You are on page 1of 18

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG

PAGGANAP NG PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO

RASYONALE

Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating buhay. Ito ang susi para sa

magandang kinabukasan maging bata man o matanda. Ngunit dahil sa kakapusan,nawalan ng

pagkakataon ang ilan na makapag - aral piniling magtrabaho nalang upang ang mga pangunahing

pangangailangan matugunan. Ang edukasyon ang nagbibigay ng kaalaman at ito rin ay isa sa

ating karapatan sa buhay ngunit maraming kabataan ang nakapagkaitan nito dahil sa kahirapan.

Sa kabila ng kahirapan sa buhay maraming pursigidong mag-aral na gustong makapagtapos at

makamit ang kanilang mga pangarap.

Ang pagkakaroon ng part-time job ay isang kadalasang pagpipilian para sa mga estudyante,

fresh graduates, at iba pang indibidwal na nais magkaroon ng dagdag na kita o karanasan sa

trabaho. Sa kasalukuyang panahon, ang part-time job ay nagiging popular at kinakailangang

marami upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa panahon ngayon, maraming mga

kabataan ang nagpasya na magtrabaho habang nag-aaral upang matugunan ang kanilang

pangangailangan at magkaroon ng dagdag na karanasan sa mundo ng trabaho (Fjortoff, 2006).

Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay mayroong benepisyo para sa mga mag-aaral

sapagkat nahuhubog ang mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa paggawa,pagkakaroon ng

time management skills, pagsisikap at pagpupursigi ngunit sa kabilang dako isa rin itong

malaking hamon para sa kanila dahil maari silang magkaroon ng mababang marka dulot sa

kawalan o kakulangan ng oras sa pag-aaral. (Ward, 2008)

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 1
Sa pamamagitan ng talatanungan o sarbey bilang metodolohiya, ang pananaliksik na ito

ay naglalayong masuri at matugunan ang mga epekto ng pagkakaroon ng part-time job sa

akademikong pagganap sa piling estudyante sa Kolehiyo.

Ang suliranin ay binubuo sa katanungan na kung ang dami o bigat ng trabaho ng mga

manggagawang mag-aaral ay nakakaapekto sa kanilang akademikong pangarap. Ang

pagtatrabaho ng part-time job habang nag-aaral ay kinakailangan na magkakaroon ng kasanayan

sa pamamahala ng kanilang oras nang sa ganon ay makayanan nilang magampanan ng sabay ang

pag-aaral at pagtatrabaho. (Dela Cruz nd)

Ang mga nasabing mag-aaral ay mga piling estudyante sa paaralan ng Negros Oriental

State University na nag-aaral habang may part-time job. Ang mga piling mag-aaral na ito ay

mula sa ibat-ibang programa bawat antas ng taon. Ito ay mula sa Bachelor sa Sekondaryang

Edukasyon ( BSED), Bachelor ng Elementarya ( BEED) , BS Criminology, BS Hospitality

Management, BS Business Administration, BS Agriculture, BS Information Technology, BS

Computer Science, at BS Automotive.

Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay napakabigat na pasanin para sa mga estudyante.

Ang atensyon ng mga mag-aaral na nagtatrabaho ay nahahati. Maaari silang bumigay sa bigat ng

kanilang dinadala, maari nilang bitawan ang kanilang pag-aaral o ang kanilang pagtatrabaho.

Malaki din ang masamang epekto nito sa kanilang pag-iisip, dahil bukod sa mga gawaing

pampaaralan ang laman ng kanilang utak, nadadagdagan ito ng mga problema sa trabaho at

pagbabadyet. Maging sa pisikal mayroon din itong masamang naidudulot sapagkat kadalasan

ang mga “working student” ay nakakaranas ng paghapo,pagkabalisa at sila ay madalas na

nalulupaypay.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 2
Ang pananaliksik na ito ay napili ng mga mananaliksik upang malaman kung ano nga ba

ang epekto ng pagtatrabaho habang sila ay nag –aaral, kung ito ba ay nakakabuti o hindi

pagdating sa kanilang akademiko.

PAHAYAG NG PROBLEMA

Ang pag-aaral na ito ay naglalayung matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondante sa pamamagitan ng:

a. pangalan;

b. kurso/baiting;

c. kasarian;

d. edad at;

e. oras ng pagtatrabaho?

2. Ano ang epketo ng parttime job sa pag-aaral?

3. Ano ang akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral?

4. May kaugnayan ba ang pinakahamon ng pagpapart-time job sa akademikong pagganap?

IPOTESIS

Walang kaugnayan ang pinakahamon ng pagpapart-time job sa akademikong pagganap ng

mga piling repondante.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 3
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pagkakaroon ng matibay at maunlad na edukasyon ay isa sa mga pundasyon ng

pagbabago ng lipunan tungo sa kaunlaran ng ekonomiya.

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng

Part-time job ng mga estudyante sa kolehiyo sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay umaasa ang

mga mananaliksik na may magandang maidudulot ito sa mga sumusunod:

Mag-aaral – Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita o maipabatid sa mga mag-aaral na

kahit salat sa buhay ay mahalaga pa rin ang edukasyon. Nakakaharap man ng kahirapan ay

mayroon parin na posibleng solusyon upang makapag-aral at makamit ang mga pangarap.

Mga magulang – Ito ay naglalayong maipabatid ang mga responsibilidad ng mga magulang sa

kanilang anak,at mga suliranin na kinakaharap ng kanilang mga anak sa pagkakaroon ng

part-time job.

Pamahalaan – Nais ipabatid sa pamahalaan na mas bigyan ng kahalagahan o pansin ang mga

estudyante na may part-time job lalong lalo na sa mga tulong pinansyal na pamahalaan.

Mga Guro – Nais ipabatid ng pag-aaral na ito sa mga guro na mabigyan ng konsiderasyon ang

mga estudyante na may part-time job.

Sa pinagtrabahuan – Naglalayon ito na maipabatid ang mga suliranin o hirap na kanilang

hinaharap sa kanilang pag-aaral habang nagtatrabaho.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mga epekto ng pagkakaroon ng

part-time job sa akademikong pagganap ng piling estudyante sa NORSU-Mabinay. Ang mga

respondante ay ang mga piling mag-aaral sa kolehiyo ng Negros Oriental State University-

Mabinay Campus na galing sa kursong Batsilyer ng Sekondarya, Batsilyer sa Elementarya,BS

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 4
Criminology, BS Hospitality Management, BS Business Administration, BS Agriculture, BS

Information Technology, BS Computer Science at BS Automotive, kung saan ito ay may

limampu (50) na piling mag-aaral ng mananaliksik.

Ang gagawing pag-aaral ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasagot ng

talatanungan na inihanda ng mananaliksik. Binibigyang pansin lamang ng pag-aaral na ito ang

mga epekto ng pagkakaroon ng part-time job sa akademikong pagganap ng mga piling

estudyante sa Negros Oriental State University- Mabinay Campus.

KAHULUGAN NG KATAWAGAN

Part-time job – ay isang uri ng hanapbuhay o trabaho na hindi nangangailangan ng buong araw.

Tanging bilang ng oras lamang ang kinakailangan at malayang magpasya na tapusin agad ang

natakdang oras.

Benepisyo – Ang salitang benepisyo ay tumutukoy sa mga mabubuting epekto na maaaring

makuha o matanggap mula sa isang bagay at gawain. Ang benepisyo ay isang uri ng bagay na

natatanggap mo base sa naging kontribusyon,trabaho o katayuan mo sa iyong buhay at lipunan.

Maaring ang bagay na ito ay binibigay na libre upang makatulong sa iyong buhay/hanap buhay.

Edukasyon – ay prosesong ng pagpapadali ng pagkatuto,o pagtatamo ng

kaalaman,kasanayan,prinsipyo,moralidad,paniniwala at paggawi. Kabilang sa mga

pamamaraang pang – edukasyon pagtuturo, pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay at

nakadirektang pananaliksik. Madalas nagaganap ang edukasyon sa patnubay ng mga edukador,

subalit maaaring turuan ang mga mag-aaral ang kanilang sarili. Maaaring maganap ang

edukasyon sa mga pormal o inpormal na tagpo at anumang karanasan na nakakapaghubog sa

pag-iisip, pakiramdam, o pagkilos ng isang tao ay maituturing bilang edukatibo

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 5
TEORITIKAL / KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

INPUT
PROSESO
1. Ano ang propayl ng mga
Gumawa ang mga mananaliksik
respondante
ng sarbey kwestyoneyr upang OUTPUT
(I.I) edad; pasagutan sa mga piling
Epekto ng pagkakaroon ng
mag-aaral sa Negros Oriental
(I.2) Kasarian Part-time job sa akademikong
State University- Mabinay
pagganap sa piling mag-aaral sa
(I.3) Oras ng pagtatrabaho Campus mula sa Batselor ng
Negros Oriental State University-
Sekondarya, Batselor ng
Mabinay Campus.
2. Ano ang epketo ng parttime Elementarya, BS Criminology,
job sa pag-aaral? BS in Business Administratiion,
BS Computer Technology, BS
3. Ano ang akademikong
Computer Science, BS
pagganap ng mga piling Automotive, BS
mag-aaral? Agriculture,atBS Hospitality
Management para mas maging
4. May ii kaugnayan ba ang
kapani-paniwala at mas mapadali
pinakahamon sa ang isinagawang pananaliksik.
pagpapart-time job sa
akademikong pagganap?

Ipakita sa larawang ito kung paano gagawin ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito. Nasa

talaan ng input ang mga pangunahing tanong na makatutulong sa mga mananaliksik na

pag-aaral. Sa pamamagitan ng sarbey kwestyuner na ginagawa ng mga mananaliksik,kanila

itong ipapamahagi sa mga piling respondante. Sa huling talaan, dito na makikita ang resulta ng

ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 6
PAGSUSURI SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pagkakaroon ng part-time job ay isang mahalagang aspekto ng buhay ng mga

estudyante sa kolehiyo. Ito ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng

karagdagang kita, makaranas ng tunay na trabaho,at matuto ng mga praktikal na kasanayan.

DAYUHANG PAG-AARAL

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Robst ( 2007 ) sa Estados Unidos, napag-alaman na

ang pagtatrabaho ng part-time sa kolehiyo ay may positibong epekto sa mga kita sa hinaharap.

Iminungkahi ng pag-aaral na ang mga mag-aaral na nagtatrabaho ng part-time ay bumubuo ng

mahalagang kasanayan at nakakuha ng karanasan sa trabaho na isinalin sa mas mataas na sahod

pagkatapos ng graduwasyon.

Ayon naman sa pag-aaral ni Mortimer et al ( 2016 ), sinuri niya ang kaugnay sa pagitan ng

part-time na trabaho at sikolohikal na kagalingan sa mga mag-aaral sa kolehiyo sa Estados

Unidos. Nalalaman nila na ang pagtatrabaho ng part-time ay may positibong epekto sa

pagpapahalaga sa sarili at nabawasan ang mga sintomas na depresyon sa mga mag-aaral.

Sa isang pag-aaral naman na isinagawa ni Kim et al. ( 2019 ) sa South korea,

napag-alaman na ang part-time na trabaho ay may positibong epekto sa pag-unlad ng karera at

mga kasanayan sa pagkakaroon ng trabaho sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Napansin nila na ang

mga mag-aaral na nagtrabaho ng part time ay nakabuo ng mas mahusay na mga kasanayan sa

komunikasyon, mga kakayahan sa paglutas ng problema,at mga kasanayan sa pamamahala ng

oras.

Sa isang pag-aaral ni Des Jardins et al. (2002) sa Estados Unidos ay walang nakitang

makabuluhang negatibong epekto ng part-time na trabaho sa akademikong pagganap.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 7
Napagpasyahan nila ang epekto ng part-time na trabaho sa GPA ay naiiba depende sa mga

kadahilanan tulad ng bilang ng mga oras na nagtrabaho,kalikasan ng trabaho,at mga indibidwal

na katangian.

Subalit ayon naman sa isang pag-aaral na isinagawa nina Allen at Van der Veldan (2001) sa

Netherlands ay natagpuan na ang pagtatrabaho ng part-time sa kolehiyo ay may negatibong

epekto sa akademikong pagganap. Naobserbahan nila na ang mga mag-aaral na nagtatrabaho ng

higit sa 20 oras bawat linggo ay may mas mababang GPA kumpara sa mga nagtatrabaho ng mas

kaunting oras o hindi nagpapart-time job.

Sinabi ni Nacum (2018) na maraming estudyante na may trabaho ang nahihirapang

balansehin ang kanilang trabaho at oras sa pag-aaral. Sa dahilan nito ay kailangan nila ng pera,

kaya sila ay kumukuha ng mga part-time na trabaho. Ngunit dahil sa mga trabahong ito,

nababawasan ang oras nila sa pag-aaral.

LOKAL NA PAG AARAL

Ayon kay Sarillo (ND) sa Pilipinas, maraming estudyante ang pinipiling magtrabaho

habang sila ay nasa paaralan dahil sa gusto nilang matutu at makakuha ng praktikal na karanasan.

Ang mga batang may trabaho ay makakakuha ng maraming magagandang bagay mula rito.

Maaari silang magkaroon ng kanilang sariling pera upang bayaran ang mga bagay na kailangan

nila sa araw-araw. Maaari rin nilang matutunan kung paano mag-ingat sa kanilang sariling pera

at gumawa ng matalinong pagpili tungkol sa kung ano ang biblhin. (De Castro,2006).

Dagdag pa ni Queena III, 2017 kapag may trabaho ang isang mag-aaral, maaari silang

kumita ng pera para pambayad sa pag-aaral. Nangangahulugan ito na dapat silang tumuon sa

mga bagay na makatutulong sa kanila na maging mahusay sa paaralan.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 8
Gayunpaman, ang pagkakaroon ng trabaho ay maaari ding mapapagod sa kanila at

makaapekto sa kanilang iniisip at nararamdaman. Sa isang pag-aaral na ginawa ng National

Statistics Office, natuklasan nila na kapag ang mga bata ay nasa pagitan ng lima at siyam na

taong gulang, karamihan sa kanila ay pumapasok sa paaralan. Ngunit habang sila ay tumatanda,

paunti-unti ang mga bata na patuloy na pumapasok sa paaralan. Sa oras na sila ay 15 taong

gulang, kalahati pa lamang sa kanila ang nasa paaralan pa. Sa halip,nagsimula silang gumawa ng

ibat-ibang trabaho upang pangalagaan ang kanilang sarili at kumita ng pera dahil sa kahirapan.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 9
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng mga metodolohiya sa pananaliksik at pamamaraan

na kabilang ang disenyo ng pananaliksik, respondent, instrument ng pananaliksik, kaligiran ng

pag-aaral, at istatistikal na pagsusuri ng mga datos na aginagamit sa pag-aanalisa ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng part-time job sa

akademikong pagganap. Ang gagawing pananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng

mga mananaliksik na gamitin ang “Descriptie Survey Research Design” na gumagamit ng

talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Ang disenyong

deskriptibong uri ng kwalitatibong pananaliksik ay angkop na gamitin sa pagkalap ng

impormasyon.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondante

Ang magiging respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga piling estudyante sa bawat

programa at bawat baiting sa Negros Oriental State University- Mabinay Campus na may mga

“part-time job” at limangpo (50) na piling estudyante lamang ang sasagot sa talatanungan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrument sa pagkalap ng datos na gagawin sa pag-aaral. Ang talatanungan ay

nahahati sa dalawang pangkat: ang “Propayl” at “Survey” ukol sa paksang pinag-aaralan.

Ang”survey” ay nagbibigay ng iba’t-ibang persepsyon sa mga mag-aaral, partikular sa mga nag

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 10
papart-time job kung ano ang epekto ng pagkakaroon ng part-time job sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral na nakakaranas nito.

Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng

mga talatanungan na gagamitin sa pag-aaral.

Istatistikal na:

1. Frequency and Percentage Distribution

2. Frequency and Rank

3. Mean

4. Spearman Rank

Kaligiran ng Pananaliksik

Pinili ng mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito sa Negros Oriental State

University- Mabinay Campus, sa kadahilanang ang mga mananaliksik ay kasalukuyang

nag-aaral sa paaralan na ito at mas madali para sa mga mananaliksik ang pagbibigay ng

talatanungan na sasagutan ng mga respondente. Para sa mga mananaliksik, mas angkop na ditto

isagawa dahil mas maraming kolehiyo na nagtatrabaho habang nag-aarak kaysa sa mga

mag-aaral sa hayskul.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ang mismong kakalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sap ag-aaral upang matiyak ang kalidad na

ipepresentang datos. Gagamit ang mga mananaliksik ng talatanungan sa pagkolekta ng mga

datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mga

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 11
mananaliksik ay magsasagawa ng maikling oryentasyon sa mga respondente tungkol sa gagawin

sa mga talatanungan.

Sa pagkalap ng datos para sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay gagawa ng

liham na nakatuon sa opisina ng paaralan upang humingi ng pahintulot sa gagawing pananaliksik

lalong-lalo na sa punong tagapamahala ng paaralan.

Istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapabilis ang pagtataya nito. Ito ay

naipalalim sa istatistikal na pagsusuri upang masagutan ang mga tanong na iminungkahi sa

pag-aaral.

Ang mga istatistikal na kagamitan na gagamitin ay ang mga sumusunod:

1. Ang frequency and percentage distribution ang ginagamit upang masagutan ang unang

katanungan na nagsasaad na “Ano ang propayl ng ng mga respondante gaya ng pangalan, edad,

kasarian, oras ng pagtatatrabaho, at kurso o baitang?”

%=f/N x 100

Kung saan:

f=frequency

N= Populasyon

2. Upang masagutan ang pangalawang tanong na nagsasaad na “ Ano ang epekto ng part-time

job sa pag-aaral?” ay gagamit ng frequency at rank.

R= P/100 x (n+1)
Kung saan:

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 12
R= pagkakasunud-sunod ng ranggo ng puntos

P= Percentile rank

N= bilang ng marka

3. Mean ang gagamitin upang makuha ang kasagutan sa pangatlong katanungan na nagsasaad na

“ Ano ang akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral?”

Kung saan:

x = Mean

f = frequency

x= mid-internal value

4. Upang matukoy ang kaugnayan ng pinakahamon sa pagpapart-time job sa akademikong

pagganap ng mga respondante, spearman rank ang gagamitin.

rs = 6∑d2
n(n2-1)

a. Tukuyin ang null hypothesis at alternative hypothesis.

H0:p=po

b. Kalkulahin ang p̂ sa pamamagitan ng paghahati sa kabuuang bilang ng mga sumasang-ayon na

tugon sa kabuuang bilang ng mga tumutugon sa random na sample.

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 13
c. Sa pamamagitan ng pag-convert ng nakasaad na halaga sa isang decimal, hanapin ang “ p”.

d. Bukod dito, sa pamamagitan ng pagbabawas ng "p" mula sa (1) matukoy ang "q."

e. Upang matukoy ang halaga , gamitin ang formula sa ibaba:

f. Sa pamamagitan ng resulta mula sa ikalimang hakbang sa z-table, maaari mong matukoy ang

P-value.

ORGANISASYON NG PAG-AARAL

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 14
KABANATA 1. Introduksiyon, Paglalahad ng Problema, Haypotesis , Depinisyon ng mga
Termino, Konseptwal/ Teoriktikal na Balangkas, Pagsusuri sa mga kaugnayan na Literatura at
Pag-aaral, Metodolohiya sa pananaliksik,( Disenyo ng Pananaliksik,Paraan ng Pagpili ng
Respondente, Instrumento ng Pananaliksik, Kaligiran ng Pananaliksik) Pamamaraan ng
pagkalap ng datos, Istatistikal na pagsusuri ng mga datos.

Sanggunian:

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 15
Aklat

DesJardins et al. (2002) Does Part-Time Job Affect College Students’ Satisfaction and
Academic Performance (GPA) https://www.researchgate.net/publication/276224110

Journal / Studies

Allen and Vander Velden (2001) working and studying at the same time
https://uc.edu.kh/userfiles/image/2018/Working%20and%20Studying%20at%20the%20Sa
me%20Time.pdf

Kim et al. (2019) Impact of Internship on Job Performance among University Graduates in
South Korea https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1163/22125868-12340070
edu.com.ph

Mortimer et al. (2016) Self-Esteem & Academic Performance among University Students
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1083788.pdf

Robst (2007) the impact of work on students college experience


https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED490999.pdf

Electronics

De Castro (2006) epekto ng pagiging working students. Retrieved at


https://www.coursehero.com/file/31932123/

FCollier's Encyclopedia (ND) edukasyon sa Pagpapakatao. Retrieved at


https://www.coursehero.com/file/p6ph3hsr/

Nucum (2018) Epekto ng Pagiging Working Student sa Akademikong Pagganap. Retrieved at


https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Working-Students/140541

Queena III (2017) Mga epekto ng pagiging working students ng mga estudyante. Retrieved at
https://www.scribd.com/document/494487357

Sarillo (ND) Ang Posibleng Epekto ng Pagtatrabaho Habang Nag-aaral. Retrieved at


https://www.coursehero.com/file/149391457/

Villeroz (2014)Ang mga Epekto ng Working Students sa Akademikong Pagganap. Retrieve at


https://www.academia.edu/38549580/

TALATANUNGAN

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 16
Mahal na respondante,

Ang pangunahing layunin ng talatanungan na ito ay upang makuha ang inyong mga tugon o

sagot hinggil sa epekto ng pagkakaroon ng par-time job. Ang mga datos na makukuha ay

maasahang manatiling kumpidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na ito.

Panuto: Punan ang mga hinihinging impormasyon na nasa ibaba.Sagutan ito ng may sensiridad

at buong katapatan.

A.

1. Pangalan (Optional): ___________________________________

Kurso/ Baitang: ________________

Kasarian:__________ Edad: ________ Oras ng Pagtatrabaho:_____________

B.

2. Ano ang epekto ng part-time job sa pag-aaral? ( I-rate mula sa pinakamataas(5) hanggang sa

pinakamababa(1).)

_____ Nakakaramdan ng pagod at antok sa oras ng klase

_____ Nahuhuli ako sa pagsumiti ng mga proyekto

_____ Nahihirapang balansehin ang trabaho at oras sa pag-aaral

_____ Bumaba ang aking marka sa iilang asignatura

_____ Nahihiarapang intindihan ang mga leksyon

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 17
3. Ano ang akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral?

____ Pinakamahusay

____ Mahusay

____ Katanggap-tanggap

____ Katamtaman

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG PART- TIME JOB SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA PILING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ara Genn Alinabo, Josalyn Castillo, Anna Mae Engreso, Lovely Joy Factolarin, Heart Kihat 18

You might also like