You are on page 1of 3

Ang Huling Araw ng mga Kuliglig at ang Paglubog

ng isang Bangkang Papel sa Buhay ni Andoy

*Papasok si Andoy na may bangkang papel sa kamay nito. Ang pang-


itaas niyang damit ay aakalin mong bestida dahil sa haba nito.
Putikan na rin ang damit niya dala ng maghapong paglalagi sa
bukirin ng Ama.

*Tatanawin niya ang bukiring pinaglaban pa nila. Doon sa mga


sandaling iyon, lalabas ang kanyang mga alaalang winasak ng mga
kwentong Trahedya, wala siyang maapuhap ni isang mang kwentong
Komedya na magbibigay ngiti sa mukha niyang binabakasan ng isang
dekada’t limang taong hirap at lungkot.

* * * * * * * * * * * * *
* * *

Ama, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko sa gandang


dulot ng paglubog ng Araw at ang pagtago nito sa bukirin mo, sa
bukirin natin. Ang mga pulang hibla na sinulsi sa papa-dilim na
langit, ang ganda nito, pero ama, ang nakakalungkot dito’y
pagkatapos mong masilayan ang ganda ng araw at ng liwanag ng
langit, matatakpan naman ito ng dilim. Pinapaalala niya sakin ang
mga oras kung sa’n tayo nabinbin sa pagkasakdal. Ama, ayaw kong
itago ang lungkot dahil kita naman itong lumiliwanag sa mga mata
ko.

Ama, alam niyo ba na natamnan ko na ng bagong punla ng gulay ang


hardin natin noong huling buwan, pero ama wala pa namang ganap sa
hardin natin bukod sa araw-araw kong pagpunta doon, ang pagsabak
ko gamit ang kalaykay at ang pagpuno ng putik sa mga kuko kong
pinahaba ng mga araw na hindi pag-asikaso sa aking sarili.
Tsaka ama, namamangha pa rin ako sa nagawa niyong patubig dahil
may mga bahagharing basta na lang lumilitaw sa dakong tinatamaan
n’un. Ama, pilit ko pa ring inaayos at pinapaganang paandarin ang
Kuliglig pero ang hirap, kaya mano-mano kong ginagapas ang mga
malalagong damo ng bulasting at mga makakapal na bulaklak ng
Dandelyon.

Ama, alam mo natuto na akong maging matapang ‘nung nagtrabaho po


ako sa may bodega ni Tito Tonyo. Araw-araw nga akong nagpupuslit
ng isang dakot na bigas na ‘tinatago ko sa aking bulsa para may
makain kami noon. Ang hirap ‘nun ama, kasi lagi akong pinapalo
ni Tito Tonyo kahit wala akong nagawang mali. Pinaka-grabe pong
ginawa sa’kin ‘nung araw na umuulan ng malakas.Isang sako pong
bigas ang pinabuhat sa maliit kong pangangatawan, dahil sa gutom,
nalaglag ko sa may tubig. Inggit na inggit kong pinanood ang mga
anak ni Tito Tonyo na naglalaro sa ilalim ng ulan, hawak-hawak
ang kanilang mga de-bateryang laruang bangka, pero ako… hindi
gaya ng ibang mga bata, nagbubuhat ng mga sako. Kaya ‘nung
nataong mataas na ang baha, lumabas ako ng bodega’t naglaro ng
mga bangkang papel. Ama, salamat po’t natuto akong gumawa ‘nun.
Ang ganda-ganda pala sa pakiramdam ng naglalaro ama. Kahit
bangkang-papel lang, abot-langit ang aking saya.

Ama, ‘wag ka na palang mag-alala sa kalagayan ng mga kapatid ko


at ng Inay. Masaya na sila ngayon mula sa kasawiang nakaharap
natin ‘nung nakaraan, kaya lang hindi na nila ako pinapansin, ‘di
ko nga alam ama kung may nagawa ba akong mali sa kanila. Ilang
gabi po nila akong hindi pinagbubuksan ng pinto kahit ga’no
kalakas ang katok ko. Kahit ga’no rin kalakas ang pagsigaw ko,
parang hindi nila alintana. Ama, sana andito ka, ba’t pa kasi
kayo lumuwas patungong siyudad para lang ipagsigawan ang
karapatan ng mga magsasaka, kontento naman na tayo dito, ama.
Sabik akong magkasama uli tayo at maglaro ng mga bangkang papel
gaya ‘nung bago ka umalis. Turuan niyo rin po akong gumamit ng
kuliglig at nang tuluyan na akong makapagpa-andar nito. Nangako
ka sa’kin ama.

(Papasok ang isang lalaki na may dala-dalang kandila at isang


bungkos ng bulaklak)
“Anak, Andoy, pasensya na, ngayon lang ako nakadalaw sa puntod
mo. Pasensya na rin Andoy at ‘di ko matutupad ang pangako ko
sa’yong turuan kang magpa-andar ng kuliglig at ang samahan kang
maglaro ng mga bangkang papel. Di bale anak, mas masaya naman
diyan sa langit”.

You might also like