You are on page 1of 11

MGA URI

NG
PAGSULAT
G. BENJAMIN ISRAEL A. MONTEALEGRE
GURO
SHS FACULTY
AKADEMIKO
ITO AY MAAARING MAGING KRITIKAL NA
SANAYSAY, LAB REPORT, EKSPERIMENTO, TERM
PAPER, TESIS O DISERTASYON. ITINUTURING
DIN ITONG ISANG INTELEKTWAL NA PAGSULAT
DAHIL LAYUNIN NITONG PATAASIN ANG ANTAS
AT KALIDAD NG KAALAMAN NG MGA
ESTUDYANTE SA PAARALAN
TEKNIKAL
ITO’Y ESPESYALISADONG URI NG PAGSULAT NA
TUMUTUGON SA MGA KOGNITIBO AT
SIKOLOHIKAL NA PANGANGAILANGAN NG MGA
MAMBABASA AT MINSAN MAGING SA MANUNULAT
MISMO. NAGSASAAD ITO NG MGA IMPORMASYONG
MAAARING MAKATULONG SA PAGBIBIGAY-
SOLUSYON SA ISANG KOMPLIKADONG SULIRANIN
GINAGAMITAN ITO NG MGA TEKNIKAL NA
TERMINOLOHIYA SA ISANG PARTIKULAR NA
PAKSA TULAD NG SCIENCE AND
TECHNOLOGY. NAKATUON DIN ITO SA ISANG
ISPESIPIKONG AUDIENCE O PANGKAT NG
MGA MAMBABASA
JOURNALISTIC
PAMPAMAMAHAYAG ANG URING ITO NG
PAGSULAT NA KADALASANG GINAGAWA NG
MGA MAMAMAHAYAG O JOURNALIST. SAKLAW
NITO ANG PAGSULAT NG BALITA, EDITORIAL,
KOLUM LATHALAIN AT IBA PANG AKDANG
KARANIWANG MAKIKITA SA MGA PAHAYAGAN
O MAGASIN
REFERENSYAL
ITO AY MAY LAYONG MAGREKOMENDA NG
IBA PANG REPERENS O SORS HINGGIL SA
ISANG PAKSA. MADALAS ITONG BINUBUOD O
PINAIIKLI NG ISANG MANUNULAT ANG IDEYA
NG IBANG MANUNULAT AT TINUTUKOY ANG
PINAGHANGUAN.
MADALAS ITONG MAKITA SA MGA TEKSBUK
NA TUMATALAKAY SA ISANG PAKSANG
GANAP NA ANG SALIKSIK AT LITERATURA AY
MULA SA AWTORIDAD. MAKIKITA RIN ITO SA
MGA TESIS AT DISERTASYON
PROPESYUNAL
ITO’Y NAKATUON SA ISANG EKSLUSIBONG TIYAK NA
PROPESYON. BILANG PAGHAHANDA NG MGA MAG-
AARAL SA LOOB NG PAARALAN ITO AY KRITIKAL NA
PINAG-AARALAN; POLICE REPORT PARA SA MGA
POLICE, INVESTIGATIVE PARA SA MGA
IMBESTIGADOR, MGA LEGAL FORMS, BRIEFS AT
PLEADINGS PARA SA MGA ABOGADO, LEGAL
RESEARCHERS AT MEDICAL REPORT PARA SA MGA
DOCTOR AT NARS
MALIKHAIN
MASINING ANG URING ITO NG PAGSULAT.
ANG POKUS DITO AY ANG IMAHINASYON NG
MANUNULAT, MAAARING MAGING
PIKSYUNAL AT DI-PIKSYUNAL ANG AKDANG
ISINUSULAT. ITO ANG URI NG PAGSULAT SA
LARANGAN NG PANITIKAN
GAWAIN
GAMIT ANG UNANG PARAAN NG
PAGSULAT (BAYBAYIN) BUMUO NG ISANG
SLOGAN NA BATAY SA TEMA NG WIKANG
PAMBANSA: FILIPINO AT MGA WIKANG
KATUTUBO SA DEKOLONISASYON NG PAG-
IISIP NG MGA PILIPINO
GAWAIN

2. MAGTALA NG 5 HALIMBAWA NG
SULATIN SA BAWAT URI NG
PAGSULAT

You might also like