You are on page 1of 19

Mga Gabay Sa

Pagbasa at Pagsusuri
ng mga Teksto sa
Iba’t Ibang Displina
UNANG

Una
HAKBANG

ng
Pagsusuri sa Kabuuan ng
Teksto
Tingnan ang kabuuan ng akda bago
tuluyang basahin. Subuking tukuyin ang
layunin , nilalaman maging ang target na
mambabasa ng teksto bago ito simulang
basahin nang buo. Hanapin ang mga
palatandaan sa mga pamagat, subtitle at
iba pang bahagi ng teksto.
Narito ang mga gabay na katanungan
upang matukoy ang kabuuan ng teksto:
1. Sino ang sumulat ng teksto?
2. Sinong mga target na mambabasa
ang nais kausapin ng teksto?

3. Tungkol saan ang artikulo?


4. Ano-anong mga babasahin ang
ginamit na sanggunian?
IKALAWANG
Pangalawang
HAKBANG
Hakbang
Pagtukoy sa pangkalahatang Layunin
at Istruktura ng Teksto

Pagkatapos masuri ang artikulo at ang


kabuuan nito, simulan ang pagbabasa.

Tukuyin ang layunin ng may-akda kung


ano ang ipinahahayag.
Tingnan din ang kongklusyon sapagkat
naglalaman ito ng kabuuan ng akda.
Narito ang mga gabay na katanungan upang
maisagawa ang layunin, istruktura at
tunguhin ng teksto:
1. Ano ang pangunahing kaisipan na
nailahad ng may-akda?
2. Ano-ano ang mga katibayang ginamit
ng may-akda?
3. Ano-ano ang mga limitasyong inilatag
ng may-akda tungkol sa teksto?
4. Ano ang pananaw ng may-akda?
Ikatlong
IKATLONG
Hakbang
HAKBANG
Basahing muli ang artikulo, ngunit
sa pagkakataong ito ay pagtuunan
ng pansin ang paraan ng pagsulat
at presentasyon.

Habang ikaw ay nagbabasa, huwag


lamang tumutok sa kung ano ang
sinasabi ng may-akda, kundi sa kung
paano ito sinabi ng may-akda.
Sa hakbang na ito masusukat ang
katatagan at katotohanan ng pahayag sa
pamamagitan ng mga katibayang
inilatag ng may-akda.

Mahalaga ring malaman ang kahulugan


ng mga salita o konseptong hindi
pamilyar.
IKAAPAT NA
Ikaapat
HAKBANG na
Hakbang
Pagsusuri at Pagtataya
ng Teksto

Ito ay maaaring isagawa sa


pamamagitan ng pagtingin sa istilo at
kumbensyonal na istruktura ng
katulad na artikulo.
Narito ang mga gabay na katanungan sa
pagsasagawa ng ebalwasyon at pagbibigay
ng kritiko ng isang teksto.
1. Buo ba ang artikulo?
2. May katuturan at kabuluhan ba ito?
3. Ano ang pangunahing kahulugan at
katuturan ng akda sa disiplinang
kinabibilangan nito?
4. Malinaw ba ang organisasyon?
Tatlong Paraan ng
Panghihiram sa
Ingles
(Hango sa Aklat ni Alfonso Santiago,
2003)
1. Kunin ang katumbas na salita sa
Wikang Kastila at baybayin sa Filipino.

Halimbawa:
INGLES KASTILA FILIPINO
Electricity Electricidad Elektrisidad

Liquid Liquido Likido

Cheese Queso Keso


2. Pagbabaybay ayon sa
Palabaybayang Filipino.
• Ang paraang ito ay karaniwang ginagamit (a)
kung hindi maaari ang unang paraan.

• (b) kung walang katutubong salita na


magagamit bilang salita sa katawagang Ingles.
Halimbawa:
INGLES FILIPINO
christmas krismas

tricycle traysikel

teacher titser

taxi taksi
3. Kung hindi maaaring mabigyan ng
katumbas sa Filipino hiramin nang
buo ang salita
Halimbawa:
•medical terms
•softdrinks, cake, pizza, hamburger
•toothpaste, shampoo, contact lens, cellphone,
keypad, laptop

You might also like