You are on page 1of 4

KABANATA 7: SI

SIMOUN
TALASALITAAN

Tahip– kabog; pintig


Lumantad– lumabas
Panaka‐naka– paminsan-
minsan
Kabuktutan– kabuhungan;
kasamaan
Kubli– tago
Pagkagahaman–
pagkasakim
Gulilat– nabigla; nagulat
TAUHAN
Simoun- isang
napakayamang mag-
aalahas at kaibigang
matalik ng Kapitan
Heneral

Basilio- anak ni Sisa at


kapatid ni Crispin,
nakapagtapos sa
pagpapalipin kay ni
Kapitan Tiago

Tagpuan

Sa kagubatan o sa puno
ng balete
BUOD
KABANATA 7: SI SIMOUN
Makapangyarihan ang mayamang mag-aalahas na si Simoun.
Dahil siya ay makapangyarihan, wala siyang kinatatakutan maging
ang Kapitan-heneral. Matalim siyang magsalita at laging
naghahamon ng kakayahan sa mga nakakausap. Bumalik siya ng
Pilipinas pagkatapos ng labintatlong taon upang maghiganti at
maghasik ng rebolusyon sa mapaniil at tiwaling pamahalaan.
Natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun nang di sinasadyang
makita siya nito na naghuhukay sa madilim na kagubatan. Upang
hindi mabunyag ang pagbabalatkayo ni Simoun ay inisip niyang
wakasan ang buhay ni Basilio subalit nagbago ang kanyang isip.
Nang mabatid niyang hindi siya ipahahamak o ipagkakanulo ng
binata sa makapangyarihan ay hinimok siya ni Simoun na siya'y
tulungan subalit tumanggi ang binata dahil hindi siya mahilig sa
politika at iba ang kanyang layunin. Nais ng binata nang mapaya
at tahimik na buhay subalit hindi siya tinigilan ni Simoun na
imulat ang kanyang mga mata sa mga totoong pangyayari at ang
magiging kinabukasan ng kanyang bayan kung silang mga
kabataang may mahuhusay na kaisipan ay malilihis ng adhikain.
Patuloy niyang hinamon ang binata sa paggising sa kanyang diwa
tungkol sa kasawian ng kanyang pamilya na nakapagpaalab ng
kalooban ng nakababatang ginoo. Bukás pa rin ang usapan at
hiling ni Simoun sa binata kaya sinabihan siyang makipagkita sa
kanya sa pagbalik nito ng Maynila.
KABANATA 7: SI
SIMOUN
KAISIPAN

Pagtanaw ng utang na loob


Walang lihim na hindi nabubunyag
Ang pagwawakas sa lahat bg pang-aapi mapapampulutika,
panlipunan, at ekonomiya ay siyang magdudulot ng
makubuluhan na pag-unlad ng bansa.
Ang hindi magandang sistema ay dapat na lisanin upang
magkaroon ng maayos.
Ang mga hindi nakakakuha ng katarungan ang siyang ugat
ng paghihiganti ng mga naaapi.

TEORYANG PANITIKAN

Sosyolohikal
Sikolohikal
Klasismo
Realismo

You might also like