You are on page 1of 239

The Blue-Eyed Alpha (Alphas Of Remorse Book 1)

by Celestine_Lemoir

Ipinangako ng mga magulang ni Tracy na hindi nila siya isasali sa gulong mayroon
ang kanilang pamilya. All they want for her is to live a normal life. Far from the
bow, arrows, and the deadly silver bullets. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana
dahil isang araw, umuwi na lang ang kanyang ama dala ang isang masamang balita. Her
fiancee was bitten by a lycan at tanging ang kagat lamang ng isang mula sa royal
bloods ang maaaring makapagsalba sa buhay nito.

But Levireigh Grimmerson is the last of their blood line and he is a proud, bold,
and dangerous Alpha. He will leave Tracy with two choices: To give up? Or to give
in.

Will she give up and let Rouge die? Or she'll give in and discover who Levireigh
Grimmerson really is and why he protects her more than anything.

Witness a story about secrets and lies, love and sacrifices. And how someone's
undying affection can change everything.

THE BLUE-EYED ALPHA


BY: Celestine_Lemoir
Date Started: 02-27-2017
Date Completed: 03-25-2017

=================

The Blue-Eyed Alpha

A/N:

This story is actually THE LAST GRIMMERSON by @cleathoughts. Hindi ko po ito


kinopya. I own that account as well kaso nareformat ang phone ko at hindi ko na
maopen yung same account na yun. Anyway, dito ko na ipopost ang mga stories ko from
now on.

Ang forte ko talaga ay romance so expect na mangingibabaw ang romance sa story but
ofcourse, hindi ko naman hahayaang matabunan ng sobra ang werewolf theme.

Some things to expect: my werewolves are the 21st century one. No living in a pack
house, no living in the woods, no typical pack names. Their packs are named after
their respective cities. They are the modern day werewolves.

WARNING! MAY ILANG PARTS NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA. KUNG HINDI KA SANAY MAGBASA
NG MGA INTIMATE SCENES, YOU CAN SKIP THE PARTS OR JUST STOP READING.
I would really appreciate it if you're gonna vote and atleast leave a feed back.
Mas ginaganahan ako kapag gano'n :)

Sana maenjoy niyo!

-Celest

----------------------

The Blue-Eyed Alpha

Ipinangako ng mga magulang ni Tracy na kailanman ay hinding hindi nila siya isasali
sa gulong mayroon ang kanilang pamilya. All they want for her is to live with a
normal life. Far from the bow, arrows, and the deadly silver bullets that were part
of their clan's history. Ngunit sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana dahil isang
araw, umuwi na lang ang kanyang ama dala ang isang masamang balita. Her fiance' was
attacked and now in Coma. Iyon ang sabi ng mga doktor pero alam nilang hindi ang
pagkakabagok ng ulo nito ang dahilan kung bakit ito walang malay.

He was bitten by a lycan. At tanging kagat lamang ng isang myembro ng ruler family
of lycans ang maaaring magsalba sa buhay nito. But the problem is, nag-iisa na
lamang ang natitira sa pamilya ng mga Grimmerson and Levi is one hell of a beast.
He is proud, cold-hearted, sexy as hell lycan at ang pagtulong ay wala sa kanyang
bukabularyo... Especially for those who oppose him.

He will leave Tracy with two choices: To give up? Or to give in...

--------------

THE BLUE-EYED ALPHA

BOOK 1 of Alphas of Remorse Series

Date Started: February 27, 2017

Date Completed: March 25, 2017

© All Rights Reserved


Do not reproduce in any form without my consent. Plagiarism is a crime!

=================

Prologue

Prologue

Tumaas ang kilay ko nang makita ang mga gamit ni Rouge na halos patapos nang ma-
impake. Masyadong maingay ang tunog ng takong ng sapatos ko kaya alam kong dinig na
dinig niya ang pagpasok ko sa kanyang kwarto.

Humalukipkip ako't sinubukang kunin ang kanyang atensyon. "So talagang hindi kayo
magpapapigil ni Papa? Talaga bang papatayin ninyo ako sa pag-aalala?"

Dismayado niya akong binalingan. Ibinaba niya ang bag ng kanyang tent sa kama.
Bahagyang lumubog ang parteng iyon dahil sa bigat ng bag. Nakasimangot siyang
humalukipkip.

"Hon, ang tagal na naming plano ang hike na 'to. New year's eve pa lang, nakaset na
'to. Please, don't do that. Ayokong ganyan ang itsura mo bago kami umalis."

Muli siyang bumalik sa pag-eempake at iniwasan ang mga titig ko. Nagpakawala ako ng
isang malalim na hininga. Naglakad ako patungo sa kanyang kama para maupo saka ko
hinilot ang aking sintido.

"You don't understand, Rouge. Si Papa na lang ang tanging pamilya ko. This hike is
too much for him. Matanda na siya't hindi na dapat masyadong nagpapagod." Paliwanag
ko.

Nagtaas-baba ang mga balikat ni Rouge. Bakas ang awa sa kanyang mga mata nang
balingan niya ako. Humiga siya sa kama saka yumakap sa aking bewang. Nagsitindigan
ang mga balahibo ko sa batok nang marahan niyang hinalikan ang aking pisngi.

"I'm sorry, okay? I shouldn't have mentioned this to him in the first place. Pero
intindihin mo rin si tito Santi. Wala pang isang taon mula nang mamatay ang Mama
mo. Kung mananatili lang siya sa inyo,

lalo lang niyang mamimiss si Tita. He needs this hike, Tracy. He needs something
that will occupy his mind." Sincerity is written in his eyes.
Sandali akong hindi nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa mga mata niya.
Isang malalim na buntong hininga ang muli kong pinakawalan.

"Ano pa nga bang magagawa ko eh kayong dalawa na ang kalaban ko sa bagay na ito?
Eversince you two got so closed with each other, palagi na lang akong natatalo sa
mga usapan. Kayo na lang kayang dalawa ang magpakasal?"

A soft laughter came out of his lips. Hinalikan niya ang aking balikat saka hinawi
ang ilang hibla ng buhok kong napunta sa aking mukha.

"My fiancee's jealous." He chuckled. "Don't worry, I'll take care of him. Mahirap
nang humanap ng byenang boto sayo para sa anak niyang saksakan ng ganda, talino, at
bait." Muli niyang hinalikan ang balikat ko.

I can't help but smile. Hindi pa rin kumukupas ang epekto sa akin ni Rouge. He's
still that sweet adventurous guy I admired back in high school.

"Pinayagan na nga kayo mambobola ka pa rin." Tinaasan ko siya ng kilay.

Muli siyang tumawa. "Sino bang nagsabing bola 'yon?"

Umiling-iling ako bagou tumayo. Kinuha ko ang unan at ibinato iyon sa kanya.
"Whatever, hon."

--

Madaling araw nang bumusina ang sasakyan ni Rouge sa tapat ng bahay. Muli kong
tinignan si Papa na alertong kinuha ang kanyang backpack. Lumapit ako sa kanya't
niyakap siya.

"Do you really have to go? Masyadong mataas ang bundok na 'yon. I've heard marami
rin daw ligaw na hayop na gumagala sa parteng iyon, Pa. It's not safe."

Marahan niyang hinalikan ang aking ulo.


"Hayaan mo na akong gawin 'to. Isa pa, bago kami ikasal ng Mama mo, buhay ko na ang
panganib. Hindi na bago sa akin ang bagay na ito."

Wala na akong nagawa kun'di ang umoo na lang. Alam kong hindi rin magpapatalo si
Papa pagdating sa bagay na ito.

Sinamahan ko si Papa hanggang sa labas ng bahay. Lumabas ng sasakyan si Rouge at


kaagad lumapit sa akin. Marahan niyang hinalikan ang aking mga labi.

"For the last time, boys. Hindi na ba magbabago ang isip niyo?" Untag ko nang
makapasok na sila sa sasakyan ngunit imbis sagutin ako'y nagtawanan lamang sila.

"Goodbye princess." Ani Papa.

"Don't worry, we'll be fine hon. I love you." untag ni Rouge saka hinaplos ang
aking pisngi pagkatapos ay muling hinalikan ang aking labi.

Napapikit ako sa dahil sa halik niya. Tila ba may kung ano akong naramdamang hindi
ko maipaliwanag. Unti-unti kong inilabas ng bintana ang ulo ko para makaalis na ang
sasakyan nila.

Habang nakikita kong palayo ng palayo ang kotse ni Rouge ay lalong tumitindi ang
kung anuman itong nararamdaman ko.

Fear... Why did I feel fear all of a sudden?

Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Inayos ko ang robang
suot ko at pumasok na ng bahay ngunit bago ko tuluyang isinara ang pinto'y
nakaramdam muli ako ng kakaiba.

Someone's watching me...

Napalunok ako nang pasadahan ko ng tingin ang labas. Tanging mga street lights na
lamang ang nagsisilbing liwanag dahil alas-tres pa lang ng madaling araw.
Nang

wala akong nakita sa labas ay isinara ko na ang pinto saka pumanhik sa pangalawang
palapag. Sinubukan kong matulog pero talagang binagabak ako ng naramdaman ko
kanina.

Nilingon ko ang picture frame sa side table. Matamis ang ngiti ni Rouge habang
buhat-buhat ako sa litrato. It was a stolen shot by my mom. Kuha ito summer two
years ago sa isa naming trip. That was the same day he proposed to me. Dapat sana'y
magpapakasal na kami after a year but a tragedy happened. My mom died due to heart
attack and that was the darkest day of my life.

Malaki ang pasalamat kong hindi umalis si Rouge sa tabi ko noong mga panahong hindi
ko na alam kung paano itutuloy ang buhay ko. He was there making me feel the warmt
of his hug, letting my tears ruin his clothes, loving me even during the times when
I'm already locking myself out from everyone.

--

Alas nwebe ng umaga nang makatanggap ako ng video call mula sa kanila. They were
halfway from the first peak. Ang sabi ni Rouge baka abutin na sila ng hapon bago
marating ang pinakatuktok at siguradong doon na sila magka-camp para magpalipas ng
gabi.

Makalipas ang tatlong oras ay muli siyang tumawag. Narating na nila ang tuktok ng
unang bundok. He even showed me the scenery there thru the video call.

"I'll try to call later once we get there. Sana lang may signal para mapakita ko
sayo ang tuktok." hindi maitago ang tamis ng ngiti ni Rouge habang kausap ko sa
video call.

Sumimsim ako ng kape bago sumagot. "Mga anong oras daw ba kayo makakarating sabi ng
mga guide?"

Nilingon niya ang kanyang wrist watch."They said it will take us four to five hours
so baka five

o'clock."

Isang katok mula sa bukas na pinto ang umagaw sa atensyon ko. Nakasilip si Tina at
yakap ang mga folders.

"Tracy, the operations manager is here. He wants to discuss something with you."
Untag niya.

Tumango na lang ako saka sumenyas na susunod na bago ko muling binalingan ang aking
laptop."Hon, may meeting ako. Hintayin ko na lang ang tawag mo mamaya. Take care,
okay? Huwag mo ring pabayaan si Papa."

Matamis na ngiti ang iginanti niya. "Yup. Ikaw rin."

"Okay, I have to go. I'll see you soon." Untag ko at papatayin na sana ang tawag
pero bigla ulit siyang nagsalita.

"Wait, hon." Pigil nito.

"Hmm?"Hindi kaagad siya sumagot. Para bang pinagmasdan lang niya ang mukha ko bago
siya muling ngumiti.

"Nothing. I just want to remind you how much I love you."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Parang may kung ano sa paraan ng pagkakasabi
niya sa mga salitang iyon.

Sa limang taon naming pagsasama, hindi lumipas ang araw na hindi niya naipapaalala
sa akin kung gaano niya ako kamahal. He was always been sweet and thoughtful, but
something's wasn't right this time. Masama ang kutob ko.

Natapos ang meeting namin ni Mr. Pio na lumilipad ang isip ko. Hindi mawala-wala
ang masamang pakiramdam ko kahit na pilit kong inaalis ito sa utak ko.

Five o'clock nang mag-out ako sa trabaho. Nasa parking lot na ako nang maalala ko
ang sinabi ni Rouge. Alas singko na. Dapat ay tatawag na siya pero hanggang sa
nakauwi na ako't lahat ay walang tawag na dumating.
Sumapit ang madaling araw

at hindi na ako mapakali. Nakatitig lang ako sa cellphone ko at hinihintay ang


tawag o text man lang pero lumipas na ang magdamag ay wala pa rin.

Hindi na ako nakatulog buong gabi. Sinubukan kong idial ang number nila pero ring
lang ng ring hanggang sa tuluyan nang maging cannot be reached ang linya.

Habang nasa opisina'y panay pa rin ang sulyap ko sa phone ko. Hindi ko magawang
magconcentrate. Habang tumatagal ay lalo lamang lumalala ang kutob ko. Panay ang
bulong ko sa sariling kumalma pero wala talaga. Iba na ang pakiramdam ko.

Pasado alas tres ng hapon nang may mga pulis na pumunta sa opisina namin at hinanap
ako. Hindi ko pa man sila nakakaharap ay gumapang na ang takot sa isip ko. Sana
mali ako.

"Kayo po ba si Miss Tracy Florendale?" Bungad ng isang pulis.

Sandaling nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa bago ako tumango. "A-
ako nga. Bakit?"

"Naaksidente po ang tatay at boyfriend niyo sa Mt. Vermin. May ilang galos ang
tatay niyo at kasalukuyang ginagamot sa ospital. Siya ang nagrequest na tawagin
kayo. Si Mr. Ember ay kritikal at walang malay nang maitakbo sa ospital."

Halos mawalan ako ng lakas dahil sa narinig.

Agad akong dinaluhan ni Tina para alalayan. Pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod
ko.

"Dalhin niyo ko sa kanila." Halos pabulong ko nang sabi.

Si Tina ay nagpresinta nang samahan ako. Natatakot siyang baka raw may masama ring
mangyari sa akin kung magmamaneho pa ako.

Pagdating ng ospital ay halos patakbo akong pumunta sa ICU kung nasaan si Rouge.
Naabutan ko sa labas ng kwarto si Papa. May balot ng benda ang kanyang ulo at may
cast ang kanyang kanang braso.

Tuluyan na akong naiyak nang nalapitan ko siya. Maging siya ay pigil ang luha.
Nilapitan ko ang salaming bintana ng kwarto ni Rouge. Halos puro benda ang kanyang
mga braso't binti. May mga hose sa kanyang bibig at kung ano-anong wire ang
nakakonekta sa kanyang katawan.

"A-anong nangyari Pa?" Pilit kong pinigil ang luha ko.

"Inatake kami. Sinubukan niya akong iligtas pero siya ang napuruhan. Nakagat siya,
Tracy." untag ni Papa.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Kagat? Ng ano po?"

Hindi kaagad nakakibo si Papa. Tila nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba sa
akin ang totoo.

"Anong umatake sa inyo Pa?" Ulit kong tanong. Nag-iwas siya ng tingin saka
bumuntong hininga.

"Lycans..."

=================

Chapter 1

Chapter ● One

Napasandal ako sa back rest ng swivel chair ko saka ko hinilot ang aking sintido. I
feel so tired and exhausted yet I can't get to sleep. All I can do is close my
eyes. Hindi ako dinadalaw ng antok kahit na anong gawin ko.

Tanging ang tunog ng aircon at ang sunod-sunod kong malalalim na buntong hininga
ang maririnig sa buong paligid. Mayamaya'y nagbukas-sara ang glass door. Nilingon
ko ang gawing iyon.

Pumasok si Tina dala ang tray na may lamang dalawang tasa ng kape."Nakakatulog ka
pa ba? You look awful, girl." Untag niya nang ilapag ang kape sa harap ko
pagkatapos ay prente siyang naupo sa sofa malapit sa mesa ko.

Kinuha ko ang tasa ng kape saka sumipsip ng kaunti. Humagod sa lalamunan ko ang
mainit na inumin.

"I stayed at the hospital all night. Umuwi lang ako kanina para maligo at
makapagpalit." Tugon ko saka muling uminom ng kape.

Tina let out a deep sigh saka siya bahagyang nagkamot ng batok. "Look, Tracy. It's
been three months. Hanggang ngayon walang maibigay na accurate diagnosis ang mga
doktor. Apat na ospital na ang pinanggalingan niyo pero wala silang nakitang
problema sa katawan ni Rouge to cause him that. Why don't you just consider--"

"I can't." I cut her off. "For heaven's sake, it's freaking 2017. They 're no
longer savages, Ti. Imposible eh." Muli akong napasandal sa aking swivel chair saka
hinilot ang sintido. Nasstress talaga ako kapag ito ang napag-uusapan.

Ang tunog ng takong ni Tina ang sunod na narinig sa saradong silid. Lumapit siya sa
harap ng mesa ko at naupo sa upuang nasa harap nito.

"We can't be sure

of that. After all, they are still on top of the food chain. Wild, aggressive, born
with a killer instinct." Aniya habang iminumwestra pa ang kamay sa ere.

Napailing na lamang ako. Imposible talaga ang bagay na iyon.

I'm trying my best to keep the idea out of my mind. It can't be. It's been years at
ngayon lamang nangyari ang ganitong insidente. Kung sakali mang ang panig nila ang
may kagagawan nito, dapat ay noong araw mismo ng insidente, may pagpupulong na
kaagad na naganap sa pagitan ng hunters at lycans pero wala. Parang wala namang
nangyari. Hindi nakeelam ang mga head hunters sa issue. Maging sila'y hindi
naniniwalang lycans ang umatake sa grupo nina Rouge. Isa pa, ang tatlong kasama
nila at dalawang guide, hindi magawang patunayan ang sentimyento ni Papa sa nakita
niyang umatake sa kanila.
"Dalawang dekada na ang nakakaraan, Tina. Don't you think namaster na nila ang
self-control?"

Ngumuso siya saka humalukipkip. "Sa'yo na nanggaling. It's been two decades. Marami
nang nangyari. What if may ilan na sa kanilang nagsawa nang sumunod sa kasunduan?
Hindi ko sila nilalahat pero imposibleng walang pasaway. Every family has a black
sheep."

Kinuha niya ang laptop ko saka siya tumipa sa keyboard. Hinayaan ko lang siyang
gawin iyon. Mayamaya'y muli niyang inilapag ito sa mesa at ihinarap sa akin ang
screen.

"Just in case mabagok ka at maisipang i-consider ang theory ko, here. Sigurado
akong siya ang taong kakailanganin mo. He's the new Alpha."

Kumindat siya sa akin saka matamis na ngumiti bago lumabas ng opisina ko. Naiwan

akong walang nagawa kun'di ang bumuntong hininga.

Bumaba ang tingin ko sa screen ng laptop. Sandali akong natigilan nang makita ang
page na pinuntahan ni Tina.

Levireigh Grimmerson- Successor of Grimmerson Corporation. Last heir from the


original ruler family.

Isang picture ng lalaking naka three layer suit ang ipinakita. Seryoso ang kanyang
mukha ngunit tila nakangiti ang kanyang mga mata. His perfect jaw line, deep-set
royal blue eyes, manly and intimidating brows, narrow, pointy nose and sexy reddish
lips shouts perfection. He looks like a freaking hollywood actor.

Nagscroll ako sa page hanggang sa may isang video ang nakatawag ng pansin ko.

The caption says: Levireigh Grimmerson awarded as top 3 richest bachelor in the
country.Out of curiosity, I played the video.

Nagpangalumbaba ako habang pinapanood ito. Inaannounce ng emcee ang kanyang


background pagkatapos ay nagsipalakpakan ang mga tao nang tuluyan nang tinawag ang
kanyang pangalan.
Bahagyang napaawang ang bibig ko nang isang lalaki ang tumayo mula sa front seat at
umakyat ng stage. The way he carried himself shouts sophistication and class. Every
detail of this man demands respect. His every gaze is intimidating. Natigilan ako
nang tumitig siya sa camera. A devilish half-smile made it's way to his lips.

My heart suddenly pounded faster than the usual. Tila kabayong nasa gitna ng
karera.

Napalunok ako't agad isinara ang laptop. Tila may kung anong gumapang sa sistema
ko. Napasandal ako sa aking

swivel chair at napatitig sa puting kisame.

What the hell did just happen to me? I don't know. I just freaked out by the way he
looked...and smiled.That guy can only be defined by three words. Proud, bold...and
dangerous.

--

"Wala pa ring pagbabago. They still don't know what made him unconscious." Ani ni
Reyn, ang kapatid ni Rouge.

Nanatili akong nakatitig sa kanya mula sa glass window ng ICU. Kinagat ko ang
ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. I'm too tired to cry. Too exhausted to
feel anything worse.

"He had a seizure this morning right after you left. Kung magtutuloy-tuloy ang
ganoong sitwasyon, we might lose my brother, Tracy." halos pumiyok na ang boses ni
Reyn. Nanghihina siyang napaupo sa upuan sa tapat ng glass window.

Lalong dumiin ang pagkagat ko sa aking labi. I tried so hard to compose myself
ngunit nang muli kong sinulyapan ang walang-malay na si Rouge, tuluyan nang
bumagsak ang mga luhang pilit kong pinipigil.

Sinalat ko ang pinakamalapit na upuan para doon kumuha ng suporta. Nanlalambot ang
aking mga tuhod.

Pinunasan ni Reyn ang kanyang magkabilang pisngi. "I don't know what to do anymore.
Hindi makauwi si Dad dito dahil sa sakit niya. I am torn between them. Hindi ko
alam kung sino ang uunahin. Dad wants Rouge to be treated there."

Sandali akong natigilan. Bumaling ang tingin ko sa kay Reyn na nakatitig sa


kawalan. Patuloy sa pagpatak ang mga luha niya.

"W-what?" Halos wala na akong lakas para magsalita.

Hindi siya

kumibo agad. Pinalis muna niya ang kanyang mga luha pagkatapos ay muling tumayo
para lumapit sa glass window. "Kung magpapatuloy ang ganito, mapipilitan kaming
iuwi si Rouge sa states. The doctors here can't even give us a good explanation.
Baka sakaling kapag sa states siya ipinagamot, matukoy ng mga doktor ang dahilan
kung bakit siya nagkakaganito."

Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ko malaman ang mga tamang salitang
dapat sabihin. I have no right to interfere. After all, they are still his
immediate family dahil hindi pa naman kami kasal pero sa oras na dalhin nila siya
roon, baka hindi ko na siya makita.

Mariin akong napapikit. Inayos ko ang bag ko sa aking balikat bago ako tumayo.

"I understand... But before you do that, please atleast let me consider my last
resort." Iyon na lamang ang nasabi ko bago ko siya iniwan doon.

Sinulyapan kong muli si Rouge.

This is for you, hon. Kapit lang.

--

Mahigpit akong napakapit sa manibela ng sasakyan nang tuluyan kong marating ang
Grimmerson Empire Building.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan.


Tiningala ko ang napakatayog na gusali. Walang duda, I really am in the right
place. This place is a reflection of it's owner's state in life.

Napakabilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad sa napakaluwang at napakalinis na


pasilyo. Sopistikada ang bawat detalye magmula sa mga higanteng glass door hanggang
sa kulay abong carpet.

Lumunok

ako saka pilit na nginitian ang babaeng receptionist. The red-haired lady responded
with a sweet smile."Welcome to Grimmerson Corporation. How may I help you?"

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. I can do this... This is for Rouge.

Lumawak ang ngiti sa aking labi. I composed myself before answering her.

"I'm here to see Mr. Levireigh Grimmerson...I am Tracy Florendale."

Tila sandaling natigilan ang receptionist sa sinabi ko. Pilit siyang ngumiti. "Just
a sec. Please take a seat for a while."

Tinungo ko ang couch sa lobby at pinanood ang receptionist na tila may tinawagan sa
telepono. Narinig ko ang pagbanggit niya ng aking pangalan. Mayamaya'y ibinaba na
niya ang tawag saka ako binalingan.

"Miss Florendale, follow me please." Nakangiti niyang sabi. Tumango lamang ako
bilang tugon.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tumunog ang elevator senyales na narating
na namin ang sixtieth floor o ang executive floor. Carpeted ang buong sahig nito't
napakaprestihiyoso. Expensive paintings of famous artists were hanged on the walls.

Huminto ang babae sa harap ng isang malaking mahogany double door. Matamis siyang
ngumiti sa akin bago nagsalita. "You can come in now. He's expecting you."

Pilit akong ngumiti saka tumango. Huminga ako ng malalim saka tumindig ng maayos.
Bahagya kong inayos ang palda ng aking dress bago itinulak ang pinto.
Pakiramdam ko'y sandaling tumigil ang mundo ko nang makita ang lalakeng prenteng
nakasandal sa edge ng kanyang presidential table.

He's wearing a three-layer black suit matched with a gray neck tie. His aura shouts
power. His gaze is intimidating.

Lumunok ako bago tuluyang lumakad palapit sa kanya. Halos mabingi ako sa lakas ng
tibok ng aking puso. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang isang hindi
inaasahang bagay ang nangyari.

"Good afternoon Mr. Grim-- woow!"

Aksidenteng sumabit ang takong ng stiletto ko sa carpet dahilan para matapilok ako.
Halos mapatili ako sa pagkabigla ngunit imbis na bumagsak ako sa sahig ay
matitipunong bisig ang sumalo sa aking likod. Para siyang hanging mabilis na
nakalapit sa akin upang saluhin ako.

Tumigil ang paghinga ko nang matitigan ang kanyang asul na mga mata.

"Are you okay?" He said in a husky tone.

Bahagyang bumukas ang bibig ko pero hindi ko nagawang magsalita. Simpleng pagtango
lamang ang naging tugon ko.

Tuluyan na niya akong inalalayang tumayo. Pulang-pula ang mukha ko nang umupo ako
sa upuan katapat ng kanyang mesa. Nang makaikot na siya sa kanyang swivel chair ay
prente siyang naupo roon. A devilish smirk is written on his face as he scanned me
with his dazzling pair of royal blue eyes.

"Next time you'll come here, wear your flats. Girls always trip whenever they see
me." Mayabang nitong pahayag habang diretsong nakatitig sa aking mga mata. The
smirk on his face slowly became a meaningful smile.

Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig.


=================

Chapter 2

Chapter ● Two

Mahigpit ang pagkakalukot ko sa piraso ng papel na hawak ko. Tila lahat ng galit ko
ay doon ko naibubunton.

"Punyeta talaga eh! Bwisit!"

Halos napapailing na lamang si Tina. Magmula kanina'y iyon na lang ang mga salitang
lumalabas sa bibig ko.

She let out a deep sigh saka pilit itinago ang ngiti. Paniguradong natatawa siya
dahil ngayon lamang niya ako nakitang ganito kalutong magmura.

"Okay, enough with your foul words, girl. Now, tell me what happened. I want
details." Nagpangalumbaba ito saka lalong itinuon ang atensyon sa akin.

I can't help but roll my eyes. Nananadya talaga siya. Kilala ko ang kaibigan kong
ito.

Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang pagku-kwento.

--

My mouth was a bit in awe because of what he just said. Pakiramdam ko'y puputok na
ang mga ugat ko sa utak dahil sa mga katagang narinig.

Gusto kong sabihing hindi ako nanlambot nang makita siya. I was intimidated, yes.
But tripped just because I saw an olympian God in suit? No way! I badly want to
tell him, ANG KAPAL PO NG APOG MO.
But before I can even mutter a single word, he leaned forward to me with that
meaningful half smile written on his god-damn gorgeous face.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi dahilan ng tila pagbayong muli ng aking
dibdib.

"I can hear your heart, luv. You might faint...Just like everybody else." He said
in a sexy, seductive way with his penetrating blue eyes staring directly into mine.

Naramdaman ko ang pagdausdos

ng kanyang mga daliri papunta sa aking baba pagkatapos ay marahan niyang isinara
ang nakaawang kong bibig. Mayamaya'y nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga.

"Don't melt me, luv." He chuckled.

Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang kanyang mahinang
tawa.

Para akong robot na hindi nakagalaw. Wala akong ibang nagawa kundi pigilin ang
paghinga at manlaki ang mga mata. Now I know why this man is dangerous. He can make
you kill yourself just by holding your breath.

Bago pa man ako makapagreact ay muli na siyang nakaupo ng maayos sa kanyang swivel
chair. Sumandal siya roon at muli akong pinagmasdan gamit ang kanyang mga asul na
mata.

The way he looked at me is really making me uncomfortable. Para bang pinag-aaralan


niya ang mga galaw ko. Pilit binabasa kung ano man ang tumatakbo ko sa isip ko.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago ako muling nagsalita.

"H-hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Mr. Grimmerson--"

"Please," he cut me off. "Levi. Just call me Levi. Grimmerson sounds too formal for
me."
Muling lumandas ang mapanuyang ngisi sa kanyang mapupulang labi.Sandali akong
natigilan. Nag-iwas ako ng tingin upang pakalmahin ang sarili.

Lumunok ako bago muling sinalubong ang nakakatunaw niyang titig. I tried to sound
serious. Hoping he would take me the same way... Even if he's a total jerk.

"Look, Mr. Grimmer--"

"Levi..." muli niyang pagputol sa sinasabi ko. I can't help but roll my eyes in
frustration. What a bossy jerk!

"Fine! Levi it is. I'm here for something important

to discuss with you." Seryoso kong sabi habang pilit sinasabayan ang kanyang mga
titig.

Amusement was written on his face. Umayos siya ng upo saka ipinatong ang dalawang
braso sa mesa.

"Discuss? Are you sure you're just here to talk about something?" Muli ay mayabang
nitong tugon.

All my hopes to have a formal and serious conversation with him were gone. Wala na
akong ibang nagawa kun'di ang kagatin ang ibabang labi ko para mapigilan ang
sariling magmura ng napakalutong sa harap niya.

"Yes, I'm sure I just came here to discuss something important. It's about my
fiancee'. He was attacked while they were hiking at Mt. Vermin. I've heard you're
the Alpha of Astrid City. Hawak mo raw ang buong pack na nasa loob ng syudad na
ito. I'm hoping na mabigyan mo ng sagot ang nangyari sa kanya. He was bitten by one
of your kind and it's been three months since that incident. Until now, he's still
unconscious and the doctors can't give us a proper diagnosis."

Napansin ko ang bahagyang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Naroon pa rin ang


kanyang ngisi but this time, it's not just pure amusement. He's smiling because of
annoyance.

Dinampot niya ang parker pen na nasa kanyang mesa saka iyon nilaro-laro sa kanyang
mga daliri. Hindi nawala ang titig niya sa akin ngunit napansin ko ang kanyang mga
mata. Tila ba sandaling nagbago ang kulay nito. Masyadong mabilis ang nangyari kaya
hindi ko sigurado kung talaga bang naging kulay ginto ang mga iyon.

"So you came here to accuse us a crime... Humans. Very typical of you." Tila
naaasar itong umiling-iling

habang tumatawa.

"That's not what I--"

"I am the Alpha of Astrid City but it doesn't mean that I have all the lycans on my
hands. Mt. Vermin is no longer a part of my city. Kung may mga lycans mang
naliligaw roon, sigurado akong hindi sila kabilang sa grupong hawak ko. We have
rules to follow and anyone of them who'll try to disobey those rules will face my
wrath and trust me, luv. Even the toughest beast will beg for mercy once they got
me angry." He raised his brow as if he's trying to imply something.

Lalong dumiin ang pagkagat ko sa ibabang labi ko. Mahina akong bumuntong hininga.
"But can you recommend a solution? I mean, he was bitten by a lycan. There has to
be away for him to get better, right?" Untag ko.

Come on, there has to be a way. I am desperate now.

Sandali siyang hindi kumibo. Tila malalim ang iniisip niya. Kapansin-pansin ang
unti-unting pagkawala ng kanyang ngiti. Mayamaya'y tumayo siya at humarap sa glass
wall ng kanyang opisina. I can't help but notice his perfect built. Bagay na bagay
sa kanyang katawan ang suot na suit. Kahit na nakatalikod siya'y maiintimidate ka.

"If he was bitten, then there's no way he'll get better just by giving him meds.
Hindi kayang labanan ng kahit anong gamot ang kagat ng isang lycan. Isang bagay
lang ang pwedeng makapagligtas sa kanya." Seryoso nitong sabi habang nakatalikod pa
rin sa akin.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa narinig. "Really? Ano 'yon?"

"A bite of a royal blood. Someone from the family of alphas." Tugon niya saka
humakbang palapit sa akin. Naroon na naman ang

kanyang mga nakakatunaw na titig but this time, wala ang kanyang makahulugang mga
ngisi. Ibinaon niya ang kanyang mga palad sa kanyang mga bulsa.
"You are an Alpha. Can you help us?"

Hindi siya kaagad sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin hanggang sa
makarating siya sa likod ko. Naramdaman ko na lamang ang paghawi niya sa aking
buhok hanggang sa tuluyan nang maexpose ang leeg ko. Pakiramdam ko'y magpapalpitate
na naman ang puso ko.

Nagsitindigan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang kanyang daliri na sumayad sa
balat ko. Gusto ko siyang itulak pero para akong napako sa kinauupuan ko.

"Why would I do that? Hmm?" He said in almost a whisper manner.

Patuloy ang pagtama ng kanyang ilong daliri sa balat ko. The way he makes small
circles on my skin makes me unconfortable. Tila ba may kung ano akong nararamdamang
hindi ko pa naramdaman noon.

Napalunok ako. I tried to maintain my composure but I really can't. He's melting
every bit of strength I have.

"B-because you're my only hope." Nakagat kong muli ang labi ko.

"Really? Why? Do you love him that much, Tracy? Are you willing to do everything
for that man?" Muli nitong tugon.

Bumaba ang mukha niya sa tapat ng aking tenga. Halos hindi ako huminga nang tumama
ang mainit niyang hininga sa balat ko. Our proximity is really killing me.

"Ofcourse. Lahat basta para sa kanya." Halos hindi ko na marinig ang sarili kong
boses. Pakiramdam ko'y pumipiyok na ako.

Nagsitindigang muli ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko

ang kanyang mga daliring hinahaplos ang gilid ng aking leeg.


"Well then, I can definitely help you. But the question is," inilapit niya ang
kanyang mukha sa aking tenga saka roon bumulong. "are you willing to pay the
price?"

Humigpit ang hawak ko sa palda ng damit ko. Napayuko ako't pilit pinakalma ang
sarili."A-anong kapalit?" My hands were trembling.

"Easy, luv." he chuckled right in front of my ears. I bit my lower lip even more.
"All you need to do is satisfy me..."

Muli akong napalunok. "Satisfy you?"

Muli siyang mahinang humalakhak. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang sa isang
iglap ay nasa harap ko na siya. Ang magkabila niyang mga braso ay nakakalso sa
magkabilang arm rest ng silyang inuupuan ko. Ang mukha niya'y wala nang isang
dangkal ang layo sa mukha ko.

Muling sumilay ang kanyang mapanuyang ngiti. "I'll save your little Romeo... But
you're gonna be my sweet Juliet who'll forever live her life with me in my soft and
warm bed." Muling lumapit ang kanyang mukha sa aking tenga. "Isn't that great,
luv?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Does he mean pleasure of sex? What the fuck?

Pilit kong nilakasan ang loob ko para maitulak siya ngunit para siyang pader na
ikinulong ako.

Naningkit ang mga mata ko sa nakikitang ekspresyon sa kanyang mga mata.

"No thanks. I can't live the rest of my life with a beast with a mind of a jerk."
Mariin kong sabi habang nakatitig sa kanya.

Bigla siyang natawa dahil sa sinabi ko. At anong nakakatawa roon?


Tumayo siya't naglakad muli patungo sa kanyang swivel chair. Sumandal siya sa
backrest nito saka humalukipkip. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay na tila
nanghahamon.

"Fine. Then enjoy all the remaining days...or hours your Romeo has dahil sigurado
akong hindi na siya magtatagal. It's been three months. Malapit nang makain ng
venom ang buong katawan niya. Sooner or later, guess what? He'll die..." Untag nito
habang may mapang-asar na ngisi sa labi.

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Nagngitngit ang mga ngipin ko't
ang mga kamay ko'y unti-unting kumuyom dahil sa inis. Walang puso!

Bago pa man ako tuluyang maiyak ay agad na akong tumayo at tinungo ang pinto. Nang
bubuksan ko na ito ay muli siyang nagsalita.

"But ofcourse, you have two choices, Miss Florendale. It's either you'll give up,"
dinig kong sabi niya. Mayamaya'y naramdaman ko na lamang ang kanyang mga daliring
hinahawi ang buhok ko dahilan para maexpose ang aking kanang balikat. Para siyang
hanging agad na nakalapit sa akin. "Or you'll give in..."

Isang marahang halik sa aking balikat ang nagpawindang sa buo kong sistema. Para
akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Ni ang huminga ay hindi ko na magawa. My whole
system's in chaos because of what he did. Mayamaya'y umangat ang kanyang mukha at
tumapat sa aking tenga.

"All you have to do is choose..."

=================

Chapter 3

Chapter ● Three

"He reminds me of Christian Grey..." Bigla na lamang sabi ni Tina.

Kunot-noo ko siyang nilingon. Napailing na lamang ako nang makita ang itsura niya.
Nakapatong ang kanyang baba sa kanyang magkasalikop na palad at tila lumilipad ang
isip.
"You sound dreamy, Ti. And excuse me, huwag na huwag mong ikukumpara si Christian
Grey sa damuhong 'yon." Inirapan ko siya. Ganoon din naman ang ginawa niya bago
naglakad palapit sa mesa ko.

"So ano nang plano mo ngayon? Kung hindi ka matutulungan ng Alpha, kanino ka
hihingi ng tulong?" Untag nito nang tuluyan nang makaupo sa silyang katapat ng
mesa. Pinaglaruan niya ang dulo ng kanyang kulot na buhok.

Saglit akong hindi nakakibo. Nanatili lamang ang mga mata ko sa screen ng laptop
ko.

"I don't know. Maybe I'll just try my luck first thing tomorrow. Susubukan kong
puntahan ang alphas ng mga bayang malapit. Baka isa sa kanila ang may pusong
tumulong." Tugon ko saka hinilot ang batok.

"What?" Gulat na tanong niya. Naituon ko sa kanya ang paningin ko dahil sa lakas ng
kanyang boses.

"Are you insane? The Alphas of Brenther and Galum are not that friendly to normal
people. Baka nakakalimutan mong almost ninety percent ng population sa dalawang
city na 'yon ay lycans? The remaining ten are their human slaves. Sa Astrid lang
may pantay na karapatan ang lycans at normal na mga tao. Sana naman natatandaan mo
pa ang mga bagay na 'yon." Tila inis niyang hinilot ang kanyang sintido.

I can't help but let out a deep, heavy sigh. I'm running out of options and god
knows how much

I hate to end up taking the deal with that jerk.

"But maybe they already changed--"

"Girl, pareho tayong galing sa mga angkan ng hunters. We know better than anyone.
Alam natin kung gaano sila kadelikado. Our clans used to hunt them down and we used
to be their prey. Remember those things? The bloody history of our families? Hmm?"
Nagtaas ito ng kilay.

Napahilamos ako sa aking palad. This is so frustrating. I have to admit but she has
a point. Things wasn't like this before. Twenty years ago when that bloody war
between lycans and hunters finally ended.
The five of the twelve major cities of Remorse are ruled by lycans. Hindi gaya ng
sa mga normal na tao, ang politika ay simbolo lamang para sa kanila. It's more of a
"formality sake" kind of thing for them lalo na sa Brenther at Galum.

"Cross out Astrid, Brenther, and Galum, still leaves me with two options. Crescent
and Tyrain." untag ko.

"Crescent's Alpha, pwede pa. But Tyrain? Doubt that. Bihira nang makita ang
kanilang Alpha matapos ang nangyari five years ago." tugon ni Tina.

I let out a deep sigh once more. "Then I guess Crescent City will be my destination
tomorrow."

Tatayo sana ako nang makaramdam ako ng hilo.

Napasandal ako sa back rest ng swivel chair saka ko hinilot ang aking sintido.
Mahigit bente-kwatro oras na akong gising. Hindi na makapag-isip ng maayos ang utak
ko.

Isinara ko ang aking laptop at inayos na ang lahat ng gamit. Tahimik lang naman
akong pinagmasdan ni Tina. Nang tumayo ako'y dinampot na rin niya ang kanyang
shoulder bag at sumunod sa akin.

"Siguro

naman didiretso ka nang umuwi this time? Ang lalim na ng eyebags mo." Untag nito
nang makasakay na kami ng elevator.

"Oo. Nandoon din ang ibang kamag-anak ni Rouge. For sure wala rin akong malulugaran
doon. Mas mabuti pang magpahinga na muna ako sa bahay." Tugon ko saka hindi na
napigilan ang paghikab.

Hinatid ako ni Tina hanggang sa parking lot. Nang masiguro niyang ayos pa ang lagay
ko para magmaneho ay tinungo na niya ang sarili niyang sasakyan.

--
Habang nasa daan ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang kalagayan ni Rouge. Masyado
nang matagal ang pagiging walang malay niya. Kung totoo man ang sinabi ni Levi,
pwes hindi magandang lumilipas ang mga oras na wala akong nagagawa para sa kanya.

Napasinghap ako't agad inapakan ang brake nang malakas at sunod-sunod na busina ang
narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang nangyayari.

Muntik na akong bumangga sa ibang sasakyan. Doon ko lang napansing naka-pula na


pala ang signal light sa linya ko.

Natataranta akong lumabas ng kotse para tignan kung nagasgasan ko ba ang sasakyang
nasa harap ko.

Lalo akong nataranta nang mapagmasdan ang kotse. Hindi ito basta-basta. It's a
freaking luxury car! A convertible matte black BMW to be exact. Sa magazines ko
lang ito nakikita noon at alam na alam ko kung magkano ang halaga ng sasakyang nasa
harap ko. Walang-wala ang vios na minamaneho ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting bumukas ang pinto sa driver's seat nito.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Muli kong pinasadahan ng tingin
ang gilid ng kanyang sasakyan. Pilit

chinicheck kung may gasgas ba ito kahit kaunti.

Masyadong nakatuon ang atensyon ko sa pagcheck sa sasakyan kaya hindi ko na


namalayang nakalapit na sa akin ang lalaking may-ari nito.

Isang mahinang pag-ubo ang pumukaw sa atensyon ko. Nabaling ang tingin ko sa
lalakeng nakapamulsa at seryosong nakatitig sa akin. Simpleng itim na polong
itinupi hanggang siko at maong na pantalon lamang ang suot niya pero hindi
maipagkakailang may kaya ang taong kaharap ko.

His gaze reminds me of someone I just met a while ago. His chinky, silver-grey eyes
bore at me.

"I-uh, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry. M-mukha namang hindi nagasgasan 'yong
kotse mo baka pwedeng palampasin na lang natin 'to?" Kinagat ko ang ibabang labi ko
para pigilan ang panginginig nito.
Sandaling tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Maya-maya'y tila inis niyang
sinuklay ng kanyang mga daliri ang kanyang itim na itim at medyo mahabang buhok.

"Fine." Walang gana nitong sabi saka tumingin sa kanyang wrist watch bago ako
tinalikuran at muling tinungo ang kanyang sasakyan.

Nalaglag ang panga ko nang walang anu-ano itong umalis na lang na parang walang
nangyari. Sinundan ko na lamang ng tingin ang dulo ng kanyang sasakyan hanggang sa
tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

Isang busina mula sa likuran ang muling nakakuha ng atensyon ko. Halos tumalon
palabas ng dibdib ko ang puso ko dahil sa gulat. Inis kong binalingan ang sasakyang
bumubusina sa akin. Doon ko lang narealize

na nasa gitna nga pala ako ng kalye. Oh crap!

--

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si papa sa sala na abalang nagtitingin ng


photo albums. Lumapit ako sa kanya't humalik sa kanyang pisngi. Tinapik niya ang
aking balikat saka ako pinagmasdan. Naroon na naman ang pamilyar na emosyon sa
kanyang mga mata.

Nag-iwas na agad ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalang makita ang lungkot na iyon
sa mga mata niya. Alam kong hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili niya
sa nangyari kay Rouge.

"Aakyat na ako sa taas pa. Kailangan ko na hong matulog." paalam ko sa kanya bago
ako tuluyang pumanhik sa kwarto ko.

Habang nasa banyo at naliligo ay lalo kong naramdaman ang antok kaya nang matapos
ako'y wala lang limang minuto akong nakahiga sa kama ay dinalaw na ako ng antok.

Madaling araw nang makaramdam ako ng kakaibang lamig. Madilim ang buong paligid at
tanging ang ilaw lang ng lampshade sa gilid ng kama ang nagbibigay ng liwanag sa
buong silid.

Napansin ko ang pagsayaw ng kurtina sa terrace ng kwarto ko. Ang alam ko ay hindi
ko naman binuksan glass door patungo roon kaya nagtataka akong bumangon.
Tatayo na sana ako ng kama para isara iyon nang may mapansin akong gumalaw mula sa
terrace. The silhoutte of the man made my heart skip a beat.

Lalong tumindi ang takot ko nang unti-unting hinawi ng lalaki ang kurtina. Muntik
na akong tumili nang nagsimula itong humakbang papasok ng kwarto. Gusto kong
tumakbo at humingi ng tulong pero napako

ang katawan ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at ni ang huminga ng maayos
ay hindi ko na magawa.

Nang tamaan ng liwanag ang kanyang itsura ay halos mapasigaw ako tila may bumara sa
lalamunan ko at kahit impit na hikbi ay hindi naririnig.

A lycan is inside my room. Nakakatakot ang kanyang itsura. His golden-yellow eyes
are fiercely looking at me. His long and strong teeth were revealed as if he's
ready to tear my body apart anytime now.

Malalalim ang kanyang bawat paghinga. Kitang-kita ko kung paanong nagtaas-baba ang
kanyang matitipunong balikat. Ang kulay itim niyang shirt ay halos puputok na dahil
sa laki ng kanyang katawan.

Nang isang metro na lamang ang layo niya sa akin ay tuluyan nang nanlambot ang mga
tuhod ko. Napaupo ako sa kama at takot na kumapit sa comforter.

Isang impit na hikbi ang sa wakas ay lumabas mula sa bibig ko nang haplusin ng
kanyang magaspang na kamay at may mahahabang kuko ang aking pisngi. Doon ko lang
narealize na kanina pa pala umaagos ang luha sa magkabila kong pisngi.

Nang muli akong humikbi ay bigla niya na lang hinawakan ang magkabila kong balikat
at mabilis akong itinulak sa pader.

"Aw!" Halos mapapikit ako dahil sa sakit na idinulot sa likod ko ng impact ng


ginawa niya. Nang imulat ko amg mga mata ko'y nasalubong ko ang kanyang dilaw na
mga matang nakatitig sa akin na tila pinag-aaralan niya ang mukha ko.

I bit my lower lip to prevent it from quiverring. I want to cry so hard when I felt
his sharp nail tracing my collar bone down in between my breasts. My heart's
palphitating. My system's in chaos.
Hinawi niya ang buhok ko saka nilapit ang kanyang mukha sa aking balikat.

Dumiin pang lalo ang pagkagat ko sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang mainit
niyang hininga sa balat ng aking leeg.

The tip of his nose started touching my skin as if he's smelling me.

My heart almost skip a beat when I felt his lips on my pale skin. Muling pumatak
ang luha ko nang maramdaman ang kanyang mga kamay na lumusot sa pagitan ng bewang
at mga braso ko na tila ikinukulong ako.

Hindi ko na maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. Tanging pag-iyak na lang ang
kaya kong gawin. I can barely move a single muscle. My fear is consuming every bit
of strength I have.

Naramdaman ko ang paghawak ng kanyang isang kamay sa likod ko. Mayamaya'y pilit
niyang inusog ang katawan ko palapit sa kanya.

Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang hininga sa gilid ng aking tenga. Dinig na
dinig ko ang malalalim niyang paghinga. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso. Kasing
bilis ito ng akin at hindi ko alam kung bakit.

"Come home to me..." Bulong niya sa aking tenga pagkatapos ay ipinatong niya ang
kanyang noo sa aking noo. Lalong dumiin ang pagkagat ko sa ibaba kong labi dahil sa
ginawa niya.

Hindi ko na magawang mag-isip ng maayos. Halo-halong emosyon na ang lumalamon sa


katinuan ko. Fear, confusion, and something foreign I can't explain. Something I
never felt before and that's what scares me the most right now.

"Please, come home to me..." Muli nitong bulong.

Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdama ko ang kanyang mga labing humahalik
sa akin. Tila unti-unting kumalma ang dibdib ko nang maramdaman ang malalambot
niyang labi. His kisses made me lose my mind even more. Tila naestatwa ako sa
kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya.

Isang marahang halik sa magkabila kong pisngi ang muling nagpawindang sa sistema
ko.

"I'm still waiting... waiting for you to come home to me..."

Iyon na lamang ang huling mga katagang narinig ko bago ko tuluyang naramdaman ang
kakaibang katahimikan. Nang imulat ko ang mga mata ko'y wala na siya...

At sa di malamang dahilan, I felt something weird. Napahawak ako sa aking dibdib.


Unti-unti nang bumalik sa normal ang tibok nito pero may kung ano akong naramdaman
na hindi ko kayang ipaliwanag.

Who he is? I don't know. But there's one thing I'm sure of.

My heart recognizes him...

=================

Chapter 4

Chapter ● Four

Hindi gaya ng pinakasentro ng syudad, ang daan palabas ng Astrid ay isang


napakahabang kakahuyan. Halos natatakpan na ng mga naglalakihang puno ang sinag ng
araw.

Ilang minuto pa ay tuluyan ko nang nalampasan ang karatulang nagsasabing You are
now leaving the City of Astrid.

Nabaling ang atensyon ko sa phone ko nang tumunog ito at rumehistro ang picture ni
Tina. Pinindot ko ito't nilagay sa speaker mode.

"I got your message. Are you sure that really happened? Baka naman panaginip lang?"
untag nito. Dinig ko pa ang ingay ng kanyang blower sa background.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela nang maalala ang nangyari kagabi. How I
wish everything was just a dream...Pero alam ko sa sarili kong hindi. Nag-iwan ng
marka ang kanyang matulis na kuko sa dibdib ko. That's enough proof that what
happened was real.

"Sigurado ako, Ti. Pero hindi ko lang talaga maisip bakit isang lycan ang
mangangahas pumasok sa bahay namin. They know our family really well. Maaari siyang
mamatay doon mismo sa oras na saktan niya ako."

"That's the point. Hindi siya pumunta sayo para saktan ka." tugon nito.

Sandali akong hindi nakakibo. Maging ako ay naguluhan dahil sa ikinilos ng lycan na
'yon.

Last night's a full moon. During full moon, lycans have no control of their wolves.
It's taking over their bodies that's why they are so dangerous during those times.

Noon, kapag full moon ay nagpapalit sila ng anyo at nagiging mababangis na lobo
pero sa paglipas ng panahon, natutunan nilang kontrolin ang pagbabago ng kanilang
anyo. They can shift whenever they want

pero hindi na isang lobo. Nagagawa nilang kontrolin kung anong klaseng anyo ang
gustuhin nila.

But during full moon, they tend to be more aggressive. Their lust to tear someone
apart always take over that's why most of them chain themselves to prevent
themselves from killing anyone.

Kaya nakakapagtaka ang ikinilos ng lycan na iyon kagabi... The claws, the sharp
nails, the fierce golden-yellow eyes. They only shift when they're furious or when
they cannot control their aggression.

But he didn't hurt me. Well except the trace of his nail on my chest but that's
it... And that's what's weird.

Tila nag-eecho sa isip ko ang mga salitang binanggit niya.

Come home to me...


His voice was low and husky. It's almost a whisper turning my inside to jelly.
Making me feel something foreign... Something I wish I'll never feel again.

--

Mahigit dalawang oras na akong nasa byahe. Sandali akong tumigil sa isang gas
station para punuin muli ang tangke ng kotse ko. Matapos itong makargahan ay
pumasok muna ako sa convenience store ng gas station para bumili ng inumin at
pagkain.

Kumakalam ang sikmura ko sa tuwing natatapat ako sa ilang pagkaing gusto ko.
Masyado akong nagmadali kaninang umaga at maging ang pag-inom ng kape ay
nakalimutan ko na.

Dinampot ko ang isang pack ng chips saka dumiretso sa mga inumin. Isang bote ng
mineral water ang dinampot ko bago tuluyang lumakad papunta sa counter.

"Here's your change, Sir." dinig kong sabi ng clerk sa lalaking nasa harap ng
counter. Hindi ito sumagot basta kinuha na lang niya ang sukli mula sa clerk.
Nakita ko pa ang pasimpleng pag-ipit ng kahera

sa ilang hibla ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga.

Nang tuluyan nang tumalikod ang lalaki sa counter at humarap patungong pintuan ay
doon ko lang napansin kung sino iyon.

Gaya kahapon, seryoso pa rin ang kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo at
salubong ang kanyang mga kilay.

Napalunok ako nang sandali niya akong tinapunan ng tingin. I can't help but look
away. His penetrating silver-gray eyes are really intimidating. May kung ano sa mga
itong nagiging dahilan para hindi ko siya matignan ng matagal.

Napabuntong hininga ako nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Humakbang na ako
patungo sa counter para bayaran ang mga binili ko.

Sinusupot pa lang ng clerk ang mga binili ko nang marinig ko ang pagbarurot paalis
ng kanyang kotse. Tinanaw ko ito mula sa glass wall ng shop ngunit masyadong
mabilis ang pagpapatakbo niya at ni ang dulo ng sasakyan nito ay mabilis na nawala
sa paningin ko.

--

Matapos ang isa't-kalahating oras ng byahe mula nang magstop-over ako sa gas
station ay narating ko na rin ang bungad ng Crescent City. Sa bukana ay binati ako
ng ilang nakaunipormeng lalaki.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng kanilang check point at ibinaba ko ang


bintana ng kotse. Agad namang lumapit sa akin ang isa sa kanila. Napansin ko kaagad
ang logong nakaburda sa kanang dibdib ng kanyang asul na uniporme.

Ang logo ng Crescent Pack... Ang mga puting lycans. They are known for being civil
to everyone. Masyado nilang pinapangalagaan ang kapayapaan sa pagitan ng mga normal
na tao at lycans. Ang alam ko,

sila lang ang pack na hindi kailanman ginustong salakayin ng mga hunters dahil
bukod sa malaking tulong ang pagiging neutral nila sa mga labanan, sila rin mismo
ang gumagamot sa mga sugatan tuwing may laban--mula man ito sa panig ng hunters o
ng lycans.

"Hi! Tracy Florendale ng Astrid. Gusto ko sanang makausap ang Alpha." untag ko saka
iniabot ang ID ko sa lalaki.

Sandali niyang chineck ang ID ko saka nagradyo sa kanilang kampo. Nang matapos ang
pag-uusap nila ay muli niyang ibinalik sa akin ang ID ko ng may ngiti sa kanyang
labi.

"Welcome to Crescent, Miss Tracy. Pasensya na sa abala. Pwede na po kayong tumuloy.


Sundan niyo lang po ang daan na 'yon pagkatapos ay kumanan kayo sa pangatlong
kalye. Sa dulo no'n ay ang mansion ng Alpha."

Ngumiti ako pabalik. "Salamat!"

Sinunod ko ang direksyong sinabi ng lalaki. Gaya ng sabi niya, sa dulo ng ikatlong
kalye ay ang mansiong hinahanap ko. Hindi ito kasing laki ng inaakala ko pero sapat
na ang mga disenyong nakaukit sa gate nito para sabihing nasa tamang lugar nga ako.
May estatwa ng lobong nakaupo sa magkabilang poste ng gate at sa bakal ng gate ay
nakasulat ang apelyido ng angkan ng Alpha.
Barrimore's Residence

Hindi pa man ako bumubusina ay isang lalaking nasa edad kwarenta at nakasuot ng
tuxedo ang nagbukas ng gate para sa akin. Pormal ang kanyang mukha nang senyasan
niya akong pumasok.

Pagkababa ko ng sasakyan ay iginiya ako ng isang matandang babaeng nakasuot ng


puting uniporme papasok ng mansion. Simple pero napakagara ng loob nito.
Napakaraming antigong vase na nakadisplay sa buong

receiving area. Ang mga mwebles ay halata ring luma na ngunit mukhang talagang
naaalagaan. Sa taas ng fireplace ay isang malaking family portrait. Siguradong iyon
ang pamilya ng Alpha.

"Maaari kang umupo muna. Ipapaalam ko lang sa alpha ang pagdating mo." nakangiting
sabi ng matandang babae.

Tumango lang ako bilang tugon. Pinagmasdan ko na lang siyang umakyat pataas ng
hagdan.

Mayamaya'y isang lalaking tantya ko'y nasa edad kwarenta ang bumaba ng hagdan.
Nakapolong puti ito na itinupi hanggang siko at itim na pantalon. Matamis ang ngiti
nito sa akin. Sa kanyang tabi ay isang babaeng bagaman may edad na ay mababakas pa
rin ang taglay na ganda. Sopistikada ang asul na dress na suot nito.

"Maligayang pagdating sa Crescent, Miss Florendale. It's been a long time since I
last saw you. How's your father?" untag nito nang tuluyan silang makaupo sa sofang
kaharap ko.

"Okay na po. Nakarecover na siya sa insidente three months ago." tugon ko saka
ngumiti.

Sumenyas ang Alpha sa isang tagasilbi. Mayamaya'y may dala na itong tray ng kape
para sa aming tatlo.

Kinuha ng Alpha ang isang tasa saka sumipsip ng kaunti roon. "Sabi ko naman kasi
kay Santi, tigilan na ang pagha-hunting ng mga omega. Hayaan na lang sila sa mga
bundok."

"Po? Hindi na po nagha-hunt si Papa. Actually, naghahiking po siya kasama ang


boyfriend ko at tatlo pang kaibigan ni Papa no'ng mangyari ang aksidente."

Bahagyang kumunot ang noo ng Alpha

sa sinabi ko. Nilapag niya ang tasa ng kape sa coffee table saka seryosong tumingin
sa akin.

"Boyfriend mo? Hindi naman naghahike si--"

"Really? Sino bang boyfriend mo, dear?" The Luna cut him off. Matamis ang ngiti
niya sa akin habang naghihintay ng sagot ko.

"Ahm, si Rougine Ember po, Luna. He's a sports and travel blogger and a
photographer for a magazine in states." sagot ko.

Napansin ko ang tila pagkabigla ng Luna. Sandaling nawala ang ngiti sa kanyang
labi. Nagkatinginan sila ng Alpha at parang nag-usap sa kanilang mga isip.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa ikinilos nila.

"Ang totoo po niyan, pumunta po ako rito para sa kanya. No'ng nangyari ang
insidente, nakagat siya ng isang lycan. May nakapagsabi po sa'king kagat lang ng
isang royal blood ang pwedeng kumontra sa kagat na nakuha niya."

Sandaling hindi kumibo ang Alpha. Seryoso itong umayos ng upo saka pinagsalikop ang
mga palad pagkatapos ay ipinatong ang kanyang baba roon.

"It's true. Only the royal bloods can cure the bite of an omega. But I'm sorry,
you're in the wrong place." seryosong sabi ng Alpha.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" nakagat ko ang ibabang labi ko. Nararamdaman ko
na ang unti-unting pag-init ng gilid ng mga mata ko.

"Dear, royal bloods are the original family of Alphas. Crescent is no longer a
family of royals dahil ilang beses nang nagkaroon ng transition of power sa aming
pack. The only remaining royal bloods

are the Grimmersons of Astrid and the Magnisons of Brenther. Why don't you just ask
for help from the Alpha of Astrid?" ang Luna ang sumagot.

Tuluyan nang bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa
laylayan ng shirt ko. This is not happening.

Pilit kong pinigil ang mga luha ko sa pagpatak. Ngumiti ako sa Luna para ipakitang
ayos lang ako. Bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

"G-gano'n po ba? S-sige po. Tutuloy na ako. Salamat po."

Nang tumayo ako'y tumayo na rin ang Alpha at ang Luna. Lumapit sa akin ang Luna at
yumakap sa akin.

"I know you're not okay... But I hope you'll be fine. You're strong and you are
destined for something. I just hope someday, you'll be on track...again."

Natigilan ako sa sinabi ng Luna. Makahulugan akong tinignan ng Alpha. Nakangiti


namang ang Luna nang hawiin niya ang ilang hibla ng aking buhok.

Gusto kong magtanong. Alam kong may gusto silang sabihin pero hindi ko mahanap ang
lakas ng loob para gawin 'yon.

Nang maihatid nila ako sa sasakyan ko ay gusto kong humarap muli sa kanila at
itanong kung ano man ang gusto nilang ipahiwatig...but it seems like something's
holding me back. Natatakot akong magtanong, hindi ko alam kung bakit ko ito
nararamdaman.
Matapos kong malampasan ang bungad ng Crescent ay huminto ako sa pagitan ng
dalawang daan. Ang isa ay pabalik ng Astrid. Ang isa naman ay ang daan patungo sa
susunod na bayan.

Natulala ako habang pinagmamasdan ang karatulang nagsasabi ng direksyon.

Right now, I only have two choices:

Ang umuwi ng Astrid, tanggapin ang offer ni Levi at iwan si Rouge para sa
kaligtasan niya,

O ang tumuloy ng Brenther, makipagsapalaran para sa buhay ni Rouge.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Unti-unting lumandas ang mga luha ko sa


aking pisngi. Natatakot ako para sa sarili kong kapakanan pero sa tuwing pumapasok
sa isip ko ang halos wala nang buhay na si Rouge, bumibigay lahat ng natitirang
pagmamahal ko sa sarili ko.

This is for you, hon. I'll do everything for you...

Nang muli kong apakan ang gas ay tuluyan ko nang ibinaon sa limot lahat ng takot ko
para sa sarili ko. This is the only choice I have.

Napabuntong hininga ako nang malampasan ko ang karatula.


City of Brenther-30 kilometers away.

=================

Chapter 5

Chapter • Five

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela nang marating ang bungad ng Brenther. It's
way more scary than I thought. Walang ibang makikita kun'di ang napakahabang
kakahuyan.

Kakahuyan din ang palabas ng Astrid pero hindi kasing dilim ng gaya ng sa Brenther.
This place is really meant for lycans.

Bumagal ang takbo ng sasakyan ko dahil sa sirang daan. Maya't-maya rin ang paglinga
ko sa paligid. Pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin. Kung bibilisan ko
naman ang pagpapatakbo, baka maaksidente ako dahil sa lagay ng kalsada. Parang
ilang taon na itong hindi naipalitada. Marami ng butas na pwedeng magcause ng
aksidente.

"Aray, shit!" untag ko sa sarili habang hinihilot ang ulong tumama sa bubong ng
sasakyan dahil sa lakas ng impact na ginawa ng butas sa daang nadaanan ko.

Saglit kong ihininto ang sasakyan ko nang makita ang susunod kong dadaanan.

"What the hell?"

Lumabas ako ng sasakyan at pinagmasdang mabuti ang lugar.

This is it? Did I read the signs wrong?

Napahilot ako sa aking ulo habang chinicheck ang GPS ng phone ko.
"Damn it!"

Ngayon pa talaga ako nawalan ng

signal. Great! Just great. I'm literally in the middle of nowhere. Ang dulo ng
sirang daan ay gubat. Pesteng gubat.

Napasandal ako sa sasakyan ko habang pilit itinataas ang phone ko, nagbabaka-
sakaling makakuha ako kahit kakarampot na signal man lang.

Maya't-maya ang paglabas ng malulutong na mura sa bibig ko. Ramdam ko na rin ang
matinding pagkunot ng noo ko dala ng inis.

"Come on, makisama ka naman. Kainis naman oh." Lalo ko pang itinaas ang kamay ko.

Mayamaya'y natigilan ako nang makaramdam ng kaluskos mula sa kung saan. Umayos ako
ng tayo at pinakiramdaman ang paligid. Nagpalinga-linga ako sa malawak na
kakahuyan.

Nagsisimula nang gumapang ang takot sa dibdib ko. I've heard a lot of unfortunate
tales about this city. The lycans here doesn't care about the contract. They kill
whenever someone tries to get in their teritory.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko nang muli akong makarinig ng kaluskos. Takot man,
pinilit kong magtapang-tapangan. I need to see their Alpha. I need to get to
Brenther.

"Who's there? I am a Florendale. I need to see the Alpha." Halos pumiyok na ang
boses ko dala ng takot.

Mayamaya'y lalong tumindi ang mga kaluskos hanggang sa may bigla na lamang tumakbo
mula sa gilid ko palapit sa akin.

Napadaing ako sa lakas ng impact ng pagkakatulak niya sa likod kong tumama sa


sasakyan. Ang kanyang isang kamay ay nakahawak sa leeg ko.
A pair

of golden-yellow eyes greeted me. Isang lalakeng may itim na itim na buhok at
malaking pangangatawan ang nasa harap ko at kung itulak ako sa sasakyan ay animo'y
mabangis na hayop. Normal ang kanyang itsura ngunit ang kanyang mga mata'y senyales
na isa siyang lycan.

"Please, I just want to see the Alpha." untag ko kahit na nanginginig na ang boses
ko.

A devilish smirk made it's way to his lips revealing his deep imperfection on his
righ cheek.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa leeg ko at tila inamoy ako.

"Your expensive perfume can never cover his scent... And that's what's gonna get
you killed." bulong nito sa aking tenga.

Napalunok ako nang bigla na lamang niyang nilislis ang blouse ko dahilan para
maexpose ang kanang balikat ko.

Lalong tumindi ang kanyang ngiti nang makita ang peklat na naroon. I can't even
remember where I got those scars. Nang magkaisip ako ay naroon na iyon.

Mayamaya'y isa pang lalaki ang lumabas galing ng kakahuyan. His brown hair and
chinky eyes suits his fair complexion. Ang kanyang gray na t-shirt ay nakasukbit sa
kanyang balikat. Drops of sweat are trailing on his perfect tummy. Matamis ang
ngiti nito sa akin.

"Ah! You're really here, babe. The marked virgin." He chuckled. " That guy is
really a legend, aye?"

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak sa akin ng lalakeng nasa

harap ko hanggang sa tuluyan na niya akong pinakawalan.


"I told you, I got this, Hank." Inis na sabi ng lalaking nasa harap ko.

Ngumisi lang ang lalaking tinawag niyang Hank. His eyes bore at me as he folded his
arms in front of his broad chest.

"Relax, Baron. I just wanna meet the pretty lady." Untag nito.

Bumuntong hininga si Baron saka inis na nagkamot ng batok. Kunot ang kanyang noo
nang balingan niya ako.

"You can't go in there. You're gonna get yourself killed." seryoso nitong sabi.
Mayamaya'y para akong kurtinang hinawi niya para buksan ang pinto sa driver's seat.
Sinenyas niya ang ulo niya para pumasok ako roon.

Sandaling nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Despite of the fact


that they both look dangerous, I stood still. Making them feel my determination. I
can't go home without getting help. Not now. I've gone too far already.

"You don't understand. The Alpha of your pack is the only hope I have. I need to
see him."

Baron's jaw clenched as he folded his arms. Nanatili ang kanyang seryosong titig sa
akin.

"Sa oras na tumapak ka sa Brenther, para ka na ring nagdeklara ng gyera sa pagitan


ng Astrid at Brenther. Hindi pabor ang Alpha sa pagiging civil ng Astrid sa inyong
mga hunters." Si Hank na ngayon ay wala na ang ngiti sa labi.

"It's been two decades. Wala nang hunters ngayon." tugon ko.

"Really? How sure are you?" Untag ni Baron na lalong kumunot ang noo.

Natigilan ako sa narinig. How sure am I?

Nag-iwas ako ng tingin. Lumakad ako palapit sa dulo ng daan. Napayakap ako sa
sarili nang umihip ang malakas na hangin.

"Kailangan kong makausap ang Alpha. Kung hindi niyo ako matutulungan, akong mag-isa
ang hahanap sa daan papunta sa syudad." Mariin kong sabi bago tuluyang humakbang
papasok ng kakahuyan.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang agad akong mahabol ni Baron. Itinulak
niya ang likod ko sa isang malaking puno.

Napalunok ako nang makita ang kanyang nanlilisik na mga mata.

"Our job is to protect you. So please, tigilan mo ang katigasan ng ulo mo--"

Bigla na lamang siyang natigilan nang isang malakas na alulong ang narinig namin
mula sa di kalayuan.

Tumalikod siya sa akin habang hawak ang isang braso ko. Panay ang paglinga niya sa
paligid.

Mayamaya'y ilang kaluskos ang narinig namin. Habang tumatagal ay palapit ito ng
palapit. Halos manlambot ang tuhod ko dala ng takot. Si Hank ay biglang nasa tabi
ko na at tila pinoprotektahan ako gaya ni Baron.

"Too late, dude. They're here." bulong ni Hank habang nakatitig sa direksyong
pinanggagalingan ng mga kaluskos. Mayamaya'y limang lalaking may dilaw na mga mata
ang lumabas mula sa kakahuyan. Makahulugan ang mga ngiting nakaguhit sa kanilang
mga labi.

"Well, well, what do we have here? The twin betas of Astrid with a treat. Isn't
that sweet?" Untag ng isa sa kanilang may tattoong dragon sa kanang braso.

Humakbang palapit sa kanila si Hank. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang


kasama ko at ng grupo ng lycans na nasa harap namin.

"This is just a misunderstanding. Paalis na kami. She's not a treat. She has the
mark. You can't
touch her." Mariin nitong sabi pero parang wala lang ito sa lalaking may tattoo.
Lumapit ito kay Hank at tila naghahamon ang mga titig.

"Your rules don't apply here." Untag nito kay Hank. Laking gulat ko nang sa isang
iglap ay nasa mga bisig na niya ako't hawak ako sa leeg. Ang kanyang dibdib ay
nakalapat sa aking likod.

"You both know that, don't you?" unito habang napatong ang baba sa aking kanang
balikat.

Nanlisik ang mga mata ni Baron at Hank. Unti-unting nagbago ang kanilang mga anyo.
Lumabas ang kanilang matatalas na kuko.

"Get your hands off her. I'm warning you." Mahinahon ngunit puno ng pagbabantang
sabi ni Baron.

Nakakalokong humalakhak ang lalaking may hawak sa akin. Hindi ko na naintindihan


ang nararamdaman ko. Nilalamon na ako ng takot dahil sa nangyayari. Damang-dama ko
na ang unti-unting pag-init ng gilid ng aking mga mata at ang nakakabinging tibok
ng puso ko.

Tumapat ang kanyang mukha sa aking tenga. Mayamaya'y inilapit niya ang kanyang
ilong sa balat ko.

"His smell is all over you, lady." Bulong nito.

Halos hindi ako huminga nang dumikit ang dulo ng kanyang ilong sa leeg ko. Humigpit
ang hawak ko sa dulo ng blouse ko. Para akong nawawalan ng lakas dahil sa takot.

Susugod na sana si Baron at Hank palapit sa amin nang bigla silang pagtulungan ng
apat pang lalaki.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko nang makitang nadedehado ang dalawa. I can't
help but blame myself. This is my fault. Kung hindi ako nagmatigas kanina, hindi na
sana umabot sa ganito.

"After them, you're gonna be next." bulong ng lalaki sa akin dahilan para lalong
gumapang ang matinding

takot sa sistema ko.

Mayamaya'y itinaas niya ang isang braso ko at itinapat iyon sa kanyang bibig.
Tuluyan na akong napapalahaw nang maramdaman ang pagtusok ng matutulis niyang
ngipin sa pala-pulsuhan ko.

Dalawang malakas na alulong mula sa magkaibang direksyon ang umalingawngaw sa


kakahuyan.

"Alpha..."

"Alpha..."

Dinig kong sabi ng dalawang panig nang dalawang pamilyar na lalaki ang dumating.
The two epitome of every girl's fantasy when reading a romance story were standing
tall in front of me--both sweating their shirts.

Hindi ko na alam kung paano silang nakarating sa harap ko. Masyadong nananaig ang
sakit na nararamdaman ko sa aking braso.

Nanlalabo man ang paningin ko, naaninag ko ang kanilang mga mukha. It was him...
The guy I almost hit yesterday. And the other one? It's Levi. Levi Grimmerson.

Bumaling ang tingin nilang dalawa sa direksyon namin. Seryoso ang kanilang mga
titig at nakakuyom ang kanilang mga kamao.

"Let her go..." untag ng lalaking muntik ko ng mabangga.

Mabilis namang sumunod ang lalaki. Kumalas siya sa pagkakakagat sa akin at bago pa
man ako bumagsak sa lupa ay mabilis nang nakalapit sa akin si Levi para saluhin
ako.

It's like de javu. Iyon lang, ngayon ay nasa bingit ako ng kamatayan at walang
nakakalokong ngising nakaguhit sa kanyang mukha. All I can see is anger... But
despite of it, I can't help but notice his features. He is really a guy to die for.
Every detail of him is perfection. Siguro kung single ako ay kilig na kilig na
ako... Just like everybody else as he said.

He carefully held me in

his arms as if I'm some kind of a precious thing. My head rested on his broad
chest. I can hear his heart beat. It's as fast as mine.

"I got you, luv. I got you." The huskiness of his voice is like music to my ears.
There's something in it that made me feel secured and safe.

I can't even focus anymore. Little by little, my consciousness is being driven


away. I can't help but close my eyes.

Isang sigaw ng taong nasaktan ang sunod kong narinig. Ang boses na 'yon. Ang
lalaking kumagat sa akin. Kasunod ng pagkawala ng palahaw ay ang pagbagsak ng
mabigat na bagay sa tuyong mga dahon.

Dinig ko ang paghakbang ng isang lalaki palapit sa amin. Pilit kong iminulat ang
mga mata ko nang maramdaman kong may humawak sa sugatan kong braso.

Seryoso ngunit halata ang lungkot sa kanyang kulay abong mga mata nang pagmasdan
niya ang sugat ko. May ilang talsik ng dugo ang kanyang mukha. Nag-angat siya ng
tingin kay Levi na ngayon ay buhat-buhat ako.

"I'm sorry about this. These kinds of act will never be tolerated. Take her home
now. Kailangan niyong agapan ang kagat bago pa siya maubusan ng dugo." untag nito
saka tuluyang binitawan ang braso ko at tumalikod.

"Layco..." ani Levi dahilan para tumigil ang lalaki sa paghakbang."Salamat."

Sandali itong hindi kumibo. Mayamaya'y muli itong lumingon ng may tipid na ngiti sa
kanyang labi. Tumango lamang ito kay Levi saka tuluyang lumakad paalis.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Naramdaman ko na lang ang paghakbang ni Levi


palapit sa sasakyan ko. Ipinasok niya ako sa passenger's seat at ipinatong ang ulo
ko sa kanyang dibdib. Umalog ang sasakyan nang pumasok sa harapan si Baron at Hank.
Si Baron ang siyang nasa driver's seat.
"P-pero ang A-alpha... K-kailangan ko... Kailangan ko ang t-tulong ng alpha."
nanghihina kong sabi.

Sandaling nagkatinginan si Baron at Hank bago tuluyang pinaandar ni Baron ang


kotse.

Hinaplos ni Levi ang buhok ko saka marahang dinampian ng halik ang tuktok ng aking
ulo.

"Shhh... As long as I'm here, you won't need anyone again..."

=================

Chapter 6

Chapter • Six

Hindi ko mapigilang maikurap ang mga mata ko nang maramdaman ang pagtama ng sinag
ng araw sa aking mukha.

My visions are not that clear yet but I can see the silhouette of a man standing at
the balcony. Models of bench must be jealous. He literally looks like a freaking
Greek God. Nakasandal ang kanyang likod sa railings habang nakatupi ang kanyang
matitipunong braso sa tapat ng kanyang dibdib.

Pinilit kong bumangon ngunit nang maitukod ko ang braso ko sa kama ay gumapang ang
matinding sakit sa katawan ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang pinagmamasdan
ang nakabenda kong braso.

And then it all came back to me... The lycans, Hank and Baron, the two alphas...
Levi.

Muli kong nilingon ang lalaking nakatayo sa balkonahe. Bahagyang magulo ang kanyang
itim na buhok at nakasuot siya ng asul na v-neck shirt at itim na jogging pants.
Unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko habang tumatagal. Nasalubong ko ang
kanyang nakakatunaw na titig. His jaw clenched as he scanned me with a pair of dark
blue ocean he calls eyes. Salubong ang kanyang mga kilay at tila malalim ang
iniisip.

"What you did was suicide..." seryoso nitong sabi saka nagsimulang humakbang
palapit sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga tuhod. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig na
ipinupukol niya sa akin. May kung ano sa mga itong nagiging dahilan para magwala
ang dibdib ko.

Doon ko napansin ang damit na suot ko.

Isang cream night gown...

Malayo sa suot kong jeans at itim na blouse bago ako nawalan ng malay. Naramdaman
ko ang biglang pagpula ng mukha

ko. Hindi kaya? Oh, God. Sana hindi...

Naramdaman ko ang paglubog ng parte ng kama sa tabi ko. Naupo siya roon at hinawi
ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa aking mukha. Lalong namula ang pisngi ko
nang tumama ang dulo ng kanyang daliri sa aking balat. Para akong kinukuryente...
At hindi ko gusto iyon.

Bumaba ang kanyang mga daliri sa aking baba at pilit iyong itinaas para salubungin
ko ang kanyang titig.

Napalunok ako nang muling magtama ang mga mata namin. His penetrating blue eyes are
really intimidating. Para bang kasalanan ang tumitig sa mga ito.

"I uh, I'm sorry about Baron and Hank... Hindi ko gustong ipahamak sila." halos
pumiyok ang boses ko. Muli akong nag-iwas ng tingin ngunit muli lamang niyang
iniangat ang baba ko.

"And?" mahina nitong sabi. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay at tila naghihintay
ng sagot.
I cleared my throat. Humigpit ang hawak ko sa kumot, doon pilit kumuha ng lakas ng
loob.

"S-sorry about what I did... I almost declared a war." Tuluyan ko nang nakagat ang
ibabang labi ko.

Mahina siyang tumawa saka binitiwan ang aking baba.

"You would really declare war." he chuckled. "And no one of 'em will be left
breathing once they touch you again."

His last words hit me. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. A playful smile is written
in his face. Bahagyang umawang ang bibig ko. Mabuti na lang at sa pasikat na araw
nakatuon ang kanyang atensyon.

Naramdaman kong muli ang pag-init ng mukha ko. I cleared my throat and looked away.

"W-why did you ask Baron and Hank to follow me? Why did you follow me?" nahihiya
kong tanong.

Sandali

siyang hindi kumibo. Mayamaya'y isang mahinang buntong hininga ang pinawalan niya.

"Because you're too stubborn to agree with my deal." He said in a low tone.

At the corner of my eyes, I saw him stare at me again with sadness in his eyes.
"Too blindly in love with him..."

Isa na namang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumayo.
Pinagmasdan ko lamang ang kanyang likod habang naglalakad siya patungo sa nakabukas
na pinto.

Tila may kumurot sa puso ko. I felt pain inside me. Para bang may kung anong bigla
na lamang bumagabag sa akin.

I don't know what got into me. Bigla na lamang akong tumayo at lumakad para sundan
siya. Tila may kung anong humahatak sa akin para lapitan siya.

Nagtaas-baba ang kanyang mga balikat nang maramdaman ang mga hakbang ko. Mayamaya'y
bigla na lamang siyang humarap sa akin at sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.

Nakapikit ang kanyang mga mata habang ang kanyang noo ay nakapatong sa aking ulo.
Hindi ako makahinga dahil sa distansyang meron kami. It's suffocating me in the
most romantic way I could possibly imagine.

"Every path, every choice, every road... All leads back to you." he said in almost
a whisper. His warm breathe brought shivers down my spine.

Tila nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Gusto kong magtanong pero kahit ibuka
ko ang bibig ko ay walang lumalabas ni isang salita.

Naramdaman ko ang unti-unting pagpulupot ng kanyang braso sa aking beywang.

This is so wrong...

Bulong ng isang parte ng isip ko pero hindi ko na magawang mag-isip ng maayos.


Nawawala

na ang presensya ng katinuan sa isipan ko.

Unti-unting bumaba ang kanyang mukha hanggang sa tumapat ang kanyang labi sa aking
bibig na bahagyang nakaawang.

And before I can even react, a taste of heaven was already given to me... It
literally shutdown all my senses. Wala akong ibang ginawa kun'di ang isara ang
aking mga mata at namnamin ang tamis ng kanyang mga labi.

He just gave me something I will regret for the rest of my life yet I can't even
push him away from me. This is so wrong but it feels so good.
Habol namin ang aming hininga nang putulin niya ang makasalanang halik.

Our eyes remained shut. Our body remained closed to each other.

"What's it in you that makes me drawn to you even more?" His voice was low and
husky. I just shook my head. That's exactly the words I'd love to ask myself.

Hinawakan niya ang aking baba at iniangat ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat
ang aking mga mata. His penetrating blue-eyes greeted me. Nagtatanong ang mga ito.

"Is it that hard for you to end up with me?" may bahid ng lungkot ang kanyang
boses.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Tila biglang nagbalik sa wisyo ang sistema kong
natangay ng kanyang halik kanina.

Humakbang ako palayo at tinalikuran siya. Gustong-gusto kong iumpog ang sarili ko
ngayon. What an idiot! Zero self control, Tracy! You're engaged for pete's sake!

"I uh, I shouldn't have let you do that." I muttered.

Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin hanggang sa tuluyang dumikit ang
kanyang matigas na dibdib sa likod ko.

"Really? Why don't you look into my eyes and tell me you didn't like it?" Bulong
nito sa tapat ng aking tenga.

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili. Come on, Tracy. Remember
why you went to Brenther in the first place. Why you met him in the first place.
"I asked for your help before pero anong ginawa mo? Para mo akong pinagtripan."
Mariin kong sabi at nanatiling nakatalikod sa kanya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Mayamaya'y naramdaman ko ang


paghakbang niya palayo.

Muli ko siyang hinarap. Hawak na niya ang doorknob ng pinto at akmang lalabas na
nang muli akong magsalita.

"Please, I just want Rouge to get better... That's all I'm asking." Naramdaman ko
na ang pag-init ng gilid ng aking mata. Pilit kong pinakalma anf sarili ko habang
tinititigan ang kanyang likod.

Isa muling buntong hininga ang pinakawalan niya. Nanatili lamang siyang nakatalikod
sa akin pero kahit na hindi ko nakikita ang reaksyon niya, nararamdaman ko ang
pagiging seryoso ng kanyang awra.

"Don't ask me things you might regret someday... Some people, no matter how
important they are to us, are not worth saving." makahulugan nitong sabi bago
tuluyang humakbang palabas.

Kasabay ng pagkaupo ko sa marmol na sahig ay ang pagpatak ng aking mga luha.

=================

Chapter 7

Chapter • Seven

Tiningala ko ang madilim na kalangitan. Ilang araw nang masama ang panahon dahil sa
bagyong paparating. Mas malamig din ngayon ang panahon dahil sa malakas na hangin.
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig.

Kinuha ko ang payong sa bag ko at lumabas na ng bahay patungo sa sasakyan ko.

Habang nasa byahe patungong ospital ay naririnig ko sa radyo ang balita tungkol sa
bagyong malapit nang tumama sa Remorse. Mukhang kailangan ko nang maggrocery ng
stocks namin ni Papa para sa susunod na mga araw. Mabuti na lang at binigyan ako ni
Mr. Pio ng dalawang linggong leave para pagalingin ang braso ko.

Pagdating ko sa ospital ay tuluyan nang bumuhos ang mas malakas na ulan. Humigpit
ang hawak ko sa payong na pilit tinatangay ng malakas na hangin pero mayamaya'y
tuluyan na itong bumaliktad dahilan para tuluyan akong mabasa.

Halos patakbo akong pumasok bago pa man ako tuluyang magmukhang basang sisiw.
Walang silbi ang payong na dala ko dahil sa lakas ng ulan. Ang nablow-dry kong
buhok ngayon ay basa na naman.

Sa elevator ay panay ang punas ko sa ilang tubig sa balat ko. Maging ang pull over
na suot ko kanina ay walang naitulong. Basang-basa na ito kaya wala akong nagawa
kun'di ang hubarin na lang. Ngayon ay wala akong magawa kun'di yakapin ang sarili
dahil sa lamig.

Sandaling tumigil ang elevator sa third floor. Natigilan ako nang isang lalakeng
nakasuot ng puting v-neck shirt na pinatungan ng brown leather jacket ang bumungad
sa akin. Nakapamulsa ito habang seryoso

ang itsura. Halata rin ang pagkagulat niya nang makita ako pero agad ding bumalik
ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. Malayo sa preskong Levi na kilala ko.

Hindi ako kumibo at nag-iwas na lang ng tingin. Sariwa pa sa isip ko ang eksenang
nangyari sa bahay niya. Kung paano niyang inangkin ang mga labi ko at ako naman si
tangang hindi pumalag. Pero ang mas masakit ay yung kung paano niyang muling
tinanggihan ang pagtulong kay Rouge. Kapag naiisip ko 'yon ay lalo akong naiinis sa
kanya. They are still human. How come he doesn't have a heart?

You don't have a heart, too.

Bulong ng isang bahagi ng isip ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko
ang mga salitang sinabi ko sa kanya bago ako umalis ng bahay niya noong araw na
'yon.
Mabilis kong hinanap sa closet ang mga damit ko. Nang marealize na puro damit lang
niya ang naroon ay mahina akong napamura. I have no other choice but to go home
wearing this.

Hinanap ko ang slippers sa gilid ng kama saka lumabas ng kwarto. May ilang
tagasilbing nakakita sa akin at nagbow na lang bigla.

At bakit sila nagba-bow?

Hinayaan ko na lang at dumiretso ako sa hagdan pababa. Doon ay naabutan ko si Levi


na kausap si Baron at Hank.

Hank is wearing his playful smile again while Baron's serious face didn't change.

"Hi, Tracy." Nakangiting bati ni Hank.

Levi glared at him. Imbis matakot ay humalakhak pa ito saka nagtaas ng dalawang
kamay na animo'y sumusuko. Umiling-iling siya habang may malaking

ngiti sa labi.

"Chill, Alpha. Just wanna be friends with the future Luna." Untag nito saka
kumindat sa akin.

Lalong tumindi ang kunot sa noo ni Levi. His jaw clenched as he gave Hank a warning
look. Hank bowed his head in defeat.

Seryoso akong binalingan ni Levi. His biceps flexed as he folded his arms in front
of his broad chest. Tumaas ang kanyang kilay at tila nagtatanong kung anong
ginagawa ko.

Pilit kong nilakasan ang loob ko. Nilabanan ko ang kanyang mga titig saka ako
dumiretso pababa. Nanatili ang kanyang seryosong titig sa akin hanggang sa tuluyan
akong makababa ng hagdan at makalapit sa kanila.
I raised my brow then folded my arms. My eyes pierced him in disgust. I'm so not
gonna end up with a heartless beast.

Naglahad ako ng kamay habang nakatitig pa rin sa kanya. "Where's my car key?"

Tumaas ang kanyang kilay at ang kanyang pangay tumiim dahil sa sinabi ko.

Sandali niyang tinapunan ng tingin ang dalawa sa likod ko saka sinenyasang umalis.
Nang tuluyan na silang makaalis ay humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang
aking mga siko. Agad naman akong umatras dahil sa ginawa niya. His expression
darken because of what I did. His eyes suddenly turned darker than it's natural
color.

"You're not leaving this house, Tracy." Mariin nitong sabi.

"And who are you to tell me what to do?" Mapanghamon kong tugon.

Naningkit ang kanyang mata dahil sa sinabi

ko. Humakbang siyang muli palapit sa akin. This time, bahagya akong nakaramdam ng
takot. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong braso.

"I'm the one who saved you. Now, you're gonna listen to what I say or--"

"Or what? You're gonna rip my throat out? Isn't that what you do to us? Tear us
apart and eat?!" Tumaas na ang boses ko.

His jaw clenched and his eyes turned golden-yellow. Dumiin ang pagkakahawak niya sa
braso ko.

"Enough!" His loud growl echoed in the whole house.

Napangiwi ako nang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nang mapansing
nasasaktan ako sa ginagawa niya ay bigla na lamang niya akong itinapon sa sofa
malapit sa amin. Tumalikod siya at sinabunutan ang buhok na tila naiinis sa sarili.
A deep, long sigh left his mouth. Nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"I'm sorry... I just want you to be safe." ngayon ay mahinahon na ang kanyang
boses.

"I don't need you to do that for me. I'm not a child, Levi. Hindi naman ako pupunta
sa Brenther at makakagat kung una pa lang ay tinulungan mo na ako. Please, I can't
see my future without Rouge. Please, gaano ba kahirap para sa'yong tumulong sa
nangangailangan?"

Kitang-kita ko kung paanong kumuyom ang kanyang mga kamao. Lalong lumalim ang
kanyang paghinga.

"You have a choice. I gave you a choice." Pilit niyang pinipigilan ang sariling
magtaas muli ng boses.

Tumayo ako't akmang lalapit na sana sa kanya. "Yes, but I barely even know you,
Levi. I can't just dump him like that for you? You're not just some guy in this
society. You're the alpha of your pack

and a freaking multi-millionaire for heaven's sake. Can't you just pick some girl
that has the same status in life like you? Someone from your kind? I'm sure ang
daming babaeng nagkakandarapa--"

Bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko'y nakalapit na siya sa akin at ikinulong
ako sa kanyang mga bisig. His warm breath fanned my face. His head rested on my
forehead.

"But I want you... And you're not just some girl." his husky voice brought shiver
down my spine.

Napalunok ako dahil sa narinig. Pilit ko siyang itinulak palayo pero lalo lamang
humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. "Stop fooling around... Please."

Muli siyang bumuntong hininga. "I'm not."


Mahina akong natawa. "Really? Come on. Pustahan ba 'to? Anong trip niyo at ako ang
pinaglalaruan mo? You're telling me you like me eh hindi nga tayo magkakilala?
Dalawang beses pa lang nagkrus ang landas natin mahal mo na ako? Linyahan ng mga
paasa eh 'no?"

Matagal bago siya kumibo. Mayamaya'y hinawi niya ang buhok na tumatakip sa kanang
balikat ko. He traced the scar on it with his fingers. Mayamaya'y marahan niya
itong hinalikan.

And I almost died again due to palpitation.

"Someday, you're gonna understand everything... How you became mine, why you became
mine. Not his, mine."

Bulong niya sa aking tenga saka marahang hinalikan ang gilid ng aking ulo.

Bago pa man ako tuluyang matangay ng ginagawa niya ay pilit ko na siyang tinulak
palayo, and this time, nagtagumpay ako.

I took a few steps back until there's enough space between us. His expression
remained dark. His eyes landed on the wooden floor.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at pilit nilakasan ang loob.

"That day's never gonna come. I'm not yours Mr. Grimmerson and I will never be
yours. We just met because the man whom I love the most is dying and I have no
other choice but to ask help from a beast. I loath your kind, Levi! Everything
about you disgust me. Mark my word, I will never choose you. Never."

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Agad ko
itong pinalis bago ako humakbang paalis.

Hindi ko na kayang manatili pa sa iisang lugar kasama siya. May kung anong
kumukurot sa puso ko nang makita ko kung paanong bumagsak ang mga balikat niya.
Pain is written all over his face.
Hindi na siya muling kumibo hanggang sa tuluyan ko na siyang malampasan.

"Butler Finn, give Tracy her car keys." Bigla na lamang sabi ni Levi. Sandali akong
natigilan. Nang lumingon ako sa tabi ng pinto ay naroon na ang isang matandang
lalaking may hawak ng susi ng kotse ko.

Bigla akong nakaramdam ng pagka-guilty dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Kinagat ko


ang ibabang labi ko at yumuko.

Mayamaya'y humakbang siya hanggang sa edge ng pinto at nanatili roong nakatayo.


Kunot-noong tumaas ang tingin ko sa kanya. Tiim ang kanyang bagang at ang kanyang
mga kilay ay salubong na tila naiinis. Ang kanyang mga mata'y abalang pagmasdan ang
itsura ko.

Biglang namula ang mukha ko nang marealize ang itsura ko ngayon. Mukha nga pala
akong basang sisiw na nilalamig. Muling bumagsak ang tingin ko sa rubber shoes kong
may talsik ng putik dala ng hiya.

Mayamaya'y naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa akin. Seryoso ang kanyang
mukha habang hinuhubad ang kanyang jacket.

Natigilan ako nang ilagay niya sa katawan ko ang jacket. His manly scent lingered
in my nose. Nawala ang panlalamig ko dahil sa init na dala ng jacket.

Hindi siya kumikibo habang inaayos ang pagkakapatong ng jacket sa balikat ko.
Nanatili lang naman akong tikom ang bibig at pasimpleng napahawak sa aking dibdib.
Nangyayari na naman. Bumibilis na naman ang tibok sa di maipaliwanag na dahilan.

"Y-you don't have to do that." halos nanginginig na ang boses ko.

"Don't feel special. Whether it's you or just some girl, gagawin ko 'to." Walang
emosyon niyang sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Napahiya ako dahil sa
sinabi niya.

Nang maiayos na niya ang pagkakalagay nito ay muli na niya akong tinalikuran at
tuluyang lumabas ng elevator. Bago pa man tuluyang sumara ang pinto ay muli kong
nasalubong ang kanyang mga asul na mata. Wala ang tila nakangiting awra ng mga
ito... All I can see is pain.

Pain I'm the one who gave him...

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas, naramdaman ko na lang ang pagpatak


ng mga luha ko.

=================

Chapter 8

Chapter • Eight

Naabutan ko si Reyn na palabas ng kwarto ni Rouge. Halatang wala pa itong tulog


dahil sa itim sa ilalim ng kanyang mata. Lumalim na rin ang kanyang pisngi dahil sa
kakapuyat.

Pilit akong ngumiti nang tumingin siya sa akin. Gano'n din naman ang ginawa niya
saka tuluyang isinara ang pinto.

"Siguro mas magandang umuwi ka muna sa apartment ni Rouge. Kailangan mo rin ng


pahinga. Pwede namang ako na ulit ang magbantay sa kanya." Untag ko matapos iabot
sa kanya ang isang canned coffee na binili ko sa vendo machine.

A weak smile made it's way to her lips. "Nah, I'm cool. Uuwi lang ako para
magpahinga sandali. Aunt Esther will be here in an hour so you don't have to
worry."

Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil sa narinig. Araw-araw, sa tuwing


dumadalaw ako kay Rouge, ganito ang nangyayari. Simula nang dumating ang mga kamag-
anak ni Rouge, hindi na ako nakakapag-stay para bantayan siya. Madalas wala pang
isang oras ay pinapaalis na ako ni Reyn. Para bang iniiwasan niyang magtagpo ang
landas namin ng mga kamag-anak nila.

Maybe they're blaming me. I can't blame them. I'm blaming myself, too. Siguro kung
pinigilan ko sila noong araw na 'yon, hindi na ito nangyari sa kanya.
Their relatives have no idea what kind of family I belong to. Maging si Rouge,
hindi niya pa alam ang history ng pamilya namin. Hindi sa gusto kong itago. I just
don't see the reason to tell him about it. What's the point anyway? I'm not even

sure if he's going to believe me. Isa pa, It's been two decades. Everyone's in good
terms now. Ngayon na lang naman nagkaroon ng ingkwentro ang mga lycans at tao.

"Gano'n ba? Naiintindihan ko." Mahina kong tugon saka bumagsak ang tingin sa canned
coffee sa aking kamay.

Naramdaman ko ang paghawak ni Reyn sa kamay ko. Umangat ang tingin ko sa kanyang
mapungay na mga mata. May bahid ng lungkot ang mga ito kahit na pilit siyang
ngumingiti.

"I'm sorry. Kung gising lang si kuya, I'm sure gugustuhin niyang ikaw ang laging
nasa tabi niya." ani Reyn saka piniga ang kamay ko.

Pilit akong ngumiti sa kanya saka tumango bilang tugon. Kahit ganito ang
nangyayari, si Reyn lang ang kakampi ko sa sitwasyong ito. Alam kong gusto lang
niya akong protektahan kaya niya ito ginagawa.

"Papasok na muna ako sa loob. Huwag kang mag-alala, hindi ako magtatagal." Untag
ko. Tumango naman siya bilang tugon.

Pagpasok ko ng kwarto ay dahan-dahan akong lumapit sa kama ni Rouge. Wala na ang


ilang kableng dating nakakabit sa kanya. Tanging ang oxygen hose na lang at ang
cast sa kanyang kaliwang binti ang natitira.

My Rouge...

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Kapag talaga nakikita ko
siya na ganito ang kalagayan, nanghihina ako. Parang lahat ng lakas na mayroon ako
ay nahihigop palabas hanggang sa tanging lakas na lang para huminga at umiyak ang
matira.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Lalong uminit ang gilid ng mata ko nang
maramdaman ang maputla niyang balat. The same emotions enveloped me.
"Hon, nandito na ulit ako. Kamusta ka na?

Malakas pa rin ang ulan sa labas. Nagdala na nga ako ng extrang payong ngayon para
hindi na maulit 'yong nangyari noong nakaraang araw. Ngayong araw tatama ang bagyo.
Sayang tulog ka. I guess mag-isa lang akong magkukulong sa kwarto. Magkukumot ng
makapal habang nanonood. Wala ka kasi eh." A weak laugh came out of my mouth.

Wala ka kasi...

Lalong uminit ang gilid ng mga mata ko. I felt a lump on my throat, making it hard
for me to breathe. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang sarili.

I'm sorry. I'm sorry kung napaka-selfish ko. Sorry kung hindi ko magawang iwan ka
para sa kaligtasan mo. Sorry kung hanggang ngayon, kapakanan ko pa rin ang iniisip
ko.

Kinuha ko ang kanyang kamay saka marahang dinampian ng halik ang likod ng kanyang
palad.

"I just can't betray you, hon..." Kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha, isang
impit na hikbi ang lumabas sa bibig ko.

Inilagay ko ang kanyang kamay sa aking pisngi saka pilit inalala kung paano niyang
haplusin ang pisngi ko noon. The memories are killing me even more... I gently
closed my eyes and feel the pain even more. I need this. I need this to punish
myself.

Mayamaya'y isang mahinang ungol ang pumukaw sa atensyon ko. Nagmulat ako ng mata
saka lumapit kay Rouge. Hindi makapaniwalang sa kanya nanggaling ang ungol.

"H-hon?" halos pumiyok na ang boses ko.

Nabuhayan ako ng loob nang makitang gumalaw ang talukap ng kanyang mata. Para bang
pilit niyang iminumulat ang mga ito.

"Tatawag ako ng doktor! Sandali lang ho--"


Bago pa man ako makaalis

sa tabi niya'y isang kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko. Bumagsak ang tingin
ko rito.

Nang muli kong tignan si Rouge ay nakamulat na ang kanyang mga mata. Umuungol siya
at tila may gustong sabihin. Magkahalong kaba at saya ang pumuno sa puso ko sa
nasasaksihan.

"Hon, tatawagin ko lang ang doktor." Muli kong sabi ngunit lalong humigpit ang
pagkakahawak niya sa akin. Lalong lumakas ang kanyang ungol na tila may gustong
ipaintindi sa akin.

Unti-unting gumapang ang takot sa sistema ko nang mapansin ang unti-unting


pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata. Mula sa natural nitong kulay na brown ay
naging dilaw ang mga ito.

Parang mata ng isang lycan...

Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin pero sa twing susubukan kong
kumawala ay lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting humaba ang kanyang mga kuko.
Lalong nagwala ang dibdib ko nang maramdamang tumutusok na ang mga ito sa balat ko.

"H-hon, a-ano bang n-nangyayari sa'yo?" halos maging ako ay hindi ko na


naiintindihan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Gumagapang ang takot sa buong
sistema ko at ang luha ko ay hindi na mapigil sa pagpatak.

Nanlisik ang mga mata ni Rouge sa akin. Tumingkad ang kulay dilaw niyang mga mata
at lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin.

Tuluyan na akong napasigaw nang maramdaman ang tuluyang pagbaon ng kanyang mga kuko
sa aking braso.

Marahas na bumukas ang pinto at pumasok si Reyn. Nanlaki ang mga mata niya nang
makita ang nasaksihan.
Mayamaya'y bigla na lang akong nabitiwan ni Rouge. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig
ay ang

marahas na pag-alog ng kama.

"He's having a seizure!" sigaw ni Reyn saka dali-daling tumakbo palabas.

Nanatili ako sa sulok at pilit pinipigil ang paglabas ng dugo sa braso ko. Patuloy
pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Lalo akong naiiyak nang makita ang
pagdidiliryo ni Rouge. Halos tumirik ang kanyang mata habang nanginginig ang
kanyang buong katawan.

Mayamaya'y patakbong pumasok ang mga doktor at nurse sa silid. Ang isa sa kanila ay
lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo at maglakad palabas. Nang bumaba ang
tingin niya sa sugat sa aking braso ay bahagyang naalarma ang kanyang itsura.

Nang maiupo niya ako sa upuan sa labas ng silid ay agad siyang tumakbo papunta sa
nurse counter at nanguha ng betadine at benda. Patakbo siyang bumalik sa akin.

Habang ginagamot niya ang sugat ko ay nagpupumilit akong sumilip sa salaming


bintana.

"A-anong nangyayari? B-bakit nagkakaganyan siya?" karalgal na ang boses ko dahil sa


kakaiyak.

Kitang-kita ko kung paanong dumiretso ang linya sa makinang nasa gilid ng kama.
Agad na kinuha ng isang nurse ang aparato para ipangrevive kay Rouge.

"Charge to threr hundred...Clear!" untag ng lalakeng doktor na siyang may hawak ng


aparato.

Napapitlag ako nang bahagyang tumalon ang katawan ni Rouge dala ng pagkakakuryente.
Diretso pa rin ang linya. Napahawak na ako sa aking bibig dahil sa hindi mapigilang
paghikbi.

Muling inulit ang pagrevive sa kanya. Tila nanghina ako nang makitang wala pa ring
nangyari. Diretso pa rin ang linya sa aparato.
Napahawak ako sa salaming bintana habang pinagmamasdan ang walang

buhay na si Rouge na pilit nirerevive ng mga doktor.

"Hon, lumaban ka. Please, lumaban ka!" Nanghihina kong sabi.

Napapikit ako nang muli ay dumikit ang aparato sa dibdib ni Rouge. Napahawak ako sa
aking dibdib. Ang mga mata ko ay nanlalabo na dahil sa makapal na luha sa aking mga
mata.

"His vitals are stable now."

Anunsyo ng doktor. Napamulat ako nang marinig ang sinabi niya. Napatitig ako sa
screen na nagmomonitor ng kanyang vital signs. May alon-alon na ang kanina'y
diretsong linya.

Nanghihina akong napaupo sa upuan. Nahilot ko ang aking sintido. Diyos ko...
Salamat po.

Doon ko lang napansin ang umiiyak sa gilid kong si Reyn. Lumabas na ang doktor at
agad lumapit sa kanya. Mabilis niyang pinalis ang kanyang mga luha.

"We're loosing him. One more seizure and his body will finally give up. I'm sorry.
The drugs we're giving him are not working. I think you have to prepare yourself.
I'm sorry..."

Muling napaupo si Reyn sa upuan dala ng panlalambot dahil sa narinig. Tuluyan na


siyang napahagulgol nang umalis ang doktor sa kanyang harapan.

Gusto ko siyang i-comfort pero tila walang lakas ang katawan ko para humakbang
palapit sa kanya. Natulala na lamang ako sa kawalan. Ni hindi ko na namalayang
nabalutan na pala ng nurse ang sugat sa braso ko.

"Miss Florendale, mukhang ikaw na lang ang pag-asa ni Mr.Ember." bigla na lamang
sabi ng nurse.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga matang nakatitig din sa akin at tila may
ipinapahiwatig.

"Isa ako sa kanila. Kabilang ako sa grupo ni Alpha at siya lang ang makakatulong sa
iyo." dugtong nito.

Hindi ako kaagad nakakibo. Nang mailigpit na niya ang kanyang mga gamit ay tumayo
na siya at tumalikod ngunit bago siya tuluyang lumakad paalis ay muli siyang
nagsalita.

"Sa lagay ng pasyente, hindi na siya magtatagal. Maswerte kayo kung aabot pa siya
ng isang linggo."

Muling bumagsak ang mga luha ko dahil sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa laylayan
ng aking damit at doon ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman.

His life is now in my hands. Masakit man ito para sa aming dalawa, kailangan kong
piliin ang kaligtasan niya.

For five years, Rouge became my everything, and it's time to pay him back... Even
if it means loosing him forever.

My mom used to tell me that love is all about sacrifices. I never thought she was
right until this day. Ang araw na ako naman ang magsasakripisyo para sa taong mahal
ko.

Those who choose to love will do everything for love. Even if it means tearing your
own heart apart for the betterment of your other half. Now I finally understood why
love is a complicated things... And fate is a real bitch.

Huminga ako ng malalim saka pinalis ang basa sa magkabila kong pisngi. I composed
myself and took a glance at Rouge once more.

I love you... And I'm doing this for you.


Buo na ang pasya ko. Kailangan ko nang tanggapin ang tulong mula kay Levi.

=================

Chapter 9

Chapter • Nine

Nang mga oras ding 'yon ay umalis ako ng ospital para puntahan si Levi sa
Grimmerson Empire. Parang wala na ako sa sariling basta na lang nagtatakbo sa gitna
ng napakalakas na ulan at hindi na nagawa pang magpayong.

Pagpasok ko ng sasakyan ay pinalis ko ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.


Patuloy ang pagkumbinsi ko sa sariling ito ang kailangang gawin. Ito ang tama at
para rin kay Rouge ang desisyon kong 'to.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan kahit pa sobrang lakas ng ulan. Walang oras na
dapat sayangin. Bawat minutong lumilipas ay bumababa ang tyansang mailigtas pa si
Rouge.

Sandali akong sumulyap sa aking wrist watch. Alas nwebe y medya pa lang ng umaga.
Paniguradong nasa opisina niya si Levi sa mga oras na ito.

Diretso lamang ang tingin ko sa madulas na daan. Bahagyang nanlalabo ang paningin
ko dala ng wala pa ring patid na pag-iyak. Pakiramdam ko ay bigla akong nagkaroon
ng gripo sa mga mata. Walang tigil ang pagbaha ng luha sa magkabila kong pisngi.

Pagkapark ko ng sasakyan sa harap ng building ay dali-dali akong lumabas at sumugod


sa ulan. Ang ilang mga empleyadong nakakakita sa akin ay napapakunot ang noo.

Saglit akong pinagmasdan ng security guard nang tumapat ako sa higanteng glass
door. Para bang pilit kinikilala ang mukha ko. Inilabas ko ang aking ID at
ipinakita sa kanya. Nang mabasa ang pangalan ko ay agad naman niya akong pinapasok.

Halos takbuhin ko ang papunta sa reception area. The sweet red-haired lady greeted
me with her genuine smile.
Tila ba nagulat rin siya sa itsura ko. I am soaking wet from head to toe but hell

I care? Kailangan kong makausap ang boss niya sa lalong madaling panahon.

"I'm here to see Mr. Grimmerson. This is an emergency. Please inform him right
away." deretsahan kong sabi.

Bahagyang nangunot ang kanyang noo pero agad din namang tumango. "O-okay, Ma'am."

Ora mismo ay nagdial siya sa kanyang telepono. "Sir, Miss Florendale is here to see
yo--"

"But, Sir. She said it's an emergency...Oh, okay Sir. Okay." untag nito saka saglit
na ibinaba ang telepono at tumingin sa akin ng may lungkot sa kanyang mukha.

"I'm sorry but Mr.Grimmerson is busy today. He cannot see you right now." malungkot
nitong balita.

Napalunok ako dahil sa narinig. Humakbang pa ako palapit sa desk saka humawak sa
edge nito.

"P-pwede bang subukan mo ulit? Kailangang-kailangan ko lang talaga. Please lang."


nangangatal na ang bibig ko dala ng lamig at pagpipigil ng emosyon.

Tila nagdadalawang isip siyang nagpabalik-balik ang tingin sa akin at sa hawak na


telepono. Bumuntong hininga ito bago mahinang tumango.

"Sir? Ahm, Miss Florendale is insisting to talk to you? Would there be any chance
for her to--"

"I SAID I'M BUSY! TELL HER TO LEAVE!"

Biglang nailayo ng babae ang telepono sa kanyang tenga. Tila ikinabigla ang malakas
na bulyaw ni Levi mula sa kabilang linya. Sa lakas ng sigaw niya ay maging ako ay
dinig ang galit niyang boses at ang marahas na pagbaba ng telepono. Nabaling ang
tingin ko sa namultang receptionist. Balot ng takot ang kanyang mukha nang tuluyan
niyang ibinaba ang telepono.

"S-sorry but Mr.--"

"I heard him." I cut her off. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Sorry.

Pati ikaw nadamay."

An apologetic smile made it's way to her lips. "It's okay."

Bagsak ang mga balikat at mapait ang mga mata ko nang tuluyan kong tinalikuran ang
babae. Ang bawat hakbang ko ay tila nanlalambot ang mga tuhod ko.

Yumuko ako nang mapansin ang ilang mga matang nagmamasid sa akin. Binilisan ko na
lang ang lakad ko at dali-daling tinungo ang couch sa lobby. Dito na lang ako
maghihintay. Bahala na kung anong mangyari ang mahalaga makausap ko si Levi.

Bawat minutong dumadaan ay lalo kong nararamdaman ang lamig dahil sa basang damit
na suot ko. Ang mga tao ring naglalabas-masok sa lugar ay hindi maiwasang
mapatingin sa akin. Wala akong ibang magawa kun'di ang kainin ang pride ko at
pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Mukha na akong basang sisiw. Hindi ko na
kakayanin pang magmukhang baliw.

Lumipas ang dalawang oras pero wala pa ring Levi na lumalabas ng lugar. Napansin ko
ang pagsulyap ng receptionist sa akin. May bahid ng lungkot at pag-aalala ang
kanyang mukha. Pilit naman akong ngumiti at sumenyas na ayos lang ako.

Okay lang ako... Kaya ko pa 'to. Kaya ko pang maghintay.

Mayamaya'y isang mestisang babaeng may kulay brown at kulot na buhok ang dumaan sa
harap ko at tinungo ang front desk. Napakaganda ng katawan nito sa suot na itim na
jumpsuit. Sa kanyang kanang balikat ay nakasukbit ang latest design ng Channel.
Kumikinang rin ang kanyang mga alahas sa tuwing natatamaan ng liwanag.

"Hi! I'm Heather Sereno. I'm here to see Levireigh." Masigla nitong sabi.
Agad namang tumango ang receptionist at nagdial sa telepono. Habang naghihintay ng
sagot ay napasulyap ang babaeng nagpakilalang

Heather sa direksyon ko. Bahagyang kumunot ang kanya nang mapagmasdan ako.

"Follow me Miss Heather." untag ng receptionist bago naglakad patungo sa elevator.

Akala ko ba busy? Bakit pagdating sa iba pwedeng-pwede siyang makausap?

Naalis ng babae ang tingin sa akin dahil sa sinabi ng receptionist. Saglit itong
tumango sa receptionist saka muling bumaling sa akin.

"What is she doing here?" tahasan nitong tanong sa receptionist.

Bahagyang nagulat ang receptionist sa sinabi ni Heather. Nabaling ang tingin niya
sa akin pagkatapos ay nagsalita. "Gusto niya pong makausap si Sir."

"Oh, really? Well good luck with that." Makahulugang ani ni Heather saka bahagyang
ngumiti.

Hindi ko nagustuhan ang ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi. Para bang nanunuya
ito at may gustong iparating. Maging ang kung paano niya akong tinignan mula ulo
hanggang paa ay nagpataas ng dugo ko.

Yumuko na lamang ako at pilig huminga ng malalim. Kailangan kong kumalma. Kailangan
kong makausap si Levi kaya kailangan kong kontrolin ang emosyon ko.

Nang tuluyan silang makapasok sa elevator at napabuntong hininga na lamang ako at


humalukipkip. Unti-unti nang nanginginig ang katawan ko dala ng lamig. Tumungo ako
at pinagmasdan ang itim na marmol na sahig.

Lumipas ang ilang minuto mula nang makaalis sila ay isang pares ng mga paa ang
tumapat sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay binati ako ng nakangiting mukha ng
receptionist. Sa kanyang kanang braso

ay nakapatong ang isang kulay itim na coat habang sa kaliwa naman ay isang venti
cup ng kape.
Iniabot niya sa akin ang baso ng kape.

"Coffee, Miss Tracy."

Pilit akong ngumiti saka tinanggap ito. Ang sarap sa pakiramdam ng init na ibinigay
nito sa aking nilalamig na mga kamay.

Bahagyang nangunot ang noo ko nang mabasa ang pangalang nakasulat sa cup.

Alpha

"K-kanino galing 'to?" Untag ko saka muling tinignan ang receptionist.

"Kay Sir Levireigh po. Ito rin pong coat." tugon niya saka iniabot sa akin ang itim
na coat. Halatang panlalake ito. Naaamoy ko na kaagad ang pamilyar na pabango.

"S-salamat." Nahihiya kong tugon bago kinuha ang coat at isinuot ito.

Bahagya akong natigilan nang hindi pa rin umaalis ang babae sa harap ko. Ang ngiti
sa kanyang mukha ay tila pilit na lamang habang may nakakunot na ngayon ang kanyang
noo.

"Bakit?"

"Ahm..." Nagkamot ito ng batok at tila hindi alam ang sasabihin. "S-sabi po kasi ni
Sir paalisin na kayo pagkabigay ko niyan."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa narinig. Bumagsak ang balikat ko
at ang gilid ng mga mata ko'y unti-unting uminit.

I cleared my throat and let out a deep sigh. Pilit akong ngumiti pabalik. "What's
your name again?"
"Liezl po." Simple niyang tugon.

"Liezl, okay lang ba kung maghintay pa ako kahit ilang oras pa? Kailangang-
kailangan ko lang talaga siyang makausap." Bahagya nang nangilid ang luha sa
magkabila kong pisngi.

Hindi siya kaagad nakasagot. Tila hindi na rin niya alam ang gagawin.

"K-kasi po, kapag daw hindi ko kayo napaalis, sesesantihin ako ni Sir." Nahihiya
nitong pahayag.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas dahil sa narinig. Muli akong bumuntong hininga
saka malungkot na ngumiti.

Tumango ako bilang tugon. "Sige. Aalis na ako. Pasensya na sa abala."

Nang tumayo ako ay inilapag ko ang kape sa coffee table saka ko hinubad ang coat.
Agad na nagsitindigan ang mga balahibo ko nang muling maramdaman ang lamig.
Ipinatong ko rin ang coat sa ibabaw ng mesa bago ako nagpaalam kay Liezl at tuluyan
nang lumakad palabas.

Yakap-yakap ang sarili, tila wala ako sa sariling naglakad sa ilalim ng malakas na
ulan. Kasabay ng bawat butil nitong tumatama sa aking mukha ay ang tuluyang
pagbagsak ng aking mga luhang pilit kong tinatago.

Pagpasok ko ng sasakyan ay wala akong nagawa kun'di ang matulala. It's too obvious.
Levi is avoiding me. Dahil ba 'yon sa masasakit na salitang sinabi ko? Nasaktan ko
ba siya ng sobra dahil sa mga iyon?

Naisandal ko ang aking ulo sa manibela. Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang
pakiramdam ko. Ang katawan ko ay lamig na lamig na at ang mga talukap ng mata ko ay
nagsisimula nang bumigat dahil sa kakaiyak.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa ganoong posisyon. Naramdaman ko na
lamang na unti-unti na akong tinangay ng matinding antok at tuluyang nakatulog.
--

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa bintana ng kotse. Pilit kong iminulat ang
mga mata kong namamaga pa rin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nilalamig pa rin
ang katawan ko dahil sa basang damit.

Nilibot ko ang tingin

sa paligid. Mahina akong napamura nang makitang gabi na. Malakas pa rin ang ulan at
ang mga puno'y tila sumasayaw sa huni ng malakas na hangin. Sumulyap ako sa aking
relos.

"Shit. Alas syete na." Sinilip ko ang building. Bumagsak ang balikat ko nang
makitang sarado na ito. Hindi ko na siya naabangan.

Tatlong katok muli ang pumukaw sa atensyon ko. Nang lingunin ko ang side ng bintana
ay halos manlaki ang mga mata ko.

Nakatayo siya sa labas ng sasakyan at basang-basa na ng ulan. Nang ibaba ko ang


bintana ay nasalubong ko ang kanyang galit na mga titig. Ang kanyang mga panga'y
nakakalso at ang kulay ng kanyang mga mata'y mas madilim keysa sa natural nitong
kulay.

"The fuck are you still doing here?! I told you to leave!"

Halos mapatalon ako sa kinakaupuan nang marinig ang pagsigaw niya. Damang-dama ko
ang galit sa kanyang boses. Ang litid sa kanyang leeg ay bumabakat na sa kanyang
maputing balat.

Nanghihina man, pilit kong binuksan ang pinto at lalabas na sana nang siya na mismo
ang nagbukas nito. Tumapat siya sa bukas na pinto at masama akong tinitigan.

"Move." mariin nitong utos.

Nangunot lamang ang noo ko dahil sa narinig. Nang mapansing hindi ko naintindihan
ang ibig niyang sabihin ay bahagya siyang yumuko hanggang sa magpantay ang aming
mga mukha.
"I said move, Tracy." mariin niyang sabi habang pinupukol ako ng galit na titig.

Nag-iwas ako ng tingin saka ginawa ang sinabi niya. Nanghihina man ang katawan ko
ay pilit akong lumipat sa shotgun seat. Nang tuluyan na akong makapwesto ay pumasok
siya ng sasakyan at marahas na sinara

ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Damang-dama ko ang matinding galit niya
sa akin.

Nanginginig ang mga kamay ko nang pilit kong sinalat ang seatbelt. Nang mapansin
niyang nahihirapan ako'y bumuntong hininga siya at lumapit sa akin para iayos ang
seatbelt ko.

Halos hindi ako huminga nang lumapit ang mukha niya sa akin. Nagwawalang muli ang
dibdib ko dahil sa distansyang mayro'n kami.

Matapos niyang maiayos ang seatbelt ko ay tuluyan na niyang binuhay ang makina saka
mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"S-sa Kentwood St. ang bahay ko." Mahina kong sabi habang nakatitig sa labas ng
bintana.

"I know..." untag ni Levi.

Nabaling ang tingin ko sa kanya nang marinig. Salubong pa rin ang kanyang mga kilay
at halatang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

"Bakit ka ba nagagalit? Gusto lang kitang makausap." kunot-noo kong tanong.

He let out a deep sigh. Lumunok siya at tila hindi interesadong sagutin ang tanong
ko.

"Bakit ka nagagalit?" ulit ko. Nang hindi pa rin siya kumibo ay muli akong
nagsalita.
"Levi, bakit ka--"

"BECAUSE I FUCKIN' TOLD YOU TO LEAVE AND YET HERE YOU ARE BEING A PAIN IN THE ASS
TO ME!"

Napapitlag ako dahil sa lakas ng kanyang sigaw. Napahawak ako sa aking dibdib dahil
sa takot. Ang mga luha ko'y tuluyan nang bumagsak.

Bigla na lamang niyang hininto ang kotse pagkatapos ay marahas na hinampas ang
manibela. Lalo akong naiyak sa takot dahil sa ginawa niya. Yumuko ako at pilit
pinalis ang aking mga luha.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"I'm sorry. I didn't mean to scare you." he muttered.

Hindi ako kumibo at pilit lang na pinunasan ang walang tigil sa pagpatak kong mga
luha.

Muli niyang binuhay ang kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. Nanatili akong tahimik
hanggang sa marating namin ang tapat ng bahay namin.

Nang huminto ang sasakyan ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. Nandito na siya
ngayon sa tabi ko. Kailangan ko nang sabihin ang desisyon ko bago pa man mahuli ang
lahat. Bahala na kung anong kakalabasan.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at
hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"L-levi..." halos pumiyok ang boses ko. "Tina-tinatanggap ko na ang alok mo."

Agad kong pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi.


Bumaling siya sa akin at matalim akong tinignan. Wala man lang ni isang salitang
lumabas mula sa bibig niya.

Yumuko ako't pinagmasdan ang nanginginig kong mga kamay.

"I'm choosing you... Just save Rouge, please." nakagat ko ang ibabang labi para
pigilin ang pag-iyak.

Hindi siya kumibo bagkus ay isa na namang malalim na buntong hininga ang pinawalan
niya saka lumabas ng sasakyan.

Natataranta akong lumabas din at hinabol siya sa gitna ng ulan.

"Levi! Hindi mo ba ako narinig? I said I'm choosing you!" sigaw ko.

Huminto siya sa paglalakad. Kitang-kita ko kung paanong marahas na nagtaas-baba ang


kanyang mga balikat.

"No you're not. You're choosing him that's why you went to me." Lumingon siya sa
akin ng may bahid ng galit at lungkot ang mga mata. "And that's what hurts me..."

=================

Chapter 10

Chapter • Ten

Magang-maga na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak pero wala na akong
lakas para punasan pa ang mga ito. Wala rin namang silbi. Kahit nakapikit ako ay
tumutulo pa rin.

Knowing that because of the rude things I've said to Levi, malaki ang tyansang
hindi na talaga niya ako tulungan. Kung sana noon pang inaalok pa lang niya, dapat
ay tinanggap ko na. Hindi na sana umabot sa ganito.
Ako na lang din sana ang nasasaktan.

Huminga ako ng malalim saka tumagilid at pinagmasdan ang madilim na kalangitan mula
sa salaming bintana. Tanging ang pagguhit lamang ng nakakatakot na kidlat ang
nagsisilbing liwanag.

Funny how something so scary give light to someone's darkest night... Just like
Levi. He's a walking danger sign yet he's my only hope right now. He is the
lightning in this storm we're facing.

I smiled because of the thought.

"Lightning..." I muttered.

Mariin akong napapikit nang biglang rumehistro sa isipan ko ang kanyang malungkot
na mukha. Ang kanyang madilim na ekspresyon bago siya tuluyang umalis kanina ang
siyang tuluyang wumasak sa puso ko.

He's hurting... And I have no idea why.

Muli na namang kumawala ang ilang butil ng luha mula sa namamaga kong mga mata.

Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka bumangon. Hindi ako
makakatulog hangga't hindi ko siya nakukumbinsi.

Tumayo ako at agad tinungo ang closet para magpalit ng damit. Kahit na hindi
maganda ang pakiramdam ko, kailangan ko siyang puntahan sa bahay niya. Hindi
pwedeng matapos ang gabing itong hindi ko nababago

ang isip niya. Masyado nang masakit ang mga nangyayari. I can't live another day
knowing I'll feel all of these again. We will all suffer again...

Dinampot ko ang susi ng kotse saka dali-daling lumabas ng bahay.


--

"Damn it!"

Tuluyan kong nahampas ang manibela nang ayaw talagang umandar ng kotse ko. Ayos pa
ito kanina. Hindi naman naubos ang gasolina? Anong nangyari rito?

Dismayado akong lumabas ng sasakyan. Mahigpit ang hawak sa payong na tanging


panangga sa ulan, nagsimula akong maglakad patungo sa main road. Magbabaka-sakali
na lang akong may maparang taxi.

Humigpit ang yakap ko sa sarili nang umihip muli ang malakas na hangin. Maingay ang
bubong ng waiting shed na sinisilungan ko dahil sa hangin. Parang anumang oras ay
bigla na lang itong liliparin.

Nilingon ko ang aking relos. Alas onse na ng gabi. Gising pa kaya siya? Sana gising
pa siya... Gagawin ko ang lahat mapapayag ko lang siya.

Agad akong kumaway-kaway nang sa wakas, matapos ang kalahating oras ng pag-aabang,
isang taxi rin ang dumaan.

"Brentwood St. Grimmerson's mansion. Hurry, please."

Untag ko pagkasara ng pinto. Agad din namang nagmaneho ang driver matapos pindutin
ang metro.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng takot, kaba, at pag-aalala.

Paano kung hindi siya pumayag? Anong plan B? Susugod na naman ba ako sa Brenther?
Ilalagay ko ba sa kapahamakan ang relasyon ng dalawang pack? Hindi yata kakayanin
ng konsensya ko iyon.

Tinulungan
man kami ng Alpha nila noon, iyon ay dahil nasa bungad pa lang kami ay umatake na
ang mga delta ng kanilang pack pero ibang usapan na kapag nasa mismong syudad na
ako. Wala nang magiging pakeelam si Layco sa akin kapag nangyari iyon.

I shook my head to erase the thought. Mali ang mag-isip ng kahit anong negatibo sa
mga oras na ito. Kailangan kong magfocus. Kailangan kong mapapayag si Levi. Do
whatever it takes...

Nang lumiko ang taxi sa kalye ng Brentwood ay lalong nagwala ang dibdib ko. Ang mga
kamay ko ay nagsimulang magpawis kahit pa malamig ang panahon. Nang tuluyan itong
huminto sa tapat ng masyon ay huminga ako ng malalim.

This is it. There's no turning back...

Matapos maiabot ang bayad ay lumabas na ako ng sasakyan dala ang payong na walang
kalaban-laban sa malakas na ihip ng hangin.

Pinanood ko ang pagbwelta ng sasakyan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa


paningin ko bago ako tumitig sa napakalaking mansyon.

The gigantic steel gate was coated with gold paint while the entire outer part of
the house was painted with gray,white, and cream combination.

Nilibot ko ang tingin sa buong mansyon hanggang sa mapako ang mga mata ko sa
balkonahe ng kanyang kwarto. Nakapatay ang ilaw roon at tanging kakarampot na
liwanag lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong silid. Mahahalata ito sa manipis na
kurtina sa kanyang salaming bintana.

"Levi? Gising ka pa ba?" Bulong ko sa kawalan. Nagbabaka-sakaling totoong matalas


ang kanilang pandinig at marinig niya ako.

"Naririnig mo kaya ako? Sana hindi... Dahil hindi ko alam kung kaya

kong sabihin ang mga sasabihin ko ngayon kapag kaharap na kita."


Mapakla akong napangiti nang maisip na isang kahibangan ang ginagawa ko.

"I'm sorry kung nasaktan kita sa mga salitang sinabi ko. I want you to know that
none of those was true. I never hated your kind... I never hated you. I maybe
pissed with you sometimes but I never loath you. Please, ikaw na lang ang pag-asa
ko. Pangako, gagawin ko ang lahat ng gusto mo tanggapin mo lang ako at tulungan mo
si Rouge... Kahit ano."

Muling pumatak ang luha sa magkabila kong pisngi. Ang hapdi na ng mga mata ko at
ang puso ko'y kumikirot na. I don't know how long I can still handle this. Masyado
na akong nadrain ng kakaiyak. Hindi ko na alam ang gagawin sa oras na tanggihan pa
ako ni Levi.

The thought of Rouge dying breaks me so much. I can't afford seeing him dead. Kung
sana ay pinigilan ko sila... Sana ako na lang ang nasa kalagayan niya. Para rin
akong unti-unting pinapatay dahil sa nakikita kong sitwasyon niya araw.

Habang lumilipas ang mga minutong nakatayo ako sa labas ng bahay ni levi, nababasa
ng ulan, nagmamakaawa para sa kaligtasan ng lalakeng mahal ko, lalong nauubos ang
lakas na mayroon ako sa katawan.

Knowing you can't do anything to save someone you love is the worst feeling I could
possibly imagine... I'm useless.

Bumagsak ang tingin ko sa aking sapatos na nababasa na. Ang mga luha ko ay tila
sumasabay sa malakas na pagpatak ng ulan. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Pakiramdam ko'y unti-unti akong nanghihina. Hindi ko na alam ang dapat gawin.

Tuluyan na akong napahagulgol. Nabitiwan

ko ang payong at napasalampak ako sa malamig na daan. Walang ibang nagawa kun'di
ang humagulgol kasabay ng pag-iyak ng langit.

Mayamaya'y isang pares ng mga paa ang tumapat sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin
ay nasalubong ko ang kanyang mga asul na mata. May bahid ng matinding lungkot ang
mga ito.

Lumuhod siya at kinuha ang kamay ko saka iyon itinapat sa kanyang labi. Marahan
siyang pumikit nang halikan niya ang likod ng aking palad. Hindi ko alam kung ulan
ba iyon pero parang may luhang lumandas sa kanyang pisngi.
Napaiyak ako dahil sa ginawa niya. Pilit kong inangat ang isa pang kamay ko at
marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

"N-narinig mo?" Nangangatal na ang mga labi ko dala ng pag-iyak at lamig.

Hindi siya kumibo. Nanatili lamang siyang nakapikit. Mayamaya'y malalim siyang
bumuntong hininga saka mahinang tumango. Nang magmulat siya ng mata'y bahagya nang
namumula ang mga ito.

Mapakla akong napangiti. "I'll do everything, Levi... Everything." Ilang luha ang
muling sumabay sa pagpatak ng ulan sa aking mukha.

Tumayo siya at hinila ako pataas. Nang talikuran niya ako'y hindi niya binitiwan
ang aking kamay. Wala na akong nagawa kun'di magpatianod sa paglalakad niya.

Nang tumapat siya sa gate sy kusa itong nagbukas. Nagpatuloy siya sa paglalakad
hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay.

Binitiwan niya ang kamay ko nang marating namin ang sala. Nahihiya akong tumungo
nang mapansin ang kunot sa kanyang noo. Bakat na ang kanyang matipunong dibdib sa
kanyang basang t-shirt.

Pumasok

ng sala ang isang matandang katulong dala ang tuwalya.

"Take her to the room next to mine. Give her medicine as well." seryosong utos ni
Levi sa matanda bago siya umakyat sa hagdan.

"P-pero Levi--"

"We'll talk later, Tracy." Seryoso nitong sabi ng hindi man lang ako nililingon.

Bumagsak ang balikat ko nang tuluyan na niyang marating ang kanyang silid.
I let out a deep sigh before turning to the old lady who greeted me with a genuine
smile.

"Halika na hija. Basang-basa ka, kailangan mong makapsgpalit kaagad kun'di


magkakasakit ka." magiliw nitong sabi bago ako iginiya paakyat sa kwartong katabi
ng kay Levi.

Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ang kabuuan ng silid. Shades of cream
and peach are everywhere. Para bang pambabae ang silid na ito.

"May hot shower ang bathroom. Maaari kang maligo na muna. May mga damit ditong
hindi pa nagagamit ni Miss Heather. Iyon na lang ang gamitin mo." untag ng matanda.

Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Heather?"

"Iyong kababata ni Alpha. Mukha namang magkasingkatawan kayo. Madalas siyang


manatili rito kapag nagbabakasyon siya rito sa Astrid. Hindi bale, si Alpha naman
ang namili ng mga damit na ito." tugon niya habang abalang mamili ng damit sa
malaking aparador.

Napalunok ako dahil sa narinig. Tila may kung anong kumurot sa puso ko sa di
malamang dahilan.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at tinungo ko na ang bathroom para maligo.

Nakaramdam

ako ng ginhawa nang tumama sa balat ko ang maligamgam na tubig. Bahagyang nabawasan
ang panlalamig ng katawan ko.

Habang nasa kalagitnaan ng paliligo ay kumatok ang katulong sa pinto ng banyo para
ipaalam na lalabas na siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay nabalot ng
katahimikan ang silid. Tanging ang patak na lamang ng tubig mula sa shower ang
siyang maririnig.

Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo at agad lumapit sa kama kung saan
nakapatong ang mga bagong bra, underwear, at itim na lingerie. Mabilis akong
nagbihis saka tinungo ang tokador at sinuklay ang aking basang buhok.

Habang nagsusuklay ay dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Mula sa repleksyon


ng salamin, nakita ko siyang pumasok ng silid. Sumandal si Levi sa frame ng pinto
habang nakapamulsa. Seryoso ang titig na ipinupukol niya sa akin.

Hindi ko maiwasang maconcious. Napakaikli ng lingerie na suot ko. Ang haggard pa ng


itsura ko dahil sa maghapong pag-iyak.

Ibinaba ko ang brush sa tokador saka nahihiyang tumayo para harapin siya.

Bumaba ang tingin ko sa kulay abong carpet nang hindi natinag ang seryosong titig
na ipinupukol niya sa akin.

Galit ba siya? Malamang. Sino ba ako para mang-istorbo ng ganitong oras? Sinuot ko
pa itong mga damit na binili niya para kay Heather.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang kanyang paghakbang palapit sa
akin. Mabilis na nilamon ng malalaki niyang hakbang ang distansyang namamagitan sa
amin hanggang sa wala nang isang talampakan

ang aming pagitan.

Nagwala ang dibdib ko nang maramdaman ang kanyang daliring hinawi ang ilang hibla
ng aking buhok. Inipit niya ang mga ito sa likod ng aking tenga pagkatapos ay
dumausdos ang kanyang mga daliri sa aking pisngi pababa sa aking baba. Para akong
kinukuryente nang iangat niya ito para masalubong ko ang kanyang nakakatunaw na
titig.

"Didn't I tell you to go away from me? Hmm?" malumanay nitong tanong pero parang
may kumurot sa puso ko dahil sa tanong niya.

Lalong dumiin ang pagkagat ko sa ibabang labi ko. Heto na naman, humahapdi na naman
ang gilid ng mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin at pilit pinigil ang nangingilid
kong luha.

Mahina akong tumango bilang tugon. Mayamaya'y isang malalim na buntong hininga ang
pinakawalan niya saka muling humakbang palapit sa akin hanggang sa tuluyan nang
maglaho ang distansyang mayroon sa pagitan naming dalawa.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumusot ang kanyang mga kamay sa pagitan ng
bewang at mga braso ko. His head rested on my forehead. I can feel his heavy
breathing.

Mayamaya'y unti-unting bumaba ang kanyang mukha hanggang sa marating niya ang aking
mga labi. Nanlaki ang mga mata ko nang marahan niyang hinalikan ang mga ito.

Nang mapansing hindi ako gumalaw ay humiwalay siya at mataman akong tingnan.
Naningkit ang kanyang mga mata na tila inaantok. "Kiss me back, luv..." his husky
voice was pleading.

He slowly closed his eyes then claimed my lips once more. This time, it's more
deeper...

Nang hindi pa rin ako kumilos ay muli siyang tumigil. Nanatili siyang nakapikit at
ang kanyang ulo ay nakapatong sa aking noo. "Kiss me back, Tracy..." muli niyang
bulong saka niya itinulak ang aking likod palapit sa kanyang katawan. Para akong
kinuryente nang magdikit ang aming mga balat.

Sa pangatlong pagkakataon ay muling lumapat ang kanyang malalambot na labi sa aking


mga labi. His kisses were hungry and deep. Every movement of his lips drives my
sanity away until there's nothing left to control myself. The sensation was
overwhelming. Feels like my heart's going to explode anytime now.

Without second thought, I gave in... Made him feel I am finally submitting myself
to him. Made him own my lips. And the moment I kissed him back, I knew... He
finally accepted me.

Rouge is saved...

=================

Chapter 11

Chapter • Eleven
I never felt this drained my whole life. Para bang bagsak na bagsak ang katawan ko
at ang mga talukap ng mata ko'y masyadong mabigat para maimulat ko ng maayos.

I let out a low growl when I felt a warm, heavy hand touch my forehead. I can hear
two people talking on the background. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi
ko magawa. Sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Update me from time to time. Make sure she'll eat and she'll take meds. Call
doctor Sigmund to check on her."

Narinig ko ang boses ni Levi. Tila ba nasa malapit lang siya. Kasunod nito ay ang
mga yabag palayo hanggang sa marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.

Hinila ko pataas ang kumot at tinakpan ang aking mukha. Sobrang ginaw. Pakiramdam
ko ay nakatodo ang aircon ng silid. Balot na balot na ako pero tila tumatagos ang
lamig sa bawat telanf nakabalot sa aking katawan.

Mayamaya'y muling bumukas ang pinto at ilang yabag ang umalingawngaw sa saradong
silid. Habang palapit ng palapit ang bawat hakbang ay pakiramdam ko'y bumibilis ang
tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Tumigil ang mga hakbang sa tapat ng kama.
Bahagyang lumubog ang bahagi ng kama sa tabi ko senyales na may umupo roon.

"Tracy..." Tawag niya saka dahan-dahang inalis ang kumot na nakatakip sa aking
mukha. Napaungol ako nang muling maramdaman ang lamig. Para akong sanggol na
humalukipkip.

"'Yong aircon... Ang... Ang lamig..."

Hinapit ko ang kumot at lalong ibinalot sa katawan ko. Naramdaman ko ang paghawi
niya sa ilang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha.

"Naka-off ang aircon. Ang tigas kasi ng ulo mo.

Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo?" tila may bahid ng pagkainis ang kanyang boses.
Pilit kong iminulat ang namamaga kong mga mata. His royal blue eyes greeted me.
Bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ako. Kinuha niya ang isang
kamay ko at mahina itong piniga.

"Magpahinga ka lang. Ang taas ng lagnat mo. Lalabas ako para imonitor ang pack. Si
Nana Linda na muna ang mag-aalaga sa'yo." Untag niya saka mahinang tinapik tapik
ang bewang kong nababalutan ng makapal na kumot.

"P-pero si Rouge? Kailan mo siya pupuntahan? Kailangan mo siyang puntahan, Levi..."


Pumipiyok na ang boses ko.

Nag-iwas siya ng tingin. Napansin ko ang bahagyang pag-iba ng kanyang ekspresyon.


Tila ba napalitan ng lungkot ang kanina'y nag-aalala niyang mukha. Nang muli niya
akong tignan ay may pilit na ngiti sa kanyang mga labi.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "As soon as you get better, pupuntahan
natin siya." Tugon niya saka lumapit sa akin para halikan ang aking noo. Napapikit
ako nang maramdaman ang malambot niyang labi sa aking balat. Para akong kinuryente.
Levi really has a weird effect on me.

He patted my head.

"Now rest... I hate seeing you like this." untag niya saka tumayo. Inayos na muna
niya ang kumot bago siya tuluyang lumakad patungo sa pinto.

Nang hawak na niya ang door knob ay pilit akong humilig paharap sa kanya.

"Levi..." nanghihina kong tawag. Nang lumingon siya'y pilit akong ngumiti. "Thank
you..."

Hindi siya kaagad nakakibo. Kitang-kita ko kung paanong gumalaw ang kanyang adam's
apple senyales ng

kanyang paglunok. Mayamaya'y pilit siyang ngumiti saka tumango bago tuluyang
lumabas ng pinto.

Bumagsak ang katawan ko sa kama nang lumapat na ang pinto. Muli akong nagkumot at
pilit kinuha ang antok.
--

Madilim ang paligid. May fog na bumabalot sa buong kakahuyan. Tila ang bawat
hakbang ko sa tuyong mga dahon ay gumagawa ng ingay sa buong paligid.

Kunot noo kong pinasadahan ng tingin ang lugar.

Nasaan ako?

Mayamaya'y isang alulong ang narinig ko sa di kalayuan. Kasunod nito'y ang isang
nakakabinging sigaw ng isang bata.

Tumakbo kaagad ako papunta sa direksyong pinanggalingan ng sigaw. Nasa panganib ang
bata. Nababalot man ng matinding kaba, pilit kong hinanap kung saan iyon
nanggaling. Kailangan ko siyang tulungan.

"Nasaan ka?!" Sigaw ko ngunit nag-echo lamang sa lugar ang aking boses.

Pilit akong nagpalinga-linga. Sinusubukan kung maaaninag ko ba ang bata. Mayamaya'y


ilang impit na hikbi ang narinig ko.

Nagsimula muli akong maglakad. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang iyak ng
bata. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang imahe ng isang batang babaeng nakatalikod.
Mahaba ang kanyang umaalon na buhok at nakasuot siya ng kulay pulang bestida.

Binilisan ko ang takbo hanggang sa makalapit ako sa kanya. Nang ilang metro na
lamang ang layo ko sa kanya'y nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lobong wala
nang buhay at nakahandusay sa damuhan. Ang leeg nito'y puno ng dugo. Agad akong
tumakbo palapit sa bata. Nang hawakan ko ang kanyang balikat ay lumingon siya sa
akin. Basang-basa ng luha ang magkabila niyang pisngi. Sa kanyang kanang balikat

ay may tila kagat.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kandungan.


Isang batang lalake... May mga sugat ang kanyang mukha at ang kanyang polo ay warak
warak. May bahid din ng dugo ang kanyang mga kamay na hawak ng batang babae.

Umikot ako't takot na lumuhod sa tapat ng dalawang bata.

"Anong nangyari? Nasaan ang mga magulang niyo?"

Tinitigan lang niya ako at nagpatuloy lamang siya sa kanyang pag-iyak. Mayamaya'y
ilang sigaw ng lalake ang umalingawngaw sa paligid.

"Tracy! Nasaan ka!" Paulit-ulit na sigaw ng lalake.

Mayamaya'y ilang yapak ng paang tumatama sa mga tuyong dahon ang sunod kong
narinig. Habang tumatagal ay lumalakas ang tunog hanggang isang pamilyar na boses
ang narinig ko mula sa likuran. Sa pagitan ng kanyang malalalim na paghinga ay ang
pagtawag niya sa pangalan ko.

"Tracy...Anak."

Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko nang mapansing bumata ang itsura niya. Sa
kanyang balikat ay nakasukbit ang isang pana.

"Papa!"

Nangunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng bata. Tumayo ako at lalapit sana kay
Papa nang bigla siyang tumakbo palapit sa batang babae.

"Pa, kasalanan ko... Mamamatay na ba siya? Iligtas mo siya, Papa! Iligtas mo siya!"
muling humagulgol ang bata.

Mahigpit siyang niyakap ni Papa saka hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
"Tahan na. Ililigtas natin siya. Malakas siya, hindi ba? Gagaling siya kaya huwag
ka nang umiyak." Pinalis niya ang luha sa magkabilang pisngi ng bata pagkatapos ay
binuhat niya ang batang lalakeng nakahiga sa kandungan ng batang babae. "Halika na.
Kailangan natin siyang idala sa Alpha."

Tumayo sila at nagsimulang tumakbo. Tila naestatwa lamang ako sa kinatatayuan,


hindi maintindihan ang nangyayari.

Mayamaya'y bigla na lamang bumagsak ang bata sa damuhan na tila natisod.

"Tracy!" sigaw ni Papa.

Tatakbo na sana ako palapit sa kanila para tulungan ang bata nang bigla akong
makaramdam ng malapot na bagay na dumadaloy sa aking mukha. Nang hawakan ko ito'y
nanlaki ang mga mata ko.

Dugo?

Kinapa ko ang aking ulo. Walang tigil ang malakas na paglabas ng dugo sa sugat.
Mayamaya'y bigla na lang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Unti-unting
nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa damuhan...

--

Napabalikwas ako ng bangon. Habol habol ko ang hininga at ang noo ko'y puno ng
pawis. Panaginip lang... Pero bakit parang totoo?

=================

Chapter 12

Chapter • Twelve

"Bumaba na ang lagnat mo. Ang mabuti pa uminom ka ng fruit juice. Sandali at
igagawa kita, ha? Dito ka lang." Masayang sabi ni Nana Linda habang inaayos ang
bimpo at plangganang ginamit niya kanina sa akin.
Matamis akong ngumiti. "Salamat po."

Natigilan ang matanda at muling tumingin sa akin. Lalong tumamis ang ngiting
nakaguhit sa kanyang mga labi. "Mabuti ka pa marunong magpasalamat. 'Yong isang
bruhang natutulog dito hindi." sabi niya saka tumatawang naglakad palabas ng
kwarto. Natawa na lang din ako.

Inalis ko ang comforter na nakabalot sa akin kanina saka ako naglakad papunta sa
banyo para maghilamos.

Binuksan ko ang gripo at isinalok ang mga palad ko. Guminhawa ang pakiramdam ko
nang mabanlawan ng malamig na tubig ang aking mukha. Pinunasan ko ng kamay ko ang
salamin saka pinagmasdan ang sarili.

Ang haggard ko...

Bulong ko sa sarili. Magang-maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Mabuti nga at
naimumulat ko na ang mga talukap nito ngayon hindi kagaya kaninang sobrang bigat.

Kinuha ko ang malinis na bimpo sa cabinet sa loob ng banyo at pinunasan ang mukha
ko bago ako naglakad patungo sa balkonahe.

Umaga na pala. Ibig sabihin ay halos isang buong araw akong nakatulog.

I spread my arms and breathed the crisp, woody scent of the place. Ang bahay lang
ni Levi ang nasa bandang ito ng syudad. Napaliligiran ng pine trees ang kanyang
mansyon. Hindi na ako magtataka.

Mas nakakagalaw sila sa kakahuyan kapag nagpapalit sila ng anyo. Weird, I find the
ambiance homey and relaxing. Siguro ay dahil mahilig akong magnature tripping noon.

Humawak ako sa railing at pinagmasdan ang buong paligid. Napakatahimik. Ang sarap
ng umaga kapag ganito ang makikita mo paggising mo. The green scenery is such a
therapy.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang lamig na dala ng hangin. Wala na ang
bagyo at ang langit ay umaliwalas na.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Bigla akong napamulat nang marinig ang boses ni Levi mula sa tabi ko. Bahagyang
nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatingin sa akin. Nakasandal ang
kanyang likod sa railing habang ang kanyang mga braso ay nakatupi sa tapat ng
kanyang dibdib. Seryoso lamang ang kanyang mukha. Ni wala akong mabasang expresyon
sa kanyang asul na mga mata.

"Okay na..." Matipid kong sagot saka pilit ngumiti ngunit nanatili ang seryosong
ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha.

Nag-iwas ako ng tingin. Mayamaya'y umayos siya ng tayo at humarap sa labas ng


mansyon. Humawak siya sa railing at tinanaw ang malawak na kakahuyan.

"Ahm, pwede na ba nating puntahan si Rouge ngayon?" Muli ko siyang nilingon.

His jaw clenched and he tighten his grip on the steel railing. Nanatili lamang
siyang nakatitig sa kakahuyan.

"After breakfast. Make sure you'll say your goodbyes to that man. You're no longer
allowed to see him anymore." untag nito saka ako tinalikuran at tinungo ang palabas
ng kwarto.

Nalaglag ang

panga ko sa narinig. Para bang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya.

"Please tell me you're kidding, Levi." halos pumiyok na ang boses ko. Pilit akong
kumuha ng suporta sa railing at humarap sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad ngunit nanatili lamang siyang nakatalikod sa akin.


Kitang-kita ko kung paanong kumuyom ang kanyang mga kamao.

"I gave you a choice, Tracy. You chose to be with me so he will live. That man is
not the kind of man you used to know. I'm sorry but if you want me to keep my
words, do your end of the deal and follow every rules I have." Mariin niyang sabi
bago tuluyang lumakad palabas saka marahas na isinara ang pinto.
Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Nasapo ko ang aking noo habang pilit pinipigil
ang muling pagragasa ng luha mula sa aking mga mata. Humawak ako sa railing at doon
kumuha ng lakas. Kahit na anong pigil ko ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

I knew this would happen. Sa ugali ni Levi, alam kong gagawin niya ang bagay na ito
pero nagbaka-sakali pa rin akong hindi, na may amor pa rin siya. Akala ko noon kaya
ko kung sakali mang umiral nga ang pagiging walang puso niya pero ngayong
nangyayari na ang kinakatakutan ko, hindi pala. Parang namatay ang kalahati ng
pagkatao ko.

Agad kong pinalis ang luha sa magkabila kong pisngi nang bumukas ang pinto at
pumasok si Nana Linda dala ang tray na may lamang orange juice at waffles.

"Halika na, hija. Kumain ka-- Oh? Anong nangyari sa'yo? May masakit ba sa'yo?"

Agad napalitan ng pagtataka ang kaninang masaya niyabg mukha. Kaagad niyang
inilapag ang tray sa side table saka nag-aalalang lumapit sa akin.

Pilit

kong pinakalma ang sarili ko pero kahit anong pigil ko ay kusang pumapatak ang mga
luha ko.

"Bakit? Anong problema? Masakit ba ang ulo mo?" Muling tanong ni Nana Linda nang
hindi ako sumagot.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit pinigil ang sarili sa paghikbi saka ako
umiling. "W-wala po. O-okay lang po." Kasabay ng pilit kong pagngiti ay ang muling
pagragasa ng luha sa magkabila kong pisngi. Para bang hindi sila nauubos. I feel so
drained yet seems like I still have plenty of tears to cry.

Bumuntong hininga si Nana Linda saka kinuha ang kamay ko at bahagyang piniga ang
mga ito. "Tahan na. Ang Luna ay hindi dapat nakikitaan ng kahinaan. Ikaw ang
pangunahing pagkukunan ng lakas ng Alpha. Dapat matutunan mong maging malakas sa
lahat ng panahon."

Napalunok ako dahil sa narinig. Gusto kong matawa. So they really expect me to be
the first lady of their pack? A human as their Luna? Parang hindi yata tama iyon.
Isa pa, ni hindi ko nga alam kung paano ang buhay ng mga katulad nila. My parents
don't want me to be involved with the family business. They said it's dangerous to
get in between lycans and hunters but look where I am right now? Sa kamay din pala
ng pinuno ang bagsak ko. I don't even know if I'm ready for such kind of
responsibility. Simula nang makilala ko si Rouge, isang simple at masayang pamilya
lang ang pinangarap ko... Malayo sa kung anong kalagayan ko ngayon.

Pilit kong pinunasan ang mga luha ko. Ginusto ko ito. Ginagawa ko ito para sa
kapakanan ni Rouge. Alam kong malabo nang magkatuluyan pa kami sa oras na tulungan
na siya ni Levi pero kung sa ganitong

paraan ko lang siya maililigtas, isasakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa kanya.

--

Habang nasa sasakyan patungong ospital ay tahimik lang akong nakamasid sa labas ng
sasakyan. Sa tuwing naiisip ko kung anong maaaring mangyari mamaya, muling
nagbabadya ang mga luha ko sa pagpatak.

"Are you sure you really want this? Pwede mo pang bawiin ang desisyon mo."

Bigla akong napalingon kay Levi nang marinig ang sinabi niya. Matapos ang halos
kalahating oras na byahe, ngayon lang siya nagsalita.

I cleared my throat. "My decision is final." Tugon ko saka muling ibinalik ang
tingin sa labas ng sasakyan.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "I'm doing this for your own good
and for the safety of my people. Sana maintindihan mo--"

"You're saying it as if Rouge is some kind of a dangerous person." Naiinis kong


pinutol ang sinasabi niya.

"You have no idea..." Halos pabulong niyang tugon.

Hindi ko napigilan ang masamang pagtitig ko sa kanya. "What did you just say?"
Tumaas ang isang kilay ko.
Isang malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan niya.

Naningkit ang mga mata ko nang hindi siya sumagot. "Rouge is a good person. I know
him more than you do. Kung may mapanganib man sa inyong dalawa ikaw 'yon." Hindi ko
na napigilan ang sarili.

Mayamaya'y masama siyang tumingin sa akin. His jaw clenched and his eyes turned
darker.

"A lifetime will never be enough to get to know someone too well, Tracy. Baka
magulat ka na lang sa mga

malalaman mo. There's a lot of devil in disguise walking the Earth nowadays."
Seryoso nitong sabi.

I can't believe this man. Kung hindi ko lang kailangan ang tulong niya, hindi ako
magtitiis sa ugali niya.

Makahulugan akong ngumisi. "Really? Oh, sorry. I forgot. The proof is seating right
next to me."

Lalong tumindi ang ngisi ko nang makita ang masamang titig na ipinukol niya sa
akin. Tinaasan ko siya ng kilay hanggang sa kusa siyang mag-iwas ng tingin.

I won.

Ilang sandali pa'y narating na namin ang ospital. Magkahalong tuwa at lungkot ang
pumuno sa dibdib ko. Tuwa dahil sa wakas ay gagaling na si Rouge at lungkot dahil
alam kong ito na ang huling beses na makakasama ko siya.

Habang nasa elevator ay muling humapdi ang gilid ng mga mata ko. The thought of
finally saying goodbye to him breaks my heart into pieces.

Yumuko ako't pilit pinakalma ang sarili. This is for his own good. Hindi ko man
siya makasama pang muli, ang mahalaga ay buhay siya.
"Funny how most people want to receive unconditional love but too afraid to give
such kind of affection. Do you know why?" Ang seryosong boses ni Levi ang bumasag
sa katahimikan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso lamang siyang nakapamulsa at nakatitig sa


pinto ng elevator.

"Why?" naguguluhan kong tanong.

Lumingon siya sa akin saka mapaklang ngumiti. "Because not everyone deserves that
kind of love. A strong affection like that is rare... Something that makes it

beautiful."

Humarap siya sa akin at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa aking
mukha. Gumuhit ang lungkot sa kanyang asul na mga mata. "You never changed...
You're still that brave and selfless girl I used to know."

Napapikit ako nang bahagya siyang yumuko para dampian ng halik ang aking noo. The
familiar feeling enveloped me again. Para bang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil
sa sensasyong ibinigay ng kanyang halik.

"W-what are you talking about?"

Bumukas ang pinto ng elevator nang dumating na kami ng fifth floor. Napamulat ako
at kaagad na nag-angat ng tingin sa kanya ngunit nauna na siyang lumabas at
hinintay akong maunang maglakad papunta sa kwarto ni Rouge.

Sa labas ng kwarto ay naabutan ko si Reyn na umiinom ng kape. Bumagsak na ang


kanyang katawan dahil sa kakapuyat.

"Reyn..." Tawag ko.

Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang pagtawag ko sa pangalab niya. Matamis
siyang ngumiti ngunit kaagad itong naglaho nang mabaling ang tingin niya sa likuran
ko. Nang lingunin ko si Levi ay bahagyang kumunot ang noo ko. Masama ang titig na
ipinukol niya kay Reyn.
"Maiwan ko na muna kayo. Bibili lang ako sa baba." bigla na lamang sabi ni Reyn
saka siya tumayo at naglakad paalis. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Lalo
akong nagtaka nang makita ang masamang titig na ibinato ni Levi at Reyn sa isa't-
isa.

What is going on?

Nang tuluyan nang nakaalis si Reyn ay saglit akong lumapit kay Levi.

"Magkakilala ba kayo?" kunot-noo kong tanong.

Umiling lamang siya bago dumiretso sa

upuang nasa labas ng silid. Pumwesto siya roon. Ipinatong niya ang kanyang
magkabilang siko sa kanyang mga tuhod saka pinagsalikop ang kanyang mga balad. His
chin rested on his hands. His aura changed. I can feel it. Bigla itong sumeryoso.
Pruweba ang kunot sa kanyang noo at ang pagdilim ng kanyang mga mata.

Balot man ng pagtataka, hinayaan ko na lamang siya at tinungo ko na ang silid ni


Rouge. Maybe it's better to ask him about it some other time.

Pagpasok ko ng silid ay nagsimula na naman ang paghapdi ng mga mata ko. Bagsak ang
mga balikat ko habang naglalakad palapit sa kama ni Rouge. Kinuha ko ang kanyang
kamay saka iyon marahang hinalikan. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa
pagpatak. This is it, Rouge. The end of your suffering and the beginning of mine...

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. How I wish I could see these sweet cheeks
of yours every morning that I'll wake up... But I'm sorry. This is the end of our
story, hon. The last chapter of our tragic love story...

Lumapit ako sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang noo. "I love you... Forgive
me, but I'm doing this for you."

Pinalis ko ang luha sa magkabila kong pisngi saka marahang hinalikan ang kanyang
pisngi.

I never thought this day would come. I thought I will spend the rest of my life
with him. I guess, life isn't really a fairytale. No knights in shining armor, just
a girl in distress waiting to be saved from her misery...

Hinubad ko ang singsing na ibinigay niya noong nagpropose siya saka ko inalis ang
kwintas ko. Muling rumagasa ang luha sa magkabila kong pisngi nang matitigan ang
singsing. That was the most romantic day of my life.

Inilusot ko ang singsing sa lace saka ko dahan-dahang isinuot sa kanya. Muli kong
hinalikan ang kanyang pisngi. "Goodbye, hon... I love you."

Tuluyan na akong napahikbi. Natutop ko ang bibig ko para mapigilan ang paggawa ng
ingay. This is harder and more painful than I thought. Feels like I lost someone
again. The pain mom's death gave me was unbarable... So as this feeling I have
right now.

Tumayo na ako't patakbong lumabas bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas para
bitawan siya at harapin ang pinasok ko.

Kaagad kong pinalis ang mga luha sa magkabila kong pisngi nang makita si Levi na
seryosong nakatingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at lumakad hanggang sa malampasan ko na siya. Sandali akong


huminto nang maramdaman ang pagtayo niya.

Huminga ako ng malalim saka pilit pinakalma ang sarili. "Do...do it...n-now." Untag
ko saka muling lumakad.

Nang marinig ko ang kanyang mga yabag at ang pagbukas sara ng pinto ay humigpit ang
hawak ko sa laylayan ng damit ko. Para akong nawawalan ng lakas. This pain is
killing me...

Mayamaya'y isang malakas na sigaw mula sa silid ni Rouge ang umalingawngaw sa buong
lugar. Kasabay ng pagragasa ng aking mga luha ay ang mapakla kong pagngiti.

It's done... He's safe now.

=================
Chapter 13

Chapter • Thirteen

Why does it need to end this way? Why do I have to feel this pain?

Did I expect too much in life? Did I hurt someone so bad before?

Is God punishing me?

Muli kong pinalis ang mga luha kong tila walang katapusan sa pagpatak. Malungkot
akong napangiti nang dalawang paru-paro ang lumipad malapit sa mga bulaklak na nasa
tapat ng bench na kinauupuan ko. Buti pa sila...

Naramdaman ko ang kanyang pagtabi sa akin pero parang wala ako sa sariling
nanatiling nakatitig sa mga paru-paro.

"I know how painful this is for you but believe me, you're going to be fine soon."
May bahid ng pag-aalala ang boses ni Levi.

Kumuyom ang mga kamao ko dahil sa narinig. Hindi ko naiwasang matawa. "Wow. Coming
from someone so tough and great... You don't know where I'm coming from, Levi.
Thanks but I don't need a pep talk right now." muli kong pinunasan ang basa sa
aking pisngi.

Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin. Mayamaya'y


malalim siyang bumuntong hininga saka ibinaling ang tingin sa mga paru-paro.

"Trust me... I know." halos pabulong na nitong sabi.

Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Really? How?"

Hindi siya kaagad nakasagot. Lumunok siya bago tumingin sa mga mata ko. Bakas ang
lungkot sa mga ito. "Because I've lost a part of myself before and it's killing me
to see that part crying for someone else..." seryoso niyang sabi bago tumayo at
tinalikuran ako.
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Puno ng pagtataka akong tumayo at humakbang

palapit sa kanya.

"'Yong sinabi mo sa elevator, anong ibig sabihin no'n?" untag ko.

Kitang-kita ko kung paanong nagtaas-baba ang kanyang mga balikat senyales ng


malalim niyang paghinga. "Let's go... Uuwi na tayo." untag niya saka nagsimulang
maglakad.

Hindi kaagad ako nakakilos. Pinagmasdan ko lamang ang kanyang likod. Nang mapansin
niyang hindi ako natinag sa kinatatayuan ko ay seryoso siyang lumingon sa akin.
Napalunok ako nang magsimula siyang humakbang pabalik sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang kinuha niya ang braso ko at ang kamay
ko'y pinagsalikop niya sa kanyang kamay saka niya ako hinila kasabay ng paglalakad
niya.

Pagdating sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat ngunit
nang hindi ako kumilos para pumasok ng sasakyan ay masama niya akong tinitigan.

"Come on, Tracy... Get in. In the first place, ikaw ang lumapit sa akin. Time to
face the consequences of your decision." Mariin niyang sabi bago naglakad patungo
sa driver's seat.

Pinalis ko ang luha sa magkabila kong pisngi saka padabog na pumasok ng sasakyan.
Bumuntong hininga lamang siya saka pinaandar na ang sasakyan.

Nanatili ang tingin ko sa labas ng sasakyan. Pilit pinapakalma ang sarili at


pinipigil ang pag-iyak.

You chose this, Tracy so don't act like a freaking victim.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming
dalawa hanggang sa makarating kami ng mansyon.
Nauna na siyang bumaba. Bagsak ang mga balikat ko nang humakbang ako palabas ng

sasakyan.

I let out a deep sigh. Pinagmasdan ko si Levi na naglalakad papasok ng kanyang


palasyo. Who would ever thought this is going to happen to me? Sa akin pa talagang
nangakong mamumuhay ng malayo sa nakaraan ng angkang kinabibilangan ko...

Nang makapasok na siya sa pinto ay nagsimula na akong maglakad. Tila ang bawat
hakbang ko ay palapit ng palapit sa buhay na isusumpa ko habambuhay.

But I chose this. Who knows? Baka wala pang isang taon ay pagsawaan na niya ako.
Baka sakaling pakawalan na niya ako...

Nakita ko siyang paakyat ng kanyang kwarto. Dali-dali ko siyang sinundan hanggang


sa marating namin ang kwarto niya. Para bang nawawala na ako sa sarili. Gusto ko na
lang matapos ito. He did his end of the deal. Now it's time for me to do mine.

Walang emosyon kong tinitigan ang kanyang matipunong likod. May ilang luha pa ring
pumapatak sa magkabila kong pisngi pero wala na akong pakeelam. Hindi ko na magawa
pang punasan ang mga ito.

Kunot ang kanyang noo nang balingan niya ako. His biceps flexed when he folded his
arms in front of his chest.

"Why?" Nagtataka niyang tanong. "Don't you wanna rest?"

Lumunok ako saka humakbang palapit sa kanya hanggang sa wala nang isang metro ang
pagitan namin sa isa't-isa.

Time to pay the price. I have to do this...

Hinubad ko ang jacket ko at itinapon iyon sa sahig. Agad yumakap sa akin ang lamig
na dala ng aircon. Lalong nangunot ang noo niya nang unti-unti kong hinubad ang
sando ko hanggang sa bra na lang ang

matirang saplot kong pang-itaas.


"What are you doing?" Tuluyan nang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

My jaw clenched as I reached for my jeans' button. "Paying the price, I guess."
untag ko saka tuluyang hinubad ang suot na pantalon.

I crossed my arms and raised my brow. "Come on. Isn't this what you want? You want
to be on top of me?"

Unti-unting nagdilim ang kanyang ekspresyon. His jaw clenched as he pierced me with
his now dark blue eyes.

Lumakad siya patungo sa banyo. Paglabas niya'y may dala na siyang tuwalya.

Natigilan ako nang lumapit siya sa akin at tinakpan ang katawan ko ng tuwalya.
Matalim ang mga titig na ipinupukol niya sa akin.

Nang matakpan na niya ang katawan ko'y tumalikod siya't tila naiinis na hinilot ang
batok.

"Out." Mariin niyang sabi. Kitang-kita ko ang marahas na pagtaas-baba ng kanyang


mga balikat.

Napalunok ako dahil sa narinig. "W-why? Isn't this--"

"What's the point of claming you if you're not willing to submit your self to me?
Mating is a sacred thing for us. It's not just for the sake of pleasure. We'll do
this when you're ready. For now, please... Just leave." there's a hint of pain in
his voice.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Lalong rumagasa ang luha sa magkabila kong
pisngi. Puno ng kahihiyan at hinanakit, dinampot ko ang mga damit kong nagkalat sa
sahig saka ako patakbong lumabas ng silid.

--
"Double shot of JD." Muli kong sabi sa bartender.

Kunot ang kanyang noo nang isinerve niya ang order ko. Pilit lamang akong ngumiti.
"Thanks!"

Bahagya nang umiikot ang paningin

ko. Pilit kong inayos ang pagkakaupo ko sa stool saka ko sinuklay ng aking mga
daliri ang buhok kong tumatabing na sa namumula kong mukha.

Nakailang shots na ba ako? Hindi ko na maalala... Pero kulang pa rin. Hindi pa


sapat para makalimutan ko kahit sandali ang sakit na nararamdaman ko.

"Hi! Can I buy you a drink?"

Nabaling ang tingin ko sa lalakeng naupo sa tabi ko. Sumenyas ako ng hindi saka ko
ipinakita sa kanya ang inumin ko.

"Oh... Maybe later." Ngumiti siya saka bahagyang lumapit sa akin. "I'm Champ by the
way." untag niya saka inabot ang kamay sa akin.

Saglit kong tinitigan ang nakalahad niyang palad bago ko iyon tinanggap. "Tracy."

Lalong lumawak ang kanyang ngiti. Halos hindi na makita ang singkit niyang mga
mata. "Mukhang tinatamaan ka na. Tara sayaw tayo para mawala."

Umiling-iling ako habang may pilit na ngiti sa labi. Nahihilo na ako. Hindi ko na
alam kung kaya ko pa bang pumunta roon. Masyadong maraming tao at nakakahilo ang
ilaw.

"Nah! Come on! It'll be fun." Malaki ang kanyang ngisi nang kunin niya ang kamay ko
at hinila ako pababa ng stool. Ni wala na akong lakas para pigilan pa siya o kahit
man lang bawiin ang kamay ko.
Unti-unti siyang sumiksik sa mga taong nagsasayawan. Ilang beses akong nabunggo ng
ilang mga naroon.

Mayamaya'y naramdaman ko na lamang ang pagpwesto niya sa likod ko. Ang kamay niya'y
bigla na lamang humawak sa bewang ko at ang kanyang katawan ay unti-unti nang
lumalapat sa likod ko.

Pilit kong kinalas ang kanyang mga kamay na nakahawak sa bewang ko pero lalo lamang
itong humigpit.

Bumalot na ng tuluyan ang iritasyon sa akin. Haharap na sana ako sa kanya nang
bigla na lamang siyang bumitaw sa akin. Kasunod nito'y ang pagtama ng isang mabigat
na bagay sa salamin. Natigilan ang lahat. Maging ang tugtog ay bigla na lamang
huminto.

Nang lingunin ko ang likuran ko'y wala na ang lalaki. Imbis na ang bastos na iyon
ang makita ko ay si Levi na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa lalaking ngayon
ay nakahandusay na sa isang gilid.

Para akong nagbalik sa wisyo nang makita ang unti-unting pagbabago ng kulay ng mata
ni Levi. Malalalim ang kanyang paghinga at ang mga ngipin niya'y nagngingitngit sa
galit. Diretso lamang ang titig niya sa lalaki na tila handa niyang patayin sa
harap ng lahat.

Nanlaki ang mga mata ko nang nagsimula siyang humakbang palapit sa lalaking ngayon
ay takot na takot na umaatras. Kahit sinong lumalapit kay Levi para pigilan siya'y
tumitilapon hanggang sa wala nang nangahas na umawat sa kanya.

Biglang pinalabas ni Levi ang kanyang matatalas na kuko. Nanlaki ang mga mata nang
lalaki at tila naiiyak na sa takot.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Ang alam ko lang ay kailangan ko
siyang pigilan. Hindi niya pwedeng gawin ito sa harap ng napakaraming tao. He will
break his number one rule.

Tumakbo ako palapit sa kanya. Bahala na kung hawiin man niya ako o itapon.
Kailangan kong subukan... Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang iniamba
na niya ang kanyang kamay sa ere at handa nang patayin ang lalake.

Kaagad kong ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang bewang. Mahigpit ko siyang
niyakap saka ko ibinaon ang aking mukha sa kanyang likod.
"Tama na... Please, huwag mong gawin 'to. You're not a beast, Levi. Umuwi na tayo
parang awa mo na."

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Mayamaya'y hindi ko na napigilan ang mga
ito sa pagpatak. Tuluyan na akong naiyak habang nakasubsob sa kanyang likod.
Damang-dama ko ang galit niya sa kanyang bawat paghinga.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili sa paghikbi. Mayamaya'y
naramdaman ko na lang ang pagbaba niya sa kanyang braso. Kinapa niya ang aking mga
kamay at kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

Humarap siya sa akin ng may matinding lungkot at pag-aalala. Unti-unting bumalik sa


normal ang kulay ng kanyang mga mata. Marahan niyang pinunasan ng kanyang kamay ang
luha sa magkabila kong pisngi saka niya hinawakan ang mga ito at inilapit sa kanya.

Napapikit ako nang marahan niyang hinalikan ang aking noo. Ang tibok ng puso ko'y
unti-unting kumalma.

His head rested on my forehead. His breath fanned my face.

"I'm sorry... Let's go home, luv." Bulong niya saka ako hinapit palapit sa kanyang
dibdib at mahigpit na niyakap.

I closed my eyes once more as I listen to the beating of his heart... It may seem
weird.

But for a moment, I felt safe in his arms...

=================

Chapter 14

Chapter • Fourteen
Umalis kami ng bar na hawak niya ang kamay ko. Gusto ko nang bawiin ang ito dahil
sa di maipaliwanag na pagwawala ng dibdib ko pero sa tuwing susubukan ko, lalo lang
humihigpit ang pagkakahawak niya.

Halos ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa amin hanggang sa tuluyan kaming
makarating ng parking lot.

Binuksan niya ang pinto ng kanyang itim na Ford Everest saka niya ako inalalayang
makapasok. Binitawan lang niya ang kamay ko nang isinara na niya ang pinto.
Pinagmasdan ko lamang siyang umikot papunta sa driver's seat.

Wala na ang galit sa kanyang mukha. In fact, there's a small smile written on his
lips... And in his now, lighter blue eyes. Weird. Para bang nakikita sa shade na
mayroon ang mga mata niya ang emosyong nararamdaman niya. Something that makes it
easier to read him.

Nang makapasok na siya ay pinagsalikop ko ang mga palad ko. Nawala ang tama ng alak
sa sistema ko dahil sa nangyaring gulo kanina sa bar kaya ramdam ko ang pagpula ng
pisngi ko at sigurado akong hindi ito dahil sa alkohol kun'di dahil sa hiya.

"I'm sorry if I scared you..." there's a hint of embarrassment on his tone.

Nabaling ang tingin ko sa kanyang seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako nang
magtama ang mga mata namin. Kaagad akong napaiwas ng tingin. His eyes... It feels
like they're hipnotizing me. Making me be drawn to him closer and closer for every
second I'm staring at him.

"Kasalanan ko. Hindi na dapat ako uminom." Untag ko at nanatiling nakatingin sa


dashboard ng sasakyan.

"No. Kung sa akin nangyari ang nararanasan mo, baka mas malala pa ang nagawa ko.
Pero mas

gusto ko pang magalit ka sa'kin dahil sa kondisyong binigay ko keysa ibigay kita
ulit sa kanya. That's gonna be the most foolish decision I'll ever make."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa narinig. "W-why are you acting that way?"
muli akong napalingon sa kanya.
His eyes bore at me for a couple of seconds. "Not everyone's a martyr, luv."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What do--"

Naputol ang sinasabi ko nang tumunog ang phone niya. Kaagad niya itong kinapa sa
bulsa ng kanyang pantalon. Nakarehistro ang pangalan ni Hank sa screen.

"Why?" ani Levi nang sagutin ang tawag.

Sandali siyang tumahimik na tila nakikinig sa sinasabi ni Hank. Mayamaya'y


napapikit siya at ang kamay niya'y humigpit ang pagkakahawak sa manibela.

"Ngayon pa talaga." he let out a deep sigh. "Gather the Deltas. Meet me at the west
gate in thirty minutes. I'll just take Tracy home... What?" bigla siyang napalingon
sa akin ng may kunot sa noo. "Fuck you, Hank." untag nito. Nang nilayo niya sa
kanyang tenga ang phone ay narinig ko ang malakas na tawa ni Hank sa background
bago pa napatay ni Levi ang tawag.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pagdilim ng ekspresyon ni Levi.

"I'm gonna take you home now. May kailangan akong puntahan." ani Levi saka tuluyang
pinaandar ang sasakyan.

Napahawak ako sa seatbelt ko nang mapansin ang matulin niyang pagpapatakbo. Pigil
ko ang hininga sa bawat paglikong ginagawa niya.

"Sorry. I'm just really in a hurry but don't worry. Hindi ko naman hahayaang may
mangyari sa'yong masama." untag niya.

Nabaling ang tingin ko sa kanya. Assurance is written in his face but there's

something else. Para bang may halong pag-aalala ang kanyang itsura. Mababakas ang
pagdilim ng kulay ng kanyang mga mata.

Pilit akong ngumiti bilang tugon saka ko ibinalik ang tingin sa daan.
Pagdating namin sa bahay ay nauna na siyang pumasok. Halos lakad-takbo ang ginawa
niya sa sobrang pagmamadali. Kaagad akong sumunod papasok.

"Franco! The guns and bullets!"

Umalingawngaw ang baritonong boses ni Levi sa mansyon.

Mayamaya'y isang lalakeng tantya ko ay nasa edad eighteen to twenty, may payat
ngunit matangkad na pangangatawan at buhok na may kahabaan ang lumabas ng silid na
palaging nakasara. Dala nito ang malaking travelling bag. Kinuha iyon ni Levi at
ipinatong sa center table ng sala.

Out of curiosity, bahagya akong lumapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko nang
makita ang mga baril at ilang kahon ng bala.

"Where's the wolfsbane?" ani Levi. Hindi pa rin nawawala ang matinding kunot sa
kanyang noo.

Tumakbo ang lalakeng tinawag ni Leving Franco pabalik sa saradong silid. May kinuha
siya sandali roon na isang boteng may lamang likido. Ibinigay niya ito kay Levi.

Inilagay ito ni Levi sa bag kasama ng mga baril at bala. Nang matapos na siyang
magcheck ng mga ito ay muli niyang isinara ang bag saka iyon binitbit.

"Pero Alpha, hindi mo pa nababawi ang lakas mo?" Tila natatakot na sabi ni Franco.
Saglit pa niya akong tinapunan ng tingin.

Hindi kaagad kumibo si Levi. Bumuntong hininga siya saka humakbang

palapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko saka dinampian ng halik ang aking
noo.

Napapikit ako nang maramdamang kumirot ang peklat sa kanang balikat ko pero hindi
ko na inintindi nang tumitig sa akin si Levi.

"I have to go. Magpahinga ka na." aniya saka humakbang patungong pintuan.
Nauna na si Franco sa labas. Nang nasa tapat na ng pinto si Levi ay bigla siyang
tumigil. Muli siyang tumingin sa akin ng may matipid na ngiti sa kanyang labi.

"Can you make me breakfast tomorrow? Gusto ko ng chicken steak with mashed
potatoes." Nakangiti nitong sabi pero ang mga mata niya'y iba ang sinasabi.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Napalunok ako bago tumango.

Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Mayamaya'y tuluyan na siyang lumakad
paalis.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pamilyar na emosyon. Para bang hindi
maganda ang kutob ko.

Nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Levi ay tinungo ko ang sofa at naupo.
Hindi ako mapakali. Naramdaman ko na ang ganitong pakiramdam noon... Nang mangyari
ang insidente sa Mt.Vermin.

"Iniisip mo ba ang Alpha?"

Bigla akong natauhan nang marinig ang boses ni Nana Linda. Nasa harap ko na pala
siya at nilalapag ang dalawang tasa ng tsaa sa mesa.

Malungkot akong tumango. Isang matipid na ngiti lamang ang iginanti niya sa akin
saka siya naupo sa upuang katapat ko.

"Uminom ka muna ng tsaa. Nang nabubuhay pa si Luna Elvira, sa tuwing umaalis ang
dating Alphang si Senior Leronel, ito rin ang ipinaiinom ko sa kanya para mabawasan
para makatulong kumalma ang isip

niya." ani Nana Linda saka kinuha ang isang tasa at iniabot sa akin.

Matipid akong ngumiti saka tinanggap ito. "Salamat po." tugon ko saka sumipsip ng
kaunti.
Jasmine tea.

Bahagyang guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa tsaa. Muli akong sumipsip ng kaunti
saka ibinaba ang tasa sa mesa.

"Alam niyo po ba kung saan sila pupunta at bakit ang dami nilang dalang baril?"
Hindi pa rin nawala ang pag-aalala ko.

Sandaling hindi kumibo si Nana Linda. Inilapag niya ang tasa sa mesa saka marahang
pinunasan ng panyo ang gilid ng kanyang bibig.

"May pag-atakeng nagaganap sa Tyrain. Wala ang kanilang Alpha roon at tanging ang
Beta at Deltas lamang ang namamahala sa kanilang pack. Sinasamantala ng mga omega
ang pagsalakay sa kanila lalo na ngayong paunti na ng paunti ang bilang ng mga
lycans doon. Ang Astrid ang pinakamalapit sa Tyrain kaya si Alpha ang pangunahing
sumasaklolo sa kanila. Ang balita ko'y wala pang isang oras ang labanan ay halos
mauubos na ang pwersa ng Tyrain. Napatay na ang kanilang Beta." paliwanag ng
matanda.

Lalo akong kinabahan dahil sa narinig. "Ano pong ibig sabihin ni Franco sa sinabi
niya kay Levi kanina na hindi pa niya nababawi ang lakas niya?"

Tila natigilan ang matanda sa narinig. Muli niyang kinuha ang kanyang tasa at
uminom doon.

"Nang ginamot ni Alpha ang nobyo mo, kalahati ng kanyang lakas ang nawala.
Kadalasan umaabot ng isang linggo bago niya mabawi ang lakas niya kaya siguradong
mahihirapan siya mamaya. Hindi magagawang

pagalingin ni Alpha ang matatamo niyang sugat dahil sa lakas na mayroon lang siya
ngayon. Oras ang bibilangin bago maghilom ang mga sugat na makukuha niya." May
bahid ng lungkot ang tono ni Nana Linda.

Natigilan ako sa narinig. Lalong gumapang ang matinding pag-aalala ko dahil sa


sinabi ni Nana Linda. Napasandal ako sa backrest ng sofa at hinilot ang sintido.
Diyos ko. Bakit ba palaging ako ang naglalagay sa mga tao sa panganib?

Naramdaman ko ang paghawak ni Nana Linda sa kamay ko. Nang tignan ko siya'y may
matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang manipis na labi.
"Huwag ka nang mag-alala. Malakas ang batang 'yon. Hindi ba't siya nga ang
nagligtas sa'yo noon nang muntik ka nang atakihin ng omega habang naglalaro kayo sa
kakahuyan? Pitong taong gulang pa lang kayo no'n pero napatay niya ang omega ngayon
pa bang isa na siyang Alpha?" Ani Nana Linda.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Biglang nanlaki ang mata ng matanda. Tila natataranta itong tumayo at hindi
makatingin ng diretso sa akin. "Naku ang daldal ko talaga. Ang mabuti pa kalimutan
mo na ang sinabi ko. Malilintikan ako kay Alpha kapag nalaman niyang nasabi ko iyon
sa'yo."

Nagmamadali itong tumalikod at lalakad na sana paalis nang tumayo ako. "Teka lang
po. Gusto ko lang malaman kung anong tinutukoy niyo?"

Natigilan ang matanda sa paglalakad. Bakas ang pag-alala sa kanyang mukha nang muli
niya akong lingunin. "Pasensya ka na hija. Ang mabuti pa ay si Alpha na lang ang
magsabi sa'yo." untag nito saka tuluyan nang lumakad palabas ng sala.

Naiwan ako roong puno ng pagtataka ang isip. Napabuntong hininga ako at muling
napaupo sa sofa. Mayamaya'y napatitig ako sa mga picture frame na nakapatong sa
isang wooden drawer malapit sa hagdan. Tumayo ako at lumapit sa mga ito.

Muling kumunot ang noo ko nang mapagmasdan ang mga litrato. May picture ang isang
batang lalake kasama ang isang lalake at babaeng tingin ko ay mag-asawa. Ang kulay
ng kanyang mga mata ay brown kagaya ng sa mag-asawa pero sumunod na litrato ay asul
na ang mga ito. Sigurado akong siya pa rin ang batang lalake. Lumaki nga lang at
wala na ang masayang ngiti sa kanyang labi na mayroon sa naunang litrato. Sa
pangalawa'y iba na ang kulay ng kanyang mga mata at tila puno ng galit at lungkot
ang mga ito. May kung ano akong naramdaman nang matitigan siya. Parang nakita ko na
siya noon.

Muli akong nagpatuloy sa pagtingin sa mga picture frame hanggang isa sa mga ito ang
nakaagaw ng pansin ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ang dalawang bata sa larawan. Ang batang
lalake ay angkas sa kanyang bike ang batang babae.

Sila... Sila iyon. Ang dalawang bata sa panaginip ko. Hindi ako pwedeng magkamali.
=================

Chapter 15

Chapter • Fifteen

This night is another sleepless one. Pinilit kong matulog pero ilang oras lang ay
nagising na kaagad ako. What I felt before Levi left really bothered me. I hope
this time, my instincts are wrong.

Bumangon ako at lumakad patungo sa balkonahe ng silid. Inayos ko ang robang suot ko
nang umihip ang malamig na hangin. Humalukipkip ako saka pinagmasdan ang
kalangitan. It's like I'm looking at a ceiling lit with blue and white christmas
lights.

Pinasadahan ko ng tingin ang kalawakan. A half smile made it's way to my lips when
I finally found it.

Orion...

The constellation that looks like an archer. Sa lahat ng constellation na mayroon


sa kalangitan, that is my personal favorite.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa sarili nang muling umihip ang malamig na simoy ng
hangin. Ang ilang hibla ng buhok ko ay tumabing sa aking mukha. Kaagad kong hinawi
ang mga ito ngunit natigilan ako nang may matanaw sa may kakahuyan.

A silhouette of a hooded man eluminated in between the trees. He was so close that
I can feel him staring at me. Hindi ko man naaaninag ang kanyang mukha, dama ko ang
makahulugan niyang pagngiti. Para bang sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko
dahil sa kakaibang takot na gumapang sa katawan ko.

Mayamaya'y humakbang siya paatras, patungo sa madilim na parte ng kakahuyan. Pilit


kong inaninag siyang muli pero masyado nang madilim ang parteng iyon.

Napaatras ako palayo sa railings. Mayamaya'y


isang kakaibang sakit ang naramdaman ko. Nakakapanghina na animo'y binubutas ang
balat ko.

Nanghihina akong lumakad patungo sa banyo para tignan sa salamin ang balikat ko.
Ang matinding kirot ay nanggagaling sa peklat na naroon. Nilislis ko ang damit ko
para makita ito ng maayos. Mariin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi ko dahil sa
sakit na nararamdaman.

Kumunot ang noo ko nang makitang normal pa rin ang itsura ng peklat. Sinubukan kong
haplusin ito ngunit kapag ginagalaw ay lalo lamang sumasakit.

Mayamaya'y unti-unting nawala ang sakit. Muli kong inayos ang damit ko saka lalakad
na sana palabas ng banyo nang muli itong kumirot. Sa pagkakataong ito, tuluyan na
akong nanghina at napaluhod sa sahig.

Mariin akong napapikit dahil sa matinding sakit na nanggagaling sa peklat pero


kasabay ng pagpikit ko ay ang pagrehistro ng mukha niya sa isip ko.

"Levi..."

Feels like I'm inside his mind.

He's in so much pain... And he's sharing that pain with me right now.

We are sharing everything. I can feel his emotions. Anger, pain, lust to kill.

And it feels like he knows what I'm feeling right now. My pain, my worries,

My fear...

Pinilit kong abutin ang sink saka doon kumuha ng suporta para tumayo. Ramdam ko na
ang matinding pawis sa aking noo dahil sa nararamdaman ko. My breathing gets deeper
and deeper. My heart pounded in the most violent way I could possibly imagine.

Nangangatog ang mga tuhod ko nang tuluyan kong magawang tumayo. Sa bawat pagkurap
ng aking mga mata, nakikita ko ang mukha niya. Magkakahalong galit, sakit, at pag-
aalala ang mababakas sa kanyang mga

mata.

Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang kakaibang takot. Lalo akong
kinabahan dahil sa lalong pagwawala ng puso ko.

Is it really possible that we are sharing the same emotions, feeling, and thoughts?
Totoo ba itong nararanasan ko o guni-guni ko lang?

Humigpit ang pagkakahawak ko sa edge ng sink. Pilit kong pinigilan ang sarili na
muling bumagsak sa sahig. Nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa sakit at takot
na nararamdaman.

I closed my eyes once more. Muli kong nakita ang kanyang mukha.

"Levi... Whatever is happening to you right now, I know you're not okay. But
please... Please come home safe."

Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nagbabakasakali na lang akong naiisip din niya
kung anuman ang nasa isip ko sa mga oras na ito.

Mayamaya'y unti-unting kumalma ang puso ko. The pain suddenly subside together with
all the emotions I was feeling moments ago.

Dahan-dahang kumalma ang paghinga ko. Nasapo ko ang pawisan kong noo. Whatever just
happened was crazy. Hindi ko na alam ang gagawin kanina. Ang akala ko'y sasabog na
ako sa sobrang sakit na naramdaman.

Sinubukan kong tumayo ng maayos. Bahagya pang nanginginig ang mga kalamnan ko pero
hindi na kasing grabe ng kanina. Nang masiguro kong kaya ko nang maglakad ay
tinungo ko ang pinto at lumabas ng silid para pumunta ng kusina.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Sumandal ako sa edge ng sink habang umiinom.
Nanginginig pa rin ang kamay ko. Hindi ko inakalang makakaramdam ako ng ganoon sa
tanang buhay ko.
Nang inilapag

ko ang baso sa lababo ay bigla kong naalala ang bilin ni Levi. Nirequest niya nga
pala ang breakfast. Mukhang hindi na ako makakabalik pa sa pagtulog dahil sa
nangyari kaya mabuti pa ay abalahin ko na lang ang isip ko sa pagluluto.

Nilingon ko ang wall clock sa itaas ng pinto ng kusina. Quarter to five pa lang
kaya madilim pa ang langit. Tulog pa halos ang lahat sa mansyon kaya ako lang mag-
isa ang makakagamit ng kusina.

Kinuha ko ang manok at iba pang ingridients sa ref. Nang maiayos ko na ang lahat ay
ibinabad ko sandali ang manok sa toyo, kalamansi, powdered chili, at white wine.
After twenty minutes ay sinimulan ko na ang pagluluto.

Muli kong tinignan ang orasan. Five thirty na ng umaga. Halos patapos na rin ako sa
pagluluto.

Narinig ko ang mga yapak na papunta sa kusina. Halata ang pagkagulat ni Nana Linda
nang makita akong gising na at nagluluto.

Inayos niya ang kanyang roba saka tinungo ang coffee brewer.

"Ang aga mo yatang nagising hija. Hindi ka ba makatulog ng maayos?" puna niya
habang nagsasalin ng kape sa dalawang tasa.

Ibinaba ko ang sandok sa platito saka humarap sa kanya. "Opo. Tsaka nagbilin po si
Levi na ipaghanda ko siya ng almusal. Hindi ko po kasi alam kung anong oras sila
darating kaya naisipan kong magluto na para ready na kung sakaling maaga silang
umuwi."

Napangiti ang matanda sa sinabi ko. Inilapag niya ang dalawang tasa ng kape sa
counter saka kinuha ang creamer at asukal. Siya na mismo ang nagtimpla sa dalawang
tasa. Nang matapos siya ay iniabot niya

sa akin ang isang tasa.

Ngumiti ako nang tanggapin ko ito. "Salamat po."

"Pihikang bata si Alpha. Ako lamang ang pinaghahanda niya ng kanyang pagkain.
Himala at nagpasabi siya sa iba para sa almusal niya. Sa tanang buhay niya, kung
hindi sa restawran, ang luto ko lang ang kinakain niya. Maging ang luto ng kanyang
yumaong ina ay hindi niya gusto. Mukhang malalim ang pagkagusto sa iyo ng batang
'yon." Hindi maitago ang ngiti sa kanyang labi.

Napainom ako ng kape dahil sa narinig. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang
bagay na 'yon o ikatakot. Hindi rin ako magaling magluto. Mukha ngang maalat ang
pagkakatimpla ko sa steak na niluto ko. Ang mabuti pa siguro itago ko na lang.
Sasabihin ko na lang na nakalimutan ko.

Nailapag namin ni Nana Linda ang hawak naming tasa nang marinig ang paparating na
sasakyan. Halos takbuhin ko ang labas ng bahay nang marinig ang pagbukas ng gate.

Nakauwi na sila...

Huminto ang sasakyan ni Levi sa tapat ng front door. Kumunot ang noo ko nang makita
si Baron na lumabas mula sa driver's side. Patakbo siyang pumunta sa passenger's
seat. Binuksan niya ang pinto saka tila may pilit inalalayang makababa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Levi na pinagtulungang alalayan ni Hank at
Baron. May sugat ang kanyang kanang pisngi. Ang suot niyang itim na t-shirt ay
warak-warak. Napakarami niyang sugat sa katawan pero ang nakakapanlumo ay ang
malaking sugat sa kanyang kanang balakang. Para bang kinalmot ng napakahahabang mga
kuko ang parteng 'yon ng katawan niya.

"Diyos ko, Alpha." Tila nanlulumong

sabi ni Nana Linda nang maipasok si Levi sa loob.

Para bang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa
nakikitang itsura niya.

Idinala nila siya sa sala at pinaupo sa sofa. Dumaing siya nang tuluyang lumapat
ang kanyang likod sa backrest ng upuan. Malalalim ang kanyang bawat paghinga.
Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi na tila pilit tinitiis ang matinding
sakit.

"T..Tracy... Where...Where's Tracy?.." Halos pabulong na niyang sabi.


Biglang nabaling ang tingin ng lahat sa direksyon ko. Sandali kong pinagmasdan ang
bawat isa sa kanila. Bakas ang matinding awa at pag-aalala sa kanilang mga mukha.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang nagsimula akong humakbang palapit kay Levi.
Tila may kumurot sa puso ko nang makitang pilit niyang iminulat ang kanyang mga
mata saka ibinaling ang tingin sa akin.

A single tear roll down my cheek when a sweet and tired smile flashed in his face.
Pilit niyang iniangat ang isa niyang kamay para abutin ako.

Pilit kong kinontrol ang sarili ko nang tanggapin ko ang kamay niya. Sabay-sabay na
nagsialis ang mga kasama namin nang tuluyan akong nakaupo sa tabi ni Levi.

Nang tuluyan na kaming naiwang dalawa sa sala ay marahan niya akong hinapit palapit
sa kanya para yakapin. Lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi ko nang
mariin niyang hinalikan ang gilid ng aking ulo. Ang luha ko'y unti-unti na akong
tinatraydor. Awang-awa ako sa nakikitang itsura niya. Sa bawat paghinga niya,
ramdam ko ang sakit at pagod na pilit niyang itinatago.

"I'm finally

home..." bulong niya sa aking tenga saka lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa
akin. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang isang kamay ko'y tuluyan nang
pumulupot sa kanyang bewang habang ang isa naman ay naitutop ko sa aking bibig para
pigilan ang sarili sa paghikbi.

Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay marahan niyang hinawi ang ilang hibla
ng buhok kong napunta sa aking mukha. Nang mapansin ang luha sa magkabila kong
pisngi ay maingat niyang pinalis ang mga ito.

"Where's... Where's my breakfast?" nanghihina niyang tanong.

Napatungo ako dahil sa narinig. "Ahm. Magpapaluto na lang ako kay Nana Linda...
Baka kasi hindi mo magustuhan." Nahihiya kong sagot.

He let out a soft laugh. Hinawakan niya ang aking baba saka ito pilit iniangat para
masalubong ko ang kanyang nakakatunaw na titig.
"Trust me... I want what you prepared." May pagod na ngiti sa kanyang labi.

Sandali akong natigilan at nanatili lang na nakatitig sa kanya. Mayamaya'y wala na


akong nagawa kun'di ang tumango.

"Sige. Dito ka lang. Ikukuha kita ng pagkain." untag ko saka tumayo. Bago ako
tuluyang lumakad papuntacsa kusina ay matamis niya pa akong nginitian. Pilit akong
ngumiti saka tuluyang pumunta sa kusina para ipagsandok siya ng pagkain.

Nang masigurado kong okay na ang lahat ay nilagay ko na ang pagkain at inumin sa
tray saka ako naglakad pabalik ng sala.

Natigilan ako nang makitang nakapikit na siya. Ang kanyang isang kamay ay nakahawak
sa sugat sa kanyang beywang.

Natataranta kong ibinaba ang tray sa mesa saka lumapit sa kanya. Maingat kong
kinapa ang kanyang pulso.

Nakahinga ako ng malalim nang marealize na nakatulog na pala siya.

Malungkot akong napangiti nang hawiin ko ang buhok niyang bahagyang tumatakip sa
kanyang mata.

I can't believe someone could be this perfect. It feels like I'm looking at a
sleeping angel or a prince from a fairytale. Warak-warak man ang damit niya,
napakarami man niyang sugat sa katawan, isa man siyang halimaw sa mata ng iba,
still, Levi is a guy to die for.

And I hate to admit that to myself...

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi ng may matipid na ngiti sa aking labi.

"Sleep peacefully... You've been a hero tonight."


=================

Chapter 16

Chapter • Sixteen

Pagkatapos kong maibalik ang pagkain sa kusina ay umakyat ako sa kwarto ni Levi
para ikuha siya ng kumot.

The manly scent of his room lingered in my nose. The whole room was painted with
cream and gray. Kahit ang bedsheets, mga display, maging ang mga mwebles ay kulay
gray. Halatang panlalake nga ang silid. Sa taas ng king size na kama ay isang
litrato ng batang babaeng nakatagilid. Hinahangin ang kanyang buhok at ang mga
kamay niya'y nakabuka. Napakatamis ng ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi.

Sandali akong tumigil para pagmasdan siya. Habang tumatagal ay unti-unti ko nang
narerealize ang totoo. Ang bata... Ako ang bata. Pero paano? Wala akong matandaang
naging parte siya ng nakaraan ko.

Lumakad ako papunta sa kama at kukunin na sana ang kumot nang mapansin ko ang isang
old video camera na nakapatong sa side table ng kama. Sa tabi nito'y isang tape. Sa
label nito'y isang note ang nakasulat.

"Sometimes, trying to relive our pasts will only break our chance to be happy in
the present. She's happy now... So should you. -Mom"

Kinuha ko ang tape at sinalpak sa video camera. Natigilan ako nang makita ang laman
ng video. Kumunot ang noo ko at naibaba ang video cam sa center table.

Puno ng tanong ang isip ko. Bakit mayroon siya nito, bakit may mga litrato kami,
bakit gano'n na lang ang pakikitungo niya sa akin.

Kinuha ko na ang kumot saka ako bumaba pabalik ng sala. Tulog

pa rin siya nang datnan ko. Tinignan ko ang mga sugat niya. Unti-unti nang
naghihilom ang mga ito. Totoo nga ang sinabi ni Nana Linda. Hindi kaagad magagawang
pagalingin ng katawan ni Levi ang mga sugat niya dahil sa ginawa niyang paggamot
kay Rouge. Kahit pa sabihing okay naman siyang nakauwi, hindi ko pa rin maiwasang
maisip na kasalanan ko kung bakit nagkakaganito siya ngayon.
Inayos ko ang kumot sa katawan niya. Mayamaya'y narinig ko mula sa labas ang
pagdating ng isang kotse. Tumigil ito sa tapat ng bahay. Nang pumasok sina Hank at
Baron sa loob ay kasama na nila ang isang pamilyar na babae. Bakas ang matinding
pag-aalala sa kanyang mukha nang matanaw si Levi.

"Oh my God, Levi!" bulalas nito saka halos patakbong lumapit kay Levi.

Bahagya akong napaatras nang muntik na niya akong tamaan para lang makalapit siya
ng maayos kay Levi. Naiiyak nitong hinaplos ang pisngi ni Levi. Lalong kumunot ang
noo niya nang makita ang mga sugat nitong hindi pa rin gumagaling.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya nang makita ang malalaking sugat sa balakang
ni Levi. Nagtataka niyang nilingon si Hank at Baron na nakatayo malapit sa akin.

"Why isn't he healing?" tanong nito sa dalawa.

Sandaling nagkatinginan si Hank at Baron. Si Hank ay tila nagdadalawang isip pa


kung sasagutin ba ang tanong o hindi.

Mayamaya'y bumuntong hininga si Baron. "What do you expect? Half of his strength
was drained when he healed Ember." There's a hint of irritation in his voice.

Napalunok ako nang saglit pa akong tinapunan ng tingin ni Baron. Sa kanilang dalawa
ni Hank, alam kong siya

ang may ayaw sa akin. Unang pagkikita pa lang namin ay halata na ang inis niya sa
akin.

Nang marinig ang sinabi ni Baron ay unti-unting kumuyom ang kamao ni Heather.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabaling ang tingin niya sa akin. Her golden-yellow
eyes were piercing me with so much anger.

Napasinghap na lang ako nang sa isang iglap ay nakakalso na ang likod ko sa pader.
Ang kanyang kamay ay hawak ang aking leeg. Napapikit ako nang unti-unting bumaon sa
balat ko ang kanyang matutulis na kuko.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Nagngingitngit ang kanyang
mga ngipin sa galit. Puno ng diterminasyon ang mga nanlilisik niyang mga mata para
mapatay ako.
"Let her go, Heather. You know he's not gonna like that." untag ni Hank. Ngayon ko
lamang siya nakitang ganito kaseryoso. Si Baron ay nanatili lamang na nakatayo at
nalahalukipkip habang pinapanood ang ginagawa sa akin ni Heather.

Lalong dumiin ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa balat ko. Naramdaman ko na lang
ang pagpatak ng luha sa magkabila kobg pisngi.

"This is your fault! Hindi pa ba sapat na halos mamatay na siya noon dahil sa'yo?!
I should have killed you before. You don't deserve his mark. You don't deserve
everything he feels for you!" Nanggagalaiting sabi sa akin ni Heather habang
umiiyak. Kasunod nito ay ang paghigpit ng pagkakasakal niya sa akin.

Napahawak ako sa kanyang kamay saka pilit iyong kinakalas pero masyado siyang
malakas.

"H...hindi ko...Alam ang s...sinasabi mo." Halos pumiyok na ang boses ko dahil sa
higpit ng pagkakasakal

niya sa akin pero imbis na pakawalan ako'y lalo lamang niyang ibinaon ang kanyang
mga kuko. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa aking leeg.

"Liar! All these years, wala kang ibang ginawa kun'di saktan siya! Hindi kita
mapapatawad!" tuluyan nang tumaas ang boses niya. Lalong nanlisik ang kanyang mga
mata at ang pagkakasakal niya sa akin ay tuluyan nang humigpit. Hindi ko na alam
ang gagawin. My system's in chaos. Puno na ng takot ang puso ko.

Lumapit si Hank saka pilit pinigil si Heather sa pagsakal sa akin pero tumilapon
lamang siya nang gawin iyon.

Unti-unti na akong nawawalan ng lakas para pigilan siya sa pagsakal sa akin. Ang
hininga ko'y unti-unti nang nauubos. Pakiramdam ko'y ilang sandali na lang ay
bibigay na ang katawan ko. Ang tangi ko na lang nagagawa ay ang umiyak.

"That's enough, Heather. You're killing her." Mariing sabi ni Baron pero nanatili
lang siyang nanonood sa ginagawa sa akin ng kaibigan niya.

"P...please..." pilit kong pakiusap. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kawalan


ng hangin.
Tuluyan na akong nilamon ng takot. Lumupaypay na ang mga kamay ko pero bago pa man
ako tuluyang mawalan ng malay ay bigla na lamang humandusay si Heather sa sahig.
Dumaing siya sa kagat na nasa kanyang leeg.

Habol-habol ko ang hininga ko nang bumagsak ako sa sahig. Hindi ko mapigilan ang
pag-ubo at ang pagtulo ng luha ko dahil sa tinamong sakal.

Mayamaya'y naramdaman ko ang dalawang malalakas na brasong tumulong sa aking


tumayo. Unti-unti kong inaninag ang kanyang mukha. Puno ng lungkot at pag-aalala
ang mga mata ni Hank.

"Mabuti pa iuwi muna kita sa inyo. Hindi magandang nasa iisang lugar

kayo ni Heather. Hindi niya nakokontrol ang sarili niya pagdating kay Levi."
Malungkot nitong sabi.

Nanghihina akong tumango. Bago kami tuluyang lumakad palabas ay sinulyapan ko si


Levi na wala pa ring malay. Si Baron ay seryoso lang na nakatitig sa akin. Nangunot
ang noo ko nang makita ang bakas ng dugo sa kanyang bibig. Nagtataka kong
binalingan si Hank. May matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang labi.

"Yeah. He's the one who bit Heather. That's a miracle, you know?" he chuckled.

Pilit lamang akong ngumiti saka tuluyan nang sumama kay Hank palabas. Inalalayan
niya akong makapasok ng sasakyan bago siya umikot papasok sa driver's seat.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang umandar na ang sasakyan. Could this day get any
worse? Umaga pa lang ganito na ang mga nangyayari.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang mga sinabi ni Heather. Hindi ko talaga
siya maintindihan. Actually lahat sila. Hindi ko sila naiintindihan. Madalas may
sinasabi sila na hindi ko alam.

Binalingan ko si Hank na seryoso lang na nagmamaneho. Lumunok ako bago nagsalita.


Sana alam niya. Hindi ko na alam kung kaya ko pang matulog ulit na hindi ko
nalalaman ang totoo.
"Hank? Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ako sa buhay ni Levi at bakit gano'n
na lang ang galit ni Heather sa akin?" tanong ko.

Mahina siyang natawa. A playful smile was written on his face when he looked at me.
"You have no idea. And Heather? Nah! Don't worry about her. Hindi ba normal lang
naman sa inyong mga babae ang pagiging selosa?"

Napabuntong hininga akong muli dahil sa narinig. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin.
Gusto kong malaman kung parte ba ako ng buhay ni Levi noon. Please, gusto ko nang
malaman ang totoo."

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Nag-iwas siya ng tingin saka ibinalik
ang atensyon sa pagmamaneho.

His jaw clenched as he tighten his grip on the steering wheel.

"There are words better left unsaid, feelings better not confessed, and pasts
better remain untold. I don't think you're ready to know the truth, Tracy. Mas
magandang ihanda mo na muna ang sarili mo. Our pasts can either make us or break
us. You should be strong enough once dumating na ang panahon para malaman mo ang
totoo." seryoso nitong tugon.

Lalong kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay ako lang ang tanging walang alam.

"Pero Hank, handa na ako."

Muli siyang tumingin sa akin. Puno ng lungkot ang kanyang mga mata. "I don't think
so. Pero kung gusto mo na talagang malaman, I'm not the best person to explain it
to you. Better to ask Levi about it or..."

Sandali siyang tumigil sa pagsasalita na tila nagdadalawang isip kung itutuloy ang
sasabihin.

"Sino, Hank? Please... Sabihin mo." halos magmakaawa na ang boses ko.

Napabuntong hininga siya saka hinilot ang kanyang batok.


"Tss. Tracy naman eh. Huwag mong sasabihin kay Alpha na sinabi ko sayo pero kung
gusto mong malaman ang totoo, ang Papa mo ang dapat na kausapin mo."

Natigilan ako sa narinig. Para bang nanlumo ako dahil sa sinabi niya. "Si Papa?"

Malungkot itong tumango. Napasandal ako sa upuan saka hinilot ang sintido. May alam
si papa pero hindi man lang niya sinabi sa akin.

=================

Chapter 17

Chapter • Seventeen

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang huling umuwi ako. Mabuti na lang at
pumayag ang pinsan kong si Elliot na samahan muna si Papa sa bahay habang wala ako.

Nang makita ako ni Elliot ay kaagad siyang ngumiti sa akin.

"Ate, buti nakauwi ka na. Nag-aalala si tito sayo. Hindi ko alam kung anong
sasabihin kong rason kung bakit hindi ka nakakauwi." ani Elliot.

Pilit akong ngumiti. Hindi pa nila alam. Kahit si Tina, hindi niya alam na pumayag
na ako sa kasunduan pero mas mabuti kung ipapaalam ko na sa kanila dahil darating
din ang araw na malalaman nila ang desisyon ko. My family and Tina are more than
ordinary in this city. Hunters will know soon na tumulong ang Alpha ng lycans sa
problema ko. Mas magandang sa akin na nila mismo malaman.

"Salamat ha? Nasaan nga pala si Papa?" untag ko saka pumunta ng kusina para
magtimpla ng kape. Sumunod naman si Elliot at nagpangalumbaba sa counter.

"Maagang umalis. May pagpupulong daw ang head hunters." tugon niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Pagpupulong? Tungkol saan naman?"


Tuluyang napabuntong hininga si Elliot pagkatapos ay nagkamot ng ulo. "Naku ate,
nalaman na ng council na tumulong ang Alpha para magamot si kuya Rouge."

Natigil ang paghahalo ko sa kape dahil sa narinig. Ibig sabihin alam na ni Papa?
Lagot. Paniguradong magagalit siya na sa iba pa niya unang nalaman.

"Tsaka balita ko ngayon pagdedesisyunan kung

sinong magiging bagong pinuno ng hunters." Tamad nitong dugtong.

Inilapag ko ang kutsarita sa platito saka sumimsim ng kaunti sa kape.

"Eh bakit hindi ka sumama? Ikaw ang pinakamagaling sa archery, matalino ka rin.
Malaki ang chance mong maging head hunter, ah?" untag ko saka umupo sa stool katabi
niya.

Muli siyang bumuntong hininga. "Ayoko ate. Gusto ko ng normal na buhay, parang
ikaw? Graduate, have a great job, marry the girl of my life. Kapag ako ang naging
head hunter, hindi ko na magagawa ang mga 'yon. Too much responsibility sucks." he
chuckled.

Pilit lamang akong ngumiti nang balingan niya ako.

If only you know, cousin. My life turned three hundred and sixty degrees now.

Matapos kong magkape, umakyat na muna ako sa kwarto para makaligo at makapagpalit.
Nang matapos ako ay chineck ko ang phone kong naiwan ko noong gabing pumunta ako
kay Levi.

One hundred sixteen messages at twenty eight missed calls. Eighty two texts ay
galing kay Tina. Bestfriends are often exaggerated.

"Babae, where art thou?"

"Hoy girl! Anyare sayo?"


"Pinapakamusta ka ni boss. Papasok ka na next week, right? Bored na ako wala akong
kachismisan."

"TRACY HEMMING FLORENDALE! ANO 'YONG NABALITAAN KONG NAKALABAS NA NG OSPITAL SI


ROUGE, WALKING WITH HIS OWN TWO FREAKING FEET?! DID YOU ACCEPT THE DEAL??? OMG,
GIRL! YOU HAVE TO TELL ME EVERYTHING OR ELSE!!!"

Napailing na lamang ako habang natatawa nang mabasa ang mga messages ni Tina. Pero
nawala ang ngiting nakaguhit sa labi ko nang mabasa ang last three messages niya.

"Rouge went in the office.

He's looking for you."

"Girl, anong gagawin ko? Nagmamakaawa siyang sabihin ko kung nasaan ka eh hindi ko
nga alam? Kahit si tito Santi walang ideya kung nasaan ka, anong gagawin ko?"

"I saw Reyn at the mall, nagpabook siya ng ticket for them. Aalis na raw sila ng
Astrid, Tracy. Hindi raw matanggap ni Rouge na iniwan mo siya. He looks so
devastated. Wala na raw ibang ginawa kun'di uminom magmula nang makalabas siya ng
ospital."

Tuluyan kong naibaba ang phone ko dala ng panghihina. Nararamdaman ko na naman ang
pag-init ng gilid ng mga mata ko. Pabagsak akong humiga sa kama. Pilit kong
pinigilan ang pag-iyak.

I did this for him. Maybe it's best to be this way. Mas mabuting magalit na lang
siya sa akin para mas madali niya akong makalimutan. Hindi ko na siya pwedeng
balikan pa. Levi did his end of the deal. Ganoon din ang gagawin ko.

Most of the time, anger covers up all the love we have for someone... And that's
the easiest way to prevent yourself from hurting too much.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na umidlip. I don't need dramas right now. I
feel so exhausted. Kumikirot pa ang mga sugat sa leeg ko.
Napabangon ako nang isang sasakyan ang tumigil sa harap ng bahay. Sumilip ako sa
bintana at nakita si Papa na bumaba ng kotse ni Senior Gregory. Kaagad akong bumaba
para salubungin si Papa.

Nang makita niya ako'y kaagad na kumunot ang kanyang noo. Bumuntong hininga siya
saka lumakad papunta sa sofa. Nang makaupo siya'y humakbang ako palapit.

"Pa--"

"Alam mo ba kung ano ang ginawa

mo, Tracy?" may bahid ng inis sa kanyang tono.

Napayuko ako dahil sa narinig. Pilit kong kinontrol ang emosyon ko. Hindi ako sanay
na ganito si Papa sa akin. Ni minsan ay hindi niya pa ako pinagalitan. Si mama ang
mas istrikto sa kanilang dalawa kaya nakakapanibago ang nakikita kong galit sa
kanyang mga mata.

"Gusto ko lang gumaling si Rouge, Pa. I'm running out of options and Levi is the
only person who can help me." halos pumiyok na ang boses ko.

Naiinis siyang natawa. "Levi, huh? Levi na lang ang tawag mo ngayon sa kanilang
Alpha? You two seemed pretty close already."

Napabuntong hininga ako saka pilit sinalubong ang titig ni Papa.

"It's not like that, Pa. Sorry po kung hindi ko sinabi kaagad sa inyo." Pilit kong
pinigil ang sariling muling umiyak.

Matalim akong tinignan ni Papa. "Hindi mo na pwedeng lapitan pa ang Alphang 'yan.
Narinig mo ako, Tracy?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. "Pero Pa, hindi pwede. May kasunduan kami."

"At anong kasunduan 'yon?" Mariing tanong niya.


"I uh, I'll be his Luna..." Nahihiya konh tugon.

Muling malalim na napabuntong hininga si Papa. Bakas ang galit sa kanyang mga mata.

"Hindi talaga titigil ang batang 'yon. Porke patay na ang mga magulang niya,
gumagawa na naman siya ng paraan para makuha--" biglang natigilan si Papa na parang
narealize ang sinasabi. Nag-iwas siya ng tingin nang makita ang pagtataka sa mga
mata ko.

"May kailangan ba akong malaman, Pa?" Kunot-noo kong tanong.

"Wala." Matipid niyang sagot saka tatayo na sana pero bigla akong nagsalita.

"Pwes bakit may mga litrato ako sa bahay ni Levi?

Bakit parang kilala nila ako? Bakit may panaginip ako tungkol sa aming dalawa? You
can't hide the truth from me forever, Pa. Please... I need to know the truth."
Nagmamakaawa na ang boses ko.

Nag-iwas ng tingin si Papa saka tuluyang tumayo at tinalikuran ako.

"Wala kang mapapala sa akin, Tracy." mariing sabi ni Papa.

Tuluyan nang bumagsak ang luha ko dahil sa inis. Pinalis ko ang basa sa aking
pisngi.

"Kung hindi niyo sasabihin sa akin, pwes, si Levi na lang ang tatanungin ko." puno
ng paninindigan kong sabi saka humakbang papunta sa pinto pero kaagad hinawakan ni
Papa ang aking braso. Nakakatakot ang galit na mayroon sa kanyang mga mata.

"I made a promise, Tracy. Don't make me break my word." Halata ang pagpipigil ni
Papa sa kanyang galit.

Bumaba ang tingin ko sa marmol na sahig. Pilit kong pinipigil ang emosyon ko pero
habang tumatagal, lalo lang tumitindi.
Lumunok ako bago muling nagsalita. "I'm sorry Pa, but I really need to know the
truth."

Pilit kong kinalas ang braso ko nang unti-unting lumuwang ang pagkakahawak sa akin
ni Papa.

Nang mabitiwan na niya ako'y dire-diretso akong lumakad palabas ng pinto. Nanlalabo
ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Natigilan ako nang makita si Levi na nakasandal sa kanyang sasakyan. Seryoso ang
kanyang mukha at nakakunot ang kanyang noo. Nakatupi ang kanyang matitipunong braso
sa tapat ng kanyang dibdib. Nawala ang kunot ng noo niya nang makita ako. Kaagad
akong nag-iwas ng tingin saka pinalis ang luha sa magkabila kong pisngi.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimula siyang lumakad palapit sa akin.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang hawiin niya ang buhok na tumatakip sa aking
leeg.

"Damn that girl." puno ng galit niyang sabi saka ako hinapit para yakapin pero
buong lakas ko siyang itinulak palayo. Nanatili ang tingin ko sa ibaba. My fist
formed into a ball as I took a deep breathe.

"You... You're going to tell me the truth whether you like it or not or else I will
never be with you again." Mariin kong sabi saka pilit sinalubong ang kanyang titig.

Nag-iwas siya ng tingin saka tila naiinis na hinilamos ang kanyang palad sa kanyang
mukha. Mayamaya'y nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"You're not--"

"I AM! WHY THE FUCK DOES EVERYONE KEEPS TELLING ME I'M NOT READY?! I WANT TO KNOW
THE TRUTH!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Bakat na ang ugat ko sa leeg dala
ng galit.

Wala siyang nagawa kun'di ang muling bumuntong hininga. Mayamaya'y binuksan niya
ang pinto sa shotgun seat saka ako muling binalingan.
"Get in. I'll tell you everything you want to know." seryoso niyang sabi.

Napalunok ako bago sinimulang maglakad papunta sa kotse. Hindi ma siya muling
kumibo nang tuluyan siyang makapasok sa driver's seat.

Habang nasa byahe ay nanatili akong nakatitig sa labas ng sasakyan. Ramdam ko pa


rin ang matinding pagwawala ng puso ko. Nagi-guilty ako sa mga sinabi ko lalo kay
Papa pero wala na akong choice. I'm going to be insane once hindi ko pa rin nalaman
ang totoo. Pakiramdam ko ay konektado ako sa kanilang lahat pero wala akong kaalam
alam.

Nakarating kami sa isang kakayuhan. Itinigil ni Levi ang sasakyan sa dulo ng daan
saka siya lumabas. Kaagad akong lumabas para

sundan siya.

Umupo siya sa hood ng kanyang sasakyan saka humalukipkip. Naroon na naman ang lukot
sa kanyang noo.

Nanatili akong tahimik sa isang gilid, hinihintay siyang magsalita. Mayamaya'y


isang malalim na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan.

"We were five when our parents met during the annual celebration for the contract
of lycans and hunters. Naging magkaibigan kaagad tayo. Madalas tayong pumunta rito
para maglaro. I usually carry you in my back cause you hate long walks. God, you're
so adorable back then." Isang matamis na ngiti ang lumandas sa kanyang labi.

Tumingin siya sa akin saka sumenyas na maupo ako sa tabi niya. Nagdadalawang isip
man, wala rin akong nagawa kun'di ang sumunod sa gusto niya. Nang makaupo na ako'y
muli siyang nagkwento.

"When I was young, I always see my mom crying whenever my dad goes somewhere to
help another pack win fights. She can't sleep, always worried about my dad, praying
for him to come home safe. That's when I promised myself I'll never activate my
curse. I will live a normal life. I won't be an Alpha. Then you came..." Nabaling
ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko'y biglang tumigil ang tibok ng puso ko nang
marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "And all of my plans suddenly toast..."
Tumayo siya saka lumakad patungo sa isang puno. Nanatili lamang siyang nakatalikod
sa akin.

"You were the most beautiful girl I've ever known. I maybe young by that time but I
knew, someday,

I will end up risking everything just to be with you."

Napalunok ako dahil sa narinig. Mayamaya'y ilang imahe ang bigla na lamang pumasok
sa isip ko. The face of the little boy from my dream, the young Levi, smiling at me
while giving me flowers.

"I was right. Because one day, we have no idea that while we were playing here,
isang omega ang hinahunt ni Dad at ng Papa mo kasama ang ilang Delta at hunters.
That omega found us. When I saw it trying to kill you, I felt so much anger inside
me, it melted all my self-control, hanggang sa naramdaman ko na lang na may kakaiba
nang nangyayari sa akin. My curse was activated." may bahid ng lungkot ang kanyang
tono dahil sa huling sinabi.

Natigilan ako nang marinig iyon. "Y-you broke your plan to be normal to save me?"
Nanginginig na ang boses ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig.

Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat. "My parents came from two
powerful clans that's why my strength is more than the normal strength of a lycan.
At dahil masyado pa akong bata nang una itong lumabas, I lost control. The wolf
overpowered me. I killed the omega... Doon lang nagbalik ang wisyo ko pero hindi ko
pa rin kayang magbalik sa normal kong anyo. May parte pa rin ng isip kong ang wolf
ang kumokontrol. Nang tignan kita, bakas ang sobrang takot sa mukha mo. Gusto
kitang lapitan pero maging sa akin ay natakot ka. I felt so much anger when I saw
your reaction. It made my wolf control me again. Pero nararamdaman ko, hindi ka rin
niya gustong

saktan. I went closer to you, mahigpit kong hinawakan ang magkabila mong braso, and
then..." Natigilan siya at tila nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang sinasabi.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang humawak ako sa
kanyang braso. "and then what?"

Puno ng lungkot ang kanyang mga mata nang balingan niya ako. Humarap siya sa akin
saka hinawakan ang magkabila kong balikat. Bumaba ang titig niya sa aking mga labi.
"I bit you... My wolf gave you the mark. For me, it was a declaration of affection
but you didn't understand that. You were so afraid of me. You took a sharp stone
then you stabbed me at my back. Tinamaan nito ang puso ko. That's when everything
went black."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa
magkabila kong pisngi.

"Kaya pala sinisisi ako ni Heather? I almost killed you. Oh my God," Natutop ko ang
aking bibig. "All you did was save me but I tried to kill you." tuluyan nang
bumagsak ang luha sa magkabila kong pisngi.

Pilit akong hinapit ni Levi at mahigpit na niyakap. Marahan niyang hinalikan ang
tuktok ng aking ulo saka niya ipinatong ang kanyang baba rito. "Hush, love... You
were scared kaya mo nagawa 'yon."

Tuluyan na akong napahikbi at di napigilan ang pag-iyak nang unti-unting pumasok sa


isip ko ang imaheng iyon. Levi was unconscious. Binuhat ko ang ulo niya para
ipatong sa kandungan ko. He wasn't almost killed by the omega. It was me who tried
to kill him.

"Tahan na, naging okay din naman ako eh. When my parents thought I'm gonna die, my
dad called the four alphas of the other packs. They all gave

me their blood. When I woke up, my eyes were already blue. Far from it's natural
color-- hazel brown. Dad said it's because of the power I acquired from the four
Alphas' blood."

Kumalas ako sa pagkakayakap para tignan siya. "Pero bakit hindi ko maalala? Nabagok
ba ang ulo ko? Nagkaamnesia ba ako? Bakit hindi mo ko pinuntahan kung okay ka naman
pala?" May bahid ng inis ang boses ko. Inis para sa sarili ko.

"No, hindi ka nagkaamnesia dahil sa pagkakadapa mo. They made you forget
everything... Including me." Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"You were traumatized. Hindi ka nakakatulog dahil palagi mong napapaniginipan ang
nangyari. Your folks have no choice but to take you to a psychiatrist and make you
forget about it. Kinailangan mo rin akong kalimutan dahil kung hindi ako mabubura
sa alaala mo, maaalala mo rin ang nangyari. Trust me, I badly want to go to you the
moment I regained my strength but the power the alphas gave me was too much for me
to handle. Nagdesisyon ang mga magulang kong dalhin ako sa isang lugar kung saan
matututunan kong kontrolin ang kakayahan ko. It took me years... And when I came
back, you're already with him. You were already happy without me." Napapikit siya
saka pinatong ang ulo sa aking noo. His breathe fanned my face. I can feel the pain
he's trying to hide.

"I saw the tape in your room... That was the day I accepted Rouge's love." Nahihiya
kong sabi.

Mahina siyang natawa. "My mom gave it to me. She thought if I'll see that you're in
love with someone

else, I'll be back to normal...That I'll finally move on. But she's wrong. They're
all wrong. The love I felt for you when we were young was beyond anyone could
possibly imagine." he muttered.

He cupped my face then kissed my forehead. Mariin akong napapikit dahil sa ginawa
niya.

"I was there... When your mom refused to buy you the dress you want for your
birthday. I was there... When you almost quit school cause you've had seventy nine
in your math class. I was there... When your mom died and you feel like nothing
makes sense in your life anymore. God knows how much I badly want to come to, pull
you near me, give you the warmest hug, and tell you everything's gonna be
alright... But he was already there. Doing everything I wanna do to make you feel
better. I've always watched you from a far. Hoping that one day, you will finally
find your way and come home to me... Where you really belong." tuluyan nang nabasag
ang boses niya.

Lalong tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. All these years, he suffered
for something I can't remember. I called him names he doesn't even deserve. I made
him feel worthless despite of everything he did for me...

Tuluyan na akong napahikbi. Nang marinig niya ako'y marahan niyang pinalis ang
aking mga luha saka ako hinapit at mahigpit na niyakap. At sa pagkakataong ito,
yumakap ako sa kanya pabalik.

"I'm sorry, Levi... I'm sorry." halos hindi na maintindihan ang mga salitang
sinasabi ko.

Marahan niyang hinaplos ang aking ulo na tila pilit akong pinapatahan.

"Hush... None of those matter anymore. We will start again, luv." Kumalas siya sa
pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tinitigan.
"I don't want to force you to love me. I don't want to tell those things to you
cause I don't want you to love me because you feel bad for me. We will do this the
way it was supposed to be."

Naluluha lamang akong tumango. Mariin ang pagkakakagat ko sa ibaba kong labi, pilit
pinipigil ang muling paghikbi.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka hinalikan ang likod ng aking palad. I
felt the electricity run through my veins again when his lips touched my skin.

My heart felt an immessurable kind of peace. Pakiramdam ko'y isang mabigat na bagay
ang naalis sa dibdib ko.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi ng may ngiti sa aking labi.

"We will start again... And this time, I won't be scared anymore."

Umaliwalas ang kanyang mukha dahil sa narinig. Once again, he pulled me close and
gave me the warmest hug I ever felt. And in his arms, I felt safe again...

=================

Chapter 18

Chapter • Eighteen

Matalim kong tinignan si Tina nang marinig ang maingay niyang pagsipsip sa kanyang
inumin.

"I'm trying to concentrate here, Ti." untag ko saka muling ibinalik ang tingin sa
mga papeles na nasa harap ko.

Ibinaba niya ang kanyang smoothie sa center table saka lumakad papunta sa upuan
kaharap ng mesa ko. Nagpangalumbaba siya na tila may hinihintay mula sa akin.
Mayamaya'y bigla niya na lang iniabot ang isang twenty five cents sa akin. Kumunot
ang noo ko nang tanggapin ko ito.

"Para saan 'to?" Nagtataka kong tanong.

A meaningful smirk made it's way to my crazy bestfriend's lips. "A cent for your
thoughts."

Napailing na lamang ako nang ibinaba ko ang barya sa mesa. "I already told you.
We'll start again."

"And what exactly does that mean, hmm?" Nagtaas baba ang kanyang kilay.

I rolled my eyes in frustration. "Ti, naman. Don't look at me like that. Kung ano-
ano na naman ang tumatakbo diyan sa kokote mo. We'll start again by being friends.
Saan pa ba dapat magsimula?"

Ngumuso siya na tila may gustong ipahiwatig. "Okay, sige sabihin na nating
magsisimula kayo bilang friends pero paano kung ligawan ka niya kaagad? I mean,
hello? Your ex-bestfriend is crazy in love with you. Anong plano mo? And what about
Rouge?"

Natigilan ako dahil sa huling tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin saka muling
ibinalik ang tingin sa files. "Forgetting what Rouge and I have shared is not that
easy, Ti. For five years, sa kanya umikot

ang mundo ko and now that he's long gone, I don't have a choice but to keep moving
forward. Levi is a great guy... But I cannot guarantee that I can love him
instantly just because he's someone from my past."

Hindi kaagad kumibo si Tina. Sumandal siya sa backrest ng upuan saka inilagay ang
hintuturo sa kanyang baba na tila may malalim na iniisip.

"Maybe it's destined to be this way." bigla na lamang niyang sabi.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "What do you mean?"


Umayos siya ng upo saka humarap sa akin. "I mean, the universe is rearranging
itself for us to be with the person we're supposed to be with in the first place.
Don't you find it odd? Kung hindi nangyari iyon kay Rouge, hindi magkukrus ulit ang
landas ninyo ni Levi. At kung hindi naman nangyari noon ang insidente sa inyo ni
Levi, do you think you'd still be with Rouge? 'Di ba? Looks like everything really
has a reason after all." Tumango-tango ito na tila sumasang-ayon sa sarili niyang
opinyon.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Tina has a point. Kung hindi ko nakalimutan si
Levi, baka kami nga ang magkarelasyon ngayon. Pero iba na ang ngayon sa noon.
Marami nang nangyari. Marami nang nagbago. In fact, I barely even know Levi now.
It's best to be this way. Kung magdesisyon man siyang manligaw kaagad then so be
it. But it doesn't mean that I'll just give in easily. Sa kanya na nanggaling. He
doesn't want me to love him because of our past or because I feel like I owe him my
life. He wants it the way it was supposed to be in the first place. He'll court me
like a normal guy trying to win a

girl's heart.

Isang katok mula sa bukas na pinto ang umagaw sa atensyon namin ni Tina. The red-
uniformed guy looked at us with a genuine smile.

"Delivery for Miss Tracy Florendale?" untag nito saka saglit na nagpabalik-balik
ang tingin sa aming dalawa ni Tina.

Makahulugan akong Tinignan ni Tina saka sinenyasang puntahan ang delivery boy.

Tumayo ako saka lumapit sa pinto. Iniabot sa akin ng lalake ang isang papel.
"Pakipirmahan na lang po dito."

Nang matapos kong pirmahan ang papel ay iniabot na sa akin ng lalake ang isang
bouquet ng rose na may note na "You will be mine again."

Kunot noo kong tinignan ang lalake. "Kanino galing 'to?"

Nagkibit-balikat ito. "Sorry po ayaw pong ipasabi pero kilala niyo na raw po siya.
Sige ma'am." untag nito saka tuluyang nagpaalam.

Tumango na lamang ako saka pinanood ang delivery man na umalis. Nang pumasok ako ng
opisina ay malawak ang ngising nakaguhit sa labi ni Tina.
"Told you, girl. Imposibleng sa square one ulit kayo magsisimula. Oh 'di ba? May
paflowers na kaagad?" Nagtaas-baba ang kanyang kilay.

Inirapan ko na lang siya saka ipinatong ang bulaklak sa mesa malapit sa bintana.
"Five minutes na lang matatapos na ang break mo. Mamaya mapagalitan ka na naman."

Nanlaki ang mata ni Tina. Bigla siyang napatingin sa kanyang wrist watch saka
tarantang tumayo at kinuha ang kanyang gamit. "Shit! Oo nga pala. Babye na. I'll
see you later." untag nito saka dali-daling tinungo ang pinto.

Natatawa na lang akong umiling. Crazy.

Ilang minuto matapos umalis si Tina ay tumunog ang phone ko. My lips slightly
curved when I saw Levi's name appear on the screen.

From: Levi

Miss you already. Let's go out later?

Ibinaba ko ang ballpen sa mesa saka nagtipa ng reply.

"Date? I thought we'll go back to square one?"

Wala pang isang minuto ay dumating na ang reply niya.

From: Levi

Tss. Can we just skip that part? (sad face)

Lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang text niya. Kaagad akong nagtipa
ng may ngiti pa rin sa labi pero hindi ko pa naisesend ang reply ay muli siyang
nagtext.

From: Levi
I really love it when you're smiling because of me. Jesus, you're making this much
harder for me.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Halos mapatalon ako
sa gulat nang sa isang iglap ay prente nang nakaupo si Levi sa sofa sa loob ng
aking opisina.

Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang bahagyang magulong buhok.
Ipinatong niya ang kanyang mga braso sa backrest ng upuan saka ako matamang
tinignan. His blue eyes smiling, the grin on his lips made me a bit concious.

Humalukipkip ako saka nagtaas ng kilay. "Anong ginagawa mo rito? Don't you have
work today?"

Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang gray and black armani suit. Thr grin on
his face slowly turned into a meaningful smile.

"Levi, you can't just barge in here. May trabaho rin ako. Kapag nakita ako ng OM,
lagot ako." untag ko saka muling ibinalik ang tingin sa business plan na nirereview
ko.

Mayamaya'y nagpakawala

siya ng malalim na buntong hininga. "I haven't seen you in a while. Didn't you miss
me?" he murmured.

I rolled my eyes at him. "Five days lang tayong hindi nagkita dahil nagpunta ka ng
seminar. Huwag kang OA." I replied, trying to hide my smile.

A low groan left out his lips. "You have no idea how long that five days were.
Feels like forever when you're not around."

Tuluyan nang kumurba ang labi ko nang makita ang bahagyang pagnguso niya. Naningkit
ang kanyang mata saka muling bumalik ang ngisi sa kanyang labi.

Tumayo siya saka lumakad palapit sa aking mesa. Akala ko'y hihinto siya sa upuang
katapat ng mesa ko pero kumunot ang noo ko nang umikot siya hanggang marating niya
ang tabi ko.
Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang bahagyang pagpula ng pisngi ko. Levi
really has a weird effect on me. Whenever he's this close, my whole system's in
chaos.

Bahagya siyang naupo sa edge ng aking mesa saka itinupi ang kanyang braso sa harap
ng kanyang dibdib.

"How's your dad?" may bahid ng pag-aalala ang kanyang tono.

Bumagsak ang tingin ko sa ballpen na hawak ko. I can't help but let out a heavy
sigh. "Gano'n pa rin. Hindi pa rin ako kinikibo. He kept saying I'm making him
break his promise. I don't even know what that means." malungkot kong tugon saka
siya tinignan. Bakas ang awa sa kanyang mga mata.

"We can't blame him. Your father is known for keeping his word. In fact, mukhang
may ideya na ako kung anong tinutukoy niya." seryoso niyang sabi.

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

"Ano naman 'yon?"

Inilagay niya ang kanyang kamao sa ilalim ng kanyang baba saka tila seryosong nag-
isip.

"When I returned, I tried to visit you but my mom thought you might not accept me
anymore after everything that happened so she asked your dad to keep you away from
me. They thought we're no good for each other. Your dad is a good man and a great
friend. He just did what he thinks is best for the both of us. Isa pa, pagkatapos
ng nangyari sa kakahuyan, nangako ang papa mo sa mama mo na mamumuhay ka ng normal.
Ofcourse, you won't have a normal life when I'm with you." Seryosong sabi ni Levi.

Napabuntong hininga ako dahil sa nalaman. "Hindi na ako bata. Iyon ang hindi niya
maintindihan. I can decide for myself now. I'm freaking twenty three years old."

Matipid siyang ngumiti saka hinaplos ang aking baba. I gulped when the familiar
feeling enveloped me again.

"A daughter will always be a little girl in her father's eyes. You can't blame him.
The cons of having a great dad, hmm?"

Napangiti ako nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. That's one thing I
admire about Levi. He always try to understand someone.

Mayamaya'y unti-unti niyang niluwagan ang kanyang neck tie. His face suddenly
looked unease. Tumalikod siya saka kumuha ng suporta sa edge ng mesa.

Nagtataka akong napatayo. "A-are you okay?"

Hindi siya kumibo. Habang tumatagal ay palalim ng palalim ang kanyang paghinga.

Nataranta ako nang bigla na lamang siyang napaluhod sa sahig

at tila nahihirapang huminga. Kaagad ko siyang dinaluhan. Nanlaki ang mata ko nang
makita ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya. His fist formed into a ball. Looks
like he's struggling in controlling himself.

"Levi--"

"Go...away." Nanghihina niyang sabi bago dumaing.

Hinawakan ko ang kanyang balikat pero matalim niya akong tinignan. "I said go
away!" Mariin niyang sabi habang nanlilisik ang kanyang kulay gintong mga mata.
Napaatras ako dala ng pagkagulat.

Nang makita ang takot ko ay tila naiinis siyang nag-iwas ng tingin. Pahigpit na ng
pahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao.

Lumunok ako bago lumapit muli sa kanya. Pilit kong kinuha ang isa niyang kamay.
Nanatili lamang siyang nakatungo nang mahawakan ko na ito. "No! I won't be scared
of you again. Please, I can't help you if you won't tell me what's happening."

Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo para salubungin ang nag-aalala kong
titig. His eyes... Its blazing in fury but I know he's not going to hurt me. Sobra
ang pagpipigil niya sa kanyang sarili.
"T...there's a wolfsb..bane he...here." Nahihirapan niyang sabi bago muling dumaing
dala ng matinding sakit na nararamdaman.

Natataranta akong luminga-linga sa paligid. Imposible. Ako lang ang gumagalaw sa


mga gamit ko rito. Hindi ako nagtatabi ng wolfsbane rito.

Nakakabingi ang tibok ng puso ko habang pilit hinahanap ang bagay na naging rason
ng pagiging unstable ni Levi.

"Tracy, I-- Alpha?" Napalingon ako sa pintuan nang makita si Mr. Pio. Biglang

sumeryoso ang kanyang itsura saka suminghot sa hangin na tila may inaamoy.

"Camelofe..." bigla na lamang niyang sabi bago nagbago ang kulay ng kanyang mga
mata.

Sandali akong natigilan dahil sa nasaksihan. Mayamaya'y napatingin siya sa bungkos


ng rosas na nasa mesang katabi ng bintana. Mabilis siyang tumakbo patungo roon saka
dinampot ang mga bulaklak. Nang inamoy niya ito'y bigla siyang napaluhod sa sahig
at gaya ni Levi, ay tila nahihirapang magkontrol.

"T...throw it out, now!" Nanghihinang utos ni Mr. Pio.

Natataranta kong kinuna ang bouquet saka iyon ibinato sa bintana. Halos mabingi ako
sa tibok ng puso ko. Beads of sweat are already trailing from my forehead.

Unti-unting kumalma ang kanilang mga paghinga. Nanghihinang napasandal si Levi sa


pader. Basang-basa ng pawis ang kanyang noo. Kaagad akong lumapit sa kanya.

"Are you alright? What the hell did just happen? And Mr.Pio? You're a lycan?" kunot
noo kong binalingan ang ngayo'y nakasandal na rin sa pader na operations manager
namin.

Mahina siyang tumango. "That bouquet was soked in Camelofe. A kind of wolfsbane
that makes a lycan lose control of his aggression. It also drains strength.
Sumasama ito sa hangin that's why it's one of the most dangerous type of
wolfsbane."
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Bumaling ako kay Levi na habol pa rin ang
hininga. "P-pero hindi ba sayo nanggaling ang mga bulaklak?"

Nagtataka niya akong tinignan bago siya umiling. "If I want to give you flowers,
I'll give it to you personally." nanghihina niyang sagot.

Lalong kumunot ang noo ko. "Then who gave it?"

"We don't know. Isa lang ang sigurado ko." Mr. Pio murmured. "Whoever did this is
pretty knowledgeable in wolfsbanes. The one who gave you that wants to expose the
Alpha to the human faction. Seventy percent of our company's employees are
humans... And that's going to be a huge problem for us if the Alpha was exposed."

=================

Chapter 19

Chapter • Nineteen

When I was young, I often eavesdrop at the council hall of the head hunters. Simula
nang mabuo ang kasunduan sa pagitan ng hunters at lycans, naging magkasama na ang
dalawang grupo sa pagpapanatili ng kaayusan sa Astrid. Often times, the hunters are
the one accompanying the lycans when there are attacks in our city or even on the
neighbouring packs.

That's why I can't believe what Elliot just told me.

Humigpit ang hawak ko sa tasa ng kape. Hindi naaalis ang matinding kunot sa aking
noo. "Are you sure about this?" Sa pangatlong pagkakataon kong tanong.

Malungkot at halatang naiinis rin siyang tumango. "Oo ate. Sabi ni Papa, utos daw
'yon ng bagong Senior hunter. Wala naman silang magawa. Isa pa, sumang-ayon halos
walompung porsyento ng council. Maging si Tito Santi raw na siyang dating
pinakamalapit sa pamilya ng dating Alpha ay sumang-ayon."

Tuluyan kong naibaba ang tasa sa mesa. I can't believe the council let this happen.
They are destroying two decades of peace between the two species.
Napabuntong hininga ako saka sumandal sa backrest ng upuan. "This can't be. Sino
bang bagong Senior hunter?"

Nagkibit-balikat si Elliot. "Ang council lang ang nakakaalam."

Hindi pwede ito. Tiyak na malaking prolema ang idadala sa lahat ng desisyong ginawa
ng Senior Hunter. Kailangang malaman ito kaagad ni Levi.

Nag-aalalang napatayo si Elliot nang tumayo ako saka lumakad patungo sa pinto. Bago
pa man siya makapagsalita ay sinenyas ko na ang kamay ko na ayos lang ako.

"Don't worry about me, El. May kakausapin

lang ako." untag ko bago tuluyang isinara ang pinto.

Pagkalabas ko ng bahay ay kaagad akong dumiretso sa sasakyan ko pero natigilan ako


nang may kakaibang naramdaman. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

Someone's watching me...

Nang tuluyan ko nang matignan ang paligid at wala akong nakita ay pumasok na ako ng
kotse.

I let out a heavy sigh. These passed few days, matapos ang insidente sa opisina,
naging paranoid na ako. Pakiramdam ko palaging may nakatingin sa akin kahit saan
ako pumunta.

Napukaw ng pagtunog ng phone ko ang atensyon ko. Rumehistro ang picture at pangalan
ni Tina sa screen. Pinindot ko ang green button saka pilit pinakalma ang sarili.

"Girl, nalaman mo na ba?" ani Tina. Bakas din ang matinding pag-aalala sa kanyang
mukha.

Muli akong napabuntong hininga saka tumango. "Alam ba ni tito Travis kung sinong
bagong Senior hunter?"

Malungkot siyang umiling. "The Senior wants her identity to remain confidential.
Natatakot yatang maresbakan ng lycans kapag nalaman ang inutos niya."

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Wait, what did you say? Her?"

Tumango si Tina. "Oo. Her. Narinig ko si Papa na may kausap sa phone two days ago.
He addressed the Senior, Madame Walsh."

"It doesn't make sense. Why would the council pick a woman to be the new Senior? Sa
ilang dekada ng existence ng hunters, ngayon lang nagkaroon ng Senior na babae? I
don't get it." Untag ko.

"That's exactly what I'm thinking. Tsaka two weeks pa lang siyang Senior ganito na
ang utos niya. Teka nga pala, may lead na ba kung sinong nagpadala ng bulaklak?"
ani Tina.

Bumuntong hininga ako saka umiling.

"Unfortunately, wala pero matindi ang paniwala ni Levi na kay Rouge galing ang mga
'yon."

Kumunot ang noo ni Tina. "That's impossible. One week nang wala sina Rouge sa
Remorse nang mangyari 'yon tsaka hindi ba sabi ni Mr.Pio, kung sino man daw ang may
gawa no'n, siguradong maraming alam pagdating sa wolfsbane at lycans. We've known
Rouge since senior high. Napakainosente niya sa bagay na 'yon. Isa pa, ni wala nga
siyang ideyang dahil kay Levi na isang lycan, kaya siya gumaling. Maybe the note
was just used to mislead us. You know, para sa iba maibunton ang sisi."

Napasandal na lamang ako sa upuan ng sasakyan. She's right. Sabi ng kasera ng


apartment ni Rouge, isang linggo na magmula nang magflight ang magkapatid. Si Rouge
pa nga raw ang nagpumilit umalis sila ng mas maaga. Hindi niya raw matanggap na
basta ko na lang siyang iniwan sa ere. After all, he's a good man. Ni minsan ay
hindi pa siya nainvolve sa kahit anong gulo. Wala rin siyang ideyang may nag-eexist
na lycans.

"Hindi bale, girl. Tutulong ako. Kukulitin ko si papa. Kung kinakailangang sundan
ko siya kapag makikipagkita siya kay Senior Walsh, gagawin ko." Pilit na ngumiti si
Tina.
Pagod kong ginantihan ang kanyang ngiti. "Thanks, Ti. Maaasahan ka talaga."

"Maliit na bagay." Nakakaloko niyang sabi saka humalakhak.

Nang tuluyan kong pinatay ang video call ay pinaandar ko na ang kotse. Kailangan
kong puntahan si Levi. Magandang malaman niya ito kaagad.

Awtomatikong bumukas ang gate ng mansyon nang tumapat dito ang sasakyan ko.
Sinenyasan ko ang guars ng salamat bago ako dumiretso sa harap ng front door.
Sinalubong ako ni Butler Finn pagkababa ko ng

sasakyan.

"Nasaan po si Levi?" untag ko pero bago pa man makasagot si Butler Finn ay natanaw
ko na si Levi na nagmamadaling bumababa ng hagdan. Bakat ang kanyang matipunong
katawan sa kanyang suot na puting t-shirt. Magulo rin ang kanyang buhok. Seryoso
ang kanyang tingin at ang kanyang noo'y nakakunot na naman.

Lumakad ako papasok ng bahay. Nang makita niya ako'y bahagyang umaliwalas ang
kanyang mukha. Sinenyas niya ang kanyang kamay para lumapit ako.

"Just in time, luv. Come with me." untag niya saka hinawakan ang aking kamay. Wala
akong nagawa nang magsimula siyang humakbang papunta sa silid na palaging nakasara.

Nang buksan niya ang ilaw ay halos malaglag ang panga ko. The whole room is filled
with different kinds of weapon. May baril na iba't-iba ang sukat at itsura, may mga
patalim din, kadena, mga balang gawa sa pilak, at mga sealed container na may
lamang likido.

Mayamaya'y binitiwan niya ang kamay ko saka siya lumapit sa mesang puno ng iba't-
ibang klaseng hand gun.

"There's an attack in the borders. Probably the same omegas we faced in Tyrain. May
ilan sa kanilang nakapasok sa city." seryoso niyang sabi saka humarap sa akin at
iniabot ang isang revolver. "This is a bit handy. You can hide it in your bag.
Better to keep it near you at all times."
Kumunot lang ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit ko kailangan niyan?"

"Because there will be times when I won't be by your side to protect you. I want
you to be safe all the time. Better

to carry something to protect yourself." untag niya saka inilagay sa kamay ko ang
baril pagkatapos ay mahigpit niyang ikinulong ang mga kamay ko sa kanyang mga
palad.

Sandali kong tinitigan ang aming mga kamay.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay naroon na naman ang pamilyar na pag-
aalala.

Pilit akong ngumiti. "I'll be fine. My dad tought me self defense. Kahit paano ay
marunong din akong gumamit ng crossbow." Binawi ko ang isang kamay ko saka marahang
hinaplos ang kanyang pisngi. "At alam ko, kapag kailangan kita," bahagya akong
lumapit saka tumingkayad hanggang sa maabot ko ang kanyang tenga. "Darating ka..."

Nang bumalik ako sa kinatatayuan ko'y muli kong nasalubong ang kanyang mga mata.
May matipid na ngiti sa kanyang mapupulang labi. Kinuha niya ang kamay ko saka ito
marahang hinalikan. Napangiti ako nang pumikit siya habang dinadampian ng halik ang
aking palad.

"I will... But it's best for you to have this. Promise me, palagi mong dadalhin
'to." Tila nakikiusap na ang kanyang boses.

Bumuntong hininga ako saka tumango. "Okay. I promise."

Matamis siyang ngumiti nang marinig ang pagpayag ko. Hinapit niya ako palapit sa
kanya saka mahigpit na niyakap. Ang kanyang baba ay nakapatong sa tuktok ng aking
ulo. I can hear his heartbeat. Tila ba sumasabay din ito sa tibok ng nagwawala kong
puso. Hindi ko na maitatanggi, Levi was right. Kahit noong mga bata pa lang kami,
we're already sharing our emotions with each other. The bond between us was so
strong. Kahit na matagal kaming nagkalayo, hindi bumigay. Parang isang napakatibay
na goma. It was stretched when we're apart, but it never falter. There are things
Levi can make me feel that I never felt with somebody else... Even with Rouge.

"Oo nga pala, may kailangan kang malaman." untag ko saka kumalas sa kanyang yakap.

"Ano 'yon?" untag niya.


Bumuntong hininga ako bago humugot ng lakas para magsalita.

"The new Senior hunter wants to end the contract between lycans and hunters..."
malungkot kong sabi.

Kitang-kita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Levi. His eyes
turned darker. His jaw clenched as his fist formed into a ball.

This is not good...

=================

Chapter 20

Chapter • Twenty

Tiningala ko ang madilim na kalangitang punong-puno ng napakaraming bituin. After a


very stressful week, mula sa nangyari sa opisina, hanggang sa balak ng bagong
misteryosong Senior, maging ang pag-atake at pagkahuli sa mga omegang pumasok sa
syudad, all I need for my friday night is a moment alone to do star gazing.

I closed my eyes then breathed the cold air of the night. Tanging ang pulang
sleeveless night gown lang ang suot ko pero hindi ko ininda ang simoy ng hangin.
Maalinsangan na rin dahil paparating na ang summer.

Napasinghap ako nang maramdaman ang pagpulupot ng dalawang braso sa aking bewang
mula sa likod ko. Kakalas sana ako nang bigla kong narinig ang boses niya.

"Shhh... No need to get your gun, luv. It's just me." bulong niya sa aking tenga.

Napapikit ako nang isinandal niya ang kanyang noo sa likod ng aking ulo. Naramdaman
ko na lang ang kamay kong tila may sariling pag-iisip na humawak sa kanyang braso.

"Friends don't do stuffs like this, you know." Untag ko saka ngumiti.
Mahina siyang natawa. Mayamaya'y unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa aking
leeg. The tip of his nose started touching my skin. He stopped when he found the
scar in between my neck and right shoulder.

Volts of electricity sunddenly run through my veins when he kissed my scar.


Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakalapat ang kanyang mga labi sa aking
balat. Para bang kumirot ito ng kaunti dahil

sa ginawa niya.

Nang magmulat siya'y bumaling ang tingin niya sa akin. His jaw rested on my
shoulder. "We both know we're more than that..."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pagkatapos ay dahan-dahan niya akong ihinarap


sa kanya. His arms found my waist again. His heavy breathing filtered in my half
open mouth. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang pinagdikit niya ang aming mga
noo.

"Why don't you just admit it, hmm? Why do you have to lie to yourself about what
you really feel?" his voice almost husky.

Napalunok ako nang matitigan ang kanyang mga labi. It's tempting... I never lose
control of myself before... Sa kanya lang. Kahit noong mga panahong hindi ko pa
alam kung sino talaga siya sa buhay ko, para bang nawawala lahat ng lakas sa
katawan ko kapag malapit na siya.

Iniwas ko ang aking tingin saka pilit pinakalma ang sarili. "Because I don't want
to look like an easy girl."

"Silly girl." He chuckled. "That doesn't matter... What you feel is what's
important. Admit it. You can feel the connection. I can make you feel something no
one can give you."

Sarkastiko akong tumawa saka nagtaas ng kilay. "Bumabalik na naman ang hangin sa
utak mo. And what is your proof? Hmm?" Mapanghamon kong sabi.

I was taken a back when a meaningful smile made it's way to his lips. His eyes
landed on my half open mouth.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting lumapit ang kanyang mukha. His lips
found mine. I frozed when the sensation his kiss is giving me shut down my senses.
His lips started moving and I found

myself giving in. My eyes automatically shut when my lips finally responded.

He let out a chuckle when our lips parted to catch some air. "This... This is my
proof." he murmured before claiming my lips once again.

Unti-unting kumapit ang aking mga braso sa kanyang leeg. His hands on my waist
started carressing my back. He pulled me closer as our kisses deepen.

I finally lose control. My lust for his touch, his kiss, his presence finally
overpowered.

When our lips finally parted, he rested his forehead on mine. His heavy breathing
fanned my face. Wala akong ibang nagawa kun'di kumuha ng suporta sa kanyang leeg at
sa kamay niyang nakaalalay sa likod ko.

"Now tell me, do friends do stuffs like that?" he said in a teasing manner.

Kaagad namula ang pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka nag-iwas ng
tingin. Nahihiya akong umiling.

Mahina siyang tumawa. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na
tumakip sa aking mukha pagkatapos ay dumausdos ang kanyang mga daliri patungo sa
aking baba. Dahan-dahan niya itong iniangat para masalubong ko ang kanyang titig.

"Because only those who are destined to be together will feel that... That wasn't
lust, Tracy... That was love." He muttered before placing a kiss on my forehead.
Napapikit ako dahil sa ginawa niya.

"You should rest now. May pupuntahan nga pala tayo bukas ng umaga. Nakalimutan kong
sabihin sayo noong nakaraang araw." untag niya saka hinawakan ang kamay ko saka ako
hinila papasok ng kwarto.

Inalis niya ang comforter saka ako sinenyasang humiga. Nahihiya lamang akong
sumunod. Nang makahiga na ako'y inayos niya ang kumot sa akin saka siya naupo sa
tabi ko.

"Saan tayo pupunta?" untag ko. Pilit pinapakalma ang puso na walang tigil sa
pagwawala.

Matipid siyang ngumiti saka marahang hinaplos ang aking buhok. "Eighteenth wedding
anniversary nina Alpha Piere at Luna Yngrid. They want all the Alphas and their
lunas to be there. The party will be held on a private yacht so we need to travel
early."

Bigla akong naexcite nang marinig ang yacht. Matagal na magmula nang nakapagbeach
ako.

Bahagya akong tumagilid paharap sa kanya. "Sinong kasama natin?"

"Hank, Baron, and Heather. They're invited as well." tugon niya.

Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. "I don't think I should go." Malungkot
kong sabi.

Bumuntong hininga si Levi. Mayamaya'y naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Tumabi


siya sa akin ng nakatagilid. Ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang brasong
nakakalso sa kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko saka ako pilit pinaharap
sa kanya.

"You have nothing to worry. Heather promised me she'll behave. Ako na ang
makakalaban niya sa oras na may gawin na naman siya sayo. Besides, malaki ang
respeto niya sa mag-asawa. She won't hurt you again kun'di baka makalimutan kong
kaibigan ko rin siya." ani Levi saka matipid na ngumiti.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pisngi. My thumb rubbed the
back of his palm. "Thank you."

Isang marahang halik sa aking noo ang isinagot niya pagkatapos ay muli niyang
inayos

ang kumot ko. "Rest now, luv. I'll leave once you're already asleep."
"You don't have to--"

"I wanna do it... Let me, please." he said in a pleading manner.

Hindi kaagad ako nakakibo. Tinitigan ko lamang ang kanyang pagod na mata na tila
malapit na ring pumikit. He's tired, yet he's here making sure I'll sleep
peacefully tonight. What did I do to deserve a man like you, Levi? You are an
epitome of every girl's fantasy...

I let out a deep sigh. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon bago ako umayos ng
higa saka pumikit. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok. I
never felt relaxed. What he's doing is making me drifted away to sleep.

"Goodnight, luv..." dinig kong sabi niya bago ako tuluyang tinangay ng antok.

--

"Where are the others? Akala ko ba kasama rin sila?" Nsgtataka kong tanong nang
makitang siya lang ang laman ng kotse.

Kinuha niya ang bag ko saka iyon isinilid sa compartment ng kotse. "Nauna na. Ayoko
silang kasabay. Baka mag-init lang ang ulo ko kay Hank." tugon niya saka ako
inalalayang makapasok sa sasakyan.

Lalong kumunot ang noo ko. Muli ko siyang binalingan nang tuluyan na siyang
nakapasok sa driver's seat. Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan.

"Bakit ka naman maaasar kay Hank? Siya nga ang mabait sa akin." kunot noo kong
kumento.

Nagulat ako nang tinapunan niya ako ng matalim na tingin. "He's not being nice,
he's just flirting." may bahid ng inis ang kanyang tono.

"Hindi naman siguro." tugon ko ngunit muli lang ulit niya

akong tinapunan ng matalim na tingin.


"Okay, okay! Calm down." Itinaas ko ang kamay kong animo'y sumusuko. "Matutulog
muna ako." untag ko saka ipinikit ang mga mata. Nakakatakot ang matalim niyang
tingin. Baka kapag ipinagpatuloy kong idepensa si Hank, bigla na lang siyang
sumabog sa galit.

Hindi ko balak matulog pero sa dami ng gabing kulang ako sa tulog nitong nagdaang
mga araw, naging totoo ang pagtulog ko.

Nagising ako sa mahinang pagyugyog ni Levi sa aking balikat. Nasa tapat na siya ng
bukas na pintuan sa shotgun seat kung saan ako nakaupo at abalang alisin ang
seatbelt ko.

"We're here." untag niya.

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko saka bahagyang sinuklay ang buhok ko gamit ang
aking mga daliri.

Dinig na dinig ko ang hampas ng alon. Tila biglang nabuhay ang dugo ko dahil dito.
Kaagad akong bumaba ng sasakyan saka hinintay si Levi na maibaba ang mga gamit
namin.

Nang masigurong naka-lock na ang sasakyan ay humakbang na siya palapit sa akin.


Pinagsalikop niya ang aming mga kamay bago siya naglakad. Wala na akong nagawa
kun'di magpatianod sa paglalakad niya.

Sa di kalayuan ay natanaw na namin sa pantalan sina Baron at Hank. Matamis na


ngumiti sa akin si Hank nang makita kami pero bigla itong nag-iwas ng tingin nang
matalim siyang tinitigan ni Levi.

Pasimple kong piniga ang kamay ni Levi nang hindi pa rin niya inalis ang titig kay
Hank. Kunot noo siyang lumingon sa akin.

Natatawa kong ginulo ang buhok niya. "Seloso." bulong ko.

Inirapan

lang niya ako saka siya dire-diretsong pumunta kay Baron.


"Let's go. Tayo na lang ang hinihintay." ani Baron bago siya naunang naglakad. Agad
naman kaming sumunod sa kanya.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa natatanaw na dagat. This event came just
right on time. I need a getaway from stress and beach is the perfect place to
relax.

Pag-akyat namin sa yate ay bumungad sa amin ang ilang tao. Nang mapansin ko ang
dalawang pamilyar na tao ay sakto namang napalingon sila sa direksyon namin.

"That's my man! He really got his girl back." Humahalakhak na lumapit sa amin ang
Alpha ng Crescent. Nakipag apir ito kay Levi saka umakap. Ang luna naman ay lumapit
sa akin. Matamis ang kanyang ngiti saka bumeso sa akin.

"Thank you for coming to our wedding anniversary." ani Luna Yngrid.

Matamis kaming ngumiti sa kanila saka bumati. Mayamaya'y nagkayayaan na ang mga
lalake na pag-usapan ang nangyayari sa kanilang mga pack.

Saglit akong tinignan ni Levi na tila nag-aalala. Mayamaya'y biglang hinawakan ni


Luna Yngrid ang mga balikat ko.

"You have nothing to worry, hijo. Go on, join the boys on your little club. Ako na
ang bahala sa kanya." nakangiting sabi ni Luna Yngrid saka kumindat kay Levi.

Ngumiti na lamang si Levi bilang tugon. "Alright then," humakbang siya palapit sa
akin saka humalik sa aking pisngi. Bigla na namang nagwala ang dibdib ko nang
lumapat ang kanyang labi sa aking balat. "just call me when you need me, okay?"

Tumango na lamang ako bilang tugon. Muli siyang nagpasalamat kay Luna Yngrid bago
siya lumakad patungo sa grupo ng mga Alpha at Beta.

Kumapit si Luna

Yngrid sa aking braso saka ako niyayang pumunta sa railing.


"Levi reminds me of my husband when we were young. They are both territorial. Akala
mo ay palaging mawawala sa kanila ang babaeng gusto nila kapag kumurap sila." She
giggled. Bahagya pang namula ang kanyang pisngi.

Nang tignan ko kung anong tinitignan niya ay hindi ko naiwasang mapangiti. Her eyes
are sparkling as she looked at her husband.

"Eighteen years yet you're still in love..." kumento ko.

Nabaling ang tingin sa akin ni Luna Yngrid. Kinuha niya ang kamay ko saka bahagyang
piniga.

"You have no idea, dear. Everyday, for eighteen years, walang araw, oras, o
segundong hindi ko naramdamang mahal niya ako. Because of my Pierre, I consider
myself lucky. There's a lot of people dreaming to have a partner in life like him,
at maswerte akong ako ang naging mate niya." masaya niyang sabi.

Napangiti rin ako. Nahihiyang bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Bumuntong
hininga ako bago tuluyang nagtanong.

"Papaano niyo po ba nasabing siya na 'yong lalakeng gusto niyong makasama


habambuhay?" nag-aalangan kong tanong.

Sandaling natigilan si Luna Yngrid. Mayamaya'y lalong tumamis ang kanyang ngiti.

"That's the same question I kept asking myself before. I guess love is really
magical. Basta ang alam ko lang, once you finally found that person who makes your
whole system in chaos whenever he's near, if he can make you feel something that
seems like nobody else can make you feel, if he can make you feel safe when you're
in his arms, your heart will know that falling for him will be worth it..." untag
ni Luna Yngrid saka muling tinignan ang kanyang asawa.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Wala sa sarili lang akong napalingon sa
direksyon ni Levi. Pakiramdam ko'y muntik tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko
nang bigla siyang napatingin sa akin. Naiwan sa kanyang labi ang ngiti na dapat ay
sa kausap.
Napaiwas ako ng tingin at napahawak sa dibdib ko.

Levi... What he can make me feel is way way more than what Rouge made me feel when
we're together.

You really are making me crazy, Levi...

=================

Chapter 21

Chapter • Twenty One

Hindi ko maiwasang mapangiti nang tuluyan nang naglayag ang yate. Everyone on board
cheered in excitement.

Niyaya ako ni Luna Yngrid para ipakilala sa ilang mga bisita. Sa gilid ng aking
mata ay napansin ko ang panay na pagsulyap ni Levi. Nako-concious tuloy ako lalo na
kapag sa mga lalake na ako pinakikilala ni Luna Yngrid.

"Gentlemen, I'd like you to meet Tracy Florendale." Magiliw na pakilala sa akin ni
Luna sa tatlong kalalakihan.

Matamis na ngumiti sa akin ang tatlo. "I'm Jao, pleased to finally meet you."
Nakangiting bati ng pinakamatangkad sa kanila.

"Thank you." matipid kong sagot habang nakangiti.

"I'm Lucean." simpleng pakilala ng isa pa na tila hindi interesado. Saglit lamang
niya akong tinapunan ng tingin pagkatapos ay ibinalik na niya ang kanyang atensyon
sa hawak na cellphone.

Pilit akong ngumiti saka nagpasalamat.


The last one of them reminds me of Hank. Halatang napakafriendly. Matamis ang
ngiting nakaguhit sa kanyang labi. His imperfection on his right cheek is in
display.

"I've heard a lot of things about you. I never thought those things were true. You
really are a beauty." He muttered before extending his hand for a shake. "I'm Grant
by the way."

Bumaba ang tingin ko sa kanyang nakalahad na kamay. Tatanggapin ko na sana ito nang
maramdaman ang pagpulupot ng isang braso sa aking bewang. Nang lingunin ko kung
sino iyon ay kaagad na nagwala ang dibdib ko.

Levi's eyes were darker than it's normal shade. His jaw clenched as he pulled me
closer to his chest.

Isang makahulugang ngisi ang lumandas sa kanyang labi nang balingan niya si Grant.

"I'm sure she's pleased to meet you as well. Right, luv?" Tila may bahid ng inis
ang kanyang tono. Mayamaya'y muling bumalik ang kanyang tingin sa mga mata ko.

Napalunok na lamang ako saka nahihiyang nilingon si Grant. Tumango ako saka pilit
na ngumiti.

Napasinghap ako nang lalo pang idiniin ni Levi ang katawan ko sa kanya. Halos
mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"If you'll excuse us, gentlemen, Luna Yngrid, I need a moment with my girl."
magalang na sabi ni Levi.

Nang tumango si Luna Yngrid at ang tatlong lalaki ay tuluyan na akong hinatak ni
Levi palayo. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa bewang ko hanggang sa tuluyan
na kaming dumiretso sa hall patungo sa mga silid. Huminto sa isang pinto si Levi
saka iyong binuksan.

Nalaglag ang panga ko nang makita ang silid. Puti ang kabuuang kulay ng silid.
Kumpleto rin sa gamit at mwebles magmula sa sofa, maliit na dining table, hanggang
sa dresser.
Binitawan ni Levi ang bewang ko pagkatapos ay naupo siya sa kama pero kaagad din
niya akong hinapit palapit sa kanya hanggang sa mapaupo ako sa kanyang kandungan.

Kaagad namula ang pisngi ko nang muling pumulupot ang kanyang mga braso sa aking
bewang. Lalong nagwala ang puso ko nang marahan niyang dinampian ng halik ang aking
balikat.

"Next time, don't

do that..." seryoso niyang sabi.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Do what?"

"Shaking hands with another guy. It disgusts me." mariin niyang sabi saka ako
tinitigan ng matalim.

Bahagya akong natakot dahil sa titig na ipinukol niya sa akin. Napalunok ako saka
nag-iwas ng tingin.

"I don't see anything wrong with being nice to people, Levi." depensa ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Halos mapatili ako nang
bigla niya na lang akong ihiniga sa kama. Nakapatong ang kanyang katawan sa akin at
ang dalawang braso niya'y nakakalso sa kama na tila ikinukulong ako. Nakakatakot
ang galit na mababakas sa ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha.

Mayamaya'y unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa mukha ko. My heart pounded
violently when his lips found mine. Napapikit ako dahil sa sensasyong ibinibigay
niya. Napahawak ako sa kumot nang unti-unting lumandas sa aking panga ang kanyang
mga labi. He kissed my jaw in the most addictive way I could possibly imagine until
he finally found his way to my neck. Mayamaya'y bigla siyang tumigil sa ginagawa
para titigan ako. His expression soften as his blue eyes bore at me.

Maingat niyang nilislis ang manggas ng damit ko sa aking kanang balikat. A genuine
smile made it's way to his lips when my scar was finally in display. Muling bumaba
ang kanyang mukha sa aking balikat. Napapikit ako nang tuluyan nang lumapat ang
kanyang labi sa aking balat.
I felt something weird between my thighs. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa
kakaibang pakiramdam na dulot ng ginagawa niya. Mayamaya'y muling bumalik sa aking
labi ang kanyang mga halik. I can't

help but respond to his kisses. Tila ba may kung ano sa mga halik niya. Its driving
my sanity away, making me ask for more and more...

His heavy breathing sent shivers down my spine when our lips finally parted. Our
eyes remain shut, his face buried on my neck. Unti-unting pumulupot ang kanyang mga
braso sa aking bewang para yakapin ako. Mayamaya'y umikot siya para mahiga sa kama.
Ako naman ang siyang nakadapa sa katawan niya. Nanatili ang titig niya sa aking mga
mata.

"I want you to remember that... Cause no one else can make you feel that way,
Tracy... You are mine. Nobody is permitted to lay his finger on you. Nobody..."
Mariin niyang sabi bago muling inangkin ang mga labi ko.

--

Halos isang oras akong nagbabad sa bath tub. Natulala na lamang ako sa ceiling ng
banyo. Para akong mababaliw kapag bigla na lang pumapasok sa isip ko ang nangyari
kanina. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Levi was right. Nobody made me
feel that way before. Not even Rouge. It's something foreign that I know, once it's
gone, I'll definitely ask to feel again.

I shook my head and erased the thought. Kailangan kong umakto ng matino. Kailangan
ko na ring magmadali. Magsisimula na ang party mayamaya lamang.

Matapos akong maligo ay kinuha ko na ang damit ko sa aking bag. Isang simpleng
black body hugging dress na may heart shape sa dibdib ang napili kong idala para sa
party. Kasama ng ilang alahas at make up, dumiretso na ako sa dresser para mag-
ayos.

Five minutes before seven pm nang matapos ako. Sakto namang pumasok si Levi sa
kwarto ko. Bahagya akong natulala nang makita ang itsura niya. His white with black
lining tuxedo suits him pretty well. Maayos na nakawax ang kanyang buhok na
dumagdag lalo sa kagwapuhan niya.

Saglit din siyang nanatiling nakatitig sa akin. Nang tumayo ako'y pinasadahan niya
ng tingin ang itsura ko.
I cleared my throat when he remained staring at me. "Shall we? Magsisimula na ang
party." untag ko pero hindi pa rin siya kumibo.

Mayamaya'y humakbang siya palapit sa akin. Napasinghap ako nang pumulupot ang
kanyang mga braso sa aking bewang. He pulled me closer to him until our silhouettes
became one.

"Can we just stay here? I might just kill someone out there if I'll see them
staring at you, gorgeous." he chuckled.

Bahagyang namula ang pisngi ko dahil sa narinig. Mahina kong hinampas ang kanyang
dibdib.

"You're crazy..." untag ko.

A soft laughter left his mouth. "I am, luv..." he murmured before kissing my lips.
"when it comes to you." he whispered when our lips parted.

Hindi ko maiwasang mapangiti. There goes the foreign feeling again. Tila ba
binabaliw ako nito sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang mga labing humahalik sa
akin.

Mariin ko soyang itinulak. Saka natatawang inipit ang kanyang matangos na ilong.
"Bolero. Tara na. Hinihintay na tayo ro'n." Untag ko saka na naunang lumakad
palabas pero kaagad siyang sumunod at muling pinulupot ang braso sa aking bewang.

Hinayaan ko na lamang siya at dumiretso na kami sa party.

Pagdating namin ay saktong magsisimula na ang event. Ang mag-asawa ay nakaupo sa


couch na nasa isang mini stage. Mayamaya'y unti-unting humina ang tugtog at tumayo
ang mag-asawa. Sa kanilang mga kamay ay ang baso ng kanilang champaigne.

"On behalf of my beautiful wife, Yngrid, I'd like to thank everyone who came here
today to join us as we celebrate our eighteenth wedding anniversary. Our journey
was never easy. When I first met my wife, I told myself, damn! That's a girl to die
for..." masayang sabi ni Alpha Pierre. Sa kanyang tabi ay humagikgik si Luna
Yngrid.

Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng Alpha.


"Well, it's true... I almost died trying to win her heart." kunwari ay pabulong pa
nitong sabi pero mahinang pinalo ni Luna ang braso ng asawa. Muling nagtawanan ang
lahat.

"My wife, is like an extinct kind of flower... Everyone likes to have her. That's
why I'm lucky that she chose me."

Everybody was in awe when Alpha Pierre took a glance at his wife as he said those
words. Hindi ko mapigilang mapangiti. Seeing people who are deeply in love after so
many years of being together is such a great scenery. It makes everyone believe
that happily ever after still exist.

"Yngrid, my life, my everything, you are the best thing that came into my life... I
love you." nakangiting sabi ni Alpha Pierre saka hinalikan ang kanyang asawa.
Marahan pa niyang pinalis ang luha sa pisngi nito nang maputol ang kanilang matamis
na halik.

Nang tumugtog ang isang romantic song ay kaagad kinuha ni Alpha Pierre ang kamay ni
Luna Yngrid para sumayaw. Hindi ko maiwasang mapangiti.

I envy what they have. Not everyone can find someone who can make you feel everyday
that choosing him is the best decision you'll make.

Naramdaman ko ang paghawak ni Levi sa aking kamay. Matamis ang ngiting nakaguhit sa
kanyang labi nang igiya niya ako para magsayaw.

Nanatili lamang ang kanyang titig sa aking mga mata. Kinuha niya ang mga kamay ko
saka iyon inilagay sa kanyang leeg pagkatapos ay hinapit niya ako palapit sa kanya.
Ang kanyang kamay ay nakayakap sa aking bewang.

My heart pounded violently again when he started dancing me. Hindi ko mapigilang
mapangiti. I never expect that I'd be happier more than I was when I was with
Rouge. Levi turned my fantasies into reality. He made me feel things I thought only
exist in movies. He made me believe that I can be a princess who deserves a happily
ever after.

And despite of everything that happened to us, he never gave up on me. His love is
priceless...
Naramdaman ko na lang ang marahang paghaplos ng kanyang hinlalaki sa aking pisngi.
May bahid ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"What's wrong?" nag-aalala niyang tanong.

Doon ko lang napagtantong umiiyak pala ako. Ni hindi ko man lang namalayan ang
pagpatak ng luha ko. Masyado akong nafocus sa mga iniisip ko at sa kanya.

Kaagad kong pinalis ang mga luha ko saka ako pilit ngumiti. "Nothing... Masaya lang
ako."

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya sa akin bago niya dinampian ng halik ang
aking noo. Naramdaman ko na lang ang mga braso kong unti-unting yumakap sa kanya.
Tila saglit siyang natigilan dahil sa ginawa ko ngunit maya-maya'y hinuli niya ang
aking baba at pilit itong inangat. Nang magtama ang mga mata namin ay muling
nagwala ang puso ko.

Napapikit na lamang ako nang maramdaman ang paglapat ng kanyang labi sa aking mga
labi. It was gentle, pure, and full of affection...

Hinapit niya ako saka mahigpit na niyakap nang maghiwalay ang aming mga labi.
Yumakap ako pabalik saka ko ihinilig ang aking ulo sa kanyang balikat.

Together with the sweet love song, I let myself dream.

How I wish this night will never end...

=================

Chapter 22

Chapter • Twenty Two


After several romantic songs, nagsimula na ang ilang up-beat music sa pagtugtog.
Naghiyawan ang lahat nang may ilan nang kalalakihang nagsayaw sa dance floor.

"Do you want something to drink?"

Nabaling ang atensyon ko kay Levi na matamang nakatingin sa akin. Matipid akong
ngumiti saka tumango. "A glass of wine will do."

Ngumiti siya pabalik sa akin. "Okay. Mas magandang umupo ka muna. Baka mamaya may
humila pa sayo sa dance floor. Ako nang kukuha ng inumin natin."

Tumango na lamang ako bilang tugon. Hinawakan niya ang kamay ko saka siya naglakad
patungo sa isang bakanteng mesa. Ito ang pinakamalapit sa railings kaya tanaw na
tanaw ko ang dagat. Hinila niya ang isang upuan saka ako pinaupo. Nang masiguro
niyang ayos na ako ay nagpaalam na siyang kukuha ng inumin.

Pinagmasdan ko lang siyang humalo sa mga tao ngunit bago siya nawala sa paningin ko
ay natanaw kong lumapit sa kanya ang isang pamilyar na babae. Tila bahagyang nawala
ang balanse nito at kaagad kumuha ng suporta sa mga braso ni Levi. Narinig ko pa
ang paghalakhak niya dahil sa nangyari.

"The party just started pero mukhang lasing ka na, Heather. Ang mabuti pa
magpahinga ka na. Tatawagin ko si Baron para maihatid ka niya sa kwarto mo." dinig
kong sabi ni Levi at hahanapin na sana si Baron nang bigla na lamang yumakap sa
kanya si Heather.

Parang biglang may kumurot sa puso ko nang makita ang ginawa niya. Nag-iwas ako ng
tingin saka di napigilang makagat ang ibabang labi.

Mayamaya'y isang lalake ang lumapit sa railing na katapat

ng mesa. He's wearing a black plain shirt na pinatungan ng black tux jacket. Sa
kanyang kamay ay isang baso ng champaigne.

"It's been a while. Kamusta ka na?" Dinig kong sabi ng lalake.

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang sinabi niya. May matipid na ngiting
nakaguhit sa kanyang labi. Sandaling kumunot ang noo ko, pilit siyang inaalala.
Nang matitigan ko ang kanyang mga mata'y doon pumasok sa isip ko ang nangyari noon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan siyang mamukaan.

"It's you! Brenther's Alpha..." untag ko. "Hindi kita kaagad nakilala. Your hair,
medyo humaba na. Hindi katulad noong huli kitang nakita."

Unti-unting lumabas ang kanyang mapuputing ngipin. "Yeah. You have a pretty good
memory. Do you mind if I'll seat with you?" Untag niya saka itinuro ang upuan sa
aking tabi.

Imwinestra ko ang mga kamay ko sa ere. "No, not at all." tugon ko ng nakangiti.

"Thanks." He mumbled before pulling the seat right next to me.

"I didn't catch your name before." aniya.

"It's Tracy... And you are?"

"Layco. Layco Magnison. I want to shake your hand like normal peopld do but Levi
might kill me." he chuckled.

Bahagya rin akong natawa. "You're right. He doesn't let other guys touch me. I
don't know why."

Sandali siyang sumimsim sa kanyang baso saka ito inilapag sa mesa. "Because the
smell of another guy disgusts us. I don't know if you already know this but our
senses are way stronger than normal people.

So if another guy touches our girl, their scent will be left on our girl and trust
me... That's the least thing we want to smell from our girl."

"Oh, kaya pala." Ang tangi kong naisagot.

Sandali akong napasulyap sa direksyon kung nasaan si Heather at Levi kanina pero
wala na sila roon. Pakiramdam ko'y may kung anong tumarak sa puso ko nang hindi ko
sila makita kahit saan.
Bumagsak ang balikat ko at malungkot na napatitig sa malawak na karagatan.

"Is there something wrong?"

Tila bigla akong natauhan nang marinig ko si Layco. Pilit akong ngumiti sa kanya.
Sakto namang may lumapit na waiter. Humingi ako ng isang glass ng champaigne saka
mabilis itong ininom.

Napatingin ako kay Layco nang marinig ang kanyang mahinang pagtawa. "Ahm, why?"

Nakangiti siyang umiling. "Nothing... I just remembered Levi's face when you were
attacked by my men. That's the first time I saw him that mad. I guess you really
matter to him."

I can't help but give him a weak smile. Muli kong kinuha sa mesa ang inumin ko saka
tuluyang ininom ang natitira nitong laman.

"Wala ka bang kasamang pumunta rito?" pag-iiba ko ng usapan.

Ininom niya muna ang laman ng kanyang wine glass bago sumagot. "My Beta, Grant, and
two of my Deltas, Jao and Lucean."

"Oh! I met them earlier. How about your luna?" untag ko.

Napansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Nawala ang ngiti sa


kanyang labi. Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang mga mata sa karagatan.

"She's uh... She's gone." halos pabulong na nitong

sabi.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "What do you mean gone?"

Muling nabaling sa akin ang kanyang tingin saka siya pilit na ngumiti. "She's
dead."

Natigilan ako dahil sa narinig. Tila hindi ko mahanap ang mga tamang salita na
dapat sabihin. Nang mapansin ang pagkagulat ko ay muli siyang nagsalita.

"Please don't feel bad for me. It's been two years. Natanggap ko na ang nangyari sa
kanya." Nakangiti niyang sabi. "Would you like another glass?" untag niya.

"Yes, please." Simple kong tugon.

Mayamaya'y sinenyasan niya ang waiter. Naglapag ito ng dalawang glass ng champaigne
sa aming mesa.

Pasimple akong luminga-linga sa paligid. Higit limang minuto na pero wala pa ring
Levi na bumabalik. May kung anong iritasyong bumabalot sa dibdib ko.

Nang makaalis ang waiter ay kinuha ko ang isang glass saka roon uminom. Hindi ko
maalis ang inis na nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong
naiirita.

Hindi ako nakuntento at muli akong uminom mula sa aking baso. Isang mahinang tawa
ang muling pinakawalan ni Layco. Nagtatakang nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Why?" untag ko.

Nakangisi niyang ibinaba ang kanyang baso sa mesa saka siya humalukipkip. Mataman
akong pinagmasdan ng kanyang kulay abong mga mata. Seriously, what's with the
Alphas' eyes? Levi's were blue. Kay Layco nama'y gray habang ang sa kay Alpha
Pierre ay chest nut brown.

"I never thought you're a drinker." untag niya.

Bahagyang namula ang pisngi ko dahil sa hiya. Ang dapat sana'y iinumin ko nang
laman ng glass wine ay muli kong nailapag sa mesa. Nahihiya akong

napangiti.
"Not really. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ko biglang uminom ngayon." Nahihiya
kong sagot.

He chuckled. "Maybe it's because of the wine. Luna Yngrid has a pretty good tongue
when it comes to wines."

Tumango-tango ako saka pilit ngumiti.

I doubt that. Totoong masarap ang wine na isinerve sa event pero sigurado akong
hindi iyon ang dahilan. May kung ano akong nararamdaman na nagiging rason ng
paglakas ko sa pag-inom.

"Ahm, would you mind telling me where the restroom is?" nahihiya kong sabi.

Tinungga niya ang natitirang laman ng kanyang wine glass saka tumayo. "Tara. I need
to use the restroom as well." untag niya saka nakapamulsang naglakad.

Tatanggi na sana ako pero nang makitang humalo na siya sa mga tao ay wala na akong
nagawa. Napabuntong hininga na lamang ako saka siya sinundan.

Nang makalagpas kami sa mga tao at nakarating sa hallway ay bigla na lamang siyang
tumigil sa paglalakad. Bahagya pang nauntog ang ulo ko sa kanyang likod dahil sa
biglaan niyang paghinto.

"Ba--"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lamang siyang humarap sa akin saka ako
niyakap. Ang ulo ko ay ibinaon niya sa kanyang dibdib.

"We should go..." Bulong niya.

Nangunot ang noo ko. Pilit ko siyang itinulak palayo pero nanatili ang pagkulong
niya sa akin sa kanyang bisig. Nang mag-angat ako ng tingin ay bakas ang pag-aalala
sa kanyang mga mata.
"T-teka Layco, baka maga--" Naputol muli ang sasabihin ko nang marinig ang isang
pamilyar na boses.

Sisilipin ko sana kung saan iyon nanggaling nang pilit pinigil ni Layco ang ulo ko.
Matalim

ko siyang tinignan ngunit malungkot lamang siyang umiling.

May nakita siyang ayaw niyang ipakita sa akin. May nakita siyang hindi ko dapat
makita.

May dapat akong makita...

Buong lakas ko siyang itinulak hanggang sa tuluyan akong makawala sa pagkakayakap


niya.

Halos tumigil ang mundo ko nang makita ang dalawang taong nasa dulo ng hallway.

Heather's legs were wrapped on Levi's waist. His hands on Heather's shoulders.
Levi's clothes were already ruin.

They're kissing...

They.are.kissing...

Tila may matalim na bagay na tumarak sa dibdib ko. Hindi ko magawang huminga ng
maayos. Pakiramdam ko'y lahat ng lakas na mayroon ang katawan ko ay biglang nawala.

My vision slowly become blur. The pain enveloping my heart is too much that it
feels like I want to run towards them and slap them so hard.

No... I feel the lust to kill them.

This pain is killing me. It's breaking my bones. It's killing my soul.
It's taking away the good side of me...

Kasabay ng pagbagsak ng luha ko sa sahig ay ang hindi ko napigilang paghikbi.

Biglang napalingon sa direksyon ko si Levi. Nanlaki ang kanyang mga mata at bigla
siyang napalayo kay Heather. Nagkalat sa kanyang labi ang lipstick nito.

"T-tracy..." he mumbled.

Sa unang pagkakataon, nandiri akong marinig na banggitin niya ang pangalan ko.

Unti-unting kumuyom ang aking mga kamao. I took a step backward when he started
walking towards me. My jaw clenched as I finally managed to turn my back on him.

Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko nang hinawakan niya ang aking braso.
Isang malakas na sampal ang idinampi

ko sa kanyang pisngi. Tila ikinagulat niya ang ginawa ko. Hindi siya kaagad
nakagalaw.

"You disgust me." Mariin kong sabi saka pilit binawi ang braso ko pero lalong
humigpit ang pagkakahawak niya.

Lalo akong napaiyak nang bigla niya akong niyakap. Buong lakas ko siyang itinutulak
palayo sa akin pero masyado siyang malakas. Pinaghahampas ko ang kanyang dibdib
habang walang tigil ang luha ko sa pagpatak. Ni minsan, hindi pa ako nasaktan ng
ganito. It's melting every strength I have.

"Let me go you son of a bitch! Sinungaling ka! Sinungaling!" Sigaw ko sa kanya


habang pilit kumakalas sa kanyang yakap. Halos hindi ko na maintindihan ang sarili
kong mga salita dahil sa hindi mapigilang paghikbi.

Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha habang pilit akong nilalapit
sa kanyang dibdib para yakapin.
Wala siyang karapatang masaktan. Niloko niya ako. Pinaniwala niya ako sa isang
kasinungalingan. Wala siyang puso.

"It's not what you think. Please, I'm begging you, I love you. Hear me out. Tracy
please." Tila nagmamakaawa niyang sabi saka muli akon niyakap.

Napahagulgol na lamang ako habang wala pa ring tigil sa pagtulak sa kanya palayo.

Mayamaya'y isang malakas na braso na ang humila sa akin palayo sa kanya. Hindi ko
alam kung sino iyon. Basta ko na lang ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib at
doon umiyak. Wala na akong pakeelam. Nasasaktan ako. Iyon lang ang tanging alam ko.

"Let.her.go." puno ng galit na sabi ni Levi ngunit imbis na bitiwan ako ay lalong
humigpit ang yakap ng lalake sa akin.

"No, Levi. Can't you see how hurt she is? Leave her alone. Hayaan mo muna siya. Ako
nang bahala sa kanya." untag ng lalaki. It's him. It's Layco.

"No! She needs to hear me out! Get your fucking hands off her!" umalingawngaw ang
malakas na sigaw ni Levi.

Mayamaya'y naramdaman ko ang tila pagsugod niya kay Layco ngunit kasunod nito ay
ang pagbagsak ng mabigat na bagay sa sahig.

"Let me go! I need to talk to her!" singhal niya. Unti-unti kong inangat ang mukha
ko para tignan siya.

Nasa sahig na si Levi at pilit pinipigil ni Alpha Pierre, Hank, at Baron.

"Calm down, son. Calm down." Ani Alpha Pierre ngunit unti-unting nagbago ang mga
mata ni Levi. Tumilapon si Hank at Baron sa lakas ng pagtulak ni Levi sa kanila.

Punong-puno ng galit ang kanyang mga matang nakatitig sa amin ni Layco. Nagsisimula
nang magbago ang kanyang itsura ngunit mayamaya'y biglang lumapit sa kanya si Luna
Yngrid. Natigilan ang lahat nang bigla siya nitong kinagat sa leeg. Ilang saglit
lang ay tuluyan nang bumagsak si Levi sa sahig.
"I'm sorry, son but you need to calm down." Ani Luna Yngrid saka pinunasan ang dugo
sa kanyang labi.

Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata nang balingan niya ako. Kaagad siyang
lumapit sa akin at niyakap ako.

"I'm so sorry, dear. I'm so sorry." untag nito habang hinahaplos ang aking buhok.

Lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa aking ibabang labi. Natutop ko ang aking bibig
dahil sa hindi mapigilang paghikbi.

Nang tignan ko ang wala nang malay na si Levi ay lalo akong naiyak. Kaagad kong
iniwas ang tingin ko. Ni minsan ay hindi pa nawasak ang puso ko ng ganito.
Nakakapanlambot ang sakit na bumabalot sa akin. Sakit na hindi ko inakalang posible
ko palang maramdaman.

He lied...

Just when I finally found myself falling for him, he chose to betray my heart...

He broke my heart like nobody else has ever done before.

=================

Chapter 23

Chapter • Twenty Three

Sabi nila, sa unang tatlong araw ng pagiging broken hearted, normal lang na umiyak
at magmukmok. Kapag sumobra na, hindi na normal na bigla ka na lang mapapaiyak
kapag maiisip mo siya.

Then I guess I'm no longer normal. It's been a week. Ni hindi na ako nakakapasok
dahil iniiwasan ko siya. Ayaw ko siyang makita dahil sa tuwing nakikita ko ang
mukha niya, bigla na lang pumapasok sa isip ko ang itsura nila ni Heather.
My vision went blur once again. Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako umikot para
dumapa. Pagod na pagod na akong umiyak. Sa tuwing naiisip ko kung paano niya akong
titigan sa mga mata, kung gaano akong nawawala sa sarili kapag lumalapat ang labi
niya sa labi ko,kung papaano niyang naipaparamdam sa aking ligtas ako sa mga bisig
niya, lalo lang akong nasasaktan. Everything was a complete lie... And I'm so
stupid to think he really liked me.

Yumakap ako sa unan saka doon ibinaon ang mukha ko. For these passed few days, ang
unan ko ang naging saksi sa dami ng luhang pumatak para sa kanya. Sa lalaking
nagparamdam sa akin ng kakaibang saya pero sa huli ay iniwan lang din ako sa ere
para makipaglampungan sa iba.

I guess in real life, there's no such thing as happily ever after. Ang lahat ay
hanggang once upon a time lang.

Nang gabing mangyari iyon ay nakiusap ako kina Alpha Pierre kung pwede akong
makauwi na. Sa tuwing nakikita ko ang matamis na ngiting mayroon sa labi ni
Heather, lalo lang nagliliyab ang galit ko.

Mabuti na lang at may mga maliliit silang bangkang dala. Ipinahatid nila ako sa
isang

pahinante kasama si Hank. Siya na ang nagprisintang maghatid sa akin. Magmula no'n
wala na akong ibang ginawa kun'di ang umiyak. I never felt this broken my whole
life. Triple ang sakit na pinaramdam niya sa akin kumpara sa sakit na naramdaman ko
nang bitiwan ko si Rouge.

Kaagad akong nagtalukbong nang marinig ang kaluskos mula sa terrace. Tanging ang
maliit na siwang lamang ng kumot ang naging daan para makita ko ang paligid.

Mula sa liwanag na nagmumula sa labas, naaninag ko ang kanyang anino sa puting


kurtinang itinakip ko sa glass door ng balkonahe.

Gabi-gabi, sa nakalipas na isang linggo, palagi siyang naroon. Uupo sa sahig at


isasandal ang likod at ulo sa salaming pintuan. Pilit makikiusap na pakinggan ko
siya. Mananatili roong nakaupo, tahimik, umiiyak. Aalis lang pagsapit ng umaga.
Hindi niya magagawang pumasok dahil pinuno ko ng wolfsbane ang aking silid.
Pinalagyan ko rin kay Elliot ng silver ang pinto.

Gaya ng nakagawian niya, umupo siya sa sahig saka isinandal ang likod sa salaming
pinto. Hindi siya nagsasalita. Nanatili lamang siya roong nakaupo.
Napagod ka na bang makiusap na pakinggan kita? Pagod ka na bang manuyo? Kasi ako
pagod na... Pagod na akong masaktan at umiyak ng dahil sayo.

Muli kong naramdaman ang pamumuo ng aking luha pero sa tuwing unti-unting bumibigay
ang puso ko para bigyan siya ng pagkakataon, bigla akong pinipigil ng utak ko at
ipapakita sa akin ang eksenang gusto ko nang kalimutan.

Tumalikod ako mula sa balkonahe. Hindi ko siya kayang tignan kahit anino lamang
niya ang nakikita ko. Hindi ko pa kayang harapin siya. Masyado pang sariwa ang
malaking sugat na iniwan niya sa puso ko.

"It's been a week..." He muttered in a broken tone. Isang malalim na buntong


hininga ang pinakawalan niya. "It's been a week, Tracy. I know I've hurt you. I've
hurt you so much that I wanna kill myself for making you feel that way..." tuluyan
nang nabasag ang kanyang boses.

Napapikit ako saka mariing kinagat ang ibabang labi para pigilin ang sariling
humikbi.

"I know, until now, you can't afford to give me a chance to explain myself... Pero
parang awa mo na..." Bakas ang kanyang pag-iyak sa kanyang boses. "Isang sulyap
lang. That's all I need right now. I'm loosing my mind, Tracy... I badly want to
see even a glimpse of you, luv... Please."

Tuluyan na akong napahikbi nang marinig ang sinabi niya. Lalo kong ibinaon ang
aking mukha sa unan para pigilang marinig niya ang pag-iyak ko.

Sumasakit ang dibdib ko at sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Nakikita ko ang
kanyang mukha. Bakas ang matinding lungkot sa kanyang mga mata. Puno ng sakit at
galit sa sarili ang kanyang puso.

You deserve it...

Muling namayani ang galit sa aking puso nang biglang pumasok sa isip ko ang eksena
nila ni Heather. Magmula sa kung paanong pumulupot ang mga hita nito sa kanyang
bewang, sa kanyang magulong damit, hanggang sa kung paanong nagdikit ang kanilang
mga labi.
Every detail of that image is like a sharp blade that cuts my heart into thousands
of pieces.

Tumayo ako saka tumakbo papasok ng banyo. Nang tuluyang lumapat ang pinto ay
nanlambot na ng tuluyan

ang mga binti ko. Napaupo ako sa malamig na sahig ng banyo saka yumakap sa aking
mga tuhod.

Gusto ko nang matapos 'to. This pain is too much. Pakiramdam ko'y hindi ko na
kakayanin pang maranasan itong muli.

Mayamaya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Narinig ko ang mga yapak
na patungo sa terrace kasunod ay ang pagbukas ng glass door.

Natataranta akong napatayo saka bahagyang binksan ang pinto para makasilip.

Sa terrace ay nakita ko si Papa. Nakaharap siya kay Levi na ngayon ay nakatayo rin
sa harap niya. Tila kulang ito sa tulog. Namumula ang kanyang mga mata at tila
napapabayaan na niya ang kanyang sarili. Tumutubo na ang bigote at balbas sa
kanyang mukha. Bakas ang matinding lungkot sa kanyang madilim na ekspresyon.

"Nakapaghintay ka ng labing-anim na taon. Kung mahal mo talaga ang anak ko,


makakaya mo pang maghintay ulit hanggang sa maging handa siyang makausap ka at
pakinggan kung anuman ang gusto mong sabihin. Sige na, umuwi ka na at magpahinga."

Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Papa. Matapos ang halos dalawang linggong
hindi niya pagkibo sa akin, akala ko ay wala na siyang pakeelam sa kung anumang
nangyayari sa buhay ko pero mali ako. He's aware of everything.

Papa...

Bumagsak ang mga balikat ni Levi. Napasinghap ako nang malungkot siyang napalingon
sa direksyon ko. Kaagad kong isinara ang pinto saka sumandal rito. Muli na namang
kumirot ang puso ko. Punong-puno ng lungkot ang mga mata niyang dati ay tila
palaging nakangiti.
Pinalis ko ang luha sa aking pisngi nang marinig ang paghakbang ni Papa palapit sa
pinto ng banyo.

"Tracy.

Pwede ka nang lumabas diyan." dinig kong sabi ni Papa.

Unti-unti kong pinihit ang doorknob saka ibinukas ang pinto. Hindi ko na napigilan
ang paghikbi nang makita ang puno ng awang tinging ipinukol sa akin ni Papa. Para
akong batang tumakbo palapit sa kanya at yumakap. Sobra kong namiss ang taong
laging nasa tabi ko kapag pinanghihinaan ako ng loob.

Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Tahan na. Magiging maayos din ang lahat."

Pilit kong pinigil ang sarili sa paghikbi. Hinawakan ni Papa ang magkabila kong
balikat saka ako pilit ihinarap sa kanya.

Sa loob ng napakatagal na panahon, ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Papa.


Kung kailan kailangang-kailangan ko pa siya para pagkunan ng lakas ng loob.

"Makinig ka sa'king mabuti, kung nasasaktan ka pa, umiyak ka lang. Mauubos din 'yan
pero huwag mong kakalimutan ang buhay mo dahil lang natisod ka. Naintindihan mo ba
si Papa?" makahulugan niyang sabi.

Pilit kong pinalis ang luha sa magkabila kong pisngi saka ako tumango.

Muli niya akong niyapos ng napakahigpit. Mayamaya'y mahina niyang tinapik ang likod
ko bago kumalas sa pagkakayakap.

"Sige na, magpahinga ka na. Matutulog na rin ako. May trabaho ka pa bukas. Ang
mabuti pa'y kesa magmukmok ka rito, abalahin mo na lang muli ang isip mo." untag
niya.

Tumango lamang ako bilang tugon bago pilit na ngumiti. Tama si papa. Mas mabuting
may umokupa sa isip ko para hindi ko na naiisip ang nangyari.

--
Kinabukasan ay pilit kong isinubsob ang sarili sa trabaho. Hindi katulad noong mga
nakaraang araw, walang Levi na sumulpot sa opisina at nagmamakaawang pakinggan ko.
Bukod kay Tina,

wala na akong ibang kinausap. Ang buong atensyon ko'y itinuon ko sa aking trabaho.
Maging ang mga nakaschedule for next week's report ay tinapos ko.

Naibaba ko ang ballpen sa mesa nang maramdaman ang sakit ng mata ko. Sumandal ako
sa backrest ng swivel chair saka naghilot ng sintido. Masyado kong isinubsob ang
sarili sa trabaho ni hindi ko na namalayang triple na ng kaya kong gawin sa isang
araw ang natapos ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para sandaling makapagrelax

Mayamaya'y isang katok mula sa glass door ang pumukaw sa atensyon ko. Bahagya akong
natigilan nang makita ang lalakeng nakasandal sa frame ng pintuan. Nakakunot ang
kanyang noo nang makita ang sandamakmak na wolfsbane sa buong opisina.

"Can we go for a walk?" kalmado nitong sabi habang seryosong nakatitig sa akin.

Hindi kaagad ako nakakibo. Nang mapansing diterminado siya'y napabuntong hininga na
lamang ako saka tumango.

Nang makitang kinuha ko na ang bag ko'y nauna na siyang naglakad patungo sa
elevator.

Habang papalabas ng building ay hindi ko maiwasang magtaka. Of all people, Baron is


the least person I'd expect to see after what happened. Sa gilid ng aking mata sy
hindi ko naiwasang humanga sa kanya. Most of the time ay kalmado lamang siya. Hindi
siya mahilig makipag-usap. Kung magsasalita man siya'y alam mong importanteng bagay
lang ang maririnig mo mula sa kanyang bibig.

Nakarating kami sa isang mini park malapit sa opisina ko. Nang maupo siya sa isang
bench malapit sa mga batang naglalaro ay naupo na rin ako.

Sa ilang minutong nakaupo kami roon ay walang kumibo

sa aming dalawa. Mayamaya'y prente siyang sumandal sa backrest ng upuan saka


humalukipkip.
"How are you?" Bigla na lamang niyang sabi habang abalang panoorin ang mga
naglalarong bata.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig. It's very unsual of him. Ngayon lamang
niya ako tinanong ng ganoon magmula nang magkakilala kami.

"I...I'm okay." tugon ko.

Mayamaya'y bumuntong hininga siya. "Good for you."

Tila nagpanting ang tenga ko sa narinig. Hindi ko alam kung anong gusto niyang
ipunto sa pag-uusap na ito pero kung mang-iinsulto lamang siya'y pwes wala akong
panahon.

"Bakit mo ko pinuntahan? May kailangan ka ba?" pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Ako?" Mataman niya akong binalingan. "Wala. Pero ikaw mayro'n."

Tuluyang kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

Hindi siya kaagad kumibo. Mayamaya'y muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong
hininga.

"I didn't came here because he's my Alpha nor my friend. I came here because
someone needs to tell you this. For sixteen years, walang ibang ginawa si Levi
kun'di ang isipin kung paano ka maibabalik sa buhay niya. Do you think a man as
powerful and rich as him can trade sixteen years of sacrifice just for five minutes
of pleasure? I don't think so." mariin niyang sabi. Ang kanyang tingin ay nanatili
pa rin sa mga bata.

Hindi ako nakakibo. Para bang sinampal ako ng napakalakas dahil sa narinig.

"I know Heather. She's my friend, too and I know how bitch she can be when it comes
to Levi. She'll do everything to have him. Kung totoong ginusto ni Levi ang nakita
mo noong gabing 'yon, tingin mo ba kailangan pang ipagsiksikan ni Heather ang
sarili niya kay Levi?" Napalunok ako nang biglang nabaling ang tingin niya sa akin.
Biglang bumagsak ang tingin ko sa aking mga palad. Mariin kong kinagat ang ibabang
labi ko para pigilin ang pag-iyak.

"Why are you saying this to me?" halos mabasag na ang boses ko dala ng sobrang
pagpipigil ng luha.

"Because you need to hear it from somebody else... Not from him. You love him. You
know you do. Magmula pa man noon, siya lang ang minahal mo. When you met Ember, you
saw Levi's personality on him that's why you fell for him. All these years, niloko
mo ang sarili mong mahal mo siya pero ang totoo, kahit hindi mo naaalala si Levi,
may parte ng puso mong nananatiling sa kanya pa rin... That's why what you saw that
night torn you apart. You love him so much that's why you can't accept what you
saw..." mariin nitong tugon.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko dahil sa narinig. Natutop ko ang aking bibig
nang unti-unti na akong humikbi.

Mayamaya'y tumayo si Baron at nagpamulsa. Ang tingin niya'y nanatili pa rin sa mga
bata sa playground.

"Just because he made a mistake doesn't mean he's a bad person. Second chance won't
be invented if people are perfect, Tracy. Talk to him. Listen to what he'll say,
let your heart decide if he deserves to have you in his life again. Only you can
end this..." untag niya saka naglakad palayo.

Naiwan ako roong wala nang nagawa kun'di ang umiyak.

=================

Chapter 24

Chapter • Twenty Four

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang nakatulala sa kawalan. Wala pa ring


tigil sa pagpatak ang aking mga luha. Tila walang katapusan, maging ang sakit.

What Baron told me hit me so hard. May parte ng puso kong alam kong ang paliwanag
lang ni Levi ang makakagamot.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pinaandar ang
sasakyan. Pinalis ko ang basa sa magkabila kong pisngi. Baron's right. Only I can
end this pain...

Sa labas ng mansyon ko ipinark ang sasakyan. Bakas ang gulat ng guard nang makita
akong nakatayo sa harap ng gate. Kaagad niya itong binuksan para makapasok ako.
Pilit lamang akong ngumiti bilang pasasalamat.

Napalingon ako sa balkonahe ng kwarto ni Levi. Sumasayaw ang puting kurtinang


naroon. Ang sabi ni Liezl ay hindi raw pumapasok ng opisina si Levi kaya sigurado
akong dito ko siya makikita.

Nang kumatok ako sa main door ay humahangos akong pinagbuksan ni Nana Linda. Bakas
ang matinding awa sa kanyang mga mata nang makita ako. Kaagad niya akong hinapin at
binigyan ng mahigpit na yakap. Muli na namang namuo ang mga luha ko.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Nag-aalala na kami sa kalusugan ni Alpha.


Hindi siya lumalabas ng kanyang silid. Ang pagkain niya ay hindi rin niya
nagagalaw. Palaging may kumakalabog mula sa kwarto niya na parang tumitilapong
gamit sa pader at sahig." naiiyak nitong sabi nang kumalas sa yakap.

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. "Maaayos din po 'to.
Pupuntahan ko po muna

siya." Pigil ko ang pag-iyak na sabi. Masaya namang tumango ang matanda.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko habang paakyat ako ng hagdan. Sandali
akong natigilan nang tuluyan ko nang marating ang tapat ng kanyang pinto.

Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko nang muling nagbadya ang mga luha ko sa
pagpatak. Humugot ako ng malalim na hininga bago dahan-dahang inikot ang doorknob.

Tumambad sa akin ang madilim na silid. Tanging ang liwanag lamang sa halos
papalubog nang araw ang siyang nagbibigay ng liwanag sa lugar. Nagkalat sa buong
kwarto ang mga basag na gamit. Marahan akong humakbang sa bawat madaanang piraso ng
mga ito. Nabalot ng pag-aalala ang puso ko nang makita ang bakas ng dugo sa basag
na salamin. Nang mabaling ang tingin ko sa gilid ng kamang nakaharap sa balkonahe
ay tila muling tinarak ng matalim na bagay ang puso ko.
Nana Linda was right. Nakaupo siya sa gilid ng kama at tila nakatitig sa kawalan.
Ang isang binti niya'y nakatupi habang ang isa'y nakaunat sa sahig. May mantya ng
dugo ang kanyang puting t-shirt. Bagsak ang medyo humaba niyang buhok. Halatang
kulang siya sa tulog at pagkain. Matamlay ang kanyang balat na tila hindi rin
nakakatikim ng init ng araw.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko nang maupo ako sa kanyang tabi. Pilit kong
pinigil ang mga luha ko sa pagpatak nang marahan kong pinunasan ang luha sa kanyang
pisngi.

Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang kamay niya. Ang pagkakakuyom nito'y
unti-unting nawala.

"H...handa na akong makinig." untag ko habang pilit pa ring pinipigil ang luha sa
pagpatak.

Napalunok siya saka

hinilamos ang isang kamay sa kanyang mukha. Muli na namang lumandas ang luha sa
kanyang pisngi nang mabaling ang malungkot niyang mga mata sa akin.

"I swear to God, Tracy..." he muttered in a broken tone. Kasabay nito ay ang
tuluyang pagragasa ng kanyang luha. "I will never... Do anything to break your
heart."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pilit kong pinipigil. Isang impit na hikbi ang
tuluyang kumawala sa aking bibig.

"She said she wants to tell me something important. Niyaya niya ako sa part na 'yon
ng yate. Pagdating namin do'n bigla na lang siyang umiyak at sumampa sa railing.
Hindi niya na raw kaya ang pananakit ko sa kanya... I begged her to calm down. Nang
lumapit ako para hilahin siya paalis ng railing, bigla na lang siyang yumakap
sa'kin. Pilit niyang pinulupot ang legs niya sa bewang ko. I swear, pilit ko siyang
hinawakan sa balikat para itulak palayo no'ng bigla niya na lang akong hinalikan.
Do'n kayo dumating..."

Kinuha niya ang kamay ko saka iyon inilagay sa kanyang pisngi. Lalo lang akong
naiyak dahil sa ginawa niya.

"I'm begging you... Please, maniwala ka sa'kin. Mababaliw ako kapag nawala ka ulit
sa buhay ko." tuluyang nabasag ang kanyang boses.
Hindi ko magawang magsalita. Sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay ang mga hikbing
pilit kong itinatago ang lumalabas.

A weak smile made it's way to my lips. Sandali siyang natigilan nang bigla na
lamang akong yumakap sa kanya. Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang balikat at doon
na tuluyang umiyak.

Lalong tumindi ang pagragasa ng luha sa magkabila kong pisngi nang unti-unting
pumulupot

sa bewang ko ang kanyang mga braso para mahigpit akong mayakap.

I felt something heavy was pulled out from my chest. Guminhawa ang pakiramdam ko
habang tumatagal na nakayakap ako sa kanya. Nararamdaman ko ang malalalim niyang
paghinga, naririnig ko ang tibok ng puso niya, nagiging komportable ako sa mga
bisig niya.

Mayamaya'y kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. He gently wiped away my tears with
his thumb. Unti-unti nang umaliwalas ang kanyang mukha.

Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha saka
niya pinagdikit ang aming mga noo. Napapikit na lamang ako nang tuluyang maglapat
ang aming mga labi. His kisses were longing and deep. I never thought I'd miss
kissing someone like this. Feels like all my sorrows suddenly melted the moment I
kissed him back with all of my heart.

I hooked my arms on his neck when his hands found my legs. I wrapped my legs on his
waist. His arms supported my back when he stood up. Maingat niyang inilapat ang
aking likod sa malambot na kama.

When our lips parted to catch some air, marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.

My Levi... Hindi ko na alam kung kaya ko pang ituloy ang buhay ko kapag nawala ka.

"I love you, Tracy..." he said, almost a whisper. His blue eyes staring directly
into mine.
Pagod akong ngumiti. "I love you, too, Levi..." Tuluyang pumatak ang aking mga
luha.

Tila nagningning ang ksnyang mga mata sa narinig. Unti-unting bumaba ang kanyang
mukha hanggang sa muli niyang

maangkin ang aking mga labi. His kisses are now deeper and hungry. Feels like my
sanity was driven away with every movement of his lips. His hands started exploring
my body. Tila may sariling isip ang mga palad kong naglakbay patungo sa kanyang
matipunong dibdib.

His lips found it's way to my jaw down to my neck. The way his lips touched my skin
makes me ask for more.

I let out a low moan when his hand slid inside my shirt and found my mountains.
Sandali siyang tumigil sa paghalik sa akin para alisin ang kanyang pang-itaas. His
broad chest and perfect tummy now on its full glory. Mayamaya'y sinalat na niya ang
laylayan ng aking blouse. Marahan niya itong iniangat hanggang sa tuluyan itong
nahubad. Before I can even mutter a single word, he claimed my lips once again.
Unti-unting bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib. My body arched when he
finally found one of them. His other hand made it's way to my back to unhook my
bra. My mountains now on display.

Another moan left my lips when he started carressing it while his busy licking the
other. Humigpit ang hawak ko sa comforter at doon kumuho ng lakas.

Slowly, our clothes started leaving our bodies until there's nothing left to cover
us but the thin gray sheet.

Levi's eyes stared at me lazily. A sweet smile was written on his lips when he
finally parted my legs. I bit my lower lip when I felt his shaft trying to make
it's way inside my jewel.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. "This is my first time..."

A weak smile made it's way to his lips. He rested his forehead on mine. His heavy
breathing filtered in my half open mouth. "I know, luv... Coz no one's allowed to
touch you but me." bulong niya saka muling hinalikan ang aking mga labi.

Unti-unting nawala ang takot ko dahil sa kanyang mfa halik. Pleasure enveloped me
until I felt the searing pain in between my thighs. Isang hikbi ang tuluyang
kumawala sa bibig ko.

"Shhh... It's gonna be okay, I love you." Levi whispered before claiming my lips
once again. Slowly, as his body started moving, the pleasure finally overpowered.
My grip on his arms became tighter. Low moans left my lips when I felt something
inside me. Feels like we both want to reach something. His rythm became faster. His
kisses got deeper.

Pleasure finally enveloped me when we both reached the climax. Levi burried his
face on my shoulder. His heavy breathing fanned my bare skin. Beads of sweat
trailed from my forehead. Napapikit ako nang muli niyang hinalikan ang aking labi
bago siya humiga sa aking tabi. Kinuha niya ang aking braso saka ako pinahiga sa
kanyang dibdib. Pakiramdam ko'y bigla akong inantok nang marahan niyang hinaplos
ang aking buhok.

Tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko nang hinalikan niya ang tuktok ng aking
ulo. It feels so good to rest on his shoulder. Pakiramdam ko'y ligtas ako hangga't
kasama ko siya... Hangga't akin siya.

"I will never let you go again, luv... You're officially mine." bulong niya saka
muling hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Yes, Levi... I'm officially yours.

=================

Chapter 25

Chapter • Twenty Five

Naikurap-kurap ko ang mga mata ko nang tumama ang sikat ng araw sa aking mukha.
Papasikat pa lamang ito at tumatagos ang liwanag nito sa salaming bintana.

Maingat akong umikot nang maramdaman ang mabigat na brasong nakapulupot sa aking
bewang. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang natutulog na si Levi. Maingat
kong dinampian ng halik ang dulo ng kanyang ilong bago ako tumayo.
Naghilamos muna ako at nagsipilyo sa banyo bago tuluyang lumabas ng silid.

Halos dalawang linggo na rin magmula nang maging maayos ang lahat sa amin. Tuwing
weekend ay sa mansyon ako namamalagi. Minsan naman kapag weekdays ay si Levi ang
nagpupunta sa bahay at doon natutulog. Ilang beses na siyang naabutan ni Papang
natutulog sa tabi ko. Noong una akala ko'y magagalit siya pero kahit na hindi niya
pa rin kinikibo si Levi, wala naman siyang naging kumento tungkol sa relasyon
namin.

Habang pababa ng hagdan ay itinali ko ng mataas ang aking buhok. Matamis ang
ngiting ibinungad sa akin ni Nana Linda nang makarating ako sa kusina.

"Good morning po." bati ko sa matanda saka ako dumiretso sa ref saka naglabas ng
fresh milk. Nagsalin ako sa baso saka muling ibinalik ito sa ref.

"Magandang umaga rin, hija. Ikaw na ba ang maghahanda ng almusal ni Alpha?"


nakangiti nitong tanong.

Tumango ako saka pinunasan ang natirang gatas sa gilid ng aking labi. "Opo. Gusto
raw ni Levi ng fried rice at omelet." tugon ko.

Ngumiti lamang si Nana Linda saka ininom ang natitirang kape sa kanyang tasa
pagkatapos ay inilapag na niya ang tasa sa lababo para hugasan.

"Oh siya sige.

Magsisimula na ako sa trabaho. Maiwan na kita riyan." paalam nito bago mahinang
tinapik ang balikat ko saka tuluyang lumabas ng kusina.

Nang maiwan na akong mag-isa'y kumuha na ako ng itlog at iba pang kailangan para sa
lulutuin ko. Patapos na ako sa pagsasangag ng kanin nang marinig ko ang mga yapak
na pababa ng hagdan.

Gising na siya...

Napangiti ako nang maramdaman ang pagyakap ni Levi sa akin mula sa likod. Marahan
niyang hinalikan ang aking balikat pagkatapos ay ang aking pisngi. "Good morning."
bulong niya sa aking tenga.
His chin rested on my shoulder. Hinarap ko ang mukha ko sa kanyang pisngi saka iyon
dinampian ng halik. "Good morning, luv."

Matamis siyang napangiti nang narinig ang sinabi ko. Lalo pang humigpit ang
pagkakayakap niya sa akin.

" Matatapos na akong magluto. Hintayin mo na ako sa counter." untag ko.

Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Dumiretso muna siya sa lagayan ng mga tasa
saka nagsalin ng kape bago siya dumiretso sa counter at matamang naghintay para sa
almusal gaya ng nakasanayan.

Habang nag-aalmusal ay napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Levi. Nitong


mga nakaraang araw ay napansin ko ang pagiging problemado niya. Hinawakan ko ang
kanyang kamay saka marahan itong piniga. Biglang nabaling ang tingin niya sa akin.

"You have to tell me what's bothering you or else I won't talk to you all day."
Nagtaas ako ng kilay.

Napabuntong hininga lamang siya saka ibinaba ang kutsara.

"These passed few days,

ilang deltas na nakapwesto sa borders ang napatay ng mga omega. What's bothering me
is it's impossible to take my men down with just fangs and claws. May ilang deltang
namatay dahil sa silver bullets." kunot noo nitong sabi.

"Pero gumagamit din kayo ng baril kapag lumalaban sa kanila, hindi ba? Baka gano'n
na rin ang technique na ginamit nila?" kumento ko.

Isang malalim na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan. "We use guns but not
silver bullets. Hindi namin kayang hawakan ang balang gawa sa pilak. Tingin ko ay
may ibang tumutulong sa mga omega para makapasok sa syudad. Someone's protecting
them while they're inside the city. Mabilis lang naming nahahanap ang mga omegang
nakakapasok sa city noon pero ngayon, ni isa sa kanila wala pang nahuhuli."
Problema nitong sabi.
Sandali akong natigilan. Kaya pala halos pati sina Hank at Baron ay hindi
napapakali nitong mga nakaraang araw.

Pilit akong ngumiti at muling piniga ang kanyang kamay. "Don't worry. Maaayos din
'to."

Hindi siya kumibo. Tinitigan lamang niya ako. Mayamaya'y kinuha niya ang kamay ko
saka hinalikan ang likod ng aking palad. "Thank you, luv. By the way, what's your
plan today?" untag niya bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ngayong umaga wala pa naman pero mamayang hapon magkikita kami ni Tina. May
importante raw siyang nalaman tungkol sa senior hunter." tugon ko saka muling
uminom ng gatas.

Humigop siya sa kanyang kape saka marahang pinunasan ng tissue ang gilid ng kanyang
labi.

"That's good news. Isang buwan na mula nang sinabi mo sa akin ang tungkol sa balak
ng senior pero hanggang ngayon wala pa silang

ginagawang hakbang. Silence isn't good. May hinala akong may kinalaman siya sa mga
omegang pumapasok sa city." seryoso niyang sabi.

Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig bago muling nagsalita. "Her
mysteriousness really bothers me. Nakakapagtaka talaga. Ang balita ko ay sa annual
celebration of the contract pa niya irereveal ang sarili niya."

Bahagyang kumunot ang noo ni Levi. "That's gonna be this saturday, right? Natanggap
ko na ang invitation laat thursday."

"Yeah. I don't think we should go. Hindi maganda ang kutob ko." tugon ko saka
pinunasan ang dumi sa gilid ng aking bibig.

Naihilamos ni Levi ang kanyang palad sa kanyang mukha. "We should, luv. Whatever
the senior is up to, kailangan nating malaman para alam natin ang dapat gawin.
Anyway, since you don't have any plans this morning, would you like to come with
me? May meeting ang buong pack. I think it's time for them to finally meet you.
After all, you are their Luna."
Sandali akong natigilan dahil sa narinig. "N-nakakahiya. What if hindi nila ako
magustuhan? I mean, they're probably expecting someone--"

Natigil ang pagsasalita ko nang bigla na lamang hinalikan ni Levi ang aking mga
labi. Biglang nawala ang pangamba ko sa sarili kong kakayahan dahil sa kanyang
halik.

Nang maghiwalay ang aming labi ay matamis niya ang nginitian saka niya marahang
hinaplos ang aking pisngi. "Never ever question your worth, luv. Cause nobody in
this world can replace you."

Tuluyang

napawi ang pangamba ko dahil sa narinig. Ngumiti ako pabalik sa kanya saka tumango.
"Okay, sasama ako."

Matapos maikarga ni Levi sa sasakyan ang ilang baril na ibibigay sa mga bagong
delta ay inalalayan na niya akong makapasok sa shotgun seat. Nang naisara na niya
ang pinto ay umikot na siya patungo sa driver's seat ngunit bigla siyang natigilan
nang may bigla na lamang yumakap sa kanyang braso.

Matapos ang nangyari sa yate ay hindi na muling pinalapit ni Levi si Heather sa


kanya. Tatlong linggo rin siyang hindi nakita sa Astrid kaya nakakagulat ang bigla
na lang nigang pagsulpot ngayon.

"Levi, please... Bakit ba hindi na lang ako? Mahal kita..." Pagmamakaawa nito saka
pilit hinahalikan si Levi.

Pilit siyang itinutulak palayo ni Levi pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap
nito.

"Ano ba, Heather! Leave us alone! Muntik mo nang sirain ang relasyon namin!" bakas
na ang matinding inis sa boses ni Levi pero hindi pa rin bumitaw ang higad.

Naningkit na ng tuluyan ang mga mata ko dahil sa inis. Lumabas ako ng sasakyan saka
dumiretso sa compartment. Kaagad kong dinampot ang isang riffle saka nilagyan ng
bala.

Iniangat ko ang baril saka ito itinutok sa kanya. Nagngingitngit na ang ngipin ko
sa galit.

"Bitiwan mo 'yan, akin 'yan." Nagtaas ako ng kilay.

Imbis na matakot ay lalo pa siyang yumakap sa braso ni Levi habang may matamis na
ngiti sa labi. "You wouldn't dare." Mapanghamon nitong sabi.

Lalong naningkit ang mga mata ko. Ikinasa ko ang baril saka itinutok ang pinakadulo
nito sa kanyang ulo. "Oh but I would." Mapang-asar kong sabi. "Baka nakakalimutan
mong isa akong Florendale? Don't

make yourself my first kill, bitch." untag ko habang nakatitig pa rin ng masama sa
kanya. Ang daliri ko'y kating-kati nang kalabitin ang gatilyo.

Her jaw clenched as she pierced me with so much anger. Unti-unting lumuwag ang
pagkakahawak niya kay Levi.

"Hindi pa tayo tapos, Tracy. You'll pay for this." galit nitong sabi bago
tumalikod.

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Bahagya kong ibinaba ang baril hanggang sa
tumapat ito sa lupa. Napatili ito nang kinalabit ko ang gatilyo. Ang bala ay tumama
sa mismong pagitan ng kanyang mga paa.

"You bitch!" naiiyak nitong sigaw.

Ngumisi ako nang tuluyan kong ibinaba ang baril. "I'm not afraid of you."

Nagngitngit ang kanyang ngipin sa sobrang galit. Mayamaya'y tuluyan na soyang


tumakbo paalis.

Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng braso ni Levi sa aking bewang. Itinulak


niya ang katawan ko palapit sa kanya saka niya dinampian ng halik ang aking labi.
"That's my girl... You look so hot with that gun, luv." Natatawa nitong bulong nang
maghiwalay ang aming mga labi.

Napangiti na lang din ako dahil sa narinig. Hindi ko rin inakalang kaya kong gawin
'yon.

"Tara na nga bago pa maisipang bumalik ng babaeng 'yon." untag ko. Tumango lang
siya saka kinuha ang baril sa aking kamay at ibinalik ito sa compartment.

Nang makapasok na ako sa sasakyan ay biglang tumunog ang phone ko. Sa screen ay
rumehistro ang pangalan ni Tina. Kaagad kong pinindot ang green button. Napailing
na lamang ako. Ang babaeng ito talaga,

hindi pa makapaghintay na magkita kami mamaya.

"Morning chismis na nama--"

Biglang nawala ang ngisi sa aking labi nang mapansin ang matinding takot niya.
Umiiyak siya at tila hindi mapakali.

"Tracy, please help me." umiiyak niyang bulong. Panay ang paglinga niya sa paligid.

Napaayos ako ng upo at nagsimula na ring kabahan. "Why? What's wrong?"

"T-they're gonna kill me. Ah-I, I followed my d-dad, a-and now, he's-he's dead.
Natatakot ako, please, h-help me!" humahagulgol niyang sabi.

Tuluyang namayani ang kaba ko. Si Levi ay halatang nagtaka na rin sa pinag-uusapan
namin ni Tina. Kaagad siyang umusog palapit sa akin.

"Okay, kumalma ka lang. Nasaan ka? Pupuntahan kita." Nanginginig na rin ang boses
ko.

Muli siyang humagulgol. "I don't know. Basta pa-parang abandoned b-building in the
middle of the woods. M-may nakikita akong windmill sa west part. Please, help me!
Nakatago ako sa isang kwarto. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magtago
dito. Sooner or later makikita nila ako."

Napailing na lamang ako. Ni hindi niya alam kung nasaan siya. "Okay, basta diyan ka
lang. Huwag kang gagawa ng ingay. Pangako pupuntahan kita ha? Pupunta-- fuck!"
Tuluyan ko nang nahampas ang daahboard nang maputol ang tawag. Nang sinubukan kong
idial ang number niya ay cannot be reached na ito. Lalong gumapang ang takot sa
aking dibdib.

"Anong nangyari kay Tina?" nag-aalalang tanong ni Levi.

"Sinundan daw niya si Tito Travis. Now he's dead at hinahabol siya ng mga pumatay
kay Tito. Alam mo ba kung saan may abandunadong building

sa gitna ng kakahuyan?"

Saglit siyang nag-isip. "Teka, she mentioned a windmill, right? Dalawa lang ang
windmill sa Astrid. Isa ay malapit sa rancho ng mga Grayfort at ang isa naman ay
ang malapit sa east gate. That's it! She must be there somewhere."

Kaagad na pinaandar ni Levi ang sasakyan. Mayamaya'y nagdial siya sa kanyang phone.

"Meet me at the East gate. Take Hank and Franco with you." tanging sabi ni Levi sa
kausap bago ibinaba ang tawag.

Habang nasa daan ay hindi ako mapakali. Tina knows basic self defense pero hindi
iyon sapat. We have to find her as soon as possible.

Pagdating namin sa east gate ay naroon na sina Hank. Nang makita ang pagdating
namin ay kaagad silang lumapit. Mabilis na lumabas si Levi ng sasakyan at dumiretso
sa compartment. Sumunod naman sa kanya ang tatlo. Lumabas na rin ako ng kotse at
lumapit sa kanila.

"Saan may malapit na abandoned building? Natatanaw ang windmill sa west part."
seryosong sabi ni Levi sa tatlo.

"Teka, are you sure it's a building? Baka bahay? A large old house." ani Baron.

Nabaling ang tingin sa akin ni Levi. Nang tignan ko ang tatlo ay nasa akin na rin
ang atensyon nila.
Lumunok ako bago nagsalita. "I don't know. Bakit, may old house bang malapit dito?"

Hindi sila kaagad nakakibo. Muling bumaling si Baron kay Levi. "Pre, hindi mo ba
naaalala?"

Sandaling kumunot ang noo ni Levi. Mayamaya'y tila bigla siyang may naalala. "My
aunt Cleofe's house... Malapit lang dito 'yon. It's been abandoned since--" bigla
na lamang siyang natigilan. Sandaling

nabaling ang tingin niya sa akin pero nang makita ang pagtataka ko'y kaagad siyang
nag-iwas ng tingin.

Dinampot niya ang isang riffle saka iyon kinargahan ng bala. Ganoon din ang ginawa
ng tatlo.

"Let's go. We don't have much time." ani Levi.

"W-wait, teka ano nga palang pakay natin do'n?" nagtatakang tanong ni Hank.

"Tracy's bestfriend, Tina." matipid na sagot ni Levi.

Biglang nabaling ang tingin sa akin ni Hank. "Tracy, single ba?" Nagtaas baba ang
kanyang kilay.

I let out a deep sigh in frustration. "For goodness' sake, Hank, yes! Now let's go
bago pa nila mahanap ang babaeng 'yon." untag ko.

Isang malaking ngisi ang lumandas sa kanyang labi saka nauna nang naglakad. "Kayo
naman hindi niyo kaagad sinasabi. Tara na! Ang bagal niyo."

Napailing na lamang si Baron at Franco. Ibang klase talaga si Hank.

"Huwag kang hihiwalay sa'kin." seryosong sabi ni Levi saka hinawakan ang kamay ko.
Pilit akong ngumiti saka tumango.
Sa di kalayuan ay natanaw na namin ang isang abandunadong mansyon. Para itong bahay
sa mga horror movies na napapanood ko.

Nagtago kami sa malalaking puno malapit sa bahay. Sandaling tumigil si Levi at tila
pinakiramdaman ang paligid. Unti-unting nagbago ang kanyang mga mata.

"She's alone..." untag niya saka muling bumalik sa normal ang kulay ng kanyang
mata. Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang balingan niya kami.

"This doesn't make any sense." he mumbled.

Dali-dali kaming pumasok sa abandunadong bahay. Tumakbo ako papunta sa pangalawang


palapag habang sinisigaw ang pangalan ni Tina.

"Ti! Where are you!" sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot. Pumasok ako sa isang
silid pero wala siya roon.

"Tracy! She's here!" dinig kong sigaw ni Levi mula sa silid sa kabilang dulo.
Tumakbo ako papasok doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Tina. May busal ang
kanyang bibig at nakagapos ang kanyang mga kamay. Wala siyang malay na nakahiga sa
sahig.

"Ti, wake up." Marahan kong tinapik tapik ang kanyang pisngi matapos maalis ang
busal sa kanyang bibig at ang kanyang gapos.

Unti-unting kumurap ang kanyang mga mata. Nang tuluyan na siyang magkamalay ay til
takot na takot siyang napaatras.

"Woah! Calm down! Ako 'to." untag ko. Doon lamang siya natauhan. Akala ko'y iiyak
siya pero tinitigan lamang niya kami isa-isa. Mayamaya'y muling nabaling ang tingin
niya sa akin.

"Nakilala mo ba kung sinong gumawa nito?" ani Levi. Nakatayo siya sa likod ko
habang nakahalukipkip.

Umiling si Tina. "No. May suot siyang maskara. Akala ko papatayin niya ko gaya ng
ginawa niya kay Papa pero hindi. Sabi niya may kailangan pa akong gawin para sa
kanya."

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Ano naman daw 'yon?"

Hindi siya kaagad kumibo. Muling bumalik ang tingin niya kay Levi. "He has a
message for you, Levi."

"What is it?" seryosong tanong nito.

Tumayo si Tina at lumakad palapit sa pader na may nakatakip na puting kurtina.


Natigilan ang lahat nang hinila ni Tina ang tela at tuluyang lumantad ang mensahe
sa pader na isinulat gamit ang dugo.

YOU'RE GOING TO PAY FOR KILLING HER.

=================

Chapter 26

Chapter • Twenty Six

Kitang-kita ko kung paanong dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Levi. His
jaw clenched in the most dangerous manner. Ang kanyang kamao'y unti-unting kumuyom.

The message on the wall is something I should be worried about. Napakarami nang
gumugulo sa isip ni Levi ngayon. This puzzle game with the Senior, the omega, the
one who gave me the flowers, and the one who did this must be connected.

"Narinig ko sila ni Papa. They were talking about something. A plan, I think. Hindi
malinaw dahil hindi ko sila marinig ng maayos." Ani Tina saka siya lumapit sa akin.
Bakas ang pangamba sa kanyang mga mata. "But I think my Dad was just blackmailed."

"What do you mean Blackmailed?" kunot-noo kong tanong.


"I heard him mention about the hunters. Hindi kabilang sa kahit anong angkan ng
hunters ang Senior. In fact she has no relation to any of us but the council picked
her because they were forced to. Nang sinabi ni Papa na hindi na siya tutulong sa
plano ng Senior at ibubulgar na niya ang identity nito, doon na siya pinatay ng
lalake." tuluyan nang nabasag ang boses niya.

Lumapit ako kay Tina saka siya niyakap. I know her pretty well. Hindi man sila
close ni Tito Travis, mahal niya ang papa niya.

"We need to find his body. The guy who did this took him." ani Tina nang kumalas
siya sa yakap ko. Pinalis niya ang luha sa magkabila niyang pisngi. "And the guy
mentioned a name."

Lahat ng atensyon ay biglang nabaling sa kanya maliban kay Levi na nanatiling

nakatitig sa mensahe sa pader.

"What is it?" untag ko.

"Cleofe Grimmerson..."

Nabaling ang tingin ko kay Levi nang marinig ang sinabi ni Tina. Lalong dumilim ang
kanyang ekspresyon at ang kanyang kamao'y lalo pang tumindi ang pagkakakuyom.

Humakbang ako palapit sa kanya saka hinawakan ang kanyang nakakuyom na kamao.
"Levi? K-kilala mo ba ang tinutukoy ni Tina?" mahinahon kong tanong pero hindi man
lang niya ako tinapunan ng tingin.

Mayamaya'y lumunok siya saka tumalikod. "We should go. It's not safe here." may
bahid ng matinding galit ang kanyang boses. Lahat kami ay natigilan dahil sa
nakikitang galit niya. Tila naestatwa kaming lahat sa kinatatayuan namin at
pinanood lamang siyang lumakad hanggang sa tuluyan siyang nakalabas ng pinto.

Wala na akong ibang nagawa kun'di ang magpakawala ng isang malalim na buntong
hininga. Sandali kong binalingan ang apat. "Tara na. He's right. We're not safe
here." mahina kong sabi saka lumakad palabas.
"I'm Baron, by the way." Dinig kong sabi ni Baron. Nang lingunin ko siya'y may
matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang labi habang nakatingin kay Tina. Himala?

"Tina... And you are? You look young." untag ni Tina saka binalingan ang nahihiyang
si Franco.

"Ako po si Franco. Bata pa po ako." bahagya pang namula ang pisngi nito saka
nagkamot ng batok.

Bigla namang sumingit si Hank sa pagitan ni Tina at Franco. Nakangisi itong inabot
ang kamay kay Tina.

"And I uh..." Lalo pa itong ngumisi at halos hindi na makita ang kanyang mga mata.
"Im... Inlove."

Napailing na lamang ako sa narinig. Ang tatlo pa naming kasama ay natawa na lang sa
sinabi

ni Hank.

"Oh-kay, nice to meet you, in love." Mapang-asar na tugon ni Tina saka na sumama sa
akin palabas. Isang tinginan lamang namin ni Tina at tuluyan na kaming natawa.

Pagdating namin sa mga kotse ay naroon na si Levi sa tapat ng kotse niya. Sandali
kong tinignan si Tina. Wala pa man akong sinasabi ay tinapik na niya ang balikat
ko. May pilit na ngiti sa kanyang labi. "It's alright. You guys need sometime
alone. He needs you. Dito na ako kina Inlove sasabay." untag niya saka kumindat sa
akin.

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Nang lumakad na siya papunta sa kotse ng
tatlo ay pumasok na rin ako sa sasakyan. Pagkasara ng pinto ay kaagad nang
pinaandar ni Levi ang sasakyan. Napasinghap ako nang binarurot niya ito. Masyadong
mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Napakadilim pa rin ng ekspresyong
mayroon sa kanyang mukha.

"Levi..." Tawag ko pero nanatili lamang ang tingin niya sa daan.

"Levi..." This time ay mas malakas na ng kaunti ang pagtawag ko pero hindi pa rin
siya kumibo.

"LEVI!" Tuluyan na akong napasigaw sa inis. Tila bigla siyang natauhan at naihinto
ang sasakyan. Bakas ang pag-aalala at tuliro sa kanyang mga mata nang balingan niya
ako.

"I'm so sorry..." tangi niyang nasabi.

Bumuntong hininga ako saka kinuha ang kanyang kamay. Unti-unting lumambot ang
kanyang ekspresyon dahil sa ginawa ko.

"This isn't just your fight, Levi. I'm here to help you pero kung hindi mo
sasabihin sa akin kung anong gumugulo sa isip mo, pareho lang tayong mahihirapan.
Hindi ka mag-isa... All you have to do is entrust to me your problems." untag

ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Unti-unting lumambot ang kanyang ekspresyon. Malalim ang buntong hiningang


pinakawalan niya bago ako hinapit para yakapin. Ramdam ko ang ilang beses niyang
paghinga ng malalim. Marahan niyang hinalikan ang aking noo. "I'm sorry, luv but I
don't think I should involve you in this one." untag niya bago muling umayos ng upo
at sinimulan ang pagmamaneho. Wala na akong nagawa kun'di ang manahimik.

Bumalot ang matinding katahimikan sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa


mansyon. Nauna na akong bumaba pero laking gulat ko nang matapos kong isara ang
pinto ay muli niyang pinaandar ang kotse paalis. Puno ng pagtataka ko na lamang
pinanood ang paglayo ng sasakyan hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin ko.

Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa gilid ko. Nang balingan ko ito'y bakita
ko ang nag-aalala ring si Nana Linda.

"Ano bang nangyari na naman sa batang 'yon?" untag ng matanda.

Malungkot akong napailing. "Ewan ko ho ba, Nana Linda. Gusto niyang solohin ang
problema niya."

"Aba'y hindi maganda 'yan. Ngayon lang naging ganyan si Alpha mula noong bata
siya." kumento nito nang papasok na kami ng bahay.
Sandali akong napahinto nang may maisip. "Nana Linda matagal na ho ba kayong
nagtatrabaho rito sa mansyon?"

"Oo, hija. Dalaga pa lang ako ay tagasilbi na ang nanay ko rito. Ang Alpha pa
lamang noong nagsimula akong magtrabaho rito ay si Alpha Damian, ang lolo ni Levi.
Bakit?" tugon niya.

"Kilala

niyo po ba kung sino si Cleofe Grimmerson?" deretsahan kong tanong.

Bakas ang pagkabigla sa mukha ng matanda. Kunot-noo siyang tumango. "Oo, ang
panganay sa dalawang anak nina Alpha Damian at Luna Romina."

Tila nabuhayan ako ng loob. Hinawakan ko ang kamay ni Nana Linda. "Pwede niyo po
bang ikwento sa akin ang tungkol sa kanya?"

Sandali akong tinitigan ng matanda ng may pagtataka. Mayamaya'y luminga-linga siya


sa paligid saka muling bumaling sa akin. "Sa hardin na tayo mag-usap. Ikukwento ang
tungkol sa kanya."

--

Naupo kami ni Nana Linda sa upuang kahoy ng kubo-kubo. Bumuntong hininga siya bago
nagsalita.

"Si Cleofe ang unang anak ng mag-asawa. Mabait na bata iyon at napakagiliw sa mga
tao. Mahal niya ang Astrid at ang lahat ng taong naninirahan sa syudad. Tatlong
taon ang tanda niya kay Alpha Leronel, ang ama ni Levi pero dahil hindi maaaring
maging Alpha ang isang babae, alam na ng lahat na kay Leronel mapupunta ang
katungkulan habang si Cleofe naman, sa pagsapit ng tamang edad, ay ipagkakasundo sa
Alpha mula sa ibang pack." malungkot na pagbabalik-tanaw ng matanda. Hinayaan ko
lamang siyang magkwento.

"Ngunit nang magdalaga si Cleofe, mas napalapit siya sa buhay ng mga normal.
Madalas siyang tumatakas sa mansyon para makihalubilo sa mga tao sa syudad. Doon na
niya nakilala si Rafael... Isang ordinaryong tao at pangkaraniwan sa lugar na ito.
Nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Pero ang relasyon ng normal na tao at lycans
nang mga panahong iyon ay malayo sa kung anong mayroon ngayon. Nagpapatayan ang
dalawang

grupo sa tuwing magkukrus ang kanilang mga landas kaya nang malaman ni Alpha Damian
ang namamagitan sa dalawa, pilit niya itong pinaghiwalay ngunit nang ipinaglaban ni
Cleofe ang kanilang pag-ibig at tuluyan siyang sumama kay Rafael, nagalit ng husto
ang Alpha... Napatay niya ang kasintahan ng anak."

Natigilan ako dahil sa narinig. Bakas din sa mata ni Nana Linda ang matinding
lungkot at awa para sa dating alaga.

"Nabalot ng matinding galit si Cleofe. Hindi niya matanggap ang nangyari kay
Rafael. Lumabas ang kanyang kakayahan at dala ng matinding poot, napatay niya ang
kanyang ama. Magmula noon ay hindi na muling bumalik si Cleofe sa mansyon maging
nang ang kapatid na nitong si Leronel ang humalili sa posisyon. Nagpatuloy ang gulo
sa pagitan ng hunter at lycans ngunit sa paglipas ng panahon, napagtanto ni Alpha
Leronel na walang magandang maidudulot ang patuloy na pagdanak ng dugo.
Nakipagkasundo siya sa grupo ng mga hunter at doon na tuluyang nagwakas ang
ilandaang taong alitan. Ngunit habang nagsasaya ang lahat dahil sa kasunduan, may
isang taong hindi ikinatuwa ang nangyari."

"Si Cleofe..." mahina kong sabi.

Malungkot na ngumiti ang matanda saka tumango. "Hindi niya maintindihang magkaiba
ang noon sa panahong ang ama na ni Levi ang pinuno. Hindi niya matanggap na
pagkatapos ng trahedyang nangyari sa kanila ng kasintahan, sa huli, ay magkakaayos
din naman pala ang dalawang grupo. Binalak niyang maghiganti pero hindi siya
nagtagumpay. Sa huli ay namatay din siya sa kamay ng kanyang kauri. Labing-anim na
taon na mula nang mamatay si Cleofe pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala
ko ang kanyang matamis na ngiting pilit inalis ng tadhana. Kung nasaan man siya
ngayon, sana ay masaya na siyang kapiling ang kanyang mahal na si Rafael." Tuluyan
nang tumulo ang luha ni Nana Linda.

Hindi ko mapigilang maawa. Life became unfair to her. All she ever did is fall in
love and fight for what they feel but everything came to a tragic ending. My mom
was right. Love can either make us or break us. Hindi palaging mabuti ang
naidudulot nito sa atin.

Pero sa kabila ng lahat, bakit gano'n na lang kaapektado si Levi nang mabanggit ang
pangalan ng kanyang tiyahin? Hindi kaya...

Muli kong binalingan si Nana Linda. "Nagkaroon po ba ng anak si Cleofe at Rafael?"

Sandaling kumunot ang noo ng matanda. Mayamaya'y tumango rin ito. "Walang ibang
nakakaalam ng bagay na ito kun'di ang pamilya Grimmerson pero nang mapatay ng lolo
ni Levi si Rafael, nagdadalang-tao na si Cleofe sa isang babae at isang lalake.
Kambal ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan."

"Eh nasaan po ang kambal?" kunot-noo kong tanong.

Malungkot siyang napabuntong hininga. "Nang mamatay si Cleofe, hindi na rin


natagpuan ang kanyang mga anak. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin kung
paano ba talaga siya namatay at bakit bigla na lamang naglaho ang kanyang mga
anak."

Tuluyan ko nang nasapo ang aking noo. Everything starts to make sense to me now.

=================

Chapter 27

Chapter • Twenty Seven

Kaagad pinalis ni Tina ang pawis sa kanyang noo matapos niyang ilapag ang ilang
libro ng Astrid sa mesa. Hinila niya ang upuang katabi ko saka nagpangalumbaba.

"Girl, may internet naman, bakit kailangan pang dito sa city library mo naisipang
magresearch? Tsaka ano ba kasing hinahanap mo?" untag nito habang pinapaypay ang
kamay sa sarili.

"Wala sa google ang hinahanap ko, Ti. Ang mabuti pa tulungan mo na lang akong
maghanap." tugon ko habang tutok pa rin ang mga mata sa binabasa.

Nagkamot ito ng ulo bago kinuha ang isang libro. "Ano ngang hinahanap natin? Ilang
araw ka nang nagreresearch tungkol sa tita ni Levi eh nakuha mo na naman ang info
doon sa katiwala sa mansyon, hindi ba?"

Napabuntong hininga ako nang tuluyan kong natapos ang pang-apat na libro pero wala
pa rin. Isinara ko na ito saka ako pagod na sumandal sa backrest ng upuan.
"It's not enough. I need to know more about Rafael. I think hindi Shermill ang
surname niya. Hindi ko siya mahanap sa records. Kung tatantyahin, nasa nineteen
sixty to nineteen seventy siya ipinanganak. I need to find another Rafael born
during that time." tuluyan ko nang nahilot ang aking sintido. Sumasakit ang ulo ko
dahil sa ilang araw na paghahanap.

"Diyos mio naman, Tracy! Para ka namang naghahanap ng karayom sa gitna ng


disyerto!" untag ni Tina saka napahilot sa kanyang ulo.

Napabuntong hininga na lamang ako saka dinampot ang isa pang

record book. "There's no other way. I have to do this. Kahit paano man lang, gusto
kong makatulong sa problema ni Levi."

"Kung sabagay. Kamusta na nga ba siya?" ani Tina bago kinuha ang isa pang record
book st sinimulan itong bulatlatin.

Isa muling malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "It's been a week. Hindi
ko pa siya nakikita hanggang ngayon. Kapag pumupunta ako ng mansyon, palagi siyang
wala. I think malaki ang naging epekto sa kanya no'ng mensahe sa pader. Gusto ko
siyang tulungan but looks like he wants to deal with his demons alone. Nagtetext at
tumatawag naman siya para kamustahin ang kalagayan ko. Alam ko ring dumadaan siya
sa bahay tuwing gabi dahil palaging naiiwang bukas ang balkonahe paggising ko pero
alam kong umiiwas siya sa akin dahil ayaw niyang iinvolve ko ang sarili ko rito.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit that's why I need to do this by
myself."

Malungkot na bumuntong hininga si Tina. "Hayaan mo na. Malay mo sa party mamayang


gabi magkita na kayo. Hindi pwedeng wala siya ro'n. Ang sabi ni Baron nakaplano raw
ang pagdalo ng buong pack sa annual celebration." Tila walang gana nitong sabi
habang nakatitig pa rin sa binabasa.

Sandaling nangunot ang noo ko dahil sa narinig. "Baron? Nagkakausap kayo?"

Biglang nanlaki ang mga mata niya nang balingan niya ako. Kaagad din siyang nag-
iwas ng tingin nang makita ang pagtataka sa mga mata ko. "Sa text lang naman. Ano
ka ba, huwag na nga ang lovelife ko ang pagtuunan mo ng pansin. Basta sabi niya
lahat daw sila dadalo pati si Levi." Namumula ang pisnging sabi ni Tina.

Gusto
kong mapangiti dahil sa pagbanggit niya sa salitang lovelife kaya lang mas naagaw
ng pagbanggit niya sa pangalan ni Levi ang atensyon ko.

Lalong kumunot ang noo ko. Pupunta siya pero ni wala pa siyang abiso kung
magsasabay ba kami o ano. Masyado niya nang nilalayo ang sarili niya sa akin nitong
mga nakaraang araw. Hindi ko siya hahayaang gawin 'yon.

Nabaling ang tingin ko sa nangangalabit na si Tina na ngayon ay nakakunot na ang


noo habang may tinitignan sa librong binabasa.

"Tracy, look. Ito 'yong bahay malapit sa east gate, right?" untag niya habang
itinuturo ang isang old picture ng malaking bahay. Sa harap nito ay mag-asawa at
kanilang tatlong anak. Dalawang lalaki at isang babae na mukhang nasa pito hanggang
labindalawang taong gulang.

"Oo, 'yan nga. Tignan mo nakuhanan pa 'yong tuktok ng windmill." tugon ko habang
pinagmamasdan ang litrato.

"Emily and Lucio with their children, Jackie, the eldest, Elizabeth, the middle
child, and Rafael, the youngest. Picture taken at ..." Napahinto si Tina sa
pagbabasa. Sabay kaming napatingin sa isa't-isa.

"The Walsh residence..." I muttered.

Sabay kaming napaupo ng maayos at nabitiwan ang libro sa mesa. Hindi makapaniwala
sa nabasa.

"The new senior is a Walsh, Tracy..." nakatulalang sabi ni Tina. Tila unti-unti na
rin niyang napagdudugtong-dugtong ang nangyayari.

Nasapo ko na ng tuluyan ang aking noo. "Ibig sabihin ay kamag-anak ni Rafael ang
senior. The election was a part of their plan. I think alam ko na kung bakit gusto
niyang tapusin ang contract... It's

a revenge for her brother."

Muli kaming nagkatinginan. Puno ng pangamba ang aming mga puso.


Tonight's party will be hosted by the Walsh family...

--

Humigpit ang hawak ko sa hem ng aking damit nang tuluyan kaming makapasok sa gate
ng mansyon. Napakaraming hunters at lycans sa paligid. They are all wearing classy
tuxedos and gowns matched with different designs of masks. Pinasadahan ko ng tingin
ang mga tao, nagbabaka-sakaling makita ko si Levi.

"Itext mo si Baron. Tanungin mo kung nasaan sila." untag ko kay Tina habang patuloy
hinahanap si Levi sa dagat ng mga tao.

"Sige, wait." untag niya saka huhubarin sana ang suot na maskara pero kaagad kong
pinigil ang kanyang kamay.

"Don't! Mas makakakilos tayo ng maayos kung walang ibang makakakilala sa atin."
bulong ko sa kanya.

Tumango na lamang siya saka muling inayos ang suot na maskara.

"Naka-off ang phone niya." untag ni Tina.

Mahina akong napamura saka kinagat ang ibabang labi ko. We have to do this the hard
way.

"Ang mabuti pa maghiwalay tayo. Keep your phone with you. Tawagan mo ako kaagad
kapag nahanap mo na sila." mariin kong sabi kay Tina. Tumango lamang siya bago kami
tuluyang naghiwalay.

Nagpatuloy ang paghahanap ko hanggang sa marating ko ang bungad ng mansyon. Hindi


na kasing dami ng taong nasa garden ang naroon. Karamihan sa kanila'y mga bagong
mukha para sa akin. Hindi nila suot ang kanilang mga maskara.

Nagpalinga-linga ako sa paligid habang naglalakad hanggang sa bigla na lang along


bumangga sa isang matigas na dibdib. Kaagad nahawakan ng lalake ang balikat ko kaya
hindi ako bumagsak sa sahig.
"Sorry, hindi kita napansin." untag ko habang nakatingin pa rin sa dibdib ng
lalake.

"Long time no see... Hon."

Tila biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang kanyang boses.
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mukha. Seryoso ang
tinging ipinupukol niya sa akin. Bahagya akong napaatras at hindi alam ang dapat
sabihin.

"R-rouge... Anong ginagawa mo rito?" Puno ng pagtataka kong tanong.

Isang makahulugang ngiti ang lumandas sa kanyang labi. Tila bigla akong kinabahan.
Para bang hindi siya ang kaharap ko. Ni minsan ay hindi ko pa nakita ang ngiting
iyon sa kanya noon.

Biglang nagdim ang ilaw at mula sa kinatatayuan namin, natanaw namin ang isang
peyat at mestisang babaeng nakasuot ng pulang vintage lace gown at itim na maskara
na umakyat sa mini stage. Ang lahat ng tao ay nakatutok sa kanya at sa papel na
kanyang hawak.

"Good evening, ladies and gentlemen. Welcome to our humble home. Hindi ko na
papatagalin pa. For twenty years, this piece of paper kept the lycans and the
humans from a bloody war. But tonight, it is time to end this hypocracy."

Itinaas niya ang papel at ipinakita ito sa mga tao.

Napasinghap ang lahat nang bigla na lamang pinunit ng babae ang papel. No, it's not
just a piece of paper... It's the contract!

"I, Cassandra Reyn Walsh, daughter of Rafael Walsh and Cleofe Grimmerson, the newly
assigned Senior hunter, officially end the contract between lycans and hunters..."

Pagkasabi niya nito'y unti-unti niyang inalis

ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ko nang
makita kung sino ang bagong senior.
Kasabay ng pagguhit ng makahulugang ngisi sa kanyang labi ay ang pagbagsak ng
malaking telang tumatakip sa isang estatwa sa may stage.

Tila biglang tumigil ang mundo ko nang makita ang natatakpan ng tela. Naramdaman ko
na lamang ang unti-unting pamumuo ng mga luha ko.

It's not a statue.

It's Levi... Nakagapos ang kanyang mga braso't kamay at puno ng latay ang kanyang
buong katawan. Nanghihina nitong iniangat ang kanyang ulo.

"Levi!" Tuluyan na akong napaiyak dahil sa matinding galit at awa. Kumuyom ang mga
kamao ko at tatakbo na sana papunta sa kanya nang maramdaman ko ang dalawang
lalaking humawak sa magkabila kong braso.

Umalingawngaw ang sigawan nang bigla na lamang pumasok sa mansyon ang napakaraming
omega. Ang ilang mga lycan na nagtangkang lumaban ay kaagad ding bumagsak sa lupa.
Napakaraming hunter na nakapwesto sa ikalawang palapag. Ang kanilang mga pana at
baril ay nakatutok kay Levi at sa iba pang lycan na ngayon ay nakahandusay sa lupa.

Rumagasa ang luha sa magkabila kong pisngi nang makita ang matinding panghihina ni
Levi. Awang-awa ako sa nakikitang kalagayan niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rouge na pumunta sa aking harapan. Inalis
niya ang suot kong maskara saka mahigpit na hinawakan ang aking buhok. Humarap siya
sa kanyang kapatid na si Reyn at kay Levi. Kitang-kita ko kung paanong nanlisik ang
mga mata ni Levi nang makita ako.

Tuluyang napuno ng takot at pagkagulat sa mga nangyayari ang puso ko. This is
wrong. Paanong naging si Reyn? Dapat ay isa sa mga kapatid ni Rafael! Bakit siya?
Ibig bang sabihin, si Rouge? It can't be...

Mahina siyang humalakhak saka ipinakita sa akin ang isang injection. Nagpumiglas
ako nang unti-unti niya itong inilapit sa aking leeg. Ang dalawang lalakeng may
hawak sa akin ay lalo akong pinigil sa pagwawala.

"No! What are you doing? No! Stop! Levi! Ahhh!" Tuluyan nang bumaha ang luha ko
nang maramdaman ang pagtusok nito sa aking leeg.
Nang bitawan ako ng mga lalake ay kaagad akong lumupaypay sa sahig. Tila biglang
tinakasan ng lakas ang buo kong katawan.

Hindi ako makahinga. Unti-unti na ring nanlalabo ang mga mata ko. Nanghihina akong
gumapang pero nanlalambot ang mga kalamnan ko.

Pilit kong inaninag ang pilit nagwawalang si Levi. Dinig na dinig ko ang pagtawag
niya sa pangalan ko. Puno ng galit... Ng takot...

Levi, tulungan mo 'ko...

Nabalot ng takot ang dibdib ko nang tuluyan na akong kinapos ng hininga. Sa


pagbagsak ko sa sahig ay naaninag ko ang matamang pagtitig sa akin ni Rouge.
Lumuhod siya saka marahang hinaplos ang luha sa aking pisngi.

"W-why a-are you do-doing this?" Nanghihina kong tanong, habol ang hininga at pilit
lumalaban.

Bago pa man tuluyang nagdilim ang paningin ko, narinig ko mga katagang sinabi niya.

"Because he needs to pay for killing my mother..."

=================

Chapter 28

Chapter • Twenty Eight

Everything was a blur. Wala akong lakas na itayo ang sarili ko mula sa pagkakahiga
sa malamig na sahig. Napadaing ako nang maramdaman ang kirot sa aking kanang
balikat.

His mark... My Levi's sign that I belong to him...


Pilit kong ibinangon ang aking ulo. Itinukod ko ang braso ko sa semento. Ilang
hakbang mula sa akin, natanaw ko ang isang pares ng mga paa. Pilit kong ikinurap-
kurap ang mga mata ko.

Sa upuan ay prente siyang nakaupo. Nakapangalumbaba siya habang seryosong nakatitig


sa akin. Unti-unting bumalik sa alaala ko ang nangyari.

Ang pagpunit sa contract. Ang mga omega. Ang hunters. Si Reyn at Rouge.

Si Levi... My Levi.

Tears began to blurry my vision again. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala
ang itsura niya. Kung paanong nakagapos ang kanyang mga braso at paa na tila isang
mabangis na hayop, ang mga latay sa kanyang katawang hindi naghihilom, ang pilit
niyang pagtingin sa akin kahit na hirap na hirap na siya.

Ang pagtawag niya sa aking pangalan...

"N-nasaan si Levi?" Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Pilit akong tumayo pero
muli lang din akong bumagsak sa malamig na semento. Doon ko lamang napansin ang
bagay na nakakabit sa aking binti. Pilit ko itong inaalis kahit na alam kong
imposible. Wala nang ibang tumatakbo sa isip ko kun'di si Levi.

Umalingawngaw sa saradong silid ang yapak ng sapatos ni Rouge. Lumuhod siya nang
tuluyang nakalapit sa akin. Napapitlag ako nang bigla na lamang niyang hinawi ang
ilang hibla ng buhok ko.

Umatras

ako palayo sa kanya hanggang sa tuluyan akong napunta sa sulok. Para akong sanggol
na niyakap ang sarili habang umiiyak.

"Don't be scared..." untag niya saka pilit inangat ang aking baba pero pilit akong
nag-iwas ng tingin.
Hindi ko siya kayang tignan. He's no longer the Rouge I used to know. He's nothing
but a beast in my eyes after what they did. Silang dalawang magkapatid. Sila na
tinuring kong pamilya sa loob ng mahabang panahon.

Tuluyang kumawala ang aking hikbi. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa aking
tuhod.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumayo.

"Don't you wanna know the truth?" malumanay nitong sabi.

Unti-unti kong inangat ang aking mukha para tignan siya. Puno ng galit ang tinging
ipinukol ko sa kanya. "The truth about you deceiving me?" Tuluyang nagngitngit ang
mga ngipin ko sa galit.

"The truth about the man you think is perfect..." mariin nitong sabi bago muling
humakbang pabalik sa kanyang upuan. Nanatili lamang akong nakatitig ng masama sa
kanya.

"Your Levi is a murderer. He killed his own aunt. He killed my mom. Pinatay niya
ang nag-iisang taong walang ibang ginawa kun'di ang mahalin kaming magkapatid. Do
you know why he did that, hmm? He killed my mom because of you." bakas ang
matinding hinanakit sa kanyang tono.

Natigilan ako dahil sa narinig. Unti-unting kumunot ang noo ko. "T-that's a lie..."
untag ko saka nag-iwas ng tingin.

Mahina siyang natawa. "Hindi mo ba talaga naaalala? Can't you remember the

lycan he killed for you? Just because he thought that lycan will attack you?"

Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko. Tila ilang imahe ang pumasok sa isip ko.
Ang araw na 'yon. Ang lycan... Si Levi.

"That's right. His father, MY mom's own brother, was hunting her down that day.
Hunting US down. Wala kaming ginagawa sa inyo. Nananahimik kami, malayo sa inyog
lahat pero anong ginawa ng tatay niya? Ng tatay mo, Tracy? Your father took Reyn
and I. The hunters injected wolfsbane in our bodies so that our curse will remain
dormant. Para ano? Hindi raw namin maipaghiganti si Papa? And my mom? Levi's father
tried to kill her kaya siya tumakbo. Nagkataong nandoon kayo. Wala na siyang
choice. Gusto niyang humingi ng tulong sa inyo pero anong ginawa ni Levi? He killed
her! He fucking killed her for you! Now tell me, sino ngayon ang unfair? Sino
ngayon ang hindi makatarungan? Sino ang tunay na halimaw?" Bakas ang matinding
galit sa kanyang boses.

Hindi ko magawang sumagot. I tried to open my mouth but no words want to come out.
Hindi ko alam ang dapat sabihin. Tanging pag-iyak lamang ang nagagawa ko.

"Kaya hindi mo ako masisisi, Tracy. Oo, inaamin ko. We planned everything.
Sinigurado kong mahuhulog ka sa'kin. Maging ang pag-atake ng omega sa Mt. Vermin.
Kasama ang lahat ng iyon sa plano ko." Dugtong niya. Nakakuyom ang kanyang mga
kamao at puno ng galit ang kanyang mga mata pero sa isang banda, may isang pamilyar
na parte akong nakita. Behind his anger, lies the Rouge I knew...

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi. "P-para saan?

B-bakit kailangan mong gawin 'yon?"

"Because my curse will never be activated unless it's triggered by a bite from my
relative... Levi was the only way for my curse to be reactivated. He's madly in
love with you kaya alam kong gagawin niya anumang hilingin mo... At ngayong isa na
rin akong Lycan," bigla na lamang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata.
Napasinghap ako nang sa isang iglap ay nakalapit na siya sa akin. Muling lumandas
ang luha sa aking pisngi nang hinawi niya ang aking buhok gamit ang kanyang
matatalas na kuko. Nakakabingi ang tibok ng puso ko dahil sa takot. "Magiging patas
na ang laban..." Nakangisi nitong sabi.

Napapitlag ako nang hinawakan niya ang aking binti. Bumalot ang takot sa sistema
ko. Napapikit na lamang ako saka pilit inilayo ang sarili ngunit mayamaya'y narinig
ko na lang ang pagtanggal niya sa kadenang nakakabit sa aking paa.

Puno ng pagtataka ko siyang tinignan. "B-bakit?" garalgal na ang aking boses.

Hindi siya kumibo. Tumalikod lamang siya sa akin saka dumiretso sa mesang may ilan
pang tali at kadena. Kinuha niya ang tali saka muling bumalik sa akin. Tila wala
ako sa sariling tinitigan lamang siya habang iginagapos ang kamay ko.

Lumunok ako bago nagsalita. "Minahal mo ba talaga ako? O lahat ng pinaramdam mo sa


akin noon parte ng plano mo?" Untag ko habang nakatitig sa kanya.

Hindi siya kumibo kaagad. Sandali niya akong tinapunan ng tingin. "Hindi ba dapat
ako ang magtanong niyan sayo? Kung hindi ko ba ginaya ang pinsan ko magugustuhan mo
ba 'ko? 'Di ba hindi naman? Minahal mo ako dahil nakita mo siya sa akin. Hindi mo

kailangang magkaila." seryoso niyang tugon at tila may bahid ng panunumbat.

Napaiwas ako ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kahit hindi ko aminin sa
sarili ko, alam kong totoo ang sinabi niya. Ngayong nakikita ko na ang tunay na
Rouge, unti-unti kong narerealize na simula't sapul, si Levi lang ang tanging
nagmay-ari sa puso ko. He captured my heart without me noticing it. At kahit na
ilang taon kaming hindi nagkita, kahit na hindi ko na siya kilala, ang puso ko ay
nanatiling sa kanya...

Matapos niyang maikabit ang tali ay pilit niya akong itinayo. Hawak niya ang aking
kamay palabas ng silid. Sa hallway ay napakaraming wala nang buhay na lycans. Sa
bawat isa sa kanilang nadaraanan ko, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang
utak ko'y panay ang panalanging sana wala sa mga kaibigan ko ang makita kong
nakahandusay at wala nang buhay.

Lumiko kami sa isang pasilyo. Lalong tumindi ang kirot ng peklat ko habang
papalapit kami sa isang silid. Habang lumalapit kami, unti-unti kong naririnig ang
kanyang mga pagdaing kasunod ng pagtama ng kung ano sa kanyang katawan.

Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. Ang mga luha ko'y isa-isa na namang pumatak.
Muli akong nakaramdam ng matinding takot.

Pakiramdam ko'y sandaling tumigil ang mundo ko nang tuluyan kaming nakapasok sa
silid na pinanggagalingan ng ingay na bumabasag sa puso ko.

Duguan ang kanyang ulo. Ang kanyang damit ay warak-warak na. Puno ng sariwang latay
ang kanyang katawan at nanginginig ang kanyang mga kalamnan dala ng matinding sakit
na nararamdaman.

Hindi

pa man siya nakakabangon mula sa pagkakabagsak, isa na namang paghampas ng latigo


ang tumama sa kanyang likod. Tila naupos ang lakas ko nang makita siyang bumagsak
sa sahig. Mariin siyang nakapikit at halatang pilit iniinda ang matinding sakit.

No, please. Huwag niyong gawin sa kanya 'to... Levi.

Rumagasa ang luha sa magkabila kong pisngi nang tumakbo ako papunta sa kanya. Pilit
ko siyang ibinabangon pero natatakot akong hawakan siya. Tila lahat na ng bahagi ng
kanyang katawan ay may sugat na hindi naghihilom.

"L-levi..." tuluyang nabasag ang boses ko.

Nang marinig ang boses ko'y pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Lalo akong
napaiyak nang isang pagod na ngiti ang lumandas sa kanyang labi. Pilit niyang
iniangat ang kanyang kamay saka marahang hinaplos ang aking pisngi.

"L-luv..." Nanghihina niyang bulong.

Mayamaya'y nabaling ang tingin niya sa aking likuran. Bigla na lamang niya akong
niyakap ng mahigpit. Pilit niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig habang ang mga
demonyong nasa loob ng silid ay muli siyang pinaghahampas ng latigo. Nasa sulok ako
ng pader at yakap-yakap niya. Ang mukha ko'y nakabaon sa kanyang dibdib habang ang
kanyang baba ay nakapatong sa aking ulo. Tila lahat ng lakas na natitira sa kanyang
katawan ay ibinuhos niya sa pagyakap sa akin.

Sa bawat pagtama ng latigo sa kanyang likod, damang-dama ko ang panginginig ng


katawan niya. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at magmakaawang tama na.
Hindi niya na kaya. Nanghihina na siya. Tama na!

Pilit akong kumakalas sa pagkakayakap niya. Gusto kong harangin ang bawat paghampas
sa kanya pero kahit anong lakas ng pagtulak ko, pilit niya akong ikinukulong sa
kanyang mga bisig... Sa lugar kung saan palagi akong ligtas. Sa lugar kung saan mas
naririnig ko ang tibok ng puso niya.

"Parang awa niyo na, tama na!" humahagulgol kong pakiusap pero walang nangyayari.
Walang nakikinig. Walang may pakeelam.

"Urgh!" Sa pagtama ng isang matigas na bakal sa kanyang likod ay bahagyang lumuwang


ang kanyang pagkakayakap. Aalisin ko na sana ang mga braso niya sa akin pero
mataman niya akong tinitigan na tila nakikiusap na huwag ko 'yong gawin.

"B-bakit hindi ka lumalaban?" umiiyak kong sabi.

Lalong rumagasa ang luha sa aking mga mata nang pilit siyang ngumiti. Ipinikit niya
ang kanyang mga mata saka muli akong ikinulong sa kanyang mga bisig.
"Dahil sa oras na bitawan kita, sasaktan ka nila... At hindi ko hahayaang mangyari
'yon. Kaya ko pa... Kaya ko pa." nanghihina niyang bulong sa aking tenga.

Tuluyan na akong napahikbi dahil sa narinig. Kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap


ay ang muling pagbira ng malalakas na hampas sa kanyang likod. Marahan niyang
hinaplos ang aking buhok. Napapikit na lamang ako nang dampian niya ng halik ang
tuktok ng aking ulo.

Levi... Please... Tama na.

=================

Chapter 29

Chapter • Twenty Nine

Every second feels like a lifetime. Seeing him endure all the pain just to protect
me breaks my heart into pieces.

Unti-unti nang lumuluwang ang kanyang pagkakayakap. Bakas na sa kanyang malalalim


na paghinga ang matinding hirap na pilit kinakaya.

Nag-angat ako ng tingin para titigan siya. Ang pagod niyang mga mata ay tila gusto
nang pumikit pero hindi pwede. Pinipilit niyang magtiis para lang maprotektahan
ako.

Pero hanggang kailan, Levi? Hanggang kailan mo kayang magtiis?

Kasabay ng pagragasa ng aking mga luha ay ang muli niyang pagdaing dahil sa isa na
namang palo na natanggap ng kanyang likod. Tuluyan na akong napahikbi. Ipinikit ko
ang aking mga mata. Hindi ko na siya kayang tignan pa. Lalong nawawasak ang puso ko
dahil alam kong hindi siya lumalaban dahil sa akin. Ako ang may kasalanan kung
bakit siya nasasaktan...

Bumukas ang pinto at isang pamilyar na mukha ang naaninag ko. Naningkit ang mga
mata ko nang makita ang ngisi sa kanyang labi. Malayong-malayo na ang kanyang
itsura sa kilala kong Reyn. Standing in front of me with a bunch of stupid omegas
is a coward bitch I treated as my own sister.

"Enjoying the show, brother?" Nakangiti nitong tanong kay Rouge na madilim lamang
ang ekspresyon habang nakatitig sa amin ni Levi.

His jaw clenched in a dangerous manner. Tamad itong naupo sa upuang malapit sa
mesa. "Not so much. I didn't expect this from him." Tila may bahid ng pagkadismaya
nitong tugon.

Mahinang humalakhak si Reyn saka humalukipkip. "What do you expect? He's the lover

boy of the family." Nagtaas siya ng kilay habang nakatitig sa akin. "Do it again.
Harder this time. I wanna hear screams."

Kumuyom ang mga kamao ko dahil sa narinig. My teeth grinned in fury. Sa oras na
maalis ko ang gapos ko, ako mismo ang papatay sayong demonyita ka.

Humahalakhak ang dalawang lalaki habang umaayos ng tindig at naghahanda sa muling


pagbira ng kanilang mga latigo.

Muling rumagasa ang aking mga luha sa nakikita. Tila lahat sila ay ikinatutuwa ang
nangyayari. Mga demonyong hayok sa pananakit ng iba.

Natigilan ako nang hawakan ni Levi ang magkabila kong balikat. Isang makahulugang
ngiti ang unti-unting lumandas sa kanyang mga labi. Kumunot ang noo ko sa nakikita.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-amba sa ere ng isang lalake sa
kanyang latigo. Malaki ang ngisi niya at tila sabik na ipalo kay Levi ang latigo.

Binitiwan ni Levi ang aking mga balikat. Nagtataka lang akong tumitig sa kanya pero
halos tumigil ang paghinga ko dahil sa sunod na nangyari...

Natigilan ang lahat nang makitang sinalo ni Levi ang dulo ng latigo gamit ang
kanyang kamay. Dahan-dahan siyang humarap at tumayo. Kitang-kita ko ang matinding
pagkagulat sa mukha bi Reyn nang tuluyan silang titigan ni Levi.

"P-papaanong? Half of your pack is dead!" Horror was written on her face.
Unti-unting kumurba ang labi ni Levi. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Lalong
gumapang ang takot sa kanilang mga mukha nang marinig ang pagtunog ng leeg ni Levi.

"I maybe vulnerable when I'm not with my pack but you underestimated one thing...
I'm stronger when I'm with Tracy and bringing her here is your biggest

mistake." untag ni Levi saka bumaling sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita
ang kulay ng kanyang mga mata. The burning golden-yellow sent hope in my heart.

"T-that's impossible! Kulang pa rin ang lakas mo. Your pack is--" Natigil ang
litanya ni Reyn nang umalingawngaw sa tahimik na gabi ang mga alulong.

Lalong tumindi ang ngising nakaguhit sa labi ni Levi dahil sa narinig. A sigh of
relief left his mouth. Nanlaki ang mga mata nila nang makitang unti-unting naghilom
ang kanyang mga sugat.

Mariing pinatunog ni Levi ang kanyang mga kamao. "My pack just arrived... And I
think they brought some friends." Makahulugang tugon ni Levi bago humakbang palapit
kina Reyn.

Natatarantang tumakbo si Reyn palabas. Bakas ang matinding takot sa kanyang mga
mata. Pilit niyang hinihila si Rouge palabas ngunit nanatili lamang itong nakatitig
kay Levi.

"Rouge! Ano ba! You have to protect me! My curse is still dormant!" Naiiyak sa
takot na sigaw ni Reyn sa kapatid ngunit hindi siya nito pinansin. Nanatiling
prenteng nakaupo si Rouge sa upuan. Nakatitig kay Levi at tila ikinatutuwa ang
nakikita.

Tila may kung ano akong naramdaman nang unti-unting sumilay ang makahulugang ngiti
sa kanyang labi. Mayamaya'y unti-unti itong humalakhak saka tumayo.

"Oh you have no idea how long I've waited for this day to come..." Nakangisi nitong
sabi habang matamang nakatitig pa rin kay Levi. Nakakatakot ang tinginang ibinabato
nila sa isa't-isa ngunit mas nakakatakot ang kanilang mga ngiti. May nakatagong

ibig sabihin ang mga ito.


Naiiyak na tinalikuran ni Reyn ang kapatid. "Fine! Bahala ka diyan. At kayo? Sumama
kayo sa akin. I can't die here!" Singhal nito bago nagmartya paalis.

Muling nabaling ang tingin ko sa dalawang taong naiwang kasama ko sa loob ng silid.
Unti-unting nagbago ang itsura ni Rouge. Gumapang ang matinding takot ko nang
tuluyan nang lumabas ang kanyang mga matatalas na kuko at matatalim na ngipin.

Nang balingan ko si Levi ay lalong kumurba ang kanyang labi. Unti-unti na ring
nagbago ang kanyang itsura.

"The feeling is mutual... cousin."

--

Someone's POV

Sa ilalim ng madilim na kalangitan, umalingawngaw ang kanilang mga alulong.


Isandaan sa kanila'y nakatayo sa harap ng malaking harang. Nakaguhit ang
makahulugang mga ngisi sa kanilang mga labi habang nakatitig sa kanilang mga
kalaban.

Isang alulong mula sa mansyon ang narinig nila.

Napangiti ang pinuno ng hukbong si Baron. "Alpha... Oras na."

Tila isang deklarasyon para sa mga kasama ang mga salitang binitawan niya.

"I am so gonna enjoy this." Makahulugang sabi ni Tina habang nakatingin kay Baron.
Ngumisi ito saka ikinasa ang hawak na riffle.

Nagngitngit ang ngipin ng mga omegang nakabantay sa bungad ng mansyon. Their sharp
claws and teeth are in display. Ngunit sa kanilang mga dilaw na mga mata ay
mababakas ang pangamba. Alam nilang ang kaharap nila ay hindi pa ang eksaktong
bilang ng kanilang makakaharap.

Kasabay ng isang sipol mula kay Baron, nagsilabasan ang mga tunay na anyo ng
kanyang mga kasama. Tila sabik na sabik na pumatay silang nagsisugod. Walang nagawa
ang matataas na bakot at gate sa kanilang mga liksi. Ilang segundo pa lang ang
nakalipas ay nasa loob na ang mga lycan. Nakangiting ibinukas ni Baron ang gate
para makapasok ang hunters na sumama sa kanilang grupo. Mga hunters na hindi
nagpadala sa pananakot ni Reyn.

Umatake ang mga ulupong ni Reyn ngunit sa bawat pag-unday ng mga kamay nina Baron
at pagkalabit ng hunters sa kanilang mga baril, isa-isang nagsibagsakan ang mga
omega sa lupa.

"Let's go! There's more of them inside!" Sigaw ni Baron saka tumakbo papasok ng
mansyon.

Tama na siya. Wala pang kalahati ng kanilang bilang ang dinatnan nila sa teritoryo
ng kalaban. Sa pangalawang palapag ay nakatanaw sa kanila ang pinuno ng mga omega.
May ngisi sa kanyang labi habang nakahalukipkip.

Tumaas ang kilay ni Baron nang magtama ang kanilang mga mata. "I never thought
you'd be this desperate... Heather."

Lalong tumindi ang ngiting nakaguhit sa labi ni Heather dahil sa narinig.


"Desperate people do desperate things. There's no way I'll bow down to your little
hunter. Hindi sana ito mangyayari kung ako ang pinili niyang Luna. But now, it is
already done. We might as well just enjoy this bloody night, shall we?"

Kasabay ng pagpalakpak ni Heather sa kanyang mga palad ay ang paglabas ng mas


marami pang omega. Napalibutan nila ang hukbo ni Baron ngunit bakas pa rin ang
paninindigan sa kanyang mga mata.

Ipinilig

niya ang kanyang ulo at pinatunog ang kanyang leeg. Makahulugan niyang ginantihan
ang titig ng dating kaibigan. "Oh I will surely enjoy this."

Kasabay ng pagngisi ni Baron ay ang tuluyang pag-atake ng grupo ng mga omega. Si


Heather ay nanatili lamang sa pangalawang palapag. Pinagmamasdan ang patayang
nagaganap sa ibaba.

Isang omega ang sumungab kay Baron. Bumagsak siya sa lupa saka pilit inilalayo ito
sa kanya ngunit may isa pang tumakbo palapit sa kanya. Pinagtulungan siya ng
dalawang patayin.
Umalingawngaw ang putok ng baril. Kasunod nito'y ang pagbagsak ng dalawang omega sa
lupa. Nabaling ang tingin ni Baron sa babaeng nakatayo ilang metro mula sa kanya.
Hawak ang baril na pumatay sa mga omega, makahulugan itong ngumisi.

"You can't die yet. We have a date this Saturday." Nakangisi nitong sabi saka
kumindat kay Baron.

Napailing na lamang si Baron sa narinig. Muli siyang bumangon at itinuloy ang


pakikipaglaban. Sa isang saglit na pag-atake, isang dosena kaagad ang kanyang
napatay.

Muli siyang napatingin sa dating kaibigan. Nakaguhit pa rin ang matinding ngisi sa
labi nito. Isa muling palakpak at nagsilabasan na naman ang napakaraming omega.
Tila hindi sila nauubos kahit na napakarami nang napatay ng kanyang grupo.

Pinasadahan ng tingin ni Heather ang grupo ni Baron. Halos ang kalahati nito'y
bumagsak na sa lupa. Marami na rin silang tama sa katawan.

"They won't last any longer..." Untag nito sa bagong dating na si Reyn.

Nilibot din nito ang kanyang mga mata sa ibaba. Bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Wait, something's wrong..." she mumbled. Nabaling ang tingin sa kanya ni Heather.

"Oh my God, Heather. What are you, a pea brained bitch? Can't you see who's not
with them?!" Singhal nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Heather. Muli niyang ibinalik ang tingin sa
ibaba. Tama si Reyn. Someone's not with them.

Baron's twin brother... Hank. They never let one of them fight alone. Kaya sila
naging Beta pareho dahil ang isip nila'y iisa pagdating sa labanan.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa naisip ngunit ilang sandali lang matapos niyang
mapagtanto ang pwedeng nangyari ay ang kalaban na mismo ang kumumpirma nito.
Mula sa paligid ng mansyon, nagsipasok ang mas maraming lycan at hunters. Sa dulo
ng pasilyo ay natanaw niya si Hank na pinagpapapatay ang lahat ng omegang kanyang
nadadaanan. Puno ng galit ang mga mata nito.

Ang grupo ng lycans mula sa mga karatig na syudad ay kasama ng kanyang mga dating
kaibigan. Ilang mukha ang nakilala niya. Si Layco na hindi pabor sa pagiging civil
ng hunters at lycans, ang mag-asawang Pierre at Yngrid na ni minsan ay hindi pa
nakisawsaw sa mga digmaan ay narito at lumalaban, si Pearce na alpha ng Galum na
may hindi magandang relasyon kay Levi, narito ngayon kasama ang kanilang sari-
sariling pack, lumalaban para sa Astrid.

Simple siyang napangiti. She never saw Hank this way before. Doon niya nakita ang
pagiging magkambal ng dalawa. Pareho silang walang puso pagdating sa labanan.
Malayo sa masiyahing Hank na kilala niya.

Bago pa man makaabot sa kanya si Hank ay tumakbo na siya paalis kasama ang ilan
pang omega. Hindi pa niya nagagawa ang kanyang balak. Hindi pa siya maaaring
mamatay.

--

Habol ang kanilang

mga paghinga, matalim na nagkatinginan si Rouge at Levi. Sa isang sulok ay ang


umiiyak na si Tracy. Pilit na nagmamakaawang itigil na ng dalawa ang patayan.

Ngunit wala sa dalawa ang gustong magpatalo. Nagngingitngit ang kanilang mga
ngipin. Punong-puno ng galit ang kanilang mga mata.

Muling sumugod si Rouge. Tumalsik silang dalawa palabas ng silid. Umalingawngaw ang
palahaw ni Tracy nang makita ang pagtama ng matatalas na kuko ni Rouge sa dibdib ni
Levi.

"Tama na! Please itigil niyo na 'yan!" humahagulgol niyang pakiusap pero sarado ang
isip ng dalawa. Ang tanging gusto lang nilang gawin ay wakasan ang buhay ng bawat
isa.

"You killed my mom!" singhal ni Rouge saka binuhat si Levi at ihinagis mula sa
pangalawang palapag. Natigilan ang lahat nang bumagsak siya sa lupa. Kasunod nito'y
ang pagtalon ni Rouge pababa upang muli itong sugurin.

Kaagad tumakbo si Levi papunta kay Rouge. Ilang suntok ang natanggap nito mula sa
kanya. Puno ng galit ang kanyang mga mata ngunit may parte ng kanyang puso ang
nakakaramdam ng awa. Mahigpit niyang hinawakan sa leeg ang pinsan.

"Your mother killed several innocent people. She tried to kill Tracy." Mariing sabi
ni Levi.

Nagngangalit na itinulak palayo ni Rouge ang pinsan. Lalong tumindi ang galit sa
kanyang mga mata.

"Liar! Mabuting tao ang nanay ko! Kayo ang mamamatay tao!" sigaw nito saka inunday
ang kanyang mga kamay. Bumagsak si Levi sa lupa. Tila ang lahat ay natigilan at
natuon ang atensyon sa kanila.

Baron knows Levi well. He knows, Levi isn't exerting all his strength. Hinahayaan
nitong masaktan siya ni Rouge.

Itinaas ni Rouge ang kanyang kamay sa ere, handa nang patayin ang pinsan. Puno ng
galit ang kanyang puso at nanlilisik ang kanyang dilaw na mga mata sa sobrang galit
ngunit bago pa man tuluyang tumama ang kanyang mga matatalas na kuko kay Levi ay
dalawang mahihinang braso na ang pumulupot sa kanyang bewang.

Unti-unting naibaba ni Rouge ang kanyang kamay. Puno ng pagtataka niyang nilingon
ang taong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lumuluhang si Nana
Linda.

Marahang hinaplos ng matanda ang kanyang pisngi. "Ikaw na ba iyan, Rouge? Kamukha
mo ang iyong ina..."

Tila kinurot ang puso ni Rouge ang makita ang matanda. Puti man na ang buhok nito,
may mga linya man na ang kanyang mukha, nanghihina man na ang dating bibong
katawan, alam niya, ang kaharap niya ay ang kanyang Nana Linda na palaging
tumatakas noon sa mansyon ng mga Grimmerson para puntahan silang mag-iina,
magdadala ng pagkain at sulat galing sa kanilang lola. Ito ang mabait na aleng
laging nagbibilin sa kanilang magpakabait. Ang naging sandalan ng kanilang ina
noong mga panahong tinalikuran na ito ng mundo.
"Hindi ito ang gusto ng inyong ina. Hindi si Levi ang nakapatay kay Cleofe kaya
itigil mo na ito..." Lumuluhang pakiusap ng matanda sa kanya.

Kumunot ang noo ni Rouge dahil sa narinig. Mayamaya'y lumapit sa kanya ang ama ni
Tracy. Bakas ang awa sa mga mata nito.

"Tama si Nana Linda. Panahon na para malaman niyong magkapatid ang totoo. Hindi
napatay ni Levi si Cleofe at hindi rin namin siya

hinahabol. May gustong pumatay sa kanya, ang mga kaanak ng taong napatay niya noong
binalot siya ng kanyang galit at naroon kami para sumaklolo. Nang matagpuan siya ng
kapatid niyang si Leronel ay humihinga pa ito. Sinubukan siyang tulungan ni Leronel
pero si Cleofe na ang tumanggi. Hindi na niya kaya ang buhay niya. Bago siya
mamatay, may isang bagay siyang ipinakausap sa akin at sa ama ni Levi." untag ng
papa ni Tracy.

Hinaplos ni Nana Linda ang kanyang pisngi. "Gusto ng iyong ina na magkaroon kayo ng
normal na buhay. Buhay na ipinagkait sa kanya ng kanyang ama. Siya ang nag-utos na
turukan kayo ng wolfsbane para tuluyang maging normal ang inyong buhay."

Tuluyang nagbalik sa normal ang anyo ni Rouge. Unti-unting pumatak ang kanyang mga
luha. "P-pero sabi nina tita Elizabeth..."

"Nilason nila ang isip niyo dahil sa matinding pagkamuhi nila sa pamilya ni Cleofe.
Sila rin ang nagsulsol sa mga tao para patayin ang inyong ina. Hindi kayo mga
halimaw. Kung nasaan man si Cleofe ngayon, alam kong hindi niya gustong
nagkakaganito kayo." Ani Nana Linda. Nabaling ang kanyang tingin kay Reyn na
tahimik silang pinanonood. Lumuluha itong tumakbo sa matanda at yumakap.

Pinalis ni Rouge ang kanyang luha saka inialok sa pinsang nakahiga sa lupa ang
kamay. Sandali silang nagkatinginan. Puno ng pagsisisi sa nagawa sa isa't-isa. May
pagod na ngiti sa labi ni Levi nang tanggapin niya ito. Mahigpit niyang niyakap ang
pinsan saka humingi ng tawad.

Hindi napigilan ng marami ang mapaiyak sa nakikitang pagkakaayos ng pamilya.

Sa pangalawang palapag ay nakadungaw ang lumuluha sa galak na si Tracy. Sa wakas ay


natapos na ang hidwaan at ang

malagim na gabi ng patayan.


Nabaling ang tingin sa kanya ni Levi. Matamis itong nakangiti sa kanya ngunit
mayamaya'y unti-unting napawi ang ngiti nito at napalitan ng matinding gulat. Ang
mga mata nito'y nakatutok sa kanyang likod.

Kunot ang kanyang noo nang balingan niya ang kanyang likuran ngunit laking gulat
niya nang makita si Heather. Sa kamay nito ay isang katana.

Kaagad tumakbo si Levi para iligtas si Tracy ngunit huli na ang lahat. Bago pa man
makailag si Tracy ay naitarak na ni Heather ang katana sa kanyang dibdib. Bumagsak
siya sa sahig at tila hindi na alam ang dapat maramdaman.

"No! Tracy!" Umalingawngaw ang palahaw ni Levi sa buong lugar. Tila tumigil ang
kanyang mundo nang makita ang napakaraming dugong dumadaloy mula sa sugat ng
babaeng mahal.

Kaagd niyang binuhat si Tracy at ihiniga sa kanyang bisig. Ang mga luha nito'y
tuluyang pumatak sa mukha ng kasintahan.

"No! No! Please, don't do this to me. Stay with me, luv. Stay with me. It's gonna
be okay." Pilit niya itong binuhat saka siya tumakbo pababa. Nanlalabo na ang mga
mata dahil sa makapal na luha.

Nanghihinang ngumiti si Tracy saka pilit na iniangat ang kamay para haplusin ang
pisngi ng lalakeng mahal. Ang sakit na bumabalot sa kanya'y wala nang mapaglagyan.
Tila unti-unti nitong hinihigop ang lahat ng kanyang natitirang lakas.

"L-levi... I-I love..." nanghihina nitong bulong. Alam niya sa sarili niyang hindi
na niya kaya pang labanan ang sakit na nararamdaman. Unti-unting lumupaypay ang
kanyang mga kamay. Ang mga mata niya'y dahan-dahang pumikit.

Napahinto si Levi sa pagtakbo. Nanghihina itong napaupo habang yakap sa kanyang


bisig ang nag-iisang babaeng minahal niya sa kanyang buong buhay. Ang babaeng
pinangarap niyang pag-alayan ng lahat ng bagay sa mundo. Ang babaeng gusto niyang
makasama hanggang sa kanyang huling hininga.

"Tracy! Please, dont do this to me, luv! Wake up!" pakiusap nito habang pilit
ginigising ang kasintahan pero wala na siyang nakuhang sagot. Hindi na ito
gumagalaw at kasabay ng malalim at huli nitong paghinga, tuluyang umalingawngaw ang
puno ng sakit na palahaw ng Alphang kilalang matapang at handa sa kahit ano...
In his arms where Tracy always feel safe, she released her final breathe.

=================

Chapter 30

This is the last chapter before the epilogue. I'd like to thank everyone for
joining me explore Astrid with Tracy and Levi. Lahat ng effort ko ay worth it dahil
sa inyo especially sa Celestine Lemoir's Stories group members na bawat chapter
nakikibahagi ng feedbacks nila. I love you, guys! 'Til next city to visit ;)

Up Next: Beauty and The Alpha

*********************

Chapter • Thirty

Baron's POV

Everyone was left dumbfounded after seeing what happened. Nobody dared to move a
muscle. Para bang ang lahat ay hindi makapaniwala sa nakikita.

In front of us is the mighty Alpha of Astrid. The leader who's known for being
tough and ruthless, wept for his girl as she released her final breathe.

Ang pagmamakaawa niya kay Tracy ay bumasag sa puso ng sinumang makakarinig. Puno ng
galit at sakit ang mga mata niya. Sa tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang
nakita si Levi na ganito. Only Tracy can make him feel the greatest and worst
feelings in this world.

Akala ko ay nasa plano ang lahat. Ilang oras bago ang event nakipagkita ang papa ni
Tracy kay Levi. He confessed everything. The plan of the senior at kung papaano
niya nakontrol ang ilang hunters gamit ang pangbablackmail, ang balak nilang
pagpatay kay Levi at sa lahat ng lycans sa Astrid, lahat-lahat. With tito Santi's
help, Levi came up with a plan. He'll make his cousins think

their plan will work so he went to the event with some volunteer lycans who'll
serve as bait. Hindi siya nanlaban. Hinayaan niyang isipin ng magkapatid na
tagumpay sila habang kami, hinahanda ang natirang lycans at ang hunters na sumama
kay Tito Santi. We called our allies and without second thought, they all came...
Even Pearce, Galum's ruthless Alpha.

But this came out of our control. Ang akala ko'y mailalabas namin si Tina at Tracy
bago ang pagdedeklara ni Reyn ng gyera ngunit nahuli kami. Rouge found Tracy first
at si Tina lang ang naipuslit ko palabas. Kung sana ay napaaga lang ako, baka hindi
umabot sa ganito.

Isang yapak ang tuluyang bumasag sa katahimikan. Nabaling ang tingin ko sa babaeng
kanina lang ay nakatayo sa tabi ko. Halos wala sa sarili, nagsimula siyang
humakbang palapit sa duguang kaibigan. Kasabay ng pagluhod niya sa harap nito ay
ang pagbagsak ng kanyang baril. Isang impit na hikbi ang tuluyang kumawala sa
kanyang labi.

Iniwas ko ang tingin ko. My jaw clenched as I try to control myself. Hindi ko na
kayang panoorin ang nangyayari.

Mayamaya'y nagsilapit na ang iba pa sa kanila habang nanatili akong nakatayo, hindi
kayang ibalik ang tingin sa aming pinuno.

Isang kasa ng baril ang umagaw ng atensyon ko. Pilit lumabas si Tina sa dagat ng
mga tao. Nanlilisik at puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kung
saan. Sinundan

ko ang tingin niya. Namalayan ko na lang ang sariling nakatitig kay Heather. Tuliro
ang kanyang itsura at mukhang walang balak humakbang palayo.

Puno ng galit na itinutok ni Tina ang baril sa ulo ni Heather. Nagngingitngit ang
mga ngipin niya habang walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi.

I ran as fast as I could. Hinawakan ko ang mga kamay niya saka pilit ibinaba ang
baril pero hindi siya nagpatinag.

"Put the gun down, Tina. It's not worth it." mariin kong bulong sa kanya ngunit
nanatili ang galit niyang titig at ang pagtutok niya ng baril sa ulo ni Heather na
wala ring tigil sa pag-iyak.
Nang hindi pa rin siya nakinig ay sapilitan ko nang inagaw ang baril mula sa kanya.
Itinapon ko ito sa lupa saka siya mahigpit na niyakap. Ilang beses niya akong
itinulak palayo pero lalo ko lang siyang ikinulong sa mga bisig ko hanggang sa
tuluyan na siyang nanlambot at humagulgol sa dibdib ko.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. I've seen a lot of women cry before but
seeing her like this really broke me inside. Hindi ko alam kung anong mayroon siya
pero nang makita ko kung gaano siyang umiyak para sa kaibigan niya, pakiramdam ko
nasaktan din ako.

"Shhh. I'm sorry but it's not your job to finish her. Let's let the Alpha handle
this bitch." bulong ko sa kanya habang masamang nakatitig kay Heather.

Mayamaya'y

narinig ko na ang mga hakbang ni Levi. Puno ng galit ang tinging ipinukol niya kay
Heather. Nagngingitngit ang kanyang mga ngipin at ang mga kamao niya ay nakakuyom.

Takot na napaatras si Heather hanggang sa tuluyang tumama ang likod niya sa pader.
"L-levi I--" hindi na niya naituloy ang sinasabi nang mahigpit na hinawakan ni Levi
ang kanyang leeg.

"I TOLD YOU TO FUCKING LEAVE US ALONE!" Nagngangalit na sigaw ni Levi. Lalong
napaiyak si Heather sa narinig. Ni minsan ay hindi pa niya nakitang ganito si Levi.

Takot na takot siyang napatingin sa akin. Pilit niyang iniaabot ang kamay niya sa
akin na parang nanghihingi ng tulong.

Bumuntong hininga ako saka siya tinalikuran.

I'm sorry but you're no longer the Heather we used to know...

Ilang sandali pagkatapos ko silang talikuran ay umalingawngaw na sa buong paligid


ang palahaw ni Heather. Kasabay ng paghinto niya ay ang pagbagsak ng kung ano sa
sahig. Muli ko silang nilingon. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang
puso ni Heather sa kamay ni Levi. Itinapon niya ito sa tabi ng bangkay ni Heather
saka siya tila nanghihinang napaupo sa sahig.
He blankly stared at his hands. Both were covered with the blood of the woman she
loved the most and the blood of the whore who took her from him.

Nasabunutan

niya ang kanyang sarili saka muling napaiyak. He's too devastated. Halos hindi
namin kayang tignan ang itsura niya.

Mayamaya'y ang boses ni Luna Yngrid ang pumukaw sa atensyon ng lahat. The words she
shouted made everyone's hope lift.

"She's still alive!" bulalas niya habang nakatapat ang gilid ng ulo sa dibdib ni
Tracy. Inangat niya ang kanyang ulo saka tumingin kay Levi na ngayon ay tila wala
sa sariling nakatitig sa babaeng mahal niya. Dali-dali siyang tumayo at muling
lumapit kay Tracy.

"I can still hear her heartbeat but it's too weak. Habang tumatagal ay unti-unting
bumabagal." Untag nito saka lumingon sa kanyang asawa. "Pierre, give me your shirt.
Kailangan nating pigilan ang blood lost."

Kaagad tinanggal ni Alpha Pierre ang suot nitong damit saka inabot kay Luna Yngrid.
Siya lang ang hinayaan naming gumalaw kay Tracy. We almost forgot that she's a
doctor.

"Can't we heal her with a bite?" ani Layco na nakatayo sa likod ni Luna Yngrid.

"It's not gonna work. She was bitten by one of your men before but nothing happened
to her. Hindi niya kinailangan ng kagat ni Levi." tugon ni Hank na puno rin ng pag-
aalalang nakatitig kay Tracy.

"Because she's already marked by Levi. His venom is already in her system." untag
ni Alpha Pierre.

Tila biglang natigilan si Luna Yngrid nang

mahawakan niya ang tiyan ni Tracy. Nanlaki ang mga mata niya saka napatitig kay
Levi.

"There's another heartbeat... And it's stronger! Tracy's pregnant. The baby is
fighting... They are fighting!" Bulalas niya. Nilislis niya ang damit ni Tracy sa
parteng may saksak. Marahan niyang pinunasan ang ilang dugo. "T-the baby's blood is
trying to heal her."

Someone's POV

Halos natulala si Levi dahil sa narinig. Hindi niya alam ang gagawin. Kinuha ni
Luna Yngrid ang kamay niya saka mahigpit itong hinawakan.

"Levi, listen to me. You need to focus. Tracy and your child, they need you right
now so you're gonna hold her tight and you're gonna let her know that you're
fighting with them. You're her mate. Your strength comes from each other. You can
help them heal. Do you understand?" Mariing sabi ni Luna Yngrid sa kanya.
Mayamaya'y tumango-tango si Levi saka ginawa ang sinabi ng Luna.

Maingat niyang iniangat si Tracy saka ito niyakap sa kanyang mga bisig. He
intertwined their fingers then kissed her forehead like he used to do.

"Luv... I'm begging you. Come back." Bulong niya kay Tracy sa tenga nito saka
marahang hinalikan ang gilid ng kanyang ulo. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya
sa babaeng mahal.

Ang lahat ay tahimik na nakamasid sa dalawa. Nagdarasal sa kanilang mga isip na


sana ay makaya pa ng mag-ina. They all saw how devastated Levi was. Paniguradong
malaking dagok

para sa Astrid sa oras na tuluyang mawala sa kanya ang nag-iisang taong


pinagkukunan niya ng lakas.

Muling pinakiramdaman ni Luna Yngrid ang pulso ni Tracy. Malungkot itong


nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Bakas ang matinding pangamba sa kanyang
mga mata nang tignan niya si Levi.

"The blood lost is faster than the healing. If this will continue, we're gonna lose
them."

Tila milyon-milyong punyal ang itinarak sa puso ni Levi at ng iba pa sa narinig.


Unti-unting lumandas ang luha sa pisngi niya nang marahan niyang hinalikan ang
gilid ng ulo ni Tracy.
"You have to fight, luv. I need both of you... Please." garalgal na ang kanyang
boses.

Sa dagat ng mga tao, pilit sumiksik ang isang tao. Lumuluha itong lumuhod sa harap
ng kanyang prinsesa. Maingat niyang inangat ang kamay nito at inilagay sa kanyang
pisngi. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng anak.

"Tracy, parang awa mo na anak, nawala na sa akin ang mama mo. Hindi ko kakayanin
kung pati ikaw ay mawawala na rin." tuluyan nang humagulgol ang kanyang ama.

Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa ang lahat. Mayamaya'y mabibigat ang yapak na
umalingawngaw sa paligid. Napatingin ang lahat kay Tina na lumuhod sa harap ng
kaibigan. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. Basang-basa na ng luha
ang magkabila niyang pisngi.

Mapakla itong ngumiti habang patuloy sa pagluha. "Naaalala mo pa ba no'ng bumagsak


tayo sa exam dahil magdamag tayong nagmovie marathon? Imbis na magmukmok, tinawanan
pa natin ang isa't-isa dahil sa

mga naisagot natin sa exam. 'Di ba imbes na Charlotte ang isagot mo do'n sa tanong
tungkol sa lumubog na barkong naglalaman ng kayamanan, Titanic ang isinagot mo?
Halos mangiyak-ngiyak na tayo kakatawa..." malungkot itong natawa habang inaalala
ang pangyayari.

Huminga ito ng malalim. "Pero hindi 'yong sagot mo ang dahilan bakit ko 'yon laging
naaalala. Mas tumatak sa akin ang sinabi mo pagkatapos nating umiyak ng balde
baldeng luha nang matapos na natin ang Titanic. You said everyone deserves to grow
old with the person they love. We all deserve happily ever afters. Eh ano 'tong
ginagawa mo, ha?!" Tuluyan na siyang napahikbi. Pilit niyang pinalis ang luha sa
kanyang pisngi.

"Wala tayo sa Titanic. Mas lalong hindi ikaw si Jack kaya bumangon ka diyan.
Kailangan ka pa namin. Kailangan ka pa ni Levi, ni Tito Santi, ng mga makukulit na
clients... Kailangan ko pa ng maid of honor kapag kinasal ako. And my wedding day
will never be perfect without you. So kung ayaw mong tumanda akong dalaga bumangon
ka diyan..." Tuluyang nabasag ang kanyang boses. Nanghihina siyang napaupo sa sahig
habang nakatitig sa kaibigan. Bumagsak ang kanyang mga balikat at wala nang ibang
nagawa kun'di ang humagulgol.

Ang mga nakapaligid sa kanila'y tuluyan nang napaiyak. Ang ilan ay pinili na lamang
mag-iwas ng tingin. Masyado nang masakit ang nangyayari. They are all fighting with
Tracy. At sa bawat minutong lumilipas na walang nangyayari, unti-unting nababasag
ang puso ng bawat isa.
Humigpit ang pagkakayakap ni Levi kay Tracy. Marahan niyang hinaplos ang pisngi
nito. Pigil niya ang sariling tuluyang bumigay.

"Kailangan kita sa buhay ko... Ikaw ang buhay ko. So please, luv. Come back..."
Tuluyan nang muling pumatak ang kanyang mga luha. Pilit niyang iniangat si Tracy at
niyakap sa kanyang bisig. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa balikat nito. Hindi
niya kayang tanggapin ang nangyayari. Just when he finally have her, ngayon pa ito
kukunin sa kanya.

Tuluyang bumagsak ang pag-asa ng lahat. Si Luna Yngrid ay nanghihina na lamang na


napayakap sa asawa. Hindi na rin napigilan ang pag-iyak. Everyone was broken...

Mayamaya'y isang mahinang ungol ang pumukaw sa atensyon ng lahat. Ang kaninang wala
nang buhay na si Tracy, unti-unting gumalaw. Bigla nitong hinabol ang hininga at
nanghihinang kinapa ang dibdib.

Dahan-dahan siyang ibinaba ni Levi. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nasasaksihan.


She came back... The baby and their connection healed her.

Pagod na nilingon ni Tracy ang kasintahan. Kumunot ang noo niya nang makita ang
namumula nitong mga mata at ang basa sa pisngi nito.

"Why are you crying?" nagtataka nitong tanong.

Mahinang tawa lamang ang naiganti ni Levi. Without second thought, he pulled Tracy
in his arms and claimed her lips in front of everyone.

"I thought I already lose you... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala
kayong dalawa sa'kin." There's a hint of relief in his voice. Nakangiti niyang
pinagdikit ang kanilang mga noo.

Lalong kumunot ang noo ni Tracy. Napalayo siya nobyo at nagtataka itong tinitigan.
"What do you mean?"

Lalong tumamis ang ngiting nakaguhit sa labi ni Levi. Muli niyang hinapit si Tracy
saka mahigpit na niyakap. Marahan niyang dinampian ng halik ang gilid ng ulo nito.
"You're pregnant, luv."
Biglang napahiwalay si Tracy sa yakap ni Levi. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o
ngingiti. Marahan siyang napahawak sa kanyang tiyan. She felt something beautiful
inside her. Tuluyang tumulo ang luha niya dahil sa matinding tuwa. Matamis siyang
ngumiti bago yumakap kay Levi.

Everyone witnessed the strong affection the two have for each other. It was so
strong that even death would be afraid to keep them apart. Not everyone can
experience the love Levy and Tracy shared that's why they are lucky they found each
other.

They know, right at that moment, Astrid will now be a better place because the
Alpha finally found his queen...

=================

Epilogue

EPILOGUE

I can't help but smile when I saw her looking at her reflection in the mirror.
She's wearing the smile that makes me fall everytime. Marahan niyang hinahaplos ang
tiyan niya. Tuwang-tuwa sa baby bump na bahagya nang bumabakat sa suot niyang
summer dress.

Lumawak ang ngiti niya nang matanaw akong nakasilip. Lumingon siya sa akin at
kaagad na tinawag. And while I'm taking my steps towards her, I suddenly remember
that night.

"Do I really have to go? Can't I just stay here, mom?" Naiinis kong niluwagan ang
bow tie ng suit na suot ko. Mom raised her brow at me.

Lumapit siya at muling inayos ang bow tie. "Honey, we're the host for this year's
annual celebration. People are expecting to see all of us. After all, you will be
the next Alpha." Nakangiti niyang tinapik ang pisngi ko.

"But I don't wanna be an Alpha, mom." nakasimangot kong sagot.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ayaw mo?"


I let out a sigh. "Because Alphas always make their Luna cry. You, grandma, you
always cry whenever dad goes somewhere. I don't like that. Nana Linda said real men
don't make girls cry. Eh bakit si Dad pinapaiyak ka?"

Halos hindi makapaniwala siyang napatitig sa akin. Isang malalim na buntong hininga
ang pinakawalan niya bago ako niyakap.

"Your dad is a great alpha and a sweet husband. I'm crying because I'm afraid that
something bad might happen to him. But your dad will never make mommy cry
intentionally. He loves me so much that's why he always do his best to make Astrid
a safe place for us. When you're

already a grown lad, you'll find a girl that will turn your life upside down. And
I'm sure, just like your dad, you'll do everything to keep her safe..."

My mom was right. But she's wrong about one thing.

Love is something I never thought would come into my life early. It came without me
noticing it. But that night, when I first saw her, I knew, those tears rolling down
her cheeks will be the last thing I'd wanna see someday.

Nagmumukmok siya sa isang table. Ayaw makipaglaro sa ibang bata. Ayaw din niyang
kumain.

I don't know what got into my head. I just found myself taking my little steps
towards her.

"Is your father an Alpha, too?" tanong kong halatang ipinagtaka niya.

Marahan siyang umiling. "No. He's a hunter."

"So hunters make girls cry, too." I murmured.

Kumunot ang noo niya. "What? Hindi ah. Mabait ang papa ko." tila naiinis niyang
sagot.
Ang noo ko naman ang kumunot. "Then why are you crying?"

Ngumuso siya at parang iiyak na naman. Bumaba ang tingin niya sa Barbie bracelet
niya. "Kasi anong oras na, hindi ko na mapapanood 'yong Barbie movie." sagot niya
saka nagsimula na namang umiyak.

Para akong nataranta nang makita siyang umiiyak na naman. Kinuha ko ang panyo sa
bulsa ko saka humakbang palapit sa kanya. Pinunasan ko ang basa sa pisngi niya.
Nagtataka lang siyang napatitig sa akin.

"Huwag ka nang umiyak." untag ko saka luminga sa paligid. Nang hindi ko nakita ang
mga magulang ko ay nakangiti ko siyang tinignan ulit. I offered my hand. "Let's go
watch that movie. May TV sa room

ko."

Biglang umaliwalas ang mukha niya. And that moment... I saw it. The smile that
melted all my plans to become normal.

I found my reason to make Astrid a safe place.

Umakyat kami sa kwarto ko. Nanlaki ang mata niya nang makita ang malaking TV.
Kaagad siyang tumakbo sa harap nito at kinuha ang remote. Nang mai-on niya na ang
TV ay pasalampak siyang naupo sa sahig. Lumapit ako saka tumabi. Hinayaan ko lang
siyang ilipat ang channel.

"Tss. We're too late." malungkot niyang naibaba ang remote. Muling bumagsak ang
tingin niya sa sahig.

Napatitig lang ako sa kanya. I felt something when I saw her smile fade away. I
don't know but I wanna see it. She needs to smile.

Kinuha ko ang remote saka inilipat ang channel. "Ito na lang ang panoorin natin."
Untag ko nang mahanap ang show na spongebob. Saktong tumatawa si Spongebob. Unti-
unting umangat ang ulo niya. Nakatitig siya sa screen. Mayamaya'y unti-unti nang
kumurba ang labi niya.

And the moment I first heard her laugh, I knew, I wanna hear it everyday.
Days, weeks, months, each moment passing by that we're together, I became happier
than I was when she's not in my life yet.

Madalas kaming pumunta sa isang parte ng syudad. Dadaan muna kami sa kakahuyan bago
namin marating ang mataas na parteng 'yon kung saan tanaw na tanaw namin ang buong
Astrid.

"Look! 'yong tower niyo 'yon 'di ba?" Nakangiti niyang sabi habang nakaturo sa
isang building.

Ngumiti ako saka tumango. "Sabi ni Mom, kapag malaki na ako, ako na raw ang
magiging Alpha."

Nabaling ang tingin niya sa akin. Malakas siyang humalakhak. "Kailan pa 'yon eh ang
liit mo pa! Haha!"

Naningkit ang mga mata ko sa kanya pero hindi ko magawang mainis. Hindi ko kayang
mainis pagdating sa kanya. Ngumisi ako saka humalukipkip.

"Sige, asarin mo ako. Hindi na kita ulit isasakay sa likod ko kapag umuwi na tayo."

Kaagad na nanlaki ang mga mata niya. She pouted her lips in the cutest way I could
possibly imagine. Tumayo siya sa likod ko saka kunwari ay minasahe ako.

"Ang bilis magtampo ng Alpha. Heto na boss minamasahe na kita." mapang-uto niyang
sabi.

Hindi ko maiwasang mapangiti. She really hates long walks but she loves going here.
So ang ending, isinasakay ko siya sa likod ko para lang makapunta kami rito.

"Sige na, isasakay na kita ulit. Pero sa isang kundisyon." untag ko saka humarap sa
kanya.

Kumunot ang noo niya. "Ano naman 'yon?"


Sandali ko siyang nginitian saka ko kinapa sa bulsa ko ang isang moon necklace.
Inilabas ko ito saka ipinakita sa kanya.

"Someday, kapag malaki na ako, ikaw ang magiging Luna para may kasama akong
matapang. Siguradong matatakot silang kalabanin tayo." Nakangiti kong sabi.

Nagkamot siya ng ulo na parang naguguluhan. "Eh hindi naman ako lycan. Si Heather
sabi niya gusto niyang maging Luna paglaki niya. Kayo na lang dalawa!" Nakangiti
niyang sabi na akala niya magandang bagay ang naisip niya.

Unti-unting dumilim ang ekspresyon ko. I felt so much anger. Itinapon ko sa lupa
ang necklace saka siya tinalikuran.

Mayamaya'y narinig ko ang pagtapak niya sa mga tuyong dahon. Nilusot niya

ang kamay niya sa pagitan ng braso at bewang ko saka yumapos sa braso ko.

"Galit ka?" Nagtataka niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagagalit.

Marahan niyang tinusok ang pisngi ko. "Bakit? Ayaw mo ba si Heather?"

Hindi ko pa rin siya nilingon. Mayamaya'y nagpakawala siya ng buntong hininga saka
humakbang papunta sa harap ko. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Ipinakita niya sa akin ang moon necklace.

"Sige na. Ako na ang magiging Luna basta i-promise mo sa'king hindi mo ako
papabayaan ha?" masaya niyang sabi.

My expression slowly soften. Unti-unting kumurba ang labi ko. Kinuha ko ang
necklace sa kanya saka iyon isinuot sa kanyang leeg. A smile made it's way to my
lips when I saw it suit her pretty well.

Nawala ang ngiti naming dalawa nang makarinig kami ng kaluskos mula sa kung saan.
Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay at itinago sa likod ko.
Mayamaya'y unti-unting gumapang ang takot sa aming dalawa nang makita ang isang
lycan na papunta sa amin. It's eyes were fixed at Tracy.

And that moment, I realized one thing...

I can give up everything just to keep her safe.

I felt something inside me. A fire burning that melts all my self control.
Something wants to come out. Something wants to protect her.

Tuluyang nakalapit sa amin ang lycan. I stood firmly on my ground, trying to keep
Tracy behind me but the Lycan was too strong. Hinawi niya ako at itinapon sa lupa.

Tracy's scream torn me.

/>Naramdaman ko na lang ang pagwawala ng dibdib ko sa galit. I felt so much pain


inside me. Unti-unti akong nawawala sa sarili. Something inside me wants to take
control hanggang sa hindi ko na kinaya pa. The wolf overpowered and my curse was
activated.

Namalayan ko na lang ang sariling may bahid ng dugo ang kamay. Sa tabi ko ay ang
wala nang buhay na Lycan. Nilingon ko ang takot na takot na si Tracy.

A weak smile made it's way to my lips. You're safe now...

Tumayo ako saka humakbang palapit sa kanya. Her tears... I want to wipe them away.
I want to kiss them goodbye. I want to see her smile.

I took another step but she kept taking hers backward. I tried to speak, but my
wolf was still in control.

The horror in her face broke my heart. Bakit siya natatakot? I did that because I
want to protect her. Why is she afraid of me? She can't be afraid of me!
"Stay away from me!" sigaw niya habang umiiyak.

No, it's me. Please, huwag kang matakot.

I took another step pero muli lang siyang humakbang paatras hanggang sa tuluyan
siyang natisod at bumagsak sa lupa. Takot na takot siyang lumingon sa akin. I can't
take the fear that's written on her face. Hinawakan niya ang kwintas at ibinato sa
harap ko.

"I don't want to be your Luna anymore! You're scaring me!" tuluyan siyang
humagulgol.

Muling nabalot ng galit ang puso ko. Hindi pwede. You can't! You're mine!

Humakbang ako palapit sa kanya. Wala na ako sa sarili. Mahigpit kong hinawakan ang
mga balikat niya at kahit nagmamakaawa siya, hindi ko siya pinakinggan. Kahit
nagpupumiglas siya, hindi ko siya binitawan.

You can't turn

your back on me, Tracy. You are mine.

Without second thought, I bit her in between her shoulder and neck.

Now, you can no longer run away from me. You are mine.

I felt something sharp hit my back. Unti-unting lumuwang ang pagkakakagat ko sa


kanya. I stared at her blankly. A searing pain torn every limbs of my body.

I smiled at her. My anger finally subside when I saw her staring at me. Puno ng
pag-aalala ang mga mata niya.

Hush... Don't cry. From now on, I can be a beast if I have to. If that's what it'll
take to keep you safe then I will.
I'll keep you safe, I promise...

I felt myself being drifted away to sleep until everything finally went black.

Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Lahat, hindi ko kilala. Ang
mga gamit, ang tanawin sa labas, maging ang mga tagasilbi. Hindi ko sila kilala.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ang mga magulang ko sa sala. May kausal silang
matandang lalake. Nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin.

My mom ran towards me. She bit her lower lip to keep her impending tears from
falling. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"You're awake."

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya. "Where are we, mom?"

Lumuhod siya para magpantay kami. "Honey, we're at mom's city. Dito muna tayong
dalawa hanggang sa matutunan mong kontrolin ang kakayahan mo, okay?"

Kumunot ang noo ko. "Pero si Tracy, hinihintay niya ako. Iiyak siya kapag hindi ako
pumunta sa birthday niya. Magagalit siya sa'kin, Mom."

Nagkatinginan sila ni Dad. Parang hindi alam ang dapat

na sabihin. Lumapit si Dad at hinawakan ang balikat ko. "Buddy, I'm sorry but you
need to stay here. And don't worry about her. I'm sure she'll understand. Right,
My?" Bumaling si Dad kay Mom na parang nanghihingi ng kompormasyon.

Pilit ngumiti sa akin si Mom pero may kung ano sa mga mata niya. She let out a sigh
before pulling me for a hug. "Don't worry, honey. It's gonna be okay. Kapag
nakontrol mo na ang kakayahan mo, pwede na tayong umuwi. I'm sure Tracy will be
willing to wait. You don't wanna scare her again, right?"

Bigla kong naalala ang matindi niyang takot. Mom's right. I don't want her to be
scared of me. I want to keep her safe at magagawa ko 'yon kapag natutunan ko nang
kontrolin ang kakayahan ko.
We stayed at mom's hometown. Hindi ko na namamalayan ang panahon. Ang tanging nasa-
isip ko ay ang matutunan ko nang makontrol ang kakayahan ko para makauwi na ako.
Para makasama ko na siya ulit. Para makita ko na ulit 'yong ngiti niya. Every
passing day, siya lang ang nasa isip ko. Palagi akong gumagawa ng letter para sa
kanya pero ni isa, wala akong natanggap na sagot. Inisip ko na lang na nagpapamiss
lang siya. Gano'n naman siya eh. Gusto niyang namimiss ko siya kaya minsan hindi
siya nagpapakita sa akin.

Years passed at dumating na ang araw ng pagbabalik ko sa Astrid. I made sure that
I'll be at her sixteenth birthday. I want to surprise her kaya sinabi ko kila Mom
na huwag ipaalam sa kanya. Noong araw na nakabalik na ako, una kong pinuntahan
'yong lugar kung saan niya itinapon 'yong necklace. I'm sure she was just terrified
that day. She loved the necklace kaya hinanap ko ito. Gusto kong magtatatalon

sa tuwa nang sa wakas ay nahanap ko. Maraming dumi pero ako mismo ang naglinis.
Inilagay ko sa isang box para maging presentable.

Kinabukasan, sobrang excited ko. I made sure I'll look great once we see each other
again. I fixed my hair and picked the best pair of jeans and polo shirt.

Pababa ako ng hagdan nang makita ko sina Mom na nasa sala. Para bang may kung anong
gumugulo sa isip nila ni Dad nang makita nila ako.

Lumapit ako sa kanila para magpaalam na pupunta na sa bahay nina Tracy pero
hinawakan ni Mom ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"I'm so sorry, son. Dapat ay noon pa namin sinabi sayo." si Mom na pilit pinipigil
ang sariling umiyak.

Naguguluhan ko silang tinignan ni Dad. "What do you mean, mom? Dad?"

Dad let out a deep sigh. "Buddy, Tracy doesn't remember you anymore..."

Gusto kong matawa. How could she possibly forget about me? I'm her bestfriend.
Hindi siya gano'ng tao.

I let out a chuckle. "Nice joke, Dad." untag ko saka muling tumawa pero malungkot
lang silang nagkatinginan.
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Pilit kong binawi ang kamay ko kay Mom saka ko
sila tinalikuran.

"Wait, it's true, son. Please listen--"

"YOU'RE LYING! She-she will never do that to me." Tuluyan nang nabalot ng galit ang
puso ko. Tuluyan akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.

She won't do that to me. I know her. She promised. Someday, when I'm already the
Alpha, she's gonna be my luna. She promised.

Pagdating ko sa bahay nila ay nagwala ang puso ko. Sa bawat hakbang

ko, unti-unti akong nilalamon ng takot na baka totoo ang sinabi ng parents ko.

Pumasok ako at kaagad siyang hinanap. I scanned the faces inside the house until my
eyes landed into one of them. She's wearing a red cocktail dress, Nakalugay ang
mahaba at itim na itim niyang buhok.

Unti-unti siyang napalingon sa gawi ko. The sweetest smile I have ever saw flashed
on her face. Hindi ko maiwasang mapatitig. She grew into a beauty... Someone to die
for. I can die to have her.

Humakbang ako palapit sa kanya. Hawak ko ang box ng necklace, ngumiti ako saka
iniabot ito sa kanya.

"Happy birthday." I mumbled.

Lalong tumamis ang ngiti niya nang tanggapin ang regalo ko. "Thanks... Uh, what's
your name again? Are you Jessy's cousin?" bahagyang kumunot ang noo niya.

Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko. My jaw clenched as I released a deep
sigh. Halatang ikinagulat niya ang pagdilim ng ekspresyon ko.

"Nevermind." I murmured before turning my back on her.


Puno ng galit kong tinungo ang palabas ng bahay. Pagpasok ko ng sasakyan ay tuluyan
na akong sumabog sa galit. Nahampas ko ang manibela at di na napigilan ang emosyon.

She forgot about me. She forgot everything. She fucking forgot everything!

Nilamon ako ng galit ko. Palagi na lang akong nakakulong sa kwarto, nakatanaw sa
madilim na kakahuyan. Hindi ko inakalang kaya niya akong kalimutan samantalang ako,
araw-araw, walang ibang inisip kun'di ang makasama siya.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Hindi na nakatiis si Mom. Pumasok siya sa
kwarto at kinausap ako.

Nasa balkonahe ako noong mga oras na 'yon. Mahigpit ang pagkakahawak sa railing,
pinanood

ko ang madilim na kalangitan.

Mom held my hand. "You can't be like this forever. There's more people looking up
at you. The pack needs you. Imbes na sayangin mo ang buhay mo dahil sa isang babae,
mas mabuting ituon mo na lang ang pansin mo sa pagsasanay na maging Alpha. This
city needs you, son. And if you really are destined for each other, sa huli, sa
isa't-isa rin kayo babagsak."

Para akong natauhan sa sinabi ni Mom. She's right. I should be ready to become an
Alpha. This city will need me.

And someday, I'm gonna make sure she'd still be the queen of this city.

From a far, I kept my eyes on her. Making sure she'll come home safe from school.
Every night, dumadaan ako sa balkonahe ng kwarto niya, sisilipin siyang mahimbing
na natutulog, making sure her night is a peaceful one.

Until one day, my mom gave me a tape. Parang bumagsak ang lahat ng pangarap ko.
She's with somebody else. And that somebody else is my cousin. The rumors are true.
Aunt Cleofe's twins are back in town but Dad believed they don't want any trouble.
They can fool everyone... But not me. I know they're up to something.

Years passed, and my parents met a tragic ending. They died fighting together. They
died keeping Astrid a safe place for everyone.
What happened to them didn't broke me. It made me realize how strong their love for
each other was. It was so strong that even in their death bed, they're still
together. They chose to leave this world in each other's arms.

I want a love like that.

With

the woman I love since I can't even remember.

The girl who has forgotten about me but still holds the biggest part of my heart...

"If only you could hear me shout your name, if only you could feel my love again,
the stars, in the sky will never be the same...teng tengenenggg engggg!"

Mapang-asar na kumanta si Hank. Parang baliw na naggitara sa ere. Kinuha ni Baron


ang isang throw pillow at ihinampas sa kapatid.

"The fuck!" singhal ni Hank.

"Tumigil ka. Hindi ka nakakatulong." Baron glared at him. Dinampot niya ang bote ng
alak saka uminom.

Nanatili akong nakatitig sa kawalan, malalim ang iniisip. Sa aking kamay ay ang
paubos nang alak.

"You know it's a trap. It's too obvious, they're using Tracy to trick you." Komento
ni Baron saka muling nagbukas ng panibagong bote ng beer.

Muli kong tinungga ang laman ng bote saka ito inilapag sa mesa. Naihilamos ko ang
palad ko sa aking mukha.

"I don't care. If it's the only way for me to get her back then I'll be willing to
dance with the devil himself." mariin kong tugon saka dinampot ang ibinigay ni
Baron na panibagong beer.
He let out a sigh. "But looks like your little hunter won't give in easily. Narinig
sila ni Carl Pio, 'yong isang delta na operations manager nila. Tracy's going to
Crescent by tomorrow. Hindi rin siya matutulungan ni Alpha Pierre. At sa ugaling
'yon ni Tracy, siguradong sa Brenther 'yon tutuloy."

Tuluyan akong napabuntong hininga. He's right. Kilala ko si Tracy. Alam kong kahit
ang pinaka-delikadong choice ay icoconsider niya.

Tinungga ko ang bote saka inilapag sa mesa. "Then we'll follow

her. Call Layco. Make sure he's not going to help." untag ko saka sila iniwan at
umakyat sa kwarto.

Tinitigan ko ang malaking litrato niya sa taas ng headboard ng kama ko. My lips
slightly curved.

You can't run from me anymore... Sa akin ka lang.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Dalawang araw na siyang walang malay
matapos ang naging engkwentro sa bungad ng Brenther. Hindi natantya ni Layco ang
mangyayari. Ang plano ay hindi siya papapasukin pero wala sa usapang sasaktan ang
sinoman sa mga Beta lalo na si Tracy.

I can't help but stare at her beautiful face. What did you do to me? Bakit ganito
kalakas ang tama ko sayo?

lumapit pa akong nuli sa kanya para dampian ng halik ang kanyang noo. I badly want
to hug her. I missed her so much.

Ang akala ko'y mas magiging madali na ang lahat nang magising siya. Umasa akong
pipiliin na niya ako nang halikan ko siya st humalik din siya pabalik. She kissed
me back... But when our lips finally parted, she began begging me to help Rouge
again.

Can't she notice my pain? Can't she that I love her? Bakit ba hindi mo na lang ako
piliin para matapos na?
Muli ko na naman siyang tinanggihan. Dalawa lang ang choice niya. To give in and be
with me, or to give up...

Hell no. Kahit 'yon pa ang piliin niya hindi ako titigil hanggang sa tuluyan siyang
bumalik sa akin. She's mine. I had her first. There's no way I'll give up this
fight.

But for the nth time,

she broke my heart the moment she said she hates my kind. Bumalik sa alaala ko kung
paano niyang itinapon ang kwintas sa harap ko habang sinisigaw niyang layuan ko
siya.

I realized that maybe she's better off without me.

Noong araw na nakita ko siya sa ospital dahil itinakbo ko sa emergency si Butler


Finn, gusto kong humakbang palayo. I want to keep my distance from her. Maybe it's
best this way.

But seeing her like that bothers me. Hindi ko kayang nakikita siyang gano'n.
Basang-basa ng ulan at nilalamig kaya kinain ko na naman ang pride ko. Pumasok ako
ng elevator at ibinigay sa kanya ang jacket ko.

Ngayon lang... Pangako huli na.

Pero ang pangako ko sa sarili kong hindi ko na siya ulit pagtutuunan ng pansin ay
muling nabali.

"Sir, Miss Florendale is here. She wants to--"

"Tell her to leave. I'm busy." mariin kong sabi. Pilit kinokontrol ang sariling
tumayo sa swivel chair at bumaba para puntahan siya.

"But Sir, she said--"

"I SAID I'M BUSY! TELL HER TO LEAVE!"


Napabuntong hininga na lamang ako saka naghilot ng sintido.

"Fuck this feeling!" Tuluyan akong napatayo saka tinungo ang control room.

"Sir? Ano pong ginagawa niyo rito?" halos natarantang napatayo ang mga nasa control
room.

Kunot ang noo, humakbang ako palapit sa mga screen. I scanned each monitor until I
found the one for the lobby. Itinuro ko ang monitor. "Give me a closer look."

Kaagad namang ginawa ng security officer ang sinabi ko. My jaw clenched when I saw
her. Basang-basa na naman siya.

Malutong akong napamura nang lumakad ako palabas. Gusto ko siyang puntahan.

Gusto kong iparamdam ang mainit na yakap ko.

But my ego stopped me. Muli akong bumalik sa aking opisina. Inutusan ko ang
sekretarya kong ibili ako ng kape. Sakto namang ipinaalam ni Liezl na dumating si
Heather. Pagkahatid niya kay Heather sa opisina ko ay ipinadala ko ang kape at ang
suit jacket ko.

"Give it to Tracy then make sure she'll leave immediately or else you can kiss your
job goodbye." Mariin kong sabi bago muling bumalik sa aking swivel chair.

Every now and then, tumatawag ako sa control room, ipinapamonitor kung nakauwi na
ba siya. She needs to go home. Magkakasakit siya sa ginagawa niya.

Paglabas ko ng building para umuwi, malutong akong napamura nang makita ang
sasakyan niya sa labas. Hindi pa rin siya umuuwi. Sumilip ako sa bintana at nakita
siyang nakatulog. Tumalikod ako para umalis. I need to go... Or else it's gonna be
harder for me again to stay away from her.

But I can't. Kahit anong gawin kong paglayo, sa huli, I always find myself caring
for her, falling back to her...
Kaya kahit masakit, kahit na alam kong napilitan lang siya, kinain ko ang pride ko.

Ang mahalaga akin na siya ulit. At gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako. Akin
lang siya. Kahit na alam kong dahil sa naging desisyon ko, para na rin akong
nagtanim ng sarili kong bomba. Bombang sisira sa katahimikan ng Astrid.

Pero wala na akong pakeelam. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang Astrid.
Papatay ako kung kinakailangan maging ligtas lang siya sa piling ko. Akin siya.

She's going to love me. I'll make sure of that. There's no other place she'll
belong to but in my arms.

True love never gives up...

True love is worth fighting for... She is worth fighting for.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi nang tuluyan akong makalapit sa kanya.
Isang marahang halik ang idinampi ko sa kanyang labi.

"How's our little warrior?" Bulong ko.

Kinuha niya ang kamay ko saka inilagay sa tapat ng tiyan niya. Tumamis lalo ang
ngiti ko nang maramdaman ko ang bunga ng pagmamahal namin. Our little warrior
kicked.

Lumuhod ako saka dinampian ng halik ang tiyan niya.

Love is a word that doesn't really have a definite meaning. Only those who
experienced it can define it.

And in my case, love... Is sacrifice. Love... Is waiting. And love... Is strength.

Now that she's in my arms again, I will never let go of her hands anymore. And for
her and our little warrior, I'll make sure,
Astrid will be the safest place on Earth.

***The End***

You might also like