You are on page 1of 6

STI COLLEGE

Angeles City

Business Proposal sa
Filipino sa Piling Larangan

Sinumite nina:
Castillo, Kathleen P.
Cañamo, Rose
Chiu, Mikaela Mae
Lagriada, Trexy Mae
Pamintuan, Trisha Jhoy
Parungao, Charles
(GROUP 5)

Sinumite kay:
Ginoong John Ralph Cabilao, LPT
Ano ang aming tindahan o store?

Ang ipinangalan sa negosyo na ito ay Fruity Crunch dahil umiikot ito sa mga prutas at pinaka pokus
nito ay ang mga prutas na ibinalot sa asukal upang maging crunchy o malutong. Kung kayo ay
interesado, narito ang mga impormnasyon kung saan at paano ito mabibili:

Lokasyon : Ito ay sa ibaba ng Hotel Grace Crown na katabi ng STI College Angeles sa
Balibago.
Website: www.fruitycrunchshop.com
Facebook: FruityCrunchShopBalibago

Ano ang makikita sa aming tindahan o store?


Ang makikita niyo sa Fruity Crunch ay mga prutas na binalot sa asukal upang tumigas at
maging malutong. Hindi lamang doon naka pokus ang tindahan dahil may iba’t iba pang produkto
sa menu na maaaring pagpilian tulad ng Fruit Smoothie, Fruit Tea, Fruit Juice para may inumin na
maaring bilhin kasabay ng biniling prutas ang mga mamimili. Maaari kayong bumili dito kung
kayo ay mahihilig sa matatamis o kung kayo ay mahihilig sa prutas. Ang tindahan na ito ay
magsisilbing puntahan ng mga tao kung sila ay sawa na sa ordinaryong pagkain ng prutas dahil sa
Fruity Crunch ay makikita at matitikman nila ang mga maaari pang gawin sa mga prutas at
kakaibang gawa na nagmula sa prutas. Dito niyo mabibili lahat ng yan sa Fruity Crunch Shop
Balibago.

Ano ang aming produkto?


Ang Fruity Crunch ay hindi lamang ordinaryong prutas, kung hindi mga prutas na binalutan
ng asukal para maging crunchy o maging malutong kagatin. Ang produktong ito ay ginawa para
sa mga taong mahihilig sa matamis. Alam natin na ang pagkain ng matatamis ng isang tao tuwing
ito ay stress ay nagbibigay ng tyansa na mabawasan o malimutan ng saglit ang mga stress nito.
Kung kaya ang Fruity Crunch ay magsisilbing " Stress Reliever “ o pang tanggal ng stress dahil
hindi lamang ito matamis, kung hindi gawa rin ito sa iba’t ibang prutas, kaya naman may
magandang benepisyo rin tayong makukuha rito.
Menu
Fruity Crunch Tanghulu
Choices of fruits:
6 pieces for 1 stick Php 50
(Apples, Bananas, Blueberries, Blackberries, Cherries, Grapes, Oranges, Pineapple, Strawberries)

Fruit Smoothie, Fruit Tea, Fruit Juice:


Small Php 75
Large Php 90
(Blackberries, Oranges, Strawberries, Pineapple, Grapes, Banana, Mango, Watermelon, Melon,
Avocado, Guava, Cherries, Blueberries)

Add on/s:
Pearl Php 10
Extra sugar Php 10
Tanghulu per box 6 sticks for only Php 150
Paano ito naisip o nabuo?
Ang mga produkto ng tindahan na "FruityCrunch" ay nabuo mula sa isang chinese na
panghimagas na tinatawag na "tanghulu". Dahil sa ito ay kakaiba at halos wala pang nag titinda
nito sa karamihan ng lugar, at ito ay halos bago sa pandinig ng mga tao at nakakapag dulot ng mga
tanong sa isipan kung paano gagawing malutong ang isang prutas. Dito nagmula ang ideya na
itinda ito upang matikman ng mga taong hindi pamilyar sa ganitong panghimagas ang kakaibang
sarap nito.
Saan nagmula ang pangalan ng aming produkto?
Ang Fruity Crunch ay nabuo sa ideyang " Tanghulu" na nagmula sa China at sumisikat sa Korea
at Japan. Tinawag itong Fruity Crunch dahil sa gawa nga ito sa prutas at kapag kinagat mo ay
crunchy o malutong kaya naisipan itong pangalanin na Fruity Crunch. Naka pokus ang aming
produkto sa prutas kaya kung makikita niyo ang " Fruity " na dinagdagan ng " Crunch " dahil sa
kalidad ng aming produkto. Naisipan na pangalanan itong Fruity Crunch sapagkat sa tingin ito ay
kaakit akit sa pandinig ng mga tao dahil maiisip nila kung paano naging crunchy o malutong ang
isang gawa sa prutas at dahil doon mag kakaroon sila ng koryosidad at doon magsisimulang
dayuhin ng mga tao ang aming produkto dahil sa kalidad ng pangalan.

Ano ano ang magandang benepisyo ng aming produkto?


Nag-aalok ng maraming benepisyo dahil sa iba't ibang kombinasyon ng mga sangkap nito.
Nagbibigay ito ng tamis mula sa prutas at asukal na ginagamit para ipang balot sa mga prutas, nag-
aalok din ito ng bitamina at antioxidants, kasama ng masarap na texture na nanggaling sa pinatigas
na asukal at natural na texture ng prutas, lumilikha din ito ng masarap at matamis na lasa na
nakakapagpaangat ng emosyon ng mga tao at nakakadagdag sa enerhiya ng mga tao.

Target na mamimili:
1. Mga Kabataan
2. Mga Matatanda
Inisyal na kapital:

Pondo: Mga may-ari ng Fruity Crunch

Ms. Lagriada php.50,000


Ms. Castillo php.50,000
Ms. Pamintuan php.50,000
Ms. Chiu php.50,000
Mr. Parungao php.50,000
Ms. Cañamo php.50,000

Total: Php. 300 000

Renta: Php. 20.000


(kada buwan)
Renovation and Labor: Php. 50.000
(pagpapaayos ng lugar at mga gagawa)

Bills: Php 15,000


(kuryente, tubig, wifi)

Materials: Php 35,000


(Mga equipments, tools, at gas)

Workers: Php 30,000


(pasweldo sa mga nagtatrabaho)

Ingredients: Php 25,000


(mga sangkap na prutas, asukal, mga cups para sa drinks, sticks, atbp.)
Site Plan:

Floor Plan:

You might also like