mga makapangyarihang Kastila. Ginamit niya ang kanyang
kayamanan upang pasamain lalo ang pamahalaan sa mata ng mga mamamayan upang hikayatin
ang pamahalaan na apihin ang mga Pilipino nang sa gayon ay mag-alsa ang mga tao laban sa
Espanya. Upang maisagawa ang kaniyang balak, kinaibigan niya ang mga makapangyarihan at
nasa posisyon sa pamahalaan. Hinikayat niya ang mga opisyal at mga prayle sa di-mabuting
pamamahala ng bayan upang magalit sa kanila ang mga tao. Inayunan niya ang pagpapairal ng
mga batas na magdudulot ng kahirapan at pagka-aba ng mga tao nang makapaghanda sa isang
madugong rebolusyon. Sa kabilang dako, lihim na nakipagsundo si Simuon sa mga taong naging
biktima ng kabuktutan at paghamak sa mga Kastila na maghimagsik laban sa pamahalaan.
Sa isang matandang sementeryo ang katagpo sina Simuon at Basilio. Nandoon si Simuon
dahil sa ibinaon niyang kayamanan, samantalang si Basilio nama’y upang dumalaw sa ina.
Nakilala ni Basilio si Simuon, at babarilin sana siya ng huli pero naisip nito na sumama sa kaniyang
balak na paghihimagsik. Tumanggi ang binata kaya hiniling na lamang sa kaniya ni Simuon na
ipaglihim ang katauhan niya at kung kailangan siya nito at sinabi kung saan siya matatagpuan.
Minsan nagsamasama ang mga estudyante sa isang pansiteryang Intsik bilang panunudyo
sa pagbibigay ng pahintulot ng pamahalaan sa pagtatag ng Akademyang Espanyol. Minasama ito
ng mga Kastila at sila ay hinuli. Nakasama rito si Basilio. Sa tulong ni Simuon, si Basilio ay
pinakawalan na rin sa bilangguan. Dahil dito napapayag na rin ang binata na sumali sa rebolusyon.
Ang nakatakdang gagawin niya ay pangunahan ang maghihimagsik sa pagsalakay sa
kumbento sa Sta. Clara at sagipin si Maria Clara, subali’t ipinabatid ni Basilio kay Simuon na huli
na ang lahat sapagkat patay na si Maria Clara. Natulig si Simuon sa narinig niyang magbigay ng
hudyat upang simulan ang pag-aalsa. Nagkasakit si Simuon ng ilang buwan kaya ang unang
tangkang rebolusyon ay naging bigo. Nang siya’y gumaling na, madali niyang naisaayos ang
pagsira sa pamahalaan ng Kastila.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa piging ng pag-iisang dibdib nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez, nagpadala si Simuon ng
isang regalo para sa bagong kasal. Ito ay isang lampara na may lamang pampasabog. Sa kanilang
pakana, sasabog ang buong bahay pati na ang mga opisyal ng pamahalaan at mga prayle na
nandoroon. Sina Basilio at Simuon lamang ang nakakaalam nito. Ito ang magiging hudyat ng
sabay-sabay na pagsabog ng lahat ng mga gusali ng pamahalaan sa Maynila ng mga tauhan ni
Simuon.
Dumating si Simuon sa tahanan ng bagong kasal na dala ang lampara. Si Basilio ay nasa
lansangan habang pinanonood ang pagpanhik ni Simuon sa hagdanan. Ang Gobernador Heneral
ay nakaupo sa kabisera ng pangunahing mesa, at ang lahat ng mga pinuno ay nakapaligid sa
kanya. Samantala, si Isagani, ang tinanggihang mangingibig ni Paulita ay naroon sa labas at
nanonood. Inilagay ni Simuon ang lampara sa gitna ng mesa, sinindihan at lumabas ng bahay.
Nasa ganitong kalagayan nang pagsabihan ni Basilio si Isagani na madaling lumayo roon dahil
sasabog na ang lampara. Nang mabatid ni Isagani naisip niyang mamamatay si Paulita kaya
kinuha niya ang lampara at itinapon sa ilog. Dahil dito, nabigo na naman ang himagsikan.
Dahil sa pangyayaring ito, ang balak ni Simuon na mag-alsa ang bayan sa pamahalaan ay
natuklasan siya ng mga opisyal pero nakatakas siya. Dala-dala ang kaniyang kayamanan,
nagtungo siya sa tahanan ni Padre Florentino sa malayong lugar sa tabi ng dagat. Napag-alaman
ng guwardiya sibil na si Simuon ay nasa bahay ni Padre Florentino. Iniutos ni Tenyente Perez na
dakpin si Simuon ngunit ito’y uminom ng lason. Sa banig ng kamatayan, ikinumpisal ni Simuon
kay Padre Florentino ang tunay niyang katauham at ang kaniyang mga balak na paghihiganti sa
pamahalaan sa pamamagitan ng kaniyang salapi. Sinabi pa niyang balak niyang sirain ang
kaniyang mga kaaway at kaibigan upang matupad ang kaniyang hangaring makasarili. Inalo ni
Padre Florentino si Simuon at sinabi niyang ang Diyos ay mapagpapatawad sa kaniya.
Namatay si Simuon sa harapan ni Padre Florentino. Kinuha ng pari ang kaban ng yaman
na naiwan ni Simuon, nagtungo siya sa tabi ng dagat at dito itinapon ang kaban ng yaman upang
huwag nang magamit pang muli sa kasamaan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Naturalismo
Sa teoryang Naturalismo binibigyang-patunay na ang buhay ay tila isang madilim, mabangis na
lungsod at walang awang kagubatan. Ipinakikita rin ng manunulat nito ang mga kasuklam-suklam na mga
pangyayari. Gamit ang teoryang ito, nagpapahiwatig ang manunulat na walang lugar ang pag asa,
moralidad, katarungan, at pagbabago sa mundo dahil ito ay isa lamang masukal na kagubatan.
Ang himig ng teoryang Naturalismo ay nagpapahiwatig ng pesimismo, dahil laging may pagkabigo
at pagkatalo ang mga tauhan sa akda, at determinismo, na nagpapahiwatig na ang mga tauhan ay nakatali
lamang sa kanyang kapiligiran at wala silang magagawa para mabago ang mundong ginagalawan (Lin
Xianghua, 1989).
Sa pagsusuri ng El Filibusterismo gamit ang Naturalismo maaring tingnan ang kalagayan ng mga
sumusunod na tauhan:
Tauhan Uri ng Pagkabigo Interpretasyon
Simoun ● Pagkamatay ni ● Hindi maaaring
Maria Clara magtagumpay ang hangarin
● Pagkabigo ng kahit na ito ay may dakilang
Himagsika layunin
● Pagpapatiwakal
Kabesang Tales ● Pagnanakaw sa ● Ang pagtitiwala sa Sistema
kanyang lupain ng hustisya ay walang
● Pagkawala ng kapupulutan kung ikaw ay
kanyang Ina walang kapangyarihan
● Pagpapaalipin ni ● Makukuha lamang ang
Juli katarungan sa pamamagitan
● Pagkadakip at ng sarili mong mga kamay
malaunan ay
pagsali sa mga
tulisanes
Juli ● Pagkabigo sa ● Realidad na walang pag-ibig
Pag-ibig para sa mga dukha
Basilio ● Pagkabigo sa pag- ● Walang kakayahan ang
ibig taong baguhin ang kanyang
● Pagkabigo sa kapalaran kahit gaano pa
layuning niya ito naisin
pagbabago gamit
ang reporma
BULACAN STATE UNIVERSITY

Placido Penitente ● Pagkabigo sa ● Tanging ang mga nasa taas


sistemang lamang ng lipunan ang may
mapaunlad ang kakayahang umuunlad
sarili

Marxismo
Ang Marxismong pananaw ay lutang na lutang sa nobelang El Filibusterismo kaysa sa Noli Me
Tangere. Sa pananaw na ito, tinitingnan at sinusuri ang mga tungaliang nagaganap sa isang nobela lalo
na ang mga simbolismong nagpapakita ng sistemang mapang-api at nag-aalis ng pagkatao ng mga
tauhan sa isang nobela. Ang El Filibusterismo ay nag uumapaw sa mga alegoryang tumutumbok sa
marxsitang pananaw tulad ng mga sumusunod:
Simbolismo Interpretasyon
Bapor Tabo Nagpapakita ng pagkakahiwa-hiwalay ng uri ng tao base sa
kanilang kalagayan sa lipunan. Mga taong makapangyarihan
(Peninsulares, Insulares, Kawani ng Pamahalaan, mga May ari ng
Lupa, at mga Fraile) na mga nag-uusap sa may itaas ng bapor, mga
panggitnang uri (mga mestizo, mag aaral, pangkaraniwang tao) na
nasa loob ng bapor, at mga mababang uri (Indio) na nagbubuwis
buhay sa pagsasagwan para sa bapor.
Pagtatalo sa pagtuturo Nagpapakita ito ng dalawang kaisipang nagbabanggaan. Una, ay
ng wikang kastila ang puntong kapag natuto ang mga Pilipino ng kastila ay magiging
kapantay na sila ng mga kastila. Pangalawa, ay ang paggamit ng
wikang kastila ang kikitil sa pagkatao ng mga Pilipino na lalong
magbubunga sa kanilang pagka-alipin
Panghihimok ng Nagpapamalas ng kaisipan na hindi maaring mabago ang lipunan
himagsikan kung hindi magkakaroon ng isang armadong himagsikan.
Binibigyang diin dito na ang sistema ay hindi uunlad bagkus ay
lalong lalala lamang para sa mga taong nasa ibaba nito, kaya
kailangang baguhin ito gamit ang isang marahas na pag-aalsa.
Paghihiganti ni Naglalahad na ang isang taong matuwid ay hindi maaring magwagi
Kabesang Tales sa isang sistema na kung saan langit at lupa ang pinagkaiba ng
nasa mataas/gitnang uri (bourgeois) at ng nakakababang uri
(proletariat). Nagpapahiwatig ito na ang katarungan ay maaari
lamang makamtan gamit ang sariling kamay, at kailangang itakwil
ang buong sistema para lamang maatim ito.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Paglalatag ng Ang pagpapakita ng angking kayamanan ni Simoun ay maituturing


klayamanan ni Simoun na alegorya sa kung paano pinapatakbo ng salapi/kapangyarihan
kay kabesang Tales ang mundo. Na kung wala ang isang tao nito, wala siyang
matatamasang katarungan pagka’t ito ay para lamang sa mga
taong nasa mataas na katayuan ng isang sistemang mapaniil.

Aralin II

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.


Aralin II ang nais ipahiwatig ni Rizal sa kanyang liham sa mga kababihan ng
Nasusuri
Malolos.
Naipapaliwanag ang mga kaisipang tungkol sa kahalagahan ng tungkuling
ginampanan ng isang Ina o babae.
Naihahambing ang dalagang Pilipina sa mga babae ng ibang bayan.

Ang Liham ni Rizal sa mga kadalagahan ng Malolos

Sa panahong ang mga kababaihan ay natali sa tradisyunal na gampanin tulad ng pag-aalaga ng


mga anak, pagpapanatiling malinis ng tahanan, matiyagang pag-uusal ng mga mahahabang dasal,
pananahi ng mga damit ng mga santo, may isang pangkat ng mga kadalagahan sa bayan ng Malolos ang
napaiba sa karaniwang kababaihan noon.

Ang mga kadalagahan ng Malolos ay naghain ng petisyon sa noo’y Gobernador Heneral Weyler
na sila ay mapahintulutan na magkaroon ng paaralang panggabi upang sila ay makapag-aral at matuto
ng wikang espanyol sa ilalim sana ng pagtuturo ni G. Teodoro Sandiko, ngunit ito ay agad kinontra ng
noo’y kura paroko na si Padre Felipe Garcia. Sa kabila ng kanilang kabiguan di sila bumitaw sa kanilang
paniniwala na maipag-laban ang kanilang ninanais na paaralan, malaunan sa kanilang matiyagang
pakikipaglaban, malaunan sila din nama’y napagbigyan ng permiso ng pamahalaan sa kanilang kahilingan
dangan nga lamang na sa halip na si G. Teodoro Sandiko ang naging guro nila, naging kundisyon sa
pagpapahintulot na nakamit na isang babae ang maging kanilang guro; si Senyorita Guadalupe Reyes.

Ang nabanggit na pangyayari ay ipinagbunyi ng mga makabayang Pilipino nakarating din ang balita
sa Espanya, noong ika 17, ng Pebrero taong 1889 sinulatan ni Marcelo Del Pilar si Dr. Rizal na humihiling
na sulatan niya ang mga nabanggit na kadalagahan ng Malolos, at noon ngang Ika 22 ng Pebrero, sa
parehong taon naisulat ni Dr, Rizal ang Liham niya sa kadalagahan ng Malolos na naglalaman ng kanyang
pagbati sa mga kadalagahan sa kanilang ipinakitang katapangan na makamit ang isang bagay na
ipinagkakait sa kanila na di karaniwang nangyayari sa kanilang panahon.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang 21 na kadalagahang taga-Malolos na pinadalhan ng liham ni Dr. Jose Rizal.


1. Alberta Ui Tangcoy 10. Feliciana Tiongson 19. Aleja
2. Filomena 11. Elisea Reyes 20. Cecilia
3. Merced Tiongson 12. Basilia Tiongson 21. Juana
4. Olimpia Tanctoco 13. Aurea Tanchongco
5. Teresita Tantoco 14. Maria Tantoco
6. Agapita Tiongson 15. Eugenia Tang
7. Leoncia Reyes 16. Anastacia
8. Olimpia Reyes 17. Basilia Tantoco
9. Paz Tiongson 18. Rufin
Inilantad ni Rizal ang paghanga sa mga kababaihang taga-Malolos. Binigyan niya ng inspirasyon
ang mga ito upang ipagpatuloy ang kanilang gawain nang mahango sa kamangmangan at pagka-alipin
ang mga mamamayan.

Mababasa rin sa liham na ito ang mga katangiang ninais ni Rizal na taglayin ng mga babaing
Pilipina sa panahong ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng edukasyon. Ipinahayag niya ang mga
responsibilidad at katungkulan ng kababaihan sa bayan. Narito ang bahagi ng kanyang liham: “Malaki
ngang di bahagya ang katungkulang gaganapin ng babae sa pagkabihis ngg hirap ng bayan, ngunit ang
lahat ng ito’y di hihigit sa lakas ng loob ng babaing Tagalog. Talastas ng lahat ang kapangyarihan at galing
ng babae sa Pilipinas, kaya kanilang binulag at iniyuko ang loob, panatag sila habang ang ina’y alipin ay
maaalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugami ng Asia: ang babae sa
Asia’y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil doo’y ang mga babae ay
madaya’t marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.”

Isa pang magandang halimbawa ng mga kababaihang taga-Malolos ang isinama niya sa liham
upang higit na mabigyang-diin ang tungkulin ng kababaihan sa paghubog ng mga kabataang siyang pag-
asa ng bayan sa kinabukasan. Narito ang bahagi ng liham:

“Sa mga bayang gumagalang sa babaing para sa Pilipinas, dapat nilang kilalanin ang tunay na
lagay upang magampanan ang sa kanila’y iniaasa. Ugaling dati’y kapag nanliligaw ang nag-aaral na
binata ay ipinanganganyang lahat, dunong, puri’t salapi, na tila bagang ang dalaga’y walang naisasabog
kundi kasamaan. Ang katapang-tapanga’y kapag napakasal ay nagiging duwag, ang duwag na datihan at
nagwawalang-hiya, na tila walang inaantay kundi ang mag-asawa, para maipahayag ang sariling
karuwagan. Ang anak ay walang pantakip sa hina ng loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok
ang apdo, nagtitiis ng sampal, nasunod sa lalong hunghang na utos at tumutulong sa kataksilan ng iba
sapagka’t kung walang tatakbo’y walang maghahangad, kung walang isdang munti’y walang isdang
malaki. Bakit kaya baga di nalang isang pusong lalaking makapag-aampon sa kahinaan ng babae, isang
marangal na loob na di papayag magkaanak ng alipin.”
Ipinapupukaw niya sa kababaihan ang sigla at sipag ng kalalakihan. Sinabi di dapat isuko ang
pagkadalaga sa may mahinang puso. At kung sakaling mag-aasawa naman ang dalagang ito, dapat
siyang maging katuwang ng lalaki sa hirap at maging tanglaw ng anak sa pag-ibig sa bayan at kapwa.

At idinugtong pa niya ang tungkol sa kababaihan ng Esparta: “Nang iniaabot ng isang ina ang ang
kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: “Ibalik mo o babalik ka,” ito nga umuwi kang
BULACAN STATE UNIVERSITY

manalo o mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ng taong natalo o inusig kaya ang bangkay
sa ibabaw ng kalasag. Nabalitaan ng isang ina na namatay sa laban ang kaniyang anak at hukbo’y natalo.
Hindi umimik kundi nagpasalamat dahil ang kaniyang anak ay naligtas sa pula ngunit ang anak ay bumalik
nang buhay; nagluksa ang ina nang siya’y makita. Sa isang sumasalubong na ina ay mga umuwing galing
sa labanan at ibinabalita na isa sa namatay sa pagbabaka ang tatlo niyang anak, “Hindi iyan ang tanong
ko,” ang sagot ng ina, “kundi nanalo o natalo tayo?” “Nanalo,” ang sagot ng bayani. “Kung ganoo’y
magpasalamat tayo sa Diyos!” ang wika at napasasimbahan.”

Minsa’y nagtago sa simbahan ang isang napatalong hari nila, sa takot sa galit ng bayan:
pinagkaisahang kulungin siya doon at patayin sa gutom. Nang papaderan na ang pinto’y ang una ang
unang naghalo ng bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kaya nga’t iginalang nang buong
Gresya ang babaing Esparta, - “Sa lahat ng babae,” ang pula ng isa, “ay kayo na lamang na taga-Esparta
ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kanilang bayan,” habang nanatili ang ganitong mga
isipan at ganitong mga babae, ay walang kaaway na nakatungtong sa lupaing Esparta, at walang babaing
taga-Esparta na nakatanaw na hukbo ng kaaway.
Tungkol naman sa relihiyon, sinabi niyang ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid.
Sinabi ni Kristo sa gawa at hindi salita ang hinihiling Niya sa tao, kaya nararapat na magmulat ng mata
ang kababaihan at iwasan ang bulag na pagsunod.

Bilang pangwakas at tagubilin sa sulat niya, nagbigay si Rizal ng mga paninindigan at


sinabing pagmumuni-muniin ng kababaihan ang kanyang mga sinabi. Anim na bagay ang iminungkahi
niya:
1. Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa karuwagan at kapabayaan ng iba.
2. Ang inaalipusta ng isa ay nasa kulang ng pagmamahal sa sarili at nasa labis na
pagkasilaw sa umaalipusta.
3. Ang kamangmangan kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip, ay ganoon ang tao; ang
taong walang sariling isip ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ng
iba ay parang hayop na susunud-sunod sa tali.
4. Ang ibig magtago ng sarili ay tumulong sa ibang magtago ng kanila, sapagkat kung
pabayaan mo ang iyong kapwa ay pababayaan ka rin naman; dapat ay magkaisa-isang
bigkis na walis.
5. Kung ang babaing Tagalog ay di magbabago ay hindi dapat magpalaki ng anak, kundi
gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagkat
kung dili’y ipagkakanulong walang malay, ang asawa, anak, bayan at lahat.
6. Ang tao’y inianak na paris-paris, hubad at walang tali. Di nilalang ng Diyos upang
maalipin, di bigyan ng isip para pabulag, at di hinayaan ng katwiran at nang maulol ng
iba. Hindi kapalaluan ng isip ang paggamit nang matuwid sa anumang bagay. Ang
palalo’y ang nagpasasamba, ang bumubulag sa iba at ang ibig papanaigin at ang
kanyang ibig sa matuwid at katapatan.
7. Liningin ninyong magaling kung ano ang relihiyong itinuro sa atin.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Aralin III

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.


Nababatid sa mga sanaysay ang naging kalagayan ng ating bansa sa kamay
ng mga dayuhang mananakop.
Naisa-isa ang mga hula ni Rizal na mangyayari sa Pilipinas sa huling banda
ng pananakop ng mga kastila.
Nalalaman ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng mga sayasay.
Natatalakay ang mga sanhi ng katamaran ng mga Pilipino.

Ang Pilipinas sa Loob ng 100 Taon

Ang pamagat nito’y Filipinas Dentro de Cien Años. Inilathala ito sa La Solidaridad buhat noong
Setyembre hanggang Enero, 1890.

Sa akdang ito’y nagtila-propeta si Rizal sapagkat ang nilalaman ng akda’y naganap. Dito’y sinabi
ni Rizal kung ano ang kakaharapin ng Pilipinas sa darating na 100 taon. Sinabi niyang bago makita ang
tadhana ng isang bayan, kailangan munang buklatin ang aklat ng kanyang nakalipas, sapagkat naniniwala
siyang ang lahat ng bagay ay may batayang simula.

Ipinakita ni Rizal nang buong linaw at husay ang naging kondisyon ng Pilipinas. Sinabi niyang
nagbago ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Nagbago ang batas, kagamitan, kaugalian,
pananampalataya at paniniwala ng mga Pilipino. Nagsimula ang isang panahon, nawala ang mga
matatandang alamat, alaala, kinalimutan ang sariling panulat, kantahin, tula at batas. Iwinaksi na ang
kinagisnang kultura at kaugalian. Naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga Kastila. Pinagaralan ang
kultura, pag-iisip at gawi ng mga dayuhan at ipinagmakahiya ang pagiging Pilipino.

Noon bago pa lamang ang mga Kastila, ang kanilang pakikitungo sa mga katutubo’y napakabuti, sapagkat
nais nilang mapalapit ang puso ng mga tao sa kanila. Naging bukas ang kanilang palad sa pagtulong sa
mga nangangailangan at naghihikahos, sa gayon nagkaroon ng malaking tiwala sa kanila ang mga
mamamayang Pilipino.

Naging bulag ang pagsunod ng mga ito sa kanilang kagustuhan, lalo na sa mga prayle at dahil
dito’y umabuso naman ang mga dayuhan, nanghingi sila ng matataas na buwis, inalis nila ang karapatan
ng mga tao, at ginawang tauhan lamang. Masasabing naging masama ang bunga ng ganito sapagkat
naparatangan pa silang masama at hindi pinapahalagahan ang kanilang ginagawa.

Sa mga paratang na ito, hindi naging pipi ang bayan sapagkat nagising din ang kanilang puso at
damdamin sa paghihimagsik at pagtutol sa mga kalabisan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ito ang kahapon ng Pilipinas. Ano ang magiging kalagayan niya sa hinaharap? Magiging alipin
bang muli? Ano na namang pagtitiis ang kaniyang mararanasan? Hihiwalay kaya siya sa Inang Espanya
upang mamuhay na malaya o kaya’y upang mahulog sa kamay ng ibang bansa o makipagkasundo sa
ibang bansa.

Ang hula naman niya sa bayan ay narito: “Labis na maaasahang pikitmata’t buong kabayanihang
ipagtatanggol ng Pilipinas ang kaniyang kalayaang binili ng libong hirap at masaganang dugo. Ang mga
taong bagong sisipot sa silong ng kanyang langit, kasaliw ng mga alaala ng panahong nagdaan, ay di-
sasalang magsusumikap ng makapagpagawa nang maluwang na landasin tungo sa ikasusulong, at ang
lahat ay sama-samang magsisigawa upang bigyang-lakas at tibay ang bayan, maging sa sariling
pamumuhay at maging sa pakikipagkapwa-bayan, at ang kasiglahan nila sa paggawang iyan ay
maihahambing sa kasiglahan ng isang binatang muling nagbubungkal ng bukiring naiwan ng kaniyang
magulang na malaong napabayaa’t di napaganihan, salamat sa pagwawalang-bahala ng mga unang
nagsikuha, sa gayo’y muling huhukayin sa kailaliman ng lupa ang kanyang mga ginto upang makahango
sa pagdaralita, ang kanyang mga bakal upang gawing sandata, gayundin huhukayin ang kanyang mga
tanso, tingga, uling atbp. Sa ganyan marahil, ang baya’y muling magbabagong lakas at buhay upang
magpaibayong-dagat at mangalakal, mga bagay na katutubong ugali ng mga mamamayan at may sapat
na hilig at talino sa mga bagay na ito. At kung maging malaya na muli, gaya ng ibong nakawala sa hawla,
gaya ng bulaklak na tinatangay ng hangin, muling mapapasaulli ang mga gawi niyang mabubuti na
untiunting nangawala, at siya’y magiging magiliwing muli sa kapayapaan, masaya, maaliw, palangiti,
mapag-aruga at mapangahas.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay isa sa mga kauna-unahang sinulat ni Rizal sa Espanya.
Ginamit niya rito ang sagisag na Laong-Laan. Noong Agosto 22, 1882, ang sanaysay na ito ay lumabas
sa Diariong Tagalog. Ito’y nasulat sa Kastila subali’t isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar.

Ayon kay Rizal, ang Inang Bayan ay isang paksang kinagigiliwan ng mga manunulat, mang-aawit,
manggagawa, makasining, mandirigma at iba’t ibang uri ng tao sa ating lipunan. Ang Inang Bayan ay
isang paksang magandang pag-usapan sapagkat ang damdamin o pagmamahal sa ating bayan ay
katutubo, likas sa mga magagandang karanasang nakamtan natin mula pa sa pagkabata hanggang sa
lumaki, bukod sa kagandahan ng kalikasang natutunguhan sa paligid ng tahanan at ng bayan. Mahal na
mahal ni Rizal ang Inang Bayan.

Nabanggit ni Rizal ang mga matatandang Ebreong nag-aala ng sakripisyo sa templo bilang tanda
ng kanilang pagmamahal sa bayan. Ang mga mag-aaral na nangibang bayan tulad niya ay inihahambing
niya sa mga Ebreong nabanggit, na iba nga lamang ang sakripisyong inihahandog.

...”O! kailanma’y huwag ninyong pasakitang loob ng taga-ibang bayan, ang umahon sa inyong
dalampasigan; huwag ninyong gisingin ang buhay na gunita ng kaniyang bayan, ng mga ligaya sa
BULACAN STATE UNIVERSITY

kaniyang tahanan, sapagka’t kung magkagayon, ang kanilang sakit na pamamanglaw ay muling uukilkil
sa kaniyang isipan at hindi magtutugot hangga’t hindi niya nakikitang muli ang kaniyang bayan.”

Sinabi rin ni Rizal na ang pag-ibig sa bayan ay hindi magmamaliw kapag ito ay nakatanim sa puso
at isipan. ...”ang iba’t nahandog sa kaniya ng kanilang kabataan, ng kanilang kasiyahan; may iba ring
naghandog sa kaniya ng angking katalinuhan; ang iba’y nagbubo ng dugo; ang lahat ng nangamatay ay
nag-iwan sa kaniyang Inang Bayan ng malaking kapalaran; kalayaan at kaluwalhatian.”
At narito ang kaniyang mga tagubilin:

“Ikaw na may nawalan ng ideyalismo sa inyong kaluluwa, ikaw na may sugatang puso, namasdang
pumaram ang iyong mga lunggating isa-isang tulad ng mga puno ay pinanlalaglagan ng mga bulaklak at
dahon at humahanap ng nais na mahalin, wala nang iba pang babagay sa iyo, nariyan ang Inang Bayan,
mahalin mo. Ikaw na nawalan ng ama, ina, kapatid, asawa at anak, sa maikling salita, pag-ibig, na siyang
pinaglagakan ng iyong mga pangarap, nariyan ang iyong mga pangarap, nariyan ang iyong Inang Bayan,
mahalin mo siya pagka’t nararapat sa kaniya. Mahalin siya! Oo! Subalit hindi pagmamahal sa kaniya sa
pamamagitan ng kasuklamsuklam na gawain, tanggihan at pinagbawal nang tunay na kabanalan; sa
pamamagitan ng pantisismo, pagwawasak at kaimbiian, hindi. Ang may magandang bukang liwayway ay
namamanaag na - ang malamyos na liwanag, ang tagapaghatid ng buhay at katahimikan – ang bukang
liwayway, sa madaling salita, ng tunay na Kristiyanismo, ang pangunahin sa maligaya at tahimik na mga
araw.”

Ang Katamaran ng mga Pilipino

May mga isinulat si Rizal na nagdulot ng kalinawan, isa rito ang sanhi ng katamaran ng mga Pilipino, na
pinalalagay na pinakamahabang sanaysay. Nalathala nang limang labas sa La Solidaridad na makalawa
sa isang buwan kung lumabas. Simula noong ika-15 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Setyembre, 1890.

Napuna ni Rizal na kapag may hindi magandang pangyayaring nagaganap sa kapuluan, isinisisi
ito sa “katamaran” ng mga Pilipino. Kaya sinimulan niyang suriin ang panlipunang kalagayan at
pampulitikal na nasabing panahon upang ipakita na ang sinasabing “katamaran”, na kanyang
pinakahuluganang “walang pagmamahal sa paggawa o sa kakulangan sa gawain”, ay hindi ang sanhi,
kundi ang bunga ng kaguluhan at kahulihan sa panahon ng bansa.

Hindi tahasang pinabulaanan ni Rizal ang sinasabing “katamaran” ng mga Pilipino. Sinabi niyang
may nakikita ngang katamaran ngunit hindi ipinanganak na tamad ang mga Pilipino; ang klima ng Pilipinas
ay mainit at natural lamang na hindi sila magmadali sa paggawa di tulad sa mga klimang malamig na
kailangan ang mabilisang pagkilos upang mapaglabanan ang paninigas ng katawan. Sa Pilipinas ginawa
ng inang kalikasang mataba ang lupa upang ang magsasaka’y hindi gaanong mahirapan sa paggawa
upang makatiyak ng masaganang ani.

Ang katamaran, wika pa niya’y isang sakit, ngunit hindi namamana, ang mga katutubong Pilipino
sa Pilipinas ay dating kilala sa kanilang kasipagan sa paggawa at katapatan. Noong hindi pa dumarating
dito ang mga Kastila, makikipagkalakalan na sila sa mga Tsino na siyang nagdadala ng iba’t ibang
BULACAN STATE UNIVERSITY

produkto at ilang kaalaman sa kapuluan. Mula sa tala ng mga manlalakbay at mananalaysay ay


mapaghuhulong ang bayan ay may “may minahan, mga pinaglalagyan ng kalakal, paggawa ng
sasakyang-dagat, manukan at alagang mga hayop, paghahabi ng seda at bulak, mga dalisayan, paggawa
ng armas, perlas, pangingisda, industriya ng sungay, balat at iba pa.”

Ngunit ano ang mga dahilan ng tinatawag na katamaran:


a) Yaong maaaring kabakasan ng kolonyal na patakaran ng mga Kastila at,
b) Taong maiuukol sa mga Pilipino na rin.

Sa unang uri at pagpuna, sinabi niyang ang mga sanhi nito’y ang mga kaluhuan at pangaabuso ng
mga Kastila. Binanggit niya ang mga pagbubuo ng dugo dahil sa pakikipagdigmaan sa mga Kastila, sa
mga Olandes, Portuges, at Tsino; ang mga pagsulpot ng mga pirata; pagpaparusa ng kamatayan sa mga
nahuling nagkasala. Kaya’t masasabing sa loob ng kalahiting dantaon, ang bilang ng taong-bayan ay
nababawasan din sa pagsalakay ng mga moro mula sa timog. Hindi na kayang ipagtanggol ng taong-
bayan ang sarili nila sa mga pirata sapagkat wala silang mga armas. Ang mga pangyayaring ito ang
nakawala ng insentibo ng mga tao upang magpahalaga sa paggawa. Bakit pa nga ba sila gagawa kundi
naman sila aani at magtatamasa ng kanilang pinagpaguran? Kaya ang iba’y nabaling na lamang sa
pagsusugal dahil sa paghahangad na kumita nang malaki sa mabilisang pangyayari na kabaligtaran
naman ang kadalasang nagiging bunga.

Ang mga bayan, patuloy ni Rizal, ay lalong nabawasan dahil sa pagpapatala ng mga manggagawa
upang magtrabaho sa konstruksiyon ng mga malalaking sasakyang-dagat na kinakailangan ng mga
Kastila para sa mga ekspedisyon nito sa mga kalapit-bansa at kasama na rito ang makahayop na
pakikitungo ng mga mananakop sa mga manggagawang Pilipino.

Bukod pa rito, mayroon pang pang-aabuso ng mga engkomendero. Dahil sa kanilang napakalupit
na pagtrato, ang mga prayle na ang mga kadalasang nagpapayo sa kanilang nasasakupan na “hintuan
ang paggawa ng minahan, iwan ang industriya at itinuturo ang langit bilang tanging pag-asa at ang
paghahanda sa kamatayan bilang tanging kaligtasan.” Sinasabi rin ng mga prayle na ang mga may
salapi’y hindi napupunta sa langit at nalalantad lamang sa lahat ng uri ng pagpapagalit at suliranin tulad
ng pagsingil ng mga buwis, pagpapatapon at sapilitang pagiging bangkero ng kumander ng bayan.

Sa kawalan ng hangarin at pampasigla, natural lamang na mapasadlak sa katamaran ang mga


Pilipino. Nawalan na sila ng hangarin sa materyal at moral na mga bagay.

Ang mga bayan din ay napahiwalay sa kanyang mga kalapit-bayang dating pinakikipagkalakalan.
Ang tanging kalakal na pinahihintulutan ay sa pamamagitan lamang ng galyon na nagpapabalik-balik sa
Mexico at Pilipinas. Nasira ang lokal na pakikipagkalakalan dahil sa nasiraan ng loob ang mga
mangangalakal sa mga pandarambong ng mga pirata sa karagatan, sa pagbabawal ng pamahalaan sa
iba’t ibang pamamaraan ng pagpipigil sa pagbibigay-pahintulot ng pamahalaan para sa pangangalakal.

Karagdagan pa rin sa sinasabing katamaran ang mga masasagwang gawain ng mga mananakop,
sila ang halimbawa ng katamaran sapagkat tambak-tambak ang kanilang mga utos, ang mga utusan
BULACAN STATE UNIVERSITY

nama’y labis nilang hinahamak, ipinakikita nilang hindi karapat-dapat sa mga maharlika at aristokrata ang
manwal o pangkamay na gawain.

Ngunit hindi naman isinising lahat ni Rizal sa pamahalaan ang sanhi ng katamaran sapagkat ang
mga katutubo ay may bahagi rin dito. Salat sila ng edukasyon at nasyonalismo. Wala silang kamalayang
pambansa.

Sa maraming halimbawa, pinatunayan ni Rizal, na hindi mababa ang Pilipino sa anumang lahi ng
daigdig, maraming katibayan na higit pa ngang tamad ang mga Kastila kaysa sa mga Pilipino, at ang tao’y
hindi isang makina na gagawa lamang para sa kasiyahan ng iba, nais niyang gumawa kung ito’y para sa
kaligayahan niya at ang kanyang pamilya.

Sa dakong huli, sinabi pa ni Rizal na darating ang panahon na namumulat ang mga Pilipino. Na
higit na mainam ang boluntaryong pagkamulat kaysa sapilitan.

“Kaya upang ang Pilipino’y umunlad, kailangang ang boluntaryong pagkamulat ang kumulo sa
kaniyang mga ugat, sapagkat ang pag-unlad ay sadyang nangangailangan ng pagbabago, at
nagpapahiwatig ng pagbagsak ng nakaraan, at ang pagtatagumpay ng bagong kaisipan. Ang kakulangan
ng isang pambansang kamalayan ay nagbibigay-daan sa isa pang kasamaan, na siyang kawalan ng
tagasalungat sa mga hakbang na hindi makabubuti sa taongbayan, at ang kawalan ng pammpasigla na
hahantong sa kanilang kabutihan. Mangyari pa, ang tao sa Pilipinas ay isa lamang indibidwal, siya ay
hindi kasapi ng isang bansa.”

You might also like