You are on page 1of 7

MGA MANUNULAT NG MAIKLING KUWENTO SA BAWAT PANAHON

PANAHON NG KASTILA

Pedro Paterno
Isinulat ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang nagsasaad tungkol sa diwang makabansa.
Ang Ninay ay itinuturing na kauna-unahang Filipino at Tagalog na nobela. Ito ay isinulat ni
Pedro Paterno at nailathala sa taong 1908. Inilalarawan nito ang kayamanan ng kapaligiran at
kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng magkakakabit-kabit na naratibo at mga paglalarawan
ng mga tanawin ng bansa at ritwal. Ito ay nagsilbi upang pawalang kabuluhan ang pahayag ng
Espanyol na ang Pilipinas ay walang kultura.

Fracisco Baltazar
Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788–20
Pebrero 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at
malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikan na laureate para
sa kanyang epekto sa panitikang Filipino. Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura, ang
kanyang pinakakilalang obra maestra.

Modesto De Castro
Si Padre Modesto de Castro ay itinuturing na pangunahing manunulat noong ika-19 na dantaon.
Tubong Biñan, Laguna, kinilala siya dahil sa kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga
sermong pampulitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay isinulat para malathala.

Jose Palma
Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya
ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang tulang
Filipinas na siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe
bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe na gumawa si Felipe
ng isang tugtuging martsa. Ang ambag niya sa panitikang Pilipino, ang mga titik ng
Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila. Sinusulat niya ang mga titik na ito habang ang
pulutong ng kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang Filipinas
na sinulat ni Palma noong buwan ng Agosto, 1899, ay nalimbag sa unang pagkakataon sa
pahayagang La Independencia noong Setyembre, 1899. Ang mga letra ni Palma ay bihira nang
awitin ngayon sapagka’t ang salin sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong gamitin. Ang isa sa
mga pinaka- madamdaming tula ni Jose Palma ay ang tulang De Mi Jardin (Mula sa Aking
Hardin).

Jose Dela Cruz


Si José de la Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalan, Hari ng mga Makata sa
katagalugan. Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 20 Disyembre 1746. Hindi siya nakapag-
aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya at
Teolohiya. Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagturo sa kanya
ng pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may
nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw.
Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula.

PANAHON NG AMERIKANO

Deogracias A. Rosario
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Manila. Siya ay ang “Ama Ng Maikling
Kwentong Tagalog” sa bansa. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para
sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa
pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog

Genoveve Matute
Siya ay isang premyadong kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda ng aklat sa
Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang
pang-edukasyon.

Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga
akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento. Ipinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo,
Manila noong Disyembre 2, 1945.

Amado V. Hernandez
Ipinanganak siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo Manila.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa
pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at
naging patnugot ng Mabuhay.

Macario Pineda
Ipinanganak si Pineda sa Malolos, Bulacan noong Abril 10, 1912 sa mag-asawang Nicanor
Pineda at Felisa de Guzman. Bata pa lang siya nang yumao ang kanyang ina, at pinakasalan
ng kanyang ama si Marcelina Alcaraz noong siya'y 13 taong gulang.

PANAHON NG HAPON

Kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. Sina;
Brigido Batungbakal, Serafin Guinigundo, Macario Pineda, Serafin Guinigundo, Narciso Ramos,
NVM Gonzales, Alicia Lopez Lim, Ligaya Perez, Gloria Guzman, atbp.
PANAHON NG BATAS MILITAR

1972
Welfrido P. Virtuoso, Norma Miraflor, Fanny A. Garcia

1973
Pedro S. Dandan, B.A Ramos, Jun Cruz Reyes

1974
Rosauro dela Cruz, Benigno R. Juan, Efren R. Abueg, Victor S. Fernandez, Reynaldo A. Duque

1978
Fanny Garcia, Jun Cruz Reyes, Domingo J. Landicho
PANAHON NG REPUBLIKA HANGGANG KASALUKUYAN

You might also like