You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XII, South Cotabato
School Division ng Heneral Santos
FIELD OFFICE NG HENERAL SANTOS

_____________________________________________________________________

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I


IKALAWANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang kailanan ng pangngalan gamit ang pantukoy na pambalana:
“ang” at “ang mga”.
 Nakagagawa ng mga gawain na may kinalaman sa paggamit ng pantukoy na
pambalana: "ang" at "ang mga" tulad ng pagsayaw, pagguhit, at pag-arte.
 Napahahalagahan ang kaalaman sa paggamit ng pantukoy na pambalana:
"ang" at "ang mga".

II. NILALAMAN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa


pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.

Pamantayan sa Pagganap: Naipapahayag ang ideya/ kaisipan/ damdamin/


reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis,
antala at intonasyon.

Pamantayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang kailanan ng pangngalan gamit


ang pantukoy na pambalana: "ang" at "ang
mga".
Code: F1WG-IIc-f- 2.1

Paksa:
Wika at Pagbasa
Pantukoy na pambalana: “ang” at “ang mga”

Sanggunian: PIVOT Learner’s Module Grade 1: Filipino.


DEPED Calabarzon.

Kagamitan: Laptop / Telepono, Speaker, PPT (Mga


Larawan, Rubriks), Big book, Worksheet, Paper
strips, Tarpapel, Tsart, Manila Paper, DIY
Telephoto, Post-it

Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang kaalaman sa paggamit


ng pantukoy na pambalana: "ang" at "ang mga".

Tinatayang Oras: 50 minuto

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN 1. Panalangin


2. Pagbati
3. Pagtatakda / Pagpapaalala sa mga
panuntunan sa silid-aralan
4. Pampasigla
5. Pagtatala ng lumiban
6. Pagsusuri sa takdang – aralin
1. BALIK ARAL BALIKAN NATIN (Tanong at Sagot) (3 minuto)
Ang guro ay magtatanong kung ano ang
kanilang napag-aralan mula sa nakaraang
talakayan patungkol sa pantukoy na pantangi:
“si” at “sina”.
• Ano ang ating napag-aralan kahapon?
• Anu - ano ang pantukoy na ating napag-
aralan?
• Kailan ginagamit ang "si at sina" ?

2. PAGGANYAK OH! PRAISE THE LORD (bidyo na


presentasyon) (5 minuto)
Ang guro ay magbabahagi ng lyrics video /
karaoke ng isang kanta na may kaugnayan sa
pantukoy na pambalana: “ang” at “ang mga”. Ito
ay sabay sabay na aawitin at sasayawin ng
klase. Pagkatapos ay sasagutin ang mga
katanungan.

Ang isang bata


Ang isang bata na nag-aaral
Ay mahal ng Diyos
Hindi kumukupas
Ang isang bata na nag-aaral
Ay mahal ng Diyos
Hindi kumukupas
Huwag ka ng malungkot
Oh! praise the Lord.
Ang mga bubuyog
Ang mga bubuyog na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Hindi kumukupas
Ang mga bubuyog na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Hindi kumukupas
Huwag ka ng malungkot
Oh! praise the Lord.

MGA TANONG:
1. Ano ang iyong obserbasyon sa awitin?
2. Sinu -sino ang mahal ng Diyos?
3. Sa iyong palagay bakit ito ang ating awitin
ngayong araw?

3. PAGHAWAN NG BALAKID SALI-SALITA (PowerPoint na presentasyon,


/ PAG - UNLAD SA Paper strips, Tarpapel) (5 minuto)
TALASALITAAN
Ang isang guro ay magpapakita ng mga
katanungan sa PowerPoint na presentasyon.
Ang mga katanungang ito ay naglalaman ng
mga bagong salita na matututunan ng mga
mag-aaral. Para sa mga kasagutan ng mga
tanong, ito ay nakasulat sa mga paper strips na
hahawakan ng mga kawaning guro. Ang mag-
aaral ay papipiliin ng sagot, sila ay tutungo sa
gurong may tamang sagot, at ito ay kanilang
ipapadikit sa isang diksyunaryong tarpapel na
nakapaskil sa pisara.
MGA TANONG AT SAGOT:

1. Dadapo na sana si Mayumi sa isa sa mga


bulaklak nang dumating ang grupo nina Marikit,
ang mga makukulay na paruparo.
a. Aamuyin
b. Lilipad palayo
c. Titigil sa paglipad at papatong

2. Umalis si Mayumi sa gawing iyon ng hardin


ngunit nasagi ng dahon ang kanyang pakpak
kaya nasugatan siya.
a. nabangga
b. naipit
c. sumabit

3. Dumating ang langgam. "Hindi kita


matutulungan, ang mga pagkain ay akin pang
iimbakin."
a. iipunin
b. itatapon
c. kakainin

4. Nauubusan na ng pag-asa si Mayumi kaya


umiyak siya nang umiyak.
a. Wala na
b. Marami pa
c. Kaunti na lamang

5. Naging magkaibigan ang mga alitaptap at si


Mayumi.
a. kaaway
b. kabarkada
c. kasama

4. PAGBASA (PANITIKAN) MAY KWENTO AKO (puppet play) (13 minuto)

Ibahagi sa klase ang kwentong may pamagat


na “Ang Paruparo”. Ito ay iprepresenta ng guro
at pagkatapos ang mga mag-aaral ay bibigyan
ng panahon upang sagutin ang mga
katanungan.

ANG PARUPARO
Isinulat ng: Pangkat 3- ELGEN A

Ang hardin ni Ginang Ada ay


napakaganda. Makukulay at mababango
ang mga bulaklak doon, kaya ito ay gusto
ng mga paruparo. Isa na roon ang
paruparong si Mayumi. Taliwas sa
kanyang pangalan, ang anyo niya'y
walang yumi. Ang pakpak niya ay
kayumanggi. Siya'y nalulungkot dahil dito.
Dadapo na sana siya sa isa sa mga
bulaklak nang dumating ang grupo nina
Marikit, ang mga makukulay na paruparo
na kinaiinggitan niya. Ang tulad niya ay
kailanma'y hindi nila ituturing na kaibigan.

Umalis siya sa gawing iyon ng


hardin ngunit nasagi ng dahon ang
kanyang pakpak kaya nasugatan ito.
Takot siya dahil hindi niya ito maigalaw.
"Tulong! Tulong!”

"Walang tutulong sa'yo kasi, iba ka!


Tara, girls, at baka mahawaan pa tayo ng
kapangitan ni Mayumi" mataray na sabi ni
Marikit.
Dumaan ang gagamba. "Pasensya
na pero ako ay nagmamadali."

Dumating ang langgam. "Hindi kita


matutulungan, ang mga pagkain ay akin
pang iimbakin."

Gabi na at wala niisang gustong


tumulong sa kanya dahil naiiba nga siya.
Nauubusan na siya ng pag-asa kaya
umiyak siya nang umiyak at nagdasal na
sana'y may tumulong na sa kanya. Maya -
maya'y biglang nagliwanag ang paligid.
Ang mga alitaptap.

"Hali kayo't tulungan natin siya!"

"Maraming salamat sa inyong


tulong. Akala ko'y mamatay na ako dahil
walang nais tumulong sa akin dahil ako'y
naiiba."

"Wala iyon. Kahit sino ay


tutulungan namin."

Simula noon, naging magkaibigan


na ang mga alitaptap at si Mayumi.

Pinatunayan ng mga alitaptap na


ang pagkakaibigan at pagtulong ay para
sa lahat.

WAKAS

MGA TANONG:
1. Bakit walang gustong kumaibigan at
tumulong sa kayumangging paruparo?
2. Kung hihingi ng tulong sa iyo ang
kayumangging paruparo, paano mo siya
tutulungan?
3. Ano ang aral na iyong nakuha sa kwento?

Pangkatin ang klase sa tatlong (3) grupo at


bigyan sila ng sapat na panahon upang gawin
ang mga gawain.

Unang Pangkat IGUHIT NATIN!


Ang guro ay magbibigay ng worksheet sa
pangkat. Ito ay maglalaman ng apat (4) na
larawang may kaugnayan sa kwentong “Ang
Paruparo”. Mula sa apat (4) na larawan, sila ay
pipili ng isa (1) na kanilang naibigan, ito’y i-
tetrace, kukulayan, at ibabahagi sa klase ang
dahilan kung bakit nila ito napili. Sila ay bibigyan
ng 10 minuto bilang preparasyon at
presentasyon.

PANGALAN NG PANGKAT:_________
BAITANG: ___1___
Ikalawang Pangkat HULA-HULA PIC
Mula sa kwentong “Ang Paruparo”, ang guro ay
magbibigay ng limang (5) linya at larawan na
naglalaman ng mga pangyayari. Ang bawat
linya at larawan ay ililimbag sa bond paper (5
linya at larawan = 5 bond paper). Ang bawat
miyembro ng pangkat ay bibigyan ng tig-iisang
bond paper. Ito ay hindi magkakasunod-sunod
at kinakailangang hanapin ng bawat miyembro
ang kanilang puwesto mula sa pinakaunang
pangyayari hanggang sa pinakahuli.
Ang bawat miyembro ay pipili at tutungo sa
mga poste na may bilang 1-5. Ang miyembro na
may hawak ng pinakaunang pangyayari ay
tutungo sa unang poste at ang miyembro na
may hawak ng pinakahuling pangyayari ay
tutungo sa ikalimang poste. Ipapakita ang
pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng oral
na pagbasa. Sila ay bibigyan ng 10 minuto
bilang preparasyon at presentasyon.
1. Gusto ni Mayumi ang hardin ni Ginang Ada.

2. Umalis siya sa gawing iyon ng hardin ngunit


nasagi ng dahon ang kanyang pakpak.

3. Gabi na at wala niisang gustong tumulong


sa kanya dahil naiiba nga siya.

4. Maya - maya'y biglang nagliwanag ang


paligid. Ang mga alitaptap. Tinulungan nila si
Mayumi.
5. Pinatunayan ng mga alitaptap na ang
pagkakaibigan at pagtulong ay para sa lahat.

Ikatlong Pangkat TALENTADO AKO!


Ang guro ay magbibigay ng limang (5) paper
strips sa pangkat. Ang paper strips ay naglala-
man ng mga pangyayari mula sa kwentong “Ang
Paruparo”. Ang bawat miyembro ay magiging
aktor at aktres upang mabigyang buhay at
aksyon ang mga nakasulat sa paper strips. Sila
ay bibigyan ng 10 minuto bilang preparasyon at
presentasyon.

Ang pakpak niya ay kayumanggi. Siya'y


nalulungkot dahil dito.

"Walang tutulong sa'yo kasi, iba ka!”

Nauubusan na siya ng pag-asa kaya


umiyak siya nang umiyak.

"Akala ko'y mamatay na ako dahil walang


nais tumulong sa akin."

Simula noon, naging magkaibigan na ang


mga alitaptap at si Mayumi.

B. PAGLINANG NG PAKSA

1. PAGLALAHAD NG PAKSA BAGONG KAALAMAN! (PowerPoint na


(WIKA AT GRAMATIKA) presentasyon, Flip chart) (7 minuto)
Pantukoy na Pambalana- Tumutukoy sa
pangngalang pambalana tulad ng “ang” at “ ang
mga”.
Ang- Ginagamit kung ang tinutukoy na pang-
ngalan ay iisa lamang. Ang kailanan nito ay
isahan.

Mga halimbawa:

Ang
Ang gagamba

Ang

Ang paruparo

Basahin:

Ang
Ang langgam

Ang

Ang pakpak
Ang mga – Ginagamit g ang tinutukoy na
pangngalan ay dalawa o higit pa. Ang kailanan
nito ay maramihan.

Mga halimbawa:

Ang mga
Ang mga alitaptap

Ang mga
Ang mga bulaklak

Basahin:

Ang mga

Ang mga paruparo

Ang mga
Ang mga damo

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. PAGLALAPAT LARAWAN KO, TUKUYIN MO! (Telephoto) (5
minuto)

Hatiin ang klase sa apat (4). Pipili ang guro ng


isang kinatawan bawat pangkat upang pumunta
sa harapan ng klase at gamitin ang isang DIY
telephoto para ipakita ang isang tunay na
larawan na may kaugnayan sa kuwentong “Ang
Paruparo”. Pagkatapos makita ang larawan,
aalamin ng mga naiwang miyembro ang angkop
na pantukoy na pambalana.

DIY Telephoto:

Mga larawan sa DIY Telephoto:


Pagkatapos ay magbabahagi ang guro ng ideya
sa pagpapahalaga ng kaalaman sa paggamit ng
pantukoy na pambalana: "ang" at "ang mga" sa
totoong buhay. Ito ay ikokonekta sa aktibidad.

2. PAGLALAHAT NATANDAAN MO PA BA? (PowerPoint na


presentasyon) (3 minuto)

Ang guro ay magbabahagi ng tanong sa klase


at ito ay sasagutan ng mag-aral sa
pamamagitan ng oral na pagbigkas.

1. Ano ang dalawang uri ng pantukoy na


pambalana?
2.Kailan natin ginagamit ang salitang pantukoy
na ang?
3.Kailan natin ginagamit ang salitang pantukoy
na ang mga?
4. Bakit mahalagang matutunan natin ang mga
pantukoy na pambalana?

IV. PAGTATAYA
KIDS MAY NATUTUNAN BA? (Post-its)(5 minuto)
Ang guro ay magbibigay ng limang (5) aytem na katanungan at mga pagpipiliang
kasagutan patungkol sa natalakay. Ito ay isusulat sa isang manila paper. Ang mga
mag-aaral ay bibigyan ng hugis bituing post-it at ito ay kanilang ipapadikit sa
manila paper, sa tapat ng kanilang napiling sagot. Ang mga mag-aaral ay bibigyan
ng bituin (stamp/sticker) base sa bilang ng kanilang nakuhang puntos.

Piliin ang wastong sagot.

1. Ang aso sa kalye ay kayumanggi . Ano ang kailanan ng pantukoy?


a. Ang
b. Ang mga
c. Isahan
d. Maramihan

2. Ang mga bahay ay malalaki. Ano ang kailanan ng pantukoy?


a. Ang
b. Ang mga
c. Isahan
d. Maramihan

3. ___ ibon ay nasa bubong. Ano ang angkop na pantukoy na pambalana?


a. Ang
b. Ang mga
c. Isahan
d. Maramihan

4. ___ puno ay matayog. Ano ang angkop na pantukoy na pambalana?


a. Ang
b. Ang mga
c. Isahan
d. Maramihan
5. Ang pantukoy na pambalanang "ang" ay ginagamit sa pagtukoy ng isang bagay
lamang.
a. Tama
b. Mali

V. KASUNDUAN
PABAON NI TITSER (PowerPoint na presentasyon)
Sa inyong tahanan kalakip ang gabay at tulong ng mga magulang ay gumupit ng
larawan ng tao o mga tao. Idikit ito sa kwaderno at gumawa ng maikling
pangungusap na gumagamit ng mga pantukoy na pambalana o pantangi tulad ng
si,sina, ang, o ang mga. Ipapasa ito sa susunod na klase.
RUBRIKS:

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Pahusayin Pa Total


(10) (8) (5)
Nilalaman Naiugnay ng Naiugnay ng Hindi
(koneksyon ng napakahusay mahusay ang masyadong
larawan at ang larawan/mga naiugnay ang
pangungusap). larawan/mga larawan at larawan/mga
larawan at pangungusap larawan at
pangungusap na binuo. pangungusap na
na binuo. binuo.

Malikhain Napakahusay Mahusay sa Hindi


(pagdagdag ng sa pagpapakita masyadong
disenyo at pagpapakita ng pagiging nagpakita ng
kalinisan ng pagiging malikhain. pagiging
malikhain. malikhain.

Orihinal Ang ideya ng Ang ideya ng Ang ideya ng


gawa ay gawa ay hindi gawa ay kulang
napaka masyadong sa orihinalidad.
orihinal. orihinal.

Inihanda nina: Patnubay nina:

Ante, Jazmin D. Bb. Jana Soguilon


Dacayo, Nessa Amor C. Bb. Honey Jane Diamante
Deposa, Mia Dyan B. Mga Instruktor sa GED106
Dingcong, Marlito P.
Fernandez, Angel Mae O.
Kaurak, Alsrahlenne S.
Mato, Basma S.
Rufino, Xylla Jane E.
Visitacion, April Rose M.

You might also like