You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ito ay ang pagpapakita ng pagmamahal, pagtitiwala, at mabuting pakikitungo sa kapuwa,


kamag-anak, bagong kakilala, at kapit-bahay.
A. Pagiging palaaway
B. Pagiging masungit
C. Pagiging magiliwin
D. Pagiging masayahin

_____2. Naglalaro kayo ng iyong kaibigan ng bigla siyang nadapa. Ano ang gagawin mo?
A. Tatawagin ko ang iba upang siya ay tulungan.
B. Pagtatawanan ko siya.
C. Pababayaan ko siya.
D. Tutulungan ko siya.

_____3. Dumating ang kamag-anak mo galing sa Maynila. Ano ang pinakainam mong gawin?
A. Mag-ingay sa bahay.
B. Pabalikin sila sa Maynila.
C. Huwag silang pansinin.
D. Patuluyin sa inyong bahay nang maayos at asikasuhin.

_____4. Tinulungan ka ng iyong kaibigan sa ipapasa mong Gawain sa paaralan. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Pauwiin siya sa kanilang bahay.
B. Iwanan siya.
C. Pasalamatan siya.
D. Makipaglaro sa kaniya.

_____5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging magiliwin sa kapwa?


A. Pinagsisigawan ni John ang kaniyang mga kalaro.
B. Pinabayaan ni Cheska na tumawid mag-isa ang matanda sa kalsada.
C. Inaaway ni Carla ang kaniyang mga pinsan.
D. Binigyan ni Jun ang kanilang kapit-bahay ng handa noong Pasko.

_____6. Nakikipanood ang iyong kalaro sa inyong bahay ng paborito niyang palabas sa telebisyon. Ano ang
gagawin mo?
A. Paalisin siya.
B. Ituturo siya sa ibang bahay na doon manood.
C. Sasabihin na bumili sila ng sariling telebisyon.
D. Papapasukin siya sa loob ng bahay upang manood.

_____7. Narinig mo na kinukutya ang isang batang katutubo ng iyong mga kamag-aral, ano ang mainam
mong gawin?
A. Pababayaan lang sila.
B. Makikisali sa pangungutya.
C. Pagtatawanan ang ginagawa ng mga kaklase.
D. Pagsasabihan ang mga kaklase na mali ang kanilang ginagawa.

_____8. Napansin mo na hindi nagpapalit ng damit ang iyong kaklase dahil kakaunti ang kaniyang mga damit. Ano ang mainam
mong gawin?
A. Lalayuan ko siya.
B. Pagtawanan siya.
C. Ipagsabi sa aking mga kaklase na hindi siya nagpapalit ng damit.
D. Bibigyan siya ng mga damit at gamit na hindi ko na ginagamit.

_____9. Kung may makakasalubong kang pilay na bata sa iyong paglalakad at nakita mo na siya ay nahihirapan, ano ang gagawin
mo?
A. Pagtatawanan siya.
B. Magkukunwaring walang nakita.
C. Kaaawaan siya.
D. Aalalayan siya sa paglalakad.

_____10. Ang pagtulong sa kapuwa lalo na sa mga nangangailangan ay isang __________ na gawain.
A. masama B. nakakainis C. mabuti D. nakatatamad

_____11. Hindi sinasadyang naapakan mo ang paa ng iyong guro. Ano ang sasabihin mo?
A. Maraming salamat po!
B. Paumanhin po.
C. Magandang araw po!
D. Makikiraan po!

_____12. Pinahiram ka ng iyong kaklase ng lapis. Anong magalang na pananalita ang tamang gamitin?
A. Makikiraan.
B. Paumanhin.
C. Walang anuman.
D. Salamat.

_____13. Nag-uusap ang iyong tita at nanay sa pintuan. Gusto mong lumabas upang maglaro. Ano ang sasabihin mo?
A. Paumanhin po.
B. Pakiabot po.
C. Makikiraan po.
D. Magandang araw po!

_____14. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa kapuwa lalo na sa mga matatanda?
A. masasakit na salita.
B. magagalang na pananalita.
C. nakaiinis na mga salita.
D. nakatatatot na pananalita.

_____15. May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo?


A. Umalis kayo.
B. Walang anuman.
C. Paalam.
D. Tuloy po kayo.

_____16. Gusto mong ipaabot ang libro sa iyong kaklase. Ano ang dapat mong sabihin?
A. Pakikuha nga ang libro.
B. Pakihagis ng libro.
C. Ibigay mo sa akin ang libro.
D. Pakiabot po ng libro.

_____17. Binigyan ka ng regalo ng iyong ate. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?


A. Maraming salamat.
B. Dapat lang na may regalo ka.
C. Walang anuman.
D. Mabuti naman.

_____18. Nagpapaturo sa iyo ang iyong kaklase sa pagbabasa. Ano ang gagawin mo?
A. Tuturuan siyang magbasa.
B. Sasabihin ko na magpaturo sa ibang kaklase.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Pagtatawanan ko siya.

_____19. Inanod ang mga gamit ng inyong kapit-bahay noong nakaraang baha. Ano ang mainam mong gawin?
A. Sabihin na bumili na lang sila ng bago.
B. Sabihan na mamalimos sila.
C. Bigyan sila ng mga gamit at pagkain bilang tulong.
D. Sabihin na lumapit sila sa barangay.

_____20. Ano ang tawag sa kakayahan tulad ng pag-awit o pagpipinta na maaari nating ibahagi sa iba?
A. talento B. kayamanan C. kalungkutan D. kapangyarihan

_____21. Ano ang dapat nating gawin sa mga kakayahan na mayroon tayo?
A. ipagyabang sa kapwa.
B. Ibahagi sa kapwa.
C. Itago ito sa ibang tao.
D. Gamitin ito sa masama.

_____22. Pauwi ka na galing sa palengke ng makita mo ang iyong tiya na maraming pinamili, ano ang gagawin mo?
A. Kukuwentuhan ko siya.
B. Hihingi ako sa kaniya ng pera.
C. Magmamano ako sa kaniya.
D. Tutulungan ko siyang magbitbit ng pinamili.

____23. Pauwi ka galing sa paaralan ng makita mong nalaglag ang pitaka ng isang ale. Ano ang gagawin mo?
A. Tatawagin ko siya at ibabalik ang pitaka.
B. Bubuksan ko ang pitaka.
C. Ibubulsa ko ang pitaka.
D. Ibibili ko ng pagkain ang lamang pera ng pitaka.

_____24. Anong katangian ang ipinakikita sa pagtulong sa kapuwa sa panahon ng pangangailangan?


A. pagiging masipag
B. pagiging masayahin
C. pagiging palakaibigan
D. pagiging matulungin

_____25. Pagod na pagod ang inyong dyanitor sa paglilinis ng bakuran ng inyong paaralan. Nakita mo na nagtapon ng basura
kung saan-saan ang iyong mga kaklase, ano ang gagawin mo?
A. Pagtatawanan sila.
B. Aawayin sila.
C. Gagayahin sila.
D. Pagsasabihan sila.

_____26. Papasok ka sa paaralan ng hindi sinasadyang nabangga mo ang iyong guro. Nalaglag ang mga dala niyang gamit. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Tumakbo sa silid-aralan.
B. Magkunwaring walang nangyari.
C. Tulungan ang guro na pulutin ang mga gamit.
D. Hanapin ang mga kaklase at makipaglaro.

_____27. Naglagay ang inyong kapitan ng mga babala tungkol sa maling pagtatapon ng basura, ano ang gagawin mo?
A. Sirain ang mga ito.
B. Huwag itong sundin.
C. Sundin ito.
D. Magtapon ng basura kung saan-saan.

_____28. Nakasakay kayo sa bus ng iyong nanay. Sumakay ang isang matanda at wala siyang maupuan. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan siyang nakatayo.
B. Sasabihin sa iba na paupuin siya.
C. Ibibigay ang iyong upuan sa kaniya.
D. Magkukunwaring tulog.

_____29. Ano ang dapat mong gawin habang nagtuturo ang iyong guro?
A. Makinig nang mabuti.
B. Makipag-away sa katabi.
C. Makipagkuwentuhan sa kaklase.
D. Maglaro.

_____30. Ang mga kasapi ng paaralan at pamayanan ay dapat nating ______.


A. awayin B. sigawan C. igalang D. pagtawanan
Susi sa Pagwawasto
1. C
2. D
3. D
4. C
5. D
6. D
7. D
8. D
9. D
10. C
11. B
12. D
13. C
14. B
15. D
16. D
17. A
18. A
19. C
20. A
21. B
22. D
23. A
24. D
25. D
26. C
27. C
28. C
29. A
30. C
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Taong Panuruan 2023-2024
Talahanayan ng Ispisipikasyon

BILA
NG BILA
NG NG PORSYE
ANTAS NG PAGTATASA AT KINALALAGYAN NG
ARAW NG NTO NG
AYTEM
NA AYT AYTEM
Kasanayan sa NAIT EM
CODE Pagkatuto
URO
PAGL
PAGBABA PAG- PAG- PAG
A PAGTA
LIK UNA AANALI LIKH
LAPA TAYA
TANAW WA SA A
T
EsP2 Nakapagpapak 1 2,3,4 5 6 5 13.64%
P- ita ng
IIa-b pagkamagiliwi
–6 n at
pagkapalakaibi
gan
na may
pagtitiwala sa
mga
sumusunod:
6.1.
kapitbahay
6.2. kamag-
anak
6.3. kamag-
aral
6.4. panauhin/
bisita
6.5. bagong
kakilala
6.6. taga-
ibang lugar
EsP2 Nakapagbabah 6,7,8,9, 6 5 13.64%
P- agi ng sarili sa 10
IIc – kalagayan ng
7 kapwa tulad
ng:
7.1. antas ng
kabuhayan
7.2.
pinagmulan
7.3
pagkakaroon
ng
kapansanan
EsP2 Nakagagamit 11,1 13,14 6 4 13.64%
P- ng magalang 2
IId – na
8 pananalita sa
kapwa bata at
nakatatanda
EsP2 9. 15,16,1 5 3 11.36%
P- Nakapagpapak 7
IId-9 ita ng iba’t
ibang
magalang na
pagkilos sa
kaklase o
kapwa bata
EsP2 10. 20 18, 19 21 6 4 13.64%
P- Nakapagbabah
IIe – agi ng gamit,
10 talento,
kakayahan o
anumang
bagay sa
kapwa
EsP2 11. 22,23, 5 3 11.36%
P- IIf Nakapaglalaha 24
11 d na ang
paggawa ng
mabuti sa
kapwa ay
pagmamahal
sa sarili.
EsP2 12. 25,26, 5 3 11.36%
P- Nakatutukoy 27
IIg – ng mga kilos
12 at gawaing
nagpapakita
ng
pagmamalasak
it sa mga
kasapi ng
paaralan at
pamayanan
EsP2 13. 30 28,29 5 3 11.36%
P- Nakapagpapak
IIh-i ita ng
– 13 pagmamalasak
it sa kasapi ng
paaralan
at pamayanan
sa iba’t ibang
paraan
KABUUAN 44 30 100%

Inihanda ni: Iwinasto ni:

DIANNE L. MATEO MIGUELA B. CAYABYAB, EdD


TEACHER I ASSISTANT SCHOOL PRINCIPAL II

You might also like