You are on page 1of 5

WEEK 1 PAGBABASA

PAGBABASA
Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto

mahalaga ang stock knowledge ng isang magbabasa upang mas malalim na


maunawaan ang mga konepto at impormasyong natagpuan sa tekstong binabasa

KATEGORYA NG MAPANURING PAGBABASA


Intensibo
may kinalaman sa mainsin at malalim na pagbaa ng isang tiyak na teksto

tinuturing pinakahuli o dulong bahagi ng proseso

pagsusuri sa grammar, panandang diskurso, at iba pang detalye ng structure upang


maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang
akda (Douglas Brown)

detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng


isang guro kung paano ito susuriin (Long & Richards)

Tinatawag ding “narrow reading”

dahil piling babasahin lang ang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng
pansin ng mambabasa

sa ganitong uri ng pagbasa, nakakatulong ang pagbabalangkas o paggawa ng


larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng mag aaral ang isang teksto

Ekstenibo
may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales

maghahatid sa magbabasa tungo sa pinakadulong proseso

upang makuha lamang ang “gist” o pinaka esensya at kahulugan ng binasa na hindi
pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan

hindi ispesipikong detalye ang binabaa

WEEK 1 PAGBABASA 1
URI NG PAGBABASA
Scanning
mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa

kailangan ang bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng


mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon

kapag gustong alalahanin ang petsa, simbolo, larawan o tiyak na sipi

Skimming
mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan at kabuuang teksto,
kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
ang pananaw at layunin ng manunulat

mauunawaan ang kabuluhan at kahulugan ng teksto

more complex than scanning

kasi kailangan ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng


mambabasa

not just to find information

nakatutulong sa pagdedesisyon ng mambabasa kung magpapatuloy siya sa


pagbasa at pagpapalalim sa isang akda

important part of surveys, questionings, readings, reviews, and reciting

ANTAS NG PAGBABASA
Antas Primarya
Pinakamababang antas ng pagbasa

makakatulong makamit ang literasi sa pagbasa

pagtukoy sa tiyal na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, o


mga tauhan sa isang teksto

nauunawaan lang ang hiwahiwalay na impormasyon

WEEK 1 PAGBABASA 2
hindi mauunawaan at mabubuo ang interpretasyon ng kwento

Antas Inspeksiyonal
panimulang pagbasa para sa paghahanda sa mas malalim na pang pag-unawa at
pananaliksik

nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga


hinuha o impresyon tungkol dito

mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto para malaman kung
kailangan ba nya ito at kung pwede bang basahin ng mas malalim

pwedeng gamitin ang skimming sa antas na to

tinitignan ng mambabasa ang titulo, heading, at subheading

pinapasadahan ang nilalaman ng teksto para malaman at maintindihan ang


kabuuang eksstruktura nito

hindi pinag iisipan nang malalim para magbigay ng interpretasyon o pag-uukulan ng


pansin ang ilang bahaging di maunawaan sa teksto

Antas Analitikal
ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang
kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat

bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung


katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto

mapagsiyasat na antas ng pagbasa ang maghahawi tungo sa analitikal na pagbasa

Antas Sintopikal
makakabuo ka ng sariling perspektibo o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
sa paghahambing ng mga akdang inunawa

hindi lamang basta sa pag-unawa sa nariyan nang mga eksperto sa isang larangan
o disiplina,

ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa


mga ekspertong ito

WEEK 1 PAGBABASA 3
sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo halo ang mga
impormasyon mula sa aklat at ang sariling mga karanasan at kaalaman upang
makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman

sa antas na ito, ituturing mo na rin ang sarili bilang eksperto ng iyong binasa

MGA HAKBANG TUNGO SA SINTOPIKAL NA PAGBASA:

Pagsisiyasat

tukuyin agad ang mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mo


pag-aralan

Asimilasyon

tinutukoy mo ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-


akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan

magdedesisyon ka kung susuhay sa mga naunang terminolohiy ng may


akda o gagawa ng sariling kategorisasyon

Pagtukoy sa mga Tanong

tinutukoy ang mga katanungang nais sagutin na hindi pa nasasagot o


malabong maipaliwanag ng may akda

Pagtukoy sa mga Isyu

kung malalim na naunawaan ang pagpapaliwanag ng mga binasang akda,


natatalakay mo nang maayos ang bawat panig at nakapagbibigay ka ng
sariling kongklusyon

maaring iba ang kongklusyon mo sa mga nauna nang eksperto

ito ang magiging ambag mo sa pagpapaunlad ng paksa

Kumbersasyon

pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi


pangunahing punto at layunin sapagkat laging kuwestiyonable ang
katotohanan

sa kumbersasyon or pag-uusap, nag-aambag ka ng bagong kaalaman na


hindi inuulit ang sinabi ng naunang eksperto

WEEK 1 PAGBABASA 4
MGA KASANAYANG DAPAT PAUNLARIN SA PROSESO
NG MAPANURING PAGBASA
Bago Magbasa
ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman
ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre

iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang


lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin

nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang
teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat

nagsisimula ang kognitibong proseso

Habang Nagbabasa
nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa

sabay sabay pinagagana ng isang mambabasa ang ibat ibang kasanayan upang
lubusang maunawaan ang teksto

ang mga nanunang tanong at prediksyon bago magbasa ay pinang hahawakan nya
upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa binabasa

lumalawak at umuunlad ang bokubularyo ng mambabasa

PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGBASA:

Pagtantiya sa bilis ng pagbasa

Pagkatapos Magbasa

WEEK 1 PAGBABASA 5

You might also like