You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IVA – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LAGUNA PROVINCE
BAY- SUB OFFICE
BITIN ELEMENTARY SCHOOL

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT


Una at Ikalawang Linggo
FILIPINON 4

Pangalan: _____________________________________________________________________ Petsa: _____________

Baytang: ______________________________________________________________________ Iskor: _____________

I. Panuto: Isulat sa patlang sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


1. Ang ________ ay kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay o lugar. Ito ay maaaring totoong bahagi ng kasaysayan o kathang-isip
lamang.
A. Alamat B. Tula C. Awit D. Pahayag
2. Ang ______ aynagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.
A. Alamat B. Tula C. Awit D. Pahayag
3. Ang ______ ay uri ng mahabang tulang pasalaysay na binubuo ng mga saknong at taludtod. Ito ay pangkalahatang tawag sa kanta o
musikang pamboses.
A. Alamat B. Tula C. Awit D. Pahayag
4. Ang mga __________ na salita ay salitang madalas mong marinig o palagi mo itong sinasabi.
A. Pamilyar B. Di-Pamilyar C. Bilang D. Salita
5. Ang ________________ ay salitang bihira mong marinig o hindi mo pa naririnig.
A. Pamilyar B. Di-Pamilyar C. Bilang D. Salita
6. Sa tekstong napakinggan sa binasa ng guro, ibigay ang paksa mula sa teksto.
A. Ang pagiging tamad ng bata
B. Dapat huwag maging tamad
C. Madali ang maging tamad
D. Ang mga bata ay tamad na

II. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang mga salitang di-pamilyar sa mga pangungusap.
7. Ang slipawpaw ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid.
8. Nakakahilong sumakay sa tsubibo sa peryahan.
9. Walang pambayad sa pamasahe si Mikay dahil naiwan niya ang kanyang kalupi sa bahay nila.

III. Panuto: Sabihin kung anong uri ng pandiwa ayon sa panahunan ang salitang may salungguhit.
10. Kinuha ni Lito ang salong-puwit at ibinigay sa kanyang lola.
11. Palaging nakadungaw si Faye sa durungawan dahil hinihintay niya ang kanyang bisita.
12. Nagkukumahog na umalis si Cora papuntang paaralan dahil mahuhuli na siya.

IV. Panuto: Piliin ang tamang antas ng pang-uri upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sasagutang papel.

13. Si Joshua ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan.


14. (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang huling isda ni Mang Islaw kaysa kay Mang Tino.
15. Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa buong kaharian.
16. (Malikot, Higit na malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.
17. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
18. (Masarap, Mas masarap, Pinaka masarap) ang luto ng aking ina kesa sa aking ama.

V. Panuto: Bigyan ng hinuha ang mga sumusunod na pangungusap.


19. palaging umiinom ng gatas si Angel _____________________________________.
20. Mahilig magbasa si Juliana_________________________________.

You might also like