You are on page 1of 2

Basahin ang lecture nakalakip sa aktibidad kahapon. Matapos ay sagutin ang mga gawain.

Siguraduhing naunawaang mabuti ang tungkol sa “ANG MGA PANG-UGNAY AT MGA PAHAYAG NA
GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW”. Muling ilagay ang lecture sa inyong portfolio.
Tanging ang aktibidad na ito lamang ang ipapasa sa guro. (Kokolektahin ito nina Joan (Courage),
Marimar (Perseverance) at Aneeza (Temperance).

PANGALAN: _______________________________________ 9 - ____________________


I. PAGKILALA SA PANG-ANGKOP: Ikahon ang lahat ng salitang ginamitan ng pang-angkop sa
bawat pangungusap.
1. Ang Bukidnon ay bahagi ng Hilagang Mindanao.
2. Responsabilidad natin lahat ang itaguyod ang mga patakarang makatarungan.
3. Dahil sa mainit na panahon, lumangoy sila sa dagat.
4. Ano ang bansang sinilangan ng panauhin natin?
5. Mabenta ang mga malamig na inumin tuwing tag-init.

II. PAGGAMIT NG PANG-ANGKOP: Gumamit ng pang-angkop upang pagsamahin ang


dalawang salita. Isulat ang sagot o mga sagot sa patlang.
Halimbawa: luma, sapatos lumang sapatos, sapatos na luma
1. mag-aaral, masipag _________________________________________________
2. malubha, sakit _________________________________________________
3. kutsilyo, matalim _________________________________________________
4. malawak, lupain _________________________________________________
5. hardin, mabulaklak _________________________________________________

III. PAGSULAT NG TAMANG PANG-ANGKOP: Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-
angkop (-ng, -g, o na).
1. Nauuna ang pula_____kotse sa karera.
2. May mga bahay_____ bato na nakatayo pa sa Vigan.
3. Limandaan_____piso ang sinukli sa kanya ng kahera.
4. Nasuot mo na ba ang damit_____regalo ng ninang mo?
5. Si Myra ay takot pumasok sa madilim_____silid.

IV. PAGKILALA SA PANG-UKOL: Ikahon ang pang-ukol sa bawat pangungusap.


1. May balita ka ba tungkol sa parating na bagyo?
2. Ayon sa ulat na ito, itinaas ang bababalang Signal Number 3.
3. Baka supertyphoon daw ito, ayon sa kapitbahay natin.
4. Kinansela ang mga klase sa elementarya at haiskul.
5. Para sa mga mangingisda ang babalang narinig natin.

V. PAGPILI NG TAMANG PANG-UKOL: Bilugan ang titik ng sagot na may pang-ukol o mga
pang-ukol na bubuo sa pangungusap.
1. _______________ pangulo, agad na ipapatupad ang bagong batas.
a. Para kina b. Hinggil kay c. Ayon sa
2. _______________ kasunduan ng pamahalaan at mga rebelde, sisimulan na ang ceasefire.
a. Ukol sa b. Para sa c. Alinsunod sa
3. Ang mga tuntunin ng paaralan ay _______________ kabutihan _______________ mag-aaral.
a. tungkol sa, ng b. para sa, ng mga c. ayon sa, ng mga
4. _______________ batas ang pagtapon ng basura ______________ ilog.
a. Labag sa, sa mga b. Alinsunod sa, sa c. Hinggil sa, sa mga
5. Ang pagsusulit ay ______________mga impluwensiya _______________Kastila sa ating
kultura.
a. laban sa, sa mga b. tungkol sa, ng mga c. ukol sa, ng

VI. PAGSULAT NG TAMANG PANG-UKOL: Isulat sa patlang ang pang-ukol na bubuo sa


pangungusap.
1. Handa na ba ang mga gamit ninyo _______________ camping bukas?
2. Matutulog sina Sam at Sarah _______________ Lolo at Lola mamayang gabi.
3. May balita ka ba ________________ pagtaas ng presyo ng gasolina?
4. Ang pagdala ng Nintendo DS sa klase ay______________ tuntunin ng paaralan.
5. _______________ Melissa, pinag-aralan nila ang pagsakop ng mga Hapones.

VII. PAGKILALA SA PANGATNIG: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.


1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.
2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.

You might also like