You are on page 1of 7

REVIEWER sa Edukasyon sa

Pagpapakatao 9
SY 2023-2024

*Ano ang ibig sabihin ng “PAGGAWA”?


*Ay isang aktibidad ng tao *Ay tinatrabaho ng tao
*Ay isang gawain ng tao *Lahat ng nabanggit

*Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “MANUAL LABOR”?


*Advertising *Housework
*Data Analysis *Marketing Strategy

*Alin sa sumusunod ang HINDI umaayon sa Likas na Batas Moral?


*Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo
*Pagkakaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa nang
walang konsultasyon
*Pagmumungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa
kanilang lugar
*Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili

*Sa paanong paraan natututunan ang Likas na Batas Moral?


*Ibinubulong ng anghel *Naiisip na lamang
*Itinuturo ng bawat magulang *Sumisibol mula sa konsensiya

*Ayon sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (UDHR) Artikulo 13.1. Ang
bawat tao ay may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga
hangganan ng bawat estado. Dulot ng pandemyang COVID-19 ay dineklara ng gobyerno ang
paglimita sa mga taong maaaring lumabas ng pamamahay. Nagkayayaan ang iyong mga
barkada na pumunta sa mall upang maglibot at bumili ng makakain. Ano ang dapat mong
gawin?
*Sumama sa paanyaya ng iyong barkada dahil malapit lamang ang mall sa inyong
bahay at mabilis lang naman kayo at uuwi kayo ng maaga.
*Sumama sa paanyaya ng iyong barkada dahil wala ka naming gagawin sa inyong
bahay.
*Tanggihan na pumunta sa parke bagkus yayain mo sila sa computer shop.
*Tanggihan ang paanyaya ng iyong barkada dahil ito ay naaayon sa
panahon ng pandemya upang maiwasan na magkaroon at makahawa ng
sakit.
*Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin na alagaan ang sarili?
*Karapatang mabuhay *Karapatang mangibang bansa
*Karapatang magpakasal *Karapatang pumunta sa ibat-ibang lugar

*Alin sa sumusunod ang HINDI paglalarawan sa paggawa?


*Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
*Isang gawain na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain.

Page 1 of 7
*Isang gawain ng tao na palaging isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa
kaniyang kapwa.
*Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapwa.

*Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan
ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
*Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
*Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
*Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
*Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa
bago ang sarili.

*Alin sa sumusunod ang HINDI pagtupad ng tungkulin at pagbibigay karapatan sa bata?


*Pagbebenta ng sampaguita ng mga kabataang 7-8 taong gulang.
*Pagbibigay ng pagkakataong makapaglaro at maglibang
*Pagbibigay ng pangunahing pangangailangan
*Pagbibigay ng sariling pangalan

*Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng karapatang pantao?


*Pag-aampon ng isang sanggol, pagbibigay ng pangalan at tamang edukasyon.
*Pagbebenta ng sampaguita ng mga kabataang 7-8 taong gulang.
*Pagmamaltrato ng isang amain sa anak ng kanyang kinakasama.
*Pagtatrabaho ng mga kabataang edad 10 pababa bilang maninisid ng perlas.

*Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?


*Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat
*Maraming anyo ang Likas na Batas Moral
*Nagbabago ang Likas na Batas Moral sa paglipas ng panahon.
*Nag-iiba ang Likas na Batas Moral batay sa kultura at kinagisnan.

*Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


*Ito ay ayon sa mabuti *Makapagpapabuti sa tao
*Magdudulot ito ng kasiyahan *Walangnasasaktan
*Ayon sa kanya mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang
lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan.
*Confucius *Martin Luther
*Dr. Manuel Dy Jr. *Sto. Thomas De Aquino

*Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at


paggalang sa kaniyang kapwa. Ano ito?
*Bolunterismo *Pakikilahok
*Dignidad *Pakikisama

Page 2 of 7
*Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng kanilang
pagsamba?
*Karapatang mabuhay
*Karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian
*Karapatang magpakasal
*Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya

*Aling karapatan ang kaakibat na tungkulin na mapayabong ang mga ari-arian upang
magamit sa pagtulong sa kapwa?
*Karapatang mabuhay
*Karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian
*Karapatang magpakasal
*Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya

*Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng paggawa ng tao sa pag-unlad ng agham
at teknolohiya?
*Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang
pagkamalikhain.
*Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
*Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
*Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto.

*Sino sa sumusunod ang HINDI nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa


pamamagitan ng kanilang paggawa?
*Si Candy ay gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng
modernong disenyo.
*Si Hopia na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa
nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit na mga banyaga.
*Si Shiomai na gumagawa ng mga pelikula na tungkol sa mga isyung panlipunan ng
bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
*Si Siopao na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.

*Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?


*Ang pagiging matulungin sa kapwa *Pagkampi sa tao
*May pagsaklolo sa iba *Tunay na pagsunod sa utos ng Diyos

*Ano ang batayan ng mga batas ng tao?


*Laging iwasan ang paggawa ng mabuti.
*Laging maging negatibo sa buhay.
*Laging masama ang isipin sa kapwa.
*Laging pagtingin sa kabutihan at pagsisikap na matupad ito.

*Aling karapatan ang nag-oobliga sa mga magulang na magsabuhay ng mga birtud ng isang
pamilya.
*Karapatang maghanapbuhay

Page 3 of 7
*Karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian

*Karapatang magpakasal
*Karapatang pumunta sa ibat-ibang lugar

*Aling karapatan ang may kaakibat na tungkuling magpakita ng kahusayan sa napiling


hanapbuhay o trabaho?
*Karapatang maghanapbuhay
*Karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian
*Karapatang magpakasal
*Karapatang pumunta sa ibat-ibang lugar

*Ano ang tungkulin na kailangang gawin ng tao sapagkat kung ito ay hindi
isinagawa ay mayroong mawawala sa sarili.
*Bolunterismo *Dignidad *Pakikilahok *Pakikisama

*Ano ang madaling antas ng nakikilahok na patungkol sa pagkalap ng impormasyon


*Impormasyon *Konsultasyon *Pagsuporta *Sama-samang pagkilos

*Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “Mental Work”?


*Brainstorming *Construction *Dancing *Sweeping

*Ano ang pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa?


*Paggawa *Pagkilos *Paglinang *Pagtugon

*Ano ang kailangan sa paggawa na nagpapakita ng “uniqueness”?


*Orihinalidad *Pagkukusa *Pagsagupa *Pagtangkilik

*Ano ang makapagpapatibay sa mithiin upang makamit ang kaunlaran at


kapayapaan?
*Ang hindi pagtulong sa kapwa
*Ang pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang mga pagnanais
*Ang paggawa ng kanya-kanya ay makatutulong sa pag-unlad ng bayan
*Pagpapabaya sa tungkulin

*Para kanino ang mga batas na ginawa ng Universal Declaration of Human Rights?
*Bayan *Hayop *Kapaligiran *Tao

*Anong antas ng pakikilahok ang may kinalaman sa pagbibigay ng sariling opinion o ideya
na kung saan kailangan pa rin makinig sa mga puna ng iba na maaaring makatulong sa
pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain?
*Impormasyon *Konsultasyon *Pagsuporta *Sama-samang pagkilos

*Ano ang hindi lamang dapat gawin ng isang tao kundi ng nakararami, “Sa pagpapasiya
kinakailangang isaalang-alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili
kundi sa mas nakararami”?
*Impormasyon *Sama-samang pagkilos

Page 4 of 7
*Pagsuporta *Sama-samang pagpapasiya

*“Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa


lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap?
*Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
*Kailangan na kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang
kapwa.
*Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at
magsilbi sa kapwa.
*Lahat ng nabanggit

*Ano ang palatadaan na nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


*Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
*Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
*Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
*Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.

*“Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap?
*Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi
dapat iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa
kaniya ng kaniyang kapwa.
*Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya
upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng
paggawa.
*Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang
paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang
kaganapan.
*Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung
kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang
makagawa ng isang makabuluhang produkto.s

*Anong antas ng pakikilahok ang patungkol sa pagiging matagumpay ng anumang gawain


kung kikilos ang lahat.
*Impormasyon *Sama-samang pagkilos
*Pagsuporta *Sama-samang pagpapasiya
*“Madali ang isang gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta
dito.” Anong antas ng pakikilahok ang nasa pangungusap?
*Impormasyon *Sama-samang pagkilos
*Pagsuporta *Sama-samang pagpapasiya

*Alin sa sumusunod nakapaloob ang mga karapatan ng tao?


*House Rules *Philippine Constitustion
*Martial Law *Universal Declaration of Human Rights

*Paano mo ipakikita ang pagiging makatao?


*Sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa

Page 5 of 7
*Sa pamamagitan ng pag-iwas sa kapwa

*Sa pamamagitan ng pananakit sa kapwa


*Sa pamamagitan ng paninira sa kapwa

*Ano ang kailangan sa paggawa upang maipakita ang “artistry” ng tao?


*Orihinalidad *Pagkamalikhain *Pagkukusa *Pagsasaayos

*Ano ang kailangan sa paggawa upang maipakita ang ‘volunteerism”?


*Orihinalidad *Pagkamalikhain *Pagkukusa *Pagsasaayos

*Alin sa mga layunin ng paggawa ang makatutugon sa mga pangunahing


pangangailangan ng tao?
*Boost country’s morale *Makatulong sa innovation
*Kitain ang pera *Pagtulong sa kapwa

*Ang paggawa ay upang tulungan ang mga nangangailangan. Ano ang ibig sabihin ng
pangungusap?
*Kailangan gumawa ang tao upang tumugon sa ninanais ng Diyos
at sa pangangailangan na pagyamanin at paunlarin ang
sangkatauhan.
*Para maabot ang pangarap
*Upang kumita ng salapi.
*Upang maiangat ang kultura ng bansa.

*Ang paggawa ay upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan
ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
*Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi siya magtatrabaho.
*Magampanan ang tungkulin niya sa Diyos.
*Naipagpapatuloy ang kaniyang bokasyon
*Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain

*Ano ang gawain ng tao na nangangailangan ng orihilidad, pagkukusa, pagkamalikhain, at


material man o hindi ay nagbubunga ng pagbabago sa anumang bagay?
*Instinct *Kultura *Obheto *Paggawa

*Alin sa mga layunin ng paggawa ang patungkol sa pag-angat ang kultura at


moralidad ng lipunang kinabibilangan?
*Boost country’s morale *Makatulong sa innovation
*Kitain ang pera *Pagtulong sa kapwa

*Alin sa mga layunin ng paggawa ang makibahagi sa patuloy na pag-angat at


pagbabago ng agham at teknolohiya?
*Boost country’s morale *Makatulong sa innovation
*Kitain ang pera *Pagtulong sa kapwa

Page 6 of 7
*Ang karapatang panghayop ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol
sa pagtrato ng kaniyang kapwa. Ang pangungusap ay:
*Mali dahil ang tao ay iba sa hayop na nilikha ng Diyos.
*Mali dahil gaya ng ibang hayop, tao ang mataas na uri na nilikha ng Diyos.
*Tama dahil ang tao ang mataas na uri na nilikha ng Diyos.
*Tama dahil gaya ng ibang hayop, tao ang mataas na uri na nilikha ng Diyos.

*Ang tao ay may kalayaang umibig ngunit kaakibat nito ay tungkuling suportahan ang
magiging pamilya. Ang pangungusap ay:
*Mali dahil walang kaakibat na responsibilidad ang pagpapakasal.
*Mali dahil nakasaad na karapatang magpakasal sa UDHR.
*Tama dahil hindi lang natatapos sa pagpapakasal ang obligasyon ng tao.
*Tama dahil isa sa UDHR ang karapatang magpakasal.

*Ang taong nagbolunterismo ay naglilingkod o tumutulong na walang hinihintay na kapalit.


Ang pangungusap ay:
*Mali dahil ang ibinigay ay ang gusto niyang mangyayari at matutupad.
*Mali dahil kapag may ibinibigay ay dapat mayroong kapalit na pabor.
*Tama dahil ang pag-bolunterismo ay pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.
*Tama dahil ang pakikilahok ay ang pakikiayon sa gawain ng tao.

*Ang dignidad ang pinakaimportanteng batayan ng mga alagang hayop sa bahay.


*Mali dahil ang tao lang ang may dignidad.
*Mali dahil walang pet sa bahay.
*Tama dahil kumikilos ang tao na naayon sa gusto ng ibang tao.
*Tama dahil kumikilos na parang tao ang mga alangang hayop sa bahay.

Page 7 of 7

You might also like