You are on page 1of 5

Republic of the Philippinespr

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Esperanza, Sultan Kudarat

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN


Baitang 7 – Pangalawang Markahan

I. LAYUNIN
a. naipaliliwanag ang kahulugan ng alamat at ang mga elemento nito
b. nakapagbibigay ng saloobin patungkol sa Alamat ng Kawayan
c. naisasagawa ang Alamat ng Kawayan sa paraang pagsasadula

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Alamat (Alamat ng Kawayan)
B. Sanggunian: Filipino 7 Modyul 2: Aralin 3
C. Kagamitang Pampagtuturo: Manila paper, Marker, Cartolina, Laptop, at
Tv

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase
4. Pagbibigay ng mga pamantayan sa klase
5. Pagpasa ng Takdang Aralin
B. Pagbabalik-aral
Magtatanong ang guro tungkol sa nakaraang paksa na tinalakay.

C. Pagganyak
Pamagat ng Estratehiya: Kilalanin!
Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
KAWAYAN ROSAS VISAYAS

D. Pagtalakay ng Aralin
Aktibiti
Pamagat ng Estratehiya: DECODING [5 minutes]
Pagtumbas ng letra sa bawat numero upang malaman ang isang
salita.
Panuto: Alamin ang mga kasagutan sa pamamagitan ng pagpupuno
ng mga katumbas na letra sa bawat numero.
9–8=1A 8 + 8 = 16 P 4 + 7 = 11 K
6 + 6 = 12 L 1x1=1A 7 X 3 = 21 U
1x1=1A 6 + 8 = 14 N 20 – 8 = 12 L
20 – 7 = 13 M 5+4=9I 10 + 10 = 20 T
3–2=1A 10 x 2 = 20 T 10 + 11 = 21 U
10 + 10 = 20 T 3x3=9I 9 x 2 = 18 R
5 + 6 = 11 K 4–3=1A
4–3=1A
7 + 7 = 14 N
Bawat grupo ay hahanapin ang katumbas na letra ng numero.

Analisis
Gabay na tanong:
1. May ideya ba kayo kung ano ang koneksyon ng Alamat sa Panitikan at
Kultura?
2. Ano sa palagay niyo ang kahalagahan ng alamat sa ating kultura?

Abstraksyon
 Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng Alamat at mga elemento nito.
 Magpapanood ng Alamat ng Kawayan
E. Paglalapat (Application)
Pangkatang Gawain:
Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat, ang bawat grupo
ay isasadula ang eksena sa Alamat ng Kawayan sa harap ng klase. Bibigyan
ng guro ng tatlong minuto ang bawat pangkat upang ihanda ang kanilang
presentasyon at bibigyan ng karagdagang limang minuto para sa
presentasyon sa klase.

PAMANTAYAN ISKOR PUNTOS


Presentasyon 25
Pagkakaganap ng mga tauhan 15
Kooperasyon 10
Kabuuan 50

F. Pagpapahalaga
a. Anong aral ang mapupulot niyo sa Alamat na inyong napanuod?
b. Kung ikaw ang kaklase ni Aryan, gagawin mo rin ba ang ginawa nila kay
Aryan?

G. Paglalahat
a. Ano ang alamat?
b. Ano-ano ang mga elemento nito?
c. Tungkol saan ang Alamat na inyong napanuod?
d. Bakit kaya tinawag itong Alamat ng Kawayan?
e. Sino ang may akda ng Alamat ng Kawayan?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong, isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Siya ang anak ng mag-asawang Mang Andoy at Aling Lilian na may


mabuting kalooban.
a) Andy c) Aryan
b) Annie d) Lily
2. Ang anak ng mag-asawang Mang Andoy at Aling Lilian ay patpatin. Ang
ibigsabihin ng salitang nasalungguhitan ay?
a) Mabait c) Panget
b) Mabalahibo d) Payat
3. Lugar kung saan naninirahan ang mag-asawang Mang Andoy at Aling
Lilian.
a) Aklan c) Calamba
b) Cala-an d) Tarlac
4. Ito ay isang katangian ni Aryan na hindi makakalimutan at nakikita ng
mag-asawang Andoy at Lilian sa punong tumubo sa kanila bakuran.
a) Kagandahan c) Nakayuko
b) Kabutihan d) Patpatin
5. Halamang tumubo sa bakuran nina Mang Andoy at Aling Lilian.
a) Aprikan c) Kawayan
b) Bulaklak d) Narra
6. Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon kung saan naganap ang alamat.
a) Alamat c) Tagpuan
b) Banghay d) Tauhan
7. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang alamat.
a) Banghay c) Simula
b) Katawan d) Wakas
8. Bahagi ng banghay na inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat.
a) Banghay c) Simula
b) Katawan d) Wakas
9. Ito ang mga gumaganap sa isang alamat.
a) Alamat c) Tagpuan
b) Aryan d) Tauhan
10. Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang latin na?
a) Legend c) Legendus
b) Legendary d) Legent
V. Kasunduan:
1. Kung magiging isang bagay ka, ano ito at bakit?

Inihanda ni: Sinang ayunan ni:


Johaina L. Ali Charlene Jane L. Aceres
Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

You might also like