You are on page 1of 1

Dati

Kung ating tatalakayin ang panahon natin ngayon at ang panahon ni rizal ay hindi nalalayo sa
pagkakatulad, Sa panahon ni rizal, ang kapangyarihan ng mga prayle ay itinuturing na ginintuang
salita ,Kasindak-sindak na kontrol, na sa isang maling salita at gawa lamang ay lumot ang iyong
ikahahantong

Rizal, tulad ng pangarap niyang likas, edukasyon ang solusyon sa kamangmangan ngunit, sa
mata ng nakararami ito’y para lamang sa mga lalaki at ang kababaihan sa bahay itinatabi o di
kaya’y sa beaterio kung saan ang tanging tinuturo lamang ay magdasal at paano maging
maamong asawa, anak at ina

At ang mga nakakaangat, mga mayayaman ika nga nila ay masigla at masipag at ang mga dukha
ay itinuturing na tamad, ang kanilang mga damdamin at saloobin ay binabalewa lamang ng
nakararami , At kung tutuusin hindi nagkakalayo ang mga isyu na nagaganap ngayon tulad ng dati,
Ngayon, kahit sa siglo ng teknolohiya, kawalan ng pagkakapantay-pantay ay tulad parin ng dati
ang ating mga magsasaka at mangingisda ay nasa ilalim pa rin , ngunit ang mga negosyante ay
na nanatiling sa tuktok ng kayamanan,

Diskriminasyon na parang usok ay patuloy pa ring bumabalot, sa pangakong pagbabago ay muling


umiikot, ang hustisya ay para lamang sa mga nakakaangat sa buhay at ang mga dukha ay naiiwan
a puot ng kadiliman, and kababaihan ay nananatiling nakakulong sa mga panlipunang norma

Pang Aabuso, karahasan at Hindi makatarungan na sistema ng hustisya ay talamak pa rin tulad ng
dati, Edukasyon nga’y para sa lahat sa makabagong panahon ngunit, kahit ang kababaihan nga’y
malaya nang mag-aral subalit marami pa ring naniniwalang, kulang kami sa kakayahan at hindi
kayang magtagumpay, Sa lupaing hindi pa rin makalimutan ang pagkakapantay-pantay,
naglalakbay na parang hangin.

Si Rizal, bilang isang mamamayan na mapanuri, ilaw sa madilim na harian ng kamangmangan.


Gamit ang kanyang husay sa pagsulat, kanyang minulat mga matang naka piring ng mga tao na
ang tanging hiling, ay maging malaya sa rehas ng pagkabilanggo Ang pag-iisip na kritikal, susi sa
pag-unlad,Sa landas ng lihim na pagpapakatao. Ang kanyang pag-asa, hindi napipigilan, Ang
pagsiklab ng damdamin, itinaguyod ang pag-asenso.

Ako, bilang mamamayan na mapanuri, Sa larangan ng marketing, gagamitin ang aking talento.
Mensahe ng pag-asa, ipaparating sa bawat patalastas, Pamulat ng mata, sa katotohanan na dapat
malaman. Sa bawat kampanya, sa bawat produkto, Itataguyod ang pag-asa at kamalayan.
Marketing, hindi lamang negosyo, Kundi instrumento ng pagbabago.

Mahalaga ang kritikal na kamalayan,Sa pag-unlad ng bayan, puno ng katarungan. Sa puso ng


bawat isa, pagpapahalaga, Sa bawat mamamayan, pagiging mapanuri ay hamon na itinuturing. Na
gaya pa rin ng dati marami pa rin tayo dapat ayusin, at magsisimula ito kung ikaw mismo ay
magbabago para sa ikabubuti ng iyong sarili

You might also like