You are on page 1of 19

1.

Ano ang iyong


naobserbahan sa
ibinigay na aktibidad?
Ano sa tingin nyo ang
kahalagahan ng
pagsunod sa hakbang
o mga gabay?
Mga gabay sa pagbasa
at pagsusuri ng mga
teksto sa iba’t ibang
disiplina.
Unang Hakbang: Suriin ang teksto
sa kabuuan nito.
Ibig sabihin, paraanan ng tingin ang kabuuan
ng akda bago tuluyang basahin. Subuking
tukuyin ang layunin, nilalaman, maging ang
target na mga palatandaan sa mga pamagat, sa
mga subtitles, pagkilala o pasasalamat (kung
meron man) at iba pang bahagi ng teksto.
Narito ang mga gabay na katanungan
upang matukoy ang kabuuan ng teksto.
1. Sino ang mga sumulat ng teksto?
2. Sino ang mga target na mambabasa ang nais
kausapin ng teksto?
3. Tungkol saan ang artikulo?
4. Anu-anong mga babasahin ang ginamit na
sanggunian?
Ikalawang Hakbang: Tukuyin ang
Pangkalahatang Layunin at
Estruktura ng Teksto.
Ngayong nasuri mo na ang artikulo sa
kabuuan nito, simulan mo na ang pagbabasa.
Kailangang mong tukuyin ang layunin ng may-
akda at tesis na pahayag. Tingnan rin ang
konklusyon sapagkat naglalaman ito ng
kabuuan ng akda.
Narito ang mga gabay na katanungan
upang maisagawa ang layunin,
estruktura, at tunguhin ng teksto.
1. Ano ang pangunahing kaisipan nan ais ilahad
ng may-akda?
2. Anu-ano ang mga katibayang ginamit ng may-
akda?
3. Anu-ano ang mga limitasyong inilatag ng
may-akda tungkol sa teksto?
4. Ano ang pananaw ng may-akda?
Ikatlong Hakbang: Basahing muli ang
artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay
pagtuunan ng pansin ang paraan ng
pagbasa at presentasyon.
Habang ikaw ay nagbabasa, huwag lamang
tumutok sa kung ano ang sinasabi ng may-akda,
kundi sa kung paano ito sinabi ng may-akda. Sa
pamamagitan ng mga katibayang inilatag ng
may-akda. Mahalaga ring malaman ang
kahulugan ng mga salita o konseptong hindi ka
pamilyar.
Ikaapat na Hakbang: Kritisismo at
Ebalwasyon ng Teksto
Ngayong natapos mo na ang pagbabasa, ano ang
un among reaksyon dito? Naunawaan mo bai to?
Nagustuhan mo ba ang akda? Nasiyahan ka basa
pagkakalahad ng konsepto? Matapos mon tayahin ang
iyong personal na reaksyon, maghulo ng mas malalim
na impresyon. Ibig sabihin kailangan mo nang
magpokus sa sinasabi ng may-akda, pagsasaalang-
alang sa mambabasa ng akda, at bahagyang
pagmumuni-muni sa nilalaman ng teksto.
Ang ebalwasyon ng isang teksto ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang sa estilo at
kumbensyonal na estruktura ng
kaparehong artikulo. Nakasunod bas a
tamang padron ang akdang binasa?
Narito ang ilang gabay na katanungan
sa pagsasagawa ng ebalwasyon at
pagbibigay ng kiritiko ng isang teksto:
1. Buo ba ang artikulo?
2. May katuturan at kabuluhan bai to?
3. Ano ang pangunahing kahulugan at katuturan
ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito?

4. Malinaw ba ang organisasyon?


Subukin na suriin ang sumusunod
na sanaysay; (Galit ako sa kanser
ni Dr. Luis P. Gatmaitan)
SURIIN ANG TEKSTO SA KABUUAN NITO.
1. Sino ang sumulat ng teksto?
2. Tungkol saan ang artikulo?
TUKUYIN ANG PANGKALAHATANG
LAYUNIN O ESTRUKTURA NG TEKSTO.
1. Ano ang pangunahing kaisipan na
nais ilahad ng may-akda?
2. Ano ang pananaw ng may akda?
KRITISISMO AT EBALWAYON NG TEKSTO

1. May katuturan at kabuluhan ba ito?

2. Malinaw ba ang organisasyon?


PANUTO: Basahin at unawaing Mabuti ang
mga katanungan. Piliin ang titik na
katumbas ng tamang sagot at isulat sa
papel.
1. Anong hakbang na pinaparaanan ng
tingin ang kabuuan ng akda bago tuluyang
binabasa?
a. una c. ikalawa
b. ikatlo d. ikaapat
2. Alin sa mga katanungan na nasa ibaba ang akma
sa unang hakbang sa gabay ng pagbasa?
a. Ano ang pananaw ng may-akda?
b. Sino ang sumulat ng teksto?
c. Ano ang katibayang ginamit ng may-akda?
d. Makabuluhan ba ang artikulo?

3. Anong bahagi ng artikulo ang naglalaman ng


kabuuan ng akda?
a. panimula c. kongklusyon
b. katawan d. pagganyak
4. Anong hakbang ang nagsasaad na masukat
ang katotohanan ng pahayag?
a. una c. ikalawa
b. ikatlo d. ikaapat

5. Anong hakbang ang nagsasaad na


mahalagang malaman ang kahulugan ng mga
salita o konseptong hindi pamilyar?
a. una c. ikalawa
b. ikatlo d. ikaapat
TAKDANG-ARALIN

Magsaliksik tungkol sa pagkakaiba


at pagkakatulad ng mga register.
Itala ang nakalap na kahulugan sa
kwaderno o maaring itala sa iyong
cellphone.

You might also like