You are on page 1of 32

FILIPINO

Baitang 9 Yunit 17
Nilalaman ng Noli Me Tangere
Talaan ng Nilalaman

Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 6

Aralin 1: Mga Tauhan.............................................................................. 7


Layunin Natin 7
Pag-aralan Natin 7
Sagutin Natin 13
Subukan Natin 13
Isaisip Natin 14
Pag-isipan Natin 14

Aralin 2: Mga Tagpuan........................................................................... 15


Layunin Natin 15
Pag-aralan Natin 15
Sagutin Natin 18
Subukan Natin 18
Isaisip Natin 19
Pag-isipan Natin 19

Aralin 3: Ang Banghay........................................................................... 20


Layunin Natin 20
Pag-aralan Natin 20
Sagutin Natin 24
Subukan Natin 24
Isaisip Natin 24
Pag-isipan Natin 24

Gawin Natin 25
Rubrik sa Pagtataya 25
1
Paglalagom 29
Dapat Tandaan 30
Pagyamanin Natin 30
Susi sa Pagwawasto 30
Sanggunian 32

2
Pindutin ang Home icon para
BAITANG 9 | YUNIT 17 bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Nilalaman ng Noli Me Tangere


Si Maria Clara. Si Crisostomo Ibarra. Si Padre Damaso. Ilan lamang ito sa mga pangalang
pamilyar sa nakararaming Pilipino. Mayroon silang mga partikular na katangian, kaisipan, at
pagkilos na hindi malilimutan. Ang bawat tauhan sa Noli Me Tangere ay makabuluhan at
may kani-kanyang papael na ginagampanan. Isa-isahin natin sila at nang malaman natin
kung sino-sino ang mga katumbas nila sa panahon ng pagkakasulat ng ating pambansang
bayani.

Gayundin, ang lugar at panahon na pinangyarihan ng Noli Me Tangere ay talagang umiral


sa ating kasaysayan. Ang mga lugar tulad ng San Diego ay may nakakatumbas na tunay na
lugar, habang may mga lugar
din na totoong mayroon tulad
ng Maynila. Ang mga
pangyayari, patakaran,
paniniwala ng tao at mga
karaniwang gawi ng panahon
ni Dr. Jose Rizal ay
sinasalamin din sa nobela.

Upang lalong malinawan


tungkol sa nobela,
makatutulong na basahin
muna ang isang buod.
Makapagbibigay ito ng mga
pangkalahatang kaalaman na
maaari pang mas pagtuunan
ng pansin sa mga sumusunod
na yunit. Sa pamamagitan ng
banghay, makapagbibigay
tayo ng mga makabuluhang
suri tungkol sa ating inisyal na
kaalaman sa akda.

3
Basahin Natin

Rebyu ng Aklat: Noli Me Tangere


Halaw mula sa isinulat ni Barbara Celarent (University of Chicago Press)
Isinalin ni: Rosalie B. Tangonan

Maihahalintulad ang pangunahing tauhan sa


nobelang Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra
kay Jose Rizal, ang may-akda, sa iba‟t ibang
aspekto—sa kanilang pagpapahalaga sa pamilya,
buhay pag-ibig, at pulitika—na ginamit upang
masuri ang mga panloob na istruktura ng lipunang
Pilipino mula sa pananaw ng isang ilustrado.

Sa akda, bumalik si Ibarra sa kaniyang bayang


sinilangan upang tulungan itong umunlad sa
pamamagitan ng pagtatayo ng isang paaralan at
upang pakasalan ang kaniyang kasintahang si
Maria Clara, ngunit sa kasamaang palad,
hinadlangan ng mga sakim na prayle at korupt
na mangangalakal ang adhikaing ito sa tulong
na rin ng mga napagkaitang mahihirap at hindi
matatagumpay na ilustrado. Malaon, tinugis si
Ibarra ng mga may kapangyarihan dahil sa
kaniyang paghahangad ng mga pagbabago sa
kaniyang bayan sa balat-kayo ng paratang na
pagiging excomunicado.

Maliban dito, nagaganap ang samu‟t saring


pangyayari sa kaniyang paligid katulad ng pagkabaliw ni Sisa,
pagkakakulong ng mga alila, walang awang pagpapahirap sa mga indio, at iba pang hindi
kapani-paniwalang guhit ng kapalaran ng mga tauhan. Taglay ng aklat ang mayamang
pagkakatulad sa buhay sa nayon, gayundin ang ilang kaugnayan sa mga nakasulat sa
Bibliya sa anyo ng pagkakaroon ng wari‟y Tagapagligtas ng bayan ng San Diego na pilit na
inaalipusta o pinipigilan ng mga namumuno sa naturang bayan.

4
Makikita sa nobela ang pagtatangka ni Rizal na suriin ang mga pangyayari sa lipunan sa
kaniyang panahon. Halos kalahati sa mga kabanata ng nobela ang may banghay na
magpapatunay nito na naglalarawan at nagsusuri sa lipunang Pilipino. Kinakatawan ito ng
tauhang si Pilosopo Tasyo, na pinararatangang baliw ng marami sa bayan ng San Diego at
nagbibigay ng kaniyang pananaw at mabuting pagsusuri sa mga pangyayari sa nobela sa
anyo ng pagumuni-muni o hindi naman kaya‟y pakikipag-usap sa mga tao sa kaniyang
paligid kahit pa tila malayo ang kaniyang inilalahad sa konteksto ng usapan. May
pagkakahawig din ang tauhang si Elias sa paraang nagbibigay siya ng mga pahiwatig o
propesiya, sa pagbibigay-daan sa ikatatagumpay ni Ibarra kahit pa kapalit nito ang sari
niyang buhay.

Kasama rin sa pagtatangkang mailarawan ang lipunan sa makatotohanang paraan ang


pagkakaroon ng mga tauhang prayle na may iba‟t ibang katangian. Kinabibilangan ito ng:
mga mayayabang at makapangyarihan; mga tahimik ngunit kasuklam-suklam; mga
makasalanan at nagpapahirap; at mga mapangutya ngunit talunan. Hinubog sila at ang
kanilang mga kapanalig na ilustrado, kabilang na ang mga nakaasa sa kanila sa nobela
bilang mga malulupit sa mga Pilipino na kanilang tinaguriang mga Indio.

Maliban pa sa mga tauhan, ipinakita rin ni Rizal ang pag-uuri sa mga tauhan batay sa iba‟t
ibang antas ng lipunan kabilang na rin ang lugar kung saan sila nakatira o ang
etnograpikong aspekto nito. Ipinakita sa nobela ang detalye ng mga kulturang Pilipino
katulad ng mga pistang bayan, prusisyon, at mga pagtitipon at pulong. Inilalahad ang mga
iyon sa pananaw ng iba‟t ibang nagmamasid sa akda katulad ng mga kababaihang taong
simbahan, mahihirap at mga ilustrado. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng balanse ang
paglalahad ng mga pangyayari sa nobela at nagpakita ng pangkalahatang larawan ng mga
pangyayari. Kabilang sa mga pangkalahatang pangyayaring ito ang mga di magagandang
kaganapan noong panahong iyon—mga pag-aresto at pagsasabwatan na nagaganap sa
pagitan ng mga guwardiya sibil, mga biktima, at prayle.

Inilahad din ni Rizal ang katangian ng mga kababaihan noon ngunit sa esteryotipikong
pananaw ng kalalakihan. Inuri lamang sa dalawa ang kababaihan, ang mayaman at ang
mahirap. Taglay ng mga nakaririwasang kababaihan ang katangiang malayaw, malandi,
mukhang-pera, maliban marahil kay Maria Clara na may taglay na katapatan sa sinisinta.
Samantala inilarawan niya ang mga dukhang kababihan sa bilang marangal ngunit api.
Hiwalay naman dito ang paglalarawan sa mga tauhang nakatatandang kababaihan. Kabilang
sa mga ito si Sisa, isang mahirap na ina na nabaliw dahil sa kasawiang naranasan ng
kaniyang mga anak; ang babaeng may masamang ugali na asawa ng alperes; at ang
mapagpanggap na mayamang si Donya Consolascion.

Representasyon ang kabuuang nobela ng pananaw ni Rizal sa prosesong panlipunan sa


kaniyang paligid na dulot ng sistema ng relihiyon. Inilahad niya ito batay sa kaniyang
sariling karanasan. Naipakita sa kaniyang nobela ang konsepto ng „indulhensiya‟ o ang 5
pagbibigay ng abuloy sa simbahan sa iba‟t ibang paraan upang mailigtas ang kaluluwa ng
isang yumaong kamag-anak sa apoy ng impiyerno hanggang sa makarating ito sa
purgatoryo. Paulit-ulit na ipinakita sa nobela ang pagiging korupt, makamundo, ganid, at
masama ng mga prayle. Ngunit sa kabila ng lahat ng kapintasang ito sa simbahan, patuloy
na nanampalataya ang karakter na si Ibarra sa Panginoon.

Isang paglalahad ng kaganapan at kalikasan ng bansang Pilipinas sa panahon ng


pananakop ng mga Kastila ang kabuuang akda ni Rizal. Inilahad niya ang iba‟t ibang
pananaw sa kaniyang pagsulat. Ngunit mahalaga pa ring alalahanin na isang akdang
piksiyon ang nobela kung saan layunin nitong dalhin ang mga mambabasa sa karanasan at
pagpaparamdam sa atin ng mga damdamin ng mga tauhan. Walang pamamaraan upang
masuri ang mga kaisipan at iba pang pagkiling ng may-akda sapagkat malaya siyang
makapaglahad sa masining na paraan. Ganoon pa man, sa paglipas ng panahon, mananatili
ang Noli Me Tangere bilang isa mga panguahin at kilalang panitikan dahil sa
impluwensiyang naidulot nito sa mga rebolusyong naganap sa noong panahon ng mga
Kastila.

Sagutin Natin
Paano ipinakita ni Dr. Rizal ang hindi pagkakapantay-pantay sa
lipunan sa pamamagitan ng kanyang nobela?
Anong sektor ng lipunan ang kinatawan ng tauhang si Sisa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ayon sa rebyu, ano ang komento ni Dr. Rizal sa relihiyon?

6
Aralin 1
Mga Tauhan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang nakikilala ang mga tauhan
batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa at nahihinuha ang katangian ng mga
tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela.

Pag-aralan Natin
Mahalagang elemento ng isang akda ang mga tauhan. Sa tulong ng mga ito, higit na
nagiging makatotohanan ang paglalahad ng isang kuwento.

Ang nobelang Noli Me Tangere ay binubuo ng mga tauhang sadyang nilikha ni Rizal upang
kumatawan sa mga tiyak na uri ng tao noong panahon ng Kastila. Sa pangkalahatan,
malinaw ang pag-uuri sa mga tauhang ito sa mga sumusunod:
 mga prayle at nasa pamahalaan na mga makapangyarihan noong panahong iyon
 mga mayayaman na kapanalig at sunud-sunuran sa mga Kastila
 mga mahihirap na maaaring api o hindi naman kaya‟y taksil sa kaniyang lahi

Sa pagitan ng lahat ng ito naroon ang pangunahing tauhang si Crisostomo Ibarra, isang
ilustrado at naghahangad ng pag-unlad para sa bayang kaniyang pinagmulan ang San
Diego.

Narito ang iba pang tauhang bumubuo sa nobelang Noli Me Tangere:

 Ang Angkan na Pinagmulan ni Crisostomo Ibarra - Pamilyang itinuturing na


pinakamayaman sa San Diego at nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupain.

7
 Crisostomo Ibarra: Anak ni Don Rafael at kababata at kasintahan ni Maria
Clara. Nag-aral sa Europa nang pitong taon at bumalik sa Pilipinas matapos
mamatay ng ama upang ipagpatuloy ang plano nitong magpatayo ng paaralan
para sa kabataan ng San Diego.

 Don Rafael Ibarra: Ama ni Crisostomo at itinuturing na pinakamayaman sa


San Diego ngunit hindi mahilig sa kapangyarihan. Iginagalang at takbuhan
siya ng mga taong nagigipit.

 Don Saturnino: Lolo ni Crisostomo. Isang mestizong Kastila na kilalang


masipag at matiyaga ngunit mapusok at malupait kapag nagalit. Dumating sa
San Diego at nagpakasal sa isang dalagang taga-Maynila. Pinagyaman ang
lupaing iniwan ng kaniyang ama.

 Pedro Eibarrimendia: Ninuno ni Crisostomo na tinutukoy na nagdulot ng


kasawiampalad sa pamilya ni Elias.

 Ang Angkan na Pinagmulan ni Maria Clara- Itinuturing na pinakamayamang


angkan sa Binondo at kilalang malapit sa simbahan at kasundo ng pamahalaan.

8
 Maria Clara: Dalagang anak ni Kapitan Tiago na kilalang-kilala sa angking
kagandahan. Kasintahan ni Crisostomo Ibarra at inaanak ni Padre Damaso.
Lumaki siya sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina
ng relihiyon.

 Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos: Pinakamayan sa Binondo.


Nagmumula ang kaniyang yaman sa kaniyang mga lupain lalo na sa San
Diego. Anak ng mariwasang pamilyang nagmamay-ari ng tubuhan sa Malabon.
Masunurin sa mga may kapangyarihan at sakim pagdating sa usaping salapi.

 Pia Alba: Ina ni Maria Clara at asawa ni Kapitan Tiago. Maganda, may
balingkinitang pangangatawan, at kabigha-bighaning tindig. Namatay siya
pagkasilang kay Maria Clara.

 Tiya Isabel: Tiyahin ni Maria Clara at pinsan ni Kapitan Tiago. Siya ang nag-
alaga sa dalaga nang maulila ito sa ina.

 Mga Prayle - Mga alagad ng simbahan atitinuturing na isang pangkat ng mga


makapangyarihang tauhan sa nobela dahil sa kanilang impluwensiya sa
pagdedesisyon ng mga tauhan sa akda at maging ng bayang kanilang nasasakupan.

 Padre Damaso: Paring Pransiskano na dating kura ng San Diego at ninong ni


Maria Clara. Maituturing na mapusok at walang pakundangan sa kaniyang
pagsasalita at maging sa kilos.Taglay din niya ang mataas na tingin sa sarili.

 Padre Salvi: Kasalukuyang kura ng San Diego sa panahon ng nobela. Ang


pumalit kay Padre Damasosa pamamahala ng naturang bayan at pilit inilalapit
ang kalooban sa dalagang si Maria Clara.
9
 Padre Sibyla: Paring Dominikano atkura ng Tanawan. Lihim niyang
sinusubaybayan ang bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.

 Mga Mag-asawa - Mga tauhang nagbigay kulay sa nobela bunga ng pagpapakita


ng kakatwang relasyon sa pagitan ng mga mag-asawa.

 Donya Victorina at Don Tiburcio De Espadana: Mag-asawang mahilig


pumunta sa iba‟t ibang pagtitipong dinadaluhan ng mga kilala sa lipunan.
Isang pilay na Kastila si Don Tiburcio na napadpad sa Pilipinas sa paghahanap
ng magandang kapalaran. Nagpapanggap siya bilang isang doktor. Si Donya
Victorina ang babaeng punumpuno ng kolorete ang mukha upang
magmukhang mestizang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila
kahit pa palagi itong mali.

 Donya Consolascion at ang Alperes: Mag-asawang kilala sa San Diego


dahil sa kapangyarihang taglay ng lalaking may posisyon sa pamahalaan
bilang pinuno ng mga guwardiya sibil. Maituturing din ang alperes bilang
mahigpit na kalaban ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Samantala,
mahigpit namang kaaway ni Donya Victorina si Donya Consolascion dahil sila‟y
nagpapataasan ng papel na ginagampanan sa lipunan ng kani-kanilang
kabiyak. Dati siyang labandera at malaswa kung magsalita.

 Donya Teodora Vina at Don Filipo Lino: Ang magkabiyak na


kapalagayang-loob ni Pilosopo Tasyo. Si Don Filipo ang tinyente mayor ng San
Diego na kilala sa hilig sa pagbabasa ng Latin.

 Ang Pamilya ni Sisa - Pamilyang dukha at api na tila pinaglaruan ng tadhana na


naging sanhi ng pagtakas ng katinuan ng ilaw ng tahanan.

10
 Sisa: Pinopoon niya ang asawang si Pedro. Isang mapagmahal na ina na
handang magpakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak. Nabaliw sa
paghahanap sa kaniyang mga anak matapos itong mawala isang gabi
pagkatapos patugtugin ang kampana ng kumbento.

 Pedro: Asawa ni Sisa na isang lalaking walang puso. Iresponsable rin siyang
ama na walang inatupag kung hindi ang kaniyang bisyo at pagsasabong.

 Basilio: Siya ang panganay na anak ni Sisa.Isa siyang sakristan at


tagapagpatunog ng kampana sa kumbento.

 Crispin: Ang bunsong anak ni Sisa na isa ring sakristang tagapagpatugtog ng


kampana.

 Mga Kaibigan ni Maria Clara - Mga kasa-kasama ni Maria Clara sa kasiyahan at


pagharap sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan dahil sa relasyon nila ni
Crisostomo Ibarra.

 Andeng: Siya ang kinakapatid ni Maria Clara na may angking husay sa


pagluluto.

 Iday: Siya ang magandang kaibigan ni Maria Clara na marunong tumugtog ng


alpa. Kasintahan siya ni Leon.

 Neneng: Ang mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara.

 Sinang: Anak ni Kapitan Basilio at isa sa pinakamasiyahing kaibigan ni Maria


Clara.

 Victoria: Ang tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino.

 Albino: Dating seminaristang kasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni


Victoria.

 Leon: Ang kasintahan ni Iday na nakapansin sa buwaya sa baklad.

 Iba pang Tauhan - Mga tauhang nagpakita ng iba pang mukha ng buhay noong
panahon ng Kastila at nagbigay ng kaukulang kulay sa akda.

11
 Pilosopo Tasyo: Nagsilbing tagapayo ni Don Rafael Ibarra at ng iba pang
marurunong mula sa San Diego. Itinuturing na baliw ng marami dahil sa
kaniyang kakaibang pamamaraan ng pag-iisip.

 Tinyente Guevarra: Matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya ang


tinyente ng mga guwardiya sibil na naglahad ng katotohanan sa kawalang-
katarungang sinapit ng kaniyang ama.

 Kapitan Heneral: Itinuturing na pinakamakapangyarhang opisyal at


kinatawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang tumulong kay Crisostomo
Ibarra para maalis ang kaniyang pagka ekskomulgado.

 Elias: Ang tagapagligtas ni Crisostomo Ibarra. Tinulungan niya rin ang binata
na muling makilala ang kaniyang vayan matapos ang ilang taong pagkawalay.
Iminulat din niya si Crisostomo sa mga suliraning kinahaharap nito.

 Salome: Ang babaeng itinatangi ni Elias. Isang simpleng dalaga na


naninirahan sa isang kubo sa kagubatan.

 Kapitan Basilio: Kapitan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa


usapin sa lupa.

 Kapitana Maria: Babaeng makabayan na pumapanig na ipagtanggol ni


Crisostomo ang kaniyang ama.

12
 Nol Juan: Ang namamahala sa pagpapatayo ng paaralang proyekto ni
Crisostomo Ibarra.

 Lucas: Kapatid ng taong namatay sa pagbagsak ng paghugos sa paaralang


ipinatatayo ni Crisostomo Ibarra.

 Alfonso Linares: Ang binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni


Maria Clara. Siya ang malayong pamangkin ni Don Tiburcio.

Sila ang mga tauhang bumubuo sa nobelang Noli Me Tangere. Matalino silang nilikha ng
may-akda upang ipakita ang kabuuang kalagayan ng lipunan noong panahong iyon.
Maituturing na kinilala ni Rizal ang bawat isa sa kanila sa kaniyang mga sariling karanasan
at nasaksihan noong panahong iyon. Dahil dito, masasabing may kani-kaniyang
kinakatawan ang bawat tauhan sa lipunang Pilipino na kinakailangang alamin bilang
mambabasa sa pamamagitang ng mabuting pagsusuri sa katauhan ng bawat isa maging sa
kanilang mga kilos at desisyon sa akda.

Higit pang kilalanin ang mga tauhan sa pagbabasa ng nobelang Noli Me Tangere. Bigyang-
pansin ang kani-kanilang katangian at mga pangyayaring tiyak na magpapakita at
magpapasidhi sa mga magkakawing na kuwento ng bawat isa. Siyasatin din ang kaisipang
nais iwan ng bawat isa sa mga mambabasa ng obra maestrang kinatha ni Rizal.

Sagutin Natin
1. Aling mga pangkat ng tauhan ang itinuturing na mayayaman? Ang mahihirap?
2. Sinong mga tauhan ang maituturing na pinakamakapangyarihan? Sa paanong
paraan sila naging makapangyarihan?
3. Batay sa mga paliwanag, sino kaya ang maaaring maging kaaway ng
pangunahing yauhang si Crisostomo Ibarra? Bakit?

Subukan Natin
1. Ang mga bilog na tauhan ay mga karakter na maraming katangiang tukoy sa
naratibo. Sino-sino kaya ang mga tauhang bilog sa nobela? Magbigay ng tatlo.

13
2. Ang mga lapad na tauhan ay mga karakter na kakaunti lamang ang mga
katangiang nakalantad, sapagkat kadalasan sila rin ay suportang tauhan. Sino-
sino kaya ang mga tauhang lapad sa nobela? Magbigay ng tatlo.
3. Bukod kay Crisostomo Ibarra, sino pa kaya sa mga tauhan ang nalalapit ang
pananaw kay Dr. Rizal? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip Natin
Maraming tauhan sa Noli Me Tangere ang halaw daw sa tunay na buhay ng ating
pambansang bayani. Sa iyong palagay, sino sa mga tauhan ang may inspiras yon sa
tunay na buhay ni Dr. Rizal? Magbigay ng isa at ipaliwanag.

Pag-isipan Natin

A. Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang mga tauhan sa Noli Me Tangere .

1. Apelyido ng isa sa pinakamayayamang angkan


ARABIR sa San Diego, kabilang dito ang binatang si
Crisostomo.
2. Ama ni Maria Clara, at isa sa pinakamayaman
NOGTAISA sa binondo.
3. Paring Pransiskano na mapagmataas at
ASOMAD masakit magsalita; siya rin ang ninong at
tagapagpakumpisal ni Maria Clara.
4. Kaibigan ni Crisostomo Ibarra na tumulong sa
SALIE kanyang makilala ang mga kaaway at kaibigan.
5. Mahirap at matiising ina ng dalawang
SIAS sakristan.
6. Isang matalinong matanda na pinararatangang
YOSAT baliw dahil sa kakaiba niyang paraan ng pag-
iisip.
7. Prayleng kapalit ni Padre Damaso bilang kura
VILAS ng San Diego.
8. Pinuno ng gwardya sibil na may asawang
SERPELA dating labandera.

14
9. Isang Pilipinang gustong-gustong maging
NATRIVOCI Espanyol kaya panay ang ayos at pagpipilit na
magsalitang parang Kastila.
10. Ang pinakamakapangyarihang opisyal sa
TANKIPA RELHANE Pilipinas sa panahon ng pagkakasulat ng
nobela.

Aralin 2
Mga Tagpuan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang nakikilala ang mga tagpuan
batay sa mga paglalarawan at nangyari dito at nahihinuha ang katangian ng mga
tagpuan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela.

Pag-aralan Natin
Maliban sa mga tauhan, mahalaga ring sangkap
ang tagpuan sa paglalahad ng isang panitikan.
Dahil sa tagpuan, nakokondisyon ang mga
mambabasa sa panahon at larawan ng
pinaggaganapan ng mga pangyayari. Sa
paraang ito, mas nalalaman ang mga panlabas
na dahilan ng pagkilos ng mga tauhan.

Matatayang nasa pagitan ng katapusan ng


buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ang
kabuuang pangyayari sa nobela. Katulad ng
15
nailahad sa unang kabanata nito, huling araw ng Oktubre nagpahayag si Don Santiago de
los Santos o Kapitan Tiago ng pag-iimbita ng mga panauhin para sa isang hapunan sa
kaniyang bahay. Sinundan ang pangyayaring ito Araw ng mga Patay kung saan nalaman ni
Crisostomo Ibarra ang kalapastanganang ginawa sa bangkay ng kaniyang ama. Matapos
nito nakapagpakita ng pagkakaroon ng unos o bagyo na totoong pangkaraniwan sa pagitan
ng mga buwang nailahad. Gayundin, may pista at prusisyong paghahanda para sa mas
marangal na pagdiriwang- ang Kapaskuhan. Binigyang-patunay ito ng huling kabanata ng
nobela na isang kabalintunaan ng naging kabuuang wakas, ang Noche Buena na isang
pagdiriwang para sa Kapaskuhan.

Sa kabuuan, naging napakahusay ng pagpili ni Rizal sa panahong naging tagpuan ng akda.


Sa halos dalawang buwan sa nobela, nailahad niya ang mga kabalintunaan ng buhay na
higit na gumising sa naghihinanakit at nagngangalit na damdamin ng mambabasa nito. Ilan
sa mga ito ang Araw ng mga Patay kung saan walang puntod na mapuntahan si Ibarra; ang
pagkakaroon ng unos ngunit wala sa tahanan ang mga anak ni Sisa dahil sa mahigpit na
pangangailangang magpunta sa kumbento hindi lang upang maghanapbuhay, ngunit higit
sa takot sa parusang maaari nilang tanggapin mula sa sakristan mayor kung hindi nila
magagawa nang tama ang kanilang tungkulin; at ang pagdiriwang ng Noche Buena ng
buong San Diego habang tinutugis si Ibarra ng mga guwardiya sibil; habang sugatan si Elias
dahil sa pagtatanggol kay Ibarra; at habang si Basilio ay hinahabol ang kaniyang inang
tinakasan na ng katinuan hanggang kapwa pumanaw sina Elias at Sisa sa isang dapat
sana‟y masayang gabi ng pagdiriwang- ang Pasko.

Sa akdang Noli Me Tangere, limitado ang lugar na ginamit ni Rizal. Umikot lamang ang
kabuuang istorya nito sa dalawang tagpuan- ang Maynila partikular sa Binondo kung saan
naroroon ang bahay ni Kapitan Tiago at ang bayan ng San Diego na siyang pangunahing
tagpuan ng kabuuang nobela.

Maynila (Binondo)

Batay sa akda, nasa Binondo ang tahanan ni Kapitan Tiago na pinagdausan ng piging gabi
ng huling araw ng Oktubre. Nasa kalye Anloague ito at malapit
sa pampang ng Ilog Binondo. Mahihinuhang sentro na ang
Maynila ng kalakalan noon pa man lalo na ang Binondo na
panirahan ng maraming Intsik. Nabanggit din ang Escolta sa
paglilibot ni Ibarra na inilarawan na lalo pang sumama
kaysa noong huli niya itong nakita. Gayundin ang iba
pang kalye tulad ng Subana (ngayon ay Plaza
Lawton at P. Burgos), Arroceros, at ang
matandang Maynila (Intramuros).

16
San Diego

Inilarawan ang San Diego sa nobela bilang isang bayang nasa baybay lawa na napaiikutan
ng malawak na bukirin. Saganang-sagana ang bayang ito sa biyaya ng lupa na nagdudulot
ng masagana ring pamumuhay para sa mga naninirahan dito. Mayroong ilog sa gitna ng
mga bukirin. Samantala, nasa gitna ng sakahang lupa ang kagubatan. Sa bayang ito
nagmula ang angkan ng mga Eibarrimendia na malaon ay tinawag bilang mga Ibarra. Sila
ang nagmamay-ari ng malaking bahagi ng lupain sa bayang iyon matapos bilhin ng nuno ni
Crisostomo ang lupa sa mga may-ari nito sa pamamagitan ng salapi, hiyas, at damit.

Maituturing ang bayan ng San Diego bilang isang salamin ng mga pangkaraniwang lugar sa
Pilipinas sa kabuuan. Ipinakikita nito ang pagkakaroon ng mga makapangyarihang at
mayayamang nakatira rito na kinabibilangan nina Don Rafael, Kapitan Tiago, mga prayle, at
alperes samantala mayroon din namang mga pangakaraniwang mamamayan lamang sa
katauhan nina Sisa at ng kaniyang mga anak, Elias, at iba pa na madalas na biktima ng mga
mas nakatataas sa kanila o ng iba pang pangyayari sa kanilang paligid.

Sa dalawang lugar na ito, napiling ipakita ni Rizal ang kabuuang sitwasyon ng Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Katulad ng nakasaad sa mga aklat, kathang
isip lamang ang lugar ng San Diego noong panahong isinulat ni Rizal ang nobela. Ngunit
kung susuriin ang pagkakahabi ng mga pangyayari sa nobela, maaaring ipagpalagay na
17
nasa tabi ng lawa ng Laguna ang lugar na ito dahil sa nangyaring pagtugis kay Ibarra ng
mga guwardiya sibil sa mga huling bahagi ng nobela binaybay nila ni Elias ang lawa ng
Laguna. Samantala, kilala na ang Binondo bilang isang lugar na bahagi ng Maynila noong
panahong iyon.

Matalinong pinili ni Rizal ang detalye ng mga tagpuan ng kabuuang nobela. Naging masinop
at higit na madamdamin ang mga pangayayari sa akda dahil sa mga tagpuang pinaglapatan
niya ng buong banghay ng akda. Nagamit niya ang mga ito upang higit na maramdaman ng
mga mambabasa ang lupit ng pang-aapi ng mga Kastila lalo na sa mga walang kalaban-
labang mga Pilipino. Samantala, sa isang maliit na bayang kathang-isip, nailahad niya ang
halos kabuuang larawan ng Pilipinas noong pananakop ng mga Kastila.

Sagutin Natin
1. Sa puntong heograpikal, ano ang pinagkaiba ng Lumang Maynila sa Maynilang
alam natin sa kasalukuyan?
2. Batay sa kaalamang ang San Diego ay malapit sa lawa, saan kayang lalawigan
sa Luzon ito maaaaring matagpuan?
3. Ang San Diego ay isang lalawigan, habang lungsod naman ang Maynila. Bakit
kinakailangang umikot ang naratibo sa pagitan ng lalawigan at lungsod?

Subukan Natin
1. Ano ang kaibahan ng Binondo noon at ngayon? Kung ang Binondo ay itinuring
na lugar ng kalakalan noon, ano kaya ang katumbas nito sa kasalukuyan?
2. Paano nakatulong ang mga espesyal na okasyon tulad ng Araw ng mga Patay
at Pasko para lalong gumanda ang naratibo ng nobela?
3. Ano ang hitsura ng San Diego? Paano nakaaapekto ang likas na yaman nito sa
pamumuhay ng mga tao?

18
Isaisip Natin
Sa iyong palagay, bakit pinili ni Dr. Rizal na gumamit ng gawa-gawang lugar tulad ng
San Diego, ngunit pinanatili niyang makatotohanan ang mga pangalan ng mga lugar
tulad ng Maynila?

Pag-isipan Natin

Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

1. Sa San Diego ipinanganak si Dr. Rizal.


2. May bahay si Kapitan Tiago sa Maynila man o sa San Diego.
3. Sa San Diego nakatira ang Kapitan Heneral.
4. Sa San Diego nakalibing si Don Rafael Ibarra.
5. Nasa loob ng kasalukuyang Maynila ang matandang Maynila.
6. Disyembre na namng malaman ni Ibarra ang nangyari sa
kaniyang ama.
7. Malapit sa lawa ang bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo.
8. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-San
Diego.
9. Si Padre Salvi ay nakatira sa San Diego.
10. Si Sisa ay taga-Maynila.

19
Aralin 3
Ang Banghay

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang naibabahagi ang
sariling damdamin sa tinalakay ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng
tauhan.

Pag-aralan Natin
Binubuo ang paglalahad ng isang nobela ng
kawing-kawing na mga pangyayari na
nagpapahayag ng mga kapana-panabik na sa
mga tagpo. May kumbensiyunal na balangkas
ang banghay ng nobelang Noli Me Tangere.
Nakaayos nang sunod-sunod ang mga
pangyayari nito na nagsimula sa isang piging na
inihanda ni Kapitan Tiago para kay Crisostomo
Ibarra at natapos sa pagpapakita ng
pagdiriwang ng Noche Buena ng mga piling
tauhan sa akda sa bayan ng San Diego.

Isang sosyo-pulitikal na nobela ang nobelang


Noli Me Tangere na tumatalakay sa buhay ng
mga tao at kalagayan ng lipunan ng Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Kung susuriing mabuti, binubuo ito ng
kombinasyon ng iba‟t ibang uri ng nobela.
Maaaring itong maging nobela ng tauhan
sapagkat ipinakikita nito ang hangarin ni
Crisostomo Ibarra para sa kaniyang mga 20
kababayan sa San Diego lalo na sa mga kabataan kaya pinaplano niyang ituloy ang hangad
na pagpapatayo ng paaralan ng kaniyang yumaong ama. Samantala, maaari rin itong
maging nobela ng kasaysayan dahil naipakita ng nobela ang mga pangyayari sa buhay ng
mga tao sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naroon din ang
elemento ng pagiging nobela ng romansa ng akda hindi lamang sa pag-iibigan nina
Crisostomo at ni Maria Clara, o ni Sisa sa kaniyang mga anak, ngunit higit sa pagmamahal
ni Elias at ni Ibarra sa Inang Bayan- ang Pilipinas. Huli, isa rin itong nobela ng pagbabago
kung saan minumulat nito ang mga mambabasa sa mga kalakaran, pagmamalabis, at
katotohanang nagaganap sa lipunan noong panahon ng mga Kastila.

Sang-ayon sa naging pagsusuri ni Bandril (2009) sumunod ang nobelang Noli Me Tangere
sa mga anda ng isang epiko kung saan, inilahad niya ang sumusunod na tumbasan ng mga
pangyayari:
 Una- Bumalik si Crosotomo Ibarra mula sa kaniyang pag-aaral sa Europa.
 Ikalawa- Isa sa dahilan ng kaniyang pagbalik ay ang pagpapakasal sa kaniyang
kasintahang si Maria Clara.
 Ikatlo- Nagbalik si Ibarra sa kaniyang kinalakihang bayan, ang San Diego kung saan
nakita niyang halos walang pagbabagong naganap dito.
 Ikaapat- Hindi gusto ni Padre Damaso na maikasal si Maria Clara kay Ibarra.
 Ikalima- Pilit na gumagawa ng paraan ang prayle upang mapaghiwalay ang
magkasintahan.
 Ikaaanim- Dumanas nang maraming hirap ang binata matapos gawing ekskomulgado
ng simbahan at nang mapawalang-bisa ito, nagkaroon naman ng pag-aaklas na
ibinintang sa kaniya na naging dahilan ng pagtugis sa kaniya ng mga guwardiya sibil.
 Ikapito- Iniligtasni Eliassi Ibarra kahit pa kapalit nito ang kaniyang sariling buhay
upang maisakatuparan ng nauna ang kaniyang mga pangarap para sa bayan.

Upang higit na magkaroon ng ideya sa mga pangyayari sa akda, narito ang buod ng
nobelang Noli Me Tangere:

Bumalik ang binatang nagngangalang Crisostomo Ibarra sa Pilipinas mula sa kaniyang pag-
aaral sa Europa pagkatapos ng pitong taon. Bilang pagsalubong sa kaniyang pagdating,
naghanda si Kapitan Tiago ng isang hapunan sa kaniyang bahay sa Binondo. Bagaman
pagkamangha at maganda ang bungad ng nakararami sa binata, iba naman ang naging
reaksiyon ni Padre Damaso sa kaniyang pagdating. Hinamak siya ng paring Pransiskano sa
piging na siya na lamang ipinagpaumanhin ng binata kasabay ng kaniyang pamamaalam sa
handaan. Ayon sa kaniya, may mahalagang bagay pa siyang kinakailangang daluhan.

Kinabukasan, nasa tahanan muli ni Kapitan Tiago si Ibarra upang makausap ang kaniyang
kasintahang si Maria Clara at sariwain ang kanilang pag-iibigang nagsimula pa noong
kanilang kamusmusan.
21
Pagkatapos nito, nakausap ng binata si Tinyente Guevarra na nagbahagi na ang maagang
kamatayan ng kaniyang ama ay bunga ng pakikipagkagalit nito kay Padre Damaso. Inilahad
ng tinyente na naparatangang ehere at pilibustero ang kaniyang ama dahil sa hindi
pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ito ng isang pangyayari kung saan
ipinagtanggol ni Don Rafael Ibarra ang batang nakagalit ng kubrador ng buwis na isang
Kastila. Lumaban ang kubrador ng buwis kaya ipinagtanggol ni Don Rafael ang kaniyang
sarili, ngunit sa kasamaang palad tumama ang ulo nito sa bato na naging dahilan ng
pagkamatay ng Kastila. Ibinintang ito sa ama ni Ibarra na sinamantala ng mga kaaway at
iba pang naiinggit sa kaniya na nagsipagsakdal din ng iba pang kaso. Nang malapit nang
malutas ang usapin, siya namang pagkakasalit ng kaniyang ama na naging dahilan ng
pagkamatay nito sa loob ng bilangguan.

Hindi pa nasiyahan si Padre Damasao sa sinapit ng ama ni Ibarra kaya pinahukay niya ang
bangkay nito upang ilibing sa libingan ng mga Intsik. Isinagawa ito habang kasagsagan ng
ulan at dahil sa may kabigatan ang bangkay ni Don Rafael Ibarra, itinapon na lamang ito ng
tagapaglibing sa lawa.

Nang malaman ito, nagpasya na lamang si Ibarra na huwag nang maghiganti sa halip,
itinuon niya ang kaniyang pansin sa pagpapatuloy ng panukala ng kaniyang ama na
magpatayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng pagbabasbas ng paglalagay ng unang bato sa
panulukan ng paaralan, may nagtangkang patayin ang binata sa pamamagitan ng paghulog
ng hinuhugos na bato sa kaniya, isang pakana ng mga lihim na kaaway niya. Mabuti na
lamang at naroon si Elias upang iligtas si Ibarra.

Pagkatapos ng pangyayari, nagkaroon ng pananghaliang handog si Ibarra para sa mga


nagsipagdalo. Doon muling hinamak ni Padre Damaso ang alaala ng kaniyang ama. Hindi na
nakapagpigil ang binata sa mga sinabi laban sa kaniyang ama at akmang sasaksakin ang
prayle kung hindi siya naawat ni Maria Clara.

Hinatulang ekskomulgado ng simbahan si Ibarra dahil sa ginawa niyang panlalapastangan


sa pari. Sinamantala ito ng Padre Damaso upang pigilan ang nakatakdang kasal ni Maria
Clara sa binata sa pamamagitan ng pag-uutos kay Kapitan Tiagong sirain ang nauna na
nilang kasunduan ng ama ng binata. Binabalak ng pari na ipakasal ang dalaga kay Linares,
isang Kastila na kararating pa lamang sa Pilipinas.

Samantala, napatawad na si Ibarra ng Arsobispo at maaari na muling tanggapin sa


simbahang Katoliko dahil na rin sa tulong ng Kapitan Heneral.

Pagkaraan nito, sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kuwartel sibil at itinuturo si Ibarra
bilang may pakana nito. Dahil sa pangyayaring ito, siya‟y hinuli at ibinilanggo. Ngunit
walang kinalaman ang binata sa pangyayaring ito.
22
Sa bahay naman ni Kapitan Tiago, nagaganap ang isang hapunan. Doon inihayag ang
kasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares. Habang nagaganap naman ang
hapunan, tumatakas na si Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago ituloy ang tangkang pagtakas, dumaan muna si Ibarra kay Maria Clara. Inilahad nito
na ginamit ang mga sulat na ipinadala niya sa dalaga upang idiin siya sa pangyayari.
Ipinaliwanag naman ni Maria Clara na kinuha ang sulat sa kaniya sa pamamagitan ng
pagbabanta at pananakot. Kapalit ng mga liham na ito ang dalawang liham na nasa pag-
iingat ni Padre Salvi na mula sa kaniyang ina na si Pia Alba at naghahayag ng kaniyang
tunay na pagkatao. Inilalahad sa mga liham na ito na ang kaniyang tunay na ama ay
walang iba kung hindi si Padre Damaso. Ipinangako ng dalaga sa binata na hindi
magmamaliw ang pag-ibig niya sa binata sa kabila ng mga nangyari.

Patuloy na tumakas si Ibarra sa tulong pa rin ni Elias. Sumakay sila ng bangka at tinabunan
ng damo ni Elias ang binata. Binagtas nila ang ilog Pasig hanggang makarating sa lawa ng
Bay. Doon sila naabutan ng mga tumutugis na guwardiya sibil. Upang mailigaw ang mga
guwardiya sibil, lumundag si Elias sa tubig at dahil sa pag-aakalang siya ang mayamang
binata, pinaputukan siya ng mga ito.

Bali-balita ang pagkamatay ni Ibarra na siyang naging dahilan upang tuluyan nang mawalan
ng pag-asa si Maria Clara. Sa pangyayaring ito, nakiusap siya kay Padre Damaso na ipasok
siya sa kumbento at kung hindi ay kikitlin niya ang kaniyang sariling buhay.

Hindi totoo ang balitang namatay si Ibarra. Nakaligtas siya sa tulong ni Elias. Ngunit
natamaan naman si Elias noong gabing tinutugis sila ng mga guwardiya sibil. Nakarating
siya sa gubat ng mga Ibarra sa kaniyang pagtakbo, ngunit totoong nanghihina na siya.
Kalaunan, sa lugar ding iyon, namatay si Elias.

Sa kabuuan, ipinakita ng nobelang Noli Me Tangere ang pagkilos ng pangunahing tauhang


si Ibarra at ng iba pang tauhan mula sa San Diego upang mailahad ang mga katiwalian at
pagmamalabis ng mga Kastila. Itinuring ni Rizal ang San Diego bilang Pilipinas kung saan
nakatira ang mga taong sumasagisag sa iba‟t ibang mukha ng pangmamalupit at
pananamantala sa mga Pilipino noong panahong iyon.

Sa pagbabasa ng akdang ito ni Rizal, higit nating mauunawaan ang bawat pangyayari sa
akda na nagpapakita at magpapadama ng higit pang paghihimagsik laban sa hindi
makatarungang pamamalakad ng mga Kastila. Matutunghayan din ang mga pangarap ng
may-akda para San Diego, ang Pilipinas sa nobelang ito.

23
Sagutin Natin
1. Ayon sa banghay, ano ang pinagdaanan ni Ibarra sa nobela?
2. Ano ang kinasapitan ng buhay pag-ibig ni Maria Clara?
3. Ano ang nangyari kay Elias?

Subukan Natin
1. Ano ang ibig sabihin ng ekskomulgasyon? Ano ang epekto nito sa buhay ng
isang tao sa panahon ni Dr. rizal?
2. Ano ang naging epekto ng kumbensyunal na balangkas sa daloy ng naratibo
ng nobela?
3. Batay sa banghay, ano-ano ang mga pangunahing tunggalian ng naratibo?

Isaisip Natin
Paano nakatulong ang mga elemento sa banghay ng Noli Me Tangere upang
mapatunayan ang mga paratang ni Dr. Rizal hinggil sa katiwalian ng simbahang
Katoliko sa kanyang panahon?

Pag-isipan Natin

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa banghay. Ilagay ang 1 sa unang nangyari,
hanggang 10 sa pinakahuli.

_____ 1. Naekskomulgado si Ibarra.


_____ 2. Kinailangang tumakas ni Ibarra.
24
_____ 3.
Umuwi si Ibarra mula sa Europa.
_____ 4.
Pinatawad ng Arsobispo si Ibarra.
_____ 5.
Naisip ni Ibarra na magpatayo ng paaralan.
_____ 6.
Muntikan nang saksakin ni Ibarra si Padre Damaso.
_____ 7.
Lumundag si Elias sa ilog kaya napanatiling buhay si Ibarra.
_____ 8.
Ipinaalam ni Ibarra kay Maria Clara ang kanyang pagtakas.
_____ 9.
Nalaman ni Ibarra ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kanyang
ama.
_____ 10. Nagpicnic sina Ibarra sa lawa at kinalaban nila ni Elias ang isang
buwaya.

Gawin Natin
Isagawa ang mga sumusunod na gawain:

Magpangkat-pangkat sa klase. Magsagawa ng isang photoshoot ng mga tauhan


1 sa nobela. Siguruhing angkop ang kasuotan at hitsura ng mga nasa larawan sa
kinakatawan nilang tauhan.
Gumawa ng mapa ng Maynila o San Diego. Ibatay ang gagawing larawan sa
2 mga deskripsyon sa nobela.

Gumawa ng isang awit na nagbubuod sa nobela. Ibatay ang tonos a mga


3 popular na kundiman o awiting bayan.

Rubrik sa Pagtataya
PHOTOSHOOT
Mga Salik 21-25 16-20 11-15 0-10 MARKA
KATANGIANG Lubhang Magaganda Magaganda Hindi kaaya-
BISWAL magaganda ang ang ilan sa aya sa mata
ang lahat karamihan sa mga ang mga
ng mga mga larawan. larawan.
larawan. larawan.
PAGKAKUMPLE- Mayroong May pito May apat May isa
25
TO sampu o hanggang hanggang hanggang
higit pang siyam na anim na tatlong
tauhan na tauhan na tauhan na tauhan na
nagawan nagawan ng nagawan ng nagawan ng
ng representas- representas- representas-
represent- yon. yon. yon.
tasyon.
TAUHAN AT May sapat May sapat na May sapat na Hindi sapat
PAGGANAP na baryasyon baryasyon ang
baryasyon ng mga ng mga baryasyon ng
ng mga tauhan at tauhan at tauhan at
tauhan at mahusay ang mahusay ang kailangan
mahusay pagkakaga- pagkakaga- pang
ang nap sa nap sa ilan paghusayin
pagkakaga- karamihan sa sa kanila. ang
nap sa kanila. pagganap sa
lahat sa kanila.
kanila.
MASINOP AT Lubhang Lubhang Maganda Hindi
NAPAPANA- maganda maganda ang kainaman ang
HONG PAGPASA ang ang pagkakayari yari ng album
pagkakayari pagkakayari ng ipinasang at huli pa ang
at ibinigay ng ipinasang album pagkakapasa.
sa tamang album bagama‟t
oras ang bagama‟t medyo huli.
ipinasang medyo huli.
album.

MAPA

Mga Salik 41-50 31-40 16-30 0-15 MARKA


KATANGIANG Lubhang Magaganda Magaganda Hindi kaaya-
BISWAL magaganda ang ang ilan sa aya sa mata
ang lahat karamihan sa mga detalye ang mga
ng detalye mga detalye sa mapa. detalye sa
sa mapa. sa mapa. mapa.

26
PAGKATUMPAK Lubos na 75% na 50% na 25% na
tumutugma tugma ang tugma ang tugma ang
ang gawang gawang gawang
gawang mapa sa mapa sa mapa sa
mapa sa deskripsyon deskripsyon deskripsyon
deskripsyon sa nobela. sa nobela. sa nobela.
sa nobela.

AWIT
Mga Salik 21-25 16-20 11-15 0-10 MARKA
KATANGIANG Lubos na May May May
MUSIKAL kaiga-igaya hanggang hanggang hanggang
ang lapat 25% na 50% na 75% na
ng liriko sa bahaging bahaging bahaging
napiling hindi tamasa hindi tama hindi tama
tono. tono. sa tono. sa tono.

PAGKAKUMPLE- Nailahad Nailahad ang Nailahad ang Nailahad ang


TO AT ang buong banghay na banghay na banghay na
PAGKATAMA banghay may isa may apat may pito
nang may hanggang hanggang hanggang
karampa- tatlong anim na sampung
tang kamalian sa kamalian sa kamalian sa
detalye. mga detalye. mga detalye. mga detalye.

GAMIT NG WIKA Ang gamit Ang gamit Ang gamit Ang gamit
ng wika ay ng wika ay ng wika ay ng wika ay
angkop sa angkop sa angkop sa angkop sa
isang isang isang isang
piyesang piyesang piyesang piyesang
nagtuturo nagtuturo ng nagtuturo ng nagtuturo ng
ng mga mga mga mga
konseptong konseptong konseptong konseptong
pampaniti- pampaniti- pampaniti- pampaniti-
kan. kan, na may kan, na may kan, na may
27
isa hanggang apat pito
tatlong hanggang hanggang
paglabag. anim na sampung
paglabag. paglabag.
DULOT NA ALIW Lubos na Nakaaaliw at Nakaaaliw at Nakaaaliw at
nakaaaliw madaling madaling madaling
ang awit at tandaan ang tandaan ang tandaan ang
madaling hanggang hanggang hanggang
tandaan. 75% ng 50% ng 25% ng
awit. awit. awit.

28
Paglalagom

Tauhan Tagpuan Banghay

Angkan ni Crisostomo Pagbabalik ni Crisostomo Ibarra mula sa


Ibarra Europa

Pagkikita nina Ibarra at Maria Clara


Angkan ni Maria Clara Maynila

Pagbabalik ng binata sa bayan ng San


Diego
Pamilya ni Sisa

Pagtutol ni Padre Damaso sa kasal ng


dalawa

Mga Prayle
Paggawa ng paraan ni Padre Damaso para hindi
matuloy ang kasal

Mga Mag-asawa San Diego Pagpaparatang kay Ibarrs ng pamumuno ng


rebolusyon laban sa pamahalaan

Iba Pang Tauhan Pagtugis kay Ibarra sa ilog

29
Dapat Tandaan

 Kumakatawan o sumisimbolo ang bawat tauhan sa Noli Me Tanngere sa


mga iba‟t ibang uri ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila.

 Maingat na pinili ni Rizal ang panahon at tagpuan ng nobelang Noli Me


Tangere upang lubusang maipakita ang mga kaganapan sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

 Taglay ng nobela ang banghay ng isang epiko na nagbibigay ng


impresyon na si Ibarra ay isang bayani ng bayan ng San Diego ngunit
kalauna‟y nabigo dahil sa kapangyarihan at impluwensiyang taglay ng
mga Kastila.

Pagyamanin Natin

Gusto mo bang makita ang Noli Me Tangere sa awdyobiswal na paraan? Panoorin ang “Noli
Me Tangere” ni Eddie Romero. Sa pelikulang ito, sinikap na maging kadikit ng nasa nobela
ang mga tauhan at lugar na pinangyarihan ng naratibo.

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: Mga Tuahan

Subukan Natin
1. Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso
2. Alperes, Sinang, Teniente Guevarra
3. Maaaring si Pilosopo Tasyo sapagkat kakaiba siyang mag-isip at matalino tulad ng ating
pambansang bayani.
30
Isa-isip Natin
Magbigay ng isa at ipaliwanag. Maaaring ang tauhang si Maria Clara ay kumbinasyon ng
magagandang katangian ng mga dalagang Pilipinang nakasalamuha ng ating pambansang
bayani.

Aralin 2: Mga Tagpuan

Subukan Natin
1. Ang Binondo noon ay sentro ng kalakalan, ngunit hindi na ngayon. Sa ngayon,
maituturing ang Makati na sentro ng kalakalan.
2. Nagdudulot ito ng mga simbolismo, tulad ng lubhang malungkot na Araw ng mga
Patay, at malungkot at kalunos-lunos ring Noche Buena.
3. Mayaman sa bukirin at malapit sa lawa ang San Diego. Mayroon itong mga kagubatan
at may ilog ring pumapagitna. Mas naging mahirap ang pamumuhay ng mga tao
sapagkat kinakamkam ang kanilang mga lupa.

Isa-isip Natin
Maaaring nais niyang makasimpatya ang mga tao sa mga tauhan sa naratibo at mas madali
itong gawin kung iisipin nilang lahat nab aka sa lugar talaga nila nangyari ito. Sa kabilang
banda, hindi kinakailangan ng proteksyon ng Maynila sapagkat lubha itong kilala bilang
tahanan ng mga mayayaman sa kanilang panahon.

Aralin 3: Ang Banghay

Subukan Natin
1. Ang taong ekskomulgado ay natitiwalag sa simbahan. Walang may gustong
makipagkaibigan sa mga ganitong tao dahil baka hindi sila mapunta sa langit.
2. Dahil nakaayon sa kalendaryo ang mga pangyayari, madaling nasusundan ang naratibo,
lalo na sa tulong ng mga espesyal na araw tulad ng Araw ng mga Patay at Pasko.
3. May tunggalian sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso, gayundin ang simbahan at
opisyales ng gobyerno. Inaabuso rin ng mga prayle ang kanilang kapangyarihan para
apihin ang mga mahihirap.

Isaisip Natin
Ipinakita kung paano sinira ng isang prayle ang buhay na maayos naman sana at marangal.
Dahil sa kasamaan ni Padre Damaso sa kanyang mga nasasakupan, naipakita ang mga
katiwaliang ginagawa ng mga katulad niya sa panahon ng pagkakasulat ng nobela.

31
Sanggunian
Celarent, Barbara. Noli Me Tangere by Jose Rizal. The University of Chicago Press: 2015.
Nakuha mula sa http://home.uchicago.edu/aabbott/barbpapers/barbrizal.pdf

Miranda, Lourdes L. at Tulaylay, Mercedes D. Obra Maestra III: Noli Me Tangere.Rex


Printing Company, Inc., 2002.

Ongoco, Tomas C. Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere. Quezon City: Manlapaz
Publishing Co, Inc. 2006.

Philippine Normal University. A Reviewer in Filipino for the Licensure Examination for
Teachers: Philippine Normal University Press. 2009.

32

You might also like