You are on page 1of 2

Nathan John S.

Billona
9-Discoverers

Pangatnig
Ang pangatnig ay isang salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala,
o sugnay at ginagamit upang ipakita ang relasyon sa pagitan ng iba't ibang
bahagi ng pangungusap. Nagdudulot ito ng kaugnayan, pagkakasunod-sunod,
pagkakasalungatan, o pagkakapareho ng mga ideya. Sa wikang Filipino,
maaaring itong magbukod (tulad ng "o," "ni," "habang," at "maging"), manalungat
(tulad ng "ngunit," "habang," at "bagamat"), maglinaw (tulad ng "kaya," "kung," at
"gayon"), manubali (tulad ng "kapag" at "sana"), magbigay-halimbawa (tulad ng
"kung saan" at "gayon din"), magbigay-sanhi (tulad ng "sapagkat" at "dahil"), at
magbigay ng pagtatapos (tulad ng "sa wakas" at "upang").

Pang-ukol
Ang pang-ukol ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan ng mga
ugnayan sa panahon o lawak (tulad ng "sa," "sa ilalim," "patungo sa," "bago") o
nagbibigay ng diin sa iba't ibang semantikong papel (tulad ng "ng," "para sa"). Ito
ay isang morpema, ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagdadala ng
kahulugan, at ito ay karaniwang naroroon sa mga pangkat ng salitang
pangngalan at panghalip na nagpapahayag ng kaganapan (complement) o
pagbabago sa parirala. Kapag ginagamit ito sa pangungusap, nagiging mas
malawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pagtukoy sa direksyon, sanhi,
kinaroroonan, panahon, at iba pang aspeto.

Mga Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangatnig
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-ukol
Ang sugnay o hugnay ay ang kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na
maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa). Ito ay
tinatawag na clause sa wikang Ingles. Kabilang sa mga uri ng sugnay ang mga sumusunod:

 punong sugnay
 malayang sugnay
 pantulong na sugnay
Ang parirala ay mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa
bahagi ng pangungusap.

You might also like