You are on page 1of 2

Ang Tamang Pamamaraan ngPangungumpisal

1. Pag-uusisa ng Budhi (Examination of Conscience)


Mahinahon at buong katapatang alalahanin ang lahat ng mga kasalanang mortal nanagawa mula nang
huling pangungumpisal. Gamiting gabay ang Sampung Utos ng Diyos,ang mga Utos ng Simbahan, at ang
Mapalad. Humingi ng tulong sa Espiritu Santo.
May tatlong kundisyon na kailangang matupad lahat para masabing ang kasalanan ay mortal. Una, ito ay
kinasasangkutan ng mabigat na bagay. Pangalawa, may lubos nakaalaman ang nagkasala (alam niyang
nagkasala siya). Pangatlo, may ganap na pagsang-ayon ng kalooban sa kasalanang nagawa; ginusto talaga itong
gawin at hindi napilitan lamang o dulot ng aksidente. Kapag nagkulang nang kahit isa sa mga kundisyon, ang
kasalanan ay benyal lamang at hindi na kailangang ikumpisal. Subalit ang kasalanang benyal ay dapat pa ring
pagsisihan, ipagbayad-sala, at sikaping mapagtagumpayan, sapagkat ang mga kasalanang benyal na hindi
pinagsisihan hanggang kamatayan ay pagbabayaran sa kabilang-buhay hanggang sa matupad ang hinihingi ng
Katarungan ng Diyos (ang pagdadalisay ng kaluluwa sa Purgatoryo bago patuluyin sa Langit).
Paano nga ba tayo nagkakasala? Nagkakasala tayo kapag tayo mismo ang gumagawa ng kasamaan
(kasalanan ng paggawa), kapag hindi natin tinutupad ang ating mga tungkulinsa Diyos, sa kapwa, at sa sarili
(kasalanan ng pagkaligta), at kapag nakikipagtulungantayo sa kasalanan ng ibang tao (kasalanan ng
pakikisabwat).
Siyam na Paraan ng Pakikisabwat sa Kasalanan ng Iba:
1. Sa pamamagitan ng pakikilahok
2. Sa pamamagitan ng pag-uutos
3. Sa pamamagitan ng pagpapayo
4. Sa pamamagitan ng pagpupuri
5. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon
6. Sa pamamagitan ng pagtatago
7. Sa pamamagitan ng panunulsol

8. Sa pamamagitan ng pananahimik
9. Sa pamamagitan ng pagtatanggol sa may-asal
Ang Pitong Pangunahing Kasalanan na Pinagmumulan ng Iba pangmga Kasalanan (Cardinal Sins)
1. Kapalaluan (Pride)
2. Kasakiman (Avarice)
3. Inggit (Envy)
4. Poot (Anger)
5. Kahalayan (Lust)
6. Katakawan (Gluttony)
7. Katamaran (Sloth)

2. Panalangin ng Pagsisisi (Act of Contrition)


O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong
kasalanan, dahil sa takot kong mawala sa akin ang Kaharian ng Langit at dahil sa takot ko sa hirap
ng impyerno; ngunit lalo pa naman dahil ang kasalanan ay nakasasakit sa loob mo, O Diyos ko, na walang
hanggan ang kabutihan at nararapat ibigin nang walang katapusan. Nagtitika akong matibay at umaasa sa
biyaya mo, na ipagkukumpisal ko ang mga kasalanan ko, tutuparin ko ang mga parusang hatol,
at magbabagong-buhay na ako. Amen.

3. Paglapit at Pagsasabi sa Pari ng mga Kasalanan (Actual Confession)


“Padre, bendisyunan niyo po ako sapagkat ako ay nagkasala. Ang huli ko pong pangungumpisal ay
noong nakaraang . . . _______________ At ito po ang aking mga kasalanan . . . _______________
Isa-isang sabihin ang mga kasalanang nagawa at kung ilang ulit itong nagawa. Kung may mga bagay-
bagay na nakaka-apekto sa bigat ng kasalanan, ipaliwanag ito sa Pari (Halimbawa, hindi sapat na sabihing
Nanakit po ako ng kapwa ko) kung sinuntok mo ang sarili mongama.. Sa pag!amin ng mga kasalanan,
iwasan ang pagmamatuwid sa sarili, paninisi saibang tao, at pagbabalat!kayo ng kasalanang nagawa upang
magmukhang magaan.Huwag ding maglilihim ng anumang kasalanan sapagkat paglapastangan ito
saSakram#nto ng $umpisal ($asalanan ng sakril#hiyo.*.
Pagpapaliwanag ng Pari at ang Absolusyon (
Exhortation and Absolution
)

You might also like