You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga
1

Grade Level: Three


Quarter: Second
Subject: Science

ENRICHMENT ACTIVITIES

Competency: Recognize that there is a need to protect and conserve


the environment- S3LT-IIi-j-16

Introduction: Ang mga halaman, hayop at mga tao ay mga may buhay
na umaasa sa ating kapaligiran para sa pagkain, tubig, tirahan o
proteksyon. Ang pagkasira ng kapaligiran ay unti-unting magdudulot ng
pagkasira sa lahat ng mga bagay na buhay. Ang pangangalaga ng mga
tao ang siyang pangunahing makatutulong upang mapanatiling maayos
at ligtas ang kapaligiran na siyang pinagmumulan ng mga
pangangailangan ng mga halaman, hayop at tao.

Springboard:

Ang mga kababaihan ay abala sa paglalaba ng kanilang mga


maduduming damit sa lagaslas ng malinis na tubig. Ang mga bata ay
masayang nanghuhuli ng mga katang, suso at isda . Kasabay ng
pagtaas ng araw, magpapahinga ang lahat at kakain ng mga huling isda
o katang sa tabi ng ilog.
Ganito noon, pero ang lahat ng ito ay wala na. Madumi at mabaho
na ang dating malinaw at malinis na tubig. Wala ang mga kababaihan,
napalitan na sila ng mga naglutang na dumi ng mga hayop mula sa
poultry o babuyan. Wala na din ang mga bata, mga basura na lang ang
makikita sa baybayin ng ilog. Tahimik at hindi na maingay ang
kapaligiran. Wala na ang tawanan at masayang kwentuhan na
karaniwang maririnig sa tabi ng ilog.

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

Activities:

EASY: (10 items)

Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Base sa maiksing kuwento, ano ang karaniwang tanawin sa ilog


noong unang panahon?
a. Ang mga basura ay nakalutang sa tubig.
b. Ang mga dumi ng hayop ay nagpapadumi sa tubig.
c. Ang mga kababaihan ay naglalaba sa ilog at ang mga bata ay
nanghuhuli ng katang at isda.
d. Ang mga bata ay naglalaro at naglalangoy sa ilog habang
nagluluto ang mga kababaihan.

2. Ano ang karaniwang tanawin sa tabi ng ilog ngayon?

a. Malinis at malinaw ang tubig sa ilog.


b. Abala ang mga tao sa pagkukuwentuhan ng kanilang mga
buhay.
c. Ang mga bata ay naghuhuli ng isda at abala ang mga
kababaihan sa paglalaba
d. Ang mga basura ay nasa baybayin ng ilog at ang mga dumi ng
hayop ay nakalutang.

3. Nagustuhan mo ba ang pagbabagong naganap noon at ngayon?


Bakit?
a. Hindi, sapagkat madumi at mabaho ang paligid.
b. Oo, sapagkat sumusunod ang kapaligiran sa panahon.
c. Hindi, sapagkat hindi na mapakinabangan ng tubig sa ilog.
d. Oo, sapagkat wala tayong magagawa sa nangyayari sa ilog.

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga
4. Kung ikaw ay papipiliin alin ang mas nanaisin mong makita, ang
ilog noon o ang ilog ngayon?
a. noon, kung saan malinis pa ang tubig sa ilog
b. ngayon, sapagkat madumi na ang tubig sa ilog
c. noon, kung saan pwede pa akong makpaglangoy
d. ngayon, para hindi na maingay sa may tabinng ilog

5. Ano o sino ang may kasalanan ng mga pagbabagong naganap sa


ilog?
a. Ang mga hayop sa ilog
b. Ang mga hayop sa poultry
c. Ang mga kababaihang naglalaba sa ilog
d. Ang mga taong walang pakundangan sa pagtatapon ng dumi sa
ilog.

6. Kung tuluyan nang masisira ang lahat ng ilog sa ating bayan, ano
sa palagay mo ang mangyayari?
a. Wala nang lalabas na tubig sa ating gripo
b. Hindi na makakapglaba si inay kahit kalian.
c. Magiging maunlad ang kabuhayan ng mga tao.
d. Mawawala na ng mga isda, suso at lahat ng mga hayop na
umaasa sa ilog upang mabuhay.

7. Ano ang maaari mong maitulong upang mailigtas ang nasisirang


kalikasan?
a. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa ilog
b. Huwag nang maglaba sa ilog
c. Huwag nang manghuli ng isda sa ilog
d. Ipagdasal na mawala ang dumi at basura sa ilog

8. Bakit natin kailangang alagaan ang ating kalikasan?


a. Upang makakuha tayo ng pagkain sa kalikasan.
b. Upang mapakinabangan nating mga tao ang kalikasan
c. Upang mailigtas ang mga hayop na naninirahan sa kalikasan

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga
d. Upang mailigtas ang mga halaman, hayop at magamit sa
matalinong paraan ang ating kalikasan

9. Ano ang epekto ng pagkasira ng kalikasan sa mga tao?


a. Nasisira ang mga halaman
b. Namamatay ang mga hayop
c. Dumudumi ang paligid
d. Ang mga bagay na may buhay ay unti-unting namamatay.

10. May pag-asa pa kayang bumalik sa dati ang malinis sa


tubig? Paano?
a. hindi na, sapagkat wala na ang buhay ng tubig.
b. Oo kung ipapaubaya ang paglilinis sa mga tao sa barangay.
c. Hindi na sapagkat basurahan nalang talaga ang tubig sa ilog
d. Oo, kung magtutulungan ang lahat at magkaroon ng disiplina
ang mga tao.

AVERAGE: (10 items)

Ang mga gawain ng mga tao ay may katumbas na epekto sa ating


kalikasan. Pagtambalin ang mga gawain mula sa hanay A sa epekto sa
kalikasan mula sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

1. Iresponsableng pagtatapon a. Mawawalan ng tirahan ang


at pagtatambak ng basura mga hayop sa kabundukan
kung saan saan kapag sinunog ang mga
puno
2. Paglilinis ng bahangi ng b. Magiging malinis, maayos
bundok upang pagtaniman ang buong kapaligiran
muli (kaingin)

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga
3. Pagtatanim ng mga puno sa c. Nakokontamina ang tubig
kabundukan muna sa mga kemikal na
galing sa mga pabrika na
nagiging sanhi ng
pagkamatay ng mga isda
4. Labis na paggamit ng mga d. Pagdudulot ng mabahong
fertilizer sa mga pananim amoy, sakit sa mga tao at
pagkakontamina ng lupa
5. pagmimina e. Mabahong amoy at sakit sa
baga
6. Illegal na pagtotroso f. Malinis ang kapaligiran at
(pagpuputol ng mga puno sa walang basura na nakakalat
kagubatan at kabundukan sa paligid
ng walang permiso)

7. Pagtatapon ng mga kemikal g. Ang kawalan ng mga puno


mula sa mga pabrika sa bundok ay maaaring
(industrial waste) sa tubig magdulot ng pagguho ng
lupa (landslide) sa oras ng
malakas na ulan
8. Pagngangalaga sa
kapaligiran h. Nagbibigay ng pagkain at
tirahan sa mga mga hayop,
maiiwasan ang pagguho ng
lupa, nakalilinis ng hangin
sa kalapigiran at
nakatutulong laban sa
climate change
9. Mga usok mula sa mga i. Pagkakalbo ng kagubatan at
sasakyan o pabrika pagkasira ng karagatan.m
Nagkulay kalawang na ang
ilang ilog at baybaying-dagat
dahil sa siltation o ang
pagdami ng deposito ng

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga
lupa mula sa malalaking
minahan
10. Pagkakaroon ng j. Ang mga fertilizer ay
maayos na sistema ng sumasama sa mga
pagtatapon ng basura katawang tubig lalo sa ilog
na nakakaapekto sa mga
buhay ng hayop ditto.

DIFFICULT: (5 items)

Bilugan ang titik ng tamang sagot


1. May mga pagkakataon na tumatagas ang mga langis sa
bangka o barko dahil sa aksidente o sa kapabayaan. Ano ang
maaaring maging dulot ng oil spill sa karagatan?
I. Masamang amoy na maaaring magdulot ng sakit sa
mga tao
II. Pagkamatay ng mga hayop sa dagat sa kawalan ng
oxygen
III. Pagtigil ng paglaki ng mga coral reefs
IV. Pagkasira ng mga halamang dagat

a. I, II b. I, II, IV c. I, III, IV d. I. II. III. IV

2. Ang mga batang scouts ay nagsasagawa ng tree planting taon


taon sa kanilang barangay. Bakit nila ito ginagawa?
a. Upang luminis ang hangin sa paligid
b. Upang maraming bunga ng prutas ang kanilang maani
c. Upang makatulong at mapiligan ang unti-unting pagkasira ng
ating kapaligiran
d. Sapagkat ito ay sinumpaang tungkulin ng scouts

3. Kung hindi mapipigilan ang mga tao sa patuloy nilang


pagtatapon ng basura sa ilog, ano kaya ang magiging dulot
nito?

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga
a. Dadami pang lalo ang mga yamang tubig
b. Hindi na magagamit ang mga bangka at barko.
c. Wala nang magagamit na malinis na tubig ang mga tao
d. Ang isda na isa sa mga kinakain ng mga tao ay mawawala
na.

4. Kung magpapatuloy ang illegal na pagtotroso sa mga


kabundukan, ano ang maaaring maging dulot nito sakaling
magkaroon ng malakas na pag-ulan?
a. magkakaroon ng malakas na pagbaha
b. may matitirhan ang mga hayop sa gubat
c. maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa
d. magkakaroon ng trabaho ang mga magtotroso

5. Ang mga tao, hayop at mga halaman ay umaasa sa kapaligiran


upang mabuhay. Ano ang mangyayari kung masiisra at hindi
pangangalagaan ng mga tao ating kapaligiran.
a. mga hayop na lamang ang mananatiling buhay.
b. walang pagbabagong mangyayari sa lahat ng bagay na may
buhay
c. mawawalan ang lahat ng bagay na may buhay sa mundo
kasama ang mga tao.
d. masisira ang mga likas na yamang ngunit patuloy pa ring
mabubuhay ang mga tao.

CLINCHER; (5 items)

Ang mga bahay sa kalakhang Maynila na nakatira sa squatter’s area ay


isa mga dahilan ng polusyon sa tubig o sa lupa. Karaniwang malaki ang
bilang ng mga tao nakatira sa isang bahay sa ganitong mga lugar.
Pagmasdan ang larawan sa ibaba at subukang sagutan ang mga
tanong.

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

Ano sa palagay mo ang mga maling gawain ng mga taong nakatira sa


mga ganitong lugar kaya namamatay ang mga yamang tubig at
nagdudulot ng polusyon sa lupa?

1._______________________________________

2._________________________________________

Ano ang maaaring gawin ng mga tao upang muling mapakinabangan


ang likas na yaman at maalis ang polusyon sa tubig at lupa?

1. _______________________________

2.________________________________

3._________________________________

Prepared by:

MARYGRACE S. MATIBAG
Teacher III/ Paaralang Elementarya ng Banaybanay

Checked by:

FARIZA P. ANI
Head Teacher III

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

Grade Level: Three


Quarter: Thjird
Subject: ESP

Competency: Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa


pamamagitan ng pagiging handa sa sakuna o kalamidad - EsP3PPP- IIIi
– 18

Introduction:

Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad ay


makatutulong upang maligtas ang ating buhay. Isa rin itong paraan ng
pagtulong sa sarili, sa pamahalaan, at sa bansa. Binigyang-diin ng
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
ang isang matinding kampanya sa impormasyon para malaman ng mga
pamilya ang kahalagahan ng paghahanda sa oras ng sakuna. Ang
pagtuturo sa lahat ng komunidad kung ano ang dapat gawin sa panahon
ng sakuna ay makatutulong ng malaki para sa ligtas na pamumuhay.
Maging handa tayo sa darating na sakuna upang hindi tayo mabigla.
Ang pagiging kalmado sa oras ng sakuna ay makakatulong din upang
maayos nating malaman kung saan tayo tutungo sa panahon ng
kalamidad. Laging handa, iyan ang dapat nating isaisip, isapuso, at
isagawa para makaiwas sa kapahamakan.

Activities:

A. Isang umaga, narinig ni Michael sa radyo ang babalang malaki


ang pagkakataong magkaroon ng malalim na baha sa kanilang
lugar. Agad niyang kinuha ang kanyang bag upang ilagay ang
mahahalagang gamit. Lagyan ng tsek (√) ang mga bagay na
kailangan niyang ilagay sa kanyang bag

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

B. Lagyan ng tsek ()kung ang larawan ay nagpapakita sa


paghahanda sa anumang sakuna at kalamidad. Lagyan mo naman
ng ekis () kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANAYBANAY
Banaybanay, Padre Garcia, Batanga

Sumulat ng isang pangako para sa pagiging handa sa isang uri ng


sakuna gaya ng bagyo.

Nangangako ako na lagging magiging __________________ sa


anumang sakuna.
Lagi kong aalalahanin ang mga panuntunan sa pagiging handa sa
bagyo gaya ng mga:
_________________________________________________________
________________________
_________________________________________________________
_______________________
_________________________________________________________
_______________________

Mga Paghahanda na dapat gawin sa oras ng Lindol

Paaralang Elementarya ng Banaybanay


Banaybanay, Padre Garcia, Batangas
107524@deped.gov.ph
Paghahanda sa
oras ng lindol

You might also like