You are on page 1of 2

Hi Guys, ito na ung story natin sa AP.  Feel free to add more or bawasan ha.

PAGE1: “aghhh, ughh” narinig ko na ang aking tiyan na nagrereklamo dahil sobrang huli na sa tanghali at
di pa ako kumakain. Break ngayon sa aming Law School at papunta na akong __________________,
isang burger joint sa may Mindanao Ave.

PAGE2: Ako nga pala si Lana Mae Chua ngunit pwede mo akong tawaging Lana. Ang ina ko na si Lorna
Chua ay ang abogado ni Pangulong Joseph Estrada. Isa akong law student at ito ang aking kuwento sa
panahon ng People Power III.

PAGE3: “Ha?! Tumaas na naman ang presyo ng burger?” Sinabi ko sa sarili ko ng makita ko ang lumabas
na presyo sa screen ng cash register. Nung huling linggo lang ₱88 lang ngunit ngayon ₱100 na. Anon a
nangyayari sa Pilipinas ngayon?! Dahan-dahan kong inabot ang pera ko sa kahera ng may
pagaalinlangan.

PAGE4: Umupo ako sa sulok ng joint at binuksan ko ang libro ko upang mag-aral para sa eksam ko
mamaya ng marinig ko ang dalawang mga babae na nag-uusap tungkol sa pagkakatanggal kay
Pangulong Estrada bilang pangulo ng Pilipinas.

PAGE5: Dali-dali kong nilagay sa aking bag ang aking mga gamit at tumayo para puntahan ko ang aking
nanay at tanungin kung totoo nga ba ang mga narinig ko. Pagkalabas ko ng koint, doon ko nasimulang
Makita ang iba’t ibang tao.

PAGE6: Ang mga “Doers” ay nakita ko pagkatapos kong maglakad ng ilang metro. Napagtanto kong sila
ang mga taong nagproprotesta sa mga kalyeng nadadaanan ko. Sila yung mga taong gusting magbago
sa takbo ng mundo at ginagawan nila ito ng solusyon.

PAGE7: “Thinkers” ang sumunod kong nakita sa aking paglalakad. Sila yung mga taong nakita kong
nagbabasa ng dyaryo at mga naririnig kong nag-uusap tungkol sa isyu. Alam na alam nila ang tungkol
dito ngunit wala silang ginagawa upang masolusyunan ito.

PAGE8: Ang sumunod na tipo ng tao na aking nakita sa aking paglalakad ay ipinangalan kong mga
“Watchers”. Sila iyung mga nanonood sa mga nagpoprotesta sa gilid ng kalsada. Maari nilang alam ang
mga nangyayari o hindi.

PAGE9: Ang pinakahuling grupo ng tao na aking nakita ay ang mga “walang alam”. Sila ang mga nakita
kong namumuhay sa panahong ito at parang walang pakialam sa nangyayari. Ito ang tipo ng mga tao na
panakalaganap ngayon.

PAGE10: Nakarating na ako sa opisina ng aking nanay. Mukhang stressed na stressed siya. Tinanong ko,
“Ma, totoo bang natanggal sa pagkapresidente si Pangulong Erap?” Sinagot niya ako, “Oo anak, ang
daming gusting magprotesta upang ibalik siya sa pagkaposisyon. Nagkakagulo na naman.
PAGE12: Pagkalipas ng ilang taon, fourth year college law student na ako. Nakaupo na naman ako dito
sa burger joint at kumakain dahil break. Bumalik na naman sa akin lahat ng ala-ala ng People Power III.
Lahat ng nagproprotesta, nagnanais upang ibalik si Erap sa pagkapangulo. Ngunit hindi ito nagtagumpay.

PAGE13: Siguro hindi naging sapatang mga “doers” noong People Power III. At ako, aaminin ko, na ako’y
naging isang “watcher” o “thinker” lamang. Ngunit ang pinapangako ko sa sarili ko na magiging “Doer”
na rin ako. At doon ko napagtanto. Ang Pilipinas ay hindi nangangailangan ng pera upang umunlad.
Kailangan nito ng mga mamamayang gusting tumulong sa bansa. Kailangan natin ng mas madami pang
“doers”.

PAGE14: Ikaw ano ang gagawin mo upang maging “doer”? Dito nagtatapos ang aking kwento ukol sa
People Power III at sana naenganyo kayong maging mga “Doers”.

Yan  hehehe thanx guys

You might also like