You are on page 1of 44

Ang Kahati Ko sa Pansit

Maikling Kuwento sa Kindergarten

Kasanayan sa Pagkatuto

SEKEI-00-2 * Nagkakaroon ng kamalayan sa damdamin ng iba


KMKPPam-00-2 * Natutukoy kung sino sino ang bumubuo ng pamilya
KMKPPam-00-7 * Natutukoy ang mga pangangailangan ng pamilya at
kung paano nila ito natutugunan
Si Tatay ay ginabi na ng
uwi. May kakaiba talaga sa
kaniya na hindi ko mawari.
Galing sa kiskisan si Tatay.
Umalis siya ng bahay na may
dalang isang sako ng palay.
Bumalik siyang may bitbit
na isang supo sa isang
Ano kaya ang
dala ni tatay?
Maliit ang supot. Ang laman
nito ay tila malapot.
Mainit ito sabi ni tatay kaya
maingat itong inabot ni nanay.
Inilagay ni nanay ang laman
ng supot sa pinggan.
“Aba! Ang laman pala ay
paborito kong Pansit Cabagan!”
Nakagugutom naman ang
dalang pansit ni tatay!
May sahog itong itlog ng pugo,
chicharon at letchong karahay!
Napuno ng nakatatakam na
amoy ang bahay.
Maya-maya pa ay
nandiyan na ang
walo kong kapatid.
Umupo sa walong
silya sa malapit.
Paano kaya ito
pagkakasiyahin sa
amin?
Siguro ay sasabawan ni tatay
ng maraming-maraming tubig.
Katulad ng
Ilog Magat
na malapit sa
bahay, ubod
ng laki!
Pero wala nang
magiging lasa ang
Pansit Cabagan
kung mabababad
ito sa malaking
katubigan!
Siguro ay ilalabas ni tatay ang
bomba ng hangin ng kaniyang
bisikleta.
Tiyak na lolobo ang pansit
mamaya!
Pero hindi kaya kami
kabagin kung ang laman ng
pansit ay puro hangin?
Baka naman
pwedeng patulugin din
ang pansit?
Para
pagkagising
ay lumaki rin
tulad ng sinasabi ni
nanay palagi.
O ‘di naman kaya ay
diligan at patubigan para
lumago gaya ng taniman?
Hindi yata talaga
magkakasya sa aming
lahat ang dalang pansit ni
tatay.
Ibibigay ko na lang ang
parte ko kay nanay.
Sigurado kasi ako na
ibibigay rin ni nanay ang
parte niya kay bunso.
Tulad ng dati,
magugutom si Nanay
mamaya palagay ko.
Maya-maya pa’y
sinimulan nang hatiin ni
tatay ang pansit para sa
aming lahat.
“Isa sa’yo Nikko. Isa sa’yo
Marco….”
Tipid-tipid, parang hindi
nauubos! Natigil kami nang
may kumatok sa pinto.
Naku, may bibigyan pa
yata ako ng pansit ko.
Pumasok si Lolo, may
dala-dalang bilao.
Sambit niya, “Maligayang
kaarawan Nikko!”
Hay salamat! May pansit
na rin ang nanay ko!
May isang supot ng ekstraodinaryong
pansit na inuwi ang tatay ni Nikko isang
gabi. Isang supot lamang man ito,
naniniwala si Nikko na kasya ito sa
kanilang siyam na magkakapatid. Ano
kaya ang ginawa ni Nikko upang
mapagkasya ang
pansit?

You might also like