You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LAGUNA PROVINCE
BAY SUB-OFFICE

BITIN ELEMENTARY SCHOOL

November 29, 2023

DR. ALLAN G. HOSTALERO


Public School District Supervisor

Magandang araw po sa lahat lalo't higit sa opisina at tanggapan ng ating distrito.

Ito po ay maigsing pagpapaliwanag sa kung ano o paano ang mga naganap at nangyari sa araw ng
paglalaro sa Chess na ginanap noong ika-24 ng Nobyembre taong kasalukuyan sa mababang paaralan ng
Maitim, bayan ng Bae.

Ang laro ay sinimulan sa pag-gu-grupo ng ating TM o punong nangangasiwa sa larong Chess na si Mam
Elvira Sapitan, nagkaroon po ng Board 1 at Board 2.

Sa bawat silid na nakatoka ang board 1 at board 2 at napagdisiyonan ng lahat ng mga representante o
manlalaro kasama ng kanikanilng mga nakatalagang coach at sa mga kasamang mga magulang na ang
gaganaping laro simula alas 8 ng umaga ay Round Robin na ang mangyayaring laro ay dapat
magkakaroon ng ikutan.

Dapat makakakapag laro ang bawat bata at malalabanan lahat ang ibang school o player, hanggang may
matira sa kanila na magiging champion

Sa silid aralan na kung saan ginanap ang Board 2 ay nagkaroon ng ilang gusot o problema.

Matapos makapaglaro ang bata nila at natalo sila ay napapunta sa 3rd place, ang natitirang manlalaro ay
ang Bitin at Calo na maglalaban para sa 1st at 2nd place at ang nanalo ay ang Calo sya na ang sana ay
idedeklarang champion, ngunit ito ay di nagawa sa kadahilanang nag protesta ang magulang at coaches
ng Kabaritan.

Address: Bitin, Bay, Laguna


Contact No.: 09684968572
Email: 108201@deped.gov.ph
FB Page: DepEd Tayo Bitin ES-Laguna
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LAGUNA PROVINCE
BAY SUB-OFFICE

BITIN ELEMENTARY SCHOOL

Puntos mula sa mga kaguluhan.

1. Tama na may mali at pagkukulang ang naunang arbiter ng board 2. na si ma’am Filipina Escausura.
2. Mali ang paraan ng ama ng player ng Kabaritan ES sa pagsasalita nya at pagtatanong, sa pang-aaway
sa mga opisyales ng laro at sa mga salitang binitawan nya sa mga guro na nagpapadaloy ng laro.
3. Mali ang pag hawak ng mga guro o pag handle ng mga gurong kasama ng mga bata at magulang sa
kani-kanilang players at parents,
- hindi nila nagampanan nang maayos ang kanilang mga dapat gawin bilang guro na kasama sa laro, hindi
nila ipinaliwanag sa mga magulang ang mga dapat sabihin mula sa mga desisyong naganap.
- hinyaan ng ibang guro na mangibabaw ang galit at inis ng mga magulang na di naman pala aware o
hindi malinaw sa kanila ang sadyang nagaganap sa laro.
(PAGKUKULANG NG GURO)
4. SADYANG may kasamahan tayong guro na hindi tayo tinitingnan bilang kabaro o kapamilya sa
arangan ng pagtuturo kapag ang kanilang emosyon ang nangibabaw at hindi marunong makinig sa dapat
nilang malaman.
5. Nasa coaches ang desisyon at sadyang labas muna dapat ang mga magulang sa pagkakaroong ng
desisyon ngunit literal na may mga coaches na di nagawa ang kani-kanilang tungkulin kung kayat ang
mga magulang ang syang napangibabawan ng galit at inis.

- lahat po ng naganap sa huling laban ay batay sa desisyon at mula sa maayos na usapan.


- ang huling desisyon at reulta ang sya pong dapat kinilala ng bawat isa.
- walang naging dayaan, walang naging mali mismo sa bawat laro ng bata.

Respecfully yours,

JOHN ERROLL O. GESMUNDO


District PESS Coordinator
School PESS Coordinator
Bitin Elementary School

Address: Bitin, Bay, Laguna


Contact No.: 09684968572
Email: 108201@deped.gov.ph
FB Page: DepEd Tayo Bitin ES-Laguna

You might also like