You are on page 1of 2

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY
WEST BUTUAN DISTRICT III
KINAMLUTAN NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 317510
Kinamlutan, Butuan City

FILIPINO 7
LAGUMANG PAGSUSULIT 3
IKALAWANG MARKAHAN

I. A.Para sa bilang 1-4, piliin ang angkop na salitang pupuno sa diwa ng pangungusap mula
sa kahon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Bakulaw bulong-bulongan patpatin biyaya gulat pagmumuni-muni

1. Si Aryan ay isang batang ___________ at laging nakayuko.


2. Ang pagkakaroon ng isang anak ay ___________ na bigay ng Diyos sa isang pamilya.
3. Laging napagkakamalang isang ___________ si Aryan dahil sa kaniyang anyo at sa mukha nito.
4. Nakikita niya ang _____________ ng kaniyang mga kamagaral kapag lumalapit siya sa mga ito.

B. Magbigay ng interpretasyon sa mga salitang nakasalungguhit. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
5. Ang salitang kaugnay ng mapagmahal na ama ay ang sumusunod maliban sa __________.
a. mapag-aruga b. magiliw c. malalahanin d. masipag
6. Ang salitang kaugnay ng masunuring anak ay ang sumusunod maliban sa __________.
a. hindi matigas ang ulo b. magalang c. mapitagan d. tamad
7. Ang salitang kaugnay ng mapag-arugang ina ay ang sumusunod maliban sa _________.
a. magiliw b. mapag-alaga c. masipag d. masayahin

C.Kilalanin kung anong damdamin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang
sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

paghanga pagkatakot pagkagulat pagkagalit


pagkatuwa pagkamangha

___________8. Tumigil ka! Sobra na ang kalokohang ginagawa mo.


___________9. Diyos ko! Ang hirap naman ng pagsusulit na ito.
___________10. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gandang lugar.
___________11. Aray ko po! Napakasakit ng tiyan ko.
___________12. Ay salamat! Nagkaroon din ng tulo ang gripo.

II. A.Isulat ang wastong pahayag sa paghahambing upang mabuo ang ideya ng
pangungusap.

13. (Mas, Kapwa) mahaba ang buhok ni Hanah kaysa kay Jessa.
14. (Di hamak, Pareho) na sikat sa kanilang paaralan si Jake kaysa kay Manuel.
15. Maraming humahanga kina Jean at Rose dahil (kapwa, mas) sila magaganda.
16. (Higit na, Magkatulad na) mahusay si Carlo kaysa kay Jay pagdating sa pagsayaw.
17. (Di gaanong, Parehong) malikot sa klase si Ken kaysa kay Angelo.

B.Tukuyin ang pahayag sa paghahambing na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng iyong
sagot.
18. Parehong nakatatakot ang negatibong epekto ng telebisyon at internet sa kabataan ngayon.
a. ngayon b. negatibo c. pareho d. ang
19. Mas maraming kabataan ngayon ang napapariwa ang buhay kaysa sa kabataan noon
a. mas b. buhay c. noo d. maraming
20. Mahilig mag-aral ang kababaihan di tulad ng kalalakihan.
a. mag-aral b. di tulad c. kalalakihan d. mahilig

C. Piliin ang pinakaangkop na pahayag sa paghahambing na bubuo sa diwa ng bawat pangungusap.


Isulat ang titik ng iyong sagot.
21. _______________ matapang sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay sina Jerry at Joel.
A. Kapwa B. Di hamak C. di gasino D. di gaya

22. Magaling sumayaw si Andrea _______________________ ng kanyang kapatid.


A. di gasino B. di gaya C. Kapwa D. Di hamak

23. _____________________ na ni Jim ang kanyang ama na isang basketbolista.


A. Mas matangkad B. Kasintangkad C. Kapwa D. Di hamak
24. ______________________ mahilig manood ng palabas sa telebisyon si tatay kaysa kay nanay.
A. Di gaano B. Pareho C. Kapwa D. Di hamak
25. _______________________ mainam tangkilin ang mga produktong sariling atin kaysa sa mga
produkto sa ibang bansa.
A. Di tulad B. Mas C. Kapwa D. Di hamak

You might also like