You are on page 1of 7

AKADEMIKONG PAGSUSULAT

- Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang


akademikong institusyon kung saan kinakailangan
ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.

- Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na


mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap, talata, at seksiyon upang maging
malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag
ng mga ito.

- Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong


sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng
introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag,
at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at
rekomendasyon.

LAYUNIN: magbigay ng makabuluhang impormasyon sa


halip na manlibang.
ANYO NG AKADEMIKONG PAGSUSULAT:

1. ABSTRAK

LAYUNIN: MAIPAKITA ANG MAIKLING PAGLALAHAD NG KABUUAN NG


ISANG PAG-AARAL.

GAMIT: KARANIWANG GINAGAMIT SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG PAPEL


NA KALIMITANG INILALAGAY SA MGA PANANALIKSIK, MGA PORMAL NA
PAPEL, MGA TEKNIKAL NA PAPEL, MGA LEKTYUR, MGA REPORT, MGA
NILALAMAN AT DATOS NITO.

KATANGIAN: SINUSUNOD NG SULATIN NA ITO ANG SIYENTIPIKONG


PAMMARAAN NG PAGLALAHAD NG MGA NILALAMN AT DATOS NITO.

2. SINTESIS

LAYUNIN: MABIGYAN NG PINAIKLING BERSYON O BUOD ANG MGA TEKSTO


NA MAARING PINANOOD, NAPAKINGGAN, O NAKSULAT NA AKDA.

GAMIT: GINAGAMIT ITO PARA IPABATID SA MGA MAMBABASA ANG


KABUUANG NILALAMAN NG TEKSTO SA MAIKLING PAMAMARAAN.

KATANGIAN: KALIMITANG GINAGAMIT SA MGA TEKSTONG NARATIBO.


NAGLALAMAN NG MAHAHALAGANG IDEYA AT MGA SUMUSUPORTANG
IDEYA AT DATOS.
3. BIONOTE

LAYUNIN: MAGBIGAY MAKATOTOHANANG IMPORMASYON NG ISANG


INDIBIDWAL TUNGKOL SA MGA NAKAMIT AT NAGAWA BILANG ISANG
PROPESYUNAL SA NAPILING LARANGAN.

GAMIT: GINAGAMIT ITONG TALAAN TUNGKOL SA KWALIPIKASYON AT


KREDIBILIDAD NG IANG TAONG PANAUHIN SA ISANG KAGANAPAN O KAYA
AY MANUNULAT NG AKLAT.

KATANGIAN: MAIKLING DESKRIPSYON SA MGA PAGKAKAKILANLAN NG


ISANG MANUNULAT NA MATATAGPUAN SA LIKOD NA PABALAT NG AKLAT O
IMPORMASYON TUNGKOL SA GUEST SPEAKER.

4. PANUKALANG PAPEL

LAYUNIN: PROPOSAL SA PROYEKTONG GUSTONG IPATUPAD NA


NAGLALAYONG MABIGYAN NG RESOLBA ANG MGA SULIRANIN.

GAMIT: ITO AY GINAGAMIT SA GABAY SA PAGPAPLANO AT PAGSASAGAWA


NITO PARA SA ISANG ESTABLISYAMENTO O INSTITUSYON.

KATANGIAN: IPAKITA ANG KABUUANG DETALYE SA GAGAWING PROYEKTO


TULAD NG BADYET, PROPONENT, DESKRIPSYON AT BUNGA NG PROYEKTO.
5. TALUMPATI

LAYUNIN: MAGPAPALIWANAG NG ISANG PAKSANG NANGHIHIKAYAT,


TUMUTUGON, MANGATWIRAN AT MAGBIGAY NG MGA KABATIRAN O
KAALAMAN SA MGA MAMBABASA.

GAMIT: ITO AY GINAGAMIT SA PAGBABAHAGI NG MGA KARANASAN AT IBA


PA.

KATANGIAN: MAARING PORMAL AT NAKABATAY SA URI NG MGA


TAGAPAKINIG AT MAY MALINAW NA AYOS NG MGA IDEYA.

6. KATITIKAN NG PULONG

LAYUNIN: MAGTALA O REKORD ANG MAHAHALAGANG PUNTONG


NAILAHAD, DISKUSYON AT DESISYON NG MGA DUMALO SA ISANG
PAGPUPULONG.

GAMIT: GINAGAMIT ITO PARA IPAALAM SA MGA KASANGKOT ANG MGA


NANGYARI SA PULONG AT MAGSILBING GABAY PARA MATANDAAN ANG
MGA IDEYANG PINAG-UUSAPAN.

KATANGIAN: PAGTIBAYIN ANG NILALAMAN NG MGA USAPIN SA PULONG SA


PAMAMAGITAN NG MGA LAGDA NG DUMALO.
7. POSISYONG PAPEL

LAYUNIN: MAIPALABAN KUNG ANO ANG ALAM NA KATOTOHANAN. ITO AY


NAGTATAKWIL NG KAMALIAN O MGA KASINUNGALINGANG
IMPORMASYON.

GAMIT: KARANIWANG GINAGAMIT ANG SULATIN NA ITO SA AKADEMYA,


POLITIKAL, AT BATAS.

KATANGIAN: ITO AY PORMAL AT ORGANISADONG ISINUSULAT ANG


PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA IDEYA.

8. REPLEKTIBONG SANAYSAY

LAYUNIN: MAGBALIK-TANAW ANG MAY AKDA AT NG MAY PAGNINILAY.

GAMIT: ISANG SULATIN NA KINAPAPALOOBAN NG MGA REAKSYON,


DAMDAMIN, AT NG MGA OPINYON NG MAY-AKDA SA ISANG PANGYAYARI.

KATANGIAN: MASINING AT MALIKHAIN ANG PAGKAKASULAT TUNGKOL SA


ISANG KAGANAPAN.
9. AGENDA

LAYUNIN: IPABATID ANG PAKSA NA TATALAKAYIN SA PAGPUPULONG AT


PARA NA RIN SA KAAYUSAN AT ORGANISADONG PAGPUPULONG.

GAMIT: ITO AY GINAGAMIT SA MGA PULONG UPANG IPAKITA ANG


INAASAHANG PAKSA AT USAPING TATALAKAYIN.

KATANGIAN: ISANG MAIKLING SULATIN NA NAGPAPABATID NG LALAMANIN


NG PULONG.

10. PHOTO ESSAY

LAYUNIN: MAKABULUHAN AT ORGANISADONG PAGPAPAHAYAG SA MGA


LITRATO.

GAMIT: GINAGAMIT ANG LITRATO PARA MABIGYAN NG KULAY AT


KAHULUGAN SA PAGLALAHAD NG ISANG USAPIN O ISYU.

KATANGIAN: MAS MARAMING LITRATO ANG LAMN NG SANAYSAY KAYSA SA


MGA SALITA.
11. LAKBAY SANAYSAY

LAYUNIN: ISANG URI NG SANAYSAY NA NAGLALAYONG MAKAPAG-


BALIKTANAW SA PAGLALAKBAY NA GINAWA NG MAY AKDA.

GAMIT: GINAGAMITNG MAY AKDA ANG KANYANG KARANASA SA


PAGLALAKBAY NA KANYANG ISISUSUAT AT IBINABAHAGI SA IBA.

KATANGIAN: ITO AY GINAGAMITAN NG MGA TEKSTONG DISKRIPTIBO KAYSA


SA MGA LARAWAN.

You might also like