You are on page 1of 19

Aralin 4

Pagsusuri ng
Maikling Kuwento
natutukoy ang mga elemento ng
Layunin 1
maikling kuwento mula sa
akdang binasa

naiisa-isa ang mga pamantayan


2
sa pagsusuri ng maikling
kuwento
Pagganyak

Naipakikita ba ng isang ama (o ng


magulang) ang kniyang pagmamahal sa
pamamagitan ng pamamalo o pananakit
sa kaniyang anak? Ipaliwanag.
Mahahalagang Tanong

1. Ano ang binibigyang-pansin sa pagsusuri?


2. Ano-ano ang dapat malaman kaugnay sa maikling
kuwento bago ito angkop na masuri?
3. Bakit isinasagawa ang pagsusuri ng mga akda?
Pagtalakay

Gawain 1: E-koment-mO

1. Ano ang unang napansin mo kaugnay ng iyong akdang


pinili?
2. Ano ang pinakamabuting bagay ang nakita o nabasa
mo sa akda?
3. Ano ang pinakanararapat na paunlarin ng akda?
Ipaliwanag.
Pagtalakay

Gawain 2: Tseklist

1. Ano ang pinakamahalagang pamantayan na


kailangang bigyang pansin sa akda? -
2. Alin sa mga pamantayang inyong itinala ang maaari
ng tanggalin sa listahan? Pangatwiranan.
3. Para sa inyo, paano maituturing na mahusay ang
maikling kuwento?
Pagtalakay

Mga Uri ng Pagsusuri

Literal Malalim

● iisang sagot ● higit sa isa ang


● tiyak na nakalahad sa maaaring maging sagot
akda ● batay sa interpretasyon
ng mambabasa sa akda
Pagtalakay

Mga Bahagi ng Akda na Kinakailangang Suriin

● Tauhan: Pangunahing tauhan; Iba pang tauhan


● Tagpuan: lugar at panahon
● Tunggalian
● Suliranin
● Mga Pangyayari (Banghay)
● Punto de Bista
● Estilo ng Pagsasalaysay
Pagtalakay

Mga Pangyayaring Bumubuo sa Banghay

● Simula
● Saglit na Kasiglahan
● Suliranin
● Kasukdulan
● Kakalasan
● Wakas
Pagtalakay

Pagsusuri sa Maikling Kuwentong


“AMA”
● Tauhan:
Pangunahing tauhan: ama
Iba pang tauhan: Mui Mui, ina, mga kapatid (apat); may-ari
ng lagarian; mga kapitbahay

● Tagpuan: sa tahanan ng mag-anak; libingan sa gilid ng


gulod
Pagtalakay

● Tunggalian: tao laban sa sarili

● Suliranin: pananakit ng ama sa kaniyang mag-anak

● Punto de Bista: mala-Diyos

● Estilo ng Pagsasalaysay: Paglalahad (Kronolohikal)


Pagtalakay

Mga Pangyayaring Bumubuo sa Banghay


● Simula: Ipinakilala ang mag-anak at ang ama.

● Saglit na Kasiglahan: Mayroong isang batang may


pangalang Mui Mui na labis na kinakaasaran ng ama ahil
sa kanyang paghalinghing.

● Suliranin: Sinasaktan ng ama ang kanyang pamilya.


Pagtalakay

● Kasukdulan: Sinuntok ng ama si Mui Mui at tumalsik ito


sa kabilang kuwarto. Nwalan ito ng malay.

● Kakalasan: Pagkalipas ng ilang araw, namatay si Mui


Mui.

● Wakas: Labis na nagsisi ang ama sa pagkamatay ng


kanyang anak.
Mahahalagang Tanong
Paglalapat

● Paano isinasagawa ng pagsusuri ng isang akda?


● Bakit isinasagawa ang pagsusuri?
● Ano ang kinakailangang gawin bago magsuri ng isang
akda?
Paano maiuugnay ang pagsusuri sa akda sa
pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa?
Inaasahang Pagpapahalaga

Nakatuon ang pagsusuri sa akda batay sa uri ng pagsusuring nais


isagawa. Kung ito ay isang literal na pagsusuri mahalagang maging
1 tapat ito sa akda samantalang kung malalim na pagsusuri naman,
kinakailangan itong nakatuon hindi lamang sa akda ngunit pati na
rin sa epekto nito sa mga mambabasa.

Dapat malaman o matukoy ang mga tiyak na elemento kaugnay sa


2 maikling kuwentong binasa bago ito masuri.

Isinasagawa ang pagsusuri ng mga akda upang maisa-isa ang


3 detalye at lubos na maunawaan ang isang akda.
Paglalagom

● Mahalagang masuri ang isang akda upang mataya ang


pagkaunawa rito.
● Kinakailangang matukoy muna ang mga elemento ng
maikling kuwento bago masuri ang kabuuang akda.
● May dalawang paraan ng pagsusuri, ang literal at malalim
na pagsusuri. Nagkakaiba ang mga ito sa paraan ng
pagsusuri sa akda kung saan ang literal na pagsusuri ay
nakabatay lamang sa mga detalye na mababasa sa akda,
samantalang ang malalim na pagsusuri naman ay
nakabatay sa akda at sa impresyon nito sa mambabasa.
Kasunduan

Magsaliksik ng isang pagsusuri ng maikling kuwentong


Pilipino sa Internet at iba pang sanggunian. Bigyan ng
tatlo o higit pang puna ang ginawang pagsusuri at
ipaliwanag ang bawat isa sa mga ito.

You might also like