You are on page 1of 2

Isang pinag palang araw sa ating lahat.

Sa aking panimula, hayaan ninyo ako’ng mag-


alay ng ilang linya mula sa awiting pinamagatang “Anak” na isinulat ni Fredie Aguilar.
Ikaw nga ay biglang nagbago,
Naging matigas ang iyong ulo,
At ang payo nila’y sinuway mo.

At ang una mong nilapitan,


Ang iyong inang lumuluha,
At ang tanong, “Anak, ba’t ka nagkaganyan?”
Ana, bat ka nagkaganyan? Ang dating paslit na naglalaro lamang ng tumbang
preso, ngayon ay isa ng batang nagpapasuso. Ang dating estudyanteng libro at panulat
ang dala-dala, ngayon ay lampin at gatas na.
At ito naman si Juan, sa murang edad ay nagbabanat na ng buto, imbis na nasa
paaralan para sa kaniyang pagkatuto. Ilang Ana at Juan pa ba ang mabibitag ng
patibong na ito? Isa, dalawa, tatlo, libo-libong mga bilang ng mga kabataan na dating
bata lamang, ngayon ay may bata ng inaalagaan.
Batay sa inilabas na datos ng National Demographic and Health Survey noong
nakaraang taon, mahigit kumulang na limang libo’t siyam na raang mga kabataan na
nasa edad labing lima hanggang labing siyam ang naitalang buntis. Hindi ba’t ito’y
nakaka-alarma? Ang itinuturing na “PAG-ASA NG BAYAN” ay tila ba isang ibong walang
direksyon at tila nawawalan na ng katanyagan. Katibayan, na ang isyu ng maagang
pagbubuntis sa Pilipinas ay tila ba isang epidemya na patuloy na kumakalat at magpasa
hanggang ngayon ay wala pa ring lunas.
KAMANGMANGAN, kakulangan sa kaalaman at tamang pagtuturo hinggil sa
usaping ito ang maituturing na dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng maagang
pagbubuntis sa ating bansa. Ayon kay Chairperson Senate Committee on Basic
Education, Win Gatchalian, “Mahalaga ang papel ng mga paaralan upang maturuan ang
mga batang kababaihan laban sa mga panganib ng maagang pagbubuntis. Aniya,
kailangang tiyakin na may akma at wastong edukasyon ang mga batang kababaihan
upang mapangalagaan nila ang kanilang kalusugan at magandang kinabukasan,”.
At ito ang Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa ilalim ng DepEd Order
Nos. 31 series of 2018. Ito ang magiging gabay at susi tungo sa pagkakaunawa ng mga
kabataan sa kanilang sariling katawan, tamang pananaw sa kanilang damdamin, at
kakayahang magpasya nang may kaalaman at responsableng pagkilos.
Sa kabilang banda ang CSE ay dinisenyo hindi lamang para sa mga babae at lalaki,
kundi para sa lahat ng kasarian. Sa pamamagitan ng CSE, mas magiging bukas ang
kaisipan ng mga kabataan ukol sa kung sino at ano ang kanilang pagkatao at
sekswalidad na makatutulong ng malaki upang maiwasan ang lumalaganap na
karahasan at diskriminasyon ng kasarian sa ating lipunan. Hindi ang ari na
namamagitan sa ating hita ang magdidikta ng ating kakayahan. Lalaki, babae, bakla,
tomboy, anuman ang iyong kasarian, IKAW AY INSTRUMENTO NG MAUNLAD NA
LIPUNAN.
Nararapat lamang na ang ating kaisipan ay maging bukas at malawak, sapagkat hindi
natin makakamit ang makabuluhang pagbabago kung tayo ay mananatiling nakakulong
sa mga konserbatibong paniniwala na pinanday ng nakaraan at masasabing hindi na
angkop sa kasalukuyan. Halina’t sama-sama tayong bumuo ng isang lipunang puno ng
pag-asa at magandang kinabukasan. Kaya’t GISING KABATAAN !
Ako si KEITH JEWEL AGBAYANI, mula sa Bongabon National High School, isang BABAE
AT HINDI BABAE LANG, MARAMING SALAMAT PO!

You might also like