You are on page 1of 2

Ang Mabuting Samaritano

Ang parabulang “Ang Mabuting Samaritano” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas
kabanata 10 talata 25 hanggang 37 (Lucas 10:25-37).

Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang eskriba na dalubhasa sa


kautusan upang siya ay subukin. Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano ang
dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan?
Ano ba ang nababasa mo roon?”
Anang eskriba ay ibigin ang Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa at
lakas. At ibigin ang kapwa gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay Jesus. Gawin daw iyon at
magkakamit siya ng buhay na walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya ang lalaking dalubhasa sa
kautusan ay nagtanong pa ulit ito kay Jesus.
“Guro, sino po ang aking kapwa?”
Kaya naman inihayag ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mabuting samaritano.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico.
Hinarang siya ng mga tulisan. Hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan ay lumihis
siya ng daan at nagpatuloy lamang sa paglalakad na parang walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa bugbog saradong
katawan ng lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking Samaritano na naglalakbay
at nang makita ang lalaki ay agad niya itong tinulungan. Siya’y naawa dito,
binuhusan at nilinis ang sugat saka binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-
panuluyan upang maalagaan siya doon.
Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng dalawang salaping pilak ang
namamahala ng bahay-panuluyan at nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki
at kung sakaling may magastos pa siya na higit sa iniwan niyang pera ay
babayaran na lamang niya ito sa kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay nagtanong ito, “Sa palagay
mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga
tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng eskriba.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka’t gayon din ang
gawin mo.”
Aral:
• Ang nagmamahal sa Diyos ay nagmamahal din sa kapwa. Kaya naman maging
mabuti sa iyong kapwa sa lahat ng pagkakaton.

You might also like