You are on page 1of 3

MANDANAS ELEMENTARY SCHOOL

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 2

Name :___________________________ Grade and Section:_________

I. Tukuyin ang mga katangian na nagpapakita ng pagkamagiliwin at


pagkapalakaibigan. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Dumating ang iyong kamag-anak galing probinsiya. Mamamalagi sila ng iláng
araw sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Batiin sila nang maayos at patuluyin.
C. Magkunwaring masaya ako sa pagdating nila.
D. Ipapakita ko na hindi ako masaya sa pagdating nila.

2. May bago kayong kamag-aral. Gáling siya sa malayong bayan. Madalas siya ay
malungkot sapagkat wala pa siyang kakilala. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lámang siya. C. Huwag siyang pansinin.
B. Batiin at kaibiganin siya. D. Sabihan na huwag na láng siyang pumasok.

3. Pauwi na si Erwin nang may nakasalubong siyang taga-ibang bayan na


nagtatanong. Paano niya ito pakikitunguhan?
A. Huwag itong kausapin. C. Umiling lámang kapag kinakausap.
B. Kausapin nang may pagyayabang. D. Magiliw na kausapin nang may paggalang.

4. Kapitbahay ninyo ang mag-anak na Cruz. Madalas siláng kapusin sa budget. Ano
ang maaari mong gawin?
A. Kausapin ang mga magulang mo na tulungan sila. C. Pagtawanan sila.
B. Ikuwento at pag-usapan ninyong magkakaibigan. D. Kutyain sila.

5. Napansin mo ang isang matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada. Ano ang


gagawin mo?
A. Panoorin lámang kung paano makakatawid ang matanda.
B. Magiliw na tulungang tumawid ang matanda.
C. Sigawan ang matanda at takutin ito.
D. Pagtawanan ang matanda.
II. Isulat ang OK kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagbabahagi ng sarili
sa kalagayan ng kapwa at Di-Ok naman kung hindi
______6. “Innah, dalawin natin si Jovy dahil siya ay may sakit.”

______7. “Huwag na natin siyang isama dahil wala naman siyang pera.”

______8. “Kuya Ben, nandoon po ang bátang pulubi! Bigyan natin ng pagkain!”

______9. “Itay, tatawid ang matandang nakasaklay, alalayan po natin!”

______10. “Bata, umalis ka rito!”ALin sa mga sumusunod ang nagbabago sa isang


komunidad?
III. Pagtambalin ang sitwasyon na nása Hanay A sa dapat mong sabihin sa Hanay
B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong ságútang papel.
Hanay A Hanay B

__11. Aalis ka ng bahay A. “Maayos naman. Ikaw?”


__12. Dumating ka ng bahay B. “Salamat po!”
__13. Dadaan ka sa harap ng iyong guro C. “Makikiraan po, ma’am.”
__14. Binigyan ka ng pagkain D.“Nay/Tay, narito na po ako.”
__15. Kinumusta ka ng iyong kaklase E. “Paalam po Nanay at Tatay.”
F. “Pakiabot nga po.”

IV. Basahin ang mga sumusunod na diyalogo sa ibaba. Isulat ang TAMA kung ito
ay mabuti at MALI naman kung hindi.
___________16. “Mga pulubi, umalis kayo riyan.”
___________17. “Halika ka rito Ruben, tuturuan kitáng umawit.”
___________18. Dapat pagmalasakitan ang mga táong may kapansanan.
___________19. Hindi dapat ikahiya ang pagtulong sa kapwa lalo kung para sa
ikabubuti nila ito.
___________20. Natabig ng isang bulag ang inumin ni Mico kaya nagalit siya.
Schools Division of Cotabato City
District III
MANDANAS ELEMENTARY SCHOOL
Cotabato City

SECOND QUARTER SUMMATIVE TEST


ARALING PANLIPUNAN 2

TABLE OF SPECIFICATION
TOTAL PLACEMENT
MELC CODE
ITEM NO.
1. . Nakapagpapakita ng EsP2P- IIa-b – 6
pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan
na may pagtitiwala sa mga
sumusunod:
6.1. kapitbahay
5 1, 2, 3, 4, 5
6.2. kamag-anak
6.3. kamag-aral
6.4. panauhin/ bisita
6.5. bagong kakilala
6.6. taga-ibang lugar
2. Nakapagbabahagi ng sarili sa EsP2P- IIc – 7 5 6, 7, 8, 9, 10
kalagayan ng kapwa tulad ng:
7.1. antas ng kabuhayan
7.2. pinagmulan
7.3. pagkakaroon ng kapansanan
3. Nakagagamit ng magalang na EsP2P- IId – 8 5 11, 12, 13,
pananalita sa kapwa bata at 14, 15
nakatatanda
4. Nakapagpapakita ng iba’t ibang EsP2P- IId-9 2 16, 17
magalang na pagkilos sa kaklase o
kapwa bata
5. Nakatutukoy ng mga kilos at EsP2P- IIh-i – 13 3 18, 19, 20
gawaing nagpapakita ng
pagmamalasakit sa mga kasapi ng
paaralan at pamayanan
KABUUAN 20

Prepared by:
AMY A. ALAMHALI
Gr.2-Class Adviser

Checked by:
BENEDICTO C. ABRAGAN Noted by:
Master Teacher I JUDITH GUNSI - TINIO
Principal I

You might also like