You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

SCIENCE 3
SECOND QUARTERLY EXAMINATIONS
SY 2023-2024

TABLE OF SPECIFICATIONS

LEARNING Actual Weig Tot

Understanding
Remembering

Evaluating
COMPETENCIES Instruc ht al

Analyzing
Applying

Creating
tion % No.
(Days) of
Ite
ms
1. Describe the
functions of the 1,
sense organs of the 5 5 2, 5
human body 3, 4
S3LT-IIa-b-1
2. Describe animals
in their immediate
3 3 6, 7 8
surroundings
S3LT-IIc-d-3
3. Identify the
external parts and 9,
3 3 10
functions of animals 11
S3LT-IIc-d-4
4. Classify animals
according to body 12,
3 3 14
parts and use 13
S3LT-IIc-d-5
5. State the
importance of
3 3 16 15 17
animals to humans
S3LT-IIc-d-6
6. Describe the parts
of different kinds of 19,
3 3 18
plants 20
S3LT-IIe-f-8
7. State the
importance of plants
3 3 22 21 23
to humans
S3LT-IIe-f-9
8. Compare living
with nonliving 24,
3 3 26
things 25
S3LT-IIe-f-11
9. Identify
observable
characteristics that
are passed on from
3 3 27 29 28
parents to offspring
(e.g., humans,
animals, plants)
S3LT-IIg-h13
10. Identify the basic
needs of humans,
plants and animals
3 3 30 31 32
such as air, food,
water, and shelter
S3LT-IIi-j-14
11. Explain how
living things depend
on the environment
3 3 34 33 35
to meet their basic
needs
S3LT-IIi-j-15
12. Recognize that
there is a need to
39,
protect and conserve 5 5 36 38 37
40
the environment
S3LT-IIi-j-16
100
TOTAL 40 40 12 12 6 6 2 2
%

Prepared by: Checked and Verified by:


_____
Teacher III Teacher III
Noted by:
___________________________
School Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

SCIENCE 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
1. Nais malaman ni Andrea kung magaspang o makinis ang uupuan niyang
kahoy. Ano ang gagamitin niyang pandama?
a. mata c. dila
b. ilong d. kamay/balat
2. Ginagamit ito sa pagtikim ng pagkain ating kakainin.

a. b. c. d.

3. Si Francine ay nagbabasa ng kanyang aklat. Ano ang ginagamit niyang


pandama?
a. tainga b. mata c. ilong d. dila

4. Ano ang gagamitin ni Alex na pandama niya kung gusto niyang malaman ang
amoy ng bulaklak na rosas?
a. mata b. ilong c. kamay d. tainga

5. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pag-iingat sa mata?


I. Ilayo ang mga mata sa panonood ng telebisyon.
II. Magbasa ng aklat na ang liwanag ay nanggagaling sa likuran.
III. Iwasang maglagay ng matalas na bagay sa tapat ng mga mata.
IV. Magbasa ng aklat o cellphone habang nakasakay sa umaandar na
sasakyan.
a. I at II b. II at III c. I at III d. I at IV

6. Alin sa mga sumusunod ang naninirahan sa tubig?

a. b. c. d.

7. Aling pangkat ng mga hayop ang madalas makikita sa paligid ng inyong


tirahan?
a. Tigre, Leon, Onggoy c. Elepante, Zebra, Pating
b. Aso, Pusa, Manok d. Panda, Oso, Tamaraw

8. Bakit magkakaiba-iba ang tirahan ng mga hayop?


a. dahil marami silang kaaway
b. dahil nandoon ang mga kaibigan at kauri nilang hayop
c. dahil gusto nila at maraming pagkain sa lugar na napili nila
d. dahil ito ay naka base sa parte ng katawan nila at pangangailangan
nila gaya ng pagkain

9. Ang matalim na mga ngipin ng mga hayop ay nangangahulugang


______________.
a. Kumakain sila ng damo
b. Kumakain sila ng gulay
c. Kumakain sila ng karne
d. Kumakain sila ng palay

10. Anong bahagi ng isda ang ginagamit para makalangoy?


a. mahabang paa c. sungay
b. palikpik at buntot d. pakpak

11. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit ng ibon sa pagkuha ng pagkain?


a. bibig b. tuka c. pangil d. ngipin
12. Ito ang bumabalot sa katawan ng mga mammals tulad ng aso, pusa, kabayo,
kambing, zebra at iba pa.
a. buhok c. balat
b. kaliskis d. balahibo

13. Ang mga hayop tulad ng _____at _____ ay lumulundag gamit ang baluktot
nilang mga paa.
a. aso at pusa c. bangus at tilapia
b. ibon at paniki d. palaka at kangaroo

14. Bakit kaya mayroong exoskeleton ang mga hayop katulad ng langgam, ipis
at bubuyog?
a. upang sila ay makalipad
b. upang makakilos sila ng mabilis
c. upang matakot ang mga kaaway
d. upang maprotektahan ang malambot nilang katawan

15. Aling bahagi ng katawan ng mga hayop tulad ng buwaya at ahas ang
ginagawang leather na siyang kagamitan sa paggawa ng matitibay na
sapatos, bag at iba pang produkto?
a. buntot b. balat c. binti d. paa

16. Anong hayop ang itinuturing na "man's bestfriend" at tapat na nagbabantay


sa tahanan ng kaniyang mga amo?
a. aso b. pusa c. ibon d. manok

17. Bakit itinuturing na mahalaga ang mga hayop sa pamumuhay ng mga tao?
a. Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil maaari silang pagmulan ng
sakit, sakuna at epidemya.
b. Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil nakakapagbigay sila ng mga
masusustansiyang gulay at prutas na maaaring kainin.
c. Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil sila ay nakapagbibigay ng
mga makabagong produkto tulad ng cellphone, tablet, laptop at
computer.
d. Mahalaga ang mga hayop sa tao dahil maaari silang pagmulan ng
iba't-ibang produkto, pagkain, materyal at nakakatuwang din sila ng
tao sa paghahanapbuhay.

18. Anong bahagi ng halaman ang makikita sa ilalim ng lupa?


a. puno b. ugat c. dahon d. sanga

19. Nagmula ito sa isang bulaklak, may malaki at maliit, at maaaring kainin.
a. dahon b. tangkay c. bulaklak d. bunga

20. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng halaman na gumagawa ng pagkain


sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na Photosyntesis?

a. c.

b. d.
21. Ang iyong kaibigan na si Mario ay may sugat, hinuhugasan niya ito ng
pinakuluang dahon ng bayabas. Sa sitwasyong ito ano ang gamit ng dahon
ng bayabas?
a. pagkain b. kasuotan c. silong d. gamot

22. Ano ang ibinibigay ng mga halaman sa tao upang ito ay makahinga at
mabuhay?
a. Oxygen c. Carbon Dioxide
b. Helium d. Hydrogen

23. Sa paanong paraan nakakatulong ang mga malalaking ugat ng


punongkahoy sa pagsuporta sa lupa?
a. magkaibigan ang puno at lupa.
b. kayang buhatin ng lupa ang puno
c. nagtutulungan ang mga ugat at lupa.
d. nakatutulong ang mga ugat ng puno upang hawakan ang lupa at
mapigilan ang pagguho nito.

24. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mga bagay na may buhay?
a. humihinga c. hindi kumakain
b. hindi lumalaki d. walang pakiramdam

25. Alin sa mga sumusunod na bagay ang walang buhay?

a. b. c. d.

26. Ano ang tamang pahayag tungkol sa mga bagay na walang buhay?
a. Ang mga bagay na walang buhay ay kumakain.
b. Ang mga bagay na walang buhay ay hindi kumakain.
c. Ang mga bagay na walang buhay ay kumakain paminsan-minsan.
d. Ang mga bagay na walang buhay ay may kakayahang magparami.

27. Ano ang tawag kung saan naipapasa sa mga anak ang mga katangiang
taglay ng magulang tulad ng kulay ng balat, hugis ng mukha at iba pang
pisikal na katangian?
a. social b. pisikal c. heredity d. mental

28. Si Aleah ay ipinanganak sa bansang China. Ang kanyang ama ay isang


Chinese. Anong katangian ang maaari niyang makuha sa kanyang ama?
a. mabilog ang mata c. kayumanggi ang balat
b. singkit ang mata d. kulot at itim na buhok

29. Ang tuta ang isa sa pinakapaboritong alaga ng mga tao. Ito ay anak ng
isang _______________.
a. manok b. pusa c. ibon d. aso

30. Ito ang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman.


Nagbigbigay ito ng lakas sa pisikal ng may buhay.
a. tirahan b. paaralan c. pagkain d. damit
31. Saan nakukuha ang pangunahing pangangailangan ng mga bagay na may
buhay?
a. kapaligiran c. paaralan
b. kusina d. palengke

32. Paano nakikinabang ang mga tao at hayop sa mga halaman?


a. nagpapaganda sa paligid
b. nagpaparami sa mga tao at hayop
c. pangunahing pinanggagalingan ng pagkain
d. pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan

33. Ikaw ay nagtanim ng buto ng pakwan. Pagkaraan ng ilang araw, napansin


mong ito ay lumaki na. Ano ang mga dahilan ng paglaki nito?
a. tubig at lagayan
b. bato, lupa, bahay, at hangin
c. tubig, hangin, mineral mula sa lupa, at sikat ng araw
d. naiproseso ng pakwan ang tubig, mineral mula sa lupa, at sikat ng
araw upang ito ay lumaki.

34. Alin sa mga sumusunod ang maaaring tirahan ng mga hayop?


a. kagubatan c. anyong lupa
b. anyong tubig d. lahat ng nabanggit

35. Ang mga sumusunod ay pakinabang na nakukuha natin sa ating kapaligiran,


alin ang hindi?
a. napagkukuhanan ng pagkain
b. nagbibigay ng matabang lupa
c. pinanggagalingan ng materyales
d. nagbibigay ng mabaho at maruming hangin.

36. Si Mang Juan ay isang mangingisda, ano ang dapat gawin niya upang
makahuli ng maraming isda?
a. Gumamit ng dinamita sa paghuli ng isda.
b. Gumamit ng lambat o fishnet sa paghuli ng isda.
c. Gumamit ng nakakalasong kemikal sa paghuli ng isda.
d. Gumamit ng instrumentong de kuryente sa paghuli ng isda.

37. Sa inyong palagay, ano ang posibleng mangyari kung mauubos ang mga
puno at halaman sa kabundukan?
a. Maaring magkaroon ng pagguho ng lupa na magiging sanhi ng
pagbaha.
b. Maaring gaganda ang paligid kung ubos na ang puno.
c. Maaring dumami ang mga puno at halaman.
d. Maaring iinit sa mga lugar na nakapaligid.

38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran?


a. Si Girlie na nagtatapon ng basura sa ilog.
b. Si Ana na hindi pinaghihiwalay ang mga basura.
c. Si CJ na nililinis ang kanal sa tapat ng kanilang bahay.
d. Si Alexander na gumagamit ng dinamita sa pangingisda.
39. Isang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran ay ang 5R'S. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. Respect, Responsibility, Recycle, Reuse and Reduce
b. Respect, Responsibility, Resell, Reuse and Reduce
c. Respect, Response, Recycle, Reuse and Reduce
d. Respect, Responsibility, Recycle, Refuse and Reuse

40. Ayusin ang mga sumusunod na hakbang sa tamang paghihiwalay ng mga


basura.
I. Alamin kung aling basura ang nabubulok (organic), hindi nabubulok
(non-biodegradable), recyclable, at hazardous.
II. Gawing organikong pataba ang mga basurang nabubulok; kolektahin at
dalhin naman sa recycling center o itabi ang mga recyclables para;
itapon ng maayos ang mga hazardous waste sa tamang paraan at
tamang lugar.
III. Gamitin ang tamang lalagyan o basurahan para sa bawat uri ng basura
tulad ng papel, plastik, metal, at iba pa.
IV. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga basurang inihiwalay.
a. III-IV-II-I c. III-I-IV-II
b. III-II-I-IV d. III-IV-I-II

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III

Noted by:

School Principal I

ANSWER KEY: SCIENCE 3


1. D
2. B
3. A
4. B
5. C
6. C
7. B
8. D
9. C
10. B
11. B
12. A
13. D
14. D
15. B
16. A
17. D
18. B
19. D
20. C
21. D
22. A
23. D
24. A
25. C
26. B
27. C
28. B
29. D
30. C
31. A
32. C
33. D
34. D
35. D
36. B
37. A
38. C
39. A
40. C

You might also like