You are on page 1of 9

THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 8

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

_____1. Isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay


maging birtud.
A. masayahin C. pasasalamat
B. palabati D. utang na loob
_____2. Ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo sa oras ng
matinding pangangailangan.
A. masayahin C. pasasalamat
B. palabati D. utang na loob
_____3. Ayon kay ___________, may tatlong antas ng pasasalamat: pagkilala sa
kabutihang ginawa ng kapwa, pagpapasalamat, at pagbabayad sa kabutihan na ginawa
ng kapwa sa abot ng makakaya.
A. Aristotle C. Mother Theresa
B. Fr. Albert Alejo D. Santo Tomas De Aquino
_____4. Kailan nangyayari ang pagtanaw ng utang na loob sa kapwa?
A. tuwing ginagamit sa maling paraan o pang-aabuso
B. kapag ginawan ka ng kabutihang loob ng iyong kapwa
C. kapag nais mong gumanti sa naitulong ng iyong kapwa
D. tuwing may kailangan kang mapatunayan sa iyong kapwa
_____5. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng_____.
A. damdamin C. kalooban
B. isip D. konsensiya
_____6. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi maituturing na paraan ng
pasasalamat?
A. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakilangan.
B. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang naghihintay ng kapalit.
C. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
D. Magpasalamat sa bawat araw.
_____7. Paano mo maipapakita ang pasasalamat sa kabutihang nagawa ng iyong
kapwa?
A. Nagpapasalamat ngunit masama sa kalooban.
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
C. Paggawa ng mabuti sa kanya dahil may hinihintay na kapalit.
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
_____8. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapapakita ng pagpapahalaga at
pagmamahal sa mga taong nagpakita sa iyo ng kabutihan?
A. Bigyan sila ng simpleng yakap o tapik sa balikat at magpasalamat.
B. Magbigay ng malaking halaga.
C. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
D. Magpadala ng sulat ng pasasalamat sa mga taong nagbigay ng tulong.
_____9. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban
sa:
A. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang
pagpapahalaga at
pagmamahal sa kaniya
B.Paghinto sa pag-aaral upang makapagtrabaho at makatulong sa pamilya sa
kabila nang
may pantustos ang mga magulang
C. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
D. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
_____10.. Alin sa sumusunod na kilos ang higit na kahanga-hanga sa pagpapakita ng
pasasalamat sa kapwa ?
A. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
B. paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
C. pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang
ang trabaho nito
D. pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
_____11.. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng taong isinasabuhay
ang pagpapasalamat sa kapwa?
A. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga
pangarap.
B. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit
hindi bukal sa
kaniyang kalooban.
C. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang
tumingin sa
kaniyang pinanggalingan.
D. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam
niyang
pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa
Diyos.
_____12.. Sa mga tulong na naibigay sa iyo ng iyong kapwa, sa paanong paraan mo
maipapakita ang iyong pasasalamat?
A. pagreregalo sa kanila bilang kapalit
B. pagbabayad ng malaking halaga ng pera
C. pagyayabang ng natanggap na tulong
D. pagpapahalaga sa natanggap na tulong
_____13.. Bilang mag-aaral, alin ang pinakamainam gawin na paraan upang maipakita
mo ang iyong pasasalamat sa iyong magulang ?
A. pagbutihin ang pag-aaral
B. Ipasyal sa paboritong nilang lugar
C. yakapin sila nang mahigpit tuwina
D. bayaran ang lahat ng ginastos nila sa iyo
_____14. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagsasakatuparan mo ng
ritwal na pasasalamat?
A. Ipagmayabang sa kapwa ang lahat ng mga nagawang kabutihan.
B. Isipin palagi kung magkano na ang halagang naitulong mo sa iyong kapwa.
C. Isipin kung paano mo matutumbasan ang mga kabutihang ginawa sa iyo ng
iyong kapwa.
D. Isipin na ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa iyo maging ang tao o mga
bagay na
pinapasalamatan mo.
_____15.. Ano ang dapat isaalang-alang kapag ang pagbibigay ng simpleng regalo ang
napili mong gawin upang maiparating mo ang iyong pasasalamat?
A. ang antas ng pamumuhay ng iyong bibigyan
B. ang halaga ng bagay na ginawa
C. Mahalaga na ang pagbibigay ay bukas sa iyong puso.
D. kung gaano karami ang nagawa sa iyong kabutihan
_____16. Ito ay isang mahalagang birtud na nararapat taglayin at isabuhay ng isang tao.
A. ingratitude B. entitlement mentality C. pasasalamat
_____17. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan na
dapat bigyan ng dagliang pansin.
A. ingratitude B. entitlement mentality C. pasasalamat

_____18. Ito ay kawalan ng pasasalamat na isang masamang ugali na nagpapababa sa


pagkatao.
A. ingratitude B. entitlement mentality C. pasasalamat
_____19. Ang pagpapakita ng _________ kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng
kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.
A. ingratitude B. entitlement mentality C. pasasalamat
_____20. Ito ay hindi pagbalik sa kabutihang loob, pagtatago sa kabutihang ginawa at
hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa.
A. ingratitude B. entitlement mentality C. pasasalamat
_____21. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga material na bagay o
sa __________.
A. kasiyahan C. tao
B. moral D. karanasan
_____22. Pumipigil sa __________ na maging mainggitin sa iba.
A. kasiyahan C. tao
B. moral D. karanasan
_____23. Nagpapatibay ng __________ na pagkatao.
A. kasiyahan C. tao
B. moral D. karanasan
_____24. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang
_____________.
A. kasiyahan C. tao
B. moral D. karanasan
_____25. Nagpapataas ng __________ sa sarili.
A. kasiyahan C. tao
B. moral D. halaga
_____26. Ang _________________ ay pagkilala sa mga biyayang natanggap at bukal na
pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan.
A. Pasasalamat C. Pagmamahal
B. Pagtutulungan D. Pagbibigay
_____27. Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay ____________.
A. gratitude C. patience
B. love D. kindness
_____28. Salitang Latin na __________ (nakalulugod).
A. gratus C. gratis
B. gratia D. gramo
_____29. Salitang Latin na __________ (pagtatangi o kabutihan).
A. gratia C. kabutihang panlahat
B. gratus D. gratis
_____30. Salitang Latin na __________ (libre o walang bayad).
A. gratis C. gratitude
B. gratus D. gratia
_____31. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan
ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na
pagsunod sa mga
ipinag-uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may
pagkakataong di
kailangang magpasakop at sumunod.
_____32. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may
awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging
kaaya-aya para sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
pagkakamali.
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
_____33. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang
mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang bata ay __________:
A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
_____34. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Melsid ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa
lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam
niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na
nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang
samahan sa pamamagitan ng ________:
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang
linggo.
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone /
email kung nasa
malayong lugar.
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng
pag-uwi nang maaga.
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa
kalagayan ng
bawat isa.
_____35. Kilala ang pamilya nina Mildred sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit
na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na
maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga
kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng
mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang
magulang, hindi nagiging maganda ang reaksiyon ni Mildred. Ano ang nararapat na
gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Mildred ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat
pagkakataon.
B. Kausapin si Mildred at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang
marka. Nasa
lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Mildred.
Kumilos nang
ayon sa mga natuklasang dahilan.
D. Isaalang-alang ang kakayahan at pagiging bukod-tangi ni Mildred.
Tanggapin siya kung
ano siya nang walang pagtatanggi.
_____36. Sa Bibliya, Taga-Efeso 6:1 ay nagsasabing “Mga anak, magsitalima kayo sa
inyong mga ____________ sa Pangion: sapagkat ito’y matuwid.
A. magulang
B. Kapatid C. Kapitbahay D. Wala
_____37. Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na
ang ibig sabihin ay ______________.
A. pagmamahal
B. Pakikipagkapwa C.paglingon o pagtingin muli D. Halaga
_____38. Bago pumasok sa kwarto ng mga magulang mo, kumatok ka muna sa pinto
bilang pagpapakita ng ____________.
A. paggalang
B. Pag-aalala C. pag-aaruga D. Wala sa nabanggit
_____39. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga
nakatatanda maliban sa;
A. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makakabuti
sa kanila.
B. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa
pagiging matiisin
at matiyaga sa maraming bagay.
C. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na
pakikipagusap.
D. Huwag makinig sa kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa
karunungang dulot ng
kanilang mayamang karanasan sa buhay.
_____40. Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa
mga taong may
awtoridad.
B. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay
pamahalaan.
C. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat
sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo.
D. lahat ng nabanggit
_____41.Sinabihan si ANA ang kanyang ina na hindi pumunta sa pagsasalo ng kanyang
dating kaibigan kasi malalim na ang gabi,sumang ayon naman si ANA.Anong birtud ang
ipinapakita ni ANA?
A.pagmamahal
B.paggalang
C.katarungan
_____42.Ang anak ay sumusunod sa magulang dahil ito ay may?
A.kapalit B.regalo C.pagmamahal
_____43.Si Pepe ay may nakasalubong na matanda sa daan,nagmamano ito sa
matanda.Kaninong paggalang ito nakatuon?
A.magulang B. awtoridad C. nakakatanda
_____44.Anong pakiramdam kapag ang pinili ay ang mabuting paggalang?
A.masaya B.malungkot C.natakot
_____45.Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang?
A.Umalis si Nena ng walang paalam sa kanyang guro
B.Si Pedro ay dumaan sa gitna ng dalawang nag-uusap na tao
C.Pinulot ni Lisa ang nahulog na pitaka ng matanda at ibinigay ito sa kanya
_____46.Pinangaralan ka ng iyong ama, ano ang unang dapat na sagot?
A.Ewan ko B.Opo C.Malay ko
_____47.May nakita kang pulubi sa daan,gusto mong bigyan ng pera,paano mo ito
ibibigay?
A.Ihahagis ko ang pera sa kanya
B.Ilalagay ko sa kanyang bulsa at may kasamang pangugutya
C.Ipapatong ko sa kanyang kamay na may pagmamahal at respeto
_____48.Anong mangyayari kapag walang paggalang sa magulang,nakakatanda at sa
may awtoridad?
A.magandang buhay
B.matiwasay na pamumuhay
C.magulo ang buhay
_____49.Alin sa sumusunod ang naipamalas ang angkop na kilos?
A.Si karen ay nagpapaalam lamang sa kanyang kaklase na mayaman
B.Si Maria ay isang guro,pinili ang magturo sa kanyang kilalang mayaman na
negosyante sa
kanilang bayan
C.Masaya si Lara sa kanyang mga kabigan na mayaman at mahirap
_____50.Ano ang dahilan na kailangan ang paggalang ay may kasamang pagmamahal
at may katarungan?
A.Upang ito ay madaling maisagawa ang kilos na walang pag-aalinlangan
B.Dahil malayang pumili ang tao sa lahat ng kanyang gagawin
C.Kapag may pagmamahal madaling makuha ang ninais na
_____51.Ano ang dapat itugon na nagpapakita ng paggalang?
A.Ano ba at Bakit B.Po at Opo C.Ayoko at Po
_____52.Anong nagyayari sa kabataan kapag nawalan ng kakayahang sumunod at
gumalang?
A.umasenso B.napahamak C.nalito
_____53.Natutunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng
sumusunod, maliban sa:
A.pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at
masunurin.
B.pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa
kanya.
C.pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at
pagsunod
_____54.Anu ano ang dalawang birtud na nagpapatibay sa mga magulang,
nakakatanda at may awtoridad?
A.paggalang at pagsunod
B.malasakit at kawalan
C.magkasama at pagsunod
_____55.Sino sa mga sumusunod ang ating igagalang na may pagmamahal at
katarungan?
A.magulang, kalikasan, nakakatanda
B.nakakatanda, hayop, awtoridad
C.magulang,nakakatanda,awtoridad
_____56.Ano ang katumbas kung ang kabataan ay kinakikitaan ng kanyang kapwa ng
pagiging magalang at masunurin?
A.hindi mahirap para sa kanya ang makaranas ng paggalang mula sa kanyang
kapwa
B.hindi mahirap sa kanya ang makapag trabaho sa abroad
C.hindi mahirapan sa pagkakaroon ng mayayaman na kaibigan
_____57.Paano mo maipapakita ang paggalang at pagsunod sa iyong mga
magulang,nakatatanda at may awtoridad?
A.Kung kinikilala mo ang kanilang halaga
B.Kapag natatamo mo ang personal na interes
C.Kung naibigay ang lahat ng luho mo sa buhay
_____58.Paano natutunan ng bata ang paggalang at pagsunod ?
A.nagmula sa iminugkahi ng kapwa kaibigan sa labas
B.sa pamamagitan ng pinapanuod na palabas sa telebisyon
C.sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang magulang at iba pang kasapi
ng pamilya
_____59.Paano maipapakita ang paggalang kahit na magkasalungat ang mga pananaw
at paniniwala?
A.sa paraan ng pakikipagtalo ng bawat paniniwala
B.sa pamamagitan ng maayos na pakikinig ng bawat isa
C.kailangan lamang ng mautak na diyalogo upang maisaalangalang ang
kapakanan ng
bawat isa
_____60.Ano ang kalakip na ibabalik sa iyo ng iba kapag patuloy mong ginawa ang
mabuti at pag-iwas sa paggawa ng masama?
A.pagmamahal B.pera C.katapatan

You might also like