You are on page 1of 2

Repleksyon tungkol sa Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na

Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya


Ni: Jemima Francin I. Navarro (X-Nobel)

Ang pagiging makatao ay hindi lamang nasusukat sa ating posisyon sa lipunan o pisikal
na anyo. Sa halip, ito'y kaakibat ng ating mga kilos at desisyon araw-araw. Ayon kay Agapay,
ang uri ng tao sa mga darating na araw ay nakasalalay sa kanyang kasalukuyang kilos at sa mga
gagawin pa sa hinaharap. Ang isip at kilos-loob, na may kasamang kalayaan, ay nagbibigay ng
kapangyarihan sa atin na kumilos ayon sa ating nais at katuwiran.

Mayroong dalawang anyo ng kilos ng tao: ang "Kilos ng Tao" (Act of Man) at ang
"Makataong Kilos" (Human Act). Ang Kilos ng Tao ay likas sa atin at hindi nangangailangan ng
isip at kilos-loob. Ito rin ay walang pananagutan. Halimbawa nito ay ang paghinga o pagtibok ng
puso. Samantalang ang Makataong Kilos ay isang kilos na isinasagawa ng tao na may kaalaman,
malaya, at kusa. Ito'y may kinalaman sa pagpili ng tama at may pananagutan. Kung kaya’t dapat
nating pag-isipan ng mabuti ang ating bawat kilos bago isakatuparan ang kilos na ito dahil lahat
ng Makataong Kilos ay may pananagutan. Halimbawa, pinipilit ako ng aking mga kaibigan na
pumunta sa isang kasiyahan ngunit alam ko sa aking sarili na kailangan kong bantayan ang aking
kapatid na may sakit kung kaya’t ako ay hindi sumama sa kasiyahan. Kung ako ay pumunta sa
kasiyahan, mapapabayaan ko ang aking kapatid na may sakit at papagalitan ako ng aking mga
magulang o mas malala ay mas lalong magkakasakit ang aking kapatid.

Sa modyul na ito napag-usapan rin ang konsepto ng pananagutan at ang tatlong anyo ng
kilos ayon kay Aristotle: kusang loob, di-kusang loob, at walang kusang loob. Ang unang uri ng
kilos ay ang Kusang Loob. Ito'y kilos na may kasanayan, kaalaman, at pagsang-ayon. Ang
ikalawang uri naman ay ang Di-Kusang Loob. Ito'y kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit
may kakulangan sa pagsang-ayon. Ang panghuli ay ang Walang Kusang Loob. Ito'y kilos na
walang pagsang-ayon o pananagutan.

Ang pagsusuri sa tatlong uri ng kilos ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pananagutan


sa bawat hakbang na ating ginagawa. Ito'y naglalaman ng masusing pagsusuri at pag-unawa sa
kahulugan ng ating mga kilos upang mapanatili ang moral na integridad at makatulong sa pag-
unlad ng mas makatarungan at makataong lipunan.

Ayon kay Aristotle, ang pagiging mabuti o masama ay nakasalalay sa intensiyon. Ito'y
naglalahad na hindi lamang ang kilos mismo ang sinusuri kundi pati na rin ang layunin o
motibasyon sa likod nito. Ang pagkakaroon ng malinis na intensiyon ay nagbibigay daan sa mas
mataas na antas ng moral na pananagutan.

Dagdag pa, ang kakulangan sa proseso ng pagkilos, ayon kay Aristotle, ay maaaring
magdulot ng kabawasan sa pananagutan. Ang apat na elemento sa proseso ng pagkilos, kabilang
ang paglalayon, pag-iisip ng paraan, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at pagsasakilos ng
paraan, ay nagpapahayag ng kahalagahan ng tamang paghahanda at tamang pagpapasya bago
isagawa ang isang kilos.

May limang salik na maaaring makaapekto sa makataong kilos: kamangmangan,


masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. Ang mga ito ay maaaring maging sagabal sa
tamang pagpapasya at kilos ng isang tao.

Sa pangkalahatan, mahalaga ang pag-unlad ng makataong kilos sa bawat isa sa atin. Ang
responsableng kilos ay naglilikha ng masiglang lipunan na may malasakit at pag-unawa sa
kapwa. Ang pagkakaroon ng malayang kilos-loob at pagpili ng tamang gawain ay naglalayo sa
atin mula sa mga hadlang tulad ng kamangmangan at masidhing damdamin. Sa ating pag-unlad
bilang indibidwal, ang pagkukusa at pananagutan sa bawat kilos at desisyon ay nagbubukas ng
pintuan patungo sa mas makatarungan at makataong lipunan.

You might also like