You are on page 1of 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Pangalan: Raxein Ashlee P. Pineda Petsa: Disyembre 11, 2023

Seksyon at Baitang: Grade 11 – Isaac Newton

“Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga
programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi
gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila
nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan.” (Tiongson, 20)

Sumasang-ayon o sumasalungat kaba sa obserbasyong ito na ang nananaig na tono ng wika sa mass media ay
impormal at hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo? Patunaya ang sagot mo sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga obserbasyon mo sa kalagayan ng wika sa sumusunod:

*Sa isang noontime show o pangtanghaling variety show.

It’s Showtime

Pamagat ng Noontime Show

Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito:

Ang obserbasyon ko sa paggamit ng wika sa programang ito ay ang It’s Showtime ay gumagamit ng halos lahat
ng uri ng register na wikang Filipino, gumagamit sila ng salitang kolokyal, at salitang balbal.

*Sa isang programang nagbabalita o news and public affairs program.

TV PATROL

Pamagat ng News and Public Affairs Program

Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito:

Ang obserbasyon ko sa paggamit ng wika sa programang ito ay ang TV PATROL ay gumagamit ng wikang
Filipino sa pormal na paraan.

*Sa isang tabloid.

Pilipino Star Ngayon

Pamagat ng Tabloid

Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa tabloid o pahayagang ito:

Ang obserbasyon ko sa paggamit ng wika sa programang ito ay tulad lang din sa noontime show, sila ay
gumagamit ng wikang Filipino, kolokyal, at balbal upang makakuha ng atensyon ng mga mambabasa.
*Isang programang panradyo.

MOR 101.9

Pamagat ng Programa saRadyo

Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito:

Ang obserbasyon ko sa paggamit ng wika sa programang ito ay ang MOR 101.9 ay gumagamit ng wikang
Filipino sa pormal at di-pormal na salita.

*Sa isang pelikula.

Got 2 Believe

Pamagat ng Pelikula

Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa pelikulang ito:

Ang obserbasyon ko sa paggamit ng wika sa programang ito ay gumagamit ng dalawang wika at ito ay wikang
Filipino at wikang Ingles bagamat di-pormal ang paggamit ng mga wika hindi naging dahilan iyon para hindi
maintindihan ng manonood ang daloy ng istorya.

Batay sa mga obserbasyong isinulat mo, maglahad ka ng 5 paraan kung paano pa maaaring itaas ang antas ng
ating wika sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula.

Para saakin ito ang limang paraan na maaaring itaas ang antas ng ating wika sa pamamagitan ng telebisyon,
radyo, diyaryo, at pelikula. Una rito ay ang patuloy pa ring paggamit ng wikang Filipino sa kahit anong aspeto.
Pangalawa ay ang patuloy na pagawa ng mga programa, pagbabalita, pagawa ng mga biswal na balita, at ang pagawa
ng mga pelikulang hindi lang napapanood dito sa ating bansa pati na rin sa iba’t ibang sulok ng bansa. Ikatlo, maiitaas
natin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo natin nito sa iba gamit ang telebisyon, mapa balita man s
radio o dyaryo iyan, at ang pelikulang ating pinapanood na ang ginagamit ay wikang Filipino. Ikaapat, maaaring nating
gamitin ang wikang Filipino hindi lamang sa di pormal na paraan o kolokyal o balbal. Maaari nating gamitin ang
pormal sa telebisyo at pag gawa ng pelikula. At ikalima, para saakin maiitaas na natin ang antas ng wika hindi lamang
sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula. Sa ating pag kilala at pag tangkilik ng ating sariling wika ay
naitaas natin ang wikang Filipino. Hanggat hindi natin ito nalilimutan, hanggat ginagamit nating ang wikang Filipino
ito ay naitataas natin ang sariling wika natin, ang pambansang wika, ang wikang Filipino.

You might also like