You are on page 1of 3

Filipino 9

1. Siya ang matanda at payat na kutsero sa nobelang Takipsilim sa Dyakarta.


a. Tata Selo b. Pak Idjo c. Tuan d. Raden Kaslan
b. Batay sa resulta umabot na sa 6 milyong katao ang nahawaan ng corona virus
pandemic
c. sa buong mundo. Ang pahayag ay isang---
d. A. Opinyon
e. B. Katotohanan
f. C. Walang katotohanan
g. D. Kasinungalingan
2. Pinaratangan siyang mangkukulam kaya pinaalis siya sa kanilang lugar. Anong uri ng
tunggalian ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
3. Ito ay akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, may mahabang
kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan.
a. Maikling Kuwento c. Tula c. Nobela d. Dula
4. Pinagtitinginan si Berto sa daan dahil siya ay nakabihis pambabae at naka make-up.
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
5. Siya ang nagmamaneho ng pulang Cadillac kasama ang asawa niya.
a. Pak Idjo b. Raden Kaslan d. Tuan d. Rayden
6. Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumating ang donyang asawa ng aming
kasama, at pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natatapos kumain ang mga
panauhin sa itaas ay inuuna na raw ang aming mga bituka. Lubha raw kaming mga
timawa. Anong uri ng tunggalian ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
7. Ang sumusunod ay halimbawa ng tao vs. sarili, maliban sa
a. bagyo b. selos c. inggit d.kawalan ng tiwala
8. Sa tingin ko, nakababahala na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa virus na
COVID19 sa Metro Cebu. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang sinalungguhitan?
a. katotohanan b. opinyon c. ekspresyon d.
mensahe
9. Tuwing pista ng kanilang bayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking
bahay ng may-ari ng lupa at tumutulong sa karaniwang malaking handaan. Anong
gawain ang
sumasalamin sa ginawa ng mga magsasaka?
a. kaugalian
b. isang gawain na hindi maiiwasan
c. gawain na ipinagmamalaki ng isang magsasaka
d. gawain na nakapagpapasaya ng taga-nayon
10.Natuklasan ni Ibarra na sadyang mali ang itinurong direksyon sa kanya ni Danny kaya
siya naligaw.
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
Filipino 9

11.Umiiral ang panlanbas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa
mga pamantayang itinakda ng lipunan
a. Tao laban sa Sarili
b. Tao laban sa Tao
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao vs Lipunan
12.Alin sa mga karanasan ang bumago sa takbo ng buhay ni Andres?
a. Yaong tagapamasahe ng mga pinggan
b. Namitas ng mansanas sa Oregon at Washington
c. Naging serbidor sa mga restawran.
d. Nang tumulong ang mag-ama sa karaniwang malaking handaan sa pista ng bayan,
nang sila’y naunang kumain kaysa mga bisita kung saan pinagmumura ang
mga nagsisikain, lubha silang timawa
13.“Hoy,Tanga! Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo'ng kotse ko, aaminin mo o
hindi? Bayaran mo ito!” sigaw ni Raden Kaslan na galit na galit. Anong uri ng tunggalian
ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
14.Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
a. katotohanan b. opinyon c.ekspresyon d. mensahe
15."Pero nagugutom akó,Tuan, at ang aking asawa at ang mga anak ay nagugutom, Tuan.
Kahapon pa kami hindi kumakain, Tuan.” Tugon ni Pak Idjo. Anong uri ng tunggalian ang
binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
16.Sa pakiwari ko nararapat lamang na taasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino sa
bansa dahil na rin sa tumataas na bilihin at pangangailangan.
a. opinyon b. katotohanan c. ekspresyon d. mensahe
17.“Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting tao.
Masipag ka. Matalino. Magalang. Nguni’t tila ayaw mong makihalubilo sa iba. Tila ayaw
mong ikaw ay maabala. Ibinubukod mo ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at ang
lahat ng nasa paligid mo’y makaaabala sa iyo.” . Anong uri ng tunggalian ang binasang
pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
18.Ang konsensiya ay nakamamatay.
a. katotohanan b. opinyon c.ekspresyon d. mensahe
19.Maraming nag-uusyoso sa kalye: patuloy Si Pak ldjo sa paghimas sa ulo ng kabayo, at
nang bumalik si Raden Kaslan at sinabing "Huwag kang tatakas. Tumawag ako ng pulis,”.
Anong uri ng tunggalian ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
20.Ito ay ang labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa.
a. Tao laban sa Tao b. Tunggalian c. Nobela d. Maikling Kuwento
Filipino 9

21.Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nag-iinuman at nagtatawanan sa


restawran. Anong uri ng tunggalian ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
22.Ngunit ang humalili sa kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si ama’y inabutan ng
ulan sa tanghaling siya ay nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmunya. At at . .
namatay.” Anong uri ng tunggalian ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
23.Ulila na akong lubos ay wala pa ni isang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa
harap ng bangkay ng aking ama, na ako ay pilit na mag-aaral, at ako ay magiging
manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyang adhika niyang maging
akin.”Anong uri ng tunggalian ang binasang pahayag?
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan
24.Ang kauna unahang presidente ng Pilipinas ay si President Emilio Aguinaldo.
a. katotohanan b. opinyon c.ekspresyon d. mensahe
25.Nagagalit si Vicky dahil naiwan niya ang kanyang cellphone sa kanilang bahay.
a. Tao laban sa Tao
b. Tao laban sa Sarili
c. Tao laban sa Kalikasan
d. Tao laban sa Lipunan

Inihanda ni:
Bb. Margiore P. Roncales

You might also like