You are on page 1of 2

Paghilom

Sa isang maliit na bayan na nakakubli sa baybayin ng malalim na asul na karagatan, naninirahan


ang isang babaeng nagngangalang Abyang. Siya ay isang masigla at masayahin na babae.

Simpleng pamumuhay lang ang meron sila, umiikot lang ang mundo ng mga mamamayan sa
nasabing isla maliban kay Abyang. Nagtuturo siya sa mga bata sa isla dahil ito na ang kanyang
pangarap simula bata pa lamang siya, ang maging isang guro. Mataas ang kanyang pangarap
ngunit maraming balakid para matupad niya ito.

Ang buhay ni Abyang ay tahimik at masaya hanggang sa dumating si Donggon, isang


estrangherong manlalakbay. Mula sa kanyang maamong mukha at matikas na pangangatawan,
kanyang napatibok ang puso at napaibig si Abyang. Nahulog din ang loob si Abyangsa kanyang
mga pangako.

Walang katumbas na saya ang pagsasama nilang dalawa. Lumalim ang kanilang pag-iibigan
hanggang sa ito’y nagbunga ng isang munting biyaya. Labis ang kanilang kasiyahan nang
isinilang ang isang munting anghel at ito’y pinangalanan nilang Paubari.

Si Paubari ang naging sentro ng kanilang buhay. Dahil dito, hindi na muling umalis si Donggon
at nanatili siya sa isla para sa kanilang binuong pamilya. Para buhayin ang kanyang mag-ina,
siya’y pumapalaot sa dagat araw-araw upang mangisda at maghanapbuhay.

Isang hindi inaasahang araw, habang nasa laot para manghuli ng isda, biglang nagbago ang
panahon. Malakas na bagyo ang dumating, na nagdulot ng mabagsik na alon at malakas na
hangin. Sinikap Donggon na labanan ang takot sa pag-asang malagpsan niya ang trahedyang ito
subalit hindi umayon sa kanya ang tadhana at sa kasamaang palad, siay’y dinala ng agos sa
malayong lugar.

Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ni Abyang at walang kaalam alam sa nangyari sa


kanyang asawa. Nagdaan ang mga linggo at buwan, patuloy na umaasa si Abyang na makauwi
pa agn kanyang asawa. Subalit lumipas na ang taon, hindi parin natupad ang kanyang inaasam.
Hanggang sa unti-unti na rin niyang natanggap ang katotohanang hindi na siya babalikan pa.
Ang lungkot ay naging bahagi na ng kaniyang araw-araw na buhay. Ang naiwang ala-ala na
lamang niya ang natatangi niyang lakas para mabuhay sa mundo, at ito ay ang kanilang anak.

Bagaman ang lungkot ay nananatili, nagawang ipagpatuloy ni Abyang ang kaniyang buhay. Sa
kabila ng pagsubok at pighati na dulot ng trahedyang iyon. Natutunan ni Abyang na maging
matatag at lumaban sa hamon ng buhay. Sa bawat araw, patuloy niyang pinapaalala sa sarili na
kahit wala sa tabi nilang mag-ina ang kanyang asawa, ang kaniyang pagmamahal at alaala ay
mananatili magpakailanman.

You might also like