You are on page 1of 1

MGA PABORITO KONG PAGKAIN

Ako si Libay na mahilig sa gulay, halos lahat ng gulay na


nasa kantang bahay kubo ay aking kinakain. Ang
kuwento sa akin ni Nanay ay mula nang ako ay
tumuntong sa isang taong gulang ay sinanay na niya
ako na kumain ng mga gulay gaya ng carrots, patatas,
at kalabasa. Hindi nawawalan ng gulay sa aming
tahanan, ang isang basket ay pinupuno ni Nanay ng
iba’t-ibang klase ng gulay. Ang madalas lutuin ni nanay
ay pakbet, chopsuey at pansit na maraming gulay iyan
din ay mga paborito kong pagkain. Ang gulay ay
punung-puno ng sustansya, kailangan nating kumain ng
gulay upang tao ay makaiwas sa sakit.

1. Sino ang mahilig sa gulay?


2. Ilan taon nagsimula si Libay kumain ng gulay?
3. Anu-anong klase ng gulay ang pinapakain kay Libay
noong siya ay isang taong gulang?
4. Bakit kailangan natin kumain ng gulay?
5. Ano ang madalas lutuin ni Nanay na paborito ring
pagkain ni Libay?
6. Ano ang meron sa gulay?

You might also like