You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
S.Y. 2016-2017

Pangalan: _____________________________________ Seksyon: _____________________ Marka: ___________


I. KAALAMAN: Panuto: Piliin mula sa talaan ang angkop na salita upang mabuo ang konsepto na
ipinahahayag ng bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Likas na Batas Moral B. kilos–loob C. puso D. mabuti

E. kalayaang gumusto F. konsensiya G. isip H. kalayaang tumukoy

I. dignidad J. tapat K. iginagalang L. kabutihan M. Batas Moral

N. Eternal O. obhetibo P. limitasyon Q. unibersal

______________1. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.


______________2. Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng isang indibidwal.
______________3. Kapangyarihang mangatwiran, magsuri, umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
______________4. Ibinigay sa tao noong siya ay likhain, nakikibahagi ng karunungan at kabutihan ng Diyos.
______________5. Tawag sa kakayahang kumilala ng mabuti o masama.
______________6. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng _________.
______________7. Kalayaang magnais o hindi magnais na gawin.
______________8. Kalayaang tukuyin ang bawat naisin.
______________9. Nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa
kaniyang kapwa.
_____________10. Bilang isang taong may dignidad, gumagalang at_________ din siya ng kanyang kapwa.
_____________11. Taong _________ay maaaring pagkatiwalaan na hindi siya mandaraya o magsasamantala sa
kahinaan ng iba.
_____________12. Sa pamamagitan ng kilos loob, nahahanap ng tao ang _________.
_____________13. Ang likas na Batas Moral ay hindi imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon, samakatuwid ito ay _____.
_____________14. Ang ______ ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan.
_____________15. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa
lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas moral ay_________
_____________16. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos, ito ay may _________.
_____________17. Ang _____ ay nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan.

II.PAGSUSURI:
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay wasto at MALI kung ito naman ay di-wasto.

______18. Mas matimbang ang pagsama sa barkada kaysa pagsisimba.


______19. Ang pagiging responsable ay pagtugon sa bisyo ng kapwa mag-aaral.
______20. Ang mabuting pakikipag-kapwa ay palatandaan ng di mabuting mamamayan.
______21. Ang wastong pagkilala sa tama o mali ay nakatutulong sa tamang pagpili.
______22. Ang paghubog ng tamang konsensiya ay nagsisimula sa matibay na paninindigan sa isinasaad ng
Batas ng Diyos.
______23. Walang karapatan ang bawat indibidwal na ipahayag ang kanyang damdamin.
______24. Ang bawat isa ay may kakayahang mamuhay sa isang malinis na kapaligiran.
______25. Mapananatili ang katahimikan at kalayaan sa ating bayan sa pamamagitan ng marahas na paraan.
______26. Bawat tao ay may karapatan na makapaglakbay sa ibang bansa.
______27. Tungkulin ng mamamayan ang pagkakaroon ng kalayaan sa mga adhikaing kumikilala ng dahas.
______28. Ang pagpapabaya sa pag-aaral ay gawaing marangal ng isang mag-aaral.
______29. Ang pagpatay sa mga kriminal ay nararapat na gawin dahil nakasaad sa Saligang Batas
______30. Iginagalang ang isang taong masipag at buong husay na ginagampanan ang kanyang trabaho.
______31. Ang pagsasauli sa napulot na pera ay gawaing marangal.
B. Panuto: Lagyan ng tsek (√ ¿ ang pahayag na naglalarawan ng mabuting kilos at ekis (x) ang di nararapat.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____32. Nasisiyahang tumulong sa mga mahihirap at kapus-palad.


_____33. Nakikibahagi sa mga proyekto ng pangkawang-gawa na pakikinabangan ko.
_____34. Kailangang ipagsabi ang pagtulong sa mga taong nasalanta ng baha.
_____35. Pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa ibang tao.
_____36. Pagkainggit sa mga tagumpay ng kamag-aral.
_____37. Pagsasauli ng nawalang gamit sa may-ari nito.
_____38. Pagpapakopya sa kilalang hindi handa sa pagsusulit.
_____39. Malaya tayong pumili ng ating relihiyong sasalihan.
_____40. Igalang ang mga kaugalian at tradisyon ng mga tao sa lugar na ating pinupuntahan.
_____41. Karapatang tumanggap ng libreng serbisyo mula sa gobyerno.
_____42. Tapat at tunay na pagbabalita ng mga mamamahayag.
_____43. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
_____44. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
_____45. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon ka kundi sa karangalan bilang tao.

III- PAGLALAPAT: Panuto: Pag-aralang mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

____46.Ang tao ay may tungkuling _____________ ang isip at kilos loob


a. sanaying paunlarin at gawing ganap b. kilalanin, sanayin at gawin ganap
c. kilalanin, sanayin, paunlarin at gawin ganap d. wala sa nabanggit
_____47. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. mapalaganap ang kabutihan b. makamit ng tao ang tagumpay
c. maabot ng tao ang kanyang kaganapan d. mabubuhay ang tao ng walang hanggan
_____48. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. sa paningin ng Diyos
b. sa pagmamahal ng kanilang pamilya
c. sa kanilang dignidad bilang tao at ng karapatang dumadaloy mula rito
d. sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay
_____49. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. kapag siya ay naging masamang tao
b. sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. wala sa nabanggit
_____50. Paano mapapanatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal
b. panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang sa kapwa.
c. palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
d. isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung ano ang ari-arian mayroon ka kundi sa karangalan bilang tao.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

TABLE OF SPECIFICATION
Second Quarter Test
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
SY:2016-2017

Kakayahan/Paksang Kaalaman Pagsusuri Paglalagom Paglalapat Bilang % Bilang ng


Aralin ng Oras Aytem
Modyul 5. Isip at Kilos- 1,2,3, 18, 19, 20 32, 33,34 46 4 22 12
Loob 12,13

Modyul 6. Ang
Kaugnayan ng
Konsensiya sa Likas na 4,5, 14, 15 21, 22 35, 36, 37, 47 5 28 11
Batas Moral 38

Modyul 7. Kalayaan 6,7,8, 16, 23, 24, 39, 40, 41, 5 28 14


17 25,26,27 42

Modyul 8. Ang 9,10,11 28, 29, 30, 43, 44, 45 48,49,50 4 22 13


Dignidad ng Tao 31

Kabuuan 11 14 14 13 18 100 50
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng Pangasinan II
Binalonan

SECOND QUARTER TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAkatao 7
S.Y. 2016 – 2017

ANSWERS KEY
TEST I. TEST III
1. B 32. /
2. C 33. /
3. G 34. X
4. A 35. X
5. F 36. X
6. D 37. /
7. E 38. X
8. H 39. /
9. I 40. /
10. K 41. /
11. J 42. /
12. L 43. X
13. N 44. /
14. O 45. /
15. Q
16. P
17. M

TEST II. TEST IV


18. MALI 46. A
19. MALI 47. C
20. MALI 48. C
21. TAMA 49. B
22. TAMA 50. D
23. MALI
24. TAMA
25. MALI
26. TAMA
27. MALI
28. MALI
29. MALI
30. TAMA
31. TAMA

You might also like