You are on page 1of 16

SURING-BASA

• Ang SURING-BASA ay isang


maikling pagsusuring
pampanitikang naglalahad ng
sariling kuro-kuro o palagay ng
susulat tungkol sa akda.
• Layunin nito ang mailahad ang
mga kaisipang matatagpuan sa
isang akda at ang kahalagahan
nito.
•MGA DAPAT
TANDAAN SA
PAGSASAGAWA NG
SURING-BASA
1. Alamin kung anong uri ng akdang
pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda,
gumawa muna ng sinopsis o maikling
lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak
na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng
pagkakasulat.
• PORMAT SA PAGSULAT NG ISANG
SURING-BASA
Suring-basa
Pamagat:
May-akda:
Bansang Pinagmulan:

Buod:
• PORMAT SA PAGSULAT NG ISANG
SURING-BASA
I. Panimula
a. Uri ng Panitikan – pagtukoy sa mga
anyo ng panitikang sinulat, sa himig o
damdaming taglay nito.

b. Bansang Pinagmulan – pagkilala sa


bansa kung saan naisulat ang akda
c. Pagkilala sa may-akda – ito ay hindi
nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng
may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa
kanyang likhain ang isang akda.

d. Layunin ng akda – pagsusuri sa kahalagahan ng


akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong
magpakilos o manghikayat, manuligsa,
magprotesta, at iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan,
napapanahon, makatotohanan at mag-aangat
o tutugon sa sensibilidad at kamalayan ng
mambabasa o ng tao.

b. Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga


karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng
lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa
nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga
tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o
namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa
akda ang ilalarawan.
c. Tagpuan/Panahon- Binibigyang-pansin sa
panunuring pampanitikan ang kasaysayan,
kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda
kalagayan o katayuan ng tauhan at ang
kaugnayan niya sa kapwa at sa lipunan.
d. Balangkas ng mga Pangyayari – isa bang gasgas
na mga pangyayari ang inilhad sa akda? May
kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma
na bang mga pangyayaring may bagong bihis,
anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang
balangkas ng akda? May kaisahan ba ang
pagkakapit ng mga pangyayari mula simula
hanggang wakas? Ano ang mensaheng
ipinahihiwatig ng kabuuan ng akda? May
natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
e. Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita
bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o
kulturang nangingibabaw sa akda?
Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang
tao o bansa?
III. Pagsusuring Pangkaisipan
a.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang
isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at
nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral,
tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan,
magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang
unibersal, likas sa tao o lipunan, mga batas ng
kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang
kumokontrol sa buhay?
b. Estilo ng Pagkasulat sa Akda – Epektibo ba ang
paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa
antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang
pagkakabuo ng akda? May bisa kaya ang estilo
ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining
ba ang pagkakagawa sa akda? Ito ba’y
kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa
at sa katangian ng isang mahusay na akda?
IV. Buod
hindi kailangang ibuod nang mahaba ang
istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang
detalye ang bigyang-tuon.
I. Panimula
a. Uri ng panitikan
b. Bansang pinagmulan
c. Pagkilala sa may-akda
d. Layunin ng akda
II. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Tema o Paksa ng akda
b. Mga Tauhan/Karakter sa akda
c. Tagpuan/Panahon
d. Balangkas ng mga Pangyayari
e. Kulturang Masasalamin sa akda
III. Pagsusuring Pangkaisipan
a. Mga Kaisipan/Ideyang taglay ng akda
b. Estilo ng Pagkasulat ng akda

IV. Buod

You might also like