You are on page 1of 4

I.

KRITIKAL – REPLEKSIYONG PAPEL 1 (KRP1) at PAG-UULAT – Indibidwal

Batay sa aking napanood na bidyu na isang webinar na may pamagat na “Anong

Bago: Ang Pagtuturo ng Filipino Bilang Pangalawang Wika sa Bagong Normal” mula sa mga

tagapanayam na sina Dr. Leticia Pagkalinawan at Dr. Rodney C. Jubilado ito ay tungkol sa

kung anong mga pagbabago at modipikasyon sa pagtuturo ng Filipino bilang ikalawang wika

sa bagong normal. Bilang isang guro sa Filipino na nakapagturo din nang kasagsagan ng

pandemya ay nadama ko at naintindihan ko ang mga paksang tinalakay ng dalawang

tagapanayam. Una, yaong kay Dr. Pagkalinawan na sinasabi niyang wala naman masyadong

nagbago na kung saan nilipat lang ang klasrum sa onlayn sa mga kurso/program na tinuturo

sa Pamantasan ng Hawaii. Isang bagay na para sa akin ay napakadali para sa kaniya dahil nga

naroroon siya sa ibang bansa na hindi gaanong mahirap ang pagtuturo onlayn hindi gaya rito

sa Pilipinas na talagang mahirap noong umpisa kasi naman nangangapa ang lahat, talagang

malaki ang pagbabago para sa akin.

Maganda rin yaong kaniyang nagawang konsepto sa pagtuturo na tinawag niyang

leticia pagkalinawan’s concept – baguhin ang maling paniniwala o pananaw, maging positibo

sa mga bagay-bagay. Isang paraan na gaya ko ay tinanggap nang buo na kailangan talaga

nating magpatuloy mabuhay kahit may COVID-19 at gayundin sa ating pagtuturo ay

kailangan nating gumawa ng mga kasangkapan sa pagtuturo at humanap ng mga metodo at

dulog sa pagtuturo ng wikang Filipino, panitikang Filipino at kulturang Filipino sa

pangkalahatan na isa rin sa aking natutuhan kay Dr. Pagkalinawan. Kung ihahambing natin

ang tinalakay nang unang tagapanayam ay angkop ang dalawang artikulo ni Jaohmi Javier na

may pamagat na “Makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino sa bagong kadawyan”

at “Mga pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa panahon ng pandemya” ni


Ruth Vizmanos na kapwa tumatalakay sa mga pamamaraan o metodo sa pagtuturo ng

Filipino sa bagong normal.

Sa artikulong inilathala ni Javier nakatala roon ang mga pamamaraang kaniyang

ginamit sa pagtuturo ay binubuo ng apat na Makrong Kasanayan, pagtuturo ng talasalitaan,

panitikan at ang pagtataya ng pagkatuto sa asignaturang Filipino na kaugnay nang kay Dr.

Pagkalinawan ay bumuo rin siya ng kaniyang sariling mga pamamaraan sa tulong at suporta

ng kaniyang paaralan.

Pagdating naman sa ikalawang tagapanayam na si Dr. Rodney C. Jubilado ay

kaniyang tinalakay ang tungkol sa pangalawang wika na aniya, “Ang pangalawang wikang ay

ang wikang sinasalita sa tahanan at paaralan sa Hawaii” na para sa akin ay gayundin ditto sa

Pilipinas na bilang isang taal na Filipino na nagsasalita ng wikang Sinurigawnon ay wikang

Filipino o wikang Ingles ang aking pangalawang wika kasi yaon ang wikang aking ginagamit

kapag ako ay nasa paaralan at minsan ay naggagamit ko rin sa tahanan.

Kaniya ring isinasaad ang mga pagdulog na dapat gawin sa pagtuturo ng onlayn na

para sa akin ay isang magandang lunsaran upang ako ay mas matuto pa dahil hanggang

ngayon ay patuloy pa rin ang pagtuturo onlayn. Gayundin kaalinsabay ng mga dulog ay

iniugnay rin niya ang tingkol sa classroom management kasi sa kaniyang sitwasyon na mga

banyaga ang kaniyang mga mag-aaral ay kinakailangan niya nga maayos at matibay na

classroom management upang masiguro niyang nakikinig at natututo ang kaniyang mga mag-

aaral. Isang bagay para sa akin ay mahalaga lalo na sa pagtuturo onlayn ay kinakailangan

mong isaalang-alang hindi lamang ang mga metodo at dulog sa pagtuturo kung hind imaging

kung papaano mo gawing payapa at makabuluhan ang iyong talakayan.

Mula sa tinalakay ni Dr. Jubilado tungkol sa dulog at paraan ng pagtuturo sa bagong

normal at gayundin sa classroom management ay maaari naman itong iugnay sa artikulong

inilathala ni Ruth Vizmanos na “Mga pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa


panahon ng pandemya” na kung saan ipinakita niya rito ang mga angkop na kagamitan sa

pagtuturo at gayundin kung papaano ituro ang mga paksain sa kaniyang mga mag-aaral at

pati na kung paano gawing epektibo ang pagtuturo kahit ito ay nagaganap onlayn at hindi sa

aktuwal na klasrum.

Ang dalawang tagapanayam ay kapwa tumatalakay sa pagbabagong naganap dulot

ang transisyon sa aktuwal na klase o pagtuturo tungo sa birtuwal o onlayn na talakayan.

Kagaya nila ay nagsumikap din ako at nanibago noong umpisa kung paano gawin o isagawa

ang pagtuturo kapag nakikita mo lamang ang mukha ng iyong mga mag-aaral sa iyong

laptop. Ang pinagkaiba lang namin ay naging madali para sa kanila ang pagtuturo sa bagong

normal at ang sa akin ay medyo nahirapan ako sa simula. Ang maganda lamang ditto ay hindi

nahinto ang pagtuturo at pagkatuto ng mga bata dahil lamang sa balakid na dala ng

pandemya.
SANGGUNIAN

Kinuha mula sa:

https://www.researchgate.net/publication/353658954_Mga_Pamamaraan_at_Kagamit

an_sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya?

_sg=NgZzEM9kZyHsBZO37Q3SY_pfukiW3Ay0pwOqA4yqVBYp4zUupj5oRYPsX

a9L6nzW28fO3F0Ek8eGktU&_tp=eyJjb250ZXh0Ijp7ImZpcnN0UGFnZSI6Il9kaXJl

Y3QiLCJwYWdlIjoiX2RpcmVjdCJ9fQ

Kinuha mula sa:

https://www.researchgate.net/publication/356961725_Makabagong_Pamamaraan_ng_

Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Bagong_Kadawyan?

_sg=k7v0fRLGTls1HdNUDUyDWmr26-3k0OzndSnRZngsPqo8-

nylr_wy6NUdT7kbuqiDpJrLrv0dnULMXEY&_tp=eyJjb250ZXh0Ijp7ImZpcnN0UG

FnZSI6Il9kaXJlY3QiLCJwYWdlIjoiX2RpcmVjdCJ9fQ

You might also like