You are on page 1of 14

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKANG

MEDITERRANEAN

DAGAT MEDITERRANEAN
- Ito ay mahaba, malawak, at dumadaloy sa tatlong kontinente: Timog Aprika,
Kanlurang Asya, at Hilagang Europa. (TAKAHE)
- Isang dagat ng Karagatang Pasipiko
- naging mahalagang bahagi ng buhay ng mga mamamayan ng 21 bansang nasa
palibot nito
- Naging ruta ng mga mangangalakal at manlalakbay na nagbigay daan sa kanilang
pagpapalitan ng kultura, produkto, at kalakal. Nakatulong din nang malaki sa
ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.

(TAKAHE)
Timog Aprika Kanlurang Asya Hilagang Europa

1. Algeria 1. Cyprus 1. Albania


2. Egypt 2. Israel 2. Bornia
3. Libya 3. Lebanon 3. Croatia
4. Morocco 4. Syria 4. France
5. Tunisia 5. Greece
6. Herzegovina
7. Italy
8. Malta
9. Moneco
10. Montenegro
11. Slovenia
12. Spain
13. Turkey

- Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na mula


sa simbolo, simpleng komunikasyon tungo sa likhang sining at panitikan
- Pinaniniwalaang nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo
- Naging batayan ng iba’t ibang uri ng panitikan sa buong mundo
MGA TANYAG NA MANUNULAT NA NAG-AMBAG SA PANITIKANG
MEDITERRANEAN

➢ Guy de Maupassant (Henri René Albert Guy de Maupassant)


- Ama ng Modernong Maikling Kwento
- Isang manunulat na Pranses na nakagawa ng 300 maikling kwento kabilang
ang “The Necklace”. (Ang Kwintas)

➢ Voltaire (Francois-Marie Arouet)


- Isang manunulat, at pilosopong noong Panahon ng Pagkamulat sa Pransya
kasama si Jean Jacques Rouesseau.
- Nakagawa ng halos lahat ng mga anyong pampanitikan, kabilang na ang
mga dula, tula, nobela, sanaysay, mga akdang pangkasaysayan, mga
gawang pang-agham na mahigit sa 20,000 na mga liham at mga higit sa
2,000 mga aklat at pampleto.

➢ Hugo (Victor-Marie Hugo)


- Pinakadakilang Makatang Pranses
- Mga kilalang akda: Les Miserables at The Hunchback of Notre Dame

➢ Aesop
- Nakalikha nang mahigit 200 na pabula
- Isang kuba at may kapansanan sa pandinig sapul sa pagkabata. Lumaking
alipin subalit dahil sa kanyang sipag, katapatan at talino ay binigyan siya ng
kalayaan ng kanyang amo. Hinayaan siyang maglakbay at makilahok sa mga
tao sa bayan. Tinuruan ang mga tao ng tamang pag-uugali at pakikitungo
sa kapwa gamit ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga
isinulat dahil bilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang
mga tao, lalo’t ang mga ito’y nabibilang sa mataas na uri ng lipunan.

PANITIKANG TUMATAK AT NAKAIMPLUWENSYA SA BUONG DAIGDIG

1. Mitolohiya (Roma)
Hal: Pag-iibigan nina “Kupido at Psyche”.
➔ Nagmula sa nobelang Metamorphoses na isinulat noong ika-2 siglo
AD ni Apuleius.

2. Sanaysay (Greece)
Hal: Ang Alegorya ng Yungib
➔ isinulat ni Plato kasama ang kanyang akdang The Republic.
Ipinapakita nito ang epekto ng edukasyon at kawalan nito sa ating
pamumuhay.
➔ Isinulat sa pamamagitan ng dayalogo ng kanyang kapatid na si
Glaucon at ni Socrates.
3. Nobela (France)
Hal: Ang Kuba ng Notre Dame
➔ Isinulat ni Victor noong 1829 at inilimbag noong 1831
➔ Naganap ang kwento sa Notre-Dame Cathedral sa Paris noong
1461-1483

4. Maikling Kwento (Pransya)


Hal: Ang Kwintas
➔ Isinulat ni Guy de Maupassant noong 1884
➔ Naging kilala dahil sa bitin nitong wakas na itinuturing na estilo ng
may-akda. Nailimbag ito noong Pebrero 17,1884 sa dyaryong Le
Gaulois. Tulad ng “Ang Kuba ng Notre Dame,” nagkaroon ito ng
napakaraming adaptasyon sa telebisyon at pelikula.

5. Epiko (Mesopotamia)
Hal: Ang Epiko ng Gilgamesh
➔ Nagmula sa sinaunang Mesopotamia na naisulat noong panahon
ng Ika-3 Dinastiya ng Ur
➔ Itinuturing na isa sa pinakatanyag na unang akdang pampanitikan
sa buong mundo.
➔ nagsimula sa limang tulang Sumerian at pinagsama-sama.
➔ unang bersyon: Shūtur eli sharrī (Surpassing All Other Kings).
➔ pangalawang bersyon: Sha naqba īmuru (He Who Saw the Deep).
Sa kasalukuyan, may 20 tablet na ginamit sa pagsusulat nito ang
natuklasan.

6. Tula (Ehipto)
Hal: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
➔ Isang tulang liriko-pastoral na isinalin sa Filipino ni Vilma Ambat.
➔ Naisulat noong panahon ng pagpapalawak ng Emperyo ng Egypt at
panahon ng napakasopistikadong pag-usbong ng kultura.

IMPLUWENSYA NG PANITIKANG MEDITERRANEAN SA MGA PILIPINO

➔ Ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao ay mas naunawaan ng mga Pilipino


sa pamamagitan ng mga akdang naisulat ng mahuhusay na mga manunulat.
➔ Naging malaking tulong rin ang mga tula at iba pang mga prosa na naglalahad ng
mga sinaunang kultura at tradisyon upang mas maintindihan at tangkilikin ang
tunay na kulturang Pilipino.
➔ Bukod dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na gumawa at
mag-imbento ng iba’t ibang mga bagay na kanilang mapapakinabangan at
makakatulong upang mapa-bilis ang kanilang mga gawain.
➔ Ang talento ng mga Pilipino sa pagsulat ay mas umusbong pa hanggang sa
paggawa ng iskrip na gagamitin sa telebisyon o mga pelikula.
➔ Umunlad din ang pagsulat ng prosa sa Pilipino, ng iskrip na pangradyo,
pang-telebisyon, at pampelikula na nagbigay oportunidad sa paghubog ng
talento ng mga Pilipino.
➔ Ang pagganap sa mga tauhan ng iskrip ay nag-silbing mainam na hanap buhay
ng mga Pilipinong mahusay umarte sa harap ng kamera sa ngayon.
➔ Higit sa lahat, naging mulat ang mata ng mga Pilipino sa mga akdang may
mahuhusay na manunulat na naging daan upang makapagplano at maisaayos
nila ang sari-sariling buhay; matugunan o malampasan nila ang kanilang
problemang pinagdaraanan.
➔ Nagsilbing gabay upang mas maunawaan ang mga mithiin ng mga tao at ng
bansa sa pamamagitan ng pagbasa ng mga akda tungkol sa sariling
kasaysayan.

MITOLOHIYANG ROMANO AT GRIYEGO

➢ MITOLOHIYA
Latin: Mythos ibig sabihin ay “KWENTO”
Greek: Muthos

- Naglalarawan ng kasaysayan at kultura ng isang lugar


- koneksyon/relasyon sa pagitan ng mga tao at kalikasan
- Halaw pa sa “mu” na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog ng bibig
- Pag-aaral ng mito o myth at alamat
- Isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinadalika
at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.

➢ MITO/MYTH
- Representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao na
nakakatulong upang maunawaan nila ang misteryo ng pagkakalikha ng
mundo, ng tao, ng katangian ng iba pang mga nilalang.
- Nagpapaliwanag ng nakakatakot na pwersa ng kalikasan sa daigdig.
- Naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.

➢ MITO SA PILIPINAS
- Kwentong bayang naglalahad tungkol sa mga anito at diyosa
- Maaaring matagpuan sa mga kwentong bayan at epiko ng mga
pangkat-etnikong naninirahan sa bulubundukin sa Luzon, Visayas, at
Mindanao.
Halimbawa: Alim - epiko ng mga Ifugao ukol sa pagkaguho ng mundo.

➢ MITOLOHIYANG ROMANO
- Nanghiram o ginawang batayan ang mitolohiyang griyego
MGA DIYOS AT DIYOSA SA MITOLOHIYANG GRIYEGO AT ROMANO

Diyos at Diyosa
Pagpapakilala
Griyego Romano

- Pinuno ng mga diyos sa Olympus


- Pinakamakapangyarihan, pinakamataas o
supremong diyos
Zeus Jupiter - Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may
kasamang kulog
- Ang kanyang simbolo ay agila,toro, kulog at
puno ng oak

Hera Juno - Diyosa ng langit, mga babae, kasal at panganak


- Kapatid na babae at asawa ni Zeus
- Ang kanyang simbolo ay korona, trono at
peacock

Hades Pluto - Diyos ng kamatayan


- Pinuno ng Tartarus
- Asawa ni Persephone
- Ang kanyang simbolo ay setro na may ibon sa
dulo, itim na karwahe at itim na kabayo.

Poseidon Neptune - Diyos ng Karagatan


- May kapangyarihan sa pagmamanipula ng alon,
bagyo at lindol
- Kapatid ni Zeus at Hades
- Ang kanyang simbolo ay piruya o trident na
hawig sa isang malaking tinidor

Ares Mars - Diyos ng digmaan


- Anak nina Zeus at Hera
- Kalaguyo ni Aphrodite
- Ang kanyang mga simbolo ay buwitre, kalasag
at sibat

Apollo Pallas Apollo - Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at


panulaan
- Anak nina Leto at Zeus at kakambal ni Artemis
- Ang kanyang mga simbolo ay pana, uwak at
lyre

Artemis Diana - Diyosa ng buwan, pangangaso, ligaw na hayop


at tagapagtanggol ng mga bata
- Anak nina Zeus at Leto
- Kakambal ni Apollo
- Ang kanyang mga simbolo ay pana at chiton

Athena Minerva - Diyosa ng karunungan, sining, industriya,


digmaan, at katusuhan
- Anak nina Metis at Zeus
- Ang kanyang simbolo ay ahas, puno ng oliba,
helmet at kalasag

Hermes Mercury - Diyos ng komersyo, siyensiya, biyahero,


medisina, laro, pagnanakaw, at panlilinlang
- Mensahero ng mga diyos at gabay ng mga
manlalakbay
- Ang kanyang mga simbolo ay sandalyas at
sumbrerong may pakpak at baton na may
nakapulupot na ahas at pakpak sa dulo.

Hephaestus Vulcan - Diyos ng apoy at sining ng iskultura


- Anak nina Zeus at Hera
- Asawa ni Aphrodite
- Ang kanyang simbolo ay martilyo at buriko

Aphrodite Venus - Diyosa ng kagandahan at pag-ibig


- Asawa ni Hephaestus
- naging kalaguyo ni Ares dulot ng pagtataksil
- Ang kanyang mga simbolo ay kalapati, rosas,
salamin, kabibe, at sisne

Hestia Vesta - Diyosa ng tahanan, at apoy mula sa pugon


- Anak nina Cronus at Rhea
- Ang kanyang mga simbolo ay takure at walang
hanggang apoy

Demeter Ceres - Diyosa ng butil, halaman at agrikultura


- Siya ang nagturo sa mga taong magsaka
- Ang kanyang simbolo ay korona ng butil ng trigo

Dionysus Bacchus - Diyos ng alak, pista, kasiyahan, kaguluhan, at


pagkagumon
- Ang kanyang simbolo ay ubas, kopita at tigre

Persephone Proserpine - Diyosa ng kamatayan at tagsibol


- Reyna ng Tartarus
- Asawa ni Hades
- Anak ni Zeus at Demeter
- Ang kanyang mga simbolo ay bungkos ng
palay, paniki, at nagliliyab na sulo

Eros Cupid - Diyos ng pag-ibig at pagkahumaling


- Anak ni Aphrodite
- Ang kanyang simbolo ay pana at palaso

Hedone Voluptas - Diyosa ng kasiyahan


- Anak nina Cupid Psyche
- Ang kanyang mga simbolo ay pana at palaso

Iris Arcus - Diyosa ng bahaghari, karagatan at kalangitan


- Personal na mensahera ni Hera
- Ang kanyang simbolo ay bahaghari

Zephyrus Zephyr - Diyos ng kanluraning hangin


- Mas gusto ng mga mandaragat at mga
magsasaka dahil mabini ang dala nitong simoy
ng hangin
- Asawa ni Iris

Pan Faunus - Diyos ng kalikasan, mga pastol at pangangaso


- Anak ni Hermes at ng isang nimpa
- Kalahating kambing, kalahating tao
- Ang kanyang simbolo ay plawta

Adonis - Diyos ng kagandahan at pagnanais


- Mahusay na mangangaso kaya kinaiggitan ni
Artemis
- Anak ni Theias (hari ng Syria) at Myrrha (anak
ni Theias)
- Kinahumalingan ni Aphrodite at pinaalagaan
kay Persephone

Eris Discordia - Diyosa ng pagbibiro, sigalot, kaguluhan,


karamdaman, at pag-aawayan
- Ang kanyang simbolo ay gintong mansanas

SI PYGMALION AT GALATEA

➢ PYGMALION
- Isang eskultor mula sa Cyprus.
- Kinahuhumalingan ng mga babae, ngunit iniiwasan niya sila dahil sa
kanyang labis na pagkainis sa ilang babaeng bayaran.
- Ang gumawa ng kanyang obra maestra, perpektong babae, at
minamahal na si Galatea.

➢ GALATEA
- Obra maestra ni Pygmalion
- Ang babae o estatwang minamahal ng eskultor na si Pygmalion.
- Isa siyang estatwang nabigyan ng buhay dahil sa tandang
ipinagkaloob ng DIyosang si Aphrodite (ang Diyosa ng kagandahan at
pag-ibig) kay Pygmalion.

❖ Si Pygmalion ay isang eskultor mula sa Cyprus na kinahuhumalingan ng mga babae,


ngunit siya ay patuloy na umiiwas sa kanila dahil sa kanyang pagkainis sa ilang
mga babaeng bayaran.

❖ Nakalikha siya ng isang napakagandang babae na siya ring naging obra maestra
(masterpiece) niya. Ipinagpatuloy niyang gawin ang estatwa hanggang magkaroon
siya ng isang perpektong babae.
❖ Nagkakaroon ng pagbabago kay Pygmalion habang ginagawa niya si Galatea, ang
babae o estatwang ginagawa niya.

❖ Inaalayan niya ng mga regalo si Galatea, katulad na lamang ng mga mamahaling


kasuotan at alahas.

❖ Kumalat sa bayan ang pagmamahalan nina Pygmalion, na umiibig sa isang estatwa,


at ito’y nakarating kay Aphrodite.

❖ Nagtungo si Pygmalion sa templo, upang mag-alay ng baka at taimtim na nausal


noong kapistahan ng Diyosang si Aphrodite, at kanya naman siyang binigyan ng
isang tanda.

❖ Nabuhay si Galatea, ang estatwang iniibig ni Pygmalion, dahil sa tandang ibinigay ni


Aphrodite.

❖ Agad na bumalik si Pygmalion sa templo upang magpasalamat sa Diyosa.

❖ Nagpakasal sina Pygmalion at Galatea na binasbasan naman ni Aphrodite, at ang


dalawa ‘y nagkaroon ng dalawang anak, sina Paphos at Metharme.

❖ Nag-aalay ang pamilya sa templo taon-taon at pinapalitan naman ito ni Aphrodite ng


pagkakaroon nila ng kasiyahan at pagmamahalan.

ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

➢ Rebecca De Dios
- 16 na taong gulang
- Anak ng mag-asawang OFW (Nagtatrabaho sa Barcelona, Espanya) (8 na taon na
silang nagtatrabaho roon, ngunit ito palang ang unang pagkakataong naisama nila
si Rebecca)
- Pinapunta siya sa Espanya, sa halip na ang kanyang mga magulang ay umuwi
sa Pilipinas
- Nagtatrabaho ang kanyang mga magulang sa HOTEL
- Inayos nila ang kanilang mga schedule upang laging may kasama sa kanila si
Rebecca (Parehas libre tuwing sabado at linggo)
- Mga napasyalan nila: Madrid, Seville, Toledo at Valencia

➢ Klima at Panahon
- Abril - Hunyo = katamtamang panahon
- Hulyo - Agosto (Hindi niya naabutan) = tag-init
- Hulyo - Agosto sa kanila = katulad ng klima tuwing Marso - Abril sa atin
- Tuwing Hulyo - Agosto = maraming turista na dumadayo sa Espanya, lalo na sa
Barcelona
➢ Kultura at Tradisyon
- May mayamang kultura’t tradisyong kanilang maipagmamalaki
- Maraming museo at teatro kung asan masasalamin ang kanilang kasaysayan
- May mga araw at oras silang nakalaan kung saan libre ang pagpasok sa museo
- Nakapasok siya nang libre sa Reina Sofia sa Madrid (isang museong tanyag sa
buong mundo)

LUNES, MIYERKULES, SABADO LINGGO


HUWEBES, BIYERNES

Libre ang pagpasok mula Libre ang pagpasok mula Libre ang pagpasok mula
7-9 ng gabi 2:30 ng hapon umaga hanggang 2:30
ng hapon

➢ Mga nakita niyang obra maestra ng mga tanyag na alagad ng sining:


- Salvador Dali
- Pablo Picasso
- Joan Miro
- Antoni Tapies

- Isa pang tanyag na museong napasukan nila nang libre: National Art Museum of
Catalonia

- BULLFIGHT
➔ ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa isang toro.
- FLAMENCO
➔ pagsayaw na may kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw na tila
nakaangat sa hangin at hindi lumalapat sa sahig.

➢ ANG MGA TAHANAN AT GUSALI


- ipinagkakapuri nila ang mga gusaling naitayo pa noong gitnang panahon at
nagpapakita ng mayaman na kasaysayan ng kanilang lugar.
- Ang bawat gusali ay may taglay na kasaysayang maiuugnay sa kasaysayan
ng lungsod at maging ng bansa

➢ Mga napasyalan ni Rebecca


- Palacio Real sa Madrid
- Toledo’s Ancient Rooftops sa Toledo
➔ Isa sa pinakamatandang lungsod sa Espanya, kung saan
matatagpuan ang mga lumang bahay at makasaysayang mga gusali
- Ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada Familia
➔ Isang UNESCO World Heritage Site
➔ Sinasabing sinimulang gawin sa pamumuno ng tanyag na arkitektong
si Antoni Gaudi noong 1883
Mga lumang gusaling dinisenyo ni ANTONI GAUDI sa Barcelona
- Casa Vicens, Casa Batllo, Guell Pavilions

➢ WIKA
- SPANISH o CASTILLIAN ang kanilang wikang pambansa, na ang tawag
naman natin ay Espanyol
- Mga diyalektong ginagamit ng ilan: GALICIAN, CATALAN, BASQUE
- Kakaunting Espanyol lamang ang nakakapagsalita ng Ingles, kumpara sa
ibang mga bansa sa Europa. Ang pagsasalita ng Ingles ay hindi gaanong
laganap
- Halos lahat ng mga mababasa ay nakasulat sa kanilang wika
- Nasakop nila tayo sa loob ng mahigit tatlong daang taon (300 years) kaya
naman marami silang naging impluwensya sa ating kultura, at kasama na
roon ang ating wika

➢ RELIHIYON O PANANAMPALATAYA
- May naglalakihang simbahang katoliko sa lahat ng dako
- 80-90% ng populasyon sa Espanya ay Katoliko
- Hindi napupuno ang mga simbahan, ang karamihan ay hindi regular na
sumisimba. Nagsasagawa lamang sila nga mga ritwal ng simbahan tulad ng
pagbibinyag, pagpapakasal, at pagbabasbas sa namatay.

➢ Iba pang mga relihiyon na laganap dito


- Islam, Mga ibang pananampalatayang Kristiyano gaya ng mga Protestante,
Jehovah’s Witnesses, Mormons atbp.
➢ ANG KANILANG PAGKAIN AT IBA PANG KAUGALIAN
ALMUSAL “EL DESAYUNO” - Kapeng may gatas at tinapay

ALAS 10-11 ng umaga - TAPAS


➔ muli silang kakain ➔ mga pagkaing
nakalagay sa platito na
kung tawagin natin ay
finger foods

TANGHALIAN “LA COMIDA” - Pinakamalaki nilang kain sa


maghapon.
- Maraming putahe ang
nakahanda, at hindi
nawawalan ng tinapay sa
kanilang hapag. Ito ang
kanilang pinakakanin
- Naglalaan sila ng 2-3 oras para
sa kanilang pananghalian

SIESTA - Ang buong bansa ay


➔ Sandaling pagtulog o nagsi-siesta kaya’t karaniwang
pagpapahinga pagkatapos nagsasara ang mga tindahan,
kumain paaralan, at pagawaan mula
ikaisa hanggang ikaapat ng
hapon (1-4 pm) para sa
mahabang pananghalian at
siesta
- Sa Barcelona at Madrid, ang
pinakamalalaking lungsod at
may pinakamaraming dayuhan
ay bukas ng malalaking
supermarket at mga tindahan
maging sa mga oras na ito

LA MERIENDA - Magaan lang ang pagkaing ito


➔ 5:00 o 5:30 PM na karaniwang tinapay na may
palaman

LA CENA - Mas kaunti ang pagkaing


➔ HAPUNAN nakahain na minsa’y pritong
➔ 9 PM itlog o isda at ensaladang gulay
lamang

PAGKATAPOS NG HAPUNAN - Pangkaraniwan sa kanila ang


lumabas pagkatapos ng
hapunan at maglalakad-lakad
(tinatawag nilang paseo) at
dumaan sa mga restoran o bar
- Umuuwi lang sila upang matulog
kapag maghahatinggabi o
lagpas hatinggabi na
- Sa mga araw na walang pasok
ay inaabot sila ng ikatlo o
ikaapat ng umaga (3-4 am) sa
labas ng tahanan at bago sila
umuwi ay karaniwang kumakain
uli sila ng churros (tila
pinahabang donuts na prinito at
binudburan ng asukal)
(sinasawsaw sa mainit at
malapot na tsokolate)

➢ Mga paborito nila


- Mga putahe: PAELLA, GAMBAS, COCHINILLO ASADO (kahawig ng
ating lechon de leche) atbp.
- Paborito nilang minatamis: LECHE FLAN (gawa sa itlog at gatas)

➢ ISPORTS
- SOCCER O FOOTBALL ang tanyag na laro
- Ang Real Madrid
- Isang koponan ng soccer na nakabase sa Madrid, Espanya
- Pinakapopular na soccer club sa buong mundo na may mahigit na 228
milyong tagasuporta

➢ KASUOTAN
- Higit na pormal ang kanilang kasuotan kumpara sa atin
- Pantalong maong at t-shirt ang karaniwang suot ng kabataan
- Blusa at palda o bestida ang kasuotan ng nakatatandang babae
- Sa kalalakihan, karaniwang nakapantalong slacks at t-shirt na may kwelyo
at sapatos na balat
- Halos walang naka-rubber o tennis shoes maliban sa mga turistang
namamasyal sa baybayin ng Barcelona
- May dress code ang mga simbahan
ANG SAMPUNG DALAGA
➔ Dito binibigyang-diin ni Hesus ang KAHALAGAHAN NG KAHANDAAN ng mga
mananampalataya sa Kanyang pagbabalik.
➔ “Kailangang manatiling may langis ang ating mga “ilawan” sapagkat hindi natin alam
ang araw o ang oras man ng Kanyang muling pagparito”
➔ Mahalaga ang paghahanda upang sa huli ay wala tayong pagsisisihan

PARABULA
- maikling kwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
- Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa
- malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

ISRAEL
- Isang bansa sa Kanlurang Asya na kinikilalang Holy Land o Banal na
Lupain
- Sa maraming bahagi ng Israel, partikular sa lungsod ng Herusalem, namuhay
at nangaral si Hesus. Dito matatagpuan ang mga ginamit niyang lugar sa
pangangaral na mababasa sa mga parabula.

KASAL NG MGA HUDYO


- Ginaganap tuwing gabi
- Sinusundo ng binata ang dalagang pakakasalan bago ang kasal
- Ginaganap ang pagdiriwang ng kasal sa bahay ng binata
- Sa pagpasok ng mga ikakasal ay tanging ang mga taong nag-aabang at may dalang
sulo ang pinapapasok upang maiwasang makapasok ang mga hindi imbitado o mga
gatecrasher

Simbolismo Kahulugan

Matalinong mga Dalaga ❖ Kristiyanong panatig sa Diyos,


nakikita ang pagiging banal at hindi
pakitang tao.

❖ Mga taong handa, kahit anumang


mangyari.

Hangal na mga dalaga ❖ Kristiyanong hindi sumisimba tuwing


Linggo, at nag aaksaya ng oras sa
mga bagay na hindi kailangan

❖ Mga taong walang kahandaan.

Mga Ilawan/sisidlan ng langis ❖ Ang ating kaluluwa


Langis ❖ Kumakatawan sa ating
pananampalataya at patotoo, ating
kadalisayan at katapatan, ating
mabubuting gawa, at pagtupad sa
ating mga tipan

Piging ng kasalan ❖ Kaharian ng Diyos

Hatinggabi ❖ Panahon ng pagsubok


❖ Panahong hindi pa nagaganap ang
pagbabalik ng Panginoon.

Lalaking ikakasal ❖ Ang Diyos


❖ Ang pagdating ng Diyos
❖ Ang pagkatagal ng pagdating ng
lalaki ay tulad ng hindi pagkakaalam
kung kailan ang pagdating ng Diyos.

Kasalan ❖ Araw ng paghuhukom o the


judgement day

Apoy ❖ Dedikasyon sa pananampalataya sa


ating tungkulin sa Diyos

❖ Ang ating pananampalataya

Pagpinid ng Pinto ❖ Ang pagsarado ng pintuan papasok


sa kalangitan dahil sa ating mga
nagawang kasalanan na hindi
natama sa ibinigay na oras

Good luck everyone!!


- m.s.v.m.

You might also like