0% found this document useful (0 votes)
185 views5 pages

Sample Script

Ang dokumento ay isang script para sa isang radyo talk show tungkol kay Jose Rizal. Tinalakay nito ang buhay ni Rizal, partikular ang kanyang pagpapatapon sa Dapitan, paglilitis, at kamatayan. Nagbigay rin ito ng impormasyon mula sa dalawang historian tungkol sa mga pangyayaring ito.

Uploaded by

AlVin
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
185 views5 pages

Sample Script

Ang dokumento ay isang script para sa isang radyo talk show tungkol kay Jose Rizal. Tinalakay nito ang buhay ni Rizal, partikular ang kanyang pagpapatapon sa Dapitan, paglilitis, at kamatayan. Nagbigay rin ito ng impormasyon mula sa dalawang historian tungkol sa mga pangyayaring ito.

Uploaded by

AlVin
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Sample Radio Broadcasting Script (Filipino)

Title of the Program: PamanaTalk: Ang Tinig ng Nakaraan


Type of Program: Talk Show
Total Running Time: 5 Minutes
Date of Airing: October 30, 2023

Host 1: Justine Martin Ato


Host 2: Scheenelyn Barangay
Guest 1 (historian): Catherine Balasbas
Guest 2 (historian): Kim Alcantara
Station Announcer: Tricia Torres
Infomercial/Commercial: Chediza Celso & Elaine Cristobal
Scriptwriter: Olleres & Navarro
Technical: Badiango & Solon

[Short Station ID]

Justine: Himig ng Puso, Tinig ng Pag-asa,


DZKB!
Scheenelyn: Radyo sa Puso ng Bayan,
DZKB!
Both: Sa balitang totoo, sa boses na buo, kahit saan, kahit kailan,
DZKB Singko Nuwebe Otso (598) No. 1!

Station Announcer: (Tone: Professional & Enthusiastic) Isa na namang makulay na


paglalakbay sa ating nakaraan ang hatid sa inyo ng PamanaTalk: Ang Tinig ng
Nakaraan. Handog sa inyo ang kwentong nagbibigay-halaga sa ating kasaysayan. Tayo
na't makinig sa mga kuwento ng kahapon, dito lamang sa inyong paboritong istasyon,
DZKB!

[Short Opening Jingle]

Boses ng kasaysayan, kwento natin


Kasaysayan'y buhayin, sabay-sabay tuklasin 🎵

Host 1: (Tone: Energetic) Magandang (umaga, tanghali, hapon, gabi) mga ka-talk! Ako
po si [Host 1] at kasama natin si [Host 2], at narito tayo ngayon sa inyong paboritong
programa ng kasaysayan, ang talk show na kakatok sa inyong pintuan, magbibigay
hindi lamang ng chikahan kundi pati na rin ng karunungan, ito ang "PamanaTalk: Ang
Tinig ng Nakaraan." Sa araw na ito, tayo'y maglalakbay sa buhay at pag-alala kay Dr.
Jose Rizal, ang ating pambansang bayani.

Host 2: (Tone: Warm) Hello, binabati ko rin ang ating mga ka-talk ng isang magandang
magandang araw! Ako si [Host 2] at samahan naman natin ngayon si [Host 1] sa
kanyang pagbabalik tanaw at pagbibigay ng masusing pagsusuri sa mga
mahahalagang bahagi ng buhay ni Rizal, partikular sa kanyang pagpapatapon, paglilitis
at kamatayan.

Historian 1: (Tone: Warm) Magandang araw din po sa lahat! Ako po si [Historian 1], at
ako ang unang maglalathala ng mga kaganapan sa buhay ni Rizal, lalo na ang tungkol
sa kanyang pagpapatapon at kung paano ito nakaimpluwensya sa kanyang mga
paniniwala.

Host 1: (Tone: Energetic) At siyempre, kasama rin natin ang ating isa pang historian na
si [Historian 1]. Kamusta po kayo, [Historian 2]?

Historian 2: (Tone: Warm) Magandang araw, [Host 1] at [Host 2]. Masaya akong narito
upang magbahagi ng mga pangyayari ukol kay Rizal, partikular na sa kanyang buhay
noong siya ay isinailalim sa paglilitis at sa kanyang kamatayan.

[Background Music: "Bayan Ko"]

Host 2: (Tone: Professional) Tunay nga, ito ay isa sa mga pagkakataon na maalaala
natin ang dakilang kontribusyon ni Rizal sa ating kasaysayan. Pero bago tayo pumunta
sa kanyang pagpapatapon, atin muling alalahanin ang mga naging kontribusyon ni Rizal
sa ating bansa. Isa siyang makata, manunulat, at doktor na nagmulat sa ating mga
kababayan sa mga isyu ng kanyang panahon. [Historian 1], magsimula tayo sa
pagpapatapon kay Rizal. Maaari mo bang ipaliwanag sa ating mga tagapakinig ang
mga pangyayari dito?

Historian 1: (Tone: Professional) Noong hulyo 06, 1892, si rizal ay nakapanayam ni


governor-heneral despujol ukol sa isang babasahin na Pobres Frailes na di umano'y
natagpuan sa punda ng unan ng kanyang kapatid na si Lucia nang sila'y magbalik sa
Pilipinas. Nang araw ding iyon, inaresto si Rizal at ikinulong sa Fort Santiago. Nang
sumunod na araw, iniutos ni Despujol na ipatapon si Rizal sa Dapitan.

[Background Music Fade]

Host 1: (Tone: Professional) Kailan naman siya eksaktong ipinatapon sa Dapitan?


[Historian 1], Maaari ka bang magbigay ng detalyadong impormasyon ukol dito?
Historian 1: (Tone: Professional) Si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan noong hulyo 17,
1892 hanggang hulyo 31 1896 kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-
aral, magturo, at mag-ambag sa mga proyektong pang-agrikultura. Naging
makabuluhan ang kanyang buhay sa Dapitan sa kabila ng pagkakaroon niya ng
limitadong kalayaan pagdating sa usaping politikal.

Host 2: (Tone: Professional) Ito ay tunay na makabuluhan. At ngayon, [Historian 2],


maari mo bang isalaysay sa atin ang mga pangyayari kaugnay sa kanyang paglilitis?

Historian 2: (Tone: Sympathetic) Ang wakas ng kanyang pagkakatapon sa Dapitan ay


kapalit ng kanyang paglipat bilang boluntaryong doktor ng militar sa Cuba na
pinahintulutan ni gobernador-heneral Ramon Blanco. Kaugnay nito, umalis si Rizal
patungong Espanya sakay ng barkong Isla de Panay noong Septyembre 3, 1896.
Oktubre 6, 1896, si Rizal ay inaresto habang patungo sa Espanya, ikinulong sa
Barcelona at pinabalik sa parehong araw sa maynila upang isailalim sa isang masusing
paglilitis ng mga awtoridad ng espanya. Inakusahan siya na sangkot sa katipunan, dahil
umano sa kanyang koneksyon sa mga miyembro nito.

[Background Music: "Nasaan Ka Irog"]

Host 1: (Tone: Professional) Ang pagkaka-aresto at paglilitis ni rizal ay nagtuturo


lamang sa atin ng kanyang kahandaang isakripisyo ang kanyang sarili sa harapan ng
pang-aapi at paniniil at para sa layunin ng pagbabago. Tunay ngang napakahalaga ng
mga pangyayaring ito sa buhay ni Rizal. Ngunit, ano naman ang mga pangyayari na
nauugnay sa kanyang kamatayan? [Historian 2], maaari mo ba itong ipaliwanag?

Historian 2: (Tone: Sympathetic) Noong Disyembre 28, 1896, Pinirmahan ni


Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja ang hatol ng kanyang kamatayan. Nang
sumunod na araw naman ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez kay Rizal ang
kanyang hatol, kasunod nito’y inilipat siya sa selda ng kapilya, binisita ng kanyang
pamilya at mga kaibigan at doon ay isinulat niya ang kanyang huling tula na “Mi Ultimo
Adios”. Ang buhay ni Rizal ay nauwi sa pagkamatay noong Disyembre 30, 1896, nang
siya ay barilin ng isang firing squad sa Bagumbayan, na tinatawag na Luneta Park
ngayon. Sa huling oras ng kanyang buhay, ipinakita niya ang katapangan at kagitingan
na nag-iwan ng malalim na inspirasyon sa ating bansa.

*Commerical*
[Upbeat jingle in the background]
Announcer 1: (Tone: Enthusiastic) Uy! alam niyo ba, meron tayong bagong app na
swak sa ating lahat—ang Timesaver App!
Announcer 2: (Tone: Enthusiastic) Sa araw-araw na gulo ng buhay, may solusyon na
para sa'yo! Introducing ang TimeSaver app!

Announcer 1: (Tone: Excited) Mabilis, maaasahan, at madaling gamitin! Imagine,


pwede mo nang gawin ang mga tasks mo in just a few taps! pwede mo na i-organize
ang iyong schedule, magbayad ng bills, at mag-order ng necessities, all in one tap!
Announcer 2: (Tone: Enthusiastic) Through Timesaver, mabilis mong matatapos ang
mga bagay na dati ay matagal gawin. Pwedeng mag-multitask ng walang hassle!

Announcer 1: (Tone: Excited) Kaya't ano pang hinihintay niyo huwag nang
magpatumpik-tumpik pa, mag download na ng TimeSaver app sa inyong mga
cellphone!
Announcer 2: (Tone: Enthusiastic) Sa TimeSaver, mahalaga ang bawat oras!
TimeSaver, your ultimate daily companion!

[Upbeat jingle fades out]

Host 2: (Tone: Warm) At ngayon, sa pagbabalik ng ating programa, nais kong


pasalamatan ang ating mga guest na si [Historian 1] at [Historian 2] para sa kanilang
mga paliwanag ukol kay Rizal. Ang buhay at mga paniniwala ni Jose Rizal ay patuloy
na nagpapalaganap ng inspirasyon sa ating bayan.

Host 1: (Tone: Reflective) Totoo iyan, [Host 2]. At ito'y hindi lamang dahil sa mga
kanyang naging kontribusyon sa ating kasaysayan kundi pati na rin sa mga prinsipyong
kanyang itinaguyod.

Host 2: (Tone: Reflective) Tama, at sa pagpanaw ni Rizal, nagkaroon tayo ng


pambansang bayani na nag-alab ng damdamin ng pagmamahal sa bansa. Sa kabila ng
kanyang pagkakasawi, ang kanyang mga sulat at akda ay nananatiling buhay at patuloy
na nagpapahayag ng pag-asa at pagkakaisa.

[Closing Message]
Host 1: (Tone: Warm) Ipinapaabot natin ang ating pag-alala kay Dr. Jose Rizal, isang
bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Huwag nating
kalimutang alamin at pagyamanin ang kanyang mga aral. Ito po si [Host 1]
Host 2: (Tone: Warm) at ako naman si [Host 2], para sa inyong paboritong programa
ng kasaysayan, nagpapasalamat sa inyong pagtutok sa ating espesyal na episode.
Mabuhay ang ating pambansang bayani, Jose Rizal!

[Outro Jingle]

Boses ng kasaysayan, kwento natin


Kasaysayan'y buhayin, sabay-sabay tuklasin 🎵

Station Announcer: (Tone: Professional) Maraming salamat po sa inyong pakikinig sa


PamanaTalk: Ang Tinig ng Nakaraan sa DZKB with [Host 1] and [Host 2].

**[End of Broadcast]**

You might also like