You are on page 1of 15

MAGANDANG

ARAW
Ano ang naglalarawan ng isang malusog
na bata?

A. B.
Ano ang dapat kainin ng isang bata?

A. B.
Ano ang lugar kung saan mas
natututo ang mga bata?
A. B.
Ang mga larawan ay halimbawa
________?

A. Prutas B. Gulay
Siya ang nagtuturo sa paaralan.

A. B.
“ANG SIKRETO
NG BATANG SI
LIBAY”
Si Libay ay isang mag-aaral sa baitang lima
sa Masinsin Elementary School. Kilala siya
na isang malusog at aktibong mag-aaral sa
kanilang eskwelahan kaya naman siya ay
kinagigiliwan ng marami. Bihirang
mabalitaan na siya ay lumiliban sa klase
dahil siya ay may sakit. Marami ngang
nagtatanong ano kaya ang sikreto ni Libay?
1.Sino ang batang nasa ikalimang
baitang?
2.Saan nag-aaral si Libay?
3.Bakit kinagigiliwan si Libay?
4.Ano ang tanong ng marami
patungkol kay Libay?
Dumating ang araw ng pagpupulong ng
mga magulang sa kanilang eskwelahan,
naroon din ang ina ni Libay. Matapos ang
kanilang pagpupulong kinausap ni
Binibining Morales ang Ina ni Libay at sinabi
nito na. “Ginang ano ba ang sikreto ni Libay
bakit siya ay napaka aktibo, ni hindi
makitaan ng problema sa katawan?”.
Dito na nga sinabi ng Ina ang sikreto ni
Libay, noong siya po kasi ang isang taong
gulang ay sinanay ko siya na kumain ng mga
gulay gaya ng karot, patatas at kalabasa,
kung minsan nga ay pinagpipiga ko pa siya
ng katas ng kahel upang ito ang magsilbing
inumin niya bukod sa gatas at tubig. “Ahh
kaya pala” sambit ni Binibining Morales.
1.Sino ang guro ni Libay?
2.Bakit pumunta ang Ina ni Libay sa kanilang
eskwelahan?
3.Ano ang sikreto ni Libay na binanggit ng kanyang
nanay?
4.Ilang taon si Libay noong siya ay simulang pakainin ng
gulay?
5.Anu-anong mga gulay ang pinapakain ng Ina ni Libay
sa kanya noong siya ay isang taong gulang?
6.Bukod sa pagpapakin ng gulay ano pa ang sikretong
binanggit ng Ina ni Libay sa kanyang guro?
Sa palengke tuwing umaga namimili
ang nanay ni Libay ng iba’t-ibang
klase ng gulay ito ang nagpupuno ng
basket na kanyang dala, mayroong
talong, ampalaya, repolyo, kamatis,
patola, at marami pang iba.
Paborito ito ni Libay, halos lahat ng gulay na
binanggit sa bahay kubo ay kanyang kinakain,
gustong gusto niya ang pakbet, chopsuey at
pansit na maraming-maraming gulay, bihira
siyang kumain ng mga junk foods at matatabang
karne sapagkat kailangan niya at ng kanyang
pamilya na mapanatiling malusog ang kanilang
pangangatawan upang maging malayo sa kahit
na anong sakit. Iyan ang sikreto ng batang si
Libay na mahilig sa gulay.
1.Tuwing kailan namimili sa palengke ang nanay ni
LIbay?
2.Ano ang nagpupuno ng basket na dala ng nanay
ni Libay?
3.Anu-ano ang gustong lutong gulay ni Libay?
4.Ano ang mga pagkaing bihira kainin ni Libay?
5. Bakit kailangang mapanatiling malusog ni Libay
ang kanyang pangangatawan?

You might also like