You are on page 1of 15

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356785034

Mga Estratehiya ng Pagtuturo ng Wika't Pag-uugnay ng Panitikan sa Reyalidad


ng Buhay'

Article · December 2021

CITATIONS READS

0 15,426

1 author:

Gedaliah Guinto
La Consolacion University Philippines
2 PUBLICATIONS 1 CITATION

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Mga Estratehiya ng Pagtuturo ng Wika’t Pag-uugnay ng Panitikan sa Reyalidad ng Buhay View project

All content following this page was uploaded by Gedaliah Guinto on 05 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa panahon ng Pandemya

“Mga Estratehiya ng Pagtuturo ng Wika’t Pag-uugnay ng


Panitikan sa Reyalidad ng Buhay’’
Gedaliah I. Guinto
gedaliah.guinto@email.lcup.edu.ph
Disyembre 2021

Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kakayahan ng mga guro na ituro ang

iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya. Mga

pamamaraan ang lundayan ng sulating ito upang malinang ang kaalaman ng mga nag-aaral at kung

paano magiging susi sa kanilang pag-unlad gayong nahaharap tayo sa pandemya. Masasalamin din

dito ang iba’t ibang lebel ng pag-unawa sa mga salitang nakalimbag sa sulating ito na maaaring

maging daan upang higit na pahalagahan ng mga kabataan o ng mga mag-aaral ang binuong pag-

aaral na ito. Ang pagtuturo ay isang sining dahil sa pagiging malikhain ng mga guro sa kaniyang

pagtuturo upang makuha ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral upang matuto lalo na sa

panahon ng pandemya. Katulad ng isang pari at iba pang may mga taglay ng kaalaman sa isang

bagay, ang guro ay nakapagbabahagi ng kaniyang kaalaman batay sa mga bahagi ng sulating nais

na maituro sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng masining na paraan. Sa sulating ito, masusukat

ang kakayahan ng mga guro at mag-aaral upang harapin ang bagong paraan ng pagtuturo at

pagkatuto kung saan ang Social Media at Internet ang magiging batayan ng patuloy nilang

pagkatuto. Makatutulong ang sulating ito upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral

maging mga guro sa pagtuturo ng iba’t ibang makrong kasanayan, ang panitikan, talasalitaan at

pagtataya.

1
Sa kabuuan, maaari nating sabihin na lahat ng mga pamamaraang ito ay magagamit sa

pagtuturo ng wika. Kailangan lamang isaalang-alang ng isang guro ang kakayahan ng mga mag-

aaral, ang sitwasyon kung saan gagamitin ang pamamaraang ito, at ang kanyang layunin upang

maitawid ang pagtuturo pagpunta sa kasanayan. Ang lamang sa isang paraan sa isa pang paraan

ay malinaw na makikita lamang sa pagkakaiba ng gamit at sitwasyon na gagamitan nito. Lubos na

matutukoy mula rito na ang anumang gagamiting pamamaraan sa pagtuturo ng wika ay dapat

sumasalamin sa ninanais ng guro na makamit ng kanyang mga mag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon, nabigyan ng bagong bihis ang pagtuturo ng Panitikan mula sa

mga pamamaraang dati na nating ginagawa noong normal pa ang sitwasyon ngunit, nabigyan lang

ng bagong danas sa tulong at pagsanib ng teknolohiya. Ito ang tamang panahon upang pagnilayan

at pag-isipan kung paano pa mapabubuti ng guro ang pagtuturo ng panitikan. Kahit tayo’y nasa

panahon ng distance learning kailangan pa rin maging makabuluhan at sistematiko ang pagtuturo

nito. Kinakailangang iangkop ang mga pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo ng panitikan

lapat/angkop sa karanasan ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Nakasalalay pa rin sa ating

mga guro kung paano natin magagawang pasiglahin at makuha ang interes ng mag-aaral sa pag-

aaral ng panitikan.

Huwag nating kalilimutan ang pagiging malikhain, ito’y isang katangiang dapat taglayin

ng bawat guro upang ang pagtuturo at pagkatuto ay maging magaan, mabilis, makahulugan,

mabisa at kasiya-siya maging sa ganitong sitwasyon.

2
Mga Susing Salita: Distance Learning, direktang approach, audiolingualism, reading approach,
reporma, kompetensi, pagtataya, pagkatuto.

1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

Sa panahon ngayon ng pandemya, ang Kagawaran ng Edukasyon ay isinulong pa rin ang

pag-aaral ng mga kabataan. Ano ako bilang Guro sa panahon ng malaking hamon na ito? Paano

ko ginagampanan ang mahalagang papel bilang pangalawang magulang ng mga kabataang pag-

asa ng bayan? Ang Distance Learning na tinatawag na Modular at Online class ang mga paraang

ginagamit upang maisakatuparan ang mga layunin at misyon ng mga paaralan. Ako bilang guro sa

Filipino ng dalawang modality ito ay nararapat na taglay ang mga katangiang kaaya-aya bilang

tinatawag na guro may PUSO. Sabi nga niyan, subukan nating isuot ang mga sapatos ng mga

magulang at mag- aaral nang sa gayon ay maramdaman natin ang hirap na kanilang kinakabaka sa

pandemya. Marami na tayong napag-alaman na bagamat modyular na lamang ay labis pa rin ang

paghihirap ng mga mag-aaral. Naroong makaranas sila ng depresyon na nauuwi sa pagpapakama-

tay. Marami silang mga suliranin na pati ang pamamaraan ng pag-aaral ay siyang itinuturong

dahilan ng pagkabalisa ng mga mag-aaral.

Kaya naman bilang guro, pagaanin natin ang ating mga trabaho batay lang sa mga

kompetensi ng MELC na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon. Ganoon din, ang mga mag-

aaral ay matututo ngunit hindi rin naman mahirap na tulad ng kanilang iniisip. Sikapin nating

unawain ang kanilang mga magulang na dahil sa pandemya ay nawalan ng trabaho ngunit

nagsisikap pa rin na maghanap ng ikabubuhay upang maitaguyod ang pamilya lalong higit ang

mga anak na nagsisipag-aral. Huwag tayong masyadong maghigpit sa pagtuturo bagkus ay bigyan

natin sila ng importansya lalo na ang kanilang kalusugang mental at emosyonal.

3
Heto tayo sa panahon ng pakikitalad sa hamon ng buhay. Tayo ay magturo ng kagalingang

pang-akademiko. Ituro natin ang moral at espiritwal na kamalayan upang sa mga panahong ito ng

kagipitan, tayo ay may matibay na sandigan, ang malalim na paggalang sa sarili, katatagan at

handang tanggapin ang lahat nang pagbabago sa New Normal System ng Edukasyon. Iyan ako

bilang guro sa Asignaturang Filipino.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

A. Paglilipat-Baybay (Grammar Translation)

Ang pamamaraang ito ay maituturing na karugtong ng mga pamamaraang ginagagamit

noong klasikal na panahon hanggang sa kasalukuyang panahon ng pagtuturo ng wika. Ito ay

nakatuon sa pagkakabuo ng mga salita, pangungusap, etc. Ang pagtuturo nito ay ibinibigay gamit

ang sinusong wika (mother tongue) ng mga mag-aaral. Kakaunti lamang ang pangangailangan sa

paggamit ng wikang ninanais matutunan. Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng

4
balarila, baybay, at pagkakabuo ng isang mensahe. Maagang pinapabasa ang mga mag-aaral ng

mahihirap na babasahing nasusulat sa nais matutunang wika. Ang kadalasang pagsukat ng kakaya-

han ng mga mag-aaral ay base sa paglilipat ng wika mula sa nakamulatang wika papunta sa wikang

nais matutunan. Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng mga mag-aaral

na gamitin ang wikang ninanais matutunan sa pasalita sa kadahilanang ang kasanayan ng mga

mag-aaral ay sa pasulat na pamamaraan.

B. Direktang Pamamaraan (Direct Approach)

Ang pamamaraang ito ay reaksyon mula sa paggamit ng paglilipat-baybay (grammar

translation) at sa kawalang kakayahan nitong makapagturo sa mga mag-aaral na gamitin ang target

na wika sa pasalitang komunikasyon. Sa pamamaraang ito, hindi pinapayagan ang paggamit ng

nakamulatang wika. Ang mga aralin ay kadalasang nagsisimula sa mga dayalogo o kasabihan na

gagamitin upang magkaroon ng ugnayang-komunikasyon o pag-uusap. Ang pagkumpas, pag-

gamit ng katawan, at mga larawan ay ginagamit upang lubos na maunawaan ang nais iparating ng

komunikasyon. Ang pagtuturo ng balarila ay hindi direkta at kung kinakailangan lamang. Ang mga

gawang pampanitikan ay pinapabasa sa mga mag-aaral upang maglibang lang at hindi upang

analisahin ang nilalaman nito. Ang kultura ng wikang ninanais matutuhan ay hindi din direktang

itinuturo sa mga mag-aaral. Ang guro ay dapat may lubos na kakayahan sa pagtuturo ng target na

wika ng mga mag-aaral.

5
C. Pabasang Pamamaraan (Reading Approach)

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon sa mga problemang lumutang sa paggamit ng

direktang pamamaran ng pagtuturo ng wika. Ito ay nababatay sa paniniwalang ang kakayahan sa

pagbasa ay ang mas magagamit na kakayahan sa pag-aaral ng ibang wika lalo na sa paglalakbay.

Ito rin ay nabuo sa dahilang kakulangan ng mga guro sa kakayahan na gamitin ang direktang

pamamaraan. Ang mga aralin sa balarila na kinakailangan lamang sa pagbabasa ang tanging

itinuturo sa mga mag-aaral. Ang mga aralin sa pagpapalagom ng mga salita ay dahan-dahang

ibinabahagi sa mga mag-aaral. Ang pagsasaling-wika ay muling ginagamit bilang isang kapaki-

pakinabang na paraan. Ang pagkaunawa sa mga binabasa ang tanging tuon ng pagsasanay sa mga

mag-aaral. Hindi kinakailangan ng guro ang lubos na kasanayan sa pagtuturo ng wika.

D. Audiolingualism

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa problema at kakulangang nakita sa

reading approach. Mula sa kabiguan ng reading approach na makapagsanay ng mga mag-aaral na

nakakapagsalita at nakakapakinig sa komunikatibong antas. Ito ay nagmula sa reporma ng direk-

tang pamamaraan ngunit dinagdagan lamang ng saklaw ng structural linguistics.

Ang mga aralin ay sinisimulan sa paglalatag ng mga dayalogo. Ang pagmememorya at

panggagaya ng mga salita ay ginagamit bilang isang mabisang Teknik dahil sa paniniwala na ang

wika ay natutunan mula sa pagkasanay na gamitin ito. Ang pagsasanay sa pagbaybay ng mga salita

ay ang tuon mula sa simula ng pag-aaral. Masidhi ang pagpigil sa pagkakamali ng mga mag-aaral

sa paggamit ng wika. Ang wika ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmamanipula ng guro at hindi

tinutuunan ng pansin ang pakahulugan ng mensahe. Ang guro ay dapat may lubos na kakayahan

sa pagtuturo ng balarila at pagbibigkas ng (ponolohiya).

6
E. Oral- Sitwasyonal

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa paggamit ng pabasang pamamaraan ng

pagtuturo ng wika dahil sa kakulangan nito na bigyang diin ang kakayahan ng mag-aaral sa

pagsasalita at pakikinig. Ito ay sumikat sa Britanya noong 1940 hanggang 1960. Sa pamamaraang

ito, ang sinasalitang wika ay ang pundasyon. Ang wikang nais matutunan ay ipinipresenta sa mga

mag-aaral sa pasalitang paraan bago sa pasulat. Tanging ang wikang nais matutunan ang ginagamit

sa loob ng silid-aralan. Ang pagtuturo ng balarila ay mula sa simple hanggang sa komplikadong

bagong mga salita ang itinuturo sa mga mag-aaral base sa bawat sitwasyon.

F. Kognitiv

Sa pamamaraang ito, ang pag-aaral ng wika ay pinaniniwalaang nangyayari sa pagkatuto

ng mga batas at alintunin ng balarila at hindi sa pamamagitan ng pagsasanay na gamitin ito. Ang

pagtuturo ay kadalasang isahan kung saan ang mga mag-aaral ang pangunahing dahilan ng

kanilang sariling pagkatuto. Ang balarila ay itinuturo sa mga mag-aaral. Ang pagtuturo ng baybay

ay itinuturo din sa mag-aaral ngunit hindi nakatuon sa pagpapalinis ng pagbigkas. Ang pagbasa at

pagsulat ay mga pinakamahalagang paraan ng pagkatuto kapantay ng pagkatuto sa pakikinig at

pagsasalita. Ang pagtuturo ng mga salita ay kinikilala ding mahalaga. Ang kamalian ng mag-aaral

sa paggamit ng wika ay kinikilala ding hindi maiiwasan ngunit malilimitahan. Ang guro ay

inaasahang magaling sa paggamit ng wikang nais matutunan ng mga mag-aaral.

7
G. Afectiv-Humanistik

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon sa pangkalahatang kakulangan ng ibang mga

pamamaraan sa pandamdaming aspeto ng pagtuturo ng wika. Sa pamamaraang ito kinikilala ang

mga mag-aaral bilang isang indibidwal na may damdamin at kakayahan. Ang pagtuturo ng komu-

nikasyon ay base sa kakayahan ng mag-aaral. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng dalawahan o

pangkatang pagsasanay. Ang klima ng emosyon sa loob ng silid-aralan ay kinikilalang mas

mahalagang kagamitan sa pagtuturo ng wika kaysa sa anumang materyal. Ang suporta ng kaibigan

at kamag-aral ay kinikilalang mabisang pantulong sa pagkatuto.

H. Comprehension-Based

Sa pamamaraang ito, ang pakikinig ay kinikilalang pinakamahalagang kakayahan upang

matutong magsalita, bumasa at magsulat nang maayos ang mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay

nagsisimula sa pakikinig ng mga makabuluhang salita at nagbibigay ng fidbak sa makabuluhang

paraan ng komunikasyon. Ang mga mag-aaral ay hindi nakakapagsalita hanggang hindi sila handa.

Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nagmumula sa mga makabuluhang karanasan na kanilang

ikinokonekta sa pag-aaral ng wika. Ang pagwawasto ng istruktura ng pagkaunawa ng mag-aaral

ay kinikilalang hindi mahalaga. Ideya ang kinikilalang mahalaga sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

I. Komunikatibo (Communicative)

Sa pamamaraang ito, kinikilala na ang layunin ng pag-aaral ng wika ay ang pagsali sa

gawaing kumunikasyon. Pinaniniwalaan sa pamamaraang ito na ang pagbuo ng kahulugan at ang

kaugnayan nito sa balarila ay mas mabisang paraan ng pagkatuto ng buo sa wikang ninanais

matutunan. Ang mag-aaral ay madalas na nag-aaral ng wika sa pangkatang paraan. Ang mga

8
gawain at pagsasanay ng pagkatuto ay kadalasang otentik. Ang mga gawain ay dapat repleksyon

ng tunay na buhay at pangyayari upang maikonekta ng mga mag-aaral sa kanilang karanasan. Ang

guro ay isa lamang tagasubaybay sa pagkatuto.

3. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Binigyang- linaw ni Badayos (2008) sa kanyang aklat na pinamagatang “Metodolohiya sa

pagtuturo at pagkatuto ng Filipino, Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya” aniya, ang panitikan ay

isang sining. Sapagkat sining, wala itong tiyak o istandard na paraan ng pagtuturo. Kailangan lang

maging makabuluhan at sistematiko sa pagtuturo nito. Samakatuwid, iminungkahi ni Badayos na

ituro ang mga akdang pampanitikan bilang isang likhang sining. Dagdag pa niya sa ganitong

paraan tayo makalilinang ng mga mag-aaral na magkukusang magbasa, maglalahad ng kanilang

mga binasa hanggang sa tuluyang makalikha sila ng babasahin para sa kanilang sarili.

Ang panitikan ay nagbibigay-hugis sa mga bunga ng makabuluhang karanasan ng tao sa

pamamagitan ng panitikan, nagagawa nitong malinang ang ating mga pangitain tungkol sa

reyalidad ng buhay.

Sa katunayan, ang reyalidad na ito’y ang masalimuot na karanasan natin sa buhay. Mga

karanasang “malaon na nating alam” ngunit hindi maipapaliwanag hangga’t di nakikita nakikita

o nararanasan sa mga akdang pampanitikan. Nagagawang ipadama sa atin ng panitikan ang mga

karanasang nabubuo sa ating imahinasyon.

9
4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng

(a) pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities,

at (c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

Ipinahayag ni Ordonio mula sa isinagawang pananaliksik nina Ardiza at Bontilao et.al.

(2011), tungkol sa “Impluwensya ng Alternatibong Pagtataya sa Pagkatuto ng mga Estudyante sa

Filipino 2” na sa makabagong panahon ang guro at mga mag-aaral ay nahaharap sa mukha ng

pagbabago, sa pagtuturo at pagkatuto. Hindi maipagkakait na malaki ang naging epekto ng

impluwensya ng midya at makabagong teknolohiya sa komunidad. Maraming mga impormasyon

ang mabilis kumalat at ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay patuloy ding tumataas. Ayon

sa mga mananaliksik, ang malaking palaisipan na tanong ay kung paano epektibong masusukat ng

guro ang kaalaman at ang natutuhan ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga araling natalakay.

Mula sa pag-aaral nina Ardiza at Bontilao et.al. (2011) sinabi ni Lawrence (2010),

“Classroom assessment is one of the most important tools teachers can use to understand the needs

of the students.” Ipinaliwanag nina Ardiza at Bontilao et.al. (2011), na sa pahayag na ito sinasabing

ang pagtataya ay mahalagang kasangkapan upang masukat ng guro ang kaalamang natamo ng mga

10
mag-aaral. Sa pamamagitan nito, matutuklasan ng guro ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat

indibidwal. Kung gayon, mabibigyang gabay siya upang mas mapaunlad ang paraan ng pagtuturo

at mabigyang direksyon ang mga mag-aaral tungo sa pagkatuto. Ang nakaugaliang tradisyunal na

pagtataya ay ang kadalasang ginagamit ng mga guro sa pagsukat sa natamong kaalaman ng mga

mag-aaral. Binibigyang pokus nito ang pangkabuuang aspeto ng isang indibidwal ngunit, hindi

nalilinang sa ganitong paraan: ang kaalaman at kasanayan.

Binanggit rin sa pag-aaral na ginawa nina Ardiza at Bontilao et.al. (2011) na ayon kay

Feketa (2009), “Knowledge must be expressed to be assessed.” Nilinaw ng mga mananaliksik na

maraming mga mag-aaral ang nahihirapan at hindi gaanong umaangat sa tradisyunal na pagtataya,

ang tinatawag na pasulat na pagsusulit. Samantalang, kung sa mga interaktibong mga gawain,

nagiging aktibo ang mga mag-aaral at masasabing umaangat ang antas ng kanilang kasanayan.

Nagpapatunay lamang ito sa pilosopiyang, “Behind active learning, comes from the idea that every

student learns differently.” Kung kaya, nagkaroon pa ng isa pang uri ng pagtataya, ang

alternatibong paraan na sumusukat sa kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral mula sa nata-

mong kaalaman sa pagtuturo.

Ipinaliwanag ng mga mananaliksik na sa paglitaw ng bagong paraan ng pagtataya, ang

ilang mga guro ay gumagamit ng patatayang alternatibo ngunit mayroong mga guro na binibigyang

pokus ang tradisyunal na paraan. Sinasabing ang tradisyunal na pagtataya ay epektibo upang

masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral. Maraming naniniwala na ang alternatibong paraan na

sumusukat sa kakayahan ng mga mag-aaral ay magandang paraan at naging epektibo sa patataya

sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Base sa aking karanasan bilang guro sa Baitang 7, upang masukat ko ang pagkatuto ng

aking mga mag-aaral pareho kong ginagamit ang Pagtatayang Tradisyunal at Di Tradisyonal o

11
Alternatibong Pagtataya noong normal pa ang sitwasyon sa dahilang isinasaalang-alang ko ang

pagkakaiba-iba ng aking mga mag-aaral. Napatunayan kong may mga klase ng mag-aaral na

magaling sa “Written Works” at may iba namang mahusay pagdating sa “Performance Task”.

Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, masasabi kong ang Pagtatayang Tradisyunal ang mas

angkop na gamitin sa paraan ng pagtataya. Una na rito, ang Pormatibong pagtataya ang ginagamit

ko sa pagsisimula ng aking pagtuturo upang malaman ang lawak ng kaalaman ng aking mga mag-

aaral bago magsimula ang aming mga pagtalakay. Sa ganitong paraan, madali kong nasisiyasat

kung ano pang mga aralin ang dapat bigyang-tuon. Ikalawa, ang maikling pagsusulit, gamit ang

iba’t ibang online application para sa mga mag-aaral na may access sa internet ginagawa ko ito sa

bawat sesyon ng aming online class, upang matiyak kung ilan sa mga mag-aaral ang nakaunawa

sa aming talakayan sa mismong araw na iyon. Sa mga mag-aaral naman na nasa modyular, gamit

ang mga katanungan sa modyul na kinapapalooban ng (HOTS) – kritikal na pag-iisip, pagsusuri,

paghahambing at iba pa. Mula sa pagpapaliwanag at pangangatwiran ng mga mag-aaral nalalaman

ko kung sino sa kanila ang nakatamo ng malalim na pag-unawa mula sa mga araling nakapaloob

sa modyul. Nagbibigay rin ako ng Sumatibong pagtataya sa pagtatapos ng bawat markahan upang

mataya ang pagkatuto ng mag-aaral.

Sa isinagawang pag-aaral ni Hicana (2012) ipinahayag niya na binigyang diin ni Brain

(1996), na ang susi sa lahat ng suliranin sa mabisang pagtuturo ay ang guro. Kumbaga sa isang

manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damahin at pakinggan

ang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan ng

kaukulang lunas. Isang hamon sa mga guro sa ganitong panahon kung papaano magsasasagawa ng

mga “Performance Task” na susukat rin sa kakayahan at natutuhan ng mga mag-aaral. Sa ganitong

sitwasyon, sa aking palagay hindi epektibong maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang pagsasa-

12
gawa ng “Performance Task” dahil hindi lahat ng mag-aaral ay may kagamitan tulad ng smart

phone, laptop at iba pa.

Mula sa libro ni Badayos (2008) sinabi ni Cooper (1990), na ang epektibong guro ay iyong

nagagawang maihatid sa mga mag-aaral ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto. Samakatuwid,

kahit tayo’y nasa ganitong sitwasyon sinisikap nating ibigay ang lahat ng ating makakaya upang

maihatid sa mga mag-aaral ang inaasahang bunga ng pagkatuto. Patuloy nating naisasakatupan

ang ating sinumpaang misyon at bokasyon ng ating dakilang propesyon dahil sa tulong, suporta at

pakikiisa ng mga mag-aaral, magulang, kagawaran at pamahalaan.

5. Sanggunian

Albuῆan, L., Aῆonuevo, M.J., Avila, A.M., Bartolay, R., Bermas, R., Lagos, E.J. Ang Antas ng
kasanayan sa Pagsulat ng Sulatin ng Dalawang Grupo ng mga Mag-aaral sa Ikapitong
Baytang sa Nagpayong High School.
https://www.academia.edu/36382562/ang_antas_ng_kasanayan_sa_pagsulat_ng_sulatin_
ngdalawang_grupo_ng_mga_mag_aaral_sa_ikapitong_baytang_sa_nagpayong_high_sch
ool

Ardiza, A., Bontilao, V., Mata, A.M., Pantuan, M.Y., Sombilon, R., (2011, Marso 11).
Impluwensya ng Alternatibong Pagtataya sa Pagkatuto ng Filipino 2.

Badayos, P.B. (2008) Metodolohiya sa Pagkatuto ng/sa Filipino. Mga Teorya, Simulain at
Estratehiya (Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.). www.mutyapublishing.com

Bostrello, J. (2018). Mga Paraan ng Paglinang ng Bokabolaryo ng mga Mag- aaral sa Ikapitong
Baitang ng Argawanon Integrated School, taong panuruan 2018-2019.
https://www.academia.edu/37737432/mga_paraan_ng_paglinang_ng_talasalitaan.

Cabigao, J. R. (2012). Magsikap. Mamulat. Magsulat. Pagpapaunlad Batayang Kasanayan sa


Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Filipino Baitang 7 (Improving Basic Writing Skills of Grade
7 Students in Filipino).

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

13
Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5.256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

Espina, L. et al. 2007. Modyul ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mindshapers Co., Inc.
Intramuros Manila.

Murcia, M. 2006. Teaching English as a Second or Foreign Language. Thomson Learning Asia,
Australia.

Reyes, S. 1997. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de Manila University Press.
Manila, Philippines.

14

View publication stats

You might also like