You are on page 1of 21

Kahulugan at

kahalagahan ng
Akademikong Pagsulat

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


- Ang Pagsulat ay isa sa mga
makrong kasanayang dapat
mahubog sa mga mag-aaral.
(Cecilia Austero, et. al) mula sa
Akademikong Filipino 2009.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Ang Pagsulat ay isang kasanyang naglulundo
ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng
tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika. (Edwin Mabili,
et al.) mula sa kanyang aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akedemikong Filipino 2012.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Ito ay isang Pambihirang
gawaing pisikal at mental.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Sa pamamagitan ng Pagsulat, naisasatitik
ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng
paggamit ng mga salita, ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang
mabuo ang isang akda o sulatin.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Ang Pagsulat ay nagsisilbi itong libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi sa iba ang kanilang
mga ideya at mga kaisipan sa
paraang kawili-wili o kasiya-siya.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Ayon pa rin kay Mabili 2012, ang
Pagsulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Mga gamit o
Pangangailangan sa
Pagsulat

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


1.Wika – Ang nagsisilbing behikulo
upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon at iba pang nais
ilahad ng isang taong nais sumulat.
Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
2.Paksa- Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na
paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing
pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob
sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa
paksang isusulat ay napakahalaga upang maging
malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na
ilalagay sa akda ng komposisyong susulatin.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


3.Layunin- Tulad ng tinalakay sa unahan, mahalagang
matiyak ang layunin sa pagsulat. Ang layunin ang
magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman
ng iyong isusulat.Kailangan na matiyak na matugunan ng
iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsulat nang sa gayon
ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga
mambabasa.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


4.Pamamaraan ng Pagsulat – May
limang pangunahing pamamaraan ng
pagsulat upang mailahad ang kaalaman
at kaisipan ng mga manunulat batay na
rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


A.Paraang Impormatibo – Kung saan
ang pangunahing layunin nito ay
magbigay ng impormasyon o
kabatiran sa mga mambabasa.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


B.Pamaraang ekspresibo – Kung saan ang
manunulat ay may kakayahang magbahagi
ng sarili niyang opinyon, paniniwala, ideya,
obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa bataysa kanyang sariling
karanasan sa pag-aaral.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


C.Pamaraang Naratibo – Kung saan
ang pangunahing layunin nito ay
magkwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay
at tiyak na pagkasunud- sunod.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


D.Pamaraang deskriptibo – Kung saan
ang pangunahing pakay nito ay
maglarawan ng katangian, anyo, hugis
ng mga bagay o pangyayari batay sa
mga nakita o narinig, natunghayan,
naransan at nasaksihan.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


E.Pamaraang argumentatibo – Kung saan
ang pagsulat ay naglalayong
manghikayat o mangumbinsi
sa mga mambabasa.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


5.Kasanayang Pampag-iisip –
Isa ring mahalagang gamit sa pagsulat ay ang
kasanayang pampag-iisip, kung saan dapat
taglay din ng manunulat ang kakayahang mag-
analisa at maging lohikal din sa pag-iisip upang
makabuo ng malinaw at mabisang
pangangatwiran.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


6.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat- tulad ng paggamit ng wastong
baybay
Ang paggamit ng titik, kung ito ba ay
dapat malaki o maliit na titik, wastong
baybay, bantas o wastong pagbuo ng
pangungusap.
Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
7.Kasanayan sa Paghabi ng buong
sulatin- Ang buong kasulatan ay
dapat organisado at maayos mula sa
panimula hanggang sa wakas.

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


MARAMING SALAMAT !

Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

You might also like