Oratory Speech

You might also like

You are on page 1of 2

Oratory Speech

Jane Carla G. Jose

Nakikita mo ba? Nakikita mo ba ang kamusmusan sa mga mata ng bata, kasama ang mga kaibigan na
masayang nagtatawanan habang naglalaro ng bahay-bahayan. Siya’y manghang-mangha sa manikang
binili sa bangketa, umiiyak pa nga ang manika na para bang tunay na bata.

Ngunit paglingon niya’y tunay nga. Ang hawak na bata ay hindi pala laruan, bagkus isang buhay na
resulta ng maagang kapanganakan. Naaalala ko tuloy ang linya ni Jessica Soho na nais ko ding itanong
sa mga kababaihang nabubuntis ng maaga, “Handa ka na ba?”. Dahil paano maaalagaan ang isang bata
kung ang mismong ina ay bata pa?

Pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, hindi sa nakuhang medalya sa
SEA games bagkus sa usaping maagang panganganak. Isang-katlo sa kabuuang populasyon ng bansa
ay binubuo ng mga kabataang edad 10 hanggang 19, at ang 5.4 porsyento nito ay naitalang may kaso ng
maagang panganganak.

Hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng mga kabataang nagdadalang-tao ay tumataas, at kasabay nito
ang bantang panganib sa kanilang kalusugan.

Sa isang programa sa telebisyon, inihayag ang pinagdaanan ng kinse anyos na dalagita. Sa edad na ito,
ang pagbubuntis ay nagdulot sakaniya ng takot na baka hindi siya tanggapin ng magulang, pag-aalala sa
kasalatan ng salapi para ipangbuhay sa bata, at panghihinayang dahil sa pagtigil sa pag-aaral.

Ninais niya ding ipalaglag ang batang nasa sinapupunan sa kadahilanang siya’y “bata pa”. Napagtatanto
niyo ba kung gaano kalubha ang problemang ito?

Isa lamang ito sa libo-libong kwento ng mga kababaihang naghihirap bilang nagdadalagang-tao, at isa din
ito sa mga karanasang nais sugpuin ng CSE sa gobyerno.

Comprehensive Sexuality Education, CSE kung tawagin. Ito ay tumutukoy sa edukasyong magbibigay
kaalaman sa mga kabataan kung gaano kahalaga ang kanilang kalusugan sa sekswal at reproduktibong
aspekto.

Ito ay naisakatuparan upang bawasan ang bilang ng mga kaso ng maagang pagbubuntis. Ngunit hindi
lamang ito nakatutok sa kababaihan, ang CSE ay para sa lahat ng kasarian. Ngunit alam kong
mapapaisip kayo, na kung bakit sa dami ng proyekto sa gobyerno, bakit CSE?

Bukod sa malawak ang sakop nito, malaki ang tulong nito sa aspeto ng sekswal at reproduktibong
kaalaman. Mababawasan din nito ang mga diskriminasyon sa kasarian na laganap magpasahanggang
ngayon.

(implemetation)

Alalahanin ang kataga na sinambit ni Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Pero sa
paanong paraan sila magiging pag-asa kung patuloy na napagpapasawalang-bahala ang kanilang
sekswal at reproduktibong kalusugan? At sa paanong paraan mamumuhay ng payapa ang isang bata
kung siya’y patuloy na nadidiskrimina dahil sa kasarian niya?

Isa lamang ang sagot rito, CSE. CSE ang kailangan at ang sagot sa ating mga katanungan. Patuloy
nating paigtingin ang mga hakbang upang masugpo ang kinakaharap na problema sa ating lipunan.

You might also like