You are on page 1of 1

Pagbabasbas sa Ikalawang Opisyal na Replica ng Mahal

na Birhen ng Sto. Rosario

Pari:
Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Amang
makapangyarihan upang tayo ay maging kawangis ni
Hesukristo sa taimtim na pagdalangin sa tulong ng
larawang ito ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.

Manalangin tayo.

O Panginoong Diyos, ikaw ang bukal at simula ng lahat


ng pagpapala at biyaya.
Ibuhos mo ang iyong bendisyon sa larawang ito ng
Mahal na Birhen Maria na nagpapaalala ng iyong
kabutihan, kabanalan, at pagmamahal sa aming lahat.
Upang ang lahat ng dumulog at magdasal sa imaheng ito
ay magtamo ng awa at biyaya. Loobin mong tularan nila
ang kabanalan at aral ng Panginoon at ng Mahal na
Birhen Maria. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Amen.

Babasbasan ng banal na tubig ang imahen at sunod ay ito ay


iinseuhan ng Paring Tagapagdiwang.

You might also like