You are on page 1of 29

FILIPINO

Baitang 10 Yunit 24
Kabanata 31 Hanggang 39
ng El Filibusterismo
Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 5

Aralin 1: Buod ng Kabanata 31 Hanggang 39………………..……………… 5


Layunin Natin 6
Pag-aralan Natin 6
Sagutin Natin 11
Subukan Natin 11
Isaisip Natin 11
Pag-isipan Natin 12

Aralin 2: Talasalitaan.……………………………………………….……….…….. 13
Layunin Natin 13
Pag-aralan Natin 13
Sagutin Natin 17
Subukan Natin 17
Isaisip Natin 17
Pag-isipan Natin 18

Aralin 3: Pagsusuri ng mga Pangyayari ……………………………..……….. 19


Layunin Natin 19
Pag-aralan Natin 19
Sagutin Natin 23
Subukan Natin 23
Isaisip Natin 23
Pag-isipan Natin 24

1
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gawin Natin 25
Rubrik sa Pagtataya 25
Paglalagom 26
Dapat Tandaan 27
Payamanin Natin 27
Susi sa Pagwawasto 28
Sanggunian 29

2
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pindutin ang Home icon para bumalik
sa Talaan ng Nilalaman
BAITANG 10 | YUNIT 24

Ang Pagtatapos
Siyam na huling kabanata ang
maghahatid sa atin sa pagtatapos ng
nobelang El Filibusteriso. Sa mga
kabanatang ito, malalaman nating hindi
magtatagumpay ang anumang
hakbanging hindi mabuti kung may
isang taong maglalakas-loob na
magmalasakit sa ngalan ng kaligtasan
ng nakararami.

Maraming katanungang patuloy na


bumabagabag sa mambasa hanggang sa wakas ng akda. Sadya nga bang may kinikilingan
ang pamahalaan? Hanggang saan dadalhin ng galit ang karakter na si Simoun? Matatahimik
ba ang mga kaluluwang hindi nakapaghiganti? Magdudulot nga ba ng katahimikan ang
plano ng paghihiganti? Paano makalalaya ang katauhang nilamon ng poot sa matagal na
panahon?

Sa yunit na ito, ilalahad ang huling bahagi ng nobelang El Filibusterismo. Ang huling siyam
na kabanata ng nobela ang nagbunyag ng mga paghahanda ni Simoun sa kaniyang
paghihiganti. Gayundin, pinili ni Rizal na bigyan ng hindi pangkaraniwang wakas ang akda.
Susuriin ang mga pangyayari at kaisipang taglay ng mga huling kabanata upang matukoy
ang tunay na layunin ng manunulat.

Naririto ang maikling buod ng huling siyam na kabanata ng nobela.

3
Copyright © 2018 Quipper Limited
Basahin Natin

Kabanata 31 Hanggang 39 ng
El Filibusterismo

T anging si Basilio ang hindi pa

pinalalaya mula sa pagkakadakip.


Nakalaya ang ibang mga mag-aaral
dahil sa pakiusap ng kanilang mga
kamag-anakan. Sinubukang
ipagtanggol ng isang mataas na
kawani si Basilio ngunit hindi
nagpatinag ang Kapitan Heneral sa
kaniyang desisyon.

Nang malaman ni Basilio ang


tungkol sa pagkamatay ng nobyang
si Juli, nagbago ang desisyon nito at
umanib sa planong paghihiganti ni
Simoun. Samantala, naging abala ang mga tao sa paghahanda para sa kasal nina Paulita
Gomez at Juanito Pelaez. Ipinamalas ni Simoun kay Basilio ang isang napakagandang
lampara na siyang maghuhudyat ng pagsabog at pagsisimula ng himagsikang matagal na
niyang pinaghandaan.

Sumapit ang araw ng handaan. Naging balisa si Basilio sapagkat hindi niya nalalaman kung
saang lugar magsisimula ang pagsabog. Napagtanto niya na lamang na sa lumang bahay ni
Kapitan Tiago idaraos ang pagdiriwang ng bagong kasal at doon din inilagay ni Simoun ang
lampara.

Umaaligid sa lugar na iyon si Isagani upang pagmasdan ang dating kasintahan mula sa
malayo. Pinaaalis si Basilio ang kaibigan sapagkat nalalaman niya ang nagbabadyang
panganib. Anumang pilit ni Basilio, ayaw umalis ni Isagani. Napilitan si Basilio na sabihin kay
4
Copyright © 2018 Quipper Limited
isagani ang mangyayari para na rin sa kaligtasan nito ngunit nanaig kay Isagani ang
pagmamahal kay Paulita. Kinuha ni Isagani ang lampara upang itapon ito sa ilog.

Sa huli, nalaman ang lahat ng lihim ni Simoun at tinugis siya ng pamahalaan. Nagtago si
Simoun at nakarating sa bahay ni Padre Florentino. Sinabi niya sa pari ang lahat tungkol sa
kanyang sarili. Nang malamang paparating na ang mga guwardiya sibil, uminom si Simoun
ng lason at binawian ng buhay. Itinapon ni Padre Florentino sa dagat ang mga naiwan
nitong kayamanan.

Sagutin Natin
1. Ano ang nagpabago sa desiyon ni Basilio kaugnay sa pag-anib ng
rebolusyon?

2. Sino ang kumuha ng lampara at sumira sa plano ni Simoun?

3. Ano ang itinapon ni Padre Floretino sa dagat nang mamatay si Simoun?

5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 1
Buod ng Kabanata 31 Hanggang 39

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang napahahalagahan ang


napanood pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline; Naisusulat ang
buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline;
Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng nobela;
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata.

Pag-aralan Natin
Sa huling bahaging ito ng nobelang El Filibusterismo, nalantad ang lahat ng lihim ng
tauhang si Simoun. Matutuklasan din dito ang dahilan ng pagbabago ng desisyon ni Basilio
kaugnay sa planong paghihiganti na pinaplano ni Simoun. At sa pagtatapos ng nobela,
inaasahang matatamo ang kaisipang nais ipahiwatig ng manunulat sa hindi pangkaraniwang
wakas ng tauhang si Simoun.

Basahin at unawain ang mga buod ng huling siyam na kabanatang ito. Sapagkat dito
magwawakas ang nobela, pag-aralan at suriin ang mga pangyayaring naghayag ng
kasukdulan ng kuwento na maghahatid sa resolusyon o wakas nito.

Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

Kung susuriin, puro tungkol sa Europa ang nilalaman ng mga peryodiko sa Pilipinas, mga
papuri, pambobola, at patungkol sa tagumpay ng mga operatang Pranses kaya ilang bahagi
lamang ng peryodiko ang nailalaan sa mga nangyayari sa lalawigan. Lumalabas lamang ang
ilang ulat tungkol sa mga tulisang pinamumunuan ni Matanglawin kapag ang sinalakay ang
6
Copyright © 2018 Quipper Limited
isang kumbento o isang Kastila.Hindi inulat ang
pagkamatay ni Juli. Napabalita ang pag-alis ni Padre
Camorra upang manirahan sa kumbento sa Maynila.
Naawa pa si Ben Zayb sa prayle dahil may mabuting
kalooban daw ito. Napalaya na ang mga nakakulong na
mag-aaral. Unang napalabas ang mayamang si
Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang linggo pa
bago nakaluwas ang amaing si Padre Florentino.
Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio, ngunit
lalo iyong nakasama nang malaman ng Kapitan Heneral
na dati lamang itong utusan. Ipinaalala ng mataas na
kawani ang tungkulin ng Kapitan Heneral sa bayan, ang
karapatan ng mga Pilipinong maghimagsik dahil sa naranasan nilang kalupitan. Ngunit
nagmatigas lamang ang Kapitan Heneral hanggang sa lumubha ang alitan sa pagitan ng
dalawa. Nagbitiw sa katungkulan ang mataas na kawani at ipinabatid ang kaniyang
pagbabalik sa Espanya. Pinaalalahanan niya ang isang kutsero na kung darating ang
panahon na makapagsarili ang Pilipinas, huwag kalimutang hindi nagkulang ang Espanya sa
mga pusong lumalaban para sa inyong mga karapatan.

Kabanata 32: Mga Bunga ng Paskil

Dahil sa pagkakadakip sa mga mag-aaral na kabilang sa kapisanan, maraming mga


magulang ang nagpatigil ng pag-aaral sa kanilang mga anak at nag-utos na harapin na
lamang ang pagsasaka. Hindi nakapasa ang ilang kasapi naman ng kapisanan nang
magbigay ng pagsusulit ang unibersidad. Nagsunog ng aklat si Tadeo bilang parangal sa
sarili. Pumasa naman si Isagani sa asignatura ng amain, at bumagsak naman sa iba.
Nanatili pa ring nakakulong si Basilio. Dinalaw siya ng kutserong si Sinong upang ibalita ang
pagkamatay ni Juli at pagkawala ni Tandang Selo. Nang gumaling si Simoun, ibinalita sa
kaniyang ni Ben Zayb na nakuha ni Ginoong Pelaez ang bahay ni Kapitna Tiago nang libre.
Ilang araw pa, napabalita na ang pagpapakasal ni Paulita
Gomez kay Juanito Pelaez. Naglaho ang pag-ibig ng dalaga
kay Isagani nang mabalitaan ang pagkakasangkot ng binata
sa paskil at sa pagkakabilanggo. Idaraos ang pag-iisang
dibdib dalawang araw bago umalis ang Kapitan Heneral
patungong Espanya.

Kabanata 33: Ang Huling Katuwiran

Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kaniyang mga alahas


at armas. Dumating na ang pinakahihintay niyang araw. Aalis
siya kasabay ng Kapitan Heneral. Lalong tumigas at naging
malungkot ang mukha ni Simoun, lumalim ang kunot sa noo.
7
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ibinilin niya sa katiwala na papasukin na lamang si Basilio dahil inaasahan niya ang
pagdating nito.

Nang makita ni Simoun ang binata, naawa siya rito. Humpak ang pisngi, gusot ang
maruming damit, at gulo-gulo ang buhok. Tila ito bangkay na nabuhay sa sindak, ayon kay
Simoun. Nang magsalita si Basilio, sinabi niyang handa na siyang sumama kay Simoun at
tumulong sa iba pang naaapi. Ikinatuwa ito ni Simoun. Aniya, noong una, buhay pa kay
Basilio ang pag-ibig, ngunit ngayon naghahari na siya sa kaniyang kalooban dahil patay na
sa kaniya ang lahat.

Dinala ni Simoun si Basilio sa kaniyang laboratoryo. Ipinakita niya rito ang isang
napakagandang lampara. Namangha si Basilio. Nang mabasa ni Basilio ang nakatatak sa
bote bigla itong natakot at napaurong. Ikinuwento ni Simoun ang kaniyang plano.
Ipinaliwanag niya na ilalagay ang lamparang yaon sa gitna ng isang kioskong kakainan sa
pistang gaganapin sa gabing iyon. Magbibigay ng isang maningning na liwanag ang lampara
ngunit pagkaraan ng dalawampung minuto, lalamlam ito at sa gayon kapag tinangkang
itaas ang mitsa, puputok ito. Kasabay ng pagsabog ang mga pulburang nakatago sa mga
sahig at bubong ng silid-kainan. Itinanong ni Basilio kung papatayin lahat, at mariing “Oo”
ang tugon ni Simoun. Nang sumang-ayon si Basilio, iniabot ni Simoun ang rebolber dito.
Nagbilin si Simoun na maghintay na lamang sa simbahan ng San Sebastian sa ganap na
ikasampu ng gabi. Pinalalayo ito sa daang Anluwage sa ikasiyam ng gabi. Batid ni Simoun
na sa pagkakataong ito, handa na ang bayan sa paghihimagsik at tiyak na magtatagumpay
sila.

Kabanata 34: Ang Kasal

Nag-iisip si Basilio kung ano ang kaniyang magagawa hanggang sa sumapit ang malagim na
sandali. Malapit nang mag-ikapito ng gabi. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang pag-aalala
sa lampara. Hindi niya alam kung saan magsisimula ang gulo. Nahinuha ni Basilio na sa
dating bahay ni Kapitan Tiago dahil sinabihan siya na lumayo sa kalye Anluwage. Nakita rin
niya ang pagbabago at paghahandang ginawa sa
bahay para sa pagdiriwang. Ilang sandali pa,
nakita niya ang bagong kasal. Naawa siya sa
kaibigang si Isagani. Nais niyang ipaalam sa binata
ang plano ngunit hindi niya alam kung nasaan ito.
Kilala niya rin ang maprinsipyong si Isagani, alam
niyang hindi ito makikialam sa pagpatay. Natiyak ni
Basilio ang kaniyang hinala na sa dating bahay ni
Kapitan Tiyago idaraos ang kasal, papunta rito ang
lahat. Tumutugtog ang orketra ng masasayang
musika. Siksikan ang mga tao. Isang mahabang
mesa para sa tatlumpung tao ang nasa kalagitnaan
8
Copyright © 2018 Quipper Limited
at sa paligid at may maliit na mesita para sa dalawa o tatlong tao. Nakabukod sa isang
malapad na asoteo, sa isang kiosko na sadyang niyari ukol dito ang hapag para sa mga
panauhing pandangal.

Kabanata 35: Ang Pagdiriwang

Nagsimulang magdatingan ang mga panauhin. Dumating sa bahay ang bagong kasal.
Dumating din ang Kapitan Heneral bilang pangunahing panauhin. Samantala, nanonood
lamang si Basilio sa harapan ng tahanang iyon, pabago-bago ang isip. Nababagabag siya at
tila nais iligtas ang mga walang sala sa malagim na magaganap. Subalit nang makita sina
Padre Irene at Padre Salvi, muling sumiklab ang kaniyang kalooban. Pagkaraan ng ilang
sandali, nakita niyang bumaba sa karuwahe si Simoun, dala-dala ang isang lampara.
Tinungo ang hagdan at pumahik sa bahay. Marami ang humanga sa lamparang dala ni
Simoun. Agad ding umalis si Simoun sa tahanan at nagpahatid sa Escolta.

Nangatal sa takot, mabilis ding umalis si


Basilio. Nakasalubong niya si Isagani at sinabi
rito ang plano ni Simoun. Nang makita ang
labis na pagkatakot sa mukha ni Basilio,
nagpasiya si Isagani na makisangkot na.

Sa loob naman ng pagdiriwang, may isang


papel na pinagpasa-pasahan na may nakasulat
na “Mane thecel phares” at sa ilalim ay
nakalagda ang pangalan ni Juan Crisostomo
Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung
sino ito at sinagot naman siya ni Don Custodio
na isa itong Pilibustero na higit sampung taon nang patay. Nangilabot si Don Custodio sa
mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing iyon, agad niyang nabitawan ang
kaniyang kubyertos. Nauwi sa matinding takot ang pagkabahala ng lahat. Nangulimlim na
ang ilaw at iniutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa ng lampara. Maya-maya pa‟y may
isang aninong nagmamadaling sumunggab sa lampara at itinapon ito sa ilog, agad ding
nawala ang aninong iyon. Inakala ng marami na isa itong magnanakaw kaya lalong
nagkagulo sa pagdiriwang.

Kabanata 36: Ang Kagipitan ni Ben Zayb

Maagang umuwi si Ben Zayb upang lamayin ang isang balita. Nais niyang mabigyan ng
papuri ang Kapitan Heneral bago umalis ng bansa. Subalit sa kaniyang pagkabigo, hindi
naipalathala ang pinaghandaang katha. Ninasa niyang magkaroon sana ng ibang
pangyayaring maaari niyang pag-ukulan ng ibang balita. Hindi siya nabigo sapagkat sa oras
ding iyon, dumating ang balitang nilusob ng ilang tulisan ang bahay pahingahan ng mga
prayle. Malubha ang isang prayle. Pagkakataon na ito upang gawing bayani ang kura. 9
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pinalaki niya ang balita. Nakipagtalo siya sa nagsabi ng katotohanan pagkat masisira ang
kaniyang isinulat. Kailangan palakihin ang pangyayari.

Kabanata 37: Ang Hiwaga

Sa tahanan ng mga Orenda naging paksa ng usapan ng mag-anak ang naganap noong gabi
sa handaan. Matamang nakikinig ang lahat sa balita ng platerong si Chichoy. Namangha
ang lahat nang sabihin niyang si Simoun ang naglagay ng mga bayong ng pulbura. Nabatid
daw niya ito buhat sa isang kaibigang tagasulat sa isang kawanihan. Idinagdag niyang
nakisama si Simoun sa Kapitan Heneral at kay Don Timoteo Pelaez upang magawa ang
pakay. Naalaala nga nila na naroroon sa handaan si Simoun ngunit nagmamadali ring
umalis nang maghahapunan na.

Kabanata 38: Sawimpalad

Patuloy na naghasik ng lagim sa buong Luzon si Matanglawin. Nilusob niya ang mga pook
na „di inaakalang kanilang lulusubin. Sinunog ang kawayanan sa Batangas, sinira ang mga
pananim, pinatay ang hukom pamayapa sa Tiani, nilooban ang isang bayan sa Cavite at
kinuha lahat ng armas. Walang nangyari sa mahigpit na kautusan laban sa mga tulisan.
Dahil sa walang kakayahan ang mga guwardiya sibil sa pagdakip ng mga tulisan, mga
walang salang magsasaka ang kanilang dinarakip at pinahihirapan. Ayon sa mga bihag, mas
malulupit pa ang mga guwardiya sibil na kanilang kababayan kaysa sa mga Kastila.

Kabanata 39: Wakas (Sa Landas ng Paglaya)

Sugatan at nanghihinang kumatok si Simoun sa tahanan ni Padre Florentino. Buong puso


naman itong tinanggap ng indiyong pari at ginamot ang mga sugat nito. Inakala na lamang
nitong pinaghigantihan ito ng mga naiinggit sa kaniya at ng mga kinuhanan niya ng mga
kayamanan. Nang araw na iyon, nabatid ni Padre Florentino na darating ang mga
guwardiya sibil sa kaniyang tahanan upang hulihin si Simoun, buhay man o patay.

Nalaman ito ni Don Tiburcio de Espadaña at sa pag-aakalang siya ang huhulihin ng mga
guwardiya sibiln dahil sa kagagawan ng kaniyang asawa, agad itong nag-empake at umalis.
Ipinabatid ni Padre Florentino kay Simoun ang paparating na mga Guardia Civil. Hindi alam
ng prayle kung patatakasin o itatago lamang si Simoun. Ngunit sinabi ni Simoun na
anomang oras, matatapos na ang paghihirap niya. Napagtanto ni Padre Florentino na
uminom ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa raw nitong mamatay kaysa mahuli nang
buhay ninoman.

Bago malagutan ng hininga, ipinagtapat ni Simoun kay Padre Florentino ang lahat ng
kaniyang lihim. Ayon kay Padre Florentino, kagagawaan ng Maykapal ang kaniyang
pagkabigo sapagkat hindi nito nanaisin ang paraan na pinili ni Simoun upang
makapaghiganti. 10
Copyright © 2018 Quipper Limited
Namatay si Simoun na bakas sa mukha ang hapis na dinanas sa kaniyang buhay, ang sakit
sa kaniyang pagkatao na dala-dala niya hanggang sa kaniyang kamatayan. Samantala,
kinuha naman ni Padre Florentino ang maletang kinalalagyan ng kayamanan ni Simoun,
nanaog ito at dinala sa batong inuupuan ni Isagani upang masdan ang kalaliman ng dagat.
Dito niya inihagis ang kayamanan ni Simoun.

–WAKAS-

Sagutin Natin
1. Ano ang ipinakita ni Simoun kay Basilio na magiging mitsa ng kaguluhan?
2. Saan magsisimula ang kaguluhang binabalak ni Simoun?
3. Ano ang nakasulat na mensaheng naghatid ng takot sa handaan ng kasal
nina Paulita at Juanito Pelaez?

Subukan Natin

1. Bakit lumikha si Rizal ng tauhang mataas na kawani?


2. Bakit sinabi ni Basilio kay Isagani ang plano ni Simoun?
3. Paano ipinakita sa huling bahagi ng akda ang likas na kabutihan ni Simoun?

Isaisip Natin
Bakit itinapon ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun sa dagat?
11
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa mga huling kabanata ng nobelang
El Filibusteriso. Gamitin ang panunurang A - J.

1. Natiyak ni Basilio na sa tahanan ni Kapitan Tiago magsisimula ang gulo.

2. Dumating ang mga panauhin sa pagdiriwang ng kasal nina Paulita at


Juanito.

3. May isang anino na umagaw sa lampara at inakala ng marami na isa


itong magnanakaw.

4. Nakarating si Simoun sa tahanan ni Padre Florentino dahil sa pagtugis


sa kanya ng mga guwardiya sibil.

5. Lumamlam ang ilaw mula sa lamparang gamit ni Simoun at ipinag-utos


ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa nito.

6. Pinuntahan ni Basilio si Simoun at inihayag ang kanyang desisyon na


sumali sa binabalak ng mag-aalahas na paghihiganti.

7. Naglaho ang pag-ibig ni Juanita kay Isagani nang mabalitaan ang


pagkakasangkot ng binata sa paskil at sa pagkakabilanggo.

8. Binalita ang pag-iisang dibdib nina Paulita at Juanito na idaraos


dalawang araw bago umalis ang Kapitan Heneral patungong Espanya.

9. Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio at sinabi sa Kapitan


Heneral na tungkulin ng Kapitan Heneral ang karapatan ng mga
Pilipinong maghimagsik dahil sa naranasan nilang kalupitan.

10. Sinabi ni Simoun kay Padre Florentino ang lahat bago pa man dumating
ang mga guwardiya sibil. Binawian ng buhay ang mag-aalahas at
itinapon naman ng pari ang mga kayamanang naiwan nito sa dagat.
12
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2
Talasalitaan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nabibigyan ng kaukulang
pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan.

Pag-aralan Natin

Sa naunang aralin, inilahad ang buod ng huling siyam na kabanata ng nobelang El


Filibusterismo. Mula rito, mababasa ang ilang matatalinghagang pahayag mula sa mga
tauhang may mahalagang gampanin tungo sa pag-unawa sa mga kaisipang taglay sa
pagtatapos ng nobelang ito.

Gumagamit ang matatalinhagang pahayag ng mga piling salita upang mailahad nang
mabisa ang ideya ng tauhan sa akda. Nakatutulong din ang mga salitang ginagamit dito
upang mas madali itong matandaan ng mga mambabasa.

Naririto ang ilan sa mga pahayag na kinakailangang matamo ang kahulugan tungo sa lubos
na pagkaunawa ng nilalaman ng nobela. Tandaan lamang na nakabatay ang pag-unawa sa
mga pahayag na ito sa konteksto ng mga pangyayari sa akda at sa kabuuang diwa ng
nobela.

Kabanata 31

“Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya‟y


hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo.” - Mataas na Kawani

13
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ipinahihiwatig sa pahayag na ito na mayroon ding mga Kastila noon na may hangad na
mabuti para sa mga Pilipino. Ipinakita ni Rizal sa katauhan ng Mataas na Kawani ang isang
Kastilang handing magtanggol sa karapatan ng isang abang Pilipino, si Basilio. Bagaman
hindi siya nagtagumpay sa pakikipag-usap sa Kapitan Heneral at hindi napalaya si Basilio,
nailahad naman sa akda na taglay pa rin niya ang kanyang dangal bilang isang Kastilang
nagmamalasakit sa Pilipinas kahit pa ang katumbas nito ang kanyang posisyong
pinanghahawakan.

Kabanata 33

“Kailangan magkararoon ng bagong lahi! Kailangang umusbong ang isang bayang


malakas kaya kailangang mawala ang mahihina. Samakatuwid, lilikha tayo ng
bagong bayan at hindi magwawasak.” – Simoun

Mula sa kaisipang ito ni Simoun, mahihinuha ang kanyang pagnanais na mapanibago ang
lipunang kanyang nakilala noong mga panahon ng Kastila. Naniniwala siyang kailangang
matutong manindigan at lumaban ang mga Pilipino upang maputol ang pagmamalabis ng
mga mananakop. Mangyayari lamang ito kung mapupuksa ang buong bayan.

“Ang Diyos ang makapagwawasak sapagkat siya ang nakalikha. Ang Diyos ang may
hawak ng gantimpala, ng walang katapusan, at ng kinabuksan, upang mabigyang
katwiran ang kanyang gawa. Ang tao ay walang karapatan magpakailanman.” -
Basilio (sa isip lamang)

Ipinahihiwatig sa bahaging ito ang kabutihan taglay pa rin ni Basilio. Nais niyang sagutin si
Simoun sa tagpong pumunta siya sa tahanan nito upang umanib sa kanyang mga plano
ngunit nanatili siyang tahimik at pinangangatwiranan ang lahat sa kanyang sarili. Sa
kaibuturan ng puso ni Basilio, alam niyang mali ang plano ni Simoun ngunit dahil sa
kagustuhan niyang makaganti mula sa mga kasawiang kanyang naranasan, hinayaan na
lamang niya ang mag-aalahas at nakilahok pa rin sa balak nito.

14
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kabanata 35

“Ayoko! Ibig kong manatili dito. Ibig kong makita sa huling pagkakataon… Bukas iba
na siya!” – Isagani

Wagas ang pag-ibig na alay ni Isagani kay Paulita. Bagaman nagtaksil ang dalaga sa binata,
hindi pa rin magawa ni Isagani na iwan ang kanyang dating kasintahan hanggang sa mga
huling sandali ng pagiging dalaga ni Paulita.

“Hindi ako taksil. Higit na malaki ang utang ko sa kaniya kaysa sa kanilang lahat.
Tiniis ko ang lahat ng ipataw sa akin at ang tanging hiniling ko‟y huwag akong
pakialaman. Sapat na ang aking pagtitiis.” - Basilio (sa sarili)

Patuloy na pinagtitibay ni Basilio ang kanyang dahilan sa pagsapi sa plano ni Simoun.


Marahil, naabot na nag hangganan ng pagtitiis ni Basilio. Ninais niya ng payapang buhay
kasama si Juli matapos ang hindi mabuting nangyari sa kanilang buhay ng kanyang inang si
Sisa at kapatid na si Crispin ngunit ipinagkait pa rin ito sa kanya. Sa pagkakataong ito,
nabago na si Basilio ng pangmamalupit sa kanya at sa mga taong mahahalaga sa kanya.

“Ano ba ang pakialam ko? Pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga
makasalanan!” – Basilio (sa sarili)

Naging manhid na si Basilio sa pangangailangan ng kanyang kapwa. Nawala ang kanyang


prinsipyo bilang isang mabuti at edukadong mamamayan at napalitan ito ng hangad na
maipaghiganti ang lahat ng kanyang kasawian.

Kabanata 31

"Ang kapuotan ay lumilikha lamang ng mga dambuhala, mga kasamaan, mga


salarin. Tanging ang pag-ibig ang nakalilikha ng mga kahanga-hanga. Tanging
kabutihan ang makapagliligtas. Ang kaligtasan ay nangangahulugan ng kabutihan.
Ang kabutihan ay pagpapakasakit. At ang pagpapakasakit ay pag-ibig." - Padre
Florentino

15
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ipinahayag ni Padre Florentino ang hindi mabuting dulot ng poot sa tao. Sa mga gawang
masama, tiyak na magiging masama rin ang resulta. Kung totoong nais ng tao ang
kabutihan, kinakailangang handa siyang magsakripisyo at gumawa ng mabuti paulit-ulit
mang masawi sa buhay. Hindi kalianman magbubunga ng mabuti ang anumang masamang
gawa.

“Kung ano ang Panginoon, gayon din ang alipin. Kung ano ang pamahalaan ay gayon
din ang bayan." - Padre Florentino

Mula sa pahayag na ito, masasabing alam na alam ni Padre Florentino ang nangyayari sa
lipunan. Nauunawaan nila ang pinagmumulan ng masasamang balakain ni Simoun. Alam
niyang nilikha ang katauhan ni Simoun ng mga pangmamalupit na kanyang naranasan at
ng mga nasaksihan niyang pang-aapi sa lipunan..

" Nasaan ang kabataang maglalaan ng kanilang magagandang sandali, ng kanilang


mga pangarap, at ng kanilang kasiglagan sa ikabubuti ng kanilang bayan? Nasaan
ang kabataang magbubuo ng dugo upang hugasan ang ganyan karaming kahihiyan
sa gayong karaming krimen at sa gayong karaming bagay na nakamumuhi? Malinis
at walang bahid dungis ang kailangang buhay na alay upang ang handog ay maging
karapat-dapat! Saan kayo nangaroon, mga kabataang nagtataglay ng lakas ng
buhay na nanlamig na sa aming mga ugat at ng lagablab ng kasiglahang namatay
na sa aming puso? Hinihintay namin kayo! Halikayo! Hinihintay namin kayo!" -
Padre Florentino

Umaasa si Padre Florentino na babaguhin ng kabataan ang sistema, na mula sa kabataan,


sisibol ang panibagong lipunang handang kumilos para sa kabutihan ng bayan. Ito ang
nagpapahayag ng dahilan ng patuloy na pagbabasa ng obra maestrang El Filibusterismo,
ang gisingin ang bawat henerasyon sa tunay na pagmamahal para sa bayan. Isang
rebolusyong hindi nangangailangan ng dahas sa halip, ng mabubuting adhikain, pangarap
at pagkilos para sa Pilipinas.

"Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, ang kasama ng mga


korales at mga perlas sa walang katapusang dagat... Kung sa isang banal at dakilang
layunin ay kakailanganin ka ng tao, matututuhan kang kunin ng Diyos sa
sinapupunan ng mga alon. Samantala, diyan ay hindi ka na maghahasik ng
kasamaan hindi mo ililiko ang katuwiran, at hindi ka mag-uudyok ng kasakiman!" -
Padre Florentino
16
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ipinahihiwatig nito na ang nagiging kasangkapan ang kayamanan sa lahat ng hindi
mabubuting gawa. Madaling masilaw ang marami sa pera at karangyaan. Minarapat ni
Padre Florentini na itapon sa dagat ang kayamanan ni Simoun sapagkat ayaw niyang
maging dahilan pa ito ng lalong pagkakagulo ng mga tao, lalo na ng mga pinuno ng
pamahalaan at ng simbahang magmamalabis dito.

Mula sa matatalinhagang pahayag sa itaas, makukuha ang mga kaisipang nais ipahayag ni
Rizal sa mga huling bahagi ng El Filibusterismo. Maituturing na mahahalaga ang mga
ideyang ito sa paglalapat ng akda sa ating buhay at sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Sagutin Natin
1. Ano ang inilalahad ng matatalinhagang pahayag?
2. Ano ang dahilan ng paggamit ng mga piling salita sa matatalinhagang
pahayag?
3. Sino ang naglalahad ng matatalinhagang pahayag sa akda?

Subukan Natin
1. Bakit kinakailangang gumamit ng matatalinhagang pahayag?
2. Paano nakatutulong ang matatalinhagang pahayag sa pag-unawa sa akda?
3. Bakit gumamit si Rizal ng mattalinhagang pahayag sa El Filibusterismo?

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang matatalinhagang pahayag sa paglalahad sa isang akda?

17
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Ibigay kung sino ang naglahad at kinakausap sa sumusunod na matatalinhagang
pahayag mula sa Kabanata 31 hanggang 39 ng nobelang El Filibusterismo.

Pahayag Naglahad Kausap


“Ayoko! Ibig kong manatili dito. Ibig kong 1) 2)
makita sa huling pagkakataon… Bukas iba
na siya!”

"Kung ano ang Panginoon, gayon din ang 3) 4)


alipin. Kung ano ang pamahalaan ay gayon
din ang bayan."

“Kapag dumating ang araw ng inyong 5) 6)


pagsasarili ay alalahanin mong sa
Espanya‟y hindi nawalan ng mga pusong
tumitibok dahil sa inyo.”

“Kailangang magkararoon ng bagong lahi! 7) 8)


Kailangang umusbong ang isang bayang
malakas kaya kailangang mawala ang
mahihina. Samakatuwid, lilikha tayo ng
bagong bayan at hindi magwawasak.”
"Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim- 9) 10)
laliman ng dagat, ang kasama ng mga
korales at mga perlas sa walang
katapusang dagat... Kung sa isang banal at
dakilang layunin ay kakailanganin ka ng
tao, matututuhan kang kunin ng Diyos sa
sinapupunan ng mga alon. Samantala,
diyan ay hindi ka na maghahasik ng
kasamaan hindi mo ililiko ang katuwiran, at
hindi ka mag-uudyok ng kasakiman!"

18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3
Pagsusuri ng mga Pangyayari

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang
pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng nobela; naibabahagi ang
ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa: - katangian
ng mga tauhan, - pagkamakato-tohanan ng mga pangyayari, - tunggalian sa bawat
kabanata; naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda; naiuugnay ang
kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang
namayani sa binasang akda; naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang
sa akda kaugnay ng : - karanasang pansarili - gawaing pangkomunidad - isyung
pambansa - pangyayaring pandaigdig; at nailalapat ang mga tiyak na lapit at
pananaw sa pagsusuri ng akda.

Pag-aralan Natin

Matapos basahin ang buod ng huling siyam na kabanata ng nobelang El Filibusterismo,


subukin naman nating suriin ang mga pangyayaring itinampok ni Rizal upang wakasan
ang nobela. Mahalagang nasusuri at naiuugnay ang mga tagpo sa nobela sa mga
pangyayari noon at maging sa kasalukuyang panahon upang makita ang kahalagahan ng
akda sa mga mambabasa nito. Higit din itong makatutulong upang maunawaan ang mga
kaisipang nais ibahagi ng manunulat sa pagwawakas ng nobelang kaniyang binuo.

Narito ang ilan sa pagsusuri sa mga pangyayari o tagpo na mababasa sa huling bahagi
ng nobela.

19
Copyright © 2018 Quipper Limited
 Hindi pantay na pagbibigay ng
hatol sa mga nasasakdal.
Sapagkat hindi agad nakalaya si
Basilio, ipinakiusap ng isang mataas
na kawani ang pagpapalaya rito.
Ngunit hindi pumayag ang Kapitan
Heneral lalo na nang malamang dati
lamang itong utusan. Patunay
lamang ito na nakabatay ang
pagbibigay ng hatol noong
panahong iyon sa sistemang
padrino. Higit na binibigyang-pansin
ang mga taong may kakilala sa pamahalaan o di kaya ay kaibigan o kamag-anak ng
mga may katungkulan. Nakakuha ng mababang pagtingin ang binata mula sa Kapitan
Heneral Si Basilio, dahil isa siyang ulila at dating utusan.

 Pagpayag ni Paulita Gomez na maipakasal kay Juanito Pelaez. Nawala ang


pag-ibig ni Paulita sa nobyong si Isagani nang madakip at mabilanggo ang binata.
Nawalan siya ng tiwala rito at tuluyang nawalan ng gana sa kanilang relasyon.
Tinanggap na lamang niya ang iniaalok na pag-ibig ng isang mayaman ngunit
mainggiting Espanyol na si Juanito. Ginamit ng manunulat na halimbawa si Paulita ng
isang marupok na babae. Kahit na tinitingala siya dahil sa kaniyang kagandahan,
naroroon pa rin ang katotohanan na nagpapadala siya sa mga bagay na
makatutulong sa kaniyang maabot ang kanyang mga naisin sa buhay kaysa sa
isinisigaw ng kaniyang damdamin.

 Pagtulong ni Basilio sa pagsasakatuparan ng


layunin ni Simoun. Kung hindi dahil kay Simoun,
hindi makalalaya si Basilio, kaya bilang pagtanaw ng
utang na loob, nakiisa na rin siya sa layunin nitong
makapaghiganti. Noong una, nais na lamang kalimutan
ni Basilio ang lahat ng mga pasakit na kaniyang
naranasan, ngunit nang malamang namatay ang
kasintahan dahil sa masamang balak ng isang prayle
mas tumindi ang kaniyang poot sa mga Espanyol.
Lubos ang kaniyang pag-aalala dahil sa mga maaaring
madamay na inosente sa planong ito ni Simoun.
Gayunpaman, ang katauhan ni Basilio ang ginamit ni
Rizal upang ipadama na ang mga dukha at mangmang
ang unang magbabangon ng himagsikan dahil sila ang
mas nakaranas ng pang-aapi.

20
Copyright © 2018 Quipper Limited
 Pagdaraos ng malaking piging sa lumang bahay ni Kapitan Tiago. Ipinakita
rito ang masiglang tradisyon ng mga Pilipino tuwing nagdaraos ng kasal. Inilarawan
din ni Rizal ang sakit ng lipunan noon pa man, ang pagpili ng ninong at ninang, na
matataas na tao kahit hindi ganoon kakilala. At sa paghahanda, sadyang
pinagkakagastusan nang malaki ang mga kasal, binyagan, at mga pista kahit na
mabaon pa sa utang.

 Ang handaan at ang plano ni Simoun. Muling ipinaalala kay Padre Salvi ang
nakaraan sa pamamagitan ng isang sulat na umikot sa loob ng handaan. Nakalagda
rito ang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra at nakalakip ang mensahe patungkol
sa paghihiganti. Nang mailagay ni Simoun ang lamparang maghuhudyat ng pagsabog
ng pulbura agad din siyang umalis upang maiwan sa handaan ang mga duwag,
mapang-api, at di-nag-iisip na mga taong nais niyang paghigantihan. Inilarawan ni
Rizal ang isang matalino, kakaiba, at makabagong ideya ng pagpatay at
paghihimagsik.

 Ang gampanin ni Ben Zayb bilang mamamahayag. Sa simula pa lamang


ipinakilala na si Ben Zayb bilang isang mamamahayag na nagpapanggap na maalam
sa lahat. Itinuturing niyang kaibigan ang prayle at iba pang mga Espanyol na may
katungkulan sa pamahalaan. At sa bawat mahahalagang pangyayari sa nobela,
naroon si Ben Zayb upang mangalap ng mga impormasyon upang maisulat bilang
ulat. Mahalaga ang gampanin ng isang mamamahayag sapagkat may kapangyarihang
siyang manipulahin ang pagtingin ng mga tao sa mga nanunungkulan batay sa mga
sulatin at ulat na lumalabas ukol dito. Ipinakita ni Rizal ang mahalagang gampanin ng
pamamahayag bilang daluyan ng impormasyon. Ipinakikita rin nito na noon pa ma‟y
may mga mamamahayag na may pinapanigan sa lipunan, kumikiling ang ilan sa kanila
sa mga taong may malaking maitutulong sa kanila.

 Ang pagkilos ng mga tulisan.


Habang abala ang ibang mga
mamamayan sa paghahanda para sa
paparating na kasalan. Sunod-sunod
din ang pagkilos ng mga tulisan sa
pamayanan. Pakay nila sa paglusob ang
mga kumbento kung saan naninirahan
ang mga prayle at ang mga tahanan ng
malulupit na Espanyol. Pinamumunuan
ito ng isang nagngangalang
Matanglawin. Ipinakita rin dito na
maraming guwardiya sibil na Pilipino
ang mas malupit pa humatol kaysa sa
mga Espanyol. Patunay ang pakikipagtunggali ng pangkat ni Matanglawin laban sa
21
Copyright © 2018 Quipper Limited
pamahalaan ng papausbong at unti-unting lumalagong kilusan para sa himagsikan.
Gayon pa man, ipinakita pa rin dito ni Rizal ang kaniyang alinlangan sa pagiging
handa ng mga Pilipino para sa isang rebolusyon. Ipinakita niya ito sa katauhan ni
Basilio.

 Paghadlang ni Isagani sa banta ng rebolusyon. Nang ibunyag ni Basilio kay


Isagani ang kabuuang plano ni Simoun na pagpapasabog sa handaan, nagmamadali
itong tumungo sa lumang bahay ni Kapitan Tiago upang pigilan ang nakabantang
panganib. Nagbigay ng kakalasan sa nobela ang pagkakalikhang ito sa katauhan ni
Isagani bilang isang makabayang nag-iisip para sa tunay na kapakanan ng kaniyang
mga kababayan. Nagkaroon ng pagitan ang tunggalian at resolusyon ng kuwento
dahil sa hindi natuloy ang binabalak ni Simoun na pagpapasabog sa handaan. Tuwiran
nang ipinakita rito ni Rizal ang kaniyang mensahe na hindi pa handa ang mga Pilipino
para sa isang madugong rebolusyon na binalak ng tauhang si Simoun.

 Ang pagkamatay ni Simoun. Nagwakas ang kuwento sa kamatayan ng


pangunahing tauhang si Simoun. Batay sa
katangian ni Simoun, ipinahiwatig lamang ni
Rizal na hindi magdudulot ng kabutihan para
sa lahat ang paghihiganting matagal nang
pinaghandaan ng kaniyang tauhan. Pinili
niyang patayin ang tauhang ito dahil para
kay Simoun paghihimagsik lamang ang susi
upang tuluyang lumaya. Ngunit ipinasok
naman ni Rizal ang karakter ni Padre
Florentino upang ipahiwatig ang iba pang
paraan sa paglaya gaya ng makabayang
edukasyon. Sa huli, ipinaalala niya na
kailangan ng bayang maghihimagsik ang
pagiging mulat at marangal dahil isa itong
paghahanda sa pamamahala at pagsasarili.

Para sa higit na pag-unawa sa mga pangyayaring ito, makatutulong ang pagbasa ng


kabuuang ng bawat kabanata. Dapat maunawaan na mahalaga ang huling bahaging ito
ng nobela sapagkat dito inihayag ang tunggalian at resolusyon sa mga suliranin ng
kuwento. Dito rin naihayag ang mahahalagang kaisipan na nais ikintal ng manunulat sa
isipan ng mga mambabasa.

22
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagutin Natin
1. Ano ang gawaing nakatutulong upang matukoy ang kaisipan ng isang akda?
2. Ano ang nilalayong matamo sa pagsusuri ng isang akda?
3. Kailan isinasagawa nag pagsusuri ng isang akda o ng bahagi nito?

Subukan Natin
1. Paano nakatutulong ang pagsusuri sa mga mambabasa?

2. Bakit inihahambing ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayari noong panahong
naisulat ito?

3. Bakit inihahambing ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyang panahon?

Isaisip Natin

Bakit binabasa hanggang sa kasalukuyang panahon ang nobelang El Filibusterismo?

23
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Tukuyin kung alin mula sa mga tinukoy na pangyayari sa Kabanata 31 hanggang 39
ang maiuugnay sa mga isyu o pangyayari sa kasalukuyang lipunan na inilahad sa
bawat bilang.

1. Pinapangambahan ang naglipanang mga NPA sa mga unibersidad. Ayon sa ulat,


nanghihikayat sila ng mga mag-aaral na sumanib sa kanilang samahan.
2. Sinasabing nagiging higit na praktikal ang mga babae sa kasalukyan. Sinisiguro
nilang may kakayahang ang lalaki na buhayin sila bago pa man sila umibig dito.
3. Unti-unting nahuli ang mag terorista sa Marawi at naiwasan ang higit pang gulong
kanilang pinaplano dahil sa matatapang na mamamayang nagsuplong sa kanila sa
awtoridad.
4. May mga mag-aaral na sumasali sa mga barkada o samahan upang mayroon silang
kakampi. Madalas, ang mga mag-aaral na ito ay minsan nang naapi at pinahirapan
ng iba.
5. Sa mga isinasagawang pagpapasabog, hindi alintana ng mga terorista ang mga
inosenteng buhay na maaaring maapektuhan ng kanilang mga ginagawang
panggugulo sa lipunan.
6. Usap-usapan sa social media ang pagkiling ng isang estasyon ng telebisyon sa
isang partido sa ating bansa kung saan ang binabalita lamang nito ay ang
nakasisira sa kalabang partido.
7. Maraming mahihirap ang nagiging biktima ng Oplan Tokhang samantalang
nananatiling nasa posisyon ang mga politikong itinuturong suspek ng pagtutulak ng
droga sa bansa.
8. Nakalalaya ang mayayamang suspek sa mga krimen dahil nagagawa nilang
makapagpiyansa, samantalang nakukulong naman sa bilangguan at nagtitiis ang
mga dukhang naakusahan.
9. Talagang pinagkagastusan ang pag-iisang dibdib ng magkaparehang napanood ko
sa telebisyon. Ayon sa kanila, ayos lang na maubos ang kanilang ipon basta maging
masaya at maganda ang kanilang kasal. Katwiran din nila, mag-iipon na lang daw
sila ulit pagkatapos ng pagdiriwang.
10. Maraming pahina sa facebook na naglalahad ng mga balitang may pagkiling sa
kanilang sinusuportahang partido at paninira sa kalabang partido na nagiging sanhi
ng pagkalito ng taumbayan sa tunay na detalye ng isang balita sapagkat inilalahad
nila ito nang naaayon sa kanilang sinusuportahan.

24
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gawin Natin
Bumuo ng iskrip ng huling bahagi ng nobelang El Filibusterismo. Tiyaking sasaklaw
ang bubuuing iskrip sa alinmang tatlong kabanatang magkakasunod-sunod sa
pagitan ng Kabanata 31 hanggang 39. Tiyaking hindi mababago ang daloy ng mga
pangyayari sa akda sa mga mapipiling kabanata. Gawin ito sa isang buong papel.

Rubrik sa Pagtataya
Itiman ang angkop na bilog. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)
Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip 1 2 3 4 5
1. Kalinawan ng ideya sa paglalahad
2. Nasunod ang pamantayan o salik sa pagbuo ng iskrip
3. Naibigay ang mga tiyak na datos mula sa akda sa iskrip na binuo
4. Kasiningan ng balangkas na ginamit sa pagsulat ng iskrip
5. Kawastuang gramatikal at pagsunod sa panuto at mekaniks sa
pagsulat (gamit ng salita, pagbabantas, at pagbabaybay)
Kabuuang puntos:

Interpretasyon:

16 – 20 : Napakahusay
11 – 15 : Mahusay
6 – 10 : Katamtaman
1–5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

25
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom

Kabanata 31-39
 Ang Mataas na Pagsusuri sa
Kawani Matatalinhagang maghahalagang
 Mga Bungan g pahayag na tagpo na
Paskil
naglalahad ng mga nagpapakita ng
 Ang Huling
katuwiran tagong kaisipan tunggalian at
 Ang Kasal suliranin sa
 Ang Pagdiriwang kabuuan ng akda
 Ang Kagipitan ni
Ben Zayb
 Ang Hiwaga
 Sawimpalad
 Wakas

26
Copyright © 2018 Quipper Limited
Dapat Tandaan

 Hindi agad nakalaya sa pagkakadakip si Basilio sapagkat siya ay ulilang


lubos at walang kilalang tao ang handang tumubos sa kaniya. Ipinakita ni
Rizal sa katauhan ng mataas na kawani na may ilang mga Espanyol na
tunay na nagmamalasakit sa mga Pilipino.

 Naisakatuparan ni Simoun ang lahat ng kaniyang plano, mula sa


pagpaplano ng kasal nila Paulita at Juanito hanggang sa paglalagay ng
lampara sa handaan ngunit napigilan ito ni Isagani nang agawin niya ang
lampara. Ipinahiwatig dito ni Rizal na hindi dahas ang solusyon upang
makamit ang inaasam na kalayaan ng bansa, sa halip ipinahiwatig sa
katauhan ni Padre Florentino na isa sa maaaring solusyon ay ang
pagkakaroon ng makabayang edukasyon.

 Sa pagtatapos ng kuwento, nagtungo ang sugatang si Simoun sa bahay ni


Padre Florentino, inamin ang lahat ng kaniyang lihim, at uminom ng lason.
Itinapon naman ni Padre Florentino ang mga naiwang kayamanan ni
Simoun sa dagat upang hindi na ito maging tukso at maghasik ng higit
pang kasamaan.

Pagyamanin Natin
Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang
impormasyon at malalim na talakayan.

 Fil11 Kasaysayan ng El Fili


https://www.youtube.com/watch?v=N-k7YSUsBrs
 Kasaysayan ng El Filibusterismo
https://www.youtube.com/watch?v=boPFeizynUs
 Suliranin ng Lipunan; Video 20180307203839766 by videoshow
https://www.youtube.com/watch?v=W2IRjiUnW1Y
27
Copyright © 2018 Quipper Limited
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1: Buod ng Kabanata 31 Hanggang 39

Subukan Natin
1. Upang ipakita na hindi masama at mang-aapi ang lahat ng Kastila. Mayroon pa ring
mga Kastila na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga Pilipino noon.
2. Naawa siya sa kaibigan at nais niyang ilayo si Isagani sa kapahamakan.
3. Tila nagkupisal siya kay Padre Florentino bago siya binawian ng buhay.

Isaisip Natin
Kung pagbabatayan ang akda, ang kayamanan ni Simoun ang naging kasangkapan upang
maganap ang kasamaan at kasawian ng maraming tauhan sa akda.

Aralin 2: Talasalitaan

Subukan Natin
1. Kinakailangang gumamit ng matatalinhagang pahayag para mapanatili ang
kasiningan ng isang akda at upang epektibong maipahayag sa mga mambabasa ang
kaisipang ibinabahagi ng akda.
2. Nakatutulong ang matatalinhagang pahayag sa pagbibigay ng ideya o konteksto sa
kaisipang nais ipaunawa ng akda.
3. Gumamit si Rizal ng matatalinhagang pahayag upang mailahad sa bawat tauhan ang
kaisipang nais niyang ibahagi sa mga mambabasa.

Isaisip Natin
Nakatutulong ang matatalinhagang pahayag sa paglalahad ng may akda sapagkat
nagagamit ng manunulat ang mga tauhan upang ipahayag ang kaisipan batay sa iba‟t ibang
konteksto ng pagpapahayag at katauhang naglalahad tungo sa mas madaling pagkaunawa
nito.

Aralin 3: Pagsusuri ng mga Pangyayari

Subukan Natin
1. Nakatutulong ang pagsusuri sa mga mamababasa sa pag-uugnay ng mga tagpo sa
nobela sa mga pangyayari noon at maging sa kasalukuyang panahon upang makita
ang kahalagahan ng akda.
28
Copyright © 2018 Quipper Limited
2. Inihahambing ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayari noong panahong
naisulat ito upang matamo ang kahalagahang pangkasaysayan ng akda.
3. Inihahambing ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayari sa kasalukuyang
panahon upang makita ang kahalagahan ng akda sa mga mambabasa ngayon.

Isaisip Natin
Binabasa hanggang sa kasalukuyang panahon ang nobelang El Filibusterismo sapagkat
patuloy tayong umaasa sa bawat henerasyon ng kabataang papanibaguhin nila ang hindi
mabuting sistemang umiiral sa ating lipunan. Gayundin, umaasa tayong sisibol sa kanila ang
pag-ibig sa bayan sa pagbabasa ng akda. Maliban pa rito, hindi pa rin nasosolusyunan ang
mga suliraning inilahad ni Rizal sa akda at hanggang umiiral ang mga ito, kinakailangang
patuloy na ipabasa ang akda sa mga Pilipino.

Sanggunian
Almario, Virgilio. “Jose Rizal: El Filibusterismo.” Adarna House, Inc. Quezon City. 2011

Jamero, Dolores F. at Glinoria, Maurita L., Ang Pilibusterismo. Pinagaan, Sta. Terese
Publication, Inc. 2008.

Jamero, Dolores F. at Glinoria, Maurita L., Kayumanggi sa El Filibusterismo. Leo Ross


Publication, Inc. 2000.

Gonzaga, Marina at Dimaguila, CristIna. “ Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at


Panitikan.” Abiva Publishing House, Inc. Quezon City. 2016.

Zaide, Gregorio F. at Zaide, Sonia M. “Jose Rizal: Buhay, mga Ginawa, at mga Sinulat ng
Isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani. ” National Book Store. 2009.

29
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like